Prologue

544K 5.3K 514
  • Dedicated to Emyr Trisha S. Magpoc
                                    

Written: 2013

Proofread: Julrem, 2017

Re-edited: 2020

Published under LIB (2014) and PHR (2017)

***

PROLOGUE

Dear baby,

When I first saw him, I knew he's the one for me. Mabilis nga siguro ang mga nangyari. Pero nasusukat ba ang totoong love kapag matagal mo nang kilala ang isang tao? Or time does not really matter? Lalo na kung puso mo na mismo ang sumisigaw na gusto mo siya? Mahal mo siya?

Every day with him felt so right. I am happy. We're so happy. Is it too early to say? I want to be with him forever. Kahit hindi ko pa alam ang buo niyang pangalan, I fell in love so hard with the man named "Duke". I love him. Yes! I love him! Matapos lang ang cruise na 'to, iuuwi ko talaga si Duke sa Pilipinas. Haha!

"GUSTO mo kong iuwi sa Pilipinas?"

Mula sa kinauupuan niyang beach chair na nasa top deck ng barko, napalingon si Trisha at mabilis na sinara ang diary niya.

Mabilis ang naging pagtibok ng puso niya nang masilayan niya ang nakangiting mukha ng lalaking sa tingin niya ay ang pinakaguwapo sa lahat nang nakilala niya. "D-Duke? K-Kanina ka pa ba diyan?" nanlalaking matang sabi niya.

Umiling ito. "Hindi naman ganoon katagal." Nakangiti ito at kitang-kita ang amusement sa mga mata habang nakatingin sa kanya.

"Weh? Nabasa mo yung diary ko, eh!"

Umiling ito. "Nope," tanggi nito. "Yung last sentence lang."

Napalabi siya. "Sigurado ka? Hindi mo nabasa yung sentence bago yun?" paninigurado niya.

Hindi ito sumagot bagkus ay iniba ang usapan. "Bakit ka nagsusulat sa diary mo, eh, umaga pa lang. Diba dapat sa gabi para i-sa-summary mo ang kuwento ng buong araw mo?"

"Bakit? Aangal ba ang diary ko kapag sumulat ako sa umaga?" pagsusungit niya dito. Pero sa loob-loob niya, kinakabahan sa kilig!

Kinakabahan sa kilig?? Ano yun, Trisha? tanong niya sa isip. Hindi na gumagana ng straight ang utak niya. Kaka-graduate pa lang naman niya ng college, pero nakalimutan niya na yata ang tamang pagde-describe ng feelings niya.

Kasalanan lahat iyon ni Duke. Ang guwapong lalaking nasa harap niya na "nakasama" niya sa solo European cruise na iyon. That one-month all-expense paid cruise was her parents' graduation gift to her.

She just graduated from college two weeks ago with a degree in Hotel and Restaurant Management. Their family owns a chain of restaurants in the Philippines. Ang ama niya ang nagsabi sa kanyang kumuha siya ng HRM at pagkatapos ay ituloy iyon sa Masters in Business Administration. Sa kanya na daw kasi ipapamana sa future ang malaking business nila.

Actually, hindi naman dapat siya ang pamamanahan niyon kung sakali. Ang nakatatanda niyang kapatid na babae ang dapat na humawak niyon. Ang kaso, teenager pa lang ang ate Diana niya nang maglayas ito at makipagtanan sa nobyo nito. Sampung taon na mula nang mangyari iyon. Hindi niya na ulit nakita ang ate niya pagkatapos dahil itinakwil na ito ng tuluyan ng ama nila at kahit pagbisita sa kanila ay hindi puwedeng gawin ng kapatid niya.

Kaya naman kahit ayaw niya ng kurso niya ay kinuha niya na lang dahil hindi rin naman niya masusuway ang kanyang Papa. Don Benedicto Gregorio -her father, is a dominant and powerful man. Lahat ng gusto nito ay dapat masunod. Oras na may tumutol dito, lagot na. Kaya nga hindi na lang siya nakipagtalo sa Papa niya sa kukunin niyang kurso sa kolehiyo. Tutal naman ay kasama niya ang bestfriend niya na si Agatha na kumuha lang rin ng HRM dahil may malalaking hotels naman na business ang pamilya nito

Dear Baby - Published by PHRWhere stories live. Discover now