Mga Dulang Pambata

By tinta_at_papel

19.8K 156 21

Salin sa Tagalog ng unang libro ng Children's Classics in Dramatic Form ni Augusta Stevenson, na nasa public... More

ANG MGA MANLALAKBAY AT ANG PALAKOL
ANG MATANDANG LALAKI AT ANG KANYANG APO
ANG UWAK AT ANG SORO
ANG MANGGIGILING, ANG KANYANG ANAK NA LALAKI, AT ANG KANILANG ASNO
ANG BAWAT ISA SA KANYANG SARILING LUGAR
ANG GINAGAWA NG MABUTING LALAKI AY LAGING TAMA
ANG PUSA AT ANG DAGA
ANG BATANG BABAENG TUMAPAK SA TINAPAY
ANG MAPANGIT NA SISIW NA PATO
ANG MGA PULANG SAPATOS
ANG KWENTO NI ALI COGIA
ANG DALAWANG TAGAPROBINSYA
ANG LALAKI AT ANG BUWAYA
ANG KANTA SA PUSO
ANG PAGSUBOK NG EMPERADOR
CRISTOFORO COLOMBO

ANG MAIILAP NA SISNE

271 3 0
By tinta_at_papel

EKSENA I

PANAHON: matagal na panahon nang nakalipas

LUGAR: sa tabing-dagat

ELISA

ANG MABUTI

(Nakikita ang MABUTI na naglalakad sa tabing-dagat. Pumasok si ELISA mula sa gubat.)

MABUTI: Pagpalain ako! Ano'ng ginagawa ng munting batang babae sa malumbay na lugar na ito? At nag-iisa pa!

ELISA: Hinahanap ko ang aking labing-isang kapatid na lalaki.

MABUTI: Ah! Kung gayon siguradong ikaw ang Prinsesa Elisa!

ELISA: (nang malungkot) Oo, Mabuti.

MABUTI: At ang labing-isang kapatid na lalaki na hinahanap mo ay ang labing-isang maliit na prisipe!

ELISA: Oo; kilala mo ba sila?

MABUTI: Nakita ko sila sa eskwelahan isang araw. Nakasuot ang bawat prinsipe ng gintong korona sa kanyang ulo, ng bituin sa kanyang dibdib, at ng espada sa kanyang tagiliran.

ELISA: (tumango) Nag-aral sila nang lubhang mabuti, tulad lang ng dapat gawin ng mga prinsipe.

MABUTI: Sumulat sila sa mga gintong pisara sa pamamagitan ng mga brilyanteng lapis. Ako mismo ang nakakita sa kanila!

ELISA: Umupo ako sa maliit na bangkitong salamin. Nalaman mo ba iyon?

MABUTI: Ay, oo! At alam ko ang tungkol sa iyong librong-panglitrato na nagkakahalaga ng kalahating kaharian.

ELISA: Ang sasasaya naming lahat noon! Buhay ang aming mahal na ina at kung minsan sumasama sa'min papunta sa eskwela. Ngayon nagbago ang lahat.

MABUTI: Ano'ng nangyari?

ELISA: Itanaboy nila kami mula sa palasyo.

MABUTI: (nang galit) Sabi ko na! Sa araw ng kasal na iyon sinabi ko ang gayon.

ELISA: Kung gayon alam mo na nagpakasal ulit ang aking ama?

MABUTI: Oo, alam ko. Umiyak ako nang marinig kong pinakasalan ng aming mabuting hari ang masamang reynang iyon.

ELISA: Itinaboy niya ang aking mga kapatid na lalaki, ng araw mismo ng piging ng kasal.

MABUTI: At ngayon itinaboy ka niya!

ELISA: (tumango) Kung mahahanap ko lang ang aking mga mahal na kapatid na lalaki!

MABUTI: Maaaring makarinig ka ng tungkol sa kanila sa madaling panahon.

ELISA: (nang mabilis) Alam mo ba kung nasaan sila? Sabihin mo! Pakiusap sabihin mo!

MABUTI: (umiling nang mahiwaga) Hindi ko masasabi kung nasaan sila. Alam ko lang kung mga ano sila.

ELISA: Hindi ko maintindihan--

MABUTI: Ginawa ng masamang reyna ang iyong mga kapatid na lalaki na maiilap na sisne

ELISA: Maiilap na sisne?

MABUTI: (tumango) Nakita ko sila kahapon, sa pagsikat ng araw, na lumilipad sa ibabaw ng dagat. Ang bawat sisne ay nakasuot ng gintong korona sa kanyang ulo.

ELISA: Hindi makuha ng reyna ang kanilang mga korona mula sa kanila!

MABUTI: Habang lumilipad ang mga sisne pataas, kumikislap ang kanilang labing-isang korona tulad ng labing-isang araw. Nasilaw ang aking mga mata. Napilitan akong umiwas ng tingin. Sa sandaling iyon nawala ang mga sisne.

ELISA: (nang malungkot sa sarili) Ang aking mga kawawang kapatid na lalaki! Hindi ko na ulit sila makikita.

MABUTI: (nang bigla) Nakikita mo ba ang malalaking asul na tampulang iyon sa timog?

ELISA: Oo; humahampas ang dagat sa kanila.

MABUTI: Sa mga tampulang iyon, palayo sa tabing-dagat, ay may kweba. Magpunta ka agad sa kwebang iyon at pumasok.

ELISA: At ano'ng gagawin ko doon, mabuting babae?

MABUTI: Baka malaman mo kung paano masisira ang salamangkang nakabalot sa iyong mga kapatid na lalaki.

ELISA: (nang gulat) Kung paano masisira ang salamangka?

MABUTI: Huwag kang magtanong, kundi magpunta agad sa kweba.

ELISA: (paalis) Salamat, mabuting babae. Ang bait-bait mo sa'kin.

MABUTI: Humayo ka na, anak, at huwag matakot.

[Umalis si Elisa; nawala ang Mabuti.]


EKSENA II

PANAHON: kalahating oras pagkatapos

LUGAR: sa kweba.

ELISA

ANG DIWATA

(Nakikita si ELISA sa pasukan ng kweba. Tumigil siya; natatakot pumasok.)

ELISA: Natatakot akong pumasok! Masyadong madilim--hindi ko alam kung ano ang nasa loob! Baka lungga ito ng isang mabangis na hayop.

(Nakinig.)

Wala akong tunog na naririnig! Pero mga tuso ang mababangis na hayop. Alam nila kung paanong humiga nang kasing-tahimik ng kamatayan at tapos lumundag nang mabilis.

(Huminto.)

A, bahala na. Papasok ako, sapagkat kailangan kong iligtas ang aking mga kapatid na lalaki.

(Pumasok siya sa kweba. Ang DIWATA ay nasa loob ng kweba, pero hindi nakikita.)

DIWATA: Mayroon kang tapang, munting Elisa.

ELISA: (nagpakita ng kaginhawahan) Ay! Nandito ka ba, mabuting ale?

DIWATA: Masdan mo!

(Napuno ng ilaw ang kweba; may nakitang magandang Diwata.)

ELISA: Ah! Akala ko ang Mabuti iyon.

DIWATA: Hindi mahalaga, mahal na bata. Alam kong pupunta ka dito.

ELISA: Natakot akong pumasok.

DIWATA: Pero pumasok ka. Ang iyong pag-ibig para sa iyong mga kapatid na lalaki ay mas malakas kaysa sa iyong takot.

ELISA: Iyon ang nagbigay sa akin ng tapang.

DIWATA: Pagsubok iyon ng iyong tapang. At ngayon masasabi ko sa iyo kung paano sisirain ang salamangkang nakabalot sa iyong mga kapatid na lalaki.

ELISA: Gagawin ko ang anumang sabihin mo.

DIWATA: Maghihirap ka nang malaki.

ELISA: Ano sa akin, kung maliligtas ko ang aking mga kapatid na lalaki!

DIWATA: (tumango) Kung gayon makinig ka. Nakikita mo ba ang mga nakakatusok na kulitis na hawak ko sa aking kamay?

ELISA: Oo, mahal na Diwata.

DIWATA: Kailangan mong magtipon ng marami nito.

ELISA: Nakapansin ako ng marami na katulad niyan na tumutubo malapit sa kwebang ito.

DIWATA: (umiling) Kailangan mong tipunin ang mga tumutubo lang sa mga sementeryo.

ELISA: Magiging katulad na katulad iyon ng sabi mo, mahal na Diwata.

DIWATA: Gagawa ng mga paltos ang mga kulitis sa iyong mga kamay.

ELISA: Hindi ko iisipin ang aking sarili; iisipin ko lang ang aking mga kapatid na lalaki.

DIWATA: Gutay-gutayin mo ang mga kulitis ng iyong mga kamay at mga paa, at magiging lino sila. Mula sa linong ito kailangan mong sumulid at humabi ng labing-isang mahabang damit na may mahahabang manggas. Kung ang labing-isang damit na ito ay maitatalukbong sa labing-isang sisne, masisira ang salamangka.

ELISA: Mangyayari iyon.

DIWATA: Pero tandaan mo, na sa sandaling simulan mo ang iyong gawain, hanggang matapos iyon, hindi ka dapat magsalita. Kahit na masakop niyon ang mga taon ng iyong buhay, hindi ka dapat magsalita.

ELISA: Tatandaan ko.

DIWATA: Ang unang salitang bigkasin mo ay tatagos sa mga puso ng iyong mga kapatid na lalaki tulad ng balaraw.

ELISA: (paalis) Aalis na ako, mahal na Diwata.

DIWATA: Tandaan mo ang lahat ng sinabi ko sa'yo, mahal na bata. Paalam!

(Umalis si Elisa; naging madilim ang kweba; nawala ang Diwata.)


EKSENA III

PANAHON: dalawang araw pagkatapos

LUGAR: isang malayong lupain; palasyo ng Hari

ANG HARI

KANYANG MASAMANG TIYO

ELISA

MGA GWARDIYA

MGA TAGAPAGSILBI

(Nakatayo ang MASAMANG TIYO na naghihintay para tanggapin ang Hari. Pasok ang HARI kasama si ELISA. Maputla ang dalaga at malungkot.)

MASAMANG TIYO: Tuloy ka, iyong Kamahalan! Maligayang pagdating mula sa iyong pangangaso! Pero sino ang dalagang ito?

HARI: Hindi ko alam, aking Tiyo.

MASAMANG TIYO: Ano?

HARI: Natagpuan siya ng aking mga mangangaso sa isang kweba sa isang malayong lupain.

MASAMANG TIYO: Sa isang kweba? Mag-isa?

HARI: (tumango) Mag-isa; nagsusulid ng mahahabang damit mula sa lino.

MASAMANG TIYO: Kakaibang-kakaiba ito.

(kay Elisa)

Bakit ka nag-iisa sa isang kweba, at bakit ka nagsusulid ng mahahabang damit?

(Umiling si Elisa.)

HARI: Pipi siya, Tiyo. Wala pa siyang binibigkas na salita mula ng matagpuan namin siya.

MASAMANG TIYO: Bakit mo siya isinama sa'yo?

HARI: Gagawin ko siyang aking reyna.

MASAMANG TIYO: (Nang galit) Iyong reyna?

HARI: Tingnan mo kung gaano siya kaganda.

MASAMANG TIYO: (bumulong sa hari) Mangkukulam siya!

HARI: Kalokohan! Kung gaano siya kaganda ganoon siya kabuti.

MASAMANG TIYO: (bumulong tulad ng una) Nagayuma niya ang iyong puso!

HARI: Kalokohan, sabi ko! Ayaw niyang umalis sa kweba. Umiyak siya nang mapait nang ilagay ko siya sa aking kabayo.

(Humarap siya sa mga tagapagsilbi.)

Patunugin ninyo ang musika! Ihanda ninyo ang piging ng kasal!

(Humarap siya kay Elisa, na umiyak.)

Huwag kang umiyak, aking magandang binibini.

MASAMANG TIYO: (bumulong sa Hari) Hindi siya maganda. Ginayuma niya ang iyong mga mata.

HARI: Hindi ako makikinig sa'yo! Humayo ka, utusan mo silang pakulilingin ang mga kampana ng simbahan.

MASAMANG TIYO: (paalis; nagsalita patabi) Kailangan kong lasunin ang puso ng Hari laban sa dalaga sa kung paanong paraan; kung hindi hindi ko masusuot ang korona kailanman.

(Umalis ang Masamang Tiyo.)

HARI: (kay Elisa) Huwag kang umiyak. Bibihisan ka ng mga seda at mga pelus at maglalagay ako ng gintong korona sa iyong ulo.

(Umiyak si Elisa at nagpilipit ng kanyang mga kamay.)

A, kung gayon, alam ko kung paano ka papangitiin.

(Ibinukas ng Hari ang pinto papasok sa panloob na kwarto. Tumingin papasok si Elisa, ngumiti, at nagpalakpak ng kanyang mga kamay sa galak.)

HARI: Sabi ko na papasayahin ka niyan! Kamukhang-kamukha iyan ng iyong kweba--ginawa ko iyang gayon.

(Sinubukan ni Elisang pasalamatan ang Hari ng kanyang mga mata.)

Pero wala nang pagsusulid! Ang iyong mga daliri ay matatakpan ng mga diyamante imbis na mga paltos.

(Nagbuntong-hininga si Elisa nang malungkut na malungkot)

May bumabagabag sa'yo, munting reyna. Kung masasabi mo lang sa'kin ang iyong pighati!

(Umiling si Elisa nang malungkot.)

A, kahit paano maliligtas kita mula sa buhay ng paggawa. Ikaw ay maaalagaan nang banayad na banayad.

(Tumawag)

Hoy, kayo diyan, Mga Guwardiya!

(Pasok ang MGA GUWARDIYA.)

Mga Guwardiya, masdan ninyo ang inyong reyna!

(Lumuhod ang Mga Guwardiya sa harap ni Elisa.)

Mga Guwardiya, tumayo kayo at makinig sa aking mga utos.

(Tumayo ang Mga Guwardiya.)

Ang inyong reyna ay hindi gagawa ng kahit anong trabaho sa kastilyo. Narinig ba ninyo ako, Mga Guwardiya?

MGA GWARDIYA: (nakayuko) Narinig namin, Oh Hari!

HARI: Hindi kahit ng pagsusulid o paghahabi. Narinig ba ninyo ako, Mga Guwardiya?

MGA GWARDIYA: (nakayuko) Narinig namin, Oh Hari!

HARI: Ang mga iyon ang aking mga utos. Ngayon daluhan ninyo kami sa bulwagan ng piging.

(Kay Elisa na umiiyak.)

Huwag ka nang umiyak, munting reyna, nais ko lang ang iyong kaligayahan. Halika, ibigay mo sa'kin ang iyong kamay. Pupunta na tayo sa piging ng kasal.

(Lumabas sila, nagsisidalo ang mga Guwardiya.)


EKSENA IV

PANAHON: dalawang linggo pagkatapos; pagsikat ng araw

LUGAR: sa bukas na lugar sa labas lang ng tarangkahan ng bayan.

ANG MABUTI

ANG MASAMANG TIYO

ANG HARI

ELISA

KANYANG LABING-ISANG KAPATID NA LALAKI

ANG BERDUGO

UNANG MAMAMAYAN

PANGALAWANG MAMAMAYAN

PANGATLONG MAMAMAMAYN

PANG-APAT NA MAMAMAMAYN

MGA GUWARDIYA

(Pasok ang mga kulupon ng mga tao mula sa tarangkahan ng bayan. Pasok ang MABUTI mula sa gubat. Pasok ang MASAMANG TIYO mula sa tarangkahan ng bayan.)

MABUTI: (sa Masamang Tiyo) Bakit ang aga ng mga taong ito, ginoo?

MASAMANG TIYO: Huwag mo akong tawaging "ginoo."

MABUTI: Ano'ng sasabihin ko, ginoo?

MASAMANG TIYO: Sabihin mo, "Iyong Kataas-taasan."

MABUTI: Pero hindi ikaw ang Hari, ginoo.

MASAMANG TIYO: Malapit na ako doon, lola.

MABUTI: Hindi gayong kalapit, ginoo, tulad ng una, ginoo. Ayun ang bagong reyna, ginoo.

MASAMANG TIYO: Mamamatay na ang bagong reyna.

MABUTI: (naalarma) Mamamatay na?

MASAMANG TIYO: (tumango) Oo, dahil mangkukulam siya. Dinadala na nila siya palabas dito.

MABUTI: Pinapayagan iyon ng Hari?

MASAMANG TIYO: (tumango) Nalaman niya sa madaling panahon ang katotohanan tungkol sa kanya.

MABUTI: At ano iyon?

MASAMANG TIYO: Kung ano ang sinabi ko sa kanya nang una kong makita ang dalaga. "Mangkukulam siya," sabi ko, pero ayaw niyang maniwala.

MABUTI: Ano'ng nagbago sa hari?

MASAMANG TIYO: Ako ang siyang nakakita sa dalaga na pumuslit mula sa kastilyo isang hating-gabi. Sinundan ko siya; tuluy-tuloy sa sementeryo pumunta siya.

MABUTI: Sa sementeryo?

MASAMANG TIYO: (tumango) Pumasok siya--sumunod ako. Nakito ko siyang pumitas ng mga nakakatusok na kulitis na tumutubo doon.

MABUTI: Pero susugatan nila ang kanyang mga kamay. Hindi ba siya sumigaw?

MASAMANG TIYO: Wala siyang binitiwang tunog! Iyon ang magpapatunay na mangkukulam siya, kung wala nang iba pa.

MABUTI: Ay, mayroon pa, kung gayon?

MASAMANG TIYO: (tumango; nang mahiwaga) Sinundan ko siya pabalik sa kastilyo; patawid ng mga bulwagang marmol at pataas sa munting kuwebang silid. Nakita kong ginutay niya ang mga kulitis. Tapos nakita kong sinulid at hinabi niya ang linong ito para maging mahikang damit.

MABUTI: Pagpalain ako! Mahikang damit?

MASAMANG TIYO: (tumango) May sampu nila na nakabitin mula sa kisame.

MABUTI: Siyempre sinabi mo sa Hari?

MASAMANG TIYO: Nang magising ko siya, pero ayaw niya akong paniwalaan. Sinabi niya na may isang damit lang nang dalhin nila ang dalaga dito, at isa lang ang pwedeng mayroon ngayon.

MABUTI: Nagtrabaho siya sa gabi, kung gayon, habang natutulog ang kastilyo.

MASAMANG TIYO: Ang mga totoong reyna ay hindi nagtatrababo--hindi, hindi mapapagtrabaho. Alam ng lahat iyon.

MABUTI: Pero paano nalaman ng Hari ang katotohanan?

MASAMANG TIYO: Nahikayat ko siyang manood kasama ko ng sunod na gabi. Pagkahatinggabi lumabas ang reyna. Sinundan namin siya papunta sa sementeryo. "Tama na iyan," sabi ng kanyang Kamahalan, "mangkukulam siya at dapat mamatay."

(Nagmadali ang MGA MAMAMAYAN papunta sa tarangkahan.)

MGA MAMAMAYAN: (tumawag) Tingnan ninyo ang mangkukulam!

MABUTI: Paparating na ba siya?

MASAMANG TIYO: (tumingin) Oo, nasa loob lang siya ng tarangkahan. Nakasakay siya sa lumang kariton na hinihila ng matandang kabayo--tamang-tama lang para sa mangkukulam.

(Pasok ang HARI kasama ang mga tagapagsilbi at ang MGA GUWARDIYA. Nasa likod nila ang kariton. Sa kariton nakaupo si ELISA. Nagsusulid siya at naghahabi na hindi nagtataas ng tingin kahit isang beses.)

MABUTI: Ang putla niya! Pagpalain ako! Nagsusulid siya at naghahabi.

MASAMANG TIYO: Iyon ang panglabing-isang damit at iyon ang magiging huli.

MABUTI: Nagmamadali siya para matapos iyon!

(Tumigil ang kariton.)

HARI: (kay Elisa) Isang beses pa tinatanong kita,--Mangkukulam ka ba?

(Umiling si Elisa.)

Kung gayon isuko mo ang mga damit. Wala silang silbi kahit kanino.

(Umiling ulit si Elisa.)

MASAMANG TIYO: Pinapatunayan niyan na mangkukulam siya! Kung hindi, isusuko niya ang mga damit.

HARI: (kay Elisa) Isang beses pa,--Isusuko mo ba sila?

(Umiling si Elisa. Tumalikod ang Hari. Lungkot na lungkot siya; puno ng mga luha ang kanyang mga mata.)

UNANG MAMAMAYAN: (tumawag) Tingnan ninyo ang mangkukulam!

PANGALAWANG MAMAMAYAN: (tumawag) Tingnan ninyo ang kanyang mga mahikang damit!

PANGATLONG MAMAMAYAN: (tumawag) Punitin natin sila!

PANG-APAT NA MAMAMAYAN: (tumawag) Tara, Mga Mamamayan! Punitin natin sila!

MABUTI: (nakatingala; nagsalita sa tabi) Eto na ang Mga Sisne! Ngayon makikita natin ang makikita natin!

(May LABING-ISANG SISNE na pumanaog mula sa langit at dumapo sa kariton. Ang bawat isa ay nakasuot ng gintong korona.)

UNANG MAMAMAYAN: Atras, Mga Mamamayan, atras! Dumapo ang mga sisne sa kariton!

PANG-APAT NA MAMAMAYAN: Ano'ng pakialam natin sa mga sisne? Sulong, Mga Mamamayan!

UNANG MAMAMAYAN: Atras, sabi ko! Pinapalo tayo ng mga Sisne ng kanilang malalakas na pakpak!

PANGALAWANG MAMAMAYAN: Atras! atras, Mga Mamamayan! Huwag tayong lumapit sa kariton!

MABUTI: (tumawag sa mga tao) Dumating ang mga sisne para iligtas ang reyna! Palatandaan iyon mula sa langit na siya ay inosente!

MASAMANG TIYO: (nang galit) Tumahimik ka, lola!

(Humarap siya sa Berdugo.)

Berdugo, gawin mo ang iyong tungkulin!

BERDUGO: Umalis ka sa kariton, mangkukulam!

(Umiling si Elisa; kinuha niya ang mahahabang damit mula sa sahig ng kariton. Humarap ang Berdugo sa Masamang Tiyo.)

Ayaw niyang pumunta!

MASAMANG TIYO: Sunggabin mo--inuutusan kita!

UNANG MAMAMAYAN: Sunggabin mo! Sunggabin mo!

MABUTI: Tingnan ninyo, Mga Mamamayan, tingnan ninyo! Itinatakip niya ang mahahabang damit sa mga Sisne!

(Itinakip ni Elisa ang labing-isang damit sa labing-isang Sisne, na naging labing-isang munting prinsipe, pero ang pinakabata ay may pakpak ng sisne imbis na kamay, sapagkat ang huling manggas ay hindi natapos.)

UNANG MAMAMAYAN: Nakita ba ninyo iyon, Mga Mamamayan? Mga prinsipe sila! Iniligtas niya sila!

PANGALAWANG MAMAMAYAN: Hindi siya mangkukulam!

PANGATLONG MAMAMAYAN: Anghel siya mula sa langit!

ANG LABING-ISANG KAPATID: Mahal na kapatid na babae, iniligtas mo kami!

ELISA: Ngayon makakapagsalita na ako--Inosente ako!

PANGANGAY NA KAPATID: (sa Hari) Oo, inosente siya!

PANGSIYAM NA KAPATID: Anong hirap ang tiniis mo para sa'min, mahal na Elisa!

MGA MAMAMAYAN: (kay Elisa) Patawarin mo kami!

HARI: (kay Elisa) Patawarin mo ako! Hindi ko naintindihan.

MASAMANG TIYO: (nainis, pero nagtatangkang magtago niyon) At ako ay hindi nakaintindi, ako--

HARI: (nang matigas) Tumahimik ka!

(Sa Mga Guwardiya)

Dakpin siya!

(Dinakip ng Mga Guwardiya ang Masamang Tiyo.)

Dalhin siya sa mga bundok kung saan tumutubo ang mga nakakatusok na kulitis.

MASAMANG TIYO: Maawa ka! Maawa ka!

HARI: Hindi ka nagkaroon ng awa sa matapang na munting Elisa! Ngayon mamimitas ka ng mga kulitis para sa natitirang bahagi ng iyong buhay. Alisin siya, Mga Guwardiya!

(Inalis ng Mga Guwardiya ang Masamang Tiyo. Humarap ang Hari sa kanyang mga tagapagsilbi.)

Patugtugin ang musika! Ilabas ang gintong korona ng reyna!

(Kay Elisa.)

Paparangalan ka ng aking buong kaharian! Hindi pa nakakakita ang lupaing ito ng mas magandang bagay kaysa sa pagmamahal mo sa iyong mga kapatid.

MABUTI:(bumulong sa tabi) Kililing, mga kampana ng simbahan! Kumililing kayo sa inyong mga sarili!

(Ang lahat ng mga kamapana ng simbahan ay narinig na kumililing.)

MGA MAMAMAYAN: Pakinggan ninyo ang mga kampana ng simbahan! Kumikililing sila sa kanilang mga sarili!

HARI: Kumikililing sila para sa matamis na reynang ito na ang puso ay kasing-buti ng kung gaano kaganda ang kanyang mukha. Halikayo, Mga Mamamayan! Magpunta tayo sa kastilyo! Magpunta tayo sa bulwagan ng piging!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 29.2K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
4.3K 318 25
A virus has spread throughout the country. Angela, a girl of faith and dignity, must venture to find her missing love ones and to save her hometown f...
7.6K 855 64
"Ikaw ang nakikita ko, matagal nang panahon na ikaw na ang nakikita ko. Binabalewala ko lang dahil natatakot ako, natatakot akong iwanan mo rin ako a...
6.8M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...