The Millionaire's First Love...

Autorstwa iamanncollins

7.8K 428 40

"Your brain may forget but your heart won't." Więcej

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue
ái

Chapter 5

140 7 2
Autorstwa iamanncollins

"I FINALLY, FOUND YOU. GOD! THANK YOU, that we meet again." punong-puno ng emosyon ang boses ng lalaki.

Kumabog naman ang dibdib ni April. Sa sobrang lakas ng tibok ng puso ay tila sasabog ang eardrums niya.

"Are you okay? Nasaktan ka ba? Tell me, anong masakit sa'yo?"

Ikinulong ng lalaki ang mukha niya sa dalawang palad. Makikita ang labis pag-aalala sa mga mata.

"O-okay lang ako."

Iniwas niya ang mukha. At itinulak ng bahagya ang lalaki. Binitawan naman siya kapagkuwan.

Lumingon-lingon si Ivan sa paligid. May kadiliman sa parteng iyon ng kalsada.

"Are you sure? Pwede kitang dalhin sa hospital if you want to?"

Umiling siya.

"H-hindi na kailangan, h-hindi mo naman ako nasagasaan. Saka kasalanan ko rin, nasa gitna ako ng kalsada."

Umamo ang mukha ng lalaki.

"By the way I'm Ivan. Ivan Anderson."

"Ha? A-Anderson?"

"Yes, do you know me?"

"I-ikaw ang panauhin ni Kap? Naku, pasinsya na po. Hindi ko kasi namalayan na nasa gitna pala ako naglalakad."

Tumango ang lalaki. Sumeryoso ang mukha nito.

"It's okay, just be careful next time. If you don't mind, may I know your name?"

"April."

"April..." ulit ni Ivan. Lumingon sa paligid.

"Why are you walking alone in this dark street. Dilikado para sa isang katulad mo ang maglakad mag-isa. Lalo na't madilim sa bahaging ito."

"P-pauwi na rin ako. Sinadya ko talagang maglakad."

"Let's go, ihahatid na kita sa inyo."

Kinuha ni Ivan ang kamay ni April. Napapiksi pa ito dahil sa init na bigla ng nanulay.

Hindi niya naramdaman ang ganoong init sa kasintahang si Omer. Ni wala ngang spark kung hahawakan o halikan siya.

Pero sa taong kaharap. Iba ang pakiramdam niya. Iyong feeling na, komportable agad ang naramdaman niya.

"H-hindi na kailangan, kaya ko namang umuwi saka malapit lang dito ang bahay namin."

"I insist, ihahatid kita."

Determinado ang boses. Pati na rin ang mukha.

"P-pero baka nakakaabala na ako."

Lumingon si Ivan hawak nito ang kamay niya.

"You will never be a bothersome to me. Please, pumayag ka nang ihatid kita. I want to know you if you don't mind."

Lumunok siya. Mababa at nangungumbinsi ang tinig gayon din abg mga mata. Nais tuloy niya itaas ang palad at damhin ang init ng maamo nitong mukha.

"Please..."

Napakurap siya. May katagalan na palang nakatitig sa lalaki. Namula siya sabay yuko.

"S-sige..."

Pinisil ng lalaki ang kamay niya at ginaya sa loob ng kotse. Pinagbuksan siya nito.

She felt relieved nang bitawan ni Ivan ang kamay. Ngunit ang puso, hindi pa rin humuhupa ang kabog. Umikot ito sa kabila at pumasok sa driver seat.

"I'm sorry about the last time. Hindi ko dapat ginawa iyon, nabigla lang ako nang makita ka. A-akala ko kasi--" he paused and slightly punched the steering wheel.

"O-okay lang, naintindihan ko. Nakalimutan ko na rin iyon." She lied.
Paano ba naman niya makakalimutan ang ganoong tagpo? Tinawag Siya nitong Veronica at napagkamalang asawa.

Bumaling sa kanya si Ivan na may malungkot na ngiti.

"K-kamukha ko ba talaga ang asawa mo? P-pasinsya na kung naitanong ko."

Ivan nodded.

"Para kayong pinagbiyak." May himig ng bigat ng damdamin na sagot.

Curiosity hits her. Na-curious siya na makita ang mukha ng asawa nito.

"I'm sorry, pero nasaan na siya?"

"She's missing for 6 years now."

She frozed. Parang may karayom na dumaan sa dibdib niya. Tumutusok-tusok iyon. Nagkabikig ang lalamunan niya. Nanunuyo iyon. At tila tumigil ang pagtibok ng puso.

Matagal bago siya nakahuma. Tumukhim muna nang mawala ang bara sa lalamunan.

"P-pasinsya na kung naitanong ko pa. A-alam kong masakit sa'yo ang mga nangyari."

Tumango si Ivan saka ngumiti.

"It's okay, at least ngayon alam mo na kung bakit ganoon na lang ang reaction ko nang makita ka."

An awkward smile plastered on April's lips. She nods at him.

"Ah, pasinsya na, nakalimutan kong sabihin. Dito mo na lang ako ibaba, nandiyan na ang bahay namin."

Itinigil ni Ivan ang kotse sa gilid ng daan. Bumaling si April sa kanya.

"Maraming salamat, Mr. Ander-"

"Ivan. Call me Ivan."

"Nakakahiya naman po."

Umiling ang siya. Nagbuga ng magaan ngunit matagal na paghinga. Binalingan ang babae na nasa harapan ng daan ang tingin. Ramdam niya ang pagka-ilang nito.

"Salamat ulit, Mr errr... Ivan..."

Akmang bubuksan nito ang pinto ng kotse ng pigilan niya.

"Wait!" He took her arm.

Alanganing bumaling ang babae. Nagtatanong ang mga matang sumalubong ang paningin niya.

"C-can I hug you first, please..." Anya na nagsusumamo ang mga mata.

Natigilan si April. Nakakatitig lamang sa kanya na tila pinoproseso sa utak ang kanyang sinabi. Nabuhayan siya ng loob nang sa huli, dahan-dahan itong tumango.

Walang inaksaya pang panahon si Ivan. He held her body and embrace tight.

God! He felt home. Walang ipinagkaiba ang init ng katawan ni April kay Nica. Naipikit niya ang mga mata nang gumanti ng yakap ang babae. Ninamnam ang sandali na kay tagal nang hinintay.

Deep inside of him, he knows who really she is. His Angela... his wife... His first love and intended to be last...

"You're shivering." Puna niya.

Hindi sumagot ang babae. Nanatili lamang nayakap.

Ibinaon niya ang ulo sa leeg nito. Feeling the comfort of her skin.

"Are you afraid of me?"

"H-hindi..."

"Don't be afraid of me, hindi ako masamang tao."

"A-alam ko... at nakita ko naman sa mga mata mo."

"Salamat..." He paused for a while and took a deep breath.

"K-kailangan ko ng bumababa."

Unti-unti niyang pinakawalan si April. Ngunit bago tuluyang bitawan. Mariing dinampian niya ng halik ang noo ng babae.

"Thank you... thank you so much..."

Napalunok si April. Tanging isang tango ang isinagot saka binalingan ang pintuan upang lumabas na.

Bumuga si Ivan ng malalim na paghinga habang pinagmamasdan ang papalayong babae.

Now that he found her; he'll make sure na hindi na ito mawawala sa paningin. Not on the second time around...

NANG MAKABABA ng kotse si April. May pagmamadaling tinungo niya ang bahay. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. At natatakot siyang ipagkanulo ang sarili sa taong hindi kilala.

Hindi dapat ganoon ang kanyang maramdaman. Ngunit tila napalitan ng hindi maipaliwanag na damdamin ang kaninang galit niyang puso.

Dapat ay si Omer pa rin ang iniisip niya. Ang panloloko nito sa kanya.

Ngunit ibang mukha ang nakikita. Mukha ng lalaking nagpakilalang Ivan Anderson. Ang lalaking napagkamalan siyang asawa nito.

Bago pumasok, lumingon siya sa daan. Iksaktong kakaalis lamang ng sasakyan. Pinagmasdan niya iyon hanggang sa mawala sa paningin.

MAAGANG nagising si April. Naabutan niya ang ina na nagkakape ngunit hindi ito nag-iisa.

Tahimik siyang humakbang papalapit. Kaagad namang tumayo si Omer nang makita siya. Pinigil niya ang sariling komprontahin ito sa harap ng ina.

"Babe!"

"Oh, gising ka na pala, Anak. itong si Omer kanina ka pa hinihintay."

Binalingan niya ang lalaki. Hindi siya nagpahalata sa nakita kagabi.

"Bakit?"

"Ihahatid kita sa pawn shop, dala ko ang sasakyan ni Dad."

Pinagbigyan niya na ipaghila ng upuan ni Omer.

"Hindi ka na sana nag-abala pa, kaya ko namang pumunta sa trabaho ko mag-isa." Anya.

Pasimpling sumulyap ang ina.

"Gusto kasi kitang maka-usap, babe."

Lihim na tumaas ang kilay niya. Nagpaalam ang ina na pupunta na sa tindahan na naroon malapit sa palengke. Mga kakainin ang ibinibenta nito na sa awa ng Diyos ay mabenta naman.

"Pwede mo ng sabihin ang nais mong sabihin, Omer." Anya nang masiguradong nakalayo na ang ina.

"Kasi babe, gusto ko sanang magpakasal na tayo kahit sa judge lang muna kung gusto mo."

Inilapag niya hag kutsara at tinidor. Pinakatititgan ang lalaki na tila sinusuri.

"I'm sorry, Omer. Hindi pa talaga ako handa lumagay sa tahimik.

Ikinuyom ng lalaki ang kamao sa ilalim ng mesa.

"Putangina naman April! Siyam na taon na tayo, oh! Tapos sasabihin mong hindi ka pa handang lumagay sa tahimik?"

Nabigla si April sa sinabi ni Omer. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito.
Pero hindi Siya natinag, nibanan niya ang galit nitong titig sa kanya. Tila ba handang-handa itong sakalin siya.

"Tapusin na natin ito, Omer. Bakit hindi na lang si Lizel ang yayain mong magpakasal? Total naman bigay na bigay siya sa'yo." Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Omer.

Matapang na sinalubong niya ito ng tingin.

"Akala mo hindi ko alam? Pwes, alam ko. Hindi ako bulag Omer. Nakita ko kayo kung paano maglampungan kagabi."

"Inakit niya ako! Wag mong ibaling sa'kin ang usapan. Tungkol sa atin ang pinag-uusapan dito."

"Tungkol sa atin at kasama doon ang babae mo! Wag mong sabihin sa'kin na inakit ka lang niya dahil kung talagang mahal mo ako. Kahit maghubad pa yan sa harap mo, hinding-hindi mo papatulan!"

"Dahil hindi mo maibigay ang gusto ko!"

"At siya naibibigay niya sa'yo? Ganoon ba?" Kumukulo ang dugo ni April. Panuyang natawa siya.

"Oo! Kaya ni Lizel ibigay lahat ng kailangan ko! Napapaligaya niya ako sa kama! Hindi kagaya mong inutil!" Sumbat nito.

Pumatak ang luhang nagbabadya sa mga mata ni April. Hindi niya napigilan ang sarili at sinampal si Omer.

"Hindi ako inutil! Sadyang hindi ka lang karapat-dapat. Manloloko ka! Tinatanong mo ako kung bakit ayaw kong magpakasal sa'yo? Dahil hindi ko nakikita ang sarili ko na tumandang kasama ka! Hindi ko nakikita ang buhay ko na nasa tabi mo. Hindi ko nakikita ang sarili ko na gumising kasama ka!"

"Bakit? Ha? Dahil sa tarantadong naghatid sa'yo kagabi? Akala mo hindi ko nakita?"

Natigilan siya. Sandaling napamaang. Pinahid niya ang luha sa mga mata. Si Ivan. Si Ivan ang lalaking tinutukoy ni Omer. Napalunok siya nang makita ang mahigpit na pagkakuyom ng kamao nito.

"Wag siyang magkakamaling tumuntong ulit sa bayang 'to dahil sa oras na mangyari iyon. Makikilala niya ang totoong ako."

Hindi siya nakahuma. Padabog na lumabas ito ng bahay nila. Saka lamang niya naramdaman ang pagod at panghihina ng tuhod.

Hindi naman ganoon kasakit malaman ang panloloko ni Omer. Ang masakit ay ang kaalaman ganon lang kababa ang tingin nito sa kanya. Inutil siya dahil hindi niya kayang ibigay ang pangangailangan ng lalaki.

Tama lang ang kanyang ginawa. Hindi niya akalain na ang anim na taong pagiging magkasintahan ay magtatapos lang ng ganoon.

Nagpapasalamat na rin siya sa nangyari. Tila nabunutan ng tinik ang dibdib niya matapos putulin ang relasyon nila ni Omer. Mabuti na iyon kaysa sa maglolokohan lang sila lalo.

Bumuga siya ng hangin. Niligpit ang mesa bago bumalik ulit sa silid. May pasok pa siya kaya kailangan na niyang mag-ayos. Mabuti ma lamang, wala na ang inay niya. Ang kapatid ay nasa paaralan na rin.

"Mukhang bernes santo iyang mukha mo? Ang aga-aga eh, nag-away kayo ni Omer, ano?"

Umangat ang ulo niya sa kasamahan. Humugot ng malalim na paghinga saka ipinagpatuloy ang pagpupunas ng counter.

"Hiwalay na kami."

"Hay, salamat naman!"

Natawa siya sa reaction ng kaibigan.

"Natauhan ka rin. Ano, nahuli mo ba sa akto?"

Mabagal siyang tumango. Pumalatak ang kaibigan.

"Mga lalaki talaga! Bihira na lang ang seryoso at hindi maloko sa ngayon. Mabuti na rin na nalaman mo nang maaga. At mabuti na lang kamu na hindi mo tinanggap ang alok ng lalaking iyon na magpakasal. Ha! Ang kapal ng mukha na alukin ka pa, tapos nagloloko pala."

"Hindi naman ako nasaktan sa panloloko niya. Nasaktan ako sa panliliit niya sa'kin. Nakakapanghinayang din ang siyam na taon."

"Hindi naman kasi sa tagal ng panahon nakabase ang isang relasyon. Aanhin mo yung siyam na taon kung katabi mo ay maling tao naman? Maraming pang darating na mas karapat-dapat sa'yo. Naku! Iyang Omer na yan, magsisisi din sa huli. Ang kapal ng mukha. Doon siya sa hitad na Lizel na yun. Magpakasawa sila."

Wala na siyang paki-alam pa sa lalaki. Ang importante, tapos na sila. Wala na siyang dapat alalahanin pa.

GABI NA nang nakalabas si April dahil may biglaang inventory sila.

Mahirap pa naman mag-abang ng masasakyan papasok sa lugar nila. Maaga pa lang wala ng may namamasada sa lugar nila. Busy na kasi ang mga ito sa panonood ng palabas sa t.v. kaya posibleng maglalakad talaga siya pauwi sa bahay.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

5.9K 101 10
This time, we all want someone who can prove to us that tears for them will always be worth it. That they will never leave us broken but instead make...
1.4M 35K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
809K 17.1K 46
pl- please leave me!...i didn't killed my mother.she said while her father is beating her. SHUT UP! You whore. you were the reason that my beautiful...
9K 328 24
Scarlett forced herself to marry Attorney Charles Arthur Dela Vega in order to please her father.