Binasted ni Crush, Sinambot n...

נכתב על ידי DoIReallyExist

71.1K 2K 177

"gagawin kitang perpekto, yung tipong pati yung gago na lalaking yun ay magsisisi sa lahat ng masasakit na sa... עוד

rejection
the beginning of new orene
nakakaasiwa ba mukha ko??
his reason
new PORCA
napansin na niya ako
fonnerman clan
our time
umamin si crush
mall
ang pagtatapos???
ulterior fonnerman
billdoux not bilfo
nag-assume
his side
sorry
bilfo <3
england
ikaw lang
gradbye
hindi pala xD
si bilfo sa bahay
parents niya
no!!!
arouch
ama
ako si porca?
ala-ala
ang simula
siya nga
false alarm
our baby
epilogue
PLEASE READ

mahal pa ba ako???

1.8K 52 4
נכתב על ידי DoIReallyExist

Hahaha !!! grabe!!! Sobrang tuwang tuwa po ako dun sa mga nagcomment pati na din po dun sa mga humahabol pa ng comment ^_^ love you all!!!

#crizesh, #mawii24 and #cheChean_thank you thank you po talaga!!!! Hahaha pasensya na kung palagi ko kayong nabibitin hihihi. .sana hindi kayo manawang basahin ito ^_^ love you po talaga!!!

#LeianVelasco_hello ^_^ !!! nakakatuwa ka talagang magcomment!! Kahit medyo nahuhuli ka na. .hahaha!!!!! alam ko makakahabol ka din!!! Hihihi love you bebeh!! At thank you ng marami J

CHAPTER 14

Orene’s POV

“Tinawag niyang basura yung pangalan niyang Bilfo na ako ang nagbigay sa kanya” aniko habang panay ang iyak tapos kumuha ako ng tissue sabay suminga dun

“o.a naman niya magalit aahh!! Kalimutan agad??!!” imik naman ni Mel sabay nguya ng marshmallow na inagaw pa niya mula kay Theo

“fonnerman eehh” sabat naman ni Theo sabay nguya din ng marshmallow habang pareho silang nakatingin sa T.V

“eh bakit ikaw hindi ka naman ganun magalit ah??” ani mel sabay tingin kay theo, tumingin naman sa kanya pabalik si Theo sabay taas ng isang kilay. .

“kasi po bata palang ako tinuturuan na ako ni mama na pakalmahin sarili ko at mag-isip muna bago gumawa ng kung ano-ano” ani theo sabay tinulak ng mahina si Mel sa noo gamit lang ang kanyang hintuturo. .

“hhhhuuuuwwwwwaaaahhh!!!! Hindi nyo naman ako pinapansin pareho eehh!!” ngalngal ko sa tabihan nila kaya napatingin naman sila pareho sa akin. .

“orene. .” ani mel,

“mahal ka pa niya!!” sabat ni Theo sabay subo ulet ng marshmallow pero sa tv naman nakatingin

“h-huh??” aniko sabay singa ulet sa isa pang tissue. .

“base na din sa kwento mo, mahal ka pa niya nagmamatigas lang siya kasi mataas ang pride niya, lalo’t isa siyang fonnerman” paliwaang ni Theo na sa wakas ay nakatingin na sa akin ngayon. .

“tamash sha horeene!!” pag sang-ayon naman sa kanya ni mel kahit na may nginunguya pa siyang marshmallow

“p-paano nyo naman nasabi???” aniko sabay singhot

“basta!! Trust us!!” ani Mel sabay kindat pa,

…………………………………………………………………………………………………………………………………………………….

Sa school. .

“talaga babalik daw siya dito??” narinig kong bulong ng ilang kababaihan dito sa school habang naglalakad ako papunta sa room ko

“ang taas na niya ngayon pero dito pa rin niya tatapusin yung sekondarya niya noh?!” imik naman nung isa,

“swerte talaga ng school natin at swerte din tayo kasi may ka-schoolmate tayong kagaya niya!!”

Hindi ko na lang binigyang pansin yung mga naririnig ko, eehhh sa hindi ko alam yung pinag-uusapan nila eehh pag tinanong ko naman sila kung ano yung pinagbubulungan nila edi chismosa na din ako!!!

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko, para hindi ako ma-late at makakopya pa ako ng ilang assignments kay theo at Mel. .hindi kasi ako nakatulog kagabi gawa ng kakaisip sa sinabi nung dalawa na mahal pa rin ako ni Bilfo mataas lang ang pride nito. .

mahal pa rin ako ni Bilfo mataas lang ang pride nito. .

mahal pa rin ako ni Bilfo mataas lang ang pride nito. .

mahal pa rin ako ni Bilfo mataas lang ang pride nito. .

mahal pa rin ako ni Bilfo mataas lang ang pride nito. .

mahal pa rin ako ni Bilfo mataas lang ang pride nito. .

“MAHAL PA RIN AKO NI BILFO!!!” dahil kakaisip ko ay hindi ko napansin na may tao na pala sa harap ko kaya nabangga ako sa likod malapad nitong likod at naisigaw ko pa ng malakas ang aking iniisip. .

Napatingin naman sa akin lahat, pero dahil sa hindi naman nila kilala si Bilfo ko eehh hindi ako tinamaan ng hiya at saka wala naman dito si Bilfo eehh. .hihihi

Matapos kong tingnan kung ilan ang mga estudyanteng nakakita sa kagagahan ko eehh agad kong nilingon yung taong nabangga ko para magsorry

“kuya, sorry po hindi-----.” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng humarap sa akin yung lalaking nabangga ko at tingnan ako

O.O

O.O

O.O

“b-bilfo???” utal kong imik habang tulala ako sa kanya, dahan dahang bumaba ang tingin ko sa suot niyang damit. .shete!! naka-uniform siya ng school namin!!! Wag mo sabihing. .

Tapos tinaasan niya ako ng isang kilay

“do I know you??” aniya, tapos saglit siyang tumingin sa taas at bumalik ulet sa akin ang tingin, “ohh!! I remember!! You’re the girl on the rooftop!!” pahabol pa niya sabay pamulsa pa ng dalawa niyang kamay

“bilfo naman eehh!! Tigilan mo na nga yang pagpapanggap mo!!” aniko, medyo naiiyak na naman ako eehh gustong gusto ko na kasi siyang yakapin eehhh

“stop what?? Huh!! Do you think I’m an actor??” anito,

“alam mo bilfo tigilan mo ako diyan sa kaka-english mo ha!!! Hindi bagay sa iyo!! Oo nga at mukha kang imported pero mas nasanay lang ako dun sa pilipinong pilipino na bilfo!!!” sigaw ko sa kanya habang nagtatalon talon ako sa inis

“grabe!! Hindi na talaga siya kinilala ng ex niya noh??” bulungan sa tabi tabi

“ang sakit naman nun” isa pang bulong

“talagang ang kapal pa ng mukhang magsumiksik eehh halatang ayaw na sa kanya ni billdoux” muling bulong

Napatingin naman ako sa paligid ko para hanapin kung sino yung mga nagbubulungan kaya lang sa dami ng nakatingin sa amin ngayon hindi ko malaman kung sino

Muli na lang akong tumingin kay bilfo, salubong na yung kilay niya at parang nagtitimpi lang ito ng inis. .

Wag kang panghinaan ng loob poreene, tandaan mo yung sinabi nung dalawang bugok

‘mahal ka pa rin ni Bilfo, mataas lang pride nun’

“alam mo miss, ito ohh!!” sabay kinuha ni Bilfo yung kamay ko, napansin kong bahagya siyang napatigil sa pagkilos nung hawakan niya yung kamay ko pero saglit lang talaga kasi may inilagay siya sa palad ko at talagang marahas pa yung pagkakalagay niya nun

Ng tingnan ko kung ano ang inilagay niya sa kamay ko. .isang libong piso na pera, tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo ko

“bumili ka ng kausap mo!! At pwede ba wag mo na akong guluhin, kung hindi ka pa satisfied dyan edi dadagdagan ko, magkano ba gusto mo??!!” mayabang niyang imik, tapos dinagdagan pa niya ng ilang perang papel ang nasa kamay ko, anong pinahihiwatig niya?? Mukha akong pera???

Dahil sa inis ko eehh tinapon ko sa mukha niya yung perang binigay niya sa akin,

“hindi akong mukhang pera!!!” sigaw ko sa kanya, napatingin naman siya sa mga perang nasa sahig “at kahit kailan hinding hindi mo ako mapapatigil sa paglapit sa iyo!! Bakit??? Kasi hangga’t hindi mo pinakikinggan yung side ko hindi kita titigilan!!” aniko, lalong dumami yung mga bubuyog na nagbubulungan sa paligid. .

Kesho daw ang lakas ng loob kong sigawan si Bilfo, kesho daw ang tigas ng ulo ko, kesho daw ang kapal ng mukha ko. .pero wala akong pakielam sa kanila, alam ko ang totoo at yun ang ipapaalam ko kay Bilfo ng magkalinawan na!! at hinding hindi ako titigil malaman lang niya yun!!!

Matapos ko siyang sigawan ay kaagad din akong napayuko. . “s-sorry” yun na lang ang nasabi ko at nilampasan ko na siya

Talagang mabuti sa akin ang tadhana, kasi dito muli siya mag-aaral kaya makakagawa pa ako ng paraan mapatunayan lang sa kanya ang totoong nangyare nung gabing naghihintay siya sa may acacia. . pipilitin ko siyang makinig sa akin!!!

Nung malapit na ako sa room ko

“poreene!!” agad naman akong napalingon sa taong tumawag sa akin, pagkakita ko sa kanya ay nakangiti na siya pero mas lalong lumawak yung mga ngiti niya ng ngumiti ako pabalik. .patakbong lumapit siya sa akin. .

Si Louis. .

“may laban kami mamaya sa ibang school, aahhmm pwede ka bang manuod??” aniya habang nagkakamot pa ng batok na parang batang nahihiya

“sige ba!! Malakas ka sa akin eehh!!” aniko habang nakangiti, hindi ko pa nga pala nasasabi na magkaibigan na kami ni Louis. . ‘tanggap na kasi niya na si Bilfo lang talaga ang mamahalin ko kaya sabi niya, maging magkaibigan na lang kami ay ayos na sa kanya

Kadalasan nga sa akin siya humihingi ng tulong kapag may liligawan siyang babae, natatawa na lang ako kasi parang hindi na siya yung Louis na kilala ko na sobrang yabang at mapamamula. .gentleman na din siya kasi minsan nakita ko siya na tinutulungan si Ana, isang new student na nerd. .

“salamat aahh the best ka talagang bestfriend, cheer mo ako ahh!!” aniya sabay tawa ng konti, tumango naman ako “ at isama mo na din sina Mel at Theo pandagdag magchicheer ng mapakinabangan ingay ni Mel” pahabol pa niya

Kaibigan na din kasi siya nung dalawa, akalain nyo noh??? Sampung buwan lang ang lumipas ang dami nang nangyari. .

“ikaw talaga, sumbong kita kay Mel” tapos tumawa lang si Louis

“sige, may klase pa ako, bye!!” paalam niya sabay tap sa ulo ko at patakbong umalis siya sa harapan ko

Nung mawala na sa paningin ko si Louis ay saka lang ako tumalikod para pumasok na sa room namin, kaya lang pagtingin ko sa kanan ko. .

Si Bilfo. .

Nakatingin siya sa akin habang nakapamulsa siya. . mga ilang metro lang yung layo niya mula sa kinape-pwestuhan ko ,

Yung mga mata niya, punong puno ng galit. .alam ko yun!! Kasi ganyan yung mga mata niya kapag nagagalit siya noon. .kaya lang mas lalong nakakatakot yung mga mata niya ngayon. .

Tapos humakbang na siya palapit sa akin habang nakatitig sa akin na taglay pa rin ng mga mata niya ang galit, napalunok ako sa sobrang takot. .

Ng makalapit na siya sa akin. .

“b-bilfo, m-magkaibigan na nga pala-----.”

“pakielam ko?! Kilala ba kita??!!” aniya ng hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko at mi-hindi lang ako tinapunan ng tingin tapos nilampasan pa ako niya, medyo nadagil nga niya yung balikat ko eehhh

Hindi agad ako nakapag-react sa inasal ni Bilfo,

Hinabol ko na lang siya ng tingin, O.O !! teka sa room ko siya pumasok. .wag mo sabihing----

“gosh! Swerte natin itong section na ito ang napili niya noh!” bulong #1

“lalo siyang gumwapo at naging hot ahh” bulong #2

“mas type ko yung cold personality niya ngayon, dagdag thrill” bulong #3

“wala pa ring pagbabago, siya pa rin ang ultimate hearthrob ng school!!” bulong #4

Ayan!!! Ang aking mga narinig mula sa mga kaklase kong oh-so-madaldal. .mga teh??!! Yung totoo, bumubulong ba kayo?? Rinig kasi ng buong mundo eehhh. .

Tiningnan ko muna kung saan uupo si Bilfo bago ako tuluyang pumasok sa loob ng room, at kapag natitikbalang ka nga naman. .sa mismong upuan ko pa siya umupo

Kaya agad akong lumapit sa kanya. .

“oy!! Bilfo!!” aniko sa kanya ng nasa gilid na niya ako

Tiningala naman niya ako kasi nakaupo nga siya at nakatayo ako, nung magtama ang aming mga mata ay tinaasan na naman niya ako ng isang kilay

“are you really----!!” hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya

“upuan ko po yan kung hindi nyo natatanong” pagputol ko sa sasabihin niya, napatingin naman siya sa paligid namin. .nasa amin na naman ang atensyon ng buong estudyante

“not anymore” aniya sabay pamulsa tapo tinaas pa niya ang mga paa niya sa upuang nasa unahan niya na akala mo’y isa siyang hari, tapos tumingin ulet siya sa akin na nakataas ang isang kilay pero seryoso ang mukha

“si ma’am ang nag-arrange ng mga seatplan!! Dapat sa kanya ka muna-----!!”

“dun ka na lang sa likod poreene, tutal ayaw naman kitang katabi eehh nasasapawan mo ganda ko” imik nung katabi ko dapat sa upuan

“Oo nga, at saka panigurado kahit hindi na sabihin ni Billdoux kay ma’am ehh papayagan din siya ni ma’am na maupo kung saan niya gusto” sabat pa nung isa pa na malapit sa upuan ko na ngayon ay inaagaw ni Billdoux, as if I know kaya nila ako pinapalipat ay dahil gusto nilang makatabi itong si Bilfo. .tsk!! tsk!!

At dahil sa mag-isa lang ako eehh wala na akong nagawa kaya lumipat ako ng upuan, sa likod ni bilfo. .kung saan wala akong katabi kahit isa. .tsk!! tagal kasi nung magsyotang Mel at Theo, panigurado naman lilipat sa tabi ko yung dalawa na yun kapag nakita nilang mag-isa ako dito sa likod. .

Mga ilang minuto lang. .

KKKKRRRIIIIINNNNNNGGGGG!!!!!

 At saka lang pumasok ang loveBirds na sina Mel at Theo, nagulat pa nga sila ng makita nila na hindi na ako ang nakaupo sa upuan ko kundi si Bilfo. .at gaya nga ng aking naiisip eehh agad silang lumipat sa tabi ko

Maaasahan talaga itong dalawang ito eehhh. .

So ang pwesto namin is. . Theo---Mel---ako, tapos sa unahan ko ay si Bilfo lang naman. . -_-

Wala namang masyadong nangyari habang nagdidiscuss yung teacher namin, hindi na rin nun natanong ang pagbabago ng seat plan naming apat. .ilang oras lang ang nakalipas

Yahhhoooo!!!! Lunchbreak na!!! syempre nag-unahan agad kami nina Mel at Theo sa paglabas sa may pinto, ganyan na ang nakasanayan namin eehhh unahan kami sa canteen tapos kung sino ang mahuli ay siyang manlilibre. .at dahil sa mabilis ako eehhh palagi akong nauuna tapos si Mel ang nahuhuli pero dahil sa boyfriend niya itong si Theo eehh si boyfie din niya ang nanlilibre. .

Takbo lang ako ng takbo ng bigla kong nakita si Bilfo na pumasok siya sa may lumang music room, kaya napatigil ako. .at may pumasok na ideya sa utak ko. .

Tumingin muna ako sa paligid, mukha namang walang nakakita kay Bilfo na pumasok dun bukod sa akin. .pagkakataon na ito para maka-usap ko ng matino si bilfo. .

Agad akong pumasok sa lumang music room, pagkapasok ko eehh sinarado ko agad yung pinto. .hihihi para akong rapist dito aahh!!!

“bilfo?? Yuhhhooowww!!” tawag ko sa kanya sa loob, ngayon ko lang nalaman. .madilim pala dito!!! “bilfo!!” tawag ko ulet, tapos may narinig akong bumagsak sa may kabilang kwarto kaya nagpunta agad ako dun at presto!! Nakita ko din si Bilfo nakatayo lang siya sa may bintana habang nasa paa niya ang nakatumbang putting gitara. .

“what do you want??!!” pansin mo sa pananalita niya ang inis, pero hindi naman niya ako tinitingnan nasa labas lang ng bintana ang tingin niya

“gusto kong mag-usap tayo!!” sagot ko

“about what??”

“yung totoong nangyari bago mo ako iwan” narinig ko pa siyang nag-‘tss’ tapos saka niya ako tiningnan

“go on” tipid niyang imik habang nakatingin na sa akin pero blanko ang reaksyon ng mukha niya

Huminga muna ako ng malalim,

“sinet-up tayo nun Bilfo!! Maniwala ka!!” pangungumbinsi ko sa kanya, “habang naghihintay ka sa may acacia ay kasalukuyan naman ako nung nakakulong sa banyo!!” paliwanag ko

“so what with the picture that you and Louis was hugging each other??” seryoso niyang tanong sa akin

“yun yung time na nagpapaalam na siya sa akin at hindi na daw niya ako guguluhin pa kasi ikaw na nga ang mahal ko!!” sagot ko naman, napapiyok pa ako niyan sa last word nangingilid na naman kasi yung luha ko ehhh. .

“and the other picture was???” sunod niyang tanong

“sa likod yun ng building, ewan ko ba pero bigla na lang niya akong niyakap ng time na yun!!”

“anyone can lie” imik niya

“hindi ako nagsisinungaling!! Ano ba?!!” sigaw ko

“ipagpalagay nating totoo nga yang sinasabi mo, pero diba ikaw na ang nagsabi na yung isang picture ay nagpapaalam na sa iyo si Louis at nangako siyang hindi ka na niya guguluhin pero kani-kanina lang ehh nakita ko kayong nag-uusap” ani Bilfo, sabay ngiti ng konti pero yung tipo ng ngiti na parang galit, gets nyo??!!

“magkaibigan na kasi kami ni Louis!!”

“pero diba nagpaalam na siya sa iyo!!!” medyo nagulat ako sa pagsigaw sa akin ni Bilfo, halata mo sa tono niya na galit na siya. .kaya bahagya akong napatigil sa pagsasalita “walang patutunguhan itong pag-uusap natin, alis na ako” at akmang aalis na si Bilfo ng umimik na naman ako. .

“mahal mo pa ako” confident kong imik, pero may bakas ng mga luha ang aking pisngi. .nakapako lang sa kanya ang aking mga mata

Tumigil siya sa paghakbang, hindi ko nakikita ang reaksyon niya kasi nakatalikod na siya sa akin. .

“alam ko, mahal mo pa rin ako!!” muli kong imik,

Wala pa rin akong naririnig na komento mula kay Bilfo, nakatalikod lang talaga siya sa akin tapos nakapamulsa pa siya kaya hindi ko rin alam kung nagdidiin ba siya ng kamao ngayon. .

“sabihin mo mahal mo pa rin ako diba??!!” sigaw ko ulet, kailangan atang gawing patanong yung sinasabi ko para maisipan niyang sumagot. .

Pero wala talaga akong narinig na sagot, humakbang na muli siya palayo sa akin ng hindi man lang ako nililingon. .

“hoy!! Bilfo!! Sige kapag hindi ka umimik!! Sinasabi ko sa iyo, papahalik ako kay Louis!!” despereda na ako eehhh, naiinis na din ako sa kanya eehh. .ganun ganun lang ?? nalaman na niya ang totoo tapos wala man lang siyang sasabihing matino tapos ni hindi man lang siya nag-alala nung sinabi kong nakulong ako sa banyo??!!!

Nakakainis na siya aahhh!!!!!

“aahh ganyan aahh!!! Sige!! Papabuntis ako kay Louis!!” muli kong sigaw, tapos hindi pa rin siya nag-react. .sisigaw pa sana ako ng----

“sige gawin mo, tang*na!! ng mapaglamayan mo yung gagung yun!!” sigaw niya pabalik na may halong pagkagalit, pero hindi ako nililingon

המשך קריאה

You'll Also Like

1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...