HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
EPILOGUE

TAGURO and SENSUI

5M 87.1K 247K
By maxinejiji


DEIB LOHR'S POV

"I'M HAPPY," pabulong kong sinabi kay Taguro habang magkayakap kami at hindi mapaghiwalay ang mga pisngi.

"I know."

"I'm so happy, Maxpein. Very happy," pakiramdam ko ay wala ako sa sarili dahil sa sobrang sarap ng pakiramdam. "I am so...so"

"Oo na," pigil niya sa sasabihin ko pa.

"Tch," napasimangot ako matapos matigilan, at natawa na lang sa huli. "Wala kang ipinagbago, Taguro."

"Nakakarindi ka, eh," naging matunog ang pagtawa niya saka bumuntong-hininga. "I am happy, too," batid kong nakangiti siya nang sabihin 'yon. At bagaman ganoon lang ang kaniyang sagot ay nasisiguro kong pareho ang aming nararamdaman.

"Hindi ka naman galit?" ako naman ang tumawa.

Umiling siya. "Hindi ko yata kayang magalit. Masiyadong maganda ang pakiramdam ko. At inaabala 'yon niyang bibig mo. Masiyado kang madada."

Natawa ako. "Sobrang saya mo rin?"

"Oo nga."

"Hahaha! Pareho tayo, babe!"

"Tss."Huminga siya nang malalim at umiling. Parang noon palang siya nagsawa sa kakulitan ko.

Dumeretso ako ng tayo at tumingin sa kaniya. "'Sabagay, sobrang gwapo kasi ng mapapang-asawa mo, ano? Masaya talaga 'yon."

"Tss."

Pinandilatan ko siya. "Bakit, hindi ba?"

"Ano na naman?" nagpanggap siyang naiinis pero pilit na kumakawala ang ngiti sa kaniyang labi. Gano'n siya kasaya.

"Sabihin mong hindi ako gwapo?"

"Tumanggi ba 'ko?"

Nakangiwi akong ngumisi. "Ikaw lang ang magmamay-ari ng mukhang 'to, Taguro. Ikaw lang ang magkakaroon ng asawang may ganitong mukha, sa buong mundo."

"Whatever," pinaikot niya ang mga mata.

"'Arte, hehehe," tudyo ko.

"Na-miss ko 'yang ganiyang ugali mo, Sensui." Iniiba niya ang usapan. "Diyan ka cute. Pero kapag sumobra, ang sarap mo nang tadyakan."

"Ako lang ang ganiyan," seryoso kong sinabi habang tumatango.

"Ikaw nga lang."

"At bukod kay mommy ay wala akong kamukha."

"Kamukha mo si Dein."

Nandiri ako. "Ang pangit-pangit no'n!"

Humalakhak siya. "Kung makalait ka parang magkaibang sinapupunan naman ang pinagmulan ninyo."

"Hindi kami magkamukha. Kamukha ko si mommy at kamukha niya si daddy. Sa madaling salita ay mukha siyang lalaki."

"Eh, di pangit pala ang daddy mo?"

"Gwapo si daddy."

"Kaya nga maganda si Dein."

"Pangit si Dein. Maarte, sobrang arte at maldita." Nakangiwi kong sinulyapan ang kapatid ko na noon ay akala mo inaalala ang kasal niya. Proud na proud. "But she's the best sister in the whole world."

"Tss. Ganiyan din ang sinabi sa 'kin ni Maxwell."

Nilingon ko siya nang nakangiti. "Para kay Maxwell 'yon. Para sa 'kin ay si Noona."

"Tss. Sa tingin ko ay hindi totoo 'yang sinasabi ninyong 'yan, inuuto niyo lang kami."

"Hindi ka naniniwala sa kapatid mo?" napahalakhak na naman ako.

Kunot-noo siyang bumuntong-hininga. "Bakit, naging kapatid niya ba ang lahat ng babae sa mundo para masabi niyang ako ang the best?" saka siya ngumisi.

"Napakapilosopo mo."

"At least hindi ko sinasabing pangit ang mga kapatid ko. Ang totoo niyan, mas gwapo pa nga sila sa 'yo."

Pinandilatan ko siya. "'Oy, Taguro!"

"Totoo." Seryoso talaga siya.

"Si Maxwell?"

"At si Maxrill. Maski nga tatay ko mas gwapo sa 'yo."

"Sobra na 'yang panlalait mo, ah," huminto kami sa pagsasayaw para lang magbalyahan. "Baka nakakalimutan mong ako ang mapapang-asawa mo kaya ako ang magbibigay ng anak sa 'yo?"

"Ako naman ang magdadala ng anak mo."

"At dugo ko ang dadaloy sa batang mabubuo diyan sa sinapupunan mo," inginuso ko pa ang tiyan niya.

"Malamang, unless..." Tumingin siya sa tiyan ko.

"Ano na naman?" angil ko bagaman alam ko na ang pangit na birong nasa isip niya.

Humalakhak siya. "'Wag na, baka bawiin mo ang singsing ko," sinulyapan niya ang kamay. Hindi ako makapaniwalang kumislap ang mga mata niya, o sadyang nahihibang lang ako. Gayunman, masaya ako na makita at maramdamang masaya siya.

Nagpatuloy kami sa pagsayaw. "Sana lahat ng anak natin kamukha mo, Taguro. Tutal mas mahal kita."

Ngumiwi siya. "Gano'n?"

"Oo," nagmamalaki akong tumango saka sumeryoso. "Pero gusto ko talaga ng beinte na anak na kamukha mo, Taguro. 'Yong mapagkakamalan kong panganay 'yong bunso. 'Yong matatawag ko 'yong ikalambinlima tapos ang kailangan ko pala ay 'yong ikalima. Gusto ko 'yong malilito ako kung sino ang karga-karga ko kasi lahat sila kamukha mo. Hehehe. Ang saya-saya no'n, Taguro."

"King ina, ano 'ko, aso?" singhal niya, biglang nangibabaw ang angas.

Nanlata ako. "Babe, simulan mo nang tigilan ang pananalita nang ganiyan, ah?"

Umiling siya. "Minahal mo 'ko nang ganito, pakasalan mo 'ko nang ganito."

"Tch." Nakangiti kong tinitigan siya. "Pero ayos lang sa 'kin kung may isa sa mga 'yon na magiging kamukha ko, hehehe. Paniguradong 'yon ang i-spoil mo."

"Asa. Hindi ko nga naranasang ma-spoil."

"'Wag ka ngang ganiyan sa mga anak natin, Maxpein?" kunot-noong angil ko. "Maselan ang mga bata."

"King ina," iginala niya ang paningin sa paligid. "Nasa'n!"

"Ang alin?"

"Ang mga anak na sinasabi mo?"

Natawa ako. "Hehehe, nasa isip ko palang."

"Tss. Masiyado kasing advanced 'yang isip mo."

"Beinteng anak, Taguro."

"Hindi ako mahilig sa bata."

"Kailangang mahiligan mo!"

"Tama na 'yong isa."

"Isang dosena!"

"Sige."

"Talaga?"

"Oo, basta ba iba't iba ang ama."

"Sira-ulo mo."

"Joke lang."

"Ayoko na nga!" angil ko sabay hiwalay sa kaniya.

"Tss. Pagpaplano pa lang 'yan, ah?" ngumisi siya. "Mahusay."

"Hehe," awtomatiko kong hinawakan muli ang kamay at baywang niya. Saka ko siya iniikot na parang isang prinsesa. Sabay kaming napahalakhak na pinanood ng lahat.

Kakaiba ang saya. 'Yon 'yong magagawang patayin ang galit. 'Yong gustuhin mo mang makaramdam ng inis ay hindi ka magtatagumpay. Masiyado kaming masaya.

At nasisiguro ko ring hindi lang kami ang may ganoong pakiramdam. Ang lahat ay masaya para sa amin. Makikita ang mga 'yon sa kanilang mga mata at ngiti. Hindi man lang yata nila inalis ang paningin sa amin, kahit pa mas maganda ang mga paputok sa langit.

"I want to ask you something, babe," nakangisi kong tanong ngunit hindi ipinahalata sa kaniya. "This is serious, answer me properly."

"What is it?" seryoso nga niyang tugon.

"Regular ba ang menstruation mo?"

Hinampas niya ang balikat ko saka tatawa-tawang humarap sa 'kin. "Ano ba naman 'yang tanong mo?"

Seryoso akong bumuntong-hininga, bahagyang nahinto sa paggewang naming dalawa. "I'm serious."

"Why are you asking?" nakataas niya ang kilay.

"Ha," napasinghal ako ng tawa. "Syempre, magpapakasal na tayong dalawa, babe."

"Exactly," dinuro niya ang bibig ko. "Hindi ka talaga tantanan niyang sakit mo, 'no? Hindi ba pwedeng kasal muna ang pag-usapan natin?"

Natawa ako. "Of course, we'll do the honeymoon right after the wedding, babe."

"Tss. Grabe," tatawa-tawa siyang umiling. "Manyakis."

"Anong manyakis? Nagpaplano lang ako." Nginiwian ko siya kunyari. "I'm just thinking about the future, babe."

"Future...mukha mo," nakangiwi niyang angil. "Hindi uso ang honeymoon sa amin."

"Ano?" angil ko sabay ngiwi. "Hindi ako naniniwala."

"Seryoso." Seryoso nga siya. Nangunot ang noo ko. "Hindi namin nakasanayan ang honey-honeymoon na iyan. Kadalasan ay bumabalik na sa trabaho kinabukasan ang bagong kasal."

"Anak ng...paano naman ang kultura ko, Taguro?" asik ko. "May sarili rin akong kultura!"

Humalakhak siya. "Inirerespeto ko naman ang kultura mo," aniya sa nang-aasar na tono.

"Tch. No," pagmamatigas ko.

"Anong no?" kunot-noo niyang tugon.

"Irerespeto ko ang kultura mo kapag sa Emperyo nakatungtong ang mga paa ko. Pero pagbalik dito sa teritoryo ko, irespeto mo ang kultura ko."

Nakangiwi siyang tumango. "At ang kultura mo ay honeymoon, gano'n?"

"Tch. Nasa kultura ng mga Pinoy'yon."

"Tss. Wala sa kultura mo 'yon."

"Nasa kultura ko 'yon, Taguro."

"Wala, Sensui."

"Nasa'n kung gano'n?"

"Nasa dugo mo. Ang kamanyakan mo ay nasa dugo mo mismo. 'Wag mong idinadamay ang kultura ng sambayanang Pilipino."

"Ang korni mo," dismayadong tugon ko. "So, ano nga? Regular ba ang mens mo?" nagpigil ako ng ngisi.

"Buwanan ako kung datnan," nag-iwas siya tingin, nahihiya.

"I mean," hinabol ko ang kaniyang tingin. "Same day every month?"

"Deib Lohr!" angil niya.

Inilapit ko ang bibig sa kaniyang tainga. "Bubuntisin kita agad."

Hinampas niya ang balikat ko. "Pakasalan mo muna ako!"

Inilapat ko ang pareho kong braso. "I'm all yours, babe, so chill. Answer me."

"Minsan delayed ng isa o dalawang araw," ubos na agad ang pasensya niya. "Baguhin mo nga 'yang tanong mo, baka maiitsa kita sa tubig."

Humalakhak ako. "Good. Good. Okay, then"

"What?" asik niya.

"Easy," isinuko ko ang parehong kamay, mukhang mananapak na agad siya sa inis. "I just want to make sure I'll get you pregnant in a month or two. Kaya kailangang ikasal tayo bago, o matapos ng mens mo para siguradong magiging tatay na ako."

Natulala siya sa akin habang nakakunot ang noo. "Bwisit ka!" angil niya saka ako tinalikuran.

"Babe!" habol ko. "Tingnan mo 'to, wala pa nga, eh! Babe! Taguro babe!"

"Oh, ano 'yan? Wala pang kasalan, ah!" natatawang sigaw ni Tob. "Hiniwalayan ka agad, 'dre? Aba, wala kang habol diyan!"

"Loko!" natatawang singhal ko sabay habol kay Taguro. "Baby babe!"

Dahil sa sitwasyon namin ay pareho kaming pinagtawanan ng mga naro'n. Marahil ay sanay na sila sa 'min akaya kahit pa gano'ng naghahabulan kami, hindi nila makuhang mag-alala. Pero dahil maayos na ang pag-iisip ni Taguro ay hindi na siya nagpahabol pa. Magkahawak-kamay naming nilapitan ang bawat isang naro'n para pasalamatan.

Hindi ako makapaniwalang halos maiyak sa pagpapasalamat at saya si Taguro. Nagpapalakasan naman ng paghagulgol sina mommy at Parrot. Hinigitan pa nila ang excitement ni Taguro. Pero walang katulad ang luha ni Maxpein, ginto. Masiyado iyong espesyal kaya naman buong-pusong tinanggap ng lahat ang kaniyang pasasalamat. Gano'n na lang kahigpit ang yakap niya sa bawat isa. Gano'n na lang din ang pilit kong pag-agaw sa kaniya sa mga lalaking niyayakap niya. Nagsayawan kaming lahat sa pamamagitan ng naggagandahang boses nina Randall, Parrot, Yaz, Noona, Migz at BJ. Saksi ang buong isla kung paano kaming nilamon ng saya. Saksi ang buong isla kung paanong binago ni Taguro ang buhay ko sa gabing iyon.

At bago tuluyang lumalim ang gabi ay bumalik na kami sa hotel.

Gaya nang sinabi ni Chairman Enrile ay namanhikan kami sa pamilyang Moon kinabukasan matapos ang proposal ko. Maproseso pala talaga ang pagpapakasal sa kultura nila. Kahit engaged na kami ay pwede pa palang maudlot iyon kung tatanggi ang pamilya ni Taguro. Kailangan pa naming pormal na mamanhikan.

Natuwa na nga lang ako nang sabihin nina Chairman Mokz at More na wala silang karapatang tumanggi. Gayong ang Netjae mismo ang sumadya para ipamanhikan ako. Bukod doon ay ipinagmalaki nila ang nararamdaman ni Taguro para sa akin. Na para bang isa iyong imposibleng bagay sa mundo na ginawa kong posible. Kung saan siya nga ang maswerte dahil makakatuluyan niya ako.

Nang sandali ring iyon ay inamin ng ikapat na hukom ang kanilang pakay. Nakausap na nila si More bago pumunta dito kaya nalalaman nila ang tungkol sa amin ni Taguro. Hindi nga lang inaasahan ng mga Moon na darating ito nang walang pasabi, nang wala sa plano, nang ganoon kaaga. Ngunit totoong kailangan nang maipasa ang posisyon ni Mokz kay More. Ginamit nga lang nilang dahilan iyon para mas mapabilis ang pagpapatali ni Taguro. Napakatalino, pabor na pabor sa akin.

Nang sandali ring iyon ay ipinaliwanag ni Chairman Enrile ang nakagawian nang proposal ng mga Pinoy sa Netjae. Tuloy ay nalito ang ilan sa pamilya ko, lalo na sina Randall at Noona. Sunod-sunod ang pagtatanong nila.

Nalaman namin na hindi pala nangyayari sa bansa nila ang ganoong proposals. Walang nagaganap na down-on-one-knee ng lalaki at pagbibigay ng engagement ring. Sa kasal naman ay bibihira rin ang wedding rings, bagaman may mga ganoon nang pangyayari. Ang simbolo raw kasi kung tutuusin ay base sa posisyon sa pamilya, at hindi gaya ng heirloom na ipinapasa-pasa para sa mapapang-asawa. At sa paraan nang pagkakuwento ni Chairman ay nasisiguro kong ang iniiwasan niyang banggitin ang kabilang bansa, ang South. Kung saan nakukuha na ng mga ito ang ganoong proposals mula sa ibang bansa. Ipinaliwanag ng Chairman kung gaano kahigpit sa modernong pagbabago ang bansa nina Taguro. Bagay na lalong ipinagkunot-noo at ikinalito nina Randall at Noona, bagaman naiintindihan ko.

Ipinaliwanag naman ni More kung paano ang paraan ng pagpapakasal sa kanilang kultura. Kung saan nagkikita muna ang mga myembro ng parehong pamilya at saka nagkakasundo tungkol sa kasal. Normal na raw ang arranged marriage sa kanila. Maswerte ang ikakasal kung magustuhan nila ang isa't isa. Pero ang Netjae ay mas pipiliin ang natural gaya ng sa amin ni Taguro. Bukod doon ay ipinaliwanag nila na hindi naaayon sa kanilang kultura ang matagal na engagement. Sa loob ng isa hanggang tatlong buwan ay inaasahan nang maikasal ang engaged couple. Nang sandali ring iyon ay sinabi niya nang nakangiti na madalas ay sa hotel, beach, hall, o sa bahay lang nagaganap ang kasal sa kanilang kultura.

Hindi ko pa man naiisip kung saang church kami magpapakasal, ay 'ayun na ang ikinagulat ko sa dami ng kanilang sinabi. Gayunman ay hindi no'n nabawasan ang magandang pakiramdam ko. Tanggap ko na ang bawat dahilan, lalo na ang kultura ng taong minahal ko.

Kasunod niyon ay ipinakita sa amin ni Maze ang sangkatutak na papel. Ang karamihan ay titulo ng mga lupain na pagmamay-ari nila. At ang ilan naman ay listahan ng mga pangalan ng kanilang mga properties at charities. Ang lahat ng iyon ay pribado. Ngunit dahil sa kanilang kultura ay kailangan nilang ipaalam ang mga iyon sa amin.

"Saan nga pala gaganapin ang kasal? Maganda sana kung sa ibang lugar naman, right?" bigla ay tanong ni Noona, excited. "I can't wait! Marami nang nabubuong plano sa isip ko ngayon pa lang! Gowns, gowns, gowns! Anong gusto mong theme, Maxpein?" Hindi maalis ang ningning sa mga mata ni Noona. Nasaksihan ko ang tuwa niya kahit na umiiyak. Naramdaman ko ang kaniyang galak, masayang-masaya siya para sa amin.

"Anong theme?" ignoranteng tugon ni Taguro.

"Hindi mo alam ang theme?"

"Hindi pa naman ako ikinasal noon," inosenteng tugon ni Taguro, gusto kong manlumo.

"Tsh," nangibabaw ang nakakalokong reaksyon ni Maxrill, hindi na lang namin pinansin ang pagiging sarkastiko niya.

"In Korea," sagot ng Netjae. Nagugulat akong sumulyap dito, maging ang pamilya ko.

"Sa Korea?" nabibiglang tanong ni Noona.

Tumango ang Netjae. "The Empery is waiting for them."

"Empery? Seriously?" inosenteng ani Randall.

"Yes," sagot ng Netjae nang hindi inaalis ang paningin sa hawak na wine glass.

"Where the hell is this place called Empery, then?" hiniling kong sana ay hindi na lang nagtanong si Randall.

Nagtaas ng kilay ang Netjae at saka nilingon si bayaw. Makapanindig balahibo ang tinging iyon para sa gaya ko na nalalaman kung ano at sino ang Netjae. Pero bale-wala iyon kay Randall na napapahiya lang na ngumisi. Pinasadahan ng tingin ng ikaapat si Randall, nakataas ang noo saka bumuntong-hininga. "It's not a place," naging makahulugan ang ngiti ng Netjae.

Nawala nang unti-unti ang ngiti ni Randall. "What is it, then?" halos ibulong niya na lang ang tanong.

"It's an empire," makapangyarihang sinabi ng Netjae.

Nilingon ko si Randall at napanood ko siyang matulala sa Netjae. Sinulyapan ko ang mga Moon, nakababa lang ang kanilang tingin. Habang si Taguro ay 'ayun, ngingisi-ngisi sa isang tabi na animong may kalokohang pinanonood sa isip.

Nakita ko nang mangunot ang noo ni Randall. At hindi ko inaasahan nang bigla ay tumawa siya. "An empire? And you're the empress?" Nilingon ni Randall si Maxwell. "What the hell is she talking about, D? I can't believe she's got the guts to joke around her age." Ngunit muli ay unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita kung gaanong kaseryoso ang kaibigan niya.

"Doon kami nakatira, sa Emperyo," sa wakas ay nagsalita si Taguro.

"Ano 'kamo, impyerno?" nagugulat na tanong ni Manang. Humagalpak ng tawa si Randall, nakahawak pa siya sa tiyan. Agad siyang pinigilan sa braso ni Chairman Enrile.

"Huwag na ninyong kuwestiyonin ang lugar na iyon," anang Chairman Enrile saka bumaling sa Netjae at tiningnan ito nang may paumanhin. "Kung gayon ay hindi pala maaaring dumalo ang karamihan sa mga narito?" mahina niyang dagdag.

"What?" sabay na singhal nina Randall at Noona.

"No more questions," pagtatapos ng Chairman.

Agad na namuo ang tensyon. Ang pamilya ko ay binigyan ng nangungwestiyong tingin si Chairman Enrile at mga Moon. At lalo na ang Netjae. Parang gusto nang magtaray ni Noona. Habang si Randall naman ay masama na ang tingin kay Bitgaram. Si Bitgaram na parang may sariling mundo sa kinauupuan.

Muling tumaas ang kilay ng Netjae at nilingon si Maxpein. Na para bang dito manggagaling ang desisyon. Nangunot naman ang noo ni Taguro na para bang kinukwestyon kung bakit kailangang siya ang sumagot.

"Pero...Chairman," nakangusong pagtawag ni Noona.

"Dein Leigh?" nananaway ang tinig ng Chairman. "May sinusunod na kultura ang pamilya nila. Kailangan natin iyong irespeto."

"Wait, what?" angil ni Randall, nilingon si Taguro. "Now I'm really curious. Sinasabi ba ng Chairman na hindi kami pwedeng pumunta sa Korea?"

"Anong lugar ba 'yon?" nag-aalalang tanong ni Noona.

"Pribado ang lugar na 'yon," kaswal na ani Maxwell saka bumuntong-hininga.

"Parang ang lugar na ito?" tinukoy ni Randall ang isla na iyon ng mga Moon sa Palawan.

"No," seryoso si Maxwell. "Mas pribado pa kaysa rito."

"I don't get it," naghihinala na si Randall. "Kahit na sino sa amin ay hindi pwedeng sumama?" Ang pagiging seryoso ng mga Moon ang sagot sa tanong niya. "Kahit ang parents ng ikakasal?" muli ay katahimikan ang sagot na natanggap niya.

Sandaling natahimik ang lahat. Ang pamilya ko ay pasimple at makahulugan na sumulyap sa isa't isa. Habang ang mga Moon naman ay 'ayun na naman sa kanilang misteryo. Hindi man sila sumulyap nang makahulugan sa isa't isa, bagaman nakatutok lang sa kung saan ang kanilang mga mata, may kung anong nagsasabi sa 'kin na nag-uusap sila. Na para ang kung magsasalita sila nang sabay-sabay ay iisa lang ang isasagot nila. Gano'n sila kawirdo. Gano'n ang kanilang misteryo.

"Of course," binasag ni Mokz ang katahimikan. "Nasisiguro ko na gugustuhin ng lahat na masaksihan ang kanilang kasal. Pamilya at mga kaibigan nilang dalawa," tatango-tangong aniya. "Ngunit ang lugar na iyon ay hindi ganoon kadaling pasukin." Nakangiting nagbaba ng tingin si Mokz. "Hindi basta-basta, maniwala kayo sa akin."

"What?" reaksyon ni Noona. "Then you mean, hindi talaga kami makakapunta, Chairman Mokz? No way! Why can't we come?" magalang niyang tanong, nilingon sina mommy't daddy, nag-aalala.

"Maxpein will decide," pagbabasag ng Netjae sa namumuong tanong at tensyon sa pagitan ng aming mga pamilya.

Napabuntong-hininga si Taguro. Sandali siyang nakipagtitigan sa Netjae at sa kaniyang pamilya. "We live in North Korea," bigla ay anunsyo niya, hindi ko inaasahan. Ngunit makikitang wala ni isang tumutol nang sabihin niya iyon. "Our place is not open for everyone."

Natulala ang pamilya ko kay Taguro, maliban sa akin. Tila inaalam nila kung nagsasabi ba ito nang totoo o nagbibiro. At nang mapatunayang hindi ito nagsisinungaling ay saka palang sila nagulat. Maging si Chairman Enrile ay gulat na gulat. Palibhasa'y nalalaman niya kung gaano kaselan ang usapin na ito, paniguradong hindi niya rin inaasahan ang sinabi ni Taguro.

Kahit hindi akma ay gusto kong matawa sa aking pamilya. Natatandaan ko pa ang gulat at kabang naramdaman ko nang malaman ko ang tungkol sa lugar nina Taguro. Pero sa nakikita kong reaksyon nila ngayon ay paniguradong hindi nalalayo ro'n ang gulat ko noon.

Nakangiti kong nilingon si Taguro. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. Hindi ko napaghandaan ang kaniyang pag-amin. Tuloy ay naghalo-halo na naman ang nararamdaman ko. Tanggap ko nang hindi niya iyon sasabihin kahit kailan. Tinanggap ko nang mananatiling sikreto ang maraming bagay na tungkol sa kaniya. Matagal ko nang tinanggap ang buong pagkatao niya. Kaya naman ang hindi maipaliwanag na paghanga na biglang sumibol sa dibdib ko ay pinangingilabot ako. May malaking parte sa dibdib ko na napanatag, parang may nabunot na tinik, nakahinga ako nang maluwang.

Pakiramdam ko ang sandaling iyon na ang simula nang pagpapakilala niya. Nang hindi ko hinihiling, nang hindi ko itinatanong. Iyong kusa niyang pagpapakilala. Ang totoong pagpapakilala ni Maxpein Zin "Taguro" del Valle-Moon.

Napasipol si Randall at hindi nakapagsalita. Si lolo ay napakamot sa sentido. Napailing si daddy at magkakasunod na bumuntong-hininga. Si mommy naman ay napamaang na para bang hindi nalalaman kung saan ang North Korea. Si Noona ay bahagyang napaiwas habang lumulunok, parang bigla ay natakot siya sa mga taong kaharap niya. Gusto kong matawa. Si Manang naman ay panay lang ang buntong-hininga. Si Chairman Enrile ay panay na lang ang kurap sa magkahawak niyang mga kamay.

"Hindi ko alam," halos mautal si Randall, nasa matalik na kaibigan ang paningin.

"Hindi naman lahat ay kailangan mong malaman," sagot ni Taguro.

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Dahil hindi lahat ay kailangan kong sabihin."

"Tsh," natawa si Randall, animong nababaliw. "I can't believe it."

"Tss. Bakit?"

"Nothing," hindi mawala ang pagkamangha sa reaksyon ni Randall, hindi talaga siya makapaniwala. At naiintindihan ko ang gano'ng reaksyon niya dahil mas malala pa yata ro'n ang naramdaman ko. "I just can't believe it."

"Me, too," pabulong na sagot ni Noona. Hindi rin siya makapaniwala. Lahat yata ng pamilya ko ay gano'n. At nasisiguro kong dadaan ang araw at hindi pa rin magbabago ang gano'n nilang reaksyon.

"Why? What are your thoughts about my country?" nagtaas ng noo si Taguro. Seryosong-seryoso siya. Tuloy ay kinabahan ako. Pakiramdam ko ay nainsulto siya sa gano'ng reaksyon ng aking pamilya.

"Babe," hinawakan ko ang balikat niya.

"I'm sorry," seryosong ani Randall. "Hindi lang ako makapaniwala dahil buong akala ko ay sa South Korea kayo nakatira. I'm sorry," paumanhin niya sa pamilyang Moon.

"Naiintindihan namin ang reaksyon ninyo," nakangiting ani Mokz, hindi na makita ang mga mata.

"Enough of this topic," binasag ni Maze ang gulat ng ilan. "Ang kasal ng dalawa ay gaganapin sa Empery, Pyongyang, North Korea. Mayroon kaming sariling kultura, kaya ganoon. Maaari uli silang magpakasal dito sa Pilipinas bilang respeto sa inyong nakasanayang kultura."

"Kung ganoon ay hindi pala namin masasaksihan ang unang kasal nila?" tanong ni daddy.

Hindi agad nakasagot ang mga Moon. Bigla ay nalungkot ako, napabuntong-hininga at nag-iwas ng tingin. Naiintindihan ko na ang sitwasyong iyon bagaman hindi ko naisip nang mas maaga na posibleng doon pala ganapin ang kasal. Ang isip ko ay masiyadong napako sa pagtanggap ni Taguro sa proposal ko.

Natinag ako nang bigla ay hawakan ni Taguro ang kamay ko. Nagugulat ko siyang nilingon. Wala pa man ay napangiti na 'ko nang makita ang kumikislap niyang mga mata.

"Kung maipapangako ninyong mananatiling lihim ang bagay na ito tungkol sa amin," hindi ko inaasahang si More ang magsasalita. "Bibigyan ko kayo ng pahintulot na tumungtong sa aming bansa sa loob ng isang araw."

"Isang araw?" nakangusong ani Noona.

"Isang araw," nakangiting sagot ni More.

"A--Are you sure, tito?" hindi na agad maitago ni Noona ang excitement. "What about our close friends? I mean, 'yong mga kasama namin dito, tito."

Tumango si More matapos bumuntong-hininga. "Okay. They'll come with us."

Napatili si Noona at tumalon-talon. "Thank you, tito!"

"Hindi naman ba kami mahihirapang pumasok sa bansa ninyo?" seryosong tanong ni lolo. "Sapat na bang pinahintulutan ninyo kami? Paano ang visa namin?"

"Walang problema," nakangiting ani More.

"Sigurado?" naniniguro ang ngiti ni lolo.

"May sarili kaming eroplano." Tumango si More.

Gusto kong manlumo. Ang eroplano na pag-aari ng mga Moon ang sagot sa lahat ng problema ng pamilyang ito.

Pasimple akong napangiti, napisil ko ang kamay ni Taguro. Sabay kaming lumingon sa isa't isa. "Thank you," bulong ko.

"Anything for you," aniya sabay halik sa kamay ko. Nakangiti akong pinangunutan ng noo. Napakawirdo ngang talaga ng relasyon naming dalawa.

"Deib Lohr," seryosong baling sa akin ni Chairman Enrile. Napatitig ako sa mga mata niya at sumeryoso. "Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa iyo na ang pagpapakasal kay Maxpein ay hindi gaya ng normal na pagpapakasal na nakikita at nalalaman mo."

Napalunok ako. "Naiintindihan ko, Chairman."

"May mga batas na sinusunod ang Emperyo. At dahil nabibilang sa lugar na iyon ang babaeng pakakasalan mo, kailangan mong manumpa at sundin iyon nang buong puso."

Isa-isa kong natingnan ang mga Moon. Lahat sila ay nakatingin din sa akin, seryoso, walang emosyon, naghihintay ng sagot. Tumango ako. "Gagawin ko, Chairman."

"Ang pagkilos, pagdedesisyon at pagdidisilpina sa aming kultura ay malayo rin sa nakalakihan at nakasanayan mo," seryoso iyong sinabi ni More.

Muli akong napalunok. "Naiintindihan ko, Chairman More," hindi ko alam kung tama bang tawagin ko na siyang gano'n.

"Si Maxpein ay sinanay para maging proteksyon, nangunguna na para sa kaniyang pamilya," patuloy ni More. "Darating ang panahon na bubuo kayo ng pamilya, at ikaw ang tatayong Chairman. Hindi madaling magdesisyon, pero hindi mo na hawak iyon. Gagawin mo kung ano ang naaayon sa batas, kahit pa sa tingin mo ay hindi iyon tama."

"Yes, Chairman," malapit na akong mautal. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay gano'n na iyon kabigat bagaman wala pa.

"Hindi mo siya maaaring pigilan. Kung magdesisyon siya ay kailangan mo siyang suportahan," huminto siya at taas-noong bumuntong-hininga.

"Yes, Chairman."

"Nalalaman mo ang tungkol sa mga rango ng Emperyo."

"Yes, Chairman," tumikhim ako.

"Mapapabilang sa mga iyon ang magiging anak ninyo."

Natigilan ako ngunit agad ding bumawi. "Yes, Chairman." Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko iyon naisip! Tuloy ngayon ay nape-pressure ako.

"Hilingin mong maging lalaki ang anak mo." Seryosong-seryoso si More. "Dahil hindi magiging madali kung sakaling babae ang maging anak ninyo. Alam mo ang pinagdaanan ng anak ko."

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko na malaman kung ano ang isasagot. Nasulyapan ko si Taguro, mababaw ang ngiti niya nang lingunin ako. Naramdaman ko lang ang kaniyang suporta nang pisilin niya ang kamay ko.

"Naiintindihan ko, Chairman," ang tanging naisagot ko.

"At kung sakaling makagawa ng mali ang iyong anak," muli siyang bumuntong-hininga. "Nakita mo kung paano kong dinisiplina si Maxpein sa pagkakamaling ginawa niya." Batid kong ang tinutukoy niya ay iyong sandaling pinana niya si Maxpein. "Sa isip mo ay mali ang ginawa ko. Pero sa mata ng batas ay sumunod ako." Doon nayanig bigla ang mundo ko.

Aaminin kong bigla akong nakaramdam ng kaba. At hindi lang iyon basta-bastang kaba, kundi matinding kaba. Napapalunok kong inisip ang mga posibleng nangyari. Gusto kong bawiin bigla ang beinteng anak na hiniling ko at makontento sa isang gusto ni Taguro.

Ngunit kahit gaano kalalim, kahirap, kabigat at kasakit ang gano'ng batas nila, hindi ko magawang urungan si Taguro. Dahil nasisiguro kong mas kaya ko ang lahat kung nandiyan. Mas hindi ko kakayanin kung ako lang mag-isa, kung wala siya.

"Inirerespeto ko ang batas ninyo," sagot ko.

"Iyon lang," nakangiting tumango si More. Doon natapos ang usapan.

Nagpaalam ang Netjae at si Bitgaram nang sumunod na linggo. Kinailangan na nilang bumalik sa Norte. Kami naman ay sabay-sabay na bumalik sa Laguna kasama ang mga Moon. Bitbit naming pare-pareho ang saya. Hindi nga namin halos naramdaman ang pagdaan ng araw.

Agad na plinano ng parehong pamilya namin ni Taguro ang kasal sa kanilang bansa. Hindi mawala-wala ang excitement. Ang lahat ay gustong gawing posible ang lahat ng imposible, gano'n kami kaespesyal sa kanila. Nakakatuwang isipin, napakasarap sa pakiramdam.

Hindi nila kami inabala. Tuloy ay wala kaming ginawa ni Taguro kundi ang mag-date. Talagang binawi niya ang mga araw siyang nawala sa tabi ko. Madalas siyang pumunta sa BIS para kumustahin ako. Kapag abala naman siya sa pag-aasikaso ng mga papeles sa pag-aaral ay sinusundo ko siya. Paulit-ulit pero walang sandaling nakakasawa. Gaya nang nakasanayan ay panay pa rin ang balyahan namin ng salita. Ngunit ang mahalaga ay tumatawa at nagkakasundo kami sa huli.

Ipinagkatiwala namin ang lahat ng pagpaplano sa pareho naming pamilya. Lalo na sa mga Moon. Bagaman ang lahat ay naaayon sa kanilang kultura, tumanggap ng ilang pabor ang mga Moon mula kay Noona.

Syempre, hindi pumayag sina Yaz, Parrot, BJ, Migz at Randall na hindi sila kakanta sa okasyong iyon. Sila rin ang pumili ng mga kanta, ayaw ipaalam sa amin ni Taguro. Ang mga isusuot at ihahanda ay ipinagpaubaya nila sa mga Moon. Dahil may sinusunod na naman sila tungkol doon.

Kinausap ni More ang mga bisita tungkol sa nakagawian nila. Ang mga bisita ay kailangang magregalo ng halaga na naaayon sa ikinabubuhay nila. Ang kasuotan at ang istilo ng kanilang mga buhok ay hindi niya nakalimutan. Maging ang pagdadala ng anumang gadgets ay ipinagbawal ni More, bagay na bahagyang ikinalungkot ng karamihan. Paulit-ulit na paliwanag at pagpapaalala naman ang ginawa ni President Moon tungkol sa kanilang lugar, kung gaano iyon kaistrikto. Sinabi niya ang pagpipiring ng mga mata na gagawin sa mga bisita habang nasa eroplano. Ang pagbibiro tungkol sa kanilang bansa ay higit na lalong ipinagbawal niya.

Bilang lang ang bisita, iyong malalapit lang talaga sa aming pamilya. Awtomatikong imbitado sina Yaz at Parrot, bagaman malungkot silang hindi makakasama ang kanilang mga magulang. Sina Migz at BJ din ay agad na napayagan. Sa mga Gozon ay sina Lee, Kim at Keziah lang ang imbitado. Si Tob lang ang pinadalhan ng imbitasyon sa mga Yanai. Si Randall lang din ang sa Echavez. Makakasama ang buo kong pamilya, maging si Manang, bagaman nakalulungkot na hindi niya maisasama ang mga anak niya. Hindi rin makakasama ang pamilya ni Heurt, siya lamang ang tanging inimbitahan. Masaya si Michiko dahil nakasama siya sa mga makakadalo.

Ipinaalam namin sa buong BIS, maging sa SIS, ang tungkol sa kasal. Nagdaos sila ng maliit na seremonyas para sa amin. Nagbigay naman kami ng kaunting pasasalamat. Nang sandaling iyon ay nasabi ko na mararamdaman mo lang ang tunay na saya at sarap ng buhay kapag nalampasan mo ang lahat ng sakit at hirap.

Ang bawat segundong pumapatak nang kasama ko si Taguro ay ang pinakamasasayang segundo ng buhay ko. Ang maikasal at magkaroon ng pamilya sa kaniya ang pinakamagandang regalo na matatanggap ko.

Tatlong araw bago ang nakatakdang araw ng pagpunta namin sa Norte ay ipinatawag kami ng mga Moon sa kanilang mansyon. Buong pamilya kaming pumunta dahil may importante raw silang sasabihin.

Pinaghandaan ko iyon. Nang makarating kami sa kanilang mansyon ay ipinuwesto ko na ang aking plano. Ang malaking teddy bear na matagal ko nang gustong ibigay kay Taguro ay iniupo ko sa driver's seat. At saka ko inilagay sa mga braso niyon ang pumpon ng pulang rosas na binili ko.

Naupo ako sa passenger's seat saka bumusina nang bumusina. Gaya nang inaasahan ay nagulat saka tumawa nang tumawa si Taguro matapos iyong makita.

"Ka-sweet namang aso nito," aniya.

Naglapat ang mga labi ko. "Oso 'yan, Taguro," hinalikan ko siya sa pisngi. Ang kamay kong dumapo sa kaniyang balakang ay agad na nag-init. Pinisil ko siya ro'n at tiningnan nang deretso sa mga mata. "Na-miss kita."

"I miss you, too," sagot niya na ang paningin ay nasa mga rosas na.

"Nagustuhan mo?"

"Oo," tumingin siya sa akin at humalik. "I love you."

Isinandal ko siya sa sasakyan at saka hinalikan. "I love you," bulong ko.

"Pasok na," anyaya niya.

"Saan?" ngumisi ako.

Sumama ang tingin niya. "Kung nakakabuntis lang ang tingin at mga salita mo, tatlo na siguro anak ko."

"Hindi naman ako makakapayag ng gano'n, Taguro. Mas gusto ko 'yong tamang proseso para mambuntis ng tao."

Umikot ang mga mata niya. "Grabe! Wala na akong masabi!" Iginiya niya ako, kami na lang ang hinihintay nang makapasok.

'Ayun na naman sila sa pagiging galante. Napakarami nilang inihandang pagkain para sa amin, hindi namin napaghandaan. Sandali kaming nakipagbatian at nakipagkumustahan. Iba talaga ang saya ng mga Moon sa t'wing makokompleto kami.

"Ipinatawag ko kayo rito para ipaalam na aalis na kami mamayang gabi patungong North Korea," nakangiting panimula ni More nang magsimula kaming kumain.

Nagulat ako, at ang aking pamilya. "Ngayon na?" kunot-noong tugon ko, na kay Taguro ang paningin. Tumango lang siya saka muling lumingon sa ama.

"Darating kayo sa Korea sa takdang araw ng kasal. Makakasama ninyo ang inyong Chairman kaya hindi ninyo kailangang mag-alala," tinanguan ni More si Chairman Enrile.

"Babe," nakangusong tawag ko. Natawa agad siya. "Tatlong araw kitang hindi makikita?"

"Gawin na nating lima para masaya," humalakhak siya.

"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama?" nakalabing lambing ko. "Kilala naman na nila ako, hindi ba?"

"Isang araw lang ang ibinigay ni Chairman More, ha ha ha, matipid," biro ni Mokz.

"May pinagmanahan ka pala, Taguro," nakangusong bulong ko.

"Doon sila yumaman," natatawang biro ni Lolo Dei Min.

"Mas exciting nga 'yon, Deib Lohr," sabad ni Noona. "After three days pa kayo magkikita at sa kasal niyo na!" mas kinilig pa siya.

Tch. You have no idea, Noona. Mahirap 'yon! Sinamaan ko ng tingin si Taguro. "Eh, paano 'yon? Wala man lang akong rehearsals?"

"Ano ka, bride?" angil ni Taguro.

"Tch. Bride lang ba ang nire-rehearse? Hindi ba't bride at groom 'yon? Tch. Paano ko malalaman kung ano ang gagawin ko ro'n?"

"Nandoon ang Chairman ninyo, Deib Lohr," malumanay, tumatangong ani Taguro, na para bang isang napakadaling bagay ang ipinagagawa niya. "Hindi mo dapat mag-alala kasi may mga aalalay sa 'yo ro'n. At isa pa, mabilis lang ang seremonyas na nakasanayan namin sa Korea."

Gusto ko pang kumontra. Pero dahil nga ganoon ang nakasanayan nila ay paniguradong hindi rin ako uubra. Naisip kong humingi na lang ng tulong sa pamilya at mga kaibigan ko tungkol sa gano'n.

Kunsabagay, ang gagawin ko lang naman ay maghintay. Hehehe. Maghintay na ianunsyong ganap na kaming mag-asawa. Bwahahaha! Taguro Enrile! Napangiti ako sa maganda kong ideya. "Sisipot ka naman, 'di ba?" nakanguso kong tanong.

Humalakhak siya. "Baka mapatay na talaga ako ng Emperyo kung papanain kita."

"Papanain?" nanlaki ang mga mata ko.

"Indian pana, kakana-kana," kumanta siya. At kahanga-hangang ang lahat ng myembro ng pamilyang Moon ay tumawa sa ganoong klase ng biro niya! Na para bang iyon 'yong biro na hindi ka na bibigyan ng komportableng posisyon dahil para kang kinikiliti sa katatawa. Maging si Heurt ay tumawa. Hindi ako makapaniwala.

Lumaylay ang mga balikat ko. Hindi na ako aasa pa na makakapagbiro siya nang talagang nakakatawa. Tch. "Alright, then, I'll see you in three days," bagaman malungkot ay nakangiti kong sinabi. "Siguraduhin mong darating ka talaga, ah!"

Humalakhak ang mga Moon. "Wala siyang mapagtataguan gayong alam ng buong Emperyo ang okasyon, Deib Lohr," ani President Moon. "Wala kang dapat na alalahanin."

"I trust you, tita," ngumiti lalo ako.

Ang agahan na iyon ay inabot ng tanghalian at hapunan dahil sa hindi maputol na kwentuhan. Pinuno namin ng tawanan ang buong mansyon. Ang tanging lungkot na naramdaman namin ay ang katotohanang hindi namin makakasama si Chairman Moon sa ganoon kaespesyal na okasyon.

Pero lamang pa rin ang saya. Dahil nagawang ibahagi nina Maze at More kung paano silang nagkakilala. Maging kung paanong naging posible ang pag-iisang-dibdib nila. Naikuwento ni Mokz kung gaanong naging mahirap para sa kaniya na mapatunayan ang loyalidad sa pamilyang Moon. At hindi lang sa mga ito niya pinatunayan iyon, maging sa buong Emperyo.

Ibinahagi rin ni Maxwell ang bawat dahilan kung bakit ganoon na lang ang pagmamahal niya sa pag-aaral. Kung nalaman ko siguro ang tungkol doon noong nag-aaral pa ako ay baka mas sinipag ako. He's very inspiring.

Hindi nawala ang tawanan nang ang kabataan na ni Maxrill ang napag-usapan. Sa sinapupunan pa lang daw kasi ay matakaw na ito. Kinailangang huminto noon nina Maze at More sa pagtatrabaho dahil lalo lamang daw ginugutom ang Presidente. Bagaman ang sandali ring iyon ang pinakamalungkot dahil si Maxrill umano ang matagal na nakasama ng kanilang Chairman. Si Maxrill ang dahilan kung bakit nabawasan ang pagiging istrikto ng Chairman. Kung saan si Maxpein naman ang sumubok sa pagiging istrikto nito.

Ang pinakatutukan ko ay ang pagbabahagi ni Taguro sa kaniyang nakaraan. Nakangiti niya iyong ikinuwento pero hindi nakisama ang mga mata niya. Naramdaman namin kung gaano iyong naging mahirap. Hindi ako makapaniwalang sumuko na rin pala ang isang Taguro sa laban. Nakakagulat malaman na naranasan niya rin palang matalo. Pero nagawa niya ring iparamdam sa amin kung gaano kasarap ang nararamdaman niya ngayon.

Gusto kong purihin si Taguro nang tumulong siyang mag-ayos ng hapag-kainan matapos ang salo-salo. Sinundan ko siya at palihim na pinanood maghugas ng mga plato. At nang matapos siya ay saka ako lumapit upang hawakan siya sa mga braso padausdos sa kaniyang baywang.

"I love you," bulong ko. Pinagdampi niya ang pareho naming pisngi at pinagkiskis. Gusto kong matuwa. Pakiramdam ko ay napakalambing niya na no'n.

"I love you, too," pabulong niyang tugon saka humarap sa akin.

Napangiti ako nang ilapat niya ang parehong palad sa dibdib ko saka bahagyang sumayaw. Tumitig siya sa mga mata ko at basta na lang ngumiti. Gusto kong itanong kung ano ang kaniyang iniisip. Pero pinipigilan ako ng magandang sandali.

"Where do you want to put your flowers and bear, babe?" nakangiting tanong ko.

"Sa kwarto." Simple lang naman sana ang sagot na 'yon pero nagmukhang iba dahil sa nakakaloko niyang ngisi.

Tumaas ang kilay ko sabay ngiti. "Do you want me to join you?"

"Lead the way," muwestra niya.

Nakamaang akong tumango-tango sa kaniya saka bumitiw. Kinuha ko ang mga bulaklak saka binuhat ang bear. Mayamaya pa ay nasa daan na kami papunta sa kwarto niya.

"Dinala ko mo pala ang mga 'to?" Iyong mga Stik-O ang tinutukoy ko. Iyong ipinabili ko kay Mang Pitong noong nasa Palawan kami.

"Maiiwan ko ba naman ang regalo ng lalaki ko?" aniya habang ipinupuwesto ang mga rosas sa vase na nakapatong sa kaniyang mesa.

Iginala ko ang paningin sa buo niyang kwarto. Pakiramdam ko kasi ay naging maaliwalas doon. Nabawasan marahil ng mga gamit. Ang kama niya ay nasa gitna na ng kwarto. Sa harap niyon ay may pabilog na carpet kung saan nakapatong ang pabilog din na mesa. Nasa ibabaw naman niyon ang flower vase na hawak niya ngayon.

Bukas ang pinto kaniyang veranda at nililipad ang kurtina. "Bakit ang hilig mong magtago sa dilim, babe?" walang ano-ano'y tanong ko.

"Saan?" lumingon siya sa 'kin.

"No'ng mga panahong pinupuntahan mo 'ko nang hindi ko nalalaman. Hindi ka nagpapakita pero namamataan kita."

"Para astig," nakangising tugon niya saka marahang lumapit sa 'kin. "Akala mo ba ay madaling magtiis na hindi ka makita? Mahirap, Sensui."

Gusto ko siyang asarin matapos sabihin 'yon. Pero hindi ko nagawa. Dahil kahit gano'n kasimple niyang sinabi iyon ay naramdaman ko ang bigat. At si Taguro lang ang nakakagawa no'n. Nagagawa niyang iparamdam ang hirap at sakit sa pagkukwento lang.

"Madalas ay mainit ang ulo ko. Kapag ayaw ko ang mga bagay na ipinagagawa sa 'kin, naiisip kong magrebelde na lang at gawin ang gusto ko. 'Buti na lang nando'n ang mga kapatid ko para patinuin ako," patuloy niya.

"Tingnan mo naman ngayon ang premyo mo," pagyayabang ko.

"Tss."

"Hindi ko rin magawang tanggapin no'n na wala ka na. Hindi ako naniniwala. Pero ang sakit-sakit no'n, Taguro. Parang ayaw ko na ring mabuhay. Tamang-tama 'yong pagdating ni Chairman. "

"Tigilan na natin ang pag-uusap sa mapait na nakaraan. Dahil mas masarap namnamin ang tamis ng kasalukuyan." 'Ayun na naman siya sa pagiging malalim.

Pinanood ko siyang ihawak ang mga palad sa dibdib ko. Napangiti ako nang magsimula siyang umindayog papunta sa kaliwa't kanan. Napamaang ako nang magsimula siyang mag-hum ng kantang gano'n palang pero sintunado na.

"Mabuti na lang at mahal kita," pigil ko ang tawa nang sabihin 'yon.

"Bakit?" inosente niyang tanong.

"Wala." Umiling ako. "Anong kinakanta mo?"

"Gusto mong marinig?"

"Tch. Syempre!"

Lumapit siya sa player at may pinindot doon. Ngumiti siya nang muling makalapit, na para bang gano'n naman kaganda ang boses niya. "Hindi ko alam kung bakit ikaw ang naaalala ko sa kantang 'yan."

"Sa lahat naman yata ng kanta ay ako ang naaalala mo," biro ko.

"Gano'n nga."

"Seryoso?" pinigilan kung ngumiti.

Tumango siya. "Lalo na sa Multong Bakla."

"Tsk."

"Joke lang, hehe."

"Hindi nakakatuwa."

"Joke nga lang, babe," bigla siyang naglambing. Inangkla niya ang mga braso sa leeg ko at saka nagnakaw ng halik. Mayamaya ay nag-hum na naman siya. Nagpigil ako ng tawa.

"Ano ba 'yan?" tanong ko na nilingon pa ang player.

"Pakinggan mo."

"Kantahin mo."

Tumitig siya sa mga mata ko at saka ngumiti. "Time I've been patient for so long. How can I pretend to be so strong?"

Sinabayan niya ang kanta nang hindi inaalis ang paningin sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinapanood siya at pinakikinggan.

Iniyakap ko ang parehong braso sa kaniya at mas isinayaw siya.

"It's gonna be love, it's gonna be great, it's gonna be more than I can take. It's be free, it's gonna be real, it's gonna change everything I feel. It's gonna be sad, it's gonna be true. It's gonna be me, baby. It's gonna be you, baby. It's gonna be...its gonna be...love."

Marahan kaming sumayaw, iyong indayog na namang papunta sa kaliwa at kanan. Ewan ko ba kung bakit nakakahawa ang ngiti niya. Lumalampas iyon sa kaniyang mga mata.

"Maybe it's everything were dreaming of, we waited long enough."

Pinakinggan ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Doon ko nakuha kung bakit ako ang naiisip niya sa t'wing maririnig ang kanta. May mga linya kasing nagpapaalala sa ilang pinagdaanan naming dalawa.

It's gonna be sad. It's gonna be true. It's gonna be you're the one to do. It's gonna be hard. It's gonna be tough. It's gonna be more than just enough. It's gonna be love. And it's gonna be strong enough. Hindi na nawala pa ang mga linyang iyon sa isip ko ang malunod ako sa magagandang mata ni Taguro.

Nang gabi ring iyon ay inihatid namin ang mga Moon sa airport. Ang eroplano nila ay babalik bago ang nakatakdang araw para kami naman ang sunduin at ihatid sa Norte.

Bago bumaba sa rampa ay hinarap ako ni Taguro at yinakap. Tumingala siya sa 'kin nang ang mga braso ay nakayakap pa rin. "See you soon, Mr. Enrile," ngiting-ngiting aniya, animong kinikilig.

Hindi ko naiwasang matuwa. "See you, Mrs. Enrile."

Ngumiwi siya. "Mrs. Enrile, huh?" tumango-tango siya. "Hindi ba't ang mommy mo 'yon?"

"Tch. Mabuti na lang talaga at mahal kita, Taguro," ginulo ko ang buhok niya. "Hayaan mo, kapag mag-asawa na tayo ay tuturuan kita nang tamang pagbibiro," bulong ko. Ngumuso siya kaya natawa ako. "Siya nga pala, babe. May ginawang party si Randall para sa 'kin. Para lang daw 'yon sa mga lalaki."

"Tss. Talagang si Randall pa, ah? Nakakaintriga," maangas niyang sinabi.

"Sayang, gusto pa naman ni Parrot na mag-shower-shower kayo. Aalis ka na pala."

"Anong shower-shower?"

"'Yong party-party ng mga babae."

"Tss. Kaartehan lang 'yon."

Tch. Hindi ko na lang siya kinontra pa. Dahil baka may iba silang paniniwala tungkol sa kasal. "Surprise me, okay?"

Ngumisi siya. "Be careful what you wish for."

"Why would I if my wishes do come true because of you?" naglabas ako ng dila, nang-aasar. "I've got another wish and I'm sure you'll grant it."

"What is it?"

"You'll know."

"Tss. When?"

"Once you say I do."

Ngumiwi siya. "Okay," nagpigil siya ng tawa.

"Kinilig ka?"

Sumeryoso siya bigla. "Ano naman ang nakakakilig doon?"

Nanlumo ako. "'Yong shower-shower, 'yon ang nakakakilig, Taguro. Tch." Inilingan ko na lang siya saka hinalikan sa pisngi at noo. "See you soon, baby babe. I love you, babe."

"I love you," nagpatangkad siya upang halikan ako sa labi. "Mauuna na kami. Excited na akong makita ka uli."

"Ako rin," hindi ko napigilang ngumiti, ang cute niya. Kinuha ko ang jacket at isinuot iyon sa kaniya. "Wait for me," hinawakan ko ang parehong pisngi niya saka siya hinalikan sa labi.

"Naghihintay na ang pamilya ko, Deib Lohr."

"Na magiging pamilya ko na rin? Okay. I love you." Kumakaway ko siyang pinanood na lumayo.

Ang inaasahan ko ay malulungkot ako gaya ng dati nang tuluyan kong makita ang eroplano nila sa himpapawid. Nakakapanibago dahil nang sandaling iyon ay hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Masasabi ko na kahit papaano ay may ipinagbago na talaga ako.

Nang sumunod na araw ay agad akong nagpaturo kina lolo, daddy, Chairman at Randall tungkol sa kasal. Hindi naman mapakali si mommy kaya nag-hire pa siya ng wedding planner at coordinator para lang matuto ako. Iyong may nalalaman sa Korean wedding culture ang kinuha niya. Bagaman hindi namin nasisiguro kung may pinagkaiba ang wedding culture ng Sur at Norte. Dalawang araw rin ang ginugulo ko bago ko masabing natuto na ako. Maging ang tamang pagsasayaw sa bride, ang pagngiti at pagtango sa mga espesyal na tao at kultura sa tamang pagkain at pag-inom sa bansa ay itinuro nila. Nakakatuwa na para bang napakarami ko na namang nalaman.

Nang ikalawang gabi ay naganap ang stug party. Pero gusto kong matawa dahil nagmukhang inuman lamang iyon. Kung si Randall lang daw ang masusunod ay may ihahain siyang babae sa 'kin. Pero mula raw nang malaman niyang taga-Norte si Taguro, nagdalawang-isip na siyang gumawa ng mali rito.

"I still can't believe that they live in North Korea," iiling-iling na ani Randall, lasing na.

"Grabe, 'dre, ganiyan na ganiyan ang reaksyon ko nang malaman ko 'yon! Ang sabi ko pa, mystery solved!" ani Tob, lasing na rin. "Ikaw, Lee? Naisip mo ba 'yon?"

"Hindi," lango na ring tugon ni Lee.

"Dapat nilipad mo!"

"Ang alin?"

"'Yong bansa nina Taguro!" nagtawanan sila.

"'Oy, mga loko. Bawal 'yan sa kanila, ah?" angil ko.

"Nandito pa naman tayo," nakangising ani Randall, lasing na talaga.

"Bakit hindi mo nilipad, Lee? Anong silbi ng kapa mo?" nang-aasar na biro ni Tob.

"Wala naman kaming business doon," tugon ni Lee.

"Putsa, 'dre, nasa party tayo, negosyo pa rin ang iniisip mo?"

"Nabanggit ko lang." Bumaling sa akin si Lee, hindi na ako magawang tingnan nang deretso sa mga mata. "Hindi ba nakakatakot do'n, Deib?"

"Sa una, oo." Napangiti ako nang maalala kung paanong ipinakita sa akin ni More ang mga rango. "Pero kapag nalaman nilang bisita tayo ni Taguro, ng mga Moon, mawawala ang kaba mo. Maganda ang lugar nila, sobra. Nakakamangha."

"Marami bang chicks?" kumindat si Randall.

Natawa ako. "Puro maton ang babae ro'n."

Kinilabutan si Tob. "Mala-Maxpein, gano'n, 'dre?"

Ngumiwi ako. "Medyo. Pero iba talaga 'yong angas ni Taguro." Nakangisi ko silang tinanguan. "Grabe 'yong mga rango, parang sinaunang sundalo." Gusto kong maghimig na nagbibiro. Pero ang pagkamangha ko sa mga 'yon ay hindi ko maitago.

"Astig," sabay-sabay nilang sabi. Na noon ay sandaling natigilan na para bang gumawa ng imahe sa isip kung ano ang tunay na hitsura ng tinutukoy ko.

"May plano na kayo tungkol sa honeymoon?" nanunukso ang tinig ni Randall. "'Yan 'yong exciting part, bro."

Sumimangot ako. "Not yet. I'm excited about it though. Pero hindi namin napag-usapan kahit ilang beses kaming lumabas nitong nakaraan."

"Siguro after wedding nalang. Pumunta kayong Maldives."

"Tch. Puno ang hilig ni Taguro. May sarili naman siyang isla kaya hindi na mae-excite sa beach 'yon."

"Eh, di doon mo dalhin sa Arizona. Maraming puno ro'n, at mukha naman siyang amazona," biro ni Tob. Humalakhak lahat sila.

"Sira-ulo mo, Hapon!" angil ko. "At least ang fiance ko, matalino!"

"'Oy, loko ka, ah! Namemersonal ka, 'dre, ah? Masipag kaya si Michiko!" singhal niya dahilan para maghagalpakan kami ng tawa.

"Nabanggit sa akin ni Zarnaih na nakausap niya si Maxpein tungkol sa honeymoon," nakangising kwento ni Lee. Hindi na pantay ang pagkakaupo at may dumi na sa mga daliri.

"Oh, anong sabi?" sabay-sabay naming tugon nina Tob at Randall, nagsipagtunghayan kaming tatlo sa kaniya. Ngumisi si Lee. Iyong ngising nakakaloko at mukhang may kung anong kalokohang iniisip. Tuloy ay na-excite kami, lalo na ako.

"Ano raw, Lee?" pangungulit ko.

"Nagplano rin daw sila."

"Ng ano?"

"Ng honeymoon."

"Natural! Ano ngang plano nila?"

"Honeymoon nga, Deib."

"Ay, putsa, wala 'to," iling ni Tob. "Ano nga ang honeymoon na plinano nina Parrot at Taguro, 'dre? That's the question!"

"Tsh. Hindi raw uso sa kanila ang honeymoon," tugon ni Lee habang nakaturo ang hintuturo sa kisame, dahilan para manlumo kaming tatlo. "Ang tao raw ro'n ay bumabalik na sa trabaho kinabukasan matapos magpakasal."

"Tch, seryoso ba talaga siya ro'n?" ngumuso ako. "Ganiyan na ganiyan nga ang sinabi niya sa 'kin," asik ko. "Hindi ako makapapayag ng gano'n, 'oy! Enrile 'to!" Saka ako tumingala sa kisame. Hindi yata ako malalasing dahil hanggang sa sandaling iyon ay masaya ako. "Gusto kong magkaro'n ng maraming anak kay Taguro. Dapat ang honeymoon namin ay every month. Tch."

It's not about sex. It's not always about sex. Hindi ko lang talaga maiwasang maisip na matapos ang kasal ay magkakaanak agad kaming dalawa. Iyong pareho naming babantayan, pareho naming aalagaan, at pareho naming palalakahin. Doon ako higit na nananabik. Gusto ko siya makitang magbuntis. Gusto ko siyang alagaan nang pinaghihirapan. Gusto ko siya mapanood manganak. Gusto ko siya makasamang magpalaki nang maraming anak. Gusto ko siyang makatuwang sa hirap, saya at sarap. Gusto ko siya!

Putsa. Pinatid mo lang noon, pakakasalan mo na ngayon. Paano nangyari 'yon? Napangiti ako sa naisip ko. Taguro...Taguro...Taguro...tsk tsk tsk.

"Deib Lohr, bilisan mo diyan, nandiyan na si Dirk!" nakakarindi ang tinig ni Noona.

"'Eto na!" gustuhin ko mang mainis ay hindi ko pa rin magawa. Hindi na yata talaga mawawala ang saya sa dibdib ko. Nakangiti pa akong tumakbo pababa habang bitbit ang maleta ko. Iyon na ang pinakahihintay kong araw.

Nagulat ako nang tumili si Noona habang mamasa-masa pa ang mga mata. "You're getting married na!"

"Tch."

"Mommy! Our bunso is getting married na!"

"Shut up, Noona." Natawa ako.

"Siya pa rin ang baby ko," ikinawit ni mommy ang kamay sa akin saka ako inakay papalabas.

Ang magandang ngiti ni Dirk ang bumungad sa amin. Tumango siya. "Good evening."

Agad na kinuha ng mga tauhan ang iilang bagahe namin saka kami inalalayan papasakay sa sasakyan.

Tahimik ako sa buong byahe. Ang bibig ni Noona ang hindi natahimik. Hindi ko itatangging nagsisimula na akong kabahan. Pero sadyang nalalamangan iyon ng masarap na pakiramdam.

Sa airport na kami nagkita ng iba pang makakasama sa Korea. Lalo akong na-excite. Iyon bang napakataas ng energery ko. Lahat ng dapuan ng mga mata ko ay napapangiti ako. Kahit hindi naman masiyadong nakakatawa ang biro ay bigay na bigay ako. Napapasayaw ako sa pila. Kung ano-anong masasayang kanta ang tumutugtog sa pandinig at isip ko. May mga masasayang sandali akong naaalala tapos bigla kong ibibida. Masiyado akong bibo nang sandaling iyon. Parang nagpapatong-patong iyong saya ko. Gano'n kasarap ang pakiramdam.

Nang makasakay naman kami sa eroplano ay panay na ang pananahimik ko. Paminsan-minsan ay sumasabad sa usapan nila pero kadalasan ay nakangiti lang at nakatingin sa kawalan. May sandali pa ngang tulog na ang lahat pero ako ay nakangiti pa rin sa mga ulap.

Hindi na ako makapaghintay. Ang isip ko ay gumagawa na ng sariling seremonyas. Paulit-ulit kong nakikita ang imahe naming dalawa ni Taguro na nagsasabi ng "I do". Napapanood ko kung paano siyang iiyak habang papalapit sa akin. Nakikita ko sa isip ang lahat ng mangyayari kahit pa hindi ako siguradong ganoon na ganoon nga ang mangyayari.

Kinakabahan ako pero hindi iyon 'yong kaba na pag-aaalalahanin ako. Iyon lang yong takot na magkamali ako dahil wala man lang kaming inensayo. Gaya ng sinabi ni Noona, noon lang kami makakakita ng kasal na idaraos nang wala masiyadong paghahanda.

"Ladies and gentlemen we are approaching Democratic People's Republic of North Korea," anunsyo ng piloto. Kasunod niyon ay lumabas si Dirk at nakangiting tumango sa amin.

Naghintay akong kumilos siya pero hindi siya natinag sa kinatatayuan. "Hindi mo ba pipiringan ang mga mata namin?" bagaman nakangiti ay nanghihinayang na tanong ko.

Umiling siya, na ikinagulat ko. "Enjoy the view," isinenyas niya ang mga bintana. Napatitig ako sa kaniya, nagtatanong. Pero ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Hindi ako makapaniwala.

Nagugulat akong napatunghay sa bintana at napapamaang na naghanap ng makikita.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang sa wakas ay makita ko ang nahahawing mga ulap. Hindi ako makapaniwalang hahayaan nila kaming makita ang lugar. Ang inaasahan ko ay pipiringan ulit ang mga mata ko, namin. Iyon ang isa sa mga paalala nila bago ang araw na ito. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng mga Moon para ipakita sa amin ngayon ito.

Naghiyawan sa paghanga ang mga kasama ko. Ngunit hindi ko nagawang ituon sa kanila ang paningin ko. Dahil noon ko lang din nakikita ang tanawin na iyon. Ang panghihinayang ko ay nabura dahil sa dahilang iyon.

"'Uy, si BJ, tuwang-tuwa, nakarating na ng ibang bansa!" pang-aasar ni Migz. Hindi niya naman natinag si BJ na noon ay talagang manghang-mangha.

Nawala ang kaninang mga laman ng isip ko. Nang sa wakas ay makita ko ang magandang lugar nina Taguro. Hindi iyon katulad ng ibang bansang napuntahan ko. Panay gusali lang ang makikita, wala akong mamataang atraksyon, iyong masasabi kong nakikita ko sa mga pelikula. Kung ano-anong tore ang nakikita ko. May parteng masasabi kong sibilisado, ngunit ang karamihan ay hindi. Ngunit hindi doon natuon ang atensyon ko. Kundi sa kung alin doon ang mismong Emperyo.

Mula sa maliit ay unti-unting naging malaki ang mga bahay, gusali at kung ano-ano pang tanawin ng North Korea. Kapansin-pansin ang trianggulong tore, iyon na yata ang pinakamataas na gusaling namataan ko.

Ngunit mayamaya lang ay panay tubig at bulubundukin na lang ang nakikita ko. Noon ay napagtanto kong paparating na kami sa Emperyo.

"Ladies and gentlemen, please prepare for landing," muling anunsyo ng piloto, ang punto ay ganoon sa mga Koryano.

May kalakihan ang airport. Ngunit hindi na namin nagawang pasukin iyon. Ni hindi nagtagal ang pagsulyap namin. Dahil nang sandaling lumapag ang eroplano ay isa-isa na kaming inalalayan ni Dirk papunta sa private chopper.

Syempre, namangha na naman ako dahil hindi iyon 'yong ginamit namin nang unang beses na magpunta ako rito. Ngunit dahil nandoon ang simbolo ng mga Moon ay hindi ko na kailangang manguwestiyon. Oo, pag-aari nila iyon.

Hindi man kasinggarbo niyong naunang chopper ang kasalukuyan, kahanga-hangang nagkasya kaming lahat dahil sa laki niyon at haba. Kakaiba talaga ang lakas ng mga Moon.

"'Eto na!" tili ni Parrot. Natawa kami nang pangiliran siya ng luha. "Grabe! Hindi ko akalaing sa ganito kabonggang eksena mauuwi ang fairy tale ninyo! I'm happy for you, Deib."

Tanging ngiti ang naisagot ko sa kaniya. Hindi ko maisatinig ang tuwa ko't saya. Nakangiti akong sumulyap sa bintana at pinanood ang marahan na naman naming paglipad.

"Tagabundok pala ang lola niyo," ani BJ, nakatunghay rin sa tanawin.

"Oh, di ba, life is unfair? Taga-siyudad ka na, bakla, pero mukhang sa gubat ka pa rin nagmula," pang-aasar ni Migz.

"'Yang bibig mo, Agripa, ha!" duro ni BJ.

"Gaga, malay mo dito ka makahanap ng nobyo. Iyong myembero ng mga tribo."

Nagtawanan kaming lahat. Ngunit matapos niyon ay sinaway kami ng Chairman. "Hindi kayo pwedeng magsalita ng ganiyan oras na makarating kayo sa Emperyo. Malinaw na ipinaliwanag iyan ni President Maze sa inyo." Nakangiting tumango si Chairman Enrile upang hindi isipin ng mga itong galit siya.

"Pagpasensyahan niyo na po ang bibig nitong best friend ko," ani BJ. "Pumasa lang kasi iyan dahil sa incentives. Hindi natuto ng magandang asal."

"Hindi ka kasi magandang ehemplo," pagbabalik ni Migz.

Nang matigil sa biruan ang dalawa ay muli na naman kaming nalunod sa paghanga. Maraming magagandang lugar sa aming bansa, pero may maipagmamalaki rin ang lugar na 'yon. Nagtatayugan ang malulusog na puno at mga halaman. Asul na asul ang tubig. Berdeng-berde naman ang mga bundok. Talagang hindi na kataka-takang mas pinipili pa rin ni Taguro na doon magpunta sa t'wing magulo ang isip niya.

Dumagundong sa kaba ang dibdib ko nang matanawan ko na ang papalapit na Emperyo. Hindi ako pwedeng magkamali. Bagaman may kaliitan pa iyon sa paningin ko ay nasisiguro kong iyon na nga iyon.

Tumingin ako sa kaliwa at nakita ang Kaechon. Tumingin ako sa kanan at namataan ang Monarkiya. Saka ko nalingunan ang Dynastiya.

"Sa Emperyo tayo tutuloy," ani Chairman Enrile. "Nasa palasyo ng parliyamento na ang mga Moon." Lumingon siya at ngumiti sa akin.

Hindi ko malaman kung anong reaksyon ang ipapakita sa kaniya. Hindi ko rin malaman ang isasagot kaya sa halip ay napalunok na lang ako. Muli kong tinanaw ang papalapit nang Emperyo. Nananabik na akong makatungtong uli ro'n.

"So fetch!" bulalas ni Yaz nang sa wakas ay makalapag kami. Napapamaang niyang iginala ang paningin. "As in dito nakatira ang Maxwell ko?" natutop niya ang bibig. "Kaya pala nahulog agad sa akin ang loob niya kasi maganda ang lugar nila!"

"'Wag ka ngang ilusyunada, ate? Ang gusto ni Maxwell ay 'yong gandang nababasa at ikinatatalino niya! Hindi 'yong ganiyang mukha na kasing kapal lang ng medical books niya!" singhal ni Parrot.

Gaya ko at nang iba pang naro'n, at matindi ang paghanga niya sa buong lugar. Hindi ko sila masisisi. Dahil kahit ikalawang tungtong ko na iyon ay hindi pa rin mahimasmasan ang paghanga ko. At paulit-ulit yata iyong mangyayari kahit walang magbago sa Emperyo.

Halos walang ipinagkaiba ang tanawin ko ngayon mula nang una ko itong makita. Bukod sa naging mas matayog at malago ang mga puno't halaman, ay lalo lamang naging malinis ang mga daan. Halatang tinabas ang mga damo, at winalis ang mga tuyong dahon na nakakalat. Mapayapa pa rin ang lugar. At walang kasing-aliwalas ang paligid.

Mabilis na nanguna si Dirk sa amin at agad din kaming nagsipagsunuran. Naririnig ko si Chairman Enrile na panay ang abiso sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko na siya magawang tutukan. Kasabay si mommy ay muli kong pinasok ang Emperyo.

"Wow," mahaba at naging matunog ang kanilang paghanga. Para bang hindi naniniwala sa nakikita.

"What is this place?" halos humiyaw si Parrot.

"Welcome to the Empery of the Moon," ani Dirk, maganda ang pagkakangiti.

"Pag-aari ba ito ng mga Moon?" tanong ni Migz.

Umiling si Dirk. "Pag-aari ito ng bayan." Saka niya iminuwestra ang daan. "Mayroon kayong isang araw upang gamitin ang isang lenggwahe. Wala kayong kakausapin hangga't maaari."

"Saan tayo pupunta?" pangungulit ni Noona.

"Sa bahay ng mga Moon," ang tanging sagot ko.

Agad kong iginala ang aking paningin. Hinintay kong magsipaglabasan ang mga rango gaya nang ginawa ng mga ito nang unang dating ko. Pero kataka-takang wala akong makita ngayon maski na isa.

"Nasa'n ang mga tao?" takang tanong ko.

"Nasa Kaechon na ang lahat, maging ang pamilyang Moon," tugon ni Dirk. "Hinihintay tayo."

"Ha?" nagtatakang tugon. Naging peke ang pagngiti ko. "Hindi ba't ako dapat ang naghihintay doon para sa bride ko?"

Natitigilang tumitig sa akin si Dirk saka nakangiting umiling. Sa reaksyon niya ay para bang may mali sa tanong ko. Gustuhin ko mang mangulit ay hindi ko magawa dahil hindi niya naman ako sinagot.

Bago pa man namin marating ang bahay nina Taguro ay natanawan na namin si Bitgaram. Nakangiti niya kaming hinintay na makalapit. "Annyeonghashimnikka," bati niya. Hindi ko malaman kung bakit pakiramdam ko ay may nagbago sa kaniya. Ngayon ay nararamdaman ko na ang posisyon niya. Hindi gaya noong una kaming magkita. Marahil ay dahil narito kami sa teritoryo nila.

Pinatuloy kami ni Bitgaram. Muli kong iginala ang paningin ko sa buong bahay ng Moon. Walang ipinagbago ang ayos at mga gamit. Pakiramdam ko tuloy ay kahapon lang ako nanggaling dito. Kahit na ang totoo ay ilang taon na ang nakalipas mula no'n.

"Nasa itaas ang mga taga-silbi, sila ang aasikaso sa inyo. Sa kaliwa ang kwarto ng mga babae. Sa kanan naman ang mga lalaki. Si Deib Lohr ay may sariling tutuluyan. Mauuna ang karamihan sa iyo," bumaling siya sa akin. "May partisipasyon sila sa kasal."

"Meron din naman ako," nakangusong sagot ko. "I am the groom," mayabang kong tuloy.

Nakangiti siyang tumango. "May isang oras ka para maghanda," paliwanag ni Dirk.

"Isang oras ko pang paghihintayin si Taguro?" nagugulat na tanong ko.

Nakangiti niya akong pinagkunutan ng noo. "Walang problema. Nanunumpa pa naman siya."

"Nanunumpa saan?"

"Sa harap ng centro."

"Hindi ba't kaming dalawa dapat ang gumawa no'n?" sinikap kong maging pormal, bagaman mahirap. 'Eto na nga ba ang sinasabi ko. Hindi kasi kami nag-rehearse. Parang nangangapa tuloy ako.

"Ang panunumpa na iyon ay para sa pinakamataas na rango, Deib Lohr. Si Maxpein 'yon," sabad ni Chairman Enrile. Napabuntong-hininga na lang ako. "Sumunod na lang tayo sa kanila."

Iginiya kami ni Dirk paakyat. Hindi ako nagkamali nang maisip kong doon ako patutuluyin sa kwartong tinuluyan ko noon. Inihiwalay ako sa ibang mga lalaki. Matunog ang naging pagngiti ko nang manumbalik sa 'kin ang alaala ko ro'n. Kakatwang sariwa pa sa 'kin ang lahat, pero naghilom na ang natamo kong sugat.

May apat na lalaking nakatayo sa magkabilang gilid ng kama. Kakaiba ang mga suot nila. May sombrerong hindi ko maipaliwanag ang hitsura. Ang kanilang damit ay kulay berde mula sa balikat hanggang sa saya. Inutusan nila akong maligo at gano'n nga ang ginawa ko. Habang nasa banyo ay hindi ko maiwasang manibago. Pakiramdam ko ay may mali. Para bang wala sa mga inaasahan ko ang nangyayari sa harap ko. Hindi ganoon ang kasal na madalas kong nakikita. At hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin akong nagtataka gayong paulit-ulit nang nasabi sa 'kin na iba ang kanilang kultura.

May tiwala ako sa 'yo, Taguro. Alam kong pakakasalan mo 'ko.

Sinulyapan ko ang singsing na noon ay ipinatong ko sa sink. Talagang hindi ko inihihiwalay iyon sa akin. Ngunit natigilan ako nang may maisip. "Bakit nga ba nasa akin pa 'to?" nagugulat na bulalas ko saka nagmadaling tapusin ang pagligo. Tsk! Dapat ay nasa kanila na 'to! Ano ang bibitbitin ng ring bearer? Inis akong nagpunas saka ibinalabal ang roba sa sarili. Sino nga ba ang ring bearer bukod kay RD? Hindi naman pwedeng si Maxrill. Masiyado na siyang malaki.

Nagitla ako nang makalabas ay nagsipagyukuan ang apat na lalaki. Hindi talaga sila umalis sa gilid ng kama. Ang ganda ng kanilang tindig ang nagsasabi kung gaano kataas ang respeto nila sa 'kin.

"Ah..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Alam kong walang makakaintindi sa akin. Kaya naman lumabas ako at sumilip sa hallway. Nasa'n kaya si Chairman?

"Is there anything that you need?" Halos mapatalon ako nang mangibabaw ang tinig ni Bitgaram sa likuran ko.

"I'm looking for our Chairman."

"He's no longer a Chairman," ngiti niya. "I'll call him."

Tch. Muli akong pumasok. Ngunit muli ring nagulat nang pagbaling ko sa kama ay kakaiba ang mga damit na aking nakita. Naguguluhan kong tiningnan isa-isa ang mga lalaki saka napalunok.

"Deib Lohr?" nangibabaw ang tinig ni Chairman sa likuran ko.

"Ano' to?" naguguluhang tanong ko. Hindi na nawala ang paningin ko sa mga damit na nakalatag sa kama.

Napahalakhak ang Chairman. "Hanbok iyan kung tawagin dito, apo," lumapit siya at umakbay sa akin. Tinapik niya ang balikat ko. "Iyan ang isusuot mo sa kasal ninyo."

"Ha?" napamaang ako sa Chairman saka muling nilingon iyon.

Kulay itim ang hanbok na sinasabi niya. Pagkalalaki ng mga iyon at pagkahahaba. Magarbo ang disenyo. May isinasabit sa balikat, merong para sa ulo, may isinusuot sa tuhod, at ang mas nakakagulat pa ro'n ay mga saya iyon!

"Magpapalda ako?" napapalunok kong tanong. Saka ko siya nilingon. "Ang inaasahan ko ay mamahaling suit ang isusuot ko, Chairman," bigla ay nanlumo ako. Nanlambot ang mga tuhod ko at wala sa sarili akong napaupo. "Hindi...ganito..." Wala akong intensyong maliitin ang tradisyunal na pananamit na iyon. Sadyang naninibago lang ako, nalilito, at wala talaga akong alam.

Hindi ko tuloy naiwasang maalala na ipinagpaubaya namin sa mga Moon ang halos lahat ng pagpaplano. Tiwala naman ako dahil naro'n si Chairman Enrile para umalalay. Kaya pala wala silang nabanggit tungkol sa mga isusuot, dahil alam nilang pare-pareho na may sinusunod pala silang tradisyon.

"Hindi gano'n ang nakasanayan dito," natawa siya. "Iyan isusuot mo, apo ko. Iyan ang kultura natin dito."

Naihilamos ko ang pareho kong kamay sa mukha. "Lalo akong pagtatawanan ni Taguro."

Tumawa siya. "Hindi mangyayari iyon sapagkat natural ito. Ganito ang damit pangkasal ng mga taga-rito, Deib Lohr."

"Bakit hindi ninyo sinabi? talaga namang naninikip ang dibdib ko sa panlulumo.

Hindi ko pwedeng sabihin na hindi ko ito naisip. Dahil buong akala ko ay reyna't hari lang ang nagsusuot ng ganito. Nakakita na rin naman ako ng mga tradisyunal na pananamit nila. Pero hindi ko naisip na posibleng magsuot ako no'n sa ganitong okasyon. Sa kasal ko mismo! Nakakaloko.

Nang sandali ring iyon ay naisip ko kung ano ang hitsura ni Taguro. Bigla ay nabura sa isip ko ang maputi at matingkad niyang wedding gown. Bigla ay nabura sa isip ko ang nakatali niyang buhok at kumikinang na mga alahas. Lahat ay napalitan ng kamukha niyong nakalapag sa kama.

"Chairman..." muli akong napahilamos. "Pagtatawanan talaga ako ng mapapang-asawa ko."

Humalakhak talaga siya. "Maniwala ka sa akin, hindi mangyayari iyon."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ang intensyon ko ay ipakita sa kaniya ang aking panlulumo. Ngunit natigilan ako nang makita ang kislap sa kaniyang mga mata. Para bang sinasabi ng mga iyon na magiging maayos ang lahat. Bigla ay nagbago ang pakiramdam ko. Bigla ay nawala ang panlulumo. Bigla ay nanumbalik ang pananabik sa aking dibdib.

Bumuntong-hininga ako at tumayo. Ngumiti naman siya at tumango-tango. Saka siya lumapit sa akin at iminulat sa magkabilang gilid ang pareho kong braso. Sinenyasan ng Chairman ang apat na lalaki at gano'n nalang kabilis ang naging pagkilos ng mga ito. Isa-isang nagsipagdamputan ang mga iyon sa kama at nakangiting lumapit sa akin.

Naunang isinuot ang panloob, napabuntong-hininga na lang ako. Kulay krema iyon, makintab at madulas sa balat. May nararamdaman akong cotton sa loob, tila ma bulak. Tuloy ay nagmumukhang malalaki ang hita ko.

Ang sumunod ay pagkalaki-laking pang-ibabaw, napapikit ako. May matitigas na disenyong ginto iyon sa magkabilang balikat hanggang dibdib, maging sa dibdib hanggang sa tiyan na hugis naman ay bilog. May nakaukit na papaikot na dalawang dragon doon.

Matapos niyon ay may itinali silang kung ano sa dibdib ko, nakamot ko ang sentido. Kulay itim iyon at may tahi na kulay ginto rin.

Ang isa sa mga tauhang nakaberde ay kinuha ang magkabilang kamay ko. Saka niya ako pinahakbang sa hindi ko maipaliwanag na hitsura na sapatos. Kulay itim at matigas man sa paa ay malambot namang tapakan. Nakakailang nga lang dahil may takong iyon sa unahan at dulo ng talampakan.

"Chairman..." nanlulumong bulong ko.

Humalakhak si Chairman. At aaminin kong noon lang ako namangha sa ganda ng pagtawa niya. Napatitig ako sa mukha ng Chairman at noon ko lang napansin ang edad niya. Sa tagal naming nagkasama ay hindi ko napapansin ang kaniyang hitsura. Sa t'wing makikita ko siya ay parang hindi nagbabago ang mukha niya. Ngayong tumatawa siya sa harap ko, iyong tawang may halong saya at paghanga, hindi ko maintindihan kung bakit parang natutuwa ako.

Bigla ay para akong ginanahan. Para na naman akong nanabik. Iyong pananabik na para bang...'eto na, ito na talaga 'yon. May matatanggap akong bagay na hindi materyal. Iyong hindi lahat ay nakukuha pero hinahangad nang kahit na sino. Iyong maipagyayabang ko dahil masasabi kong pag-aari ko, sariling akin, at walang ibang magkakaroon nang gano'n. Gano'n ang ipinaramdam sa 'kin ni Chairman nang sandaling iyon.

Wala sa sariling napangiti ko. "How do I look like?"

"You're..." nakangiti siyang umiling-iling. At hindi ko inaasahan nang mamasa ang mga mata niya. "You're the meaning of happiness, Deib Lohr." Naestatwa ako nang makita ang sunod-sunod na pagpatak ng kaniyang luha. Saka siya tatawa-tawang lumapit upang yumakap sa akin. "Congratulations for having the best day of your life, Deib Lohr. You're now marrying the girl of your dreams. She's marrying the best and the right man of her life. I am happy for you."

"Thank you," emosyonal kong naisagot. Hindi ko matandaan kung may minsan na bang nakaramdam ako nang ganoon sa Chairman. Nakakapanibago pero aminado akong napakasarap ng pakiramdam na 'yon.

Humiwalay siya sa akin at pinahiran ang sariling luha. "Let's go?" anyaya niya. Tumango ako.

Muli niyang pinahiran ang mga luha na pinahihirapan siya dahil sa patuloy na pagpatak. Niyuko niya ang sombrero na gaya ng mga suot ko ay may kakaiba ring hitsura. Wirdo sa paningin ko ang disenyo niyon, may dalawang tusok sa magkabilang gilid. May kung ano-anong nakasabit, kulay itim na mga tali na may gintong bilog sa dulo. Ang mga disenyo rin niyon ay nakahilerang ginto mula sa unahan papunta sa likuran.

Hinawakan ako ng Chairman sa magkabilang braso at saka iniharap sa salamin. Nang una ay nagulat ako. Ngunit nang huli ay hindi ko na magawang alisin ang paningin ko sa sarili. Gusto kong tanungin kung ako nga ba iyon. Parang hindi ko na makilala ang sarili ko. Noon ko lang nakita ang lahi ni Chairman sa mukha ko. Mukha akong Koryano.

Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam habang naglalakad kami papalabas. Ang paghanga ng mga tauhan ay mababasa sa kanilang mga mata at tagal nang pagkakatitig sa akin. Maging si Dirk ay tumaas ang noo na para bang awtomatikong naging respetadong tao ako. Nanibago bigla ako sa pakikitungo nila sa 'kin. Samantalang kanina ay panay ang ngiti niya lang sa akin.

Si Bitgaram ay gano'n din. Nag-angat siya ng tingin at matagal na tumango nang may kababawan sa akin. Ang paghanga ay naro'n din sa kaniyang mga mata. Tila may gusto siyang sabihin pero piniling sarilinin na lang dahil baka ako magyabang.

Naging maingat sa pag-alalay sa 'kin ang mga tauhan, lalo na si Chairman, nang sumakay ulit kami sa chopper. Talagang wala na ro'n ang mga kaibigan ko. Bigla akong kinabahan. Iyong kaba na malayo sa mga nauna kong naramdaman. Bagaman malapit na ang pinakahihintay kong sandali ay para naman akong masusuka. Hindi ko malaman ang pakiramdam. Nilalamig ako pero naiinitan. Katamtaman lang ang klima pero para akong minamalarya. Kakaiba. Ganito ba talaga katindi ang epekto ni Taguro?

Talagang kakaiba dahil nang nasa himpapawid ay hiniling kong sana ay malayo pa. Pero narating namin ang Kaechon sa isang iglap. Mas matagal pa nga yata ang paglipad at paglapag. Mas kinabahan ako nang malala. Pero ang puso ko ay nananabik na kay Taguro.

Nararamdaman ko na si Taguro mula pa no'ng pasukin namin ang bansa. Kahit noong naro'n ako sa Emperyo at siya ay nasa Kaechon, nararamdaman ko sa puso ko na malapit lang siya. At ngayong iisang lupa na lang ang tinatapakan namin ay naghuhurumintado na ang buong sistema ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa t'wing mararamdaman kong makikita ko na si Taguro ay ganito ang nararamdaman ko. Para bang taon-taon na lang lagi ang hinihintay ko. Iyon 'yong pakiramdam na masasabi mong sa wakas! Iyong pakiramdam na masasabing mong 'eto na! Iyong pakiramdam na maisisigaw mong 'ayan na siya! Gano'n ang pakiramdam. Alam ko lang ang sasabihin pero hindi ko maipaliwanag nang tama. Dahil sadyang kakaiba.

Hindi madali ang sitwasyon ko dahil mabigat ang malalaking suot ko. Mahirap maging komportable. Kailangan pa nga akong alalayan sa bawat kilos. Kaya naman gano'n na lang ang lalim ng hiningang nahugot ko nang mamataan ang tatlong kabayo sa harapan ko.

"Pag-aari ng magkakapatid ang mga iyan. Iyong itim sa gitna ay kay Maxpein. Iyong dalawang puti ay kina Maxwell at Maxrill," paliwanag ni Chairman, bilib na bilib.

"Hindi ako sasakay diyan, 'di ba?" nakangiti kong tugon.

Tumango siya. "Sasakay ka."

Umiiling kong nilingon si Chairman saka ako nameke ng tawa. "I'm not going to ride that thing, Chairman, believe me."

Humalakhak siya. "You will, trust me."

"No," lalo akong tumawa.

Ngunit hinigitan niya pa ang pagtawa ko! "Yes."

"Chairman?" hindi ako makapaniwala.

"Kultura, Deib Lohr, kultura."

"Pinagti-trip-an niyo lang yata ako, eh?"

Napamaang siya saka muling natawa. "Syempre, hindi! Ngunit kung ganoon iyon sa tingin mo, eh, di isipin mo na lamang na isa itong magandang kabayaran sa mga kalokohan mo sa nakaraan."

Tumaas ang kilay ko. "Ano ang maganda sa pagsakay sa kabayo? Natatakot ako!" Gusto kong bumalik sa chopper at magmaktol. "Nasa'n na ba si mommy?"

"Deib Lohr, apo!" nasapo ni Chairman ang sariling noo. "Ikakasal ka na, 'sus, ginoo!"

Natakpan ko ang mata ko saka muling humugot nang malalim na hininga. "Babe!" sigaw ko. "Babe..." nagpanggap akong maiiyak. Natawa si Chairman maging ang mga tauhan. "Ano ba 'tong ginagawa ko?" nanlalata kong bulong.

"They're waiting," ani Bitgaram, at walang ano-ano ay lumapit siya sa kabayo at kinuha ang tali nito. "Come, I'll help you," magalang niyang sabi.

Naestatwa ako. Napapamaang kong tiningnan siya at ang tatlong kabayo. Panay ang sulyap sa akin niyong pinakamaliit. Pakiramdam ko ay kay Maxrill 'yon dahil panay ang siring. Iyong malaking puti naman ay panay ang kutkot sa damo, tila naghahanap ng sagot doon. Dahilan para masiguro kong kay Maxwell iyon. Iyong itim naman ay sumisipa dahilan para mag-alinlangan akong sakyan 'yon.

"Maglalakad na lang ako," umatras ako.

"Kailangan mo talagang sumakay sa kabayo," nagpigil ng tawa si Dirk. "Naghihintay na sila, Deib Lohr."

Nilingon ko si Chairman. Ngunit sa paraan nang pagkakangiti niya ay para bang wala akong dapat na ipag-alala. Nanguna si Dirk at kasunod no'n ay si Chairman. Ngunit makailang hakbang palang ay muli niya akong nilingon at nginitian. Inilahad niya ang kamay sa akin na tinitigan ko muna bago inabot. Hindi ko magawang alisin ang paningin sa kaniya habang papalapit kami sa mga kabayo.

Nakakatuwa dahil hindi ko magawang isipin ang pinagdaanan namin. Hindi ko magawang balikan 'yong tingin at nararamdaman kong disgusto sa Chairman noon. Ngayon ay basta ko na lang nararamdaman na masaya ako dahil nandito siya para sa akin.

Mag-aalinlangan pa sana muli ako ngunit napalitan iyon ng paghanga nang sa isang salita ay bumaba ang kabayo ni Taguro. Napatitig ako kay Bitgaram, tila itinatanong kung paano niya nagawang pasunurin ang kabayo. Tuloy ay hindi naging mahirap para sa akin na sumampa. Bagaman nakaalalay pa rin silang lahat sa akin, ingat na ingat.

Muli iyong inutusan ni Bitgaram, at kahanga-hangang marahan na tumayong muli ang kabayo. At lalo akong humahanga dahil pag-aari iyon ni Taguro.

Hindi niya naipagmalaki sa 'kin 'to. Napangisi ako sa sariling naisip.

Hindi ko akalain na si Chairman Enrile at si Bitgaram ang sasakay sa dalawa pang kabayo. Habang si Dirk at ang mga tauhan ay nasa harapan at naglalakad lang. Madamo ang parteng iyon na nasa likuran ng Kaechon. Hindi ko na yata matandaan ang buong lugar niyon, hindi gaya ng Emperyo.

Pero nang sandaling matanawan ko ang palasyo ng parliyamento ay nanumbalik na naman ang iba't ibang alaala at pakiramdam sa 'kin. Ngunit ang lahat nang iyon ay nginingitian ko na lang ngayon.

Marahas na tinalon ni Bitgaram ang kabayo upang makababa, nagpapasikat. Pinanood ko siyang takbuhin ang ilang baitang ng hagdan sa harap ng palasyo. Napamaang na lang ako nang bigla ay hampasin niya nang buong puwerso ang gong sa tabi. Nakabibingi ang lakas niyon, hindi ko naiwasang mapailag. Inulit niya iyon ng isa pang beses saka pumunta sa gitna ng pasilyo.

Taas-noo siyang humarap sa akin at tinitigan ako nang deretso sa mga mata. Kunot-noo kong nilabanan ang tingin niya at sa isip ay itinatanong ko kung ano ang ginagawa niya. Walang ano-ano ay yumukod siya sa isang tuhod habang ang isang kamay ay nasa likuran.

Nalilito kong nilingon si Chairman ngunit ngiti at tango lang uli ang isinagot niya. Sumunod niyon ay bumaba na rin siya upang alalayan ako. Nakangiti siyang tumango-tango at tumalikod sa palasyo. Gumaya naman ako. Ipinuwesto ni Chairman ang parehong kamay sa likuran saka tumingala sa makulimlim ngunit papadalim nang langit. Gumaya naman uli ako.

At gano'n na lang ang pagkamangha ko nang sunod-sunod na magliparan ang paputok. Kulay pula, puti at asul, napakagaganda.

"Magsisimula na," aniya.

Napalunok ako at lumingon sa Chairman. Inilahad niya ang kamay sa akin. Muli kong tiningnan iyon bago inabot. Gusto ko na namang maguluhan. Gusto kong itanong kung nasaan ang pamilya namin. Pero ang magandang pakiramdam, iyong misteryosong sandali, ay pinananahimik lang ako. Para bang sinasabi ng kakaibang sitwasyong iyon na namnamin ko na lang ang lahat. Iyong kapana-panabik na pakiramdam. At sa pananahimik at pagmamasid ko lang iyon mararamdaman.

Kakaiba ang katahimikan ng lugar, lalo na ang nangingibabaw na liwanag ng palasyo ng parliyamento. Dahan-dahan akong humakbang paakyat sa bawat baitang, natitigilan at hindi mapakali sa paggala ang mga mata. Ang bawat kanto ng palasyo, na hindi naman unang beses kong makita, ay tinatapunan ko ng tingin. Hindi nakasisilaw ang liwanag, ang totoo ay madilaw ang mga ilaw. Pero ang kakaibang liwanag niyon, na nagagawang tanglawan ang kabuuan ng isla, ay sadyang kapani-panibago.

Bago marating ang pasilyo ng palasyo ay may nangibabaw na musika sa pandinig ko. Pamilyar ang tugtugin. Malumanay ang tipa ng piano. Nakaaakit ang himno ng violin. Na sinasabayan nang madagundong na bagsak ng drums. Ang mga iyon ay dumaragdag sa umaalong pakiramdam ko. Paulit-ulit ang panimula niyon, sinasabayan ang bawat hakbang ko. Sadyang kakaiba, hindi ko malaman kung paano ko pang naipapaliwanag ang pakiramdam.

Nang sa wakas ay humakbang ako papalapit sa harap nang napakataas at mabigat niyong pinto ay saka ako nahinto. Nag-alinlangan akong buksan iyon, nag-aalala sa kung ano ang makikita ko. Nagsimulang manginig at manlamig ang aking mga kamay, gumapang 'yon sa kabuuan ng katawan ko.

"Go on, apo," ani Chairman, napalunok lang ako.

Open the door, Deib Lohr... May kung ano sa loob-loob kong paulit-ulit na sinasabi 'yon. At alam ko kung ilang beses akong nag-alinlangang gawin 'yon.

Nang muli akong sumubok na buksan 'yon ay biglang nangilid ang luha ko. Hindi ko maintindihan, kinakabahan ako ngunit saya ang nangingibabaw sa dibdib ko. Isang bahagi ng isip ko ang nagsasabing alam ko na kung ano ang sorpresang naghihintay sa akin. Ngunit isang bahagi rin ng pagkatao ko ang natatakot na mabigo.

Ang pintong 'yon ay hindi nalalayo sa malalaki at nagtataasang pinto ng mga palasyo. At talaga namang nakadaragdag iyon sa kaba at pag-aalinlangan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang pumasok ako nang mag-isa ro'n. Kahit pa sabihing naro'n si Chairman. Ganito ba ang kasal sa kanila?

At kung bakit kailangang gano'n kaliwanag ang ilaw, at kung bakit kailangang gano'n kalakas ang tugtog, at kung bakit kailangang gano'n ang kanta. At kung bakit kailangang ako ang pumasok sa pinto, kung saan dapat ay si Taguro ang gumagawa no'n.

Kinalma ko ang sarili. Ilang beses akong humugot nang napakalalim na hininga bago ko tuluyang hinawakan ang mahabang lockset.

Halos mahugot ko ang hininga nang tuluyan ko nang buksan ang pinto. Minsan pang bumagsak ang dagundong ng drums bago tuluyang mangibabaw ang tinig ng isang lalaki.

I have often dreamed of a far off place. Where a hero's welcome would be waiting for me. Iyon pa lang ang linya ng kanta pero nangilid na ang aking mga luha.

Nanlalaki ang mga matang naigala ko ang paningin. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

Where the crowds will cheer when they see my face. And a voice keeps saying, this is where I'm meant to be.

Is this true?

Nangunot ang noo ko nang makita ang dagat ng tao. Pawang pormal sa pagkakatayo. Magaganda ang ngiti sa labi at sabik ang mga matang tutok na tutok sa akin!

I'll be there someday, I can go the distance. I will find my way if I can be strong.

Ang mga normal na tao sa bansang iyon ay nasa mababa hanggang sa paitaas na hilera ng upuan, na siyang pumapalibot sa kabuuan ng palasyo. Mga opisyal, sundalo at tauhan naman ang nasa ibaba at siyang halos na sumasakop sa lapag.

Sadyang napakarami ng tao. Para akong nasa konsyerto ng kilalang banda ng manganganta. Ang kaibahan nga lang, sa sandaling ito ay ako ang bida. Dahil talagang ang mga mata nila ay hindi maalis sa akin.

I know every mile, will be worth my while. When I go the distance, I'll be right where I belong.

Dumapo ang paningin ko kina Bitgaram at Laieema. Sila ang nasa unahan, pawang mga gwardiya na binabantayan ang aking lalakaran. Pareho silang nakangiti sa akin at karespe-respeto ang magandang tindig. Sabay silang tumango sa akin, at awtomatikong napahakbang ako. Para bang ang bawat kilos ko ay nakabase sa mga matang nakatuon sa 'kin. Kinikilabutan ako sa sandaling iyon. Iyong kilabot na paulit-ulit na tumatayo ang mga balahibo at talagang kumakalat iyon sa buong katawan ko. Noon ko lang naranasan iyon sa gano'ng pakiramdam at pagkakataon.

Nagpatuloy ako sa paghakbang at doon ay isa-isa kong nadaanan ang mga taong hindi ko naman kilala. Pero sa pagkakangiti nila ay para bang kaytagal na nilang hinintay na masilayan ako. At sa tuwang makikita ko sa kanilang mga mata ay para bang iyon na ang pinakamasayang sandali sa buhay nila.

Hindi ko talaga mapaniwalaan at lalong hindi ko maintindihan. Ang sandaling ito ay hindi kapani-paniwala.

Down an unknown road to embrace my fate. Though that road may wander, it will lead me to you.

Lumingon ako sa likuran ngunit hindi ko namataan doon ang Chairman. Bigla akong nag-alala pero may kung ano sa kalooban kong nagsasabing magpatuloy ako. Dahil sa dulo niyon ay nandoon si Taguro. Na kahit anong takot ang maramdaman ko ay hindi ko kailangang mag-alala. Hindi ko kailangang matakot. Dahil ni katiting na sakit ay hindi ko pwedeng maramdaman dahil ang leon na nasa dulo ng daang iyon ay lalamunin ang lahat ng tao.

Napalingon ako sa kaliwang balcony at napalunok. Isang kagalang-galang na lalaki ang nakaupo sa trono. Nakasuot iyon ng pulang hanbok na hindi nalalayo sa suot ko. Sa tabi niya ay kagalang-galang na babae at mukhang dyosa sa suot ding pulang hanbok. Hindi na ako magtataka kapag nalaman kong sila ang hari at reyna ng Monarkiya.

And a thousand years would be worth the wait. It might take a lifetime but somehow I'll see it through.

Nalingunan ko ang kanang balcony upang muli lamang mapalunok. Gaya kanina ay pares iyon ng kagalang-galang na tao. Parehong asul na hanbok naman ang suot ng lalaki at babae. Sa hula ko ay sila ang namumuno sa Dynastiya.

Lalo pa akong nagpatuloy, at nang sandaling iyon ay unti-unti nang nagiging pamilyar ang mga mukhang nakikita ko. Natatandaan ko ang ilang mukha ng mga rango, mapababae o lalaki man. Magkaiba man ang linya ng mga ito ay hindi naging sagabal iyon para makilala ko ang katayuan nila sa bansang ito. Natatandaan ko ang seryoso nilang mga mukha. Kaya hindi ko naiwasang manibago nang makitang nakangiti sila sa akin. Nang gumanti ako ay magkakasabay silang tumango.

And I won't look back, I can go the distance. And I'll stay on track, no, I won't accept defeat. It's an uphill slope but I won't lose hope. 'Til I go the distance, and my journey is complete.

Muli pa akong nagtuloy. Hindi nagbabago ang pakiramdam ko. Para ngang lalo iyong lumalala.

Nang matanawan ko ang sumunod na balcony sa kaliwa ay muli napalunok. Mabilis din akong nag-iwas ng tingin. Ngunit hindi na yata maaalis sa paningin ko kung gaano kaistrikto ang hitsura ng mga nakaupo ro'n. Pinaghalong itim at pula ang hanbok na suot ng kagalang-galang na pares na nakaupo ro'n.

Ang pinaghalo-halong tugtog mula sa cielo, piano, violin at drums ay pinag-aalon lalo ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang kinalaman ng kantang iyon sa sandaling ito. Pero nararamdaman ko ang kapangyarihang idinudulot, sinasabi, at ipinararamdaman ng kantang iyon. Dahil isa sa kinikilala at iginagalang na tao sa lugar na ito ang kumukunekta sa kantang iyon sa akin. Si Taguro. Hindi ko maipaliwanag, pero sa loob ko alam kong naiintindihan ko 'yon.

Muli pa akong nagpatuloy at 'ayun na ang mukha ng mga kaibigan ko. Na hindi ko maintindihan kung bakit kailangang umiyak. Mapababae o lalaki ay naluluha sa kakaibang sandaling iyon sa buhay naming pare-pareho. Pero ang mga ngiti sa kanilang labi at mata ay hindi matatawaran. Hanggang sa sandaling iyon ay hindi ako makapaniwalang nakikita ko sila sa lugar na ito.

Ang lugar na ito na alam kong hindi mapapasok nang kung sino-sino. Pero nagawa silang dalhin dito ni Taguro... Ganito ako kaespesyal sa kaniya. Napangiti ako sa magandang isipin.

Muli pa akong nagpatuloy sa mabagal at nangangapang paglalakad. Mas pinatitindi ng kanta at tugtog niyon ang kaba at kakaibang pakiramdam ko. Mas kinikilabutan ako, patuloy pa rin talaga sa pagtayo ang mga balahibo ko! Para bang may makapangyarihang tao na naghihintay sa akin sa dulo ng pulang carpet na nilalakaran ko.

But to look beyond the glory is the hardest part.

Ang parte ng kantang iyon ay mas nakadagdag sa kilabot at kakaibang tensyon nang sandaling iyon. Mas naging marahan ang paghakbang ko nang marating ko ang dulo.

At napahinto ako nang tuluyang magbigay ng daan ang mga rango. Ang kaninang hilera ng mga babae at lalaki ay tuluyan nang nahati.

For a hero's strength is measured by his heart.

Namanglaw ang mga mata ko, nag-init ang pisngi ko, at nangilid ang aking mga luha. Nakakahiya pero hindi ko ininda. Dahil nang sandaling iyon ay tumambad sa akin ang apat na hukom. At sa likuran nila ay deretsong nakatayo ang pamilya ng mga Moon.

Pormal na pormal ang kanilang mga suot. Malayo sa mga pormal na kasuotang dinala nila noon. Dahil ang mga suot nila ngayon ay dito ko lang nakita. May mga kapa sila at ang ilan ay mga naka-coat na pagkahahaba. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong hangal na umibig sa isang maharlika. At 'eto ngayon sa harap ko ang mga hari at reyna ng Emperyo nila.

Pero sadyang iba sa mga iyon ang pamilyang Moon. Dahil ang pananabik at saya sa kanilang mukha, sa kabila nang pagiging seryoso, ay hindi ko mapangalanan.

Ang nakasanayan ko nang seryoso nilang mga mukha, ay hindi kapani-paniwalang nakangiti ngayon. Para bang gano'n katagal na nilang hinihintay na mangyari ang sandaling iyon.

At halos mapamaang ako nang isa-isang tumabi ang mga hukom, nasundan iyon ng mga Moon, upang magbigay-daan. Humilera sila na siyang gumawa nang panibagong daan. Ngunit bago pa man ako makapag-angat ng tingin ay muli pa akong natigilan. Nang bigla ay sabay-sabay na magsipagluhuran sa isang tuhod ang mga hukom, maging ang mga Moon!

I can't believe this...

Like a shooting star, I will go the distance. I will search the world; I will face its harms.

Nahugot ko ang aking hininga upang mapigilang maluha. Gulat na gulat kong naigala ang paningin sa kanila, dahil hindi talaga ako makapaniwala. Ang pagyuko nilang iyon ay simbolo ng paggalang. Matinding paggalang na hindi ko alam kung bakit ibinibigay nila sa akin ngayon. Ngunit isa rin pala iyong pagbibigay daan, dahil matapos kong luminga ay muli akong natigilan. Nang tumambad sa akin si Maxpein Zin del Valle-Moon, na siyang nasa dulo at deretsong nakatingin sa akin.

Taguro...

Pinalilibutan siya nang napakaraming babae at lalaking dahil sa suot na puting toga ay nasiguro kong koro. Deretsong-deretso ang tingin ng mga ito at handa na sa pagkanta.

I don't care how far, I will go the distance. 'Til I find my hero's welcome, waiting in your arms.

Nahugot kong muli ang hininga at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Taguro. Panay ang pagkurap ko nang isa-isahin ko ang bawat anggulo ng mukha niya. Ang cloak niyang itim ang nagbibigay ng misteryo sa kaniyang kabuuan. Tanging si Taguro ang nakagagawa at makagagawa nang gano'ng pagkamangha sa 'kin nang paulit-ulit! Sa likuran niya ay nakasampay ang mga arrow, sa kaliwang balikat niya nakasabit ang bow. Sa kanang kamay niya naman ay espadang nakapasok sa kaha. At bagaman gano'n ang layo no'n sa 'kin ay makikitang mukha iyong sinauna.

Halos huminto ang aking paghinga matapos niyang maiparamdam sa 'kin ang kakaiba niyang kapangyarihan. Kakaiba ang suot niya, halos magmukha siyang prinsesa na nakasuot nang napakahabang kapa.

I will search the world; I will face its harms. 'Til I find my hero's welcome, waiting in your arms.

Magkakahalong pula, asul at puti ang suot niyang hanbok. Napapalamutian din iyon ng gintong gaya ko.

Para siyang reyna ngunit may mukhang gano'n sa mga prinsesa. Hindi ko naiwasang mapangiti.

Narinig ko na ang sarili kong paglunok nang magsimula siyang humakbang papalapit sa akin. Ang kalabog sa dibdib ko ay tila kadikit na ng aking tainga. Wala akong nagawa kundi ang panuyuan ng lalamunan habang deretso siyang tinitingnan.

From the moment I saw you. From the moment I looked into your eyes. There was something about you I knew, I knew.

Bigla ay nangibabaw ang pamilyar na tinig ni Migz. At talaga namang nagtindigan pang muli ang mga balahibo ko at naglagi iyon sa leeg ko.

That you were once in a lifetime, a treasure near impossible to find. And I know how lucky I am to have you.

Walang emosyon ang kaniyang mukha, wala ni katiting na ngiti sa labi. At ang nagsusumigaw niyang lakas bilang pinakamataas na rango ay humihiyaw sa harapan ko ngayon.

Taguro...

'Cause I've seen rainbows that could take your breath away. The beauty of the setting sun on any given day.

Nagtuloy siya sa paglalakad, hindi inaalis ang paningin sa akin. Hindi lang ako naestatwa sa kinatatayuan, dahil tila nagyelo na rin ako ro'n. Hindi ako magalaw. At maging ang paningin ko ay hindi ko magawang alisin sa kaniya.

And when it comes to shooting stars I have seen a few. But I've never seen anything as beautiful as you.

"Deib Lohr..." mahina ngunit makapangyarihang sambit niya matapos huminto sa harapan ko.

Tila tinambol ang pandinig at dibdib ko. Pero mabilis na nangilid ang pinipigilan kong luha. "Maxpein..."

At halos malaglag ang panga ko nang mapanood ko ang marahang pagluhod niya sa isang tuhod! Hindi lalo ako makapaniwala!

I can't believe that I have you. I can't believe that you're here in my arms. I've been waiting a life time for you, for you.

Bigla ay nangibabaw naman ang tinig ni BJ. Noon ko lang yata siya narinig nang ganoon kaseryoso.

And I've dreamed about you, pictured in my mind who I would see. But I never imagined just how beautiful you'd be.

Nagsimulang kumanta ang koro kasabay ng dalawa, at hindi kapani-paniwalang napakasarap sa pakiramdam ng kanilang sabay-sabay na tinig. Dumadagundong ang malalaki ngunit may timbre nilang boses. Mas lumakas pa ang musika at inuulit-ulit ang huling bahagi ng kanta.

Namasa ang mga mata ko at naiwan 'yon kung saan ko nakikita ang lebel ng mga mata ni Taguro. Ilang beses na kumuyom ang mga palad ko bago ko nagawang magbaba ng tingin sa kaniya.

Inilapag ni Taguro ang hawak na espada sa harapan ko, tila iniaalay 'yon. Hinubad niya ang mga pana at sabay iyong ipinatong sa paanan ko.

"Taguro..." wala sa sariling usal ko.

Marahan niyang inalis ang pagkakatabing ng cloak hood sa kaniyang ulo, ngunit nanatili siyang nakayuko. "I am the highest empery rank, Maxpein Zin del Valle-Moon." Nangilid ang mga luha ko nang maramdaman ang hindi maipaliwanag na kapangyarihan mula sa tinig niya nang magpakilala.

'Cause I've seen rainbows that could take your breath away. The beauty of the setting sun on any given day.

"Taguro..." muling usal ko. Ang halo-halo kong emosyon ay tila inihihiwalay ang kaluluwa ko sa akin.

"By the power conferred upon my name, I am showing you who I am." Matapos niyang sabihin 'yon ay awtomatiko kong nailinga ang aking paningin. Dahil nasisiguro kong ang ibig niyang sabihin ay ipinakikita niya sa akin ang katayuan niya sa bansang ito. "And with this bow, arrow and my sword, I pledge thee my troth."

Sinabi niya ang linyang iyon sa paraan na para bang iniaalay niya na ang sarili sa akin. Hindi lang isang pangako. Hindi lang isang salita. Hindi lang dahil siya si Taguro. Kundi sa paraang ang kabuuan niya at ang kapangyarihang meron siya ay nais niyang angkinin ko na.

Nangunot ang noo ko. Alam ko ang sinasabi niya ngunit tila wala pa rin akong maintindihan nang sandaling iyon. Hindi ganoon ang kasal na alam at inensayo ko.

Dahan-dahan akong napaluhod, at gano'n na lang ang gulat sa kaniyang mga mata. Nangunot din ang kaniyang noo, para bang kinukwestyon ako kung bakit nakiluhod ako. Pero hindi akma ang sandaling 'yon para magtalo kami.

And when it comes to shooting stars I have seen a few. But I've never seen anything as beautiful as you.

"Maxpein..." bulong ko.

Minsan pang nangunot ang kaniyang noo bago tuluyang sumilay ang hindi mapigilan niyang yabang. Bahagya siyang natawa sa iniasta ko, sa pagkalito ko.

"You need to answer me," matamis ang ngiti niyang bulong, nangongompronta, nananaway. "In front of my country and my family, Deib Lohr Enrile."

Napapamaang akong tumitig sa kaniya. Tila ba noon lang naunawaan ang pinagsasasabi niya, maging ang kakaibang seremonyas.

'Eto na ba 'yon? Ikinakasal na ba kami o tapos na? Gusto kong mapapikit sa kapalpakan!

"Paano ako sasagot?" nasasamid kong tanong. "Nasaan 'yong magkakasal? 'Eto na ba 'yon? Anong makukuha ko sa mga sinabi mo, Taguro?" kunot-noo, nakangusong asik ko.

Tumikhim siya saka bumuntong-hininga. "I am already granting you a responsibility."

Kunot-noo akong tumitig sa kaniya. "What responsibility?"

"Me," tipid niyang sagot saka lalong sumeryoso.

Hindi ko agad nagawang sumagot. "Are we married now?" kunot-noo kong bulong. Nagsimula siyang magpigil ng tawa, maangas pa rin. "P-Pero hindi ba't ako dapat ang gumagawa nito? Bakit ikaw ang lumuhod? Bakit ako ang pumasok at ikaw ang lumapit? Baliktad, babe." Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng hiya.

Nakangisi siyang ngumiwi. "Dahil sa bansang ito ay ako ang magbibigay ng apelyido sa iyo."

Napamaang ako at natigilan. Namilog ang bibig ko. "Anong apelyido?"

"Gagawin kitang Moon, gano'n 'yon. At hindi dapat natin pinag-uusapan ito, dito, ngayon," mariin ngunit natatawa niyang dagdag.

Natigilan kaming pareho nang marahang lumapit ang apat na hukom. Seryosong-seryoso ang kanilang mukha at nagmamalaki ang magagarang suot.

Nagmamadali kong kinapa ang singsing sa bulsang nasa ilalim pa ng malalaki at mabibigat na suot ko.

Nagbaba ng tingin sa akin ang ikauna. "You are Deib Lohr Enrile becoming the husband of the highest empery rank, Maxpein Zin del Valle-Moon. Do you promise to love the highest empery rank, Maxpein Zin del Valle-Moon, and respect her, and take care of her, help her, and protect her, in joyful times and in hard times, healthy times and sickness times, every day, forever?

"I do," sagot ko, nang ang paningin ay na kay Taguro.

Bumuntong-hininga ang ikauna saka nagbaba ng tingin kay Taguro. "You are the highest empery rank, Maxpein Zin del Valle-Moon, becoming the wife of the scion of the ethnarch, Deib Lohr Enrile. Do you promise to love the the scion of the ethnarch, Deib Lohr Enrile, and respect him, and take care of him, help him, and protect him, in joyful times and in hard times, healthy times and sickness times, every day, forever?

"I do," sagot ni Taguro, nasa akin din ang paningin. Kumindat pa nang nakangisi!

"You may now wear your wedding rings," anunsyo ng ikaapat. Napatingala ako sa kaniya saka ako naguluhan. Napatitig ako kay Taguro at napanood siyang magsuot ng singsing sa daliri. Nangunot ang noo ko at nag-aalinlangang tumingin sa kaniya. Sa tinging na iyon ay itinanong ko kung isusuot ko ba ang simbolo sa sarili ko? Tumango siya dahilan para mapabuntong-hininga na lang ako.

Nagkamali ako nang isipin kong ang pamilyang Moon lang ang kakaiba. Hindi pala. Buong angkan nila ang wirdo.

Hindi ko talaga maiwasang magulat at manibago sa kanilang kultura. Malayo sa nalalaman ko.

"By the power vested upon us by the Democratic People's Republic of Korea, we now pronounce you, husband and wife," sabay-sabay na sinabi ng hukom.

"Ano nang gagawin ko?" bulong ko.

Sa halip na sumagot ay ngumisi siya. Kumibot-kibot ang kaniyang labi saka dinilaan 'yon gamit ang kaniyang dila. Ang paningin niya ay marahang bumaba papunta sa labi ko saka siya lalong ngumisi.

"Talaga?" napapangiti kong tanong.

Nakangiti siyang nagkunot-noo saka natatawang umiling. "Lagot ka kay Maxwell kapag nanakit sa pagyuko ang tuhod niya."

Doon ko lang naisip na posibleng kaya hindi tumatayo nang ayos ang mga naro'n ay dahil hinihintay kami.

Ngunit hindi ko malaman ang sasabihin. Hindi ko malaman ang mararamdaman. Hindi mapirmi sa iisang emosyon ang buo kong sistema. Paulit-ulit at patuloy iyong nagwawala!

Marahan akong tumayo saka inilahad ang kamay sa kaniya. Nakangiti niyang tinanggap iyon nang hindi inaalis sa akin ang paningin niya. Pinaghawak niya ang parehong kamay saka sumenyas ng pagyuko sa akin. Medyo nahuli man ay tumango kami nang ilang saglit sa isa't isa. Sa isip ay sinisisi ko siya dahil hindi niya ako tinuruan.

Nang muli kaming magharap ay gumalaw-galaw ang kilay niya. Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata na para bang kinakausap ako sa gano'ng paraan. Para namang mahuhulaan ko kung ano ang ipinagagawa niya.

Ngunit dahil kasal naman iyon ay iisa lang ang hula ko. Humugot ako ng lakas ng loob upang maiangat ang pareho kong kamay. Pinigilan ko ang panginginig niyon nang dumapo sa mga pisngi niya. Nakangiti siyang tumitig sa 'kin habang ako ay hindi na magawang ituon ang buong pansin. Nililito ako ng halo-halo kong nararamdaman.

"I love you, babe. I love you, Maxpein Zin Enrile-Moon."

"I love you, Deib Lohr Enrile-Moon," bulong niya dahilan para mawala na ako nang tuluyan ang natitira kong katinuan.

Marahan siyang pumikit nang marahan kong ilapit ang aking mukha.

Nang maglapat ang pareho naming labi ay mas lumabas ang tugtog, maging ang pagkanta. Umugong nang paulit-ulit ang gong at nag-ingay ang malalakas na instrumento.

Ang mga labi ni Taguro ang siyang nakapagparamdam sa akin na totoo na ngang nangyayari ito.

~To Be Continued. . .~

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 32.1K 32
(R-18) JAKE MONTERELAOS_BOS (Beast of Stars) 》Never be ashamed of how much you love,or how quickly you fall. Love fully,love completely,but most...
7.5M 209K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...