TIG2: Intertwined Fates

By Meishah22

15.3K 714 423

https://www.wattpad.com/story/31187347-the-impossible-girl-completed Check the above link given for Bo... More

Prologue/Trailer
Chapter 1: Thank you
Chapter 2: Farewell
Chapter 3: Moving On
Chapter 5: Accomplishment
Chapter 6: It's you
Chapter 7: Navin
Chapter 8: Sacrifice
Chapter 9: The Plan
Chapter 10: Follow your dream
Chapter 11: Amsterdam
Chapter 12: Bothering
Chapter 13: I found you
Chapter 14: It's decided
Chapter 15: Let's go home
Chapter 16: New Chapter
Chapter 17: Going back
Chapter 18: Conditions
19: Second Home
20: Maven
22: There She Is
23: Novus Lux Inc.
24: Teacher
25
26
27

Chapter 4: Blamed One

667 31 10
By Meishah22



Dedicated tochayna11. Enjoy reading! Leave some comment and stars please!! :D 

4months after Matthew's Accident

Papasok na sana ng klase si Jessy nang tinambangan siya ng mga schoolmates niya sa labas ng building. Mga babaeng may kasama ring lalake sa likuran nila. Nakita ito ni Jessy at alam niyang siya ang tinitingnan ng mga neto, pero siya na ang unang umiwas.

Lalampasan na sana niya ang mga ito nang hinablot ang brason niya at hinila pabalik sa labas. "May klase pa ako, ano kailangan niyo saken?" agad namang nag salita si Jessy.

"Oh my... acting so carefree huh? You know missy, there's rumours spreading about you." Ano nanamang klaseng rumour ito? Sa isip ni Jessy. Pinilit niyang mamuhay ng payapa sa loob ng University kahit na siya ang prino-provoke ng mga ito pero di talaga siya pumatol at nag timpi na lamang.

"Ikaw daw ang dahilan kung bakit hindi na bumalik si Miss Maven." Hindi na sumagot si Jessy. Huli na nga niya nalaman na umalis ito dahil sa kondisyon ng kapatid niya. "Kailangan ko na talaga pumasok." Pero hinila siya ulit pabalik ng isang babae.

"At ikaw rin ang dahilan kung bakit umalis si Matthew." Tinaasan siya ng kilay ng kababaihan at napa smirk na lamang ang mga kalalakihan sa kanya. "Alam mo, you always bring trouble to them Missy." Dagdag pa ng isang babae.

"At maging si Carl, sa sarili nilang University ay hindi niya rin kayang bumalik. All because of You." Sabat naman ng isang lalake na nakatingin lang sa kuko neto sabay ihip dito.

"Kaya ba ang nagkalayo layo na ang Maven family? Dahil sa---- babaeng 'to? Seriously?" natawa pa ang isang babae.

"Kailangan ko na talaga umalis." Ayaw na ayaw niya ng trouble, kahit na nakakasakit na ang mga pinag sasabi ng mga it ay mas pinili niyang manahimik. Tama naman sila, isa siya sa mga dahilan.

"Teka nga sabi eh! Kahit kame may klase! But we made time for you, because you are special to us." hinili siya ulit sa pangatlong pagkakataon pabalik. "Ikaw naman talaga ang sinadya namin!" That's where it started; the girl who dragged her back grabbed her hair this time.

"Pakialis ng kamay mo, sa Buhok ko." mahinanhong sabi ni Jessy sa kanya. Napangiti ito sa kanya. "I don't want to. B*tch." Napatawa naman ang mga nakarining sa kanya. Nagsisimula na mag kumpulan ang mga students sa kanila.

"Cat fight! Cat fight! Cat fight!" sigaw naman ng isang lalake kasama ng mga ito. "Now that you knew that your so called bestfriend is the real King, sa kanya nanaman ang kapit mo? Nasan na ngayon si Matthew sa puso mo? O should I say--- he never had a place in your heart in the first place?" napakuyom lang si Jessy ng kamao. Sinamaan niya ng tingin ang babae.

"Gosh. User pala siya girl. Ang cheap."

"opportunist." Dagdag pa ng isa. "why are you doing this to me?" tanong ni Jessy dito. Naisip niya, kung tagahanga sila ng limang lalake. "why? Because, we care for that five joes'. Kilala na namin sila since gradeschool. And our families know each other and have a good bond. "

"Alam mo Jessy, ayos na sana kung si Matthew nalang talaga ang hinihintay mo. But, it seems like you are not contented, you want Dani Luis too. We can't let that happen, we can't let you destroy The Kings again." Marahas na inalis ni Jess yang kamay na nakahablot sa buhok niya. Sinamaan niya ito ng tingin.

"My... nanlalaban kapa huh? You should just let me grabbed your hair and slap you several time at least. Yun lang naman ang magagawa mo for now." Napa Whoa naman ang mga manonood sa kanila. Inaabangan talaga nila na magkaroon ng Cat fight na tawag sa Maven University, o mas kilala na Away babae.

"Kailangan ko na talaga umalis." Inayos ni Jess yang uniform niya pero humarang ulit sa dinaraanan niya ang grupong nakabangga niya.

"Is that what your parents taught you? Ang kapalan ang mukha, kahit alam mo sa simula palang na ikaw naman talaga ang mali."

"Don't—Don't bring my parents into this." Banta naman ni Jessy dito. "Gosh. I'm frightened. Don't you glare at me Missy."

"Dahil sayo, ang magkakaibigan nagkakawatak watak, ang pamilya nasisira, at lahat ng nakapaligid sayo—malabong bumalik sa dati." Napakapit na lamang siya sa bag niya ng mahigit. "I think ganyan ang lahi niyo. Kahit sarili mong kapatid iniwan ka, dahil mas gustuhin niyang mamaalam kesa mamuhay sa nakakasukang buhay kasama ka." napapikit si Jessy sa sobrang galit.

"Mas mabuti nga hintayin mo nalang si Matthew, total magkatulad naman kayo ng antas. Mga--" hindi na nakapag timpi si Jessy nang agad niyang sinugod ang babae. Nakapaibabaw siya dito at kinukuwelyuhan ito sa damit.

"Bawiin mo ang lahat ng sinabi mo!! Bawiin mo!!" pero agad siya hinila ng ibang kasamahan ito at tinulak. Nadapa siya at hinablot naman ang buhok niya at nakatanggap naman siya ng ilang sampal mula dito. Nanlaban siya pero wala siyang laban sa kanila dahil sa nag iisa lamang siya.

"May Cat Fight!!! Tara guys!" sigaw ng isang lalake na nag iimbita sa kaibigan neto. Narinig naman ito nina Nathan at Ren na abala sa pag rereview.

"Ano nanaman kayang gulo yun Than?" tanong ni Ren kay Nathan. "tsk. Mag basa ka nalang kasi may quiz ka mamaya diba? At may club meeting pa tayo." Pero talagang napapalingon si Ren at na cucurious kung sino ba ang nag aaway.

"ano? gusto mo maki chismis?" tanong sa kanya ni Than habang nakatuon ito textbook. "Pano mo nalaman?"

"Alam ko, chismoso ka." napa simangot naman si Ren, kilala nga talaga siya ni Nathan. Tumayo naman agad si Ren pero agad naman niya hinila si Nathan para samahan siya maki chismis.

Nakipag siksikan naman sila sa nagkukumpulang tao na naga cheer sa grupo ng mga babaeng nag aaway. Laking gulat nila nang madatnan nila na si Jessy pala ang pinagkakaguluhan at pinag tutulungan. Sobrang dumi na ng uniform neto dahil tinapunan ito ng soda drink at sobrang pagkakaladkad neto patungo sa may mini garden sa tabi ng building. Halos mapunit na rin ang damit niya at sobrang gulo rin ng buhok neto.

"There! You deserve that!" makakatanggap pa sana ulit si Jessy ng isang sampal at inihanda niya ang sarili niya. Napapikit siya, pero agad ito napigilan ni Nathan.

"Na—Nathan?" natigilan ang babae. Sobrang higpit ng kapit ni Nathan sa pulso neto at sobrang talas ng tingin niya dito. "Damn it!" napa atras naman ang ilang babae.

Inalalayan ni Ren si Jessy umupo. Hinubad niya naman ang suot niyang uniform at sinuot muna ito kay Jessy. Nakita niya na dumurugo ang ibabang labi neto dahil siguro sa sampal na natanggap neto, namumula rin ang pisngi niya at hindi rin naiwasan ni Jessy maiyak.

"Ren..." lumapit naman ang isang lalake para magpaliwanag. Pero agad ito nakatanggap ng isang suntok galing kay Ren at tinadyakan ito sa sikmura. "f*ck off!" pinigilan naman agad siya ni Nathan.

"What the f*ck Than! Let me break his ribs!" naubo naman ang lalake ng dugo. Pero, di siya pinakawalan ni Nathan. Agad naman hinila ng ibang kasamahan neto ang lalake palayo.

"Ta—tama na Ren." Nanginging namang pakiusap ni Jessy. Napabuga lang ng hangin si Ren. "Sino namang may guts gumawa neto sayo huh?" sinamaan niya rin ng tingin si Jessy. Tumingin si Jessy sa grupo ng mga babae, peo mas pinili niya ang umiling.

"She deserves that!" sabat ng isang babae. Pinipigilan naman ito ng ibang kasama niya pero di ata ito natatakot. "So you are the mastermind." Lumapit naman si Ren dito. Napalunok lang ang babae.

"Siya naman ang dahilan kung bakit di bumabalik si Matthew diba? He's your bestfriend. Carl and even his sister. Diba? Sa tingin mo babalik pa sila?"

"Ever heard the phrase.. Mind your own business? Bakit ka nakikialam ha? You don't have any idea." Kinuwelyuhan niya ito. Nakatingin parin ang mga kapwa estudyante sa kanila.

"For your information Mikhail Ren, every student in this University knows why your friends left.We did your tasks as Matthew and Carl's friend!"

"Shut up. Huwag ka nga sabi makialam ha! Baka makalimutan kong babae ka." pero hinawakan naman siya ni Nathan sa balikat.

"what you did isn't cool! F*ck it!!" sigaw ni Ren. Hindi na sila nanggugulo at nanliliit ng ibang tao. Dati lang yun, at naisip nila na napaka senseless ng pinaggagawa nila noon.

"Ren... you don't need to stoop down to their level." Kaya bago pa tuluyan uminit ang ulo niya tumalikod na siya at iniwan ang grupo ng kababaihan.

"I can't believe that this university is full of shits and air headed mammals." Naiinis sambit ni Ren. Pinulot naman niya ang sapatos ni Jessy na naalis dahil sa kaka-cat fight. Kinuha rin ni Nathan ang bag ni Jessy at inalalayan niya ito.

Nasa clinic naman sila at ginamot na si Jessy. Dinala na rin ng isang staff ang damit ni Jessy na bagong laba. Nakahiga parin siya at nakaharap sa wall. "Jessy? " binaba naman ni Nathan ang damit niya. Pero hindi naman ito humaharap sa kanila.

"tsk, sabi ko naman sa inyo, ako na bahala sa mga uguk na yun. Mababaldado talaga ang mga yun." sinamaan naman siya ng tingin ni Nathan kaya nanahimik na lamang siya. Napagalitan na rin si Ren dahil ang lalakeng tinadyakan niya na nabalian ng dalawang ribs. Mabuti nalang hindi nagkaroon ng orgn damage ang lalake.

Suspended rin ang mga babaeng gumawa neto kay Jessy. As for Ren, di naman siya nireklamo ng lalake. Pero, mahaharap ulit si Ren sa isang community service sa loob ng isang linggo. "hmm. Kain ka muna Jessy." inayos na rin ni Nathan ang pagkain para kay Jessy.

"Kailangan mo magpalakas. Hindi pwedeng hihiga ka nalang dyan." Dahan dahang umupo si Jessy at isang tingin palang alam nilang umiiyak ito. Patuloy lang ito sa pagpunas sa mata niya. "Oh.. huwag mong iyakan ang mga ungas na yun." naupo naman agad si Ren sa gilid ng kama ni Jessy.

"Here." Inabot naman ni Nathan ang panyo niya. Kinuha naman ito ni Jessy. Pinunasan niya ang luha niya at sumubo rin ng mainit na sopas. "Masarap yang sopas sa clinic. Suki ako dito sa tuwing nag papanggap akong may sakit. Kaya huwag kana umiyak. Masama umiyak sa harap ng pagkain." Sabi naman ni Ren. Pero patuloy parin sa pagbagsak ang luha niya. Nagtinginan sila Ren at Nathan.

"Nandito na rin ang gamot mo Jessy. Panigurado sasakit ang katawan mo nyan mamaya. Inumin mo 'to ha." pinasok na rin ni Nathan ang gamot sa bag ni Jessy.

"So—sorry Ren dahil saken mag cocommunity service ka nanaman." Sa wakas nag salita rin si Jessy. "Tsk, wala yun. Immune na ako. Kung mag aapply man ang gwapong nilalang na kausap mo ngayon bilang janitor, tatanggapin na nila ako panigurado. Kabisado ko na ang mga gawain dito sa school nuh." Biro naman ni Ren, at napangiti tuloy si Jessy at agad napangiwi dahil sa sugat sa gilid ng labi niya.

"Oh huwag kana ngumiti dyan, ikaw talaga automatic napapangiti kung nakikita ako. Tsk, malalagot ako kay Matthew nyan. Kekekek~" natawa rin si Nathan sa sinabi ni Ren. Nakangiti na si Jessy pero patuloy paring lumalabas ang luha niya.

"Huwag kana umiyak Jessy, matutuwa yan sila kapag nalaman nilang iniiyakan mo sila." Sabay mixed ni Nathan sa sopas. "Kumain ka nalang."

"Hin—hindi ko naman sila iniiyakan. Iba naman ang dahilan eh. At sa tingin ko, tama rin naman sila eh. Nakakainis dahil mukhang tama lahat ng sinabi nila." Sabay kain naman ng sopas ni Jessy.

"Alin dun? Na ikaw ang dahilan kung bakit nauwi ang ganito sa lahat?" tanong ni Nathan. Tumango naman si Jessy. "Tsk. Akala ko ba matalino ka? Paulit ulit ka ha duckling. Sabi na hindi ikaw ang dahilan." Mahinang binatukan ni Ren si Jessy.

"Hmmm.. let's say na may hinding magandang nangyari sa grupo natin. But, I believe this is not the end. Madami man nagbago, pero sa daming nagbago may mga magagandang memorya namang natatandaan natin huh? Walang perpektong samahan Jessy, always remember that. And what we are facing now? Come on, one day we'll laugh at it." paliwanag naman ni Nathan sa kanya. And he gently brushed her hair.

"Ikaw nga ang nagpabago kay Matthew, diba? Napapasunod mo rin Carl, diba? Naging savior ka ni Loise Belle, diba? Nagkaroon rin tayo ng mga adventures, right? We experience things for the first time together. Madami rin namang magagandang nangyari Jessy. Look at the positive side for once, please? " napatango na rin si Ren sa sinabi ni Nathan. Mabuti nalang marunong mag comfort si Nathan pag dating sa ganitong bagay.

"Thank you sa inyo huh." Ngumiti naman si Jessy sa kanilang dalawa. "Anytime bro." Sagot sa kanya ni Ren. "Ano tsong abangan natin ang mga gago sa gate mamaya?"

"RENNNN!"

***

"Mr. King, I did my job just like what you told me." sabi naman ng babae na nagsimula guluhin si Jessy. Napangiti lang si Daniel sa kanya. "Well, good job." Hindi parin umaalis ang babae sa harap niya.

"What do you need?" tanong sa kanya ni Daniel. "You promised that you'll cancel the case you filed against my father."

"Oh dear... your dad stole a large amount of money from my company, but just like what I've told you I'll cancel it. Don't you trust me?"

"Gusto ko lang po marinig at makita na gagawin niyo." Napa angat naman ng tingin si Daniel sa kanya.

"What if... I'll spread some rumours about what your dad did? Babalik kaya ang ginawa mo kay Miss Gonzales? Poor girl, isn't she?" pinag laruan pa neto ang hawak niyang fountain pen. "wa—wala po yan sa usapan natin Mr. King. At—maawa po kayo." Agad naman ito lumuhod sa harap niya at nagmamakaawa.

"You really love your father. Okay, kakalimutan ko ang ginawa ng daddy mong magnanakaw. But, you need to get out from that University and leave the country. Do you understand me?" agad ito tumango tango. May pinirmahang papeles si Daniel at tinapon ito sa kanya.

"that's the proof. And here, start a new life with that money." Binigyan rin siya ng cheque. "Th—thank you Mr. King." Agad niya ito pinulot. "Now, get out." Agad agad naman ito lumabas sa opisina niya.

***

FlashBack

"Terence Armani is the son of Mr. Aries Armani. They have a small share in shipping company and telecommunications. But, when Terence stepped in to take over his father shares, naging malago ang shares nila. Naging kilala rin ang pamilya nila unti-unti. They say if magiging kapartner mo siya, you will learn many strategist and idea on how to handle a business. And for sure, magiging stable ito under his management. And for now, he have a 4.5% share in our company sir. He made it in just a year." Balita naman sa kanya ni Secretary Park.

"Ah..I see. We can use him then." Nakaharap naman siya sa glass wall niya habang nakatingin sa busy street. "Wala ba siyang anak? Or a wife maybe?"

"According sa report sir,his bride died. And.. wala silang anak." Napangiti naman si Daniel. "he's perfect."

"Pardon sir?"

"I'm planning to give Matthew to him, since we can't use that child anymore. And.. we are not sure even if he'll wake up or not. And if ever he'll wake up, maybe he'll be in vegetable stage. Damn.. I can't wait for it."

"sa tingin niyo sir, papayag siya? I think di siya interested kay Matthew."

"I'll make him interested. We can offer them help. He will never say no to it. Everyone wants to be partner of Kings." Sabay inom niya naman ng whiskey niya. "Pero sir... may mga mas capable pang company na gustong makipag partner satin. bakit natin ibibigay sa kanya?"

"To get rid of Matthew." Simpleng sagot niya naman. Napailing lang si Secretary Park sa inaasal ng boss niya. "And you said that... he did well to their company. Let's see what can his 15 years of experience in business he'll show."

**

Terence Armani's POV

I am looking at Matthew's face. He's sleeping peacefully. No signs that he'll wake up. I am hoping that he'll make it. I want to be with him. But, how? As much as I want to stay close to him, I can't. Mahihirapan ako bawiin siya kay Daniel.

How come that I recently knew that I had a son, with her. She never spilled a word about it. Kung hindi ko lang siya kamukha, I think hindi ko parin alam na may anak ako. It's been 4months since the accident. Mahimbing parin siyang natutulog. Hahawakan ko sana ang kamay niya ng dumating ang Physical Therapist niya.

"Good morning sir Armani." Masiglang bati ng PT niya. Simula palang nung una, nagpakuha na ako ng mga health specialist para kay Matthew. Nasa VIP lists naman kame kaya priority nila kame, this is one of the advantage if you're f*cking rich.

"Oh.. Good morning Miss Fay." I replied. "eh.. Jacqueline only Sir, but I prefer Jackie. Oh by the way, how's our pretty prince doing?" tanong niya naman sa natutulog na Matthew. Besides that she's very dedicated to her work, she keeps company with Matthew kahit natutulog ito.

"Pretty Prince, I'll start our usual routine, okay?" sinimulan niya na i massage ang mga paa at kamay neto. "Wow, very good! Our pretty prince is cooperating very well." Napangiti lang ako sa inaasal niya. May dumating namang unexpected guest. Napatayo ako.

"Well, Secretary Park, what are you doing here?" tanong ko naman sa kanya. He looked through me. "I'm just surprised that you really make time to visit him." Natigilan naman ako. Palagi ako bumibisita kay Matthew pagkatapos ko sa trabaho. Kahit pagod na pagod na ako sinisigurado ko makakadalaw ako sa hospital.

"Miss Fay, excuse us first." Agad naman ito nagpaalam. "So what brings you here?"

Lumapit naman siya kay Matthew at tiningnan ito. Pipigilan ko sana siya sa paghawak kay Matthew nang sinapo niya ang buhok neto. "I'm sorry child." Sabi neto. "I can't do anything for you. But.... I guess this is what best for you."

"What are you talking about Secretary Park?"

"Mr. King said he can he is willing to be partnered with your company." I'm maintaining my poker face look when I'm staring at him. But, I know there's always a exchange for it. "But.. he will do that, if you'll take Mr. Matthew as your child."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Bakit kung itrato niya si Matthew na para bang laruan na pinamimigay lang? Pero, masaya ako dahil sa wakas hindi ako mahihirapan kunin siya. Ako ang magiging guardian ni Matthew.

"I know Mr. Armani that this is a very shocking news. But..."

"Okay, I'll accept it. As long as Mr. King will honor his words. I can't refuse a King's offer." Palusot ko naman na talagang interesado lamang ako sa pagiging partners ng company. "And.. to make myself pay for my guilt. I grew fond of him anyway." Tiningnan ko naman si Matthew.

"What will I say if the child will wake up?" tanong ko naman sa kanya. "As you can see Mr. Armani, Daniel King is certain that Matthew will not wake up." Pag amin neto saken pero nalulungkot naman ito. Hindi ko napigilan na ikuyom ang kamao ko.

"He will make it." I said in a firm voice. "I hope he will and he can start a new life again. The child suffers a lot; I think he deserves to be happy. And I hope one day he'll wake up, you can be his father and make things for him that Mr. King cannot give." Nag aalala rin pala siya kay Matthew, pero wala siyang magawa dahil sa Daniel na yun.

"forgive me Mr. Armani for crossing the boundary, but can you please promise me that?"

"I may appear cold and indifferent, but Yes. I can do that."

"Thank you Mr. Armani." Medyo napayuko siya saken at ngumiti nang inangat niya ulit ang paningin niya saken. "Tell Mr. King that he can't take back what he said." Tumango naman siya saken. "Anton!" tawag niya sa secretary niya at agad ito pumasok sa silid.

"Yes, sir?"

"Process the papers that secretary Park requested. I want it ASAP." Utos neto sa secretary niya. "Right away Sir." Agad naman ito lumabas kasama si Secretary Park.

Finally, Son.

Dalawang araw lang ang lumipas nailipat na saken ang custody kay Matthew. Binura ang lahat ng record tungkol sa kanya bilang isang King. Walang alaalang naiwan o nagpapatunay na isa siyang King.

"Anton, naisip mo ba ano ang dapat itawag natin sa kanya?"

"Kayo sir bahala. Kayo naman ang legal na guardian niya, diba? Kayo na po ang mag sisilbing tatay niya. o mas sabihin natin, kayo naman talaga ang tatay niya."

"Navin. " sabi ko at tiningnan ako ni Anton. "Po--?"

"Navin nalang ang ipapangalan natin sa kanya."

"Sir, bakit Navin?" tanong saken ng chismosong secretary ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Tsk, ibig sabihin ng pangalan nun, New and Novel. Gusto ko bigyan ng bagong buhay ang anak ko."

"Wow. Okay na pangalan yun Sir. So, yun na po ang ipapalit natin sa pangalan niya?"

"Oo, Navin Aaron. " at hinawakan ko naman ang noo niya. "That's your name son." At napangiti naman ako sa kanya. "Copycat sir. Navin Aaron, ka gwapong pangalan nun!" At least hindi na siya tatawaging si VIP 22 o Pretty Prince, since hindi naman nakalagay ang pangalan niya sa record.

****

While Jacqueline Fay is doing her daily routine as Matthew's or should we say Navin's physical therapist, nabigla siya nang gumalaw ang kamay neto. "Pretty Prince? Este--- Navin?" nasaksihan niya rin dati na gumalaw ang daliri neto, naireport niya agad ito sa nurse at doctor pero di pa ito nagigising, pero bumubuti na ang sitwasyon niya.

"Navin? Can you hear me?" tawag niya naman dito. "Ay grabe ka naman Pretty prince, akala ko magigising kana ng tuluyan, mag lilimang buwan kana natutulog oh." Inexercise niya naman ang braso neto.

"Ewan ko ba kung naiintindihan mo ako, pero nauubos na ang English ko sayo. Kaya sana gumising kana. Hmm. Your dad is missing you. He visits you everyday here noh even though he's a busy man." Daldal siya ng daldal at naupo siya sa sobrang gulat nang bumukas ang mata ni Navin.

"ah---ah! Kailangan ko—ta—ta—tawagin ang nurse! Ang tanga mo talaga Jackie!!" agad niya pinundot ang switch katabi ng headboard ng kama ni Navin para ma notify ang nurse. Agad dumating ang nurses at kasama ang doctor.

Ilang minuto lang ang lumipas dumating na rin si Mr. Armani dahil sa narinig niyang balita. "So...how's my son?" tanong niya sa doctor.

"usually sir, comatose patients rarely lasts up to 2-4weeks, most of the patients will not wake up. For now, your son is on Vegetative state. The patient has sleep-wake cycles, and startles or briefly orients to visual stimulation and sounds. But there is still an absence of responses and awareness. "

"You mean he's not well?" tanong ni Terence dito. "Not yet, but hopefully he will. He is recovering. This is good news. We can expect like this, since he experienced a serious traumatic brain injury.For now, we should continue monitoring the patient. There are stages for recorvery in patients with traumatic brain injury." Nakikinig lang si Terence habang nag eexplain ang doctor dito.

***

Ilang araw ang lumpias at ganun parin si Navin, pero hindi sumusuko ang mga health personnels sa kanya, lalo na si Jackie. "Okay Navin, squeeze my finger." Umaasa siyang matatagalan ito sa pag respond pero agad naman sumunod si Navin sa command ng PT niya.

"Very vey good Mr. Navin! Okay, raise you left hand." Sumunod rin agad ito. Napangiti lang siya dito. "Okay Mr. Navin, you want me to play music for you?" dahan dahan itong tumango sa kanya. Napangiti lang si Jackie dito.

"Good. Or you prefer me singing?" dahan dahan rin itong umiling. Natawa naman siya sa inasal ng pasyente niya. "Nakakatawa, naiintindihan mo rin pala ako. Haaay nako, swerte ka, pogi ka!" Nagulat siya nang ngumiti ito sa kanya.

"Oh? Naiintindihan mo ako?" pero sinerado ulit ni Navin ang mata niya. Nakatulog ulit ito. "Okay Mr. Navin, tomorrow again. Okay?"

Ilang araw ulit ang lumipas. Naging maayos ang kondisyon ni Navin. "Navin?" tawag dito ni Terence. Nakakaupo na ito at nakaka intake na rin ito ng semi fluid foods. Lumingon ito sa kanya. Hindi niya parin naririnig na nag sasalita ito.

"So, how are you?" ngumingiting tanong sa kanya ni Terence. "You know, I had tons of work in office, but I finished it all. Did you like your meal? Don't worry, you can eat real foods soon." Natatawang pahayag niya dito at napangiti rin si Anton.

"I---I..." nag aattempt namang mag salita si Navin. Agad lumapit si Terence dito. "wh-what is it?"

"I—I..I—Na—v—in?"

"Navin?" nilinaw naman niya ito. Tumango ito sa kanya. "What about it?" Tinuro ni Navin ang sarili niya. Saying that if he is Navin. "You mean.. if you're Navin? Yes, you are Navin Aaron Armani. Don't you remember?" nagbabakasali ito na sana wala ngang maalala si Matthew tungkol sa nakaraan neto. Mas gusto niyang kilalanin ito bilang si Navin.

"I—I--" tinuro naman neto ang ulo niya. At sabay iling. Nakuha niya ang mensahe neto, wala nga ito naalala. "You don't remember, do you?" tumango naman ito sa kanya. "I'm your Dad Navin."

Agad naman ito nagpa MRI para makita ang brain function. Matapos ang test ay concluded nga na may amnesia si Navin at walang ideya kung sino siya, bakit siya nandito, anong nangyari at wala siyang kilala kahit ni sino.

"Tests results showed that the patient is in a state of amnesia. He was in a state of coma for a long time, with brain injury and he shows several symptoms of amnesia.This the effect of the accident, and luckily he is responding well in our medications and participates well with his physical therapist. I can't tell if he'll regain his loss memories back, but I am sure that he'll have a hard time to gain back his physical strength. No worries Mr. Armani, gradually he will regain that as long as we'll rehab him. As long as you orient him about his self, his family background and his surrounding, who knows? Maybe he'll gain back what was lost. "

"Thank you doctor." Pero naisip niya mas mabuti pang wala ng maalala si Matthew tungkol sa nakaraan neto. "He deserves that memories." Dagdag niya at tumango ang doctor sa kanya. Ibig sabihin niya... mga bagong at masasayang memorya lamang ang ipaparamdam niya dito at gagawa sila ng bagong memorya para kay Navin.

Nakita niya na lumingon pa si Navin sa kanya habang abala ito sa pag tratrain sa paglalakad ulit. Gumanti siya ng ngiti at kumaway dito. "Good job Navin." Sabay thumbs up niya dito.


AN: So kumusta ang new update? leave some comment para maganahan ako mag update. kekeke~ #demanding. 

Continue Reading

You'll Also Like

47.2K 1.4K 40
¨i dont like her, ok?!¨ ¨oh you definitely do¨ lynn loud is the schools best athlete. shes good at everything, basketball, baseball, soccer, you name...
22K 1.4K 30
ព្រោះតែការយល់ច្រឡំមួយ ទើបធ្វើអោយក្មេងប្រុសស្លូតត្រង់ម្នាក់ ហ៊ានធ្វើគ្រប់យ៉ាងដើម្បី សងសឹក គេវិញអោយបាន.....!!! ថេហ្យុង ជុងហ្គុក
14.9K 749 43
" arey aap ayse kase bath kar sakte ho , inse lo mein paise deti hu " she while giving 20 rupees note to bus conductor . " arey aap yaha bhi , chal...
165K 3.2K 29
Even a cannibal with an ugly appearance can marry a beautiful wife. All series of sadistic and Erotic fairytales is inside this book. warning! if y...