Class 3-C Has A Secret | comp...

By enahguevarra

17.8M 319K 103K

WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA... More

C3CHAS REPRINT 2019
C3CHAS TRILOGY
WELCOME TO HELL
C1: Teacher Yuko is ... dead?
C2: Confession
C3: The Call
C4: Mortem iuxta est
C5: A warning
C6: Akira
C7: Punishments
C8: Revelations
C9: An old friend
C10: Psycho
C11: Secrets are about to unfold
C12: Conflicts
C14: The witness
C15: The forgotten flower
[Extra Chapter] Unfinished Business.
C16: Envy
C17: Betrayals
C18: Trust me, I'm lying
C19: Wrongdoers
C20: Hatred and Vengeance
C21: Is it over?
C22: Untold Feelings
C23: Obsessed
C24: White Roses
C25: You can't cheat Death
C26: The Queen Bee
C27: The Queen Bee (part 2)
C28: Memento Mori [UNEDITED]
C29: Luna
C30: Promises
C31: Deceitful Truth
C32: Goodbye, Summer
C33: The Sinners
C34: Truthful lies
C35: The game of Death
C36: Doubt
C37: Conspirator
C38: Fatalism
C39: Hush Hush
C40: Eagle's Prey
C41: Beginning of an end
C42: The monster inside
C43: Apocalypto
C44: Consequences
C45: To perish or to subsist
C46: Distorted
C47: The vengeful one
C48: The other side of the coin
C49: The one who sets fire
C50: The end is near
C51: The manipulator
C52: The last murderer
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE + TRAILER
C3CHAS Spin-Off

C13: Freya

317K 6.6K 1.7K
By enahguevarra

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

----


Vince's POV


Kanina ko pa siya tinitignan habang siya'y nahihimbing. Isang tingin mo lang sa kanya ay halatang sobra siyang pinahirapan ng kung sino mang demonyo ang gumawa sa kanya nito. Napilay ang dalawa niyang paa... may ilang tahi rin siya sa katawan dulot ng malalalim na saksak at mayroon ding siyang sugat sa leeg dahi sa mahigpit na pagkakatali sa kanya ng lubid.

Parang hindi ko na kayang makita siyang ganito. Pinahid ko ang mga luha na palabas sa mata ko... hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Maeri at hinalikan ito. Napakatatag niya. Hanggang ngayon, lumalaban pa rin siya. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang marahan kong hinahaplos ang kamay niya at unti unting dinidikit sa pisngi ko. Hindi ko mapaliwanag ang lungkot na nadarama ko. Ang babaeng pinapangarap ko... ang pinapahalagahan ko... hindi niya dapat naranasan ang mga ito..

"Mabuti na lang at hindi natamaan ang mga vital organs ng katawan niya... kundi baka wala na siya ngayon." Naalala ko ang sinabi ng doktor.

Hindi pa nakukuwento ni Maeri ang mga nanyari sa kanya at ayaw ko ring marinig ang mga iyon. Hahanapin ko ang taong may responsable sa nanyari. 

"V-Vince." Narinig ko ang mahina niyang pagtawag sa pangalan ko.

"Magpahinga ka lang Maeri. Nandito lang ako." Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang naramdaman ko ang panginginig nito. 

"Salamat Vince. M-maraming salamat." Kitang-kita na napakahina niya ngayon ngunit nagawa pa niyang ngumiti. "Sa lahat ng t-taong nakakasama ko. Ikaw lang ang nanatili sa tabi ko. Ikaw lang ang naging totoo sa akin at sorry din sa lahat." May mga luhang tumulo mula sa mga mata niya, agad ko namang pinunasan ito gamit ng kamay ko. "Sorry. Sorry talaga." Paulit-ulit niyang sinabi.

Muli kong naramdaman ang maaring pagpatak ng mga luha ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya at inilagay ang mga kamay ko sa ibabaw ng mga mata niya. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata niya.

"A-Ayaw kong makita mo akong ganito." Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko ngunit hindi ko talaga kaya lalo na't kahit anong sabihin at iyak ang gawin ko, walang magbabago. "Magpahinga ka na Maeri."

Ilang oras na ang nakalipas at nakatulog muli siya. Narinig ko nag-ring ang phone ko, kinuha ko ito sa may lamesa at tumayo para lumabas.

"Akira." Ang sabi ko habang kausap ko siya sa phone.

Nakuha ang atensyon ko ng isang lalaking dumaan sa harapan ko. Naka-jacket siya na itim at ang hood niya ay nakatakip sa mukha niya. May kakaiba siyang aura na binibigay na para bang kailangan kong mag-ingat..

"Sige, papunta na ko diyan." Tugon ko. Binulsa ko ang phone. Sinilip ko muli si Maeri at nakita kong himbing na himbing pa rin siya sa pagtulog.

Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na palayo.


Amanda's POV


1 year ago...

"Amanda Fortalejo.Pumunta ka sa OSA (Office of Student's Affairs) after ng class." Sabi ni teacher pagkapasok niya palang sa classroom. Inilapag niya ang mga dala niya sa teacher's table at tinignan ang lahat na may ngiti sa mga labi saka nag-discuss.

Habang ang lahat ay nakatingin pa rin sa akin. Mukhang alam na nila kung bakit ako pinapatawag. Tumingin ako kay Freya na nasa tabi ko lamang at kanina pa pinaglalaruan ang kanyang lapis. Naka-half smile siya... mas lalo akong nainis.

"What's the problem Miss Fortalejo?" muling nakuha ko ang atensyon ng lahat. Hindi ko napansin na nabali ko na pala ang hawak kong lapis.

"Wala po maam." Sagot ko naman. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Freya na mas lalo pang nagpakulo ng dugo ko.

"Alam mo... kung ako sayo, aamin na ko." Narinig ko pang sinabi ni Freya.

"Wala akong dapat aminin." Sabi ko habang nakatingin nang deretso sa black board.

"Talaga lang ha?" pagkatapos ay tumawa muli siya nang mahina, halatang inaasar lang ako. Napasimangot ako dahil sa dismaya. Bakit ba ako nagpapatalo sa loser na ito? Eh sa tutuusin, tinatapak-tapak ko lang naman siya eh. Nakakairita.

Ngunit kahit na gustong gusto kong tumayo at sabunutan si Freya at hatakin pababa ng building ay hindi ko na ginawa. Hindi ko na lang pinansin ang mga pang-aasar niya. Ano ba ang dapat kong aminin? Hindi ako ang tumulak kay Summer. Inosente ako.

Hindi ko alam kung bakit naging ganito ako. Si Summer lang naman ang nagturo sa akin nito eh, ang kasikatan, pagmamahal ng lahat... nakuha ko yon dahil sa kanya at mas lalo akong nauhaw... gusto ko pa ng mas marami. Hindi pa ako kuntento.

Mabilis lumipas ang panahon. Napapalitan ang kalendaryo at sa kasamaang palad, tapos na ang kay Summer. Ang akin naman ang pagtutuunan ng pansin ng mga tao. Walang makakapigil sa akin. Gusto ko ang atensyon ng lahat... dapat sa akin lang nakalingon ang mga ulo nila. Dapat ako lang ang tinitignan nila.

"Amanda, ikaw ba talaga ang may gawa nun?" nasa harap ko si Maam Melinda ang nakatalaga sa OSA ng school namin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala akong kinalaman doon?" sabi ko habang nakaupo sa harapan niya. Dere-deretso ang pananalita ko na walang halong pag-aalinlangan. Deretso rin ang pagtingin ko sa mga mata niya upang wala siyang ispin na iba. "Hindi ba kayo naniniwala sa akin?"

"Pero Miss Fortalejo, ikaw lang ang may malaking galit sa kanya."

"Sigurado kayo na ako lang?"

"Sino pa ba?" kitang kita ko sa mukha niya ang pagka-interesado sa mga sasabihin ko. Ngumiti ako bago tumugon sa tanong niya. 

"Si Freya."

Tumingin lang siya sa akin na takang taka.

"Hindi kayang gawin ni Freya yon. Impossibleng magawa niya yon. Sigurado ka ba Amanda?"

"Nakita kong tinulak niya si Summer pero kung ayaw nyong maniwala sa akin. Edi wag, i-kick out niyo ako at tignan nyo ang manyayari sa school nyo. Ano kayang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang hindi nyo pinarusahan ang dapat parusahan?" pananakot ko sa kanya. Wala siyang nagawa sa dulo kundi kausapin si Freya. Ilang minuto na akong naghihintay sa paglabas ni Freya sa OSA. Sa simula palang, alam kong magwawagi ako.  Hindi nila alam ang kayang gawin ni Amanda Fortalejo.

"Oh kamusta ka na Freya? Ayos ka lang ba?" nakita ko siyang umiiyak habang naglalakad ito palabas ng office. "Buti nga sayo!" at tinawanan ko lang siya. Tumingin lang siya sa akin nang masama.Hindi ko alam ang sinabi ni Maam Melinda sa kanya pero alam kong...talo siya.

"Ano, galit ka na ba?" pang-aasar ko muli. Binato ko sa kanya ang panyo ko. "Oh ayan! Umiyak ka hangga't gusto mo!" Naglakad na ko palayo na may malaking ngiti sa aking mga labi. Nanalo ako

"Lalalabas din ang katotohanan! Tandaan mo yan Amanda!" sigaw niya sa akin. Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko at dali dali akong pumunta sa C.R. Hingal na hingal kong sinarado ang pinto at nagkulong doon. Pawis na pawis ako sa di malamang dahilan... kumakabog ang dibdib ko at kabadong kabado. 

K-Katotohanan? Sinong tinatakot niya? Walang katotohanan na dapat malaman.....hindi nila dapat malaman. Walang makakatuklas ng sikreto ko. Ang sikreto namin.


Matagal na ring natapos ang araw na iyon. Muntik ko na ngang makalimutan eh pero noong nakita ko muli si Summer biglang nanumbalik ang lahat. Hindi ko mapigilan ang matulala nang araw na iyon. Muli kong naalala ang mga nanyari dati. Kaba. Parehong kaba pa rin ang nadarama ko.

"Naalala mo pa si Freya?" tumingin ako kay Andy na tahimik pa rin buhat nang dumating siya. "Naalala mo pa siya diba?" Imbis na sagutin  niya ang tanong ko ay kinuha niya ang bag niya sa katabi niyang upuan.

"Mauna na ako Amanda." Pamamaalam niya at naglakad na siya palayo. Kahit kailan iniiwasan niya talaga lahat ng topic tungkol kay Freya. Tinawagan ko pa naman siya kahit gabi na para lamang malinaw ang mga bagay bagay na nanyari pero walang nanyari. Hindi ko alam kung bakit ngunit tulad niya, hangga't sa maari ayaw ko rin pag-usapan ang tungkol kay Freya. Nanunumbalik ang lahat. Pero kailangan... isa siya sa mga possibleng dahilan kung bakit nanyayari ang mga ito. 


Andy's POV


Mabilis akong naglakad palabas at tuloy tuloy ako kahit na nasa gilid ako ng daan. Kahit sa ingay ng paligid, tila ba bingi pa rin ako dahil sa dami ng nasa isipan ko. Naalala ko ang panyayaring  ng gabing iyon. Dito mismo sa kinatatayuan ko, dito mismo sa may tulay.

"Umalis ka! Tatalon na ko." Tumingin ako kay Freya na nakatayo sa gilid ng tulay at isang hakbang na lang niya ay siguradong mahuhulog siya sa ilog sa ibaba na tiyak na ikakamatay niya. Nanlalaki ang mga mata kong tumakbo papalapit sa kanya pero pinigilan niya ako hawakan ko siya. Kaya wala na kong inaksayang panahon at kinausap siya.

"Kapag ba ginawa mo yan... maayos na ang lahat? Sa tingin mo babalik ang lahat sa dati nitong ayos?!" sigaw ko. Lumapit pa ako sa kanya.

"Naka-coma si Summer... ako ang tinuturo ng lahat... ba't nandito ka pa ba?" tugon niya.

"Para sayo." Sabi ko nang hindi nagdadalawang-isip.

"Andy..." Mahina man ay narinig ko pa rin ang pagtawag niya sa pangalan ko. Tumingin ako sa kanya na may pag-asa na maari niya akong pagbigyan, na hindi na niya pagpapatuloy ang gagawin niyang pagpapakamatay. Freya.. makinig ka sa akin.

 "Abutin mo ang kamay ko Freya." dahan dahan kong itinaas ang kamay ko, sapat upang maabot ni Freya.

"Kapag ba inabot ko ang kamay mo... mamahalin mo na ako?"

Natahimik ako.

"O diba? Hindi mo naman kaya... .ano pa bang saysay ko? Wala na ako sa school, na-kick out na ko. Wala akong mga malalapitan na kaibigan. Lahat sila... hindi nila ako pinaniwalaan." Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan sa kanyang boses. Bigla kong naramdaman ng kakaibang kirot sa puso.

Freya...

"Freya..nandito pa ako.." mas lalo ko pang itinaas ang kamay ko.

"Naniniwala ka ba na hindi ako ang tumulak sa kanya?"

Natahimik muli ako.

"Tignan mo, pati ikaw nagdududa sa akin." Narinig kong ang mahina niyang pagtawa ngunit kahit tumawa siya, kalungkutan pa rin ang nangingibabaw. "Sino ba ang kakampi ko Andy? Sabihin mo... may dadamay pa ba sa akin? Nag-iisa na lang ba akong lumalaban? Paano ako babangon muli kung wasak na wasak na ang imahe ko?" 

Ilang sandali ay pilit na niya akong pinaalis  at wala akong nagawa kung hindi iwanan siya sa tulay na iyon. Hindi ko alam kung ano na ang nanyari kay Freya, wala na akong narinig na balita sa kanya pero lagi ko siyang napapanaginipan... lagi siyang humihingi ng tulong sa panaginip ko..

Umupo ako sa may tulay. Kaharap ko ang mga saksakyan na humaharurot sa daan. Nilagay ko ang mga kamay ko sa ulo ko at yumuko. Bumabalik ang mga alaala ni Freya sa utak ko. Lahat lahat... hindi ko alam kung bakit siya naging ganun basta isang araw bigla na lang siyang nagbago ang pananalita, ang kilos at pati pag-iisip niya... lahat.

Kinuha ko ang litrato niya sa wallet ko. Simula noon dito ko lang nakita ang mukha niya na maaliwalas, nakangiti at masaya. Namimiss ko na ang tawa niya. Lahat ng iyon nawala na parang bula. Nilukot ko ang litrato at tinapon sa gitna ng daan. Gusto kong makalimot ngunit kaya ko ba?

Tumayo na ako at naglakad muli.


Denise's POV

Dinala ako ni mama sa hospital. Ilang beses ko ng sinasabi kay mama na ayos lang ako at hindi na dapat ako ipatingin sa doktor ngunit masyado siyang mapilit. Nandito ako ngayon at naghihintay sa labas ng clinic ng doktor. Hinihintay ko lang si mama na kasalukuyang kinakusap ng doktor.

Sinuot ko muna ang earphones ko at pinatugtog ang mga paborito kong kanta. Nakayuko lamang ako habang nakikinig nang may nakita akong mga paa na nasa harapan ko. Hinubad ko muna ang earphones sa tainga ko at tumingin sa nasa harap ko. May isang babae na siguro ay kaedad ko lamang. May hawak siyang unan at nakatingin lamang sa akin. Nginitian niya ako at ngumiti naman ako sa kanya.

"Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin. Masigla siya na para bang bata, abot tainga ang ngiti niya . 

"Denise. Ikaw, anong pangalan mo?" para akong nakikipag-usap sa isang bata pero ang ganda niya. Ngumuso siya na parang bata bago sumagot.

"Freya."

-----------------------------------------x

Continue Reading

You'll Also Like

168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
6.7M 343K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
30.6K 1.1K 9
Lahat nga ba ng nang-iwan, naging masaya? |Short Story|
9M 155K 62
"Because some secrets ... just might kill you." ••• Date started: January 29, 2013 Date finished: June 22, 2014 Wag basahin kung hindi pa nababasa an...