Mga Dulang Pambata

By tinta_at_papel

19.8K 156 21

Salin sa Tagalog ng unang libro ng Children's Classics in Dramatic Form ni Augusta Stevenson, na nasa public... More

ANG MGA MANLALAKBAY AT ANG PALAKOL
ANG MATANDANG LALAKI AT ANG KANYANG APO
ANG UWAK AT ANG SORO
ANG MANGGIGILING, ANG KANYANG ANAK NA LALAKI, AT ANG KANILANG ASNO
ANG BAWAT ISA SA KANYANG SARILING LUGAR
ANG GINAGAWA NG MABUTING LALAKI AY LAGING TAMA
ANG PUSA AT ANG DAGA
ANG BATANG BABAENG TUMAPAK SA TINAPAY
ANG MAPANGIT NA SISIW NA PATO
ANG MGA PULANG SAPATOS
ANG KWENTO NI ALI COGIA
ANG MAIILAP NA SISNE
ANG DALAWANG TAGAPROBINSYA
ANG LALAKI AT ANG BUWAYA
ANG KANTA SA PUSO
CRISTOFORO COLOMBO

ANG PAGSUBOK NG EMPERADOR

314 1 1
By tinta_at_papel

EKSENA I

PANAHON: isang tagsibol; hapon.

LUGAR: panghukbong kampo sa mga pampang ng malaking sapa. May malapit na nayon. Sa timog ay may malaking gubat.

ANG EMPERADOR

ANG HENERAL

ANG KAPITAN

UNANG AYUDANTE

PANGALAWANG AYUDANTE

ANG ASAWA AT ANAK NA LALAKI NG ALKALDE

ANG ASAWA AT ANAK NA LALAKI NG MAYAMANG MANGANGALAKAL

ANG ASAWA NG MAHIRAP NA MAGTOTROSO AT ANG KANYANG ANAK NA LALAKI, SI PEDRO

(May ante-sala sa tolda ng Emperador na nakikita. Inihihiwalay ng malalaking kurtina ang silid na ito mula sa silid ng Emperador sa likod. May AYUDANTE na naghihintay sa ante-sala. Pasok ang HENERAL mula sa silid ng Emperador.)

HENERAL: (sa Ayudante) May dumating na bang kahit sino mula sa nayon? Gustong alamin ng Emperador.

AYUDANTE: Oo, Heneral. Naghihintay sila sa labas.

HENERAL: Utusan mo silang pumasok.

AYUDANTE: (tumawid; nagsalita sa mga nasa labas) Pumasok kayo.

(Pasok ang ASAWA NG ALKALDE at ang ANAK NA LALAKI; ang ASAWA NG MAYAMANG MANGANGALAKAL at ang ANAK NA LALAKI.)

HENERAL: Dumating kayo para makita ang Emperador?

MGA BABAE: Heneral, gayon nga.

HENERAL: Gusto ng kanyang Kamahalan na iwan ninyo ang inyong mga anak dito sa kampo hanggang gabi.

ASAWA NG ALKALDE: Heneral, hindi mo ba pwedeng sabihin sa amin ang mga plano ng Emperador?

HENERAL: Oo, madam. Kailangan ng Emperador na magmartsa patimog kung saan nagkakampo ang kalaban. Gusto niya ng gabay na papatnubay sa kanya nang ligtas patawid ng malaking gubat na ito.

ASAWA NG MANGANGALAKAL: Nasabihan kami na paparangalan nang malaki ng Emperador ang binatang mapipili niya.

HENERAL: Totoo iyon, ginang. Ang binatang mapipili ay gagawing ayudante.

ASAWA NG ALKALDE: Akala ko mga prinsipe lang ang pinipili para sa mga ayudante ng Emperador.

HENERAL: Parati silang mga prinsipe. Malaking pagkakataon ito para sa mga binata ng nayong ito.

ASAWA NG ALKALDE: Pero paano mamimili ang Emperador?

HENERAL: May pagsubok na ibibigay sa bawat bata na darating. Papatunayan ng pagsubok na ito ang kanyang kaangkupang maging gabay.

(May AYUDANTE na pumasok mula sa silid ng Emperador.)

AYUDANTE: Heneral, gusto kang makita ng Emperador.

(Yumuko ang Heneral sa mga babae at umalis.)

AYUDANTE: (humarap sa mga babae) Tatanggapin kayo ng emperador maya-maya.

(Umalis ang Ayudante. Pasok ang ASAWA NG MAHIRAP NA MAGTOTROSO at ang ANAK NA LALAKI.)

ASAWA NG MAGTOTROSO: (nang kimi) Nabalitaan ko na gusto ng emperador ng gabay.

ASAWA NG ALKALDE: Ang gusto lang ng Emperador ay mga bata ng mga pinakamagaling na pamilya, ginang.

(Pasok ang EMPERADOR, HENERAL, at KAPITAN; nanatili sila sa likod; hindi nakikita ng mga babae.)

ASAWA NG MAGTOTROSO: (nagbuntong-hininga) Siguro nga tama iyon, pero si Pedro ay matalinong bata. Kung makikita lang siya ng Emperador--

ASAWA NG MANGANGALAKAL: (sumabad) Gusto ng Emperador ng batang may mapagmataas na ugali na tulad ng mayroon sa aming mga bata.

EMPERADOR: (nang galit) Mga patpat ng biyolin!

MGA BABAE: (yumuko) Iyong Kataas-taasan!

EMPERADOR: Mga patpat ng byolin at mga kandila, sabi ko!

ASAWA NG MAGTOTROSO: Patawad, iyong Kamahalan. Hindi ko alam na gayon pala. Halika na, Pedro.

(Pumihit siya para umalis.)

EMPERADOR: Manatili ka. Kukunin ni Pedro ang pagsubok kasama ng iba. Mga ginang, malalaman ninyo kung sino ang napili ko kapag tapos na ang pagsubok. Magandang araw sa inyo.

(Yumuko ang mga babae at umalis.)

EMPERADOR: (humarap sa mga batang lalaki) Mga binata, pumasok kayo sa gubat patimog, hanggang makarating kayo sa ilog. Makakabalik kayo tapos. Kapitan, siguraduhin mong may mga guwardiyang sasama sa kanila. Mga binata, hindi kayo pwedeng mag-usap-usap hanggang makita ko na kayo ulit. Kailangan kong makuha ang inyong salita doon. Nangangako ba kayo?

MGA BATA: Panginoon, nangangako kami.

EMPERADOR: Mabuti. Kapitan, nasa iyong pangangalaga na sila. Heneral, gusto kitang makausap.

(Pumasok ang Emperador at Heneral sa silid ng Emperador. Pinangunahan ng Kapitan ang mga bata mula sa tolda.)


EKSENA II

PANAHON: dalawang oras pagkatapos.

LUGAR: sa tolda ng Emperador; sa silid ng Emperador.

ANG EMPERADOR

UNANG AYUDANTE

PANGALAWANG AYUNDANTE

LUDWIG

(Nakaupo ang EMPERADOR sa mesa na tumitingin sa mga mapa. May AYUNDANTE na pumasok. Sumaludo siya.)

EMPERADOR: Ano?

AYUDANTE: Bumalik na po ang bilanggo.

EMPERADOR: Anong bilanggo?

AYUDANTE: Ang pinalabas po para sa pagsubok.

EMPERADOR: Sino ang pinalabas?

AYUDANTE: Si Ludwig, ang bilanggong nagkasakit nang matagal.

EMPERADOR: Ah, oo; papasukin mo siya.

(Umalis ang Ayudante; pumasok siya ulit kasama si LUDWIG, na nakasuot ng lumang, punit na panghukbong panlabas na damit sa ibabaw ng kanyang uniporme. Sumaludo siya.)

Napansin kong medyo pilay ka, Ludwig.

LUDWIG: Opo; sa aking kaliwang paa. Natamaan ang aking aso sa oras ding iyon.

EMPERADOR: Pumupunta ba ang iyong aso sa labanan kasama mo?

LUDWIG: Kung nakakalusot po siya sa mga ranggo. Lagi po siyang pumupunta kung saan ako pumupunta.

EMPERADOR: Kung gayon sumama siya sa iyo ngayong araw, siyempre?

LUDWIG: Opo.

EMPERADOR: Sigurado kang hindi ka nakita ng mga bata?

LUDWIG: Walang nakakita sa akin. Nag-ingat ako nang mabuti. Nang makarating ako sa isang maluwag na lugar nagpunta ako sa isang panig, nagtago sa likod ng mga puno, para tumingin sa unahan. Tapos tumakbo ako patawid.

EMPERADOR: Siguradong napagod ka doon, Ludwig. Hindi ka pa ganap na magaling.

LUDWIG: Nalaman kong hindi ko kayang tumalon sa mga ilog; kinailangan kong bumaba sa mga pampang at sumuong sa kanila.

EMPERADOR: Nagpahinga ka sa daan, hindi ba?

LUDWIG: Opo, at isang beses tumigil ako para pumitas ng mga prutas.

EMPERADOR: Ginawa mo ang pabalik na paglalakbay sa pamamagitan ng bangka sa sapa?

LUDWIG: Opo.

EMPERADOR: Iyon lang.

(Umalis ang Ayundante at si Ludwig. Ipinalakpak ng Emperador ang kanyang mga kamay. Pasok ang PANGALAWANG AYUDANTE. Sumaludo siya.)

EMPERADOR: (sa Ayudante) Bumalik na ba ang mga bata?

AYUDANTE: Hindi pa po.

EMPERADOR: Alam mo ba kung kailan sila inaasahan ng Kapitan?

AYUDANTE: Sa loob ng mga kalahating oras po.

EMPERADOR: Sabihin mo sa kanilang mga ina na bumalik sa oras na iyon. Gusto ko silang nandoon sa pagsubok.

AYUNDANTE: Opo.

(Sumaludo siya at umalis.)

EMPERADOR: (nang mabagal) Tingnan ko--pilay na lalaki; pilay na aso; mga tumatakbong bakas ng paa patawid sa mga bukas na lugar; sumusuong sa mga sapa imbis na tumatalon sa kanila; tumitigil para pumitas ng mga prutas--Aba, binabasa ng kwento ang kanyang sarili.

(Umupo siya sa mesa; kinuha niya ang mga mapa.)

Ah, makikita natin ang makikita natin!


EKSENA III

PANAHON: kalahating oras pagkatapos.

LUGAR: tolda ng Emperador; sa antesala.

ANG EMPERADOR

ANG HENERAL

ANG KAPITAN

AYUDANTE

ANG ASAWA AT ANAK NA LALAKI NG ALKALDE

ANG ASAWA AT ANAK NA LALAKI NG MAYAMANG MANGANGALAKAL

(Naghihintay ang MGA BABAE sa mas mababang dulo ng antesala. Sa likod ay may malaking silyon.)

ASAWA NG ALKALDE: Hindi ko maisip kung bakit pinapasok ang mga bata sa gubat!

ASAWA NG MANGANGALAKAL: Ni ako! Para sa akin dapat tinanong sila ng Emperador kung ano ang kaya nilang gawin. Ngayon, nakakasayaw nang maganda ang aking anak!

ASAWA NG ALKALDE: Sigurado akong uutusan niya silang mangabayo. Ngayon, nakakapangabayo nang mabuti ang aking anak--

ASAWA NG MANGANGALAKAL: Ah, walang dudang hihilingin niya ang lahat ng mga bagay na ito sa kanilang pagbabalik.

(Humarap siya sa ina ni Pedro.)

Kita mo, ginang, kung gaano kaliit ang tsansang meron ang iyong anak. Sigurado akong hindi siya nakakasayaw?

ASAWA NG TAGASIBAK: (nang malungkot) Hindi, ginang.

ASAWA NG ALKALDE: Nakakatiyak akong hindi siya nangangabayo?

ASAWA NG TAGASIBAK: (nagbuntonghininga) Hindi, ginang.

(May AYUDANTE na pumasok; tumawid papunta sa silid ng Emperador; nag-anunsyo sa mga kurtina.)

AYUDANTE: Bumalik na po ang mga bata!

(Pasok ang KAPITAN kasama ang MGA BATA. Pasok ang HENERAL mula sa silid ng Emperador.)

HENERAL: (nag-anunsyo) Ang Emperador!

(Pasok ang EMPERADOR; yumuko ang lahat.)

EMPERADOR: (umupo sa silyon) Ibibigay ko na ngayon ang pagsubok. Kapitan, dalhin mo ang unang bata.

(Dinala ng Kapitan ang ANAK NG MAYAMANG MANGANGALAKAL.)

EMPERADOR: Ano, iho, ano ang nakita mo sa gubat?

ANAK NG MANGANGALAKAL: Maraming-maraming puno po.

EMPERADOR: Wala kang nakita kundi mga puno?

ANAK NG MANGANGALAKAL: Iyon lang po--mga puno lang.

EMPERADOR: Hindi kita kakailanganin; pwede ka nang umalis.

ASAWA NG MANGANGALAKAL: Ay, Kamahalan, kung makikita mo lang siyang sumayaw!

EMPERADOR: Mga kandila at keso! Gusto ko ba ng sumasayaw na gabay? Kapitan, dalhin mo ang sunod.

(Dinala ng Kapitan ang Anak ng Alkalde.)

EMPERADOR: Ano, iho, ano ang nakita mo sa gubat?

ANAK NG ALKALDE: Nakakita po ako ng mga puno at mga palumpong.

EMPERADOR: Wala nang iba?

ANAK NG ALKALDE: Wala po.

EMPERADOR: Hindi kita kakailanganin: pwede ka nang umalis.

ASAWA NG ALKALDE: Ay, Kamahalan, kung makikita mo lang siyang mangabayo! Tulad na tulad po ng prinsipe!

EMPERADOR: Patpat ng biyolin! Kapitan, ang huling bata doon.

(Dinala ng Kapitan si PEDRO.)

EMPERADOR: Ano, iho, ano ang nakita mo sa gubat?

PEDRO: Nakita ko na may lalaking dumaan patimog bago lang po sa amin.

EMPERADOR: Paano mo nalaman iyon? Nakita mo ba siya?

PEDRO: Hindi po, nakita ko ang mga bakas ng kanyang mga paa. Pilay siya sa kaliwang paa.

EMPERADOR: Paano mo nalaman iyon?

PEDRO: Mas malalalim ang mga bakas ng paa sa kanang panig. Pilay din ang kanyang aso.

EMPERADOR: Meron siyang aso?

PEDRO: Opo; pilay na aso sigurado ako, kasi ang isa sa kanyang mga bakas ay laging malabo o nawawala.

EMPERADOR: Tinalunton mo ba ang lalaki at asong ito sa pamamagitan ng kanilang mga bakas ng paa?

PEDRO: Opo, papunta sa ilog. May mga bakas nila sa damo, sa putik, sa alabok, sa mga bato, at sa payapang tubig. Sigurado akong dumaan sila kani-kanina lang--hindi lalampas sa kalahating oras.

EMPERADOR: Paano mo nasabi iyon?

PEDRO: Hindi pa tumutuwid ang damo. Ang mga bakas sa putik ay hindi pa napupuno ng tubig. Ang mga imprenta sa alabok ay malinaw pa rin bagaman may hanging bumubuga.

EMPERADOR: Magaling! Pero paano mo nalaman na kakaraan pa lang nila sa mapayapang tubig at sa ibabaw ng mga bato?

PEDRO: Hindi pa tumatahan ang tubig, at ang mga bato ay basa pa rin.

EMPERADOR: Magaling! Magaling na magaling!

PEDRO: Ikinakatakot ko po na ang lalaking ito ay isa sa mga kalaban!

EMPERADOR: Talaga! Anong katibayan meron ka para doon?

PEDRO: Ito po.

(May iniabot siyang maliit na pirasong tela sa Emperador.)

Kulay iyan ng uniporme ng kalaban.

EMPERADOR: Siya nga, iho. Paano mo nakita ito?

PEDRO: Nakita ko iyan sa isang matinik na palumpong. Napilas po iyan mula sa kanyang panlabas na damit.

EMPERADOR: At bakit sa kanyang panlabas na damit?

PEDRO: Ang palumpong ay hindi bababa sa tatlong talampakan mula sa linya ng paglalakbay ng lalaki. Hinipan-hipan ng hangin ang panlabas na damit.

EMPERADOR: (Ibinigay niya ang tela sa isang ayudante; bumulong siya sa kanya) Dalhin mo ito kay Ludwig.

(Umalis ang Ayudante.)

Ano, Pedro, sa tingin mo ba dapat tayong matakot sa kalabang ito?

PEDRO: Hindi ko po alam. Alam ko lang na meron siyang mabuting disposisyon.

EMPERADOR: (nagulat) Mabuting disposisyon? Paano mo nalaman iyon?

PEDRO: Laging malapit sa kanya ang aso. Kapag tumitigil ang lalaki para magpahinga, humihiga ang aso sa kanyang mga paa.

EMPERADOR: Pero baka hinahawakan niya ang aso doon, iho.

PEDRO: Hindi po habang pumipitas siya ng mga prutas.

EMPERADOR: Bale pumitas pala ng mga prutas ang ating kalaban?

PEDRO: Opo, habang nakahiga ang aso sa tabi ng mga palumpong sa buong oras.

EMPERADOR: Sa tingin mo ba mahuhuli natin ang lalaking ito?

PEDRO: Opo, sapagkat pagud na pagod siya.

EMPERADOR: Paano mo nalaman iyon?

PEDRO: Bumaba siya sa mga pampang ng bawat maliit na ilog. Tinalunan ko dapat sila.

EMPERADOR: Iniisip mong madaling bagay lang, kung gayon, na sundan siya at hulihin?

PEDRO: Hindi po madali, sapagkat lagi siyang nagmamasid.

EMPERADOR: Paano ma nalaman iyon?

PEDRO: Sa tuwing makakarating siya sa bukas na lugar, pumupunta siya sa isang panig, nagtatago sa likod ng mga puno para tumingin sa unahan. Tapos tumatakbo siya patawid ng lugar.

EMPERADOR: Ang katibayan mo nito, iho?

PEDRO: Ang kanyang mga bakas ng paa sa bawat maluwag na lugar ay nagpapakita lang ng mga bola ng mga paa.

EMPERADOR: Magaling! Sinundan mo siya papunta sa ilog lang.

PEDRO: Iyon po ang mga utos. Kung nagpatuloy ako, naabutan ko sana siya ng gabi.

EMPERADOR: Iyon ay hindi mo magagawa, iho, sapagkat ang lalaki ay nandito na ngayon, sa kampo. Bumalik siya sa pamamagitan ng bangka. Mga Ginang, tapos na ang pagsubok.

(Humarap siya sa ina ni Pedro.)

Ginang, ang iyong anak ang aking magiging gabay. Ikalulugod kong magkaroon ng bata na may lubhang matalas na paningin at mabilis na isip sa aking kaharian. At dakilang maging ina ng gayong bata. Sinasaluduhan kita, ginang! Nang may pinakamalaking paggalang sinasaluduhan kita!

(Yumuko siya sa masayang babae na may malaking pamimitagan.)

EMPERADOR: (humarap sa mga babae) Mga Ginang, paalam.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56.9K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1M 29K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
Queen By AMOR ❤

Fanfiction

22.5K 1.4K 47
Lights on or Lights off?
892 456 89
My heart only belongs to him. GAYUMA, Isang salita na kinatatakutan pagdating sa pag-ibig. Fake na pag-ibig ang katumbas! Is there a love and chance...