CHAPTER 227 : THE TRUTH 2

3M 60.3K 165K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 227 : THE TRUTH 2

MAX'S POV

"I KNOW you'll come back to me and make everything better." Sinabi ni Sensui iyon sa mismong mga mata ko matapos akong halikan.

Seryosong-seryoso, sinserong-sinsero. Madalang ko siya makitang gano'n, madalas ay kapag nagpapakatotoo lang siya. Nasanay ako sa pagiging isip-bata niya. Gwapo siya sa t'wing iiral ang pagiging isip-bata. Pero gwapong-gwapo siya kapag ganito kaseryoso. Napakahirap alisin ng paningin ko sa kaniya kapag ganoon. Kung pwede lang sanang titigan ko siya nang gano'n lang. Pero imposibleng hindi siya magsasalita.

Tss.

Tumango ako. "Fate won't let me lose you. But for now I will pay for loving you this much." Nginisihan ko siya.

"Pay?" kunot-noong tanong niya. "Your feelings for me is priceless, Taguro." Pinagkrus niya ang mga braso, nananatiling seryoso. "Ano ang babayaran mo?"

"Tss. Biro kasi 'yon."

"Ah, 'ganda ng biro mo," nakangiwi siyang tumango-tango. "Nasa'n 'yong tawa ko kung gano'n?"

Napamaang ako. "Masyado kang nabighani sa ganda ko, hindi mo na kinayang tumawa," seryoso ko ring sagot, nagyayabang.

Nandiri siya. "Mula no'ng maging boyfriend mo ako ay gandang-ganda ka na sa sarili mo." Nagtawanan kami. "Gusto mo bang mas gumanda pa?" tanong niya na hindi ko mawari kung nagpapa-cute o sadyang gwapo siyang tingnan sa gano'ng ngiti.

Iyong ngiting seryoso pero nando'n ang ngisi. Ang mga mata niya ay kumikislap sa paningin ko. Bawat galaw ng manipis na labi niya ay sinusundan ng mga mata ko. At sa paraan niya ng pagkakatitig sa 'kin ay napapaawang ang labi ko.

"Tinatanong kita, Taguro. 'Wag mo 'kong titigan," iritable niyang sabi.

Sandali ko pang hinayaan ang sarili kong abusuhin ang pagtitig sa kaniya saka ako bahagyang humalakhak. "Pati pagpapaganda ay alam mo na ngayon, ah? Anong kurso ba talaga ang kinukuha mo? Engineering o Cosmetology?"

"Tch." Sumimangot siya, seryoso pa rin. Gwapong-gwapo pa rin. "Minsan talaga ay slow ka rin."

"Minsan lang. Ikaw, madalas."

"Ano!"

"Biro lang. Tss."

Sinamaan niya ako ng tingin. Mula sa mata, papunta sa ilong at huminto sa labi ko. Matagal siyang tumitig sa mga labi ko saka ngumisi. Nailang ako pero hindi ko iyon ipinahalata.

"Nagugwapuhan ka ba sa 'kin, babe?" tanong niya matapos ilapit nang bahagya sa 'kin ang mukha niya.

Umasta akong nag-iisip. Kumunot naman ang noo niya saka bahagyang lumayo. Ipinatong niya ang isang hita sa kama at ipinatong doon ang kaniyang siko.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon