Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Form...

Galing kay PollyNomial

458K 8.2K 567

Sa pagbabalik ni Mikaella Buenzalido Santos sa Pilipinas, may isa siyang napagtanto at kailangan tanggapin. I... Higit pa

Nasaan Na Ang Pag-ibig?
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Wakas
Hiram Na Pag-ibig
Formosa Series #3 Update

Kabanata 1

12.1K 220 4
Galing kay PollyNomial

A/N: Kabanata 1 na! Sana suportahan niyo po hanggang last. :) Enjoy reading.

Follow me on Twitter: @PollyNomialWP or click External Link. 

KABANATA 1 — Malalagkit na tingin

“Chest, 34. Waist, 23. Bottom, 35…” patuloy ang pagsukat ko sa babaeng nasa harap ko habang sinasabi sa assistant ko ang mga measurements na nakukuha ko. Nang matapos ay pinakita ko na ang plano kong design ng gown niya.

“Oh my god! This is really beautiful. You’re the best Ms. Ella.” Tinakpan ni Amanda ang bibig niya habang manghang mangha na nakatitig sa pinakita kong sketch ng gown niya.

“Oh, not really. I think the style isn’t enough yet. You have suggestions? Do you wanna add some raffles here or sequins or... anything. How about swarovski?”

“Calm down. Oh god. You really don’t have the confidence, you know. You’re good, Ms. Ella. Ang cool na kaya nito. I’m sure Eric will love this.” Niyakap pa niya ang sketch ng gown niya.

“You sure? Pwede ko pang baguhin yan. Like, you know, hmm.” Nag-isip ako ng iba pang pwedeng bagay na design sa katawan niya. I want her wedding to be perfect. I want everybody’s wedding to be perfect. That’s my job. I want to give them the best because they gave their trust on me.

“No, Ms. Ella. I told you. This is perfect. And I love it, very much!” matapos nun ay tinigilan ko na ang pangungulit sa kanya. Siguro naman ay nagandahan nga si Amanda dahil hanggang sa makaalis siya dito sa shop ko ay hindi na napawi ang ngiti sa labi niya. Pati ang boyfriend niyang kano ay nagandahan din sa ginawa kong design.

“Ms. Ella, do you still need anything?” tanong ni Nerissa sa akin, ang assistant ko.

“No, Neri. You can go home now.” Nakangiti kong utos ko sa kanya at tinuro ang pintuan.

“Thank you, Ms. Ella. Take care.”

“Take care.” Pagkasabi ko nun ay lumabas na siya. Sinilip ko ang bintana at nakita ang labas. Tahimik na ang kalsada ng New York. Most of the time, dito sa lugar kung saan nakatayo ang shop ko, ay wala nang tao sa labas ng seven ng gabi. Hindi kagaya sa Pilipinas na hanggang madaling araw ay gising ang mga tao.

Inayos ko ang mga gamit ko at nilagay sa drawer ang sketchpad ko. Isang buong araw nanaman ang nagtapos. Uuwi nanaman ako ng bahay at matutulog, pagkatapos nun ay gigising, pupunta ng shop at magtatrabaho. Paikot ikot lang. Cycle kumbaga. Ganyan ang takbo ng buhay ko dito sa New York. Walang thrill, puro trabaho.

Palabas na ako ng shop nang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at sinagot.

“Hello, Zac?”

“Hi, Ella! How’s your day? Are you on your way home?” tanong ni Zac sa akin, isa sa mga close friend ko dito sa New York.

“Nope. Still at the shop. Pero pauwi na dapat ako nung tumawag ka. Actually, nasa labas na ako.” Sabi ko habang nila-lock ang glass door ng shop.

“Good!” masayang sagot niya. “Wait for me, okay, I’ll be there in five minutes. I’ll pick you up.” Then he hung up the phone.

Napatingin nalang ako sa cellphone ko nang nakakunot ang noo. Ano naman kayang trip nitong si Zac at susunduin niya ako ngayon? Hindi naman sa hindi na iyon madalas gawin pero mukha kasing may iba sa boses niya kanina. Masaya siya?

“Ella!” tumayo ako sa inupuan kong bench dito sa park malapit sa shop ko nang tawagin ako ni Zac. Dito ako madalas maghintay sa kanya kapag susunduin niya ako.

“What’s up? Bakit mo ko sinusundo? Don’t you have work? Ang aga pa ah.” Tanong ko sa kanya nang pagbuksan niya ako ng kotse. Pumasok ako doon at hinintay siyang makapasok rin.

Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi niya kaya mas lalo akong nagtaka. Lumingon siya sa akin, ng nakangiti pa rin.

“Are you kidding me, Ella? Kinalimutan mo ba o talagang hindi mo lang maalala? It’s your birthday today!” bumilog ang mata ko sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang cellphone ko para makita ang date at oo nga! June 12. Birthday ko nga ngayon!

Napangisi ako at umiling sa katangahan ko.

“Guess you’ve been busy the whole day. Ni hindi mo na alam kung anong date ngayon.” Umiling siya at inistart na ang sasakyan.

“Yeah, I guess.” Malamig kong sabi at tumingin sa labas ng bintana. Mainit na ngayon dito sa New York dahil kakasimula lang ng summer. Kumpara sa nakaraang season ay mas masarap mamasyal sa season na ito. Sa tinatahak na daan ni Zac, kitang kita ang mga taong namamasyal. Bawat labas ng bar dito ay maraming tao dahil hanggang labas ay puno.

“Where are we going?” tanong ko.

“Saan pa ba? Of course at my bar. We’re gonna celebrate you twenty-fourth year here on earth.”

Natawa ako sa sinabi niya. Pero sa loob loob ko, ayoko sana. Sa tuwing birthday ko kasi, nadadagdagan ang haba ng taon na wala ako sa Pilipinas. Sa piling ng pamilya ko at mga kaibigan ko. Sa piling ni…

“Ayan ka nanaman eh.” huminto ang kotse ni Zac at nakita ko na nasa harap na pala kami ng bar niya. “Bakit ba every birthday mo, malungkot ka?”

“Alam mo na naman ang dahilan ko.” paglabas ko ng kotse ay sumandal ako doon. “Uulitin ko pa ba?”

“Why can’t you just forget him? Ang tagal na, Ella.” lumapit siya sa akin at pumwesto sa harap ko.

Kinagat ko ang labi ko. Maiiyak nanaman ako. Ang tagal tagal na pero tuwing maaalala ko siya, ang sakit pa rin. Naiiyak pa rin ako.

“Sinubukan ko naman eh. But I just can’t.” dun na siya tuluyang lumapit sa akin at niyakap ako. Pasalamat nalang at kapag nakakaramdam ako ng lungkot, may isang kaibigan akong malalabasan ng sakit at handang damayan ako. Salamat at laging nandito si Zac sa tabi kapag kailangan ko.

“C’mon, Ella. Let’s go inside and forget him, just for this night. Please?” Inalalayan niya akong makapasok ng bar niya.

Maraming tao pero hindi kami nahirapan dahil siya ang may-ari nito. Dinala niya ako sa bar counter at inorder ng tequila sunrise. Alam niyang hindi uubra sa akin ang simpleng juice lang kaya yan na agad ang binigay niya sa akin. Hindi naman ako agad tinatamaan dito.

“Thanks.” Sabi ko sa kanya at agad na ininom ang laman ng baso.

“Oh, chill lang. 'Wag ka munang maglasing dahil magse-celebrate pa tayo. Our friends are here.” Tinuro niya ang mga kaibigan kong nasa dance floor at busy sa pagwawala. Oo, nagwawala sila at hindi sumasayaw lang. Natawa ako sa kanila.

“Ang baliw talaga ng mga yan!” sigaw ko sa tenga ni Zac. Sobrang lakas ng music sa loob ng bar kaya naman hindi kami magkakarinigan kung hindi ako sisigaw.

“'Got the right words!” Tumawa si Zac at nilaklak ang bote ng beer na inorder niya.

“Ella! Happy birthday!” masayang bati sa akin ni Bianca. Kasama niya ang boyfriend niyang si Grey na ngumiti sa akin at tumango.

“Thank you, Bianca. Are you enjoying yourselves?” tanong ko sa mga kaibigan kong lumapit.

“Of course! 'Cause it’s free!” humalakhak si Bianca at tumawa rin ang iba pang nasa paligid namin. Nakakunot noo kong tiningnan si Zac.

“Free?” tanong ko sa kanya.

“Libre na silang lahat for this day. It’s you special day kaya ayos lang. Everybody! Everything’s free! Enjoy!” naghiyawan ang lahat ng nasa bar at mas lalong lumakas ang musika kaya naman mas lalong nagwala ang lahat.

“Wanna dance, Ella?” aya sa akin ni Zac. Kahit ang dami na niyang boteng naiinom ay gising na gising pa rin siya. Taong bar kasi kaya ganyan. At siya pa may-ari. Pinaikot niya ang braso sa bewang ko at lumapit sa akin. Hindi na ako nailang dahil sanay na ako sa ganyang kilos niya.

“Hmm, maya nalang. 'Kaw nalang muna.” Sabi ko sa kanya at ngumiti.

“Alright. I’ll be back.” Humalik siya sa pisngi ko bago umalis. Umiling nalang ako dahil sa itsura ng bartender nang makita ang ginawa sa akin ni Zac.

“It doesn’t mean anything.” Pagde-defend ko dahil alam ko ang nasa isip ng bartender na ito. Pilipino siya kaya ayan, mahalay ang isip. Di kagaya ng ibang bartender na kano dito. Normal lang sa kanila kahit mag-french kiss pa sa harap nila ang mga customer.

“Defensive ka naman, Ms. Ella eh.” biro niya sa akin. “By the way, Happy Birth— Excuse me.” Pasalamat lang at may tumawag sa kanyang customer kaya nawala ang atensyon niya sa akin.

Hindi ako defensive. Gaya ng sabi ko, normal na yun kay Zac. Laking Amerika siya kaya ayan, dala dala niya ang kultura ng bansang kinalakihan niya. Pilipino si Zac at teenager siya nang mag-migrate sila ng nanay niya dito sa New York. Nakapangasawa kasi ang nanay niya ng Amerikano kaya naman lumipat na sila dito. Mayaman ang pamilya ni Zac. Ang step father niya ay isang successful businessman dito sa New York at may ari ng isang car company. Ang nanay naman niya ay anak ng isang politiko sa Pilipinas. What do you expect? Edi ang daming pera ng pamilyang kinalakihan niya.

Sa edad na 26, masasabing na kay Zac na ang lahat ng ginusto niya sa buhay. Great and happy family, successful business, lahat nasa kanya na. Marami siyang kaibigan at maraming nagkakagusto sa kanya. Sino ba naman kasing aayaw sa isang hunk na katulad niya? Pati ata ako noon ay kamuntikan na. Kung wala lang talaga akong naiwan sa Pilipinas, baka na-inlove na rin ako sa kanya.

Pinilig ko ang ulo ko. Nahilo naman ako bigla kaya napahawak ako sa inuupuan kong stool at may humawak ng bewang ko kaya naman dumiretso ang upo ko. Tiningnan ko ang mga nainom ko nang tequila. Nakaka-anim na pala ako. May konting tama na.

“Be careful, miss.” Bulong ng isang lalaki sa tenga ko nang bitawan niya ako. Hindi ko siya nagawang tingnan dahil inaayos ko pa rin ang sarili ko para bumalik ako sa katinuan.

“Thank you.” Pasalamat ko nalang sa kanya. Naramdaman ko ang pag-alis niya sa tabi ko. Titingnan ko sana siya kaya lang ay nagsalita ang bartender na nang-asar sa akin kanina.

“Ms. Ella, water?” tanong nito sa akin. Tinanggap ko naman ang inabot nito at inisang lagok iyon. Medyo nahimasmasan naman ako.

Tumayo ako sa stool at lumapit sa mga kaibigan ko. May konting tama na ako. Okay na siguro 'to para makapagwala na rin ako. Wala na ko sa tamang pag-iisip at nagawa ko nang kalimutan ang mga gumugulo sa isip ko kanina.

“Look! Ella’s here! It’s time to party!” sigaw nila nang makita nila ako sa dance floor.

“Woohoo!” nagtilian ang mga babae at naghihiyawan naman ang mga lalaki.

Nararamdaman ko ang mga katawang bumabangga sa akin at may ilang umaakbay sa akin. Sa tingin ko ay kilala ko sila pero hindi ko na ma-distinguish ang bawat isa.

Sumayaw ako, giniling ang bewang ko at sumabay sa beat ng kanta. Tinataas ko pa ang kamay ko habang humihiyaw kasama ng mga kaibigan ko.

“Happy birthday to me!” malakas na sigaw ko kasabay ng malakas na musika.

Naramdaman ko namang may yumakap mula sa likod ko at hinarap ako. Naaninag ko ang mukha ni Zac sa ilalim ng madilim at iba ibang kulay ng lights. Pinaikot niya ang braso niya sa bewang ko. Ngumiti ako sa kanya at hinilig ang ulo ko sa dibdib niya. Sa tangkad niya, ay hanggang doon lang ang ulo ko. Pumailanlang ang mabagal na musika sa buong bar. Nagtigilan sa mabilis na paggalaw ang mga tao at sumayaw ang mga ito ng mabagal kasama ang mga ka-partner nila. Pumikit ako habang nakahilig sa dibdib ni Zac.

“I wish I could make you forget him. Even just for now.” He said in his huskiy voice. Nakapatong ang baba niya sa ulo ko kaya hindi ko makita ang mukha niya. I’m sorry, Zac. Matagal na nga ang panahong nakalipas pero hindi ko pa rin magawang kalimutan ang lalaking unang minahal ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mabigay ang gusto mo. I’m sorry.

Gustong gusto ko nang kalimutan siya. Sa maniwala sila o hindi, sinubukan ko. Pero hindi ko magawa. Tanging siya lang. Siya lang ang lalaking mamahalin ko. Dahil kung hindi, bakit hanggang ngayon, nandito pa rin siya sa puso ko?

Nang humiwalay siya sa akin ay hinarap niya ako at tinitigan ang mga mata ko. Sinuklian ko ang mga titig niya. Pinakiramdaman ko ang puso ko. Pero wala talaga. Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Matagal na siyang nagpahiwatig ng nararamdaman niya sa akin. Almost three years ago pero hindi ko pa rin iyon masuklian hanggang ngayon.

Lumapit ang mukha niya sa akin. Hindi ako lumayo. Hinalikan niya ang noo ko. Matagal pero wala pa rin akong naramdaman. Para akong manhid. Para akong bato. Pinipilit kong magkaroon ng pakiramdam pero wala pa rin.

Matagal kami sa ganoong pwesto nang humiwalay ako sa kanya. Lumingon ako sa paligid. Kanina, sa pwesto namin ni Zac, parang may nagmamatyag sa akin. Parang may mga matang nakatingin sa amin.

“Ella, what’s wrong?” tanong ni Zac nang pinaikot ko ang mata ko sa buong bar. Hanggang sa nakita ko ang pares ng mga matang nakatingin sa malayo.

Madilim ang paigid at ang mata lang ng lalaking iyon ang naaaninag ko. Matalim iyon pero malagkit ang mga tingin niya. At ang puso ko na kanina pa tahimik ay nagwala na sa loob ng dibdib ko. Bumilis ang pintig nito na parang tumatakbo at gustong lapitan ang mga matang iyon.

Hinigit ni Zac ang kamay ko at hinarap sa kanya. “Ano yun, Ella? What’s wrong?”

“Can you wait for me here? May titingnan lang ako. I think I saw someone I know.” Umalis ako sa harap niya at nakipagsisikan sa napupuno nang dance floor. Pabilis ng pabilis ang lakad ko papunta kung saan ko nakita ang mga matang iyon. Palakas ng palakas ang beat ng musika at nabibingi na ako pero hindi ko 'yun pinansin.

Nang makita ko ang lalaking nakatalikod sa akin ay nahawakan ko ang dibdib ko. Para itong minamartilyo sa lakas ng kabog. Hahawakan ko na sana ang balikat ng lalaki nang humarap siya.

At parang nabura ang lahat sa paligid nang makita ko siya. Napako ako sa kinatatayuan ko at nanlaki ang mga mata ko.

“V-vincent?”

“Mika…”

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

5.4K 159 20
Responsibility. Career. Beliefs. Love. Kapag dumating ka sa punto ng buhay mo na kailangan mong mamili, anong pipiliin mo? Yung responsibilidad mo...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
146K 4.1K 43
Sanay na sanay na si AJ Guevarra na napapaligiran ng mga kalalakihan. At iyon ay hindi dahil sa taglay niyang charms-kung meron man siya noon. Growin...