She's The Bad Boy's Princess

Von VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... Mehr

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 3

284K 7.3K 250
Von VixenneAnne


"Anong pangalan mo?" tanong ko. Kung kanina ay asar na asar ako, ngayon ay pakiramdam ko mas gumaan na ang dibdib ko sa kanya. Not to the point na nakalimutan ko na ang asar ko of course. Asar pa rin ako sa gaspang ng ugali niya pero pakiramdam ko tolerable na iyon ngayon. Siguro ganoon lang talaga siya, pero hindi naman talaga masama ang ugali niya dahil kahit saan tingnan, pinagtanggol niya ako.

Tinapon niya sa akin ang basang tuwalya galing sa buhok niya. Tumama iyon diretso sa mukha ko.

"Do'n ka sa banyo. Magbihis ka."

Basa ang buhok niyang tumatabing sa magaganda niyang mga mata. Nakasuot na lamang siya ng low waist na pantalon. Hindi ko maiwasang bumaba ng tingin sa katawan niya. Maganda ang hulma ng katawan niya para sa isang teenager, pausbong palang ang abs niya sa tiyan. Hmm. Hindi na masama. Napansin ko din na may tatoo siya sa kaliwang tiyan sa itaas lang ng pantalon, parang puno na walang dahon at tanging mga sanga nalang ang naiwan. Mayroon din sa lower left arm niya, maliit lamang iyon na parang bilog na tribal symbol ng araw. Hindi ako fan ng mga lalaking may tattoo, pero iba ang dating ng sa kanya. It made him more attractive in a dark way. Like those bad boys in the movies.

"Ayaw mong sabihin ang pangalan mo? Sinabi ko na ang akin, ako si Sofia Althea Perez, wala akong mga magulang. Pinalaki ako ng Lola ko pero patay na siya. Pupuntahan ko dapat ang mga kamag-anak ko dito sa Manila ang kaso nawala ko ang address."

"Do I look like someone who wants to hear any of your pathetic story?" kunot noo niyang asik. "Maliit na papel lang para matunton mo ang mga pupuntahan mo dito sa Manila hindi mo pa naitago? Sabagay, what can I expect from a dumb mountain girl like you who has bigger mouth than brains? Nothing."

Kumuyom ang kamay ko. Gusto ko siyang sugurin ng sipa at suntok kundi lang talaga sa utang na loob ko sa kanya. "Siguro pangit ang pangalan mo kaya ayaw mong sabihin. Paniki nalang ang itatawag ko sa'yo," ganti ko. "Mukha ka naman kasing paniki lalo na kapag nakaangat ang mga kamay mo kita na ribs mo parang sa paniki! Tamang-tama kakulay din nito ang ugali mo."

"Anong sinabi mo?" namumulang singhal niya. Maiksi lang talaga ang pasensya ng lalaking ito. Parang bulkan na laging nagbabadyang sumabog.

"Wala." kibit balikat ko. "Paano 'tong basang damit ko?"

"Ever heard of the effin' thing called dryer?"

Ngising aso ang binalik ko sa matalas na dila niya. Imbes na patulan, mas magandang pakisamahan ko nalang ang kasungitan niya. Wala naman akong choice, totoo naman kasing siya lang ang makakatulong sa akin sa ngayon.

Paniki! Paniki!Paniki!

*****

Nagtagal ako sa bathroom. Nagulat ako sa lawak no'n, kompleto sa gamit meron pang jacuzzi. Well kung susuriin ang buong apartment, despite the mess, magara ang mga gamit na naroon. Kompleto sa appliances at naka-aircon pa! Halatang mamahalin ang lugar. May palagay akong mayaman si Paniki sa klase ng pananamit niya, sa kinis ng balat at sa napakalakas na prince syndrome.

Binalot ko ang katawan ko ng mahabang roba bago lumabas ng banyo. Hindi ko inaasahang sa paglabas ko may dalawa na siyang bisita na nakaupo sa couch sa sala. Parehong nakaawang ang labi ng dalawang binatang kasing edad lang namin ni Paniki habang nakatitig sa akin.

"Jave, dalawang araw ka lang nawala may ka-live in ka na? Bakit hindi kami na-inform??" gulat na gulat na turan ng isa na may hikaw sa gilid ng bibig. Gwapo ang mukha nito, maporma ang kasuotan, may kayabangan nga lang ang dating kagaya ni Paniki.

"Tarantado!" angil ni Paniki na mukhang Jave pala ang totoong pangalan. Hmm, bagay sa kanya ang pangalan niya. Jave. Pang-masungit. Pang-mayabang. Pang-walang modo. "Mukha bang papatulan ko 'yan? Napulot ko sa probinsya, may kailangan ako sa kanya kaya ko siya dinala dito. Ang dudumi ng utak niyo!"

Matinding irap ang pinukol ko kay Jave aka Paniki.

"Sabagay, patay na patay ka nga pala kay Rianne."

"Sino ka?" tanong ng pangalawang lalaki. Singkit ang mga mata nito kagaya sa mga Koreanobelang napapanood ko sa TV, kasing gwapo din nito ang mga bida doon. Mas nakakaintimidate at mas pormal ito kaya medyo nahiya ako. Hindi ako umimik.

Lumapit ang may hikaw sa akin, nagpakilalang Ark samantalang Jiro naman ang pangalawang lalaki na mukhang Koreano. Nacurious ako kung sino si Rianne. Ang alam ko'y ibibigay ni Paniki ang perlas sa babaeng iyon.

Nagpasya akong iwanan ang tatlo sa sala dahil kailangan ko ng damit. Kailangang patuyuin ko pa ang mga iyon sa likod bahay. Narinig kong pinag uusapan nila na hinahanap na si Jave sa school dahil matagal na daw hindi pumapasok. Napailing-iling ako. Ang mayayamang kabataan nga naman ngayon,

waldas na nga sa pera masyado pang bulakbol at hindi siniseryoso ang pag-aaral, palibhasa may mga magulang na inaasahan.

Nang makapagbihis ay bumalik ako sa sala. Naabutan kong matamang nanonood si Jave ng news report sa isang business channel. Nakakunot ang noo niya at madilim ang mukha. Ang balita ay tungkol sa yaman at ariarian ng isang sikat na Spanish billionaire na si David Santillan. Ang sabi sa isang interview ay hindi magtatagal at magreretiro na ito at iiwanan ang pamamahala ng kompanya sa nag-iisa nitong anak na lalaki. Sandali, kilala ko si David Santillan dahil kabilang ito sa pinakamayayamang negosyante sa buong mundo na naninirahan sa Pilipinas. Pero hindi ba't ang panganay nitong anak na babae na si Ysabel Santillan ang kanang kamay nito? Bakit biglang ang anak na lalaki na hindi kilala ng madla ang magmamana? Anong alam ng batang iyon sa negosyo na rebelde pa nga raw sa pamilya?

Sa unang pagkakataon ay pinakita sa national TV ang mukha ng tagapagmana.

"Shit!" narinig ko mula kay Jave sabay hagis ng baso sa 43inch na TV. Wasak iyon at kumalat ang bobog sa sahig. Napanganga ako. Hindi ako maaring magkamali, mukha ni Paniki ang nakita ko sa screen bago pa man mamatay iyon. Isa siyang....tagapagmana? Anak ni David Santillan? Anak ng bilyonaryo?

"The old man must be effin out of his mind!" galit na galit na asik ni Jave.

"Chill ka lang dude. Did you talk to your Dad about this?" tanong ni Jiro.

"Hinahamon niya talaga ako, gusto niya talaga ng problema ha."

We watched him stormed out of the house with his motorcycle. Ilang sandali kaming natahimik na tatlo bago ako tumikhim at nagsalita. "Isa siyang... Santillan? Kapatid niya ang sikat na ballerina at businesswoman na si Ysabel Santillan?"

"Half-sister. Yes." sagot ni Jiro.

Napalunok ako. Wow. Anong ginagawa ng isang bilyonaryong tagapagmanang kagaya niya sa isang ordinaryong provincial bus?

"Taga Westside ka din ba?" tanong ni Ark.

"Ha? Westside?" maang na tanong ko pabalik. Nagkatinginan ang dalawa.

"Westside University. An ultra-exclusive school for the finest and the richest." sagot ni Ark. "Hindi mo kilala?" napakamot ito. "I'm pretty sure it's famous."

Nganga akong umiling.

"It's only famous in the elite world." snob na singit ni Jiro. "Paano mo nakilala si Jave? Ito ang unang pagkakataon na nagpapasok siya ng ibang tao dito sa bahay niya maliban sa aming dalawa."

Halata namang hindi friendly ang Paniki na 'yon. Grumpy pa ka 'mo at laging nakabusangot ang mukha. "May kailangan siya sa 'kin."

"Ano naman 'yon?"

Hindi na nila kailangang malaman. "Wala ba kayong pasok? I mean Thursday palang oh, si Jave ba hindi na pumapasok?"

Tumawa lang si Ark samantalang ngisi ang naging reaksyon ni Jiro sa tanong ko. "Tahimik na ang mundo ng mga estudyante sa Westside dahil wala siya. Kawawa naman sila kung papasok pa si Jave."

Tumayo na ang dalawa at tinungo ang pintuan.

"Hindi ka pa aalis?" tanong ni Jiro sa 'kin.

Umiling lang ako. Kailangan kong hintaying makabalik si Jave. Sa totoo lang kasi, natatakot din akong magpagala-gala sa labas nang wala namang eksaktong pupuntahan. Pinangako sa akin ng Paniki na iyon na kapag ibinalik ko sa kanya ang perlas niya ay hahayaan niya akong tumira dito sa bahay niya.

"Kung ano man ang kailangan sayo ni Jave, that must be very important or he wouldn't keep you in his house for one minute. Sa isang tao lang mabait si Jave, at kay Rianne lang 'yon. Kaya mag-iingat ka."

Tumango ako. Gustuhin ko mang lumayas na bago bumalik ang kampon ng dilim na Paniking iyon, wala talaga akong pupuntahan. 

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

346K 23.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.8K 137 23
Originally published in TypeKita App ~•~ Classroom Love Story •~• Yung pine-pressure ka na ng best friend mo na magpasa sa class president niyo ng PP...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
9.7M 176K 63
[COMPLETED||123115] NOTE: This story is still UNEDITED. Asahan ang mga nakakalokang grammatical and typo errors. What will you do if you're Secretly...