Magical Downfall. (NashLene...

By kryptonitegirl

64.9K 1.8K 308

Will the Prince's Spell continue? Or it's just another Magical Downfall? 》Book 1: The Prince's Spell. ♥ More

Magical Downfall.
MD #1.
MD #2.
MD #3.
MD #4.
MD #5.
MD #7.
MD #8.
MD #9.
MD #10.
MD #11.
MD #12.
MD #13.
MD #14.
MD #15.
MD #16.
MD #17.

MD #6.

3.3K 107 18
By kryptonitegirl

    ****

SHARLENE'S P.O.V

"Sakay na."

"Nash?!" 

"Ayaw mo bang sumakay?" Totoo ba ito? Inaaya niya akong sumakay sa kotse niya? Infairness, bagong kotse niya ito at mas magara pa kesa sa Blue Subaru niya na madalas kong sakyan dati. 

"Ayaw." sagot ko sa kanya. Ayaw ko naman talaga eh. -_-

"Sumakay ka na!" 

"Ayaw ko nga. Mag-aabang na lang ako. Thank you na lang. Hehe." I just faked a laugh saka bumaba siya sa kotse niya at tumayo sa harapan ko. 

"Minsan na nga lang ako maging mabait sa'yo, ayaw mo pa." Ngumiti siya. Kung tadyakan ko itong feeling hari na ire ngayon na? Ano ba problema niya? Nababadtrip na ako ah! -_- 

"Ganun ba? So ang sama ko pala...Mamaya kung saan mo pa ako dalhin eh." Totoo naman kasi, mamaya ipadala pa niya ako sa ibang planeta at iligaw para mawala na ako sa paningin niya. Mahirap na talaga!

"Ano sabi mo?" 

"Wala ah. Ano ba yang naririnig mo? Ay! Ayan na yung jeep oh. Para! Para!" Mabuti naman at hinintuan na ako ni Manong Driver kaso,

"Joke lang po yan Manong! Hindi po talaga siya sasakay. Sige po, mauna na po kayo!" Aba! Ano ba pinagsasabi ni Nash? At ito namang uto-utong driver, nauna na nga at hindi man lang ako pinasakay.

"Bakit mo ginawa yun hah?" 

"Sinasabi ko na kasing sa akin ka na sumabay."

"Bigyan mo ako ng mahalagang rason. Aber!" Ngayong oras, ginamit ko na ang pagtataray voice ko sa kanya. Bakit nga ba nagkakaganito siya? Ang mga lalaki talaga kahit kailan!

"Ah. Ano. Kasi." 

"Kasi?"

"Wala! Sumabay ka na kasi sa akin!" 

"Say the magic word muna. Haha!" Natawa na lang ako sa pinagsasabi ko. Tila ako lang ang nang-gag*go dito ah. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita,

"Please Sharlene!" sabi niya at ang kinagulat ko lang. Lumuhod pa siya sa harapan ko at pinagtinginan kami ng mga tao. 

"Hoy! Ano ba? Tumayo ka na dyan! Biro lang naman yun!" saka ko siya hinaltak papatayo at sumakay na sa kotse niya.

     ****

Binuksan niya yung radyo at ang kanta pa ay Starting Over Again by Natalie Cole. 

And now we're starting over again, it's not the easiest thing to do

I'm feeling inside again, 'cause every time I looked at you

I know we're starting over again, this time we'll leave all the pain away

Welcome home my lover and friend, we are starting over, over again~

"May kailangan ka noh?!" tanong ko sa kanya. Saka natapos na rin kasi yung nakakaurat na kanta.

"Wala ah."

"Asus! Umamin ka na! Alam kong may kailangan ka." 

"Kapag sinabi kong wala, wala. Okay? Nga pala, kasama mo si Jairus kanina diba?" Teka, bakit naman niya nalaman?

"Huwag kang mag-alala, hindi ko kayo sinusundan. Nagkataon lang na nakita ko kayo sa may foodcourt. Wait lang, may bibilhin lang ako." Hininto niya yung kotse saka pumasok sa isang convenience store. At mind reader ba siya? Paano niya nalamang yan ang tumatakbo sa utak ko?! Hay! Ewan! Makaidlip na nga lang!

    ****

 NASH'S P.O.V

Mukhang in-good terms na si Jairus at Sharlene. Pero speaking of Jairus...

*flashback*

(11 years ago)

"Lola! Lola! Tignan niyo po, I got 3 awards in my class." pagkagaling namin sa school ni Jairus, bumaba kaagad siya sa kotse at tumatakbo papunta kay Lola na umiinom ng kape sa may graden. 

"How nice Jairus! I'm very proud of you! Ano gusto mong gift?" 

"Thank you Lola! I want Ironman because he's very stroooooong!" yumakap si Jairus kay Lola at ako naman, nakatayo lang malapit sa kanila at nakikinig.

"Sige Apo, Lola will give Ironman to you." Kumalas na si Jairus sa pagkakayakap kay Lola at pumasok na sa loob ng bahay.

"Ikaw Nash? Kamusta ang school?" tanong sa akin ni Lola. 

"Lola, I got 7 awards. Best in Math, Best in Science, Best in English..."

"Okay, stop now. Very good Nash! Go to your room now and change your clothes huh." Pumasok na ako sa loob habang nakasimangot. 

    ****

(7 years ago)

"Ito pala ang gwapong-gwapo kong apo, si Jairus." Pagpapakilala ni Lola sa mga bisita niya sa thanksgiving party namin ngayon.

"I heard that he's doing well in academics and sports."

"Hindi naman po. Hehe." sabi ni Jairus sa kanila.

"Ipapadala ko nga itong apo ko sa London para mag-aral at mas ma-enchance pa ang skills niya."

"That's great. You're a very supportive grandmother indeed, Madam."

"Oh, and that boy over here, he's also my grandson." Tinuro naman ako ni Lola sa mga bisita niya. Nginitian ko na lang sila pero sa loob loob ko, isa lang ang siguradong nararadaman ko. KALUNGKUTAN. 

*end of flashback*

Hay buhay! Ang unfair lang ng buhay ko. Jairus! Jairus! Jairus! Puro na lang Jairus! Simula bata pa ako, si Jairus na lang ang laging nakikita nila! Isang napakalalim na buntong-hininga na lang ang nilalabas ko kapag naaalala ko na ganito ang kalagayan ko.

Namatay ang mga magulang ni Jairus sa isang car accident at simula ng mangyari yun, parang hindi na ako nageexist sa paningin ni Lola. Si Jairus na lang ang palaging the best! Kung tutuusin nga, mas nakakalamang ako palagi kay Jairus.

I always work hard pero wala eh, kahit na maakyat ko yata ang Mt. Everest at maka-survive sa isang extra solar planet, they will only see Jairus! AND ONLY JAIRUS! *sigh* Tama na nga ang drama, mabalikan na nga si Sharlene sa kotse!

"Oy! Sharlene!" inalog-alog ko siya. Mukhang nakatulog yata ang isang ito ah.

"San Pedro! Oy Sharlene!" Pabayaan ko na nga. Saka ko na lang sasabihin yung mga sasabihin ko kapag nagising na siya. Nagsisinungaling lang ako kanina na wala akong kailangan, nagaalinlangan din kasi ako.

SHARLENE'S P.O.V

Nakalabas na kaya si Nash sa labas ng convenience store? Nang tignan ko ang paligid ko, nasa park na kami malapit sa bahay ko pero nasa kotse pa rin ako ni Nash at nang tignan ko din ang orasan ko, 11:55 na! 5 minutes na lang before ang birhday ko ah! o.O

"Oy Nash! Hindi mo man lang ako ginising!" Lumabas ako ng kotse niya, at siya naman, nakasandal sa labas.

"Ayokong maistorbo pagtulog mo. Halos tatlonoras din yun ah!"

"TATLONG ORAS?!"

"Oo, tatlong oras nga. Bilangin mo pa!" At nung bilangin ko nga, hindi nga siya nagbibiro, tatlong oras nga! 

"Ano ginawa mo sa tatlong oras? Naghintay na magising ako? Tatag mo ah! At saka bakit hindi mo pa ako hinatid sa amin? Ang hina mo namang dumiskarte!" 

"Wala, tumambay lang ng tatlong oras saka naglibot-libot. May sasabihin pa kasi ako sa'yong importante kaya hinintay kitang magising."

"Ano namang importante yan at kinakailangan pang paabutin ng ganitong oras? At sinasabi ko na nga bang may kailangan ka talaga kaya ka ganyan eh!"

"Yung kantang Starting Over Again."

"Oh? Anong meron sa kantang yun?" 

"Sabi nga sa lyrics, 'Welcome home my lover and friend, starting over, over again' pero tatanggalin ko na yung lover something na yun, tapos na tayo doon eh." Kumunot na lang ang noo ko sa sinasabi niya, hindi ko siya gets eh! 

"Gusto ko lang sabihin sa'yo na, 'Welcome home my friend, I hope that we can start all over again' And I wish you a Happy Birthday!" Tinignan ko uli yung relo ko at tama nga, pumatak na nga ng alas-dose.

"Sa-salamat Nash!" Starting over again as friends?! Ayos lang. Friends lang naman eh. 

    ****

 To be Continued...

Continue Reading