Mga Dulang Pambata

By tinta_at_papel

19.8K 156 21

Salin sa Tagalog ng unang libro ng Children's Classics in Dramatic Form ni Augusta Stevenson, na nasa public... More

ANG MGA MANLALAKBAY AT ANG PALAKOL
ANG UWAK AT ANG SORO
ANG MANGGIGILING, ANG KANYANG ANAK NA LALAKI, AT ANG KANILANG ASNO
ANG BAWAT ISA SA KANYANG SARILING LUGAR
ANG GINAGAWA NG MABUTING LALAKI AY LAGING TAMA
ANG PUSA AT ANG DAGA
ANG BATANG BABAENG TUMAPAK SA TINAPAY
ANG MAPANGIT NA SISIW NA PATO
ANG MGA PULANG SAPATOS
ANG KWENTO NI ALI COGIA
ANG MAIILAP NA SISNE
ANG DALAWANG TAGAPROBINSYA
ANG LALAKI AT ANG BUWAYA
ANG KANTA SA PUSO
ANG PAGSUBOK NG EMPERADOR
CRISTOFORO COLOMBO

ANG MATANDANG LALAKI AT ANG KANYANG APO

3.5K 17 5
By tinta_at_papel


PANAHON: ngayon.

LUGAR: bahay ng isang LALAKI.

ANG LALAKI.

ANG KANYANG ASAWA.

ANG KANILANG ANAK NA LALAKI--SI MUNTING HANS.

ANG LOLO.

(Nakaupo sa mesa ang LALAKI, ang kanyang ASAWA, si munting HANS, at ang LOLO habang nagtatanghalian.)

LALAKI: Mag-ingat ka, ama! Natatapon ang sopas sa iyong damit.

LOLO: (magsisikap na patigilin ang panginginig ng kanyang kamay) Oo, oo, mag-iingat ako.

(Isang sandali.)

ASAWA (nang galit) Lolo! Natapon mo ang sopas sa aking malinis na mantel!

LOLO: (mapapahiya) Naku po! Naku po!

(Isang sandali.)

LALAKI: Heto, ama, ang iyong plato ng karne.

(Kukunin ng matanda ang plato, pero mahuhulog niya iyon.)

ASAWA: (nang galit) Ayan,  ayan! Tingnan mo ang nagawa mo!

LOLO: Nanginig ang aking kamay--patawad--patawad!

ASAWA: Hindi niyon maaayos ang plato!

MAN: Ni maibibili ng bago!

ASAWA: (sa Lalaki) Dapat siyang kumain sa mga platong kahoy.

LALAKI: (tatango, magtuturo ng platong kahoy) Iyon ang ibigay mo sa kanya para sa kanyang karne.

(Magbubuntong-hininga nang malungkot ang Lolo. Kukuha ng platong kahoy ang Asawa para punuin iyon ng karne. Aalis sa mesa si Munting Hans para paglaruan ang kanyang mga bloke sa sahig.)

ASAWA: (lalapit para ibigay ang plato sa Lolo.) Heto ang isang hindi mo mababasag. Lumipat ka at umupo sa sulok sa likod ng hurno. Doon ka na kakain mula ngayon. Hindi ako makakapayag na mamantsahan ang aking mga mantel--hindi ako makakapayag!

(Kukunin ng Lolo ang kanyang platong kahoy at pupunta sa upuan sa sulok sa likod ng hurno. Mapupuno ng luha ang kanyang mga mata.)

LALAKI: Halika, munting Hans, at ubusin mo ang iyong pagkain.

ASAWA: (lilingon kay Hans) Diyos ko! Ano ang ginagawa mo, anak?

HANS: Isang labangang kahoy para sa inyo ni ama para kainan ninyo kapag lumaki na ako.

(Magtitinginan ang Mag-asawa; lilipas ang isang sandali.)

LALAKI: (makikitaan ng hiya) Gagawin niya sa atin ang ginagawa natin kay ama!

ASAWA: (iiyak) Tama lang sa atin iyon!

LALAKI: (nang magiliw) Ama, itapon na po ninyo ang platong kahoy na iyan sa bintana. Nahihiya ako sa nagawa ko; patawarin po ninyo ako!

ASAWA: (nang magiliw) Ama, bumalik na po kayo sa mesa. Nahihiya din po ako. Patawarin po ninyo ako, mahal na ama.

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
1.4M 57.2K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
869 178 44
"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubos akalain ni Solana na mahuhulog ang loo...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...