Chapter Seven

128K 2.5K 327
                                    

CHAPTER SEVEN

UMAKYAT si Trisha sa kuwarto niya habang buhat-buhat ang pamangking si Daniella. Nasa business trip muli ang ate at bayaw niya kaya naman sa kanila muna ang pamangkin. Gustong-gusto niya namang inaalagaan ang bata kaya walang kaso sa kanya kahit ilang beses o gaano ito katagal iwan doon ng kapatid niya kapag may inaasikaso ito kasama ang asawa.

Pagkapasok niya ng kuwarto ay agad niya itong ibinaba sa kama niya at pinatong din doon ang cellphone niya. Mabilis siyang nakapagpalit ng komportableng shorts at shirt. Pagbalik niya sa higaan ay nakita niyang nilalaro na ni Daniella ang cellphone niya. Humiga siya sa kama at hinila payakap na hiniga ang pamangkin niya. Hawak pa rin nito ang cellphone niya at kung anu-anong kinakalikot nito.

Napahikab siya at pipikit sana ang mga mata nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya.

"Auntie Trish, someone's calling you, o." Inabot sa kanya ng pamangkin ang cellphone niya.

Kinuha niya iyon at tinignan ang screen.

Duke the Jerk calling...

Napasimangot si Trisha at ni-reject ang call. Ang kapal naman ng mukha nitong tumawag pagkatapos nang nangyari kanina? Hmp!

Ibabalik na niya sana ang cellphone niya kay Daniella nang tumunog na naman iyon.

Tinignan niya ang screen. Ito na naman ang tumatawag! "Ay, buwiset 'tong lalake na 'to! Hindi mo ba 'ko papatahimikin?!" singhal niya sa phone na patuloy sa pagtunog. Ni-reject niya ulit iyon.

"Why are you mad, Auntie Trish? Who called you?"

Binalingan niya ang pamangkin. "A monster. That's why I'm mad."

Nanlaki ang mga mata nito. "Bakit ka po tinatawagan ng monster?"

"Alam mo kasi, baby, ang beauty ni Auntie Trisha, medyo sikat. Umaabot hanggang sa monsters."

Daniella giggled. "The monster likes you, Auntie?"

"Yes and I'm so scared," sabi niya na parang takot na takot talaga. Sumiksik pa siya sa pamangkin niya.

Tumunog na naman ang cellphone niya. Pagtingin niya, si Duke na naman! Grabe, bakit ba hindi napapagod 'to?

Papatayin niya na lang sana ang cellphone niya para hindi na lang ito makatawag pero may pumasok na idea sa isip niya. Napatingin siya sa pamangkin niya na nakatingin sa nag-iingay niyang phone.

"Baby Daniella..."

Daniella's cute little eyes looked at her. "Po?"

In-accept niya ang call, nilagay niya sa loudspeaker iyon, at tinakpan muna ang mouthpiece para hindi siya marinig ni Duke sa kabilang linya.

"Hello?" rinig niyang sabi ni Duke sa kabilang linya pero hindi niya muna pinansin.

She smiled at her niece. "Do you like to talk to him?"

"Sa monster po?" gulat na sabi nito saka umiling ng mabilis at parang natatakot. "I don't want, Auntie Trisha."

"Hindi. Hindi na monster 'to. He's a guy. Try to talk to him." Kilala niya kasi ang pamangkin. Masyado itong makulit at kapag may nakakausap ay ang laging kuwento nito ay tungkol sa cartoons na napapanood nito. Madaldal ang pamangkin niya at minsan nakakaiinip ang napakahabang stories nito tungkol sa mga napapanood nitong cartoons sa Cartoon Network, Disney, at Nickelodeon.

"But, Auntie Trisha, Mama said I should not talk to strangers."

"Ay, ano, hindi pala siya guy," bawi niya sa unang sinabi. "Siya si... siya si Barney!"

Dear Baby - Published by PHRWhere stories live. Discover now