MOMENTUM (Book I of Momentum...

Bởi nikkisushi

79.8K 1.8K 186

Selene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seeks vengeance about her mothe... Xem Thêm

Chapter 1: Attempted
Chapter 2: Danger Zone
Chapter 3: Case Closed
Chapter 4: The Annoying Newbie
Chapter 5: A Mysterious Shadow and The Detectives
Chapter 6: Logics and Prizes
Chapter 7: A Drug Case (Meeting Florence Albert and the Identical Twins)
Chapter 8: Missing Files
Chapter 9: Halloween Party
Chapter 10: Unknown Number
Chapter 11: Captivated
Chapter 12: Quarantine
Chapter 13: Quarantine 2
Chapter 15: Her Impenetrable Father
Chapter 16: Who's the Culprit?
Chapter 17: Classified
Chapter 18: A Puzzle Piece
Chapter 19: The Visitors
Chapter 20: Home
Special Chapter: His Not So Good Adventures
Chapter 21: His Twin and a Commotions
Chapter 22: Threatened
Chapter 23: Creepy House
Chapter 24: Her Old House and Memories
Chapter 25: Kris Johnson
Chapter 26: The Exchange Student
Chapter 27: Calculated
Chapter 28: Gettin' Involve
Chapter 29: Who Will Be My Date?
Chapter 30: Identity
Chapter 31: Knowing Tan and A Bit Of Dance
Chapter 32: Behind the Camera
Chapter 33: Lost Memories and the House
Chapter 34: A Glimpse of Voldemort
Chapter 35: Kidnapped
Chapter 36: Chasing the Game
Chapter 37: Big Shots
Chapter 38: Confusions
Chapter 39: The Man Behind and The Bullet
Chapter 40: Getting Normal
Chapter 41: Seeking Answers
Chapter 42: Reality Slaps
Chapter 43: Hidden Memory
Chapter 44: Closer
Chapter 45: Into the Beginning
NOTE
MOMENTUM (Book 1): The Spin-off
Momentum Book I Spin Off: The Characters

Chapter 14: Idiosyncratic Welcome

1.2K 28 2
Bởi nikkisushi

***

Chapter 14: Idiosyncratic Welcome

"Welcome to Germany, welcome to Team Idiosyncratic!"

Nakatulala pa rin ako habang ibinibigkas iyon ni Hans sa harap namin. Ibig sabihin kasama nga siya sa kanila. Bakit di ko man lang naisip kung bakit halos kabisado niya ang kasulok-sulukan rito? Still, mahina pa rin ako hindi tulad ni Min. 

"Huh! Kaya pala ang dali-dali na lang ni Charity na masagutan ang puzzle because it was all planned."

Napatingin ako sa aking kapatid, sa aming tatlo siya lang ang may lakas ng loob na magsalita. 

Ngumisi ang sinasabing Ma'am ni Hans sa akin. 

"You know we didn't expect that someone like you like a fragile one could discover our works. And you can be one of us." wika nito.

Ano raw? One of them?

Lalapit na sana sa akin ang babae nang humarang ang dalawang lalaki na kasama ko sa harap. They're covering me.

"Ang kapal naman ng mukha niyo at naisipan niyo pang isali ang kapatid ko sa walang kwenta niyong Team! You destroyed our first 3 days here."

Ngayon parang nakikita ko si Kuya bilang kapatid ko. Ngumiti naman ang Piloto at nanatili pa rin ito sa kinatatayuan niya. 

"Hindi niyo natanong kung bakit tatlong klase ng bagay ang naging clue? It was because tatlong suspect lang ang sumagi sa isip mo, diba bata? Sa simula pa lang alam na naming walang makakatuklas sa ginawa namin, but I know there is always a one person in a million of people could decipher the code. And it's you." usad nito na sinangayunan ng tatlong kasama maging si Hans. 

"Ano bang motibo niyo huh?" seryosong bigkas ni Yuan na bawat salita ay may diin. 

Umabante ng kaunti ang stewardess mula sa kinatatayuan nito.

"We are recruiting a new members. At kulang na lamang kami ng isa. Actually Hans was our new recruit, nung monday lang."

Tumingin ako kay Hans. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit ginantihan niya lang ako ng isang matamis na ngiti. 

"But you had solved it. At first pa lang doon sa may cr na naharang kita, I know you will be one of us, someday. At ito na yun, it begins here." wika naman ng stewardess sa akin. 

"Ano bang klaseng grupo meron kayo huh?!" singit ni Yuan.

Wala man lang lumalabas sa aking bibig. Nagmistulang nakaipit ang aking dila sa lalamunan.

"Idiosyncratic means a specific-unique individuals. Ano nga ba ang motibo namin kung bakit gumagawa kami ng ganito? Maraming sikreto ang bansang ito na hindi niyo alam. Napakagulo ng mga tao rito dahil sa pamumuno ng Chancellor namin, hindi nila binibigyan ng magandang buhay ang nasa low class tulad namin at mas pinahahalagahan lang nila ang nasa upper at middle class. They are selfish." salaysay ng sinasabing Uncle ng bata. 

Base sa salaysay at ang uri ng pagbigkas niya sa bawat salita na may diin, he really mean it.

"Ibig niyong sabihin ay mga rebelde kayo ng bansa?" wika ng aking kapatid.

"We're almost there." sagot ni Hans.

Ibang-iba siya kanina sa ipinapakita niya ngayon. Napaisip ako saglit, kung sa tingin nilang wala silang lugar sa bansa base sa katayuan nila, bakit hindi nila ipagbigay alam sa pinuno nila?

Kagaya ng mga NPA sa Pilipinas. Minsan nga napagtanto ko, bakit kailangan pa nilang magrebelde kung kaya naman nilang gumawa ng paraan para magkaroon sila ng katayuan sa bansa sa maayos na paraan. I really did not get their irrational thoughts.

"Kahit anong sabihin niyo ay hinding-hindi ako sasali o sasama sa grupo niyo." mula sa tikom kung bibig ay sa wakas ay nailabas ko na ang dapat sabihin.

Kapansin-pansin sa mga mukha nila ang hindi pagkabigla, siguro nga'y inaasahan na nila ito. 

"We know you will not accept this but if ever." wika ng piloto at may kinuha sa bulsa.

CALLING CARD. 

"Just call this number." puna nito.

Pinagmasdan ko lang ang card, but I was shocked nang iniabot ito ni Kuya. I glared at him.

"As a respect." wika nito.

Napabuntong hininga na lang ako. Unti-unti na silang tumalikod at nagsimulang maglakad palabas. 

"Wait!" sigaw ko. 

Lumingon si Hans sa akin.

"Totoo bang may rabis talaga ang mga pasahero?"

Lumingo ang bata as disapproval. 

"It was just a drug na nakaaapekto sa kilos ng katawan ng isang tao at mismong kokontrol sa katawan nila. But at this moment, they'll be back normal na parang walang nangyari." wika nito.

Tumalikod na ito ngunit bago pa man sila nakaalis ay humirit ang sinasabing mama ni Hans na pumukaw sa aking atensiyon. 

"Yes, you are a genius young detective, but still you can't find the reason for your pains that you've suffered for a long time until now." wika nito at tuluyang nawala sa paningin ko ang limang nilalang.

Nasa labas na kami ng airport at naghihintay sa sasakyang pinadala ng aking ama raw. 

Parang normal lang ang lahat na parang walang nangyari kanina. Marami ng mga tao at pasaherong naghihintay ng sasakyan tulad namin. It's October. It means malamig ngayon.

Si Yuan naman nandito pa rin kasama namin. Makikisabay raw sa amin. Sa Berlin ang punta namin at taga-Berlin raw ang Kuya niya na nagbabakasyon rito so sasabay na lamang siya sa amin na sinang-ayunan naman ni Kuya. Wala naman akong magagawa at isa pa naging kaibigan ko na rin siya dahil kanina. 

"Yes, you are a genius young detective, but still you can't find the reason for the pains that you've suffered for a long time until now."

"Yes, you are a genius young detective, but still you can't find the reason for the pains that you've suffered for a long time until now."

"Yes, you are a genius young detective, but still you can't find the reason for the pains that you've suffered for a long time until now."

Hanggang ngayon patuloy pa rin na nagrereplay sa isipan ko ang sinabi ng babaeng iyon sa akin. Fudge. Samahan pa ng pagkikita namin ng Daddy ko for almost 3 years na nawala siya sa tabi namin. 

"Selene!" napakurap ako sa sigaw ni Yuan. 

Napakaingay kahit kailan. 

"Ano?!" naiirita kong wika sa kanya sabay pamimilog ng aking mata. 

"Nandiyan na ang sasakyan." wika nito. 

Napalingon ako sa itinuro niya, at doon nakaupo na si Kuya sa harap katabi ng driver's seat. 

Napabuntong hininga na lang ako. 

"Ihr noch schön, obwohl Sie hatte, dass beängstigend Gesicht [You're still beautiful though you had that scary face]." narinig ko pang bulong ni Yuan.

Tsk, eh di siya ng magaling sa german.

"Let's go." naramdaman kong may nakahawak na sa aking kamay.

Napalingon ako kay Yuan na nakangiti sa akin. Suck!

Uminit bigla ang pisngi ko. Habang nasa biyahe kami ay nararamdaman kong mas lumalapit sa akin si Yuan. Ano bang trip nito. 

"M-Malamig." utal-utal nitong bigkas. 

Hinawakan ko ang noo niya. Crap!

"May lagnat si Yuan, Kuya!" sigaw ko. 

Inaalog-alog ko si Yuan. 

"Hey, kailan pa ito huh?!"

Imbis na sagutin ang tanong ko ay nginitian lang ako ng lalaki. 

"Dito ka lang. Matutulog ako." wika nito.

Hindi na ako muling nagsalita at tinitigan lang siya sa buong biyahe. 

Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako hanggang sa naramdaman kong may puminghot sa aking ilong. 

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata. Nakita ko kaagad ang asungot na Yuan habang nakangiti pa rin. 

"Oh. Nandito na tayo sa bahay niyo, ang laki pala ah?" wika nito at inikot ang tingin sa paligid. 

Napalingon ako sa tapat, may malaking gate na may nakalagay na "Herzlich Willkommen."

"Hey, anong ibig sabihin niyan?" usad ko kay Yuan.

"It's welcome." sagot nito at binuksan na ang sasakyan.

Lumabas na rin ako. I stared at the house.

Sobrang laki na parang mansion na talaga,  may fountain sa gitna habang may malaking daanan papunta sa pinto ng bahay. Napansin ko ring may malaking garwahe na may kulay blue na bakod.

Habang may estatwa ng isang babae na sa tingin ko ay si Cleopatra na nasa gilid ng maliit na maze. Maze? May maze rito?

Crap! Para na talagang mansion.

"Pumasok na tayo. Hinihintay na tayo ni Ama." narinig kong wika ni Kuya.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa dibdib.

Makikita ko na muli ang aking Ama.

My father has full of secrets. My father left us for almost 6 years para lang tumira rito sa Germany.

Ano nga ba ang dahilan niya?

***

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

354K 8.8K 44
Isang lalake na namulat sa masilamuot na lipunan kung saan ang mga militar ang nagpapatakbo ng lungsod na kanyang ginagalawan. Isang lalake na naapek...
18.9K 406 24
A group of Seven Students who has the same interest in the world of mystery. At first they'll see each other as a competencies but little did they kn...
6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
3.1K 737 20
[ An epistolary novel ] Dear Mr. Villamor, I think your daughter stole my heart-literally "stole" my heart, sir. --- (Complete)