Lascivious Series #2: Playmat...

By sachtych

2.5M 40.6K 1.3K

Paloma Ivanna Accosi and Wage Schneider's Story "HINDI KITA PINAPUNTA RITO PARA HUMILATA LANG!" naiinis na si... More

Hedone
Prologue
Bed 1
Bed 2
Bed 3
Bed 4
Bed 5
Bed 6
Bed 7
Bed 8
Bed 9
Bed 10
Bed 11
Bed 12
Bed 13
Bed 14
Bed 15
Bed 16
Bed 17
Bed 18
Bed 20
Bed 21
Bed 22
Bed 23
Bed 24
Bed 25
Bed 26
Bed 27
Bed 28
Bed 29
Bed 30
Final
Hedone's Note

Bed 19

60.9K 1.4K 116
By sachtych

Pia's POV

Mabilis kong itinulak si Wage palayo sa akin at nakita kong muntik na itong mawalan ng balanse kung hindi lamang ito nakahawak sa gilid ng bintana.

"MOMMY! WHO'S THAT MAN?!" malakas na tili ng anak ko kaya natatarantang lumapit ako dito at binuhat siya.

"C-come on, Baby. We need to get dress na for your Tito Warren's birthday."  hinatak ko na lang iyong malaking bag sa may kama pati na din iyong dress ko na nalaglag na pala sa sahig.

Paglabas namin sa kwartong iyon ay pumasok kami sa isa pang guest room at inilapag ko ang anak ko sa kama.

"Mommy, answer me po." nakahalukipkip pa ito at nakanguso habag nakatingin sa akin. Tumabi naman ako rito sa kama at hinaplos ang buhok niya.

"Friend siya ni Tito Warren mo." simpleng tugon ko rito. It's the safest answer that I can give to my daughter right now.

"Then why is he holding you like that, Mommy?" umupo ito sa kandungan ko at pinindot-pindot ang mukha ko. Napangiti naman ako sa gestures nito.

Kapag ganito ito ay selos lang naman lagi ang dahilan. Ayaw niya daw kasing may lalaki na malapit sa akin pero hindi niya naman sinasabi ang dahilan.

"Nadulas kasi si Mommy and He just have to do that for Mommy's safety, hmm?" sagot kong muli rito. Nakita kong ngumiti na ito ulit kaya napangiti na din ako.

Hinilamusan at pinalitan ko na ng damit si Ingrid atsaka ko naman inasikaso ang sarili ko. Pagkatapos ay inayos ko na ang mga gamit namin para mabilis na lang mamaya kapag umuwi kami.

Pagbaba namin ay nagsisimula ng dumating ang mga bisita. Magkahawak kamay namin tinungo ng anak ko ang daan patungo sa garden kung saan idinaraos ang party.

Agad naming nakita ang grupo nila Yell dahil sila lang naman ang maingay kaya dumiretso kami doon. Nakita kong tahimik lamang na nakaupo roon si Xiara habang kandong-kandong ang anak niya. Inirapan ko ito bago ngumiti kay Sandro.

"Tita Pia!" bumaba ito sa kandungan ng ina at masayang lumapit sa akin. Yumuko ako para halikan ito sa pisngi na agad din naman niyang sinuklian.

"Hi, baby boy. Kamusta?" tanong ko rito habang nakangiti.

"Ayos lang naman po ako, Tita Pia. Kayo po?" 

"MOMMY!" napatingin ako sa anak ko na nasa tabi ko pa din pala at nakita kong nakanguso ito.

Masama ang tingin na ipinupukol niya kay Sandro at bigla na lang siyang lumapit sa akin para akapin ako. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Sandro samantalang natawa naman ang mga kaibigan ko.

Napapailing na lang ako at niyakap sa beywang si Ingrid.

"Why are you shouting, baby? Di ba I told you a while ago that you must behave?" hinaplos ko pa ang mukha nito habang nananatili pa din ang tingin kay Sandro.

"Why are you calling him, Baby? I thought I am just your baby!" pagmamaktol nito at lalo pang nagkanda-haba haba ang nguso.

Natawa lang kami pare-pareho habang napapailing naman si Sandro na lumapit kay Xiara.

"Because he is also a baby, Ingrid. Bakit ang nosy mo today?" pang-aasar ko dito pero yumuko lamang siya at humalukipkip.

Napabuntong hininga na lang at humingi ng paumanhin sa kanila. Maya-maya pa ay nagsimula na ang party at wala akong narinig kundi ang awayin ni Ingrid si Sandro. 

Tumabi kasi sa akin si Sandro at bumulong pa sa akin na kung pwede daw niyang asarin si Ingrid. Napatawa na lang ako at hinayaan sila. 

Mas lalo pang umingay sa parte namin nang dumating ang iba pang kaibigan nila Simon at Kuya Warren.

"Girls, I want you to meet my other friends. This is Lex, the ever loving brother," turo nito sa lalaking mukhang tahimik lamang. "This is Zel, the total asshole so beware of his charms," turo naman nito sa lalaking may hikaw sa kaliwang tenga at blonde ang buhok. 

"This is Poseidon, the workaholic man of all times," nakaka-intimidate ang aura nito pero ngumiti naman ito sa amin. "And this is Gabriello, ewan ko kung anong itatawag ko sa kanya." tumawa namin kaming lahat sa tinuran nito.

"Sweetie Pie, Huwag mo naman silang tignan ng ganyan. Nag-seselos ako oh." biglang hirit ni Kris at humawak pa sa kaliwang kamay ni Cinnamon.

"Stop it, Kris. Hindi tayo close kaya pwede ba lumayo-layo ka sa akin." umirap pa ito at lumapit kay Kuya Warren. Nakita ko naman ang pag-nguso ni Kris.

"Ty, bakit hindi mo sinabi sa akin na may mga barkada pa pala kayong gwapo at yummy?" nakangiting pagpapa-cute ni Ate Cholita sa asawa.

Sinamaan naman ni Tyler ng tingin ang mga kaibigan at sinenyasang umalis na. Natawa na lang kami sa mga ito lalo pa ng batukan ni Ate Cholita si Tyler.

At kaya naman pala tahimik si Yell dahil busy ito sa pakikipag-harutan na naman sa asawa kaya peke akong napaubo sa mga ito. Nag-peace sign lang si Yell kaya inirapan ko lang siya.

"Are we missing something?"

Napalingon kaming lahat sa likod at nakita naming papalapit dito sa gawi namin si Wage kasama si Simon. Pareho pa ang mga itong nakapamulsa at seryoso ang mga mukha.

Natahimik ang lahat at nagpabalik-balik ang tingin sa akin at kay Xiara. Nag-paalam naman itong magc-cr lang at mabilis na pumasok sa mansion.

Nag-iwas na lamang ako ng tingin at inabala ang sarili sa dalawang bata na nasa tabi ko.

"Okay? I can sense some awkward presence in here. Anong meron guys?" tanong ni Zel at umakbay pa kay Simon kaya hindi nito natuloy ang paglalakad papunta sa gawi ng pinuntahan ni Xiara.

"Mommy, I want to go home na. There are too much handsome guys here and you can see them. Si Daddy lang dapat ang love mo kaya halika na po." 

Napalunok ako sa tinuran nito kahit pa hindi nito kilala ang tunay na ama. Ngayon ko lang din kasi uli narinig itong banggitin ang tungkol sa amang hindi niya man lang nakilala kahit kailanman.

"K-kasi Baby..." napatingin ako kay Kuya Warren.

"You can go home, Pia. I can understand. By the way, thank you for help my moms to prepare the foods for my birthday." nakangiti nitong sabi kaya nginitian ko siya.

"Hey! I also help your moms! Bakit hindi ka nagtha-thank you sakin? You really have some favoritism." singit ni Yell kaya napailing na lang ako.

"Excuse us." sabi ko sa mga ito at inakay na ang anak ko papasok.

Nakita ko sa gilid ko na lalapitan sana ako ni Wage ngunit agad din naman siyang napigilan ni Kuya Warren. I should really thank him big time.

Nang makuha ko na ang mga gamit namin at makalabas ng mansion ay tsaka ko lamang napagtanto na wala nga pala akong dalang kotse dahil sumabay lang kami kay nila Yell kanina papunta rito.

"Come on, I'll give you a ride." 

Napapitlag ako nang may mag-salita sa likod ko at nakita ko roon si Wage na nakapamulsang nakatingin sa kawalan.

"No, thanks mister. We can get a cab po." mabilis na pag-sagot ng anak ko kaya napatingin ako dito. Bumitaw pa ito sa akin at nameywang na para bang isang matanda.

Nakita ko naman ang munting pag-ngiti ni Wage rito at bigla na lang yumuko upang magka-pantay sila ng anak ko.

"It's okay little girl. I can send you to home already. I know you're already tired especially your mom, so let me." ngumiti pa ito ng malawak sa anak ko na para bang nagpapa-cute pa.

Nakita ko naman ang pag-sulyap sa akin ni Ingrid at napatapik-tapik pa sa pisngi niya.

"Okay! But this is the first and last, mister." sabi nito at hindi ko maiwasang mapanganga.

NEVER PANG PUMAYAG ITO SA KAHIT SINO. I can't even convince her whenever there is a guy who wants to take us home.

Habang nasa biyahe ay wala ni isa ang umiimik sa aming tatlo. Ni ang madaldal at palatanong kong anak ay tahimik lamang na nakamasid sa bintana.

"Where do you want to eat?" tanong ni Wage kaya napasulyap ako dito.

"We are not yet hungry, mister." sagot ng anak ko at umakap sa leeg ko ito.

Napabuntong hininga ako. Alam ko naman na gutom na ito pero alam kong hindi nito sasabihin kay Wage iyon. Ipagluluto ko na lamang siguro ito pagdating sa bahay.

"But you didn't eat at the party, right?" 

"Yes but it doesn't mean we're hungry." sagot nito at lalong nagsumiksik sa akin. Hinaplos ko lamang siya sa buhok niya at hinalikan sa noo.

Buong biyahe ay nanatiling tahimik muli hanggang makarating kami sa bahay. Tulog na din si Ingrid nang makita ko.

"Maraming salamat sa paghatid." wika ko rito habang pababa ng kotse niya. Tinitigan niya lang ako ng mataman at inagaw ang mga gamit na dala-dala ko.

Kumunot ang noo ko rito at pilit na kinukuha ang gamit ko sa kanya.

"I'll help you with these things. Just open that gate." seryosong saad nito. Napabuntong hininga na lang ako at pinapasok siya sa bahay.

Parang kanina lang ay ayaw ko na siya muling makita pero heto nga naman ang tadhana at pilit kaming pinaglalaruan.

Nang maipasok ko na sa kwarto niya si Ingrid ay bumaba na akong muli at nakita roon si Wage na prenteng nakaupo habang nagmamasid sa kabuuan ng bahay.

"Salamat. Makakaalis ka na." walang emosyon kong wika rito.

Tumayo ito at lumapit sa akin kaya napaatras akong muli.

"Umalis ka na Wage." matigas na ang boses ko nang sabihin ko iyon ngunit hindi niya ako pinansin at hinapit lang ako muli sa beywang.

Pilit ko itong pinapaalis ngunit lalo lamang niya akong idinidikit sa katawan niya. 

"Wage, ano ba! Bitawan mo nga ako at umalis ka na!" naiirita kong sabi rito ngunit nanatili lamang itong walang pinakikitang emosyon.

"No, Paloma. I won't ever repeat the same mistake that I have done in the past. I won't let you escape again, my dear wife."

Continue Reading

You'll Also Like

869K 29.9K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
149K 5.7K 31
Elusive and hard to read. But Mylene always adored him. The man in her walls. The man whose struggles exceeds far human means and becomes god inside...
507K 17.3K 38
(PHYSICAL BOOK Now sold out) A bad night that could change their lives forever... Dahil sa pustahan ay napilitan na mag-roleplay si Nik. Baduy at ner...
1.2M 36.1K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...