Mga Dulang Pambata

Da tinta_at_papel

19.8K 156 21

Salin sa Tagalog ng unang libro ng Children's Classics in Dramatic Form ni Augusta Stevenson, na nasa public... Altro

ANG MGA MANLALAKBAY AT ANG PALAKOL
ANG MATANDANG LALAKI AT ANG KANYANG APO
ANG UWAK AT ANG SORO
ANG MANGGIGILING, ANG KANYANG ANAK NA LALAKI, AT ANG KANILANG ASNO
ANG BAWAT ISA SA KANYANG SARILING LUGAR
ANG GINAGAWA NG MABUTING LALAKI AY LAGING TAMA
ANG PUSA AT ANG DAGA
ANG BATANG BABAENG TUMAPAK SA TINAPAY
ANG MAPANGIT NA SISIW NA PATO
ANG MGA PULANG SAPATOS
ANG KWENTO NI ALI COGIA
ANG MAIILAP NA SISNE
ANG DALAWANG TAGAPROBINSYA
ANG LALAKI AT ANG BUWAYA
ANG PAGSUBOK NG EMPERADOR
CRISTOFORO COLOMBO

ANG KANTA SA PUSO

519 3 0
Da tinta_at_papel

EKSENA I

PANAHON: noong unang panahon

LUGAR: sa bahay ng mahirap na Manunulid

ANG GINANG

ISABEL, ang kanyang anak na babae

PATAG-NA-PAA, isa sa Tatlong Tiya-sa-tuhod

NAKALAWLAW-NA-LABI, isa sa Tatlong Tiya-sa-tuhod

MALAPAD-NA-HINLALAKI, isa sa Tatlong Tiya-sa-tuhod

ANG REYNA

(Nakikita ang sala sa maliit na bahay ng Ginang. Ang GINANG at ang TATLONG TIYA-SA-TUHOD ay nagsusulid. Nakaupo si ISABEL sa kanyang ruwedang-panulid, pero tumigil sa trabaho at tumingin palabas ng bukas na pinto.)

GINANG: (nang matulis) Isabel! Tumititig ka sa labas!

ISABEL: (tumango) Sa malalaking punong iyon, ina. Ang gaganda nila! Para silang mga tanod na nakatayo sa ating pinto na nagbabantay sa atin!

PATAG-NA-PAA: (umangil) Anong kalokohan! Dapat nagsusulid ka.

ISABEL: (hindi umintindi) Ina, tingnan ninyo ang matandang punong iyon! Tingnan ninyo ang kanyang mapagmataas na pagtataas ng ulo sa langit! Iyon ang hari ng gubat!

NAKALAWLAW-NA-LABI: (umangil) Hindi pa ako nakakarinig ng ganyang kahangal na salita!

ISABEL: (hindi umintidi) Ina, may kantang dumating sa akin,--kanta iyon sa magagandang puno. Patigilin ninyo ako para isulat iyon, habang puno niyon ang aking puso.

MALAPAD-NA-HINLALAKI: (sa Ginang) huwag mong payagan iyon, kapatid na babae! Dapat siyang magtrabaho. Halos hindi nga siya makapagsulid.

GINANG: (nagpapakita ng malaking damdamin) Isabel! Isabel! Walang binibini sa nayon ang nag-iisip ng kahit ano kundi pagsusulid.

ISABEL: Ina, patigilin ninyo ako! Hindi magtatagal aalis sa akin ang kanta. Baka hindi ko na iyon marinig muli.

PATAG-NA-PAA: (sa Ginang) Kapatid na babae, dadalhan ka niya ng kahihiyan.

NAKALAWLAW-NA-LABI: Tinatawanan na nga siya ng mga taganayon!

MALAPAD-NA-HINLALAKI: (tumango) Oo! Tinatawag nila siyang "Tagapanaginip." Ako mismo ang nakarinig sa kanila.

ISABEL: Wala akong pakialam kung ano ang itinatawag nila sa akin!

GINANG: (nagtaas ng kanyang boses) Hindi, pero may pakialam ako. Hindi ko gustong maiba ka sa mga ibang tao.

NAKALAWLAW-NA-LABI: Tayo ay hindi kailanman nakitang tumititig sa mga puno!

MALAPAD-NA-HINLALAKI: (tumango) Oo! Tayo ay hindi nakarinig kailanman ng mga kanta sa loob natin!

PATAG-NA-PAA: (tumango) Oo! Ang pinag-iisipan lang natin ay ang ating mga trabaho!

ISABEL: Ang trabaho ninyo ay maaring hindi sa akin!

GINANG: (nang tiyak) Walang ibang trabaho para sa binibini kaysa sa pagsusulid.

ISABEL: (nagbuntong-hininga) Hindi ko gusto iyon! Bagaman iniibig ng bawat ibang binibini sa buong mundo ang pagsusulid, pareho ang sasabihin ko--hindi ko gusto iyon!

GINANG: (sa Patag-na-paa; nagpakita ng pagkaalarma) Kapatid na babae, isara mo ang pinto, para wala sa labas na makarinig ng mga gayong salita.

(Bumangon si Patag-na-paa, pero huli na iyon. Pumasok ang REYNA mula sa kalye.)

REYNA: (nagpakita ng di-pagkalugod) Aba! Ano ang lahat ng ingay na ito? Narinig ko iyon mula sa kalye!

(Natakot ang lahat; umiyak si Isabel.)

GINANG: (yumuko) Hindi na iyon mangyayari muli, iyong Kamahalan.

REYNA: (nakatingin kay Isabel) Pinalo ka ba nila, anak ko?

ISABEL: (humihikbi pa rin) Hi--indi--, iyong Kamalan.

REYNA: (sa Ginang) Sabihin mo kung bakit umiiyak ang iyong anak na babae.

GINANG: (mas natakot) Umiiyak siya dahil--dahil--

(Tumigil siya sa pagkalito.)

REYNA: Ano--ano?

GINANG: Dahil--dahil--ayaw ko siyang magsulid.

REYNA: (nagpakita ng pagkagulat) Dahil ayaw mo siyang magsulid?

GINANG: (tumango) Oo, iyong Kamahalan.

REYNA: Aba, kakaibang-kakaiba ito.

GINANG: (tumango) Kung papayagan ko siya, magsusulid siya mula umaga hanggang gabi, at mula doon hanggang umaga ulit.

REYNA: Nakikita ko kung paano iyon magiging gayon. Wala akong mas gusto kaysa sa pagsusulid.

GINANG: Umiiyak siya sa tuwing pinapatigil ko siya.

REYNA: Iyon ay dahil mahal niya iyon! Hindi ako mas nalulugod kaysa kapag ang mga ruweda ay humuhugong.

GINANG: Pero kailangan niyang tumigil, para ngayong araw kahit paano. Wala nang lino.

REYNA: Mayroon akong mga silid na puno ng lino. Papuntahin mo ang iyong anak na babae sa aking kastilyo. Maari siyang magsulid doon kahit gaano niya kagusto.

GINANG: (ngayon, takut na takot) I-ikinakatakot ko na magiging bagabag siya sa iyo.

REYNA: Aba, hindi! Sa katunayan, lugod na lugod ako sa kasipagan ng iyong anak na babae na ipapakasal ko ang aking anak na lalaki sa kanya.

GINANG: (nahirapang huminga sa sobrang takot) Oh iyong Kamahalan--

REYNA: (sumabad) Pero kailangan niyang sulirin muna ang lahat ng aking lino. May tatlong silid na puno niyon--mula itaas hanggang ibaba.

ISABEL: (nagpakita ng pagkaalarma) Tatlong silid na puno!

REYNA: (tumango) Oo, mahal ko, at kapag nasulid mo na iyon lahat, magiging prinsesa ka!

(humarap sa Ginang)

Dalhin mo ang iyong anak na babae sa aking kastilyo bukas.

GINANG: (tumango) Oo, iyong Kamahalan.

REYNA: (paalis) Bukas, tandaan mo.

GINANG: (yumuko) Oo, iyong Kamahalan.

(Yumuko ang lahat sa Reyna, na umalis.)

ISABEL: Ina, paano ninyo nasabi sa Reyna na gusto kong magsulid?

GINANG: Sa tingin mo ba ipapaalam ko ang katotohanan? Hindi ko ipapahiya ang aking sarili nang gayon!

ISABEL: Hindi ko kayang magsulid ng tatlong kwarto na puno ng lino sa tatlong daang taon.

GINANG: Naku! naku! Ano'ng gagawin natin?

PATAG-NA-PAA: (kina Nakalawlaw-na-labi at Malapad-na-hinlalaki) Mga kapatid na babae, mag-usap tayo.

(Nagbulungan ang tatlong Tiya-sa-tuhod nang sandali.)

NAKALAWLAW-NA-LABI: Isabel, tutulungan ka namin--

PATAG-NA-PAA: (sumabad) Sa isang kondisyon!

MALAPAD-NA-HINLALAKI: (tumango) Oo,--sa isang partikular na kondisyon!

ISABEL: Ano'ng ibig ninyong sabihin?

NAKALAWLAW-NA-LABI: Kami ang magsusulid ng lino para sa iyo--

PATAG-NA-PAA: (sumabad) Sa isang kondisyon.

MALAPAD-NA-HINLALAKI: (tumango) Oo,--sa isang partikular na kondisyon!

GINANG: Nagsasalita kayo sa mga bugtong, mga kapatid na babae.

NAKALAWLAW-NA-LABI: Iyon ay ito--kung aanyayahan kami ni Isabel sa kanyang kasal, susulirin namin ang lino.

PATAG-NA-PAA: Iyon ang kondisyon.

MALAPAD-NA-HINLALAKI: (tumango) Oo,--iyon ang partikular na kondisyon.

ISABEL: Malilinlang niyon ang Reyna at ang Prinsipe, pareho.

GINANG: Walang ibang paraan para ayusin ang mga bagay. Humayo ka na! Yamang magiging prinsesa ka sa madaling-madaling panahon, papahintulutan kitang magsulat ng iyong kanta.

ISABEL: (nang malungkot) Ang kanta ay wala na sa aking puso.

GINANG: Mabuti iyon. Ngayon makinig ka--hindi mo dapat ipaalam kailanman sa Prinsipe ang tungkol sa iyong mga kanta.

MALAPAD-NA-HINLALAKI: (tumango) Isa pa, magdadala iyon ng malaking kahihiyan sa atin, sapagkat pamilya tayo ng mga manunulid.

PATAG-NA-PAA: (Tumango) Oo, oo!

NAKALAWLAW-NA-LABI: (Tumango) Oo, oo!


EKSENA II

PANAHON: isang linggo pagkatapos

LUGAR: sa kastilyo ng Reyna

ANG REYNA

ANG PRINSIPE

ISABEL

ANG TATLONG TIYA-SA-TUHOD.

(Ang TATLONG TIYA-SA-TUHOD ay nagtatrabaho sa huling bunton ng lino sa ikatlong silid. Pinapanood sila ni ISABEL na kinakabahan.)

ISABEL: Iniisip ba ninyong makatapos bago dumating ang Reyna?

PATAG-NA-PAA: (tumango habang sinusulid niya ang reweda) Oo, kung magagawa iyon ng pagsusulid sa reweda!

NAKALAWLAW-NA-LABI: (tumango, habang nilalawayan niya ang sinulid sa ibabaw ng kanyang labi) Oo, kung magagawa iyon ng pagbasa sa sinulid!

MALAPAD-NA-HINLALAKI: (tumango, habang iniipit niya ang sinulid sa pamamagitan ng kanyang hinlalaki) Oo, kung magagawa iyon ng pag-iipit sa sinulid.

ISABEL: Ngayong araw niya dadalhin ang Prinsipe.

PATAG-NA-PAA: Isa pang minuto at matatapos na kami.

ISABEL: Kung dumating sila nang bigla, alam ninyo kung saan magtatago--sa likod ng mga kurtinang iyon.

TATLONG TIYA-SA-TUHOD: (tumango) Oo, alam namin!

(May narinig na ingay sa malayo.)

ISABEL: May dumarating!

(Tumakbo siya papunta sa pinto; binuksan niya iyon; at sumilip siya.)

Bumababa ang prinsipe sa hagdan! Bilis, mga tiya, bilis!

PATAG-NA-PAA: (bumangon) A, tapos na!

ISABEL: (dumungaw sa koredor) Ngayon dumarating ang Reyna! Sa mga kurtina, bilis!

(Nagtago ang tatlong Tiya-sa-tuhod sa likod ng mga kurtina, kasabay lang ng pagpasok ng REYNA at ng PRINSIPE.)

REYNA: Ano, tapos ka na?

ISABEL: (nakaturo sa bunton ng sinulid) Ayon ang huli niyon, inyong Kamahalan.

REYNA: (nakatingin sa sinulid) Nasulid pa sa pinakamainam na estilo! Prinsipe, ng nakaraang linggo lang ang mga silid na ito ay puno ng lino. Ngayon tingnan mo sila.

PRINSIPE: (tumitingin sa palibot) Walang laman, na parang hindi napunta dito ang lino kailanman. Kamangha-mangha kung paanong nakakagawa ang isang binibini ng gayong karami!

REYNA: Lubhang kamangha-mangha iyon!

PRINSIPE: Ang kasal ay mangyayari ngayong araw. Isabel, sumama ka ngayon sa amin.

ISABEL: (nang mapag-isip) Hindi, hindi! Hindi pwede!

PRINSIPE: Hindi pwede?

REYNA: Hindi pwede! Ano'ng ibig mong sabihin?

ISABEL: (sa Reyna) Pauwiin ninyo ako, inyong kamahalan!

REYNA: Uwi!

ISABEL: Hindi ako karapat-dapat--

PRINSIPE: (sumabad) Kalokohan! Na mahirap ka ay wala sa akin.

REYNA: (paalis) Halika, kukuliling kaagad ang mga pangkasal na kampana.

ISABEL: Inyong Kamahalan--hindi--hindi--hindi ako ang nagsulid ng lino.

REYNA: Ano! Hindi mo sinulid ang lino?

PRINSIPE: Ano ito?

ISABEL: Nilinlang ko kayo--halos hindi nga ako makapagsulid.

REYNA: Pero ang bunton ng sinulid na ito dito--

ISABEL: Sinulid iyon ng iba.

PRINSIPE: Iba?

ISABEL: Oo, Prinsipe.

REYNA: Papakasalan mo ang isang iyon kung gayon, anak ko!

(kay Isabel)

Ikaw naman, bumalik ka sa iyong dampa!

(Pumihit si Isabel para umalis.)

Manatili ka!

(Tumigil si Isabel.)

Sino ang kamangha-manghang manunulid? Sabihin mo sa amin kung saan siya makikita.

ISABEL: Dito, inyong Kamahalan.

REYNA: Nakatago, sa tingin ko?

ISABEL: (tumango) Oo, inyong Kataas-taasan, sa likod ng mga kurtinang iyon.

REYNA: Hayo, anak ko, at hilahin mo ang mga kurtina. Ikaw ang unang makakatingin sa iyong mapapangasawa.

(Hinila ng Prinsipe ang mga kurtina, at nakita niya ang tatlong Tiya-sa-Tuhod, na nakaupo sa hanay. Ngumiti sila nang ngumiti sa Prinsipe, na nakatayo na tumitingin sa kanila sa pagkagulat.)

PATAG-NA-PAA: Hindi ka magsisisi na kunin ako para sa iyong asawa, aking panginoon.

PRINSIPE: (hindi nakinig) Bakit patag na patag ang iyong paa?

PATAG-NA-PAA: Sa pagtapak sa ruweda! Sa pagtapak sa ruweda!

NAKALAWLAW-NA-LABI: Hindi ka magsisisi na kunin ako para sa iyong asawa, aking panginoon.

PRINSIPE: (hindi nakinig) Bakit masyadong mahaba ang iyong labi?

NAKALAWLAW-NA-LABI: Sa pagbasa ng sinulid! Sa pagbasa ng sinulid!

MALAPAD-NA-HINLALAKI: Hindi ka magsisisi na kunin ako para sa iyong asawa, aking panginoon.

PRINSIPE: (hindi nakinig) Bakit masyadong malapad ang iyong hinlalaki?

MALAPAD-NA-HINLALAKI: Sa pag-ipit sa sinulid! Sa pag-ipit sa sinulid !

(Humarap ang Prinsipe kay Isabel.)

PATAG-NA-PAA: (nang mabilis) Walang ginagawa si Isabel kundi tumitig nang tumitig, sa mga bulaklak at mga puno at mga tumatakbong sapa. Ha, ha, ha!

PRINSIPE: Totoo ba ito, Isabel?

ISABEL: (nang kimi) Oo, Prinsipe.

NAKALAWLAW-NA-LABI: Sinasabi niya na ang mga bulaklak at mga puno at mga tumatakbong sapa na ito ay kumakanta sa kanya ng mga kanta.

PRINSIPE: Totoo ba ito, Isabel?

ISABEL: (tulad ng una) Oo, Prinsipe.

MALAPAD-NA-HINLALAKI: At nagmamakaawa siyang pahintulutan na isulat ang mga kantang ito. Ha, ha, ha!

PRINSIPE: Totoo ba ito, Isabel?

ISABEL: (nakatungo) Oo, Prinsipe.

PRINSIPE: Isabel, huwag kang tumungo. Bibigyan kita ng oras para isulat ang iyong mga kanta.

REYNA: Anak ko--

PRINSIPE: (sumabad) Hindi, hindi, ina! Mas pinapalugod ako ng mga kanta kaysa ng patag-na-paa at ng nakalawlaw-na-labi at ng malapad-na-hinlalaki ng mga manunulid. Halika, Isabel, ikaw ang magiging aking prinsesa! Kakantahan mo ako ng iyong mga kanta! Tuturuan mo ako kung paanong tumitig sa mga bulaklak at mga puno at mga tumatakbong sapa, sapagkat ang mga bagay na ito ay matagal nang mahalaga sa aking puso. Halika, Isabel, halika!

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

831 117 14
"Sino ba ang may karapatang mabuhay? Lahat naman tayo di'ba? Pero ang tanong ko sa sarili ko, mas mabuti bang mabuhay ako bilang isang demonyo o mas...
Wattpad Academy Da IceChriM

Mistero / Thriller

4.2K 336 41
HIGHEST RANKS ACHIEVED: #1- Teens (11-28-18) #3- Teen Fiction (11-28-18) Welcome to Wattpad Academy, your dream summer school but can also give you t...
1.4M 57.1K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
4.3K 318 25
A virus has spread throughout the country. Angela, a girl of faith and dignity, must venture to find her missing love ones and to save her hometown f...