You are My Home (PUBLISHED un...

By xiaxiacarr

13.1M 136K 28K

I was 16 back then when I married you. You were 18. Kahit bata ka pa lang, successful ka na agad. Ika... More

You are My Home
chapter 1
chapter 2
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 7.2
chapter 7.3
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Author's Note
Published!!!

chapter 3

374K 4.1K 944
By xiaxiacarr

Chapter 3

Nakaupo lang ako sa isang stool sa may bar counter at umiinom mag-isa.

Iniwan na kasi ako nina Kayla at Tricia para magsayaw.

Tapos may umupo sa tabi ng upuan ko.

Lagi namang ganito e, laging may kakausap sa akin na hindi ko naman kilala.

"Hi miss. Can I buy you a drink?" sabi ni Mr. Stranger

Hindi naman pakikipagflirt ang habol ko kaya ako pumupunta sa bar.

Kaya lahat ng kumakausap sa akin, hindi ko na lang pinapansin.

"Miss, Just one drink." sabi niya ulit

Hindi ko pa rin siya pinansin.

Ang kulit naman nito.

Tapos may nahagip ang paningin ko.

Ang asawa ko na may kasamang babae.

Grabe, pumupunta pala siya sa ganitong lugar.

Tapos biglang pinulupot nung babae yung kamay niya sa leeg ni Andrei

ABA NAMAN! ANG KAPAL NG MUKHA

HOY, ASAWA KO YAN!

teka nga, bakit ba ako affected?

Si Andrei naman hindi man lang tinatanggal yung kamay nung babaeng yun.

Tapos biglang napatingin si Andrei sa direksiyon ko.

Tiningnan ko lang siya ng mabilis saka ko iniwas yung tingin ko.

"Miss, anu, payag ka na?" sabi ulit ni Mr. Stranger

May makulit nga palang kumakausap sa akin.

Sige na nga, pagbigyan na to, tutal naman, hindi lang naman ako ang nagcheacheat sa aming mag-asawa.

"Sige na." sabi ko.

"Great!" sabi niya tapos lumapit siya sa akin habang inoorder yung drink ko.

Tapos bigla bigla na lang may humila ng buhok ko.

"ARAY! ANU BA?!" sigaw ko dun sa babae

Sa halip na sumagot, mas sinabunutan pa niya ako.

Aba, grabe talaga!

"WHAT THE FUCK IS YOUR PROBLEM?" sigaw ko ulit habang hinihila din ang buhok niya.

Alangan namang siya lang ang manakit.

Kasi naman, wala talaga ako sa mood makipag-away ngayon, sobrang badtrip ako at hindi ko alam kung bakit, ayos naman ako kanina.

"IKAW, ANONG PROBLEMA MO?" sagot sa akin nung babae

Grabe, ako pa ang may problema ngayon.

Tinanggal ko ang kamay niya sa buhok ko.

"IKAW ANG NANANABUNOT TAPOS AKO ANG TATANUNGIN MO?! GRABE KA HA! MAY SIRA KA BA?" sabi ko sa kanya.

"AT IKAW" tinuro niya si Mr. Stranger "Ang kapal ng mukha mo! Ikaw pa ang may ganang mambabae ha!"

So, kaya pala niya ako sinabunutan ay dahil sa lintik na lalaking to.

"SAYO NA YANG BOYFRIEND MO! MATAAS ANG STANDARDS KO NO!" sabi ko dun sa babae. Magwawalk out na sana ako kaso bigla na naman niyang hinila ang buhok ko.

"PUTANG INA! SAYO NA NGA SABI....." naputol ang sasabihin ko nung biglang may nagtanggal nung kamay nung babae sa buhok ko.

Pagtingin ko, si Andrei ang nagtanggal.

Anung kelangan ng lintik na to?

"Ah, Miss, sa susunod wag mo na ulit hihilahin ang buhok ng asawa ko ha, kasi mas mahalaga pa yang buhok niya kesa sa buhay mo." sabi ni Andrei dun sa babae saka niya ako binuhat na parang sako ng bigas.

"Hoy, ibaba mo ako!" sigaw ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin.

Buhat buahat pa rin niya ako.

"Kayla, Tricia! Tulungan niyo ako!" sigaw ko sa mga girlfriends ko

Kaso ang mga luka, nakatingin lang sa akin at parang natutuwa pa sa mga nangyayari.

"Hoy, sabi ko tulungan niyo ako!" sigaw ko ulit sa kanila

"Girl, enjoy kayong dalawa ha." sabi ni Tricia saka sila tumawang dalawa.

At may gana pa talaga silang pagtawanan ako.

At anung enjoy enjoy ang sinasabi nila.

Psh.

"Hoy, Andrei, ang sabi ko, ibaba mo ako, nasisilipan ako!" sabi ko sa kanya kasi naman, nakadress kaya ako.

Binaba naman niya ako.

Maglalakad na sana ako kaso hinila niya yung braso ko saka niya hinubad jacket niya at pinulupot sa bewang ko.

Tapos, binuhat na niya ulit ako na parang sako.

Papayag naman akong buhatin niya e, kaso sana naman yung mas romantic na buhat.

AY, PUTIK! ANONG PINAG-IIISIP KO!

Binaba ako ni Andrei nung nasa tapat na kami nung kotse niya.

"ANONG PROBLEMA MO HA?" sabi ko sa kanya

 "Wala." sabi niya na parang walang nangyari.

"Aish." sabi ko saka ko tiningnan ng masama si Andrei.

Nakakabadtrip kasi. Pakialamero. Hindi ko naman siya ginugulo. Dun na siya sa babae niya. Wala akong pake.

"Sakay" sabi niya tapos binuksan niya yung pinto sa likod nung sasakyan.

"Ayoko nga!" sigaw ko sa kanya.

Kakabadtrip kasi. Pwede namang sa harap ako sumakay, bakit sa likod?

Baka yung babae niya sa harap.

TEKA NGA, PAKIALAM KO BA KUNG SAAN AKO UUPO?!

TSAKA PAKIALAM KO SA BABAE NG HINAYUPAK NA TO!

Maglalakad na sana ako pabalik sa loob ng bar kaso hinawakan niya yung kamay ko para pigilan.

Tapos napansin niya na may sugat ang kamay ko.

"Anung nangyari sa kamay mo?" tanong niya sa kin.

"Pakialam mo?!" sagot ko

"Bakit ang taray mo? Concern na nga ako sa yo!"

"Hayaan mo na nga ako! Dun ka na sa babae mo."

Bigla siyang tumahimik.

Naging awkward ang atmosphere.

Guilty siguro kaya natahimik. Dapat lang. Kapal ng mukha niyang mambabae.

"Selos ka ba?" bigla niyang tanong sa akin.

Nagulat naman ako sa tanong niya.

"AKO??! SELOS???! KAPAL MO RIN NO! SINO KA BA PARA MAGSELOS AKO?" sigaw ko sa kanya.

"Bakit defensive ka?" sabi niya

"Ang kapal kasi ng mukha mo!"

Aalis na nga ako. Wala namang kwenta kausap ang lalaking to. Minsan na nga lang kami mag-usap wala pang kwenta.

Kaso bago pa ako makaalis, naipasok na niya ako sa kotse.

Aba, sa tabi ng driver seat niya ako pinaupo.

Inayos niya ang seatbelt ko bago siya pumunta sa kabilang side ng kotse at pumasok rin.

Saka siya nagdrive .

Ang tahimik namin.

Sanay naman ako na hindi talaga kami nag-uusap pero bakit ngayon, parang sobrang awkward talaga.

After ilan pang minutes ng katahimikan, nagsalita na siya.

"Sydney, yung totoo, bakit may sugat yang kamay mo?"

Sobrang seryoso ng tono niya kaya sinagot ko siya ng maayos.

"Napaso kasi ako habang nagluluto."

Tapos tumahimik siya ulit hanggang sa makarating kami ng bahay.

Ang bilis niyang lumabas ng sasakyan.

Akala ko papasok na siya sa bahay pero pinagbuksan niya ako ng pinto.

ANO BA TALAGANG PROBLEMA NITONG LALAKING TO?

Tapos hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok ng bahay.

Hindi ko alam pero ayaw kong tanggalin yung pagkakahawak ng mga kamay namin.

Parang gusto ko magholding hands na lang kami forever.

Pinaupo niya ako sa sofa namin tsaka pumasok sa cr.

Paglabas niya, dala niya yung first aid kit namin.

Tumabi siya sa kin sa sofa saka kinuha yung kamay ko at sinimulang gamutin.

"Sa susunod kasi, mag-ingat ka." sabi niya sakin.

"Pakialam mo ba, dun ka na nga sa babae mo." sabi ko

"E di selos ka nga."

"Hindi nga sabi."

"Okay lang naman magselos, asawa mo pa rin ako tsaka wala akong babae."

"Wala daw pero may kasama naman kanina."

 "Hindi ko nga kilala yun, bugla na lang tumabi."

"Weh? TEKA NGA, SINABI KO BANG MAGEXPLAIN KA? TSAKA WALA NAMAN AKONG PAKIALAM KUNG MAY BABAE KA!"

Anu bang nangyayari sa akin?

Ang weird ko ngayon sa totoo lang.

Hindi ko na alam ang mga pinaggagagawa ko.

"Sige na nga wala kang pake." sabi niya pero sobrang sarcastic ng tono niya kaya alam kong hindi siya naniniwala sa akin.

After niyang gamutin yung kamay ko, hinila na niya ako papunta sa kwarto ko.

"Magbihis ka na tapos matulog ka na."

Tapos lumabas na siya ng kwarto ko.

Ginawa ko yung sinabi niya kasi pagod na rin ako.

Hihiga na sana ako sa kama nung biglang may kumatok at pumasok si Andrei.

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"Chinecheck ko lang kung...."

Biglang namatay yung mga ilaw.

Brownout yata.

Leche. Ayaw ko pa rin naman sa madilim.

Baka mamaya may multo.

WAAAAHHH!!!!

Ayokong mag-isip ng kung anu-ano.

Baka mamaya may makita talaga ako.

Naramdaman ko na lang na may humila sa akin at inihiga ako sa kama.

"Andrei?" tinwag ko siya.

Baka kasi hindi pala si Andrei ang humila sa aki.

Natatakot na talaga ako.

"Matulog ka na. Dito na lang muna ako para may makasama ka." sabi ni Andrei

"O-okay." sabi ko 

 Umupo siya sa may ulunan ko saka niya hinawak hawakan ang buhok ko.

Ang sarap sa pakiramdam.

Parang kahit papano nafefeel ko na may concern talaga siya sa akin.

Ngayon ko lang na feel na kahit papaano may nag-aalaga sa akin.

Mga ilang minuto pa akong nag-iisip hanggang sa nakatulog na rin ako.

ANDREI'S POV

Mga 12 midnight na nung nagkakuryente.

Kahit tulog na si Sydney, hindi ako umalis hanggang hindi nagkakailaw.

Baka kasi matakot siya pag nagising siya tapos madilim.

Hindi nga to natutulog nang patay ang ilaw e.

Tiningnan ko yung mukha niya.

Sobrang bait ng mukha niya.

Hinawakan ko yung pisngi niya tapos hinalikan ko siya sa noo.

Matagal ko nang gustong gawin sa kanya to.

Gusto ko naman kasi na kahit papaano, maayos ang samahan namin.

Gusto ko na magkaayos kami kasi kahit itanggi ko man, hindi ko maipagkakaila na importante siya sa buhay ko.

Gusto ko ako ang mag-aalaga sa kanya.

Niyakap ko siya habang tinititigan ang mukha niya.

Hindi yata ako magsasawa na titigan siya.

Mga ilang minuto pa, nakatulog na rin ako katabi niya.

A/N

Pasabi po kung pangit.

Hindi po ako magagalit.

Tnx sa pagbabasa.

:)

I'll try to update as soon as possible.

Pabasa na rin nung isa ko pang story, ang title po niya ay More than complicated.

Tnx.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 18.3K 40
Dice and Madisson
2.3M 58.1K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
28.5K 763 17
Nicole Cate Vallejo - Namulat sa hirap ng buhay sa edad na labing lima simula ng mamatay ang kanyang mga magulang. Natutong itaguyod ang sarili kahit...
143K 4K 25
Brianna Mariel's life was mapped out and she's okay with it pero niloko siya ng lalaking dapat ay mapapangasawa niya, ang masaklap ito pa ang kinamp...