You Belong To Me (Published u...

By aLexisse_rOse

1.4M 28.6K 1.8K

Binalot ng pagtataka at pag-aalinlangan si Rhyme nang magkamalay siya sa isang di-makilalang silid. Ang pakir... More

You Belong To Me
Prologue
Chapter One: Stalker
Chapter Two: Mistaken
Chapter Three: His Name
Chapter Five: Stay
Chapter Six: Chance
Chapter Seven: His Coldness
Chapter Eight: Set Her Free
Chapter Nine: His Presence
Chapter Ten: Wishful Thinking
Chapter Eleven: Goodbye Kiss
Chapter Twelve: Hope
Epilogue

Chapter Four: Escape

87.6K 1.7K 65
By aLexisse_rOse

Chapter Four: Escape

                Palakad-lakad ako at hindi mapakali. Nagdadalawang isip kung itutuloy ko ang pinaplano. Naunahan ako ng kaba at takot. Pero kailangan kong lakasan ang loob. Kung hindi ko ito gagawin ay hindi ako makakatakas mula sa lalaki. Baka hindi na ako makaalis sa kinaroroonan ko kung patuloy akong maduduwag.

                Nang marinig ko ang pararating niyang mga yabag ay mabilis akong nagkubli sa likuran ng pinto, at nanginginig ang mga kamay habang hawak ang may kabigatan na flower vase na basta na lang nahagip ng paningin ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay siya. Nang sa wakas ay magbukas ang pinto at iniluwa ang lalaki. Pikit mata na inihampas ko sa kanya ang dalang flower vase. Tinamaan siya sa kaliwang braso. Hindi ko man siya napuruhan ay sapat na iyon para kumaripas ako ng takbo palabas ng kuwarto. Iyon na ang hinihintay kong pagkakataon.

                Pakiwari ko ay walang katapusan ang pasilyo na tinatahak ko. Nabuhayan lamang ako ng loob nang matanaw ang bungad ng hagdan. Malapit na sana ako nang may sumunggab sa akin mula sa likuran. Naabutan ako ng lalaki at walang kahirap-hirap na binuhat ako at sapilitang ibinalik sa loob ng kuwarto. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay wala akong laban sa lakas niya.

                Basta na lang niya akong hinagis sa ibabaw ng kama. Napasinghap ako nang bigla niya akong kinubabawan. At bago ko pa mahulaan ang igaganti niya, sakop na niya ang mga labi ko. A kiss that meant to punish. And I could taste the blood in my lips. Habang patuloy akong nanlalaban ay lalong siyang nagiging mabangis. Them suddenly he stopped and stared at me for a moment. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Too scared and terrified.

                "K-kirsten..." He was different again. Wala na ang mabagsik na anyo niya kanina. Sa sulok ng mga mata ay nakita ko siya na umupo sa dulo ng kama. Sapu-sapo ng mga palad ang mukha niya. I gasped when I heard him cursed himself. Bigla na lang siyang tumayo at tuluy-tuloy na lumabas ng kuwarto.

                I start crying even hard. I didn't expect things to turn out like this. And I was humiliated. My body is shaking that I couldn't even make a move. Nanatili lang akong nakahiga sa ibabaw ng kama hanggang sa makatulugan ko ang pag-iyak.

                Nagising ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Marahan akong nagmulat. At sa naglalabong paningin ay nakita ko ang lalaki na pumasok ng silid. Mayroon siyang bitbit na tray. Nag-abala pa rin siyang hatiran ako ng pagkain.  Pero sa sulok ng mga mata ko ay lihim ko siyang sinusundan ng tingin nang mahagip ng paningin ko ang malaking sugat niya sa kaliwang braso. Napangiwi ako sa pinsalang ginawa ko sa kanya.

                Napapikit ako nang makita ko siyang patungo sa akin. Nagkunwari akong natutulog. Naramdaman ko na lamang ang banayad niyang paghaplos sa buhok at pisngi ko.

                "I'm sorry. I never meant hurt you," he said with agony on his voice. Pagkaraan ay kinumutan niya ako bago naglakad palabas ng pinto.

               

                "Wait!" Pigil ko sa kanya.

                He stopped without looking at me.

                Mabilis akong bumangon at umahon sa kama. Tinungo ko ang banyo at nang lumabas ay may bitbit akong medical kit. Nanatili pa rin ang lalaki sa kinatatayuan niya at hinihintay ang sasabihin ko. Hindi ko maintindihan kung bakit wala akong makapa na galit sa dibdib ko. Siguro dahil may kasalanan din naman ako sa nangyari.

                "Come here," banayad kong utos. He barely even gives me a glance.

                 Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para lapitan siya at abutin ang sugatan niyang braso. Napapitlag ako nang bigla niyang iniiwas iyon.

                "K-Kailangang magamot ang sugat mo."

                "Don't bother," sagot niya na hindi pa rin tumitingin sa akin.

                "Do I need to beg?" Muli kong inaabot ang braso niya. Ngunit sa pagkakataon na iyon ay nagpaubaya na ang lalaki. Iginiya ko siya paupo sa kama at walang kibo na sumunod.

                "A-ako ang dapat mag-sorry sa'yo," I find myself talking to him, habang ginagamot ang kanyang sugat. "Hindi ko rin sinasadya na saktan ka. Buong buhay ko ngayon lang ako nakapanakit ng kapwa ko."

                His dark eyes are on mine. And for a long moment he was silent.

                "But it's your fault. Hindi ko maiisipan gawin iyon kung hindi mo ako ikinukulong ditto. Hanggang kailan mo ako itatago rito?"

                He stare down at my lips for a second, and then run his fingers over it. Napakislot ako. Malakas na ungol ang tinungon niya nang mapagtanto ang sugat sa gilid ng mga labi ko. He grabbed my arms at sinuri ang mga iyon. May ilang mapupulang bakas ang lumatay sa mga braso ko.

                "Damn it, Kirsten! You can be raped. Don't ever do that again, okay?" Inabot niya ako at mahigpit na niyakap. He buried his face on my hair. "I'm so sorry. Please forgive me," paulit-ulit niyang bulong. At sa mga oras na iyon ay nagawa ko siyang patawarin nang walang pag-aalinlangan.

                Nang magising ako kinabukasan, napansin ko agad ang mga bulaklak sa bedside. Hindi ko naiwasang mapangiti. I love flowers. At sapat na ang mga iyon para maging maganda ang simula ng araw ko kahit na alam ko na isang buong araw na naman ang bubunuin ko sa silid na iyon. Pero may pakiramdam ako na mayroong magandang mangyayari sa araw na ito. Hiling ko lang na sana ay tama ang instinct ko.

                Pagbangon ko ay wala akong nakitang pagkain sa mesa. Dati-rati naman paggising ko ay may almusal na akong nasisilayan doon. Wala sa loob na lumingon ako sa deskclock. Hindi kaya natutulog pa siya sa mga oras na ito?

                Napansin ko rin ang nakaawang na pinto. Noong una inisip ko na baka nakalimutan lang ng lalaki na isara iyon. Pero imposible. Maliban na lang kung sinadya niya na hindi iyon isara para makalabas ako. Ganon na lamang ang kabog ng dibdib ko habang humahakbang palapit sa pintuan. Hanggang sa tuluyan akong makalabas ng kuwarto ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Binaybay ko ang mahabang pasilyo hanggang sa matunton ang hagdanan. Nalula ako sa laki ng bahay. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang lugar na kinaroroonan ko.

                Maingat ang mga hakbang na bumaba ako ng hagdan. Iniiwasan na lumikha ng anumang ingay. Baka bigla na lang sumulpot ang lalaki at sapilitan na naman akong ibalik sa kuwarto. Ngunit hanggang sa makababa ako ay hindi naman siya nagpakita. At nakakapagtaka na tahimik ang buong paligid.

                Mabilis na tinungo ko ang main door.  Pero laking pagkadismaya ko nang mapagtanto na naka-locked iyon. Ilang beses ko ulit pinihit ang doorknob. Ngunit hindi ko pa rin iyon mabuksan. Luminga ako sa paligid. I'm sure there is another door somewhere. Kailangan kong mahanap iyon. Ngunit sa pag-atras ay may nasagi  ako na babasagin na pan-display at nahulog iyon sa sahig. Lumikha iyon ng ingay sa buong kabahayan.

                "Kirsten!" Bigla na lang sumulpot ang lalaki kung saan at mabilis akong nilapitan. "Are you alright?" 

                "H-hindi ko sinasadya na-"

                "I said are you alright? Hindi ka ba nasaktan?" Nag-aalala na tanong niya.

                "I-I'm fine," hindi ko malaman kung paano sasalubungin ang kanyang mga mata. Nahuli na naman niya ako na tumatakas.

                "Come with me." He grabbed my hand at sapilitan na isinama. Sigurado na ikukulong na naman niya ako. Nakasimangot na sumunod na lang ako sa kanya. Ngunit sa halip na ibalik niya ako sa kuwarto ay dinala niya ako sa kusina. Iyon pala ang pinagkakaabala niya kaya hindi ko siya mahagilap kanina.

                "You cook?" Naisip kong itanong nang ilapag niya sa harapan ko ang nilutong pagkain.

                "Give it a try. Come on," he urged playfully at inabutan ako kutsara.

                Napilitan akong tikman ang luto niya. Hindi ko inaasahan na magugustuhan ko ang lasa.

                "And?" Nakatitig siya sa akin habang naghihintay ng sagot ko.

                Ngumiti ako. "I like it. Masarap. Ikaw din ba ang nagluto ng mga pagkain na dinadala mo sa akin?"

                Tumango lang siya. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.

                "Ano ba ang profession mo? Chef ka siguro?" Hindi ko namamalayan na nagiging palagay ang loob ko sa kanya.

                Ngumiti lang siya ulit habang pinagmamasdan akong kumain. At habang tumatagal ay naku-concious ako sa ginagawa niyang pagtitig.

                Oh no! Ngayon ko lang naalala. Hindi pa pala ako nakapaghilamos at nakakapagmumog.

                "Where are you going?" Tanong niya nang bigla na lang akong tumayo.

                Hindi ko naman malaman kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol doon.

                "Kumain ka na muna," hinila niya ako pabalik sa upuan. "Pagkatapos ipapakita ko sayo ang library sa itaas."

                Tinupad naman ng lalaki ang sinabi niya. Pagkatapos kong mag-almusal ay dinala niya ako sa library na tinutukoy niya. At namangha ako sa dami ng mga libro na naroon. Natutuwa na nilapitan ko ang collection ng mga english novel. Karamihan ng mga paborito ko ay naroon. Hindi ko tuloy malaman kung alin at ano ang dadamputin ko. I'm a certified bookworm. Adik ako sa mga libro.

                "Do you like it here?" Narinig kong tanong niya habang amused na nakatitig sa akin.

                Sunud-sunod ang ginawa kong pagtango habang abala sa pag-i-scan ng mga librong naroon. This is so exciting. Sa sobrang kaabalahan ay hindi ko na namalayan na mag-isa na lamang ako sa silid na iyon. Nang mapagod ang mga mata ko sa katitingin ng mga libro ay naisip kong lumabas ng library. Hindi naman siguro magagalit ang lalaki kung maglilibot ako. Curious lang ako sa nilalaman ng malaking bahay na iyon. Hindi nga pala bahay ang tawag doon. Sa narinig ko kanina villa ang tawag doon ng lalaki. Now I know.

                Nakatuwaan ko na isa-isahin ang mga silid. Hindi ako mahilig sa mga antique at mamahaling kagamitan ngunit hindi ko maiwasang humanga sa kayamanan na mayroon ang villa. Lahat halos ng mga napapasukan kong silid ay mga bedroom. Nakakaapat na kuwarto na ako nang masorpresa sa panlimang silid.

                Para akong tinulos sa kinatatayuan nang bumungad sa akin ang life size photo na nakasabit sa dingding. Kamukhang-kamukha ko ang babae sa larawan. Pero nakakasiguro ako na hindi ako iyon.

                She must be...Kirsten!

                Tama ang hinala ko. Mistaken identity nga ang nagyari. Napagkamalan ako ng lalaki bilang si Kirsten. Kahit sino ay iisipin na ako ang babae na nasa larawan. At parang gusto ko na rin maniwala na baka nga ako iyon.

                Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong kakambal. May mga kapatid akong babae pero hindi naman ganon kalaki ang similarities ng aming mga mukha. Posible ba na magkaroon ako kamukha kahit hindi ko naman kadugo?

                Napaatras ako sa sobrang kalituhan at nagmamadaling lumabas. Pabalik na ako sa kuwarto ko nang makasalubong ang lalaki.

                "You okay? Namumutla ka?" Aniya na nilingon ang pinanggalingan ko.

                "S-sumakit lang ang ulo ko," pagdadahilan ko bago siya nilagpasan para muling pumihit paharap sa kanya nang may maalala. "Saan nga ba ang kuwarto ko rito?"

Continue Reading

You'll Also Like

568K 15.9K 30
Transferee at nag-iisang Pinay na estudyante si Mara Santacruz sa Sakura High School na matatagpuan sa Osaka, Japan. Dahil magkakilala ang mga estudy...
708K 20K 68
Mataba ako. Malaki ang tiyan ko pero hindi ako buntis. Kapag yumuko ako, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba ako. At hinuhusgahan ako ng tao base sa...
527K 7.6K 41
(š‹š”š‚šŠš˜ šƒš®šØš„šØš š² ššØšØš¤ šŸ) After being Archer's "lucky date", Vanessa is now engaged to him. Pero magiging lucky pa rin kaya siya sa pag...
14.8K 789 35
Carrel Saavedra & Sylvester Fuentes Start: April 15, 2020