Dear Baby - Published by PHR

By FGirlWriter

4M 72.6K 5.2K

Dear Baby, how can I forgive him? And how can I forgive... myself? Do you forgive... us? Can you forgive... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Epilogue

Chapter Twenty-Two

121K 2.4K 168
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-TWO

"WILL you marry me, Duke?"

Napasimangot si Trisha nang malakas na tumawa ito kahit halatang nagulat ito. Mabilis siyang bumangon at hinampas ito ng unan. Lalo itong natawa.

"Duke!" saway niya rito.

Natatawa pa rin ito. "Nagpo-propose ka? Nasaan ang singsing?"

Hinampas niya ulit ito ng unan. "'Yes' or 'No' lang naman ang isasagot mo, Duke," naiinis na sabi niya at saka bumalik sa pagkakahiga. Tumalikod siya rito.

Tumigil na ito sa pagtawa. Mahabang katahimikan ang namayani.

"Bakit ka naman biglang nag-aalok ng kasal?"

Pumikit siya. "Napa-paranoid ako. Parang hanggang sa hindi tayo kasal baka ano na naman mangyari. Baka magkahiwalay na naman tayo," walang paliguy-logoy na sagot naman niya.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Okay."

Napadilat siya at biglang napaharap dito. "H-Huh?"

He tucked her loose hair behind her ears. "Yes, Trisha." He kissed her forehead. "I'll marry you."

"Yes!" napatili si Trisha sa saya at saka ito niyakap nang mahigpit. "Hindi ka lang napipilitan, ah?"

Umiling ito. "Ako pa ba ang mapipilitan?"

"Oo nga naman. Pa'no mo naman matatanggihan ang kagandahan ko, di'ba?"

Napakaligaya ng mga halakhak ni Duke. "That's my girl."

***

NAGISING si Trisha kinabukasan na wala na si Duke sa tabi niya. Bumangon siya at nagpalinga-linga. Saktong palabas ito ng banyo. He's wearing a long-sleeved polo and black slacks. Nirolyo nito hanggang siko ang sleeves ng suot nitong polo. Nakasuklay rin ng maayos ang buhok nito.

"Saan ka pupunta?" tanong niya rito habang kinukusot-kusot ang mga mata.

"Actually, may pupuntahan tayo. Kaya maligo ka na rin," anito habang sinusuot ang black leather shoes nito.

Napahikab siya. "Wala akong damit."

Tumayo ito at may kinuha sa gilid ng kama. Inabot nito ang isang paperbag sa kanya. "Nakita ko iyan sa kotse ko kanina. Damit siguro ni Lana. Hayan na lang ang suotin mo."

Kinuha niya ang damit sa loob. Isa iyong white haltered dress with pink coture. "Wow. Saang binyag ba punta natin?" biro niya. Pareho kasi silang nakaputi kapag nagkataon.

Ngumisi ito. "Inalok mo 'ko ng kasal kahapon, di'ba?"

Tumayo na siya mula sa higaan. "Oo. Bakit?" inosenteng tanong niya habang inaayos ang higaan.

"Then, we're getting married today."

Gulat na napalingon siya rito. Ngumiti ito. "Surprised? Akala mo ikaw lang puwedeng manggulat?"

"M-Magpapaksal tayo? N-Ngayon?" Napalunok siya. Mukhang bumalik sa kanya ang pambibigla niya rito kagabi.

Tumango ito. "Civil muna. Para hindi ka na ma-paranoid. So... let's get married later?"

***

NATATAWA na lang sina Trisha at Duke pagkatapos nilang tawagan ang lahat ng taong malalapit sa kanila para ibalita ang katatapos pa lang na civil wedding nila. Ang mayor ng Bulacan ang mismong nagkasal sa kanila. Dalawang personnel sa munisipyo ang mismong naging witness nila.

"Pupunta na daw sila rito," sabi ni Trisha sa nobyo—este "asawa" pala.

Hinawakan nito ang kamay niya. "Well, congratulations to us!" masayang sabi nito.

"Ang lakas talaga ng trip natin."

"Pero, magpapakasal tayo ulit," pangako nito sa kanya. "I'll give you a grand royal wedding after you graduate."

Napangiti siya at hinalikan ito sa pisngi. "Thank you, Duke. Thank you for loving me."

"It's my pleasure, Mrs. Aguilar," nakangiting sabi nito at saka sila magkahawak kamay na bumalik sa kanilang kotse papunta sa "reception" kung saan magkikita-kita sila ng mga kaibigan nila.


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
132K 3K 71
Started: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* Si Lexi, isang mayaman, matalino at maga...
324K 17.5K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.3M 77K 28
A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️ 2018 (Published 2019 by PHR)