Mga Dulang Pambata

By tinta_at_papel

19.8K 156 21

Salin sa Tagalog ng unang libro ng Children's Classics in Dramatic Form ni Augusta Stevenson, na nasa public... More

ANG MGA MANLALAKBAY AT ANG PALAKOL
ANG MATANDANG LALAKI AT ANG KANYANG APO
ANG UWAK AT ANG SORO
ANG MANGGIGILING, ANG KANYANG ANAK NA LALAKI, AT ANG KANILANG ASNO
ANG BAWAT ISA SA KANYANG SARILING LUGAR
ANG GINAGAWA NG MABUTING LALAKI AY LAGING TAMA
ANG PUSA AT ANG DAGA
ANG BATANG BABAENG TUMAPAK SA TINAPAY
ANG MAPANGIT NA SISIW NA PATO
ANG MGA PULANG SAPATOS
ANG KWENTO NI ALI COGIA
ANG MAIILAP NA SISNE
ANG LALAKI AT ANG BUWAYA
ANG KANTA SA PUSO
ANG PAGSUBOK NG EMPERADOR
CRISTOFORO COLOMBO

ANG DALAWANG TAGAPROBINSYA

288 1 0
By tinta_at_papel

EKSENA I

PANAHON: gabi.

LUGAR: isang malaking lunsod; isang tahimik na sulok na may mataas na pader sa likod.

UNANG TAGAPROBINSYA

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA

UNANG TAGALUNSOD NA MANG-UUTO

PANGALAWANG TAGALUNSOD NA MANG-UUTO

MANGANGALAKAL

(Nakikita ang malalaking kulupon ng mga tao sa mga kalye. May DALAWANG TAGAPROBINSYA na kakarating pa lang. Nakahanap sila ng tahimik na sulok kung saan inilagay nila ang kanilang mga kumot at mga basket ng mga kalabasa na dala nila.)

UNANG TAGAPROBINSYA: Ikinakatakot ko na siguradong may lubhang kakila-kilabot na nangyari sa kalyeng iyon. Tingnan mo kung anong mga kulupon ng mga tao ang dumaraan doon!

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Baka may sunog. Gayunman--

(Tumigil siya, nagpakitang naguguluhan siya.)

UNANG TAGAPROBINSYA: (nag-aalala) Ano'ng bumabagabag sa iyo?

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Tumingin ka sa kabilang kalyeng iyon! Puno din iyon ng mga tao; gayunman, walang umaalis mula dito.

UNANG TAGAPROBINSYA: May kakilakilabot na aksidenteng tumawag sa kanila mula sa lahat ng mga bahagi ng lunsod. Kailangan nating matuklasan kung ano iyon.

(May dumaan na MANGANGALAKAL.)

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: (sa Mangangalakal) Ipinapakiusap ko sa iyo tumigil ka, mamamayan.

(Tumigil ang Mangangalakal.)

Pwede mo bang sabihin sa amin kung anong kakila-kilabot na bagay ang nangyari sa lunsod na ito?

MANGANGALAKAL: Ano'ng ibig mong sabihin?

(May DALAWANG TAGALUNSOD NA MANG-UUTO na dumaan; tumigil sila para makinig.)

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Saan sila nagpupunta, ang maraming taong ito? Anong kakila-kilabot na bagay ang pinupuntahan nila?

UNANG TAGAPROBINSYA: Baka tumatakbo sila mula sa isang halimaw na kalalabas pa lang sa dagat?

MANGANGALAKAL: Laging gayon--parating dumadaluyong ang malalaking kulupon ng mga tao sa mga kalye.

(Umalis ang Mangangalakal.)

PANGALAWANG MANG-UUTO: (sa Mga Tagaprobinsya, kumindat patabi sa Unang Mang-uuto) Ito ang una ninyong pagbisita sa lunsod, tama ba?

DALAWANG TAGAPROBINSYA: (yumuko) Gayon nga, mabubuting ginoo.

UNANG MANG-UUTO: (kumindat patabi sa Pangalawang Mang-uuto) Alam ninyo kung ano ang nangyayari sa mga dayuhan sa aming lunsod, siyempre?

UNANG TAGAPROBINSYA: (nang balisa) Hindi, mabuting ginoo.

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: (nang balisa) Pakiusap sabihin mo sa amin kung ano iyon.

UNANG MANG-UUTO: Sinasabing natutuliro sila nang husto sa ingay ng lunsod at sa pagmamadali ng gayong di-mabilang na mga tao, na nakakalimutan nila kung sino sila.

UNANG TAGAPROBINSYA: Ha? Nakakalimutan nila kung sino sila?

UNANG MANG-UUTO: (tumango) Oo.

(Kumindat siya sa Pangalawang Mang-uuto.)

Nabalitaan mo na ito, mahal na kaibigan?

PANGALAWANG MANG-UUTO: (kumindat patabi) Siyempre; lubhang pangkaraniwan iyon.

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Nakakalimutan nila ang kanilang sariling mga mukha?

PANGALAWANG MANG-UUTO: Oo,--ang kanilang mga mukha. Kahit paano, hindi sila sigurado kung kaninong mga mukha ang sa kanila

UNANG TAGAPROBINSYA: Kung gayon hindi kami mangangahas na umalis sa sulok na ito!

UNANG MANG-UUTO: Hindi ko ipapayo iyon.

PANGALAWANG MANG-UUTO: Lubhang di-ligtas iyon,--kahit paano, para mamayang gabi.

UNANG MANG-UUTO: Siyempre merong panganib na ito,--paggising ninyo sa umaga baka hindi ninyo malaman kung kayo ay kayo mismo.

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Sana hindi na lang ako umalis sa aking bukid!

UNANG TAGAPROBINSYA: Sana hindi ko na lang iniwan ang aking asawa!

PANGALAWANG MANG-UUTO: Huwag kayong mawalan ng pag-asa; may daan palabas sa inyong mga problema.

DALAWANG TAGAPROBINSYA: Sabihin mo sa amin, nakikiusap kami sa iyo!

PANGALAWANG MANG-UUTO: Ang bawat isa sa inyo ay kailangang kumuha ng kalabasa sa kanyang basket doon at magtali niyon sa kanyang bukung-bukong. Tapos, sa umaga, paggising ninyo, malalaman ng bawat isa sa inyo na iyon ay ang iyong sarili at wala nang iba.

UNANG TAGAPROBINSYA: (sa Pangalawang Tagaprobinsya, nang masaya) Narinig mo ba? Sa pamamagitan ng ating mga kalabasa malalaman natin!

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: (nang masaya) Narinig ko! Salamat at mas marami pang salamat sa iyo, mabuting ginoo!

(Pumihit ang Mga Mang-uuto para umalis.)

UNANG MANG-UUTO: Sana malaman ninyo sa inyong mga sarili sa umaga kung ano talaga kayo!

(Umalis sila, tumatawa patabi. Ang bawat Tagaprobinsya ay nagtali ng kalabasa sa kanyang bukung-bukong, nagkumot, at humiga. Natulog sila. Hinto.

Pasok ang MGA MANG-UUTO nang marahan, ang bawat isa nagdadala ng maliit na bandila. Tinanggal nila ang mga kalabasa sa mga bukung-bukong ng Mga Tagaprobinsya, at itinago nila ang mga iyon sa ilalim ng kanilang mga kumot. Itinali nila tapos ang mga bandila sa mga bukung-bukong ng mga Tagaprobinsya, at umalis sila na nalulugod nang malaki sa kanilang biro.)


EKSENA II

PANAHON: ng sunod na umaga

LUGAR: kapareho ng Eksena I

UNANG TAGAPROBINSYA

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA

UNANG TAGALUNSOD NA MANG-UUTO

PANGALAWANG TAGALUNSOD NA MANG-UUTO

(Nakikita ang MGA MANG-UUTO na sumisilip mula sa kanto.)

UNANG MANG-UUTO: (nang mahina) Natutulog sila nang mahimbing.

PANGALAWANG MANG-UUTO: (nang mahina) Kung gayon halika.

(Pumasok sila, at itinapon nila ang dalawang basket ng mga kalabasa sa ibabaw ng pader. Bumalik sila tapos paikot sa kanto, na sumisilip tulad ng una.)

UNANG TAGAPROBINSYA: (Gumising siya; niyugyog niya ang Pangalawang Tagaprobinsya.) Gising! Gising!

(Humikab ang bawat isa; nagtanggal ng kanyang kumot; bumangon.)

UNANG TAGAPROBINSYA: (nakaalala) Ah, mga kalabasa!

(Tumingin ang bawat isa sa kanyang bukung-bukong, at tapos sa bukung-bukong ng isa pa.)

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Napaano ito!

UNANG TAGAPROBINSYA: Hindi ba natin itinali ang mga kalabasa sa ating mga bukung-bukong?

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: (tumango) Aba, siguradong ginawa natin.

UNANG TAGAPROBINSYA: (tumingin sa palibot) Hindi ba mayroon tayong dalawang basket ng mga kalabasa?

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: (tumango) Sigurado; doon sa sulok.

UNANG TAGAPROBINSYA: (nagtaas ng paa na pinagtatalian ng bandila) Ito ba ay kalabasa o ito ba ay hindi kalabasa?

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Siguradong bandila iyan.

(Nagtaas ng kanyang paang may bandila.)

At kung ito ay hindi kalabasa, panatilihin mo ang iyong katahimikan.

(Tinitigan ng Unang Tagaprobinsya ang bandila, na naglalagay ng kanyang daliri sa kanyang mga nakasarang labi.)

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Kung gayon nangyari nga talaga iyon!

UNANG TAGAPROBINSYA: Ano'ng nangyari?

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Ang kakila-kilabot na bagay na inihula ng mga mamamayan. Ako ay hindi ako! Ikaw ay hindi ikaw!

UNANG TAGAPROBINSYA: (nanginig sa takot) Paano nangyari iyon?

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Hindi ko alam. Alam ko lang na iyon nga.

UNANG TAGAPROBINSYA: (umiyak) Hindi ko maiisip na hindi ako ang aking sarili!

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: (umiyak) Kailangan mong mag-isip, gusto mo man o hindi.

UNANG TAGAPROBINSYA: Talaga bang iniisip mo na ikaw ay kung sinong ibang tao?

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Kung ako ang aking sarili, hindi ba dapat nasa bukung-bukong ko pa rin ang kalabasa?

UNANG TAGAPROBINSYA: Kung gayon sino ka? At sino ako?

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Naku! Hindi ko alam.

(Pasok ang MGA MANG-UUTO.)

UNANG TAGAPROBINSYA: (nang masaya) Eto na ang mga makakaalam kung tayo ay tayong sarili!

(Nagkunwari ang Mga Mang-uuto na hindi nila nakikilala ang Mga Tagaprobinsya na yumuyuko sa harap nila. Nagpatuloy sila sa pagdaan.)

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Tigil, mabubuting ginoo!

UNANG TAGAPROBINSYA: Makikipag-usap kami sa inyo!

(Tumigil ang Mga Mang-uuto.)

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Hindi ba ninyo kami nakikilala?

UNANG MANG-UUTO: Hindi ko pa nakuha ang kalugurang iyon.

UNANG TAGAPROBINSYA: Kinausap ninyo kami kagabi lang!

PANGALAWANG MANG-UUTO: Isang pagkakamali, ikinakatakot ko, mabuting mama.

(Nagsimulang umalis ang Mga Mang-uuto.)

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: (umiyak) Hintay! Ipinapakiusap ko sa inyo, hintay!

(Tumigil ang Mga Mang-uuto.)

Hindi ba ninyo masabi kung sino kami?

UNANG MANG-UUTO: Hindi ba ninyo kilala ang inyong mga sarili?

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Naku! Kami ay hindi ang aming mga sarili.

UNANG TAGAPROBINSYA: Makikilala ninyo kami kung kami ay kami dati.

PANGALAWANG MANG-UUTO: Siguro malulutas ng mga bandilang iyan ang bugtong.

UNANG MANG-UUTO: Baka nga; tingnan natin sila.

(Tinanggal ng Mga Tagaprobinsya ang mga bandila at iniabot nila sa Mga Mang-uuto, na nakatingin sa kanila nang maigi.)

PANGALAWANG MANG-UUTO: (nang mahiwaga) Pwede kaya iyon?

UNANG MANG-UUTO: Iyon nga! Iyon nga!

UNANG TAGAPROBINSYA: Ha?

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Ha?

PANGALAWANG MANG-UUTO: (sa Mga Tagaprobinsya) Inyong paumanhin! Nais ko ang inyong paumanhin!

UNANG MANG-UUTO: (kumuha ng singsing sa kanyang daliri; humarap kay Pangalawang Tagaprobinsya) Pakitanggap ng singsing na ito. Malalaman ko tapos na napatawad na ako sa hindi pagkakakilala sa iyo ng una.

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: (Tinaggap niya ang singsing; isinuot niya sa unang daliri ng kanyang kanang kamay.) Aba, oo, pinapatawad kita.

PANGALAWANG MANG-UUTO: (sa Unang Tagaprobinsya, nagtanggal ng kanyang gintong tanikala) Pakitanggap nitong tanikala. Sa pamamagitan niyan malalaman ko na napatawad na rin ako.

UNANG TAGAPROBINSYA: (Tinanggap niya ang tanikala; isinuot niya.) Pinatawad ka na. Ngayon sabihin mo sa akin kung anong dakilang tao ako naging.

PANGALAWANG MANG-UUTO: (nang seryoso) Huwag na kayong magbiro sa amin!

UNANG MANG-UUTO: Hahayo na ngayon kami para ianunsyo ang inyong pagdating sa Panginoong Alkalde.

PANGALAWANG MANG-UUTO: Maya-maya, babalik kami. Hintayin ninyo kami dito.

(Umalis sila, tumatawa patabi.)

UNANG TAGAPROBINSYA: Alam mo ba, dati ko pa nararamdaman na dakilang tao talaga ako. Wala ka bang napansin na kung anong kakaiba sa akin?

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Hindi ko masabi kung mayroon. Mayroon, gayunman, na siguradong isang kamangha-mangha sa akin. Napansin ko iyon matagal na. Hindi mo ba nararamdaman iyon kapag nasa piling kita?

UNANG TAGAPROBINSYA: Hindi.

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: (nang galit) Hindi?

UNANG TAGAPROBINSYA: Hindi kailanman! loko-lokong gansa!

(Sinunggab ng Pangalawang Tagaprobinsya ang tanikala ng Unang Tagaprobinsay at itanapon niya sa ibabaw ng pader.)

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Pag-ingatan mo kung paano mo ako tinatawag ng mga pangalan, bobo!

UNANG TAGAPROBINSYA: (Hinila niya ang singsing ng Pangalawang Tagaprobinsya at itinapon niya sa ibabaw ng pader) Loko-loking gansa!

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Aalis na ako ngayon para sa aking tirahan. Hindi ko gustong makasama ka.

UNANG TAGAPROBINSYA: Uuwi rin ako, at gayundin gusto kong maglakbay nang mag-isa.

(Pinulot nila ang kanilang mga kumot, at natuklasan nila ang mga kalabasa.)

UNANG TAGAPROBINSYA: Ha?

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Ha?

UNANG TAGAPROBINSYA: Itali natin sila sa ating mga bukung-bukong. Baka matuklasan natin tapos kung tayo ay ang ating mga sarili.

(Itinali nila ang mga kalabasa sa kanilang mga bukung-bukong.)

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: (nang masaya) Ako ang aking sarili!

UNANG TAGAPROBINSYA: (nang masaya) At ako ang aking sarili!

PANGALAWANG TAGAPROBINSYA: Halika, maglakbay tayo pabalik nang magkasama.

(Lumabas sila. Hinto. Pasok ang MGA MANG-UUTO. Nanatili sila sa pasukan, na hindi nakakaalam na umalis na ang Mga Tagaprobinsya.)

UNANG MANG-UUTO: (bumulong) Sa tingin mo ba kailangan sumunod sa kanila ang mga manunugtog?

PANGALAWANG MANG-UUTO: (bumulong) Hindi, sila ang dapat sumunod sa musika. Anong biro iyon!

(Tiningnan nila ang paligid, at natuklasan nila na umalis na ang Mga Tagaprobinsya.)

UNANG MANG-UUTO: (nang malungkot) Ang aking singsing!

PANGALAWANG MANG-UUTO: (nang malungkot) Ang aking tanikala!

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
Queen By AMOR ❤

Fanfiction

22.6K 1.4K 47
Lights on or Lights off?
1M 29.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
831 117 14
"Sino ba ang may karapatang mabuhay? Lahat naman tayo di'ba? Pero ang tanong ko sa sarili ko, mas mabuti bang mabuhay ako bilang isang demonyo o mas...