Baby & Love? (COMPLETE)

AthenaShih által

135K 2.6K 106

Kay Ziggy pansamantalang ibinilin ng kanyang Ninang Amor ang bahay nito sa isang sikat subdivision sa Quezon... Több

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 1

27.1K 378 9
AthenaShih által

"What the F!! Are you making fun of me? Tell me where you're from you little lame-brained cretin and I will go just right where you are and make you regret you were even born in the same galaxy as me. What a useless line this is! Making people pay and just tell them to wait for action right after your report? What is this shit huh? This is bull you know that! This is really really bull, youre a sucker! You all suck!..." Nanggagalaiting sigaw ng lalaking kanyang kausap sa kabilang linya. Kahit na nga naaaliw sya sa mga callers na may British accent, this one made a history with her.

Inilayo ni Ziggy ang headset sandali sa kanyang tenga dahil pakiramdam nya ay sasabog na ang kanyang eardrums. She is very feisty and very tactful herself kaya mahirap para sa kanya na sipilin ang sarili para hindi sagutin din ng pabalang ang mga walang modo nyang mga callers.

"I'm sorry sir, but it is an SOP for our company to track down-"

"Shut up you bunghole! Im not going to let you get away with this one. I am going to sue you, loser! I am going to sue you and your dummy company, you understand that?! Huh? You got that?!" He continued hollering like a mad dog.

Pinaypay nya ang kanang kamay sa kanyang mukha para kahit na papano ay makakuha ng hangin mula doon at madagdagan ang tila ba nauubos nang hangin sa kanyang kinaroroonan sa tindi ng kanyang pagpipigil sa sarili kahit pa naka turbo ang aircon nila.

Na para bang nasa harapan lang nya ang kausap ay ngumiti siya at humugot ng napakalalim na hininga.

"Alright sir, thank you for calling Global Solutions hope we have had served your concern. And we'll be very much glad to assist you again should you need our services once more. Have a good day and may god bless you" At nanginginig ang mga kalamnan na pinindot nya ng mabilis ang log-out button.

And because she didnt really mean those parting words ay medyo pumiyok pa siya sa kalagitnaan ng pagsasabi ng mga salitang yun.

Minsan nga ay gusto na nyang magsisi at nag call center agent pa sya, biruin mo naman kasi ang masigawan at mamura na hindi pa nagagawa ng kahit na sino sa buhay nya ay naranasan nya dito. Graveyard shift pa sya lagi kaya wala na syang social life dahil alas singko ng umaga na sya kung umuwi na para nang lantang gulay at tulog agad ang hanap nya. Sinasabi ng iba nyang mga kasama na mas nauna sa kanya ay sanayan lang yan, but her body clock would never get used to it kahit na halos isang taon na sya sa routine na ito.

Kundi lang talaga mas malaki ang kita sa trabaho nya ay matagal na syang nag resign.

Sinasabi man ng ilan na dapat ay iwan na nya ang kanyang trabaho at mag concentrate nalang sa pagpractice ng kanyang natapos na kurso ay hindi naman nya magawa dahil sa maliit lang ang suweldo doon at hindi sasapat na pambayad sa mga utang nila na mula pa nung nag-aaral sya, at sa pang-araw araw na pangangailangan pati na sa kanyang dalawang nakababatang kapatid na nasa elementary at highschool na.

She is a registered nurse, and her ultimate goal was to be able to work abroad. Buti sana kung madali lang mag abroad, kaso ay kailangan din ng pera para dun. Kailangan din ng atleast two-year hospital experience pero ang nakakasama ng loob ay sa dami nilang nursing graduates na nag-aagawan sa puwesto sa hospital ay madami ang hindi na natatanggap and she was one of those unlucky people. Yung iba nga ay nagvovolunteer nalang para lang magka-experience, one thing she can't afford dahil makokompromiso naman ang pangangailangan nila.

Her family is not that fortunate, meron lamang silang maliit na palaisdaan at gulayan sa Laguna that is just enough para panustos sa pag-aaral at pagkain nila.

Nursing is quite an expensive course, kaya nagkanda utang-utang parin sila para lang maka gradwar sya. Na nasasayang lang dahil hindi din naman nya napa-praktis.

Pero kahit abot-abot na lait, paninigaw at mura ang inaani nya sa pagiging Customer Service Representative ay naging malaking tulong naman ang sweldo nya dito sa kanilang pamilya. Kaya hindi nya maiwan-iwan ang kasalukuyang trabaho.

Nakita nyang umilaw na ang electronic alarm clock nya sa kanyang desk. Indicator nya yun sa break time at uwian time. At uwian na nga kaya madali nyang niligpit ang mga gamit at hinablot ang kanyang malaking see-through bag pati narin ang kanyang pillow.

Tumayo sya at nakasabay sa pagtungo sa lobby si Ana na kababata naman nya sa Laguna and was the one na nagrecruit sa kanya dito sa Global Solutions. Ana was unable to go to college dahil hindi din nila ma-afford kaya ito maagang nagtrabaho. Kasamahan din nya ito sa dating boarding house na tinutuluyan nya.

"You definitely looked like you are in a good mood, tell me another loving caller?" Nanunuksong tanong nito.

Busangot ang mukha na idiniin nya ang kanyang point finger sa kanilang finger scanner para mag sign-out.

"Oo ang bait nga ng huling caller ko, gusto ko na ngang kunin na sya ni Lordy." She hypocritically said while making faces.

Natatawang siniko sya nito dahil meron silang mga seniors na nasa likod nila at bawal ang magtagalog hangga't nasa loob pa sila ng building dahil ginawa nilang English Speaking Zone ang buong lugar.

"Just get over it friend. Ikaw din ang lugi nyan, papangit ka pa sa kakasimangot mo dyan. Hindi na ikaw ang Camilla Belle ng Pilipinas." Nakangiting pang-aaliw sa kanya ni Ana nang makalabas na sila ng building.

Napailing sya, "Whatever!" At pinaikot ng 180 degrees ang mga eyeballs. "Sige na, may tricycle na oh. Diretso uwi ha." Natawa lang ito't sumakay na nga sa nakaabang na tricycle.

Dumaan muna sya sa isang 24-hour coffee shop sa tapat mismo ng building ng kanilang kompanya. Sa dalas nya doon ay naging kaibigan na nya ang ilan sa mga empleyado dun pati narin ang may-ari ng shop na kaedad lang din nya.

"First fave, second or third?" Tanong ni Perry na counter person doon.

"Second," She smiled at him, kasi na-memorize na nito ang mga madalas nyang i-order na pairs, ang fist fave nya ay ang kanilang Brownies and Cappuccino topped with cinnamon, ang second fave nya ay Egg Bread & Hot Choco and her third fave ay Leche Flan at Macchiato with no-sugar.

Matapos nitong i-prepare ang kanyang order ay inilagay na nito sa tray. Nang hawakan na nya ang tray ay may pahabol pa itong inilagay sa kanyang tray, isang libro.

"Pinabibigay nga pala ni Maam Rachel, brainstorming daw kayo pagkatapos mong basahin." Sabi nito.

Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, bigla pagkakita nya sa libro ay gumaan ang kanyang pakiramdam. She is a bookworm, and she found another bookworm in the person of Rachel Leigh Salcedo, ang may-ari ng coffee shop na ito.

In her first month in the company ay ginawa nyang library ang shop. Then Rachel approached her, she asked about the story of the book she's reading because a friend suggested that book to her and so on. Then they started talking and comparing about all their favorite books and the books that they have read, they exchanged views and perceptions and more. They were fast friends, iniimbita na sya nito na mag malling para sabay na mamili ng books at iba pa.

Pumunta sya sa favorite spot nya sa shop, nasa pinakadulo yun at bagama't it was the last table papunta ng CR ay hindi naman mabaho. She liked it there dahil feeling nya ay mas malambot ang cushion sa upuan doon at kita pa nya ang kabuuan ng shop mula roon.

Inilagay nya ang lagi nyang dala-dalang pillow sa likod nya and started reading. And when she starts to read, she starts to forget the world around her.

Nakakailang pahina na sya at nae-excite na sya sa story when suddenly she felt uncomfortable. Hindi nya maintindihan kung bakit parang merong nakatingin sa kanya.

Disturbed, she put down the book and looked around. Hindi nga sya nagkamali, a pair of really dark eyes was watching her. Pakiramdam nya ay nanindig ang balahibo nya sa klase tingin ng lalaking nakaupo ngayon three tables apart from her. And because napaka-aga pa nga naman at may kadiliman pa sa labas ay iilan pa lang ang mga customers. The tables in between them were unoccupied kaya the man had no barrier upon what he was doing that was unconsciously making her uncomfortable.

Isang ngiti ang pinakawalan nito na kamuntik nang ikahulog ng aklat na hawak nya dahil biglaan ay parang nawalan ng lakas ang kanyang mga kamay.

Shocks! Ang lalim naman ng mga dimples nya sa magkabilang pisngi!

Gusto na tuloy nyang kunin ang kanyang cellphone na may camera at picturan ito saka ipagmayabang sa lahat ng mga kakilala nya na tinitigan sya nito at nginitian pa!

Ang gwapo naman nya, para syang bida sa mga nakikita nya dating mga latin dramas.

She tried to pretend that he does not have that impact on her kaya she went back to reading. But she can't ignore his presence anymore, kahit na kunyari ay nakatutok sya sa pagbabasa ay sa sulok naman ng kanyang paningin ay minamasdan nya ito.

Nang bigla na lamang ay may bumangga ng malakas sa kanyang mesa na naging dahilan para matumba ang kanyang inorder na kape at kumalat yun sa buong mesa.

"Ooppsie akala ko kasi walang tao." Maarteng sabi ng isang babae.

Naiiritang tiningala nya ang babae at tiningnan mula ulo hanggang paa. Gusto nyang mahintakutan sa hitsura ng babae, ang ginaw-ginaw at naka micro-mini skirt ito! Ang strapped dress nito na super plunging na ang neckline ay pinatungan lang nito ng sweater na hindi naman isinara para ibalandra ang napakalaki nitong boobs.

"Now you see na meron naman pala, dont I deserve an apology?" Naiinis na tanong nya sabay bigay dito ng isang plastic na ngiti.

Tumawa lang ito na parang kinikiliti ng demonyo at yumuyugyog pa ang dibdib nito na halos mag-alpasan na sa pagluwa, at gusto din nyang tirisin na ito ngayon dahil biglaang sumakit ang tenga nya sa tinis ng boses nito.

"You dont even look that sorry naman eh. Pasalamat ka pa nga at sa mesa tumilapon ang kape mo." Nakataas na ang kilay na sinabi nito.

"Abat!-" Tumayo sya para magpantay sila. She's really pissed now. "Dont be such a loggerhead now Miss, just say those words and I'll let you pass." Inilapit pa nya ang mukha dito. Umasim ang kanyang mukha, she smelled alcohol from her.

"Hindi mo ako mapipilit Ms. Flirty." Tinalikuran sya nito and even flipped her hair, sumampal pa sa pisngi nya ang buhok nito.

Iniharang nya ang kanyang kanang paa kaya napatid ito at natumba sa sahig, bigla ay may lumabas mula sa bibig nito. Ang postiso pala nito na nahulog sa sahig at mabilis nitong kinuha at binalik sa bibig.

Namilog ang mga mata nya at natakpan ang bibig para hindi matawa, pero natawa na nga ang ilang crew na nakakita.

Mabilis na tumayo ang babae at binalikan sya sabay sabunot sa kanya.

"You bitch!" Sigaw nito. She was surprisingly really strong, kahit pa halos magkasing-katawan lang naman sila. Mas malaman nga lang ito ng konti. "Ang landi landi mo! Bwisit ka!"

"Mas lalo ka na!" Syempre hindi sya papaapi ano. Ano sya, sinuswerte? She's not the type who gets angry but suffer in silence. She gets even!

Sya naman ay pinipilit na tanggalin ang kamay nito sa kanyang buhok na naka ponytail kaya madali nitong nahawakan lahat. She tried to reach for her hair too and when she successfully did ay ubod lakas din yong hinila na ikina-tili nito.

Parang may isang kamay na bakal ang humawak sa kanyang braso at sa braso ng babae at inilayo sila sa isa't-isa.

"Both of you, stop it!" Sabi ng boses na nang tingalain nya ay ang lalaki palang yun na kanina ay nakatingin sa kanya. "Stop making a scene here Hannah." Banta nito sa babae.

"Shit Dylan! This was all because of you! This wench was obviously trying to get your attention! She's flirting with you!" Hiyaw ng babae.

Nanlaki ang kanyang mga mata at pakiramdam nya pati butas ng ilong nya sa sinabi ng babae.

"Hoy! Excuse me? I wasnt flirting with your boyfriend." Ratsada na sana nya nang magsalita ang lalake.

"No, shes not my girlfriend." Deny nito at nginitian pa sya.

"Sshh.." Pagpapatahimik nya sa lalake at inilagay ang kamay sa pagmumukha nito. "I wasn't even trying a single bit to get his attention kaya please lang wag kang mag-imbento." Pinandilatan nya ito.

"Ah! Talaga? Feeling mo ang ganda-ganda mo na nyang lagay nayan? Hoy! Para sabihin ko sayo, mas gusto ni Dylan ng mga mapuputi kaya laos yang maitim mong skin sa taste nya!" Panlalait nito sa kanya na itinaas pa ang kamay nito at hinawak-hawakan ang legs. She stared at her head to foot. "Do you even scrub? Mukhang makapal na yang libag mo." At tumawa ito ng tumawa. "Pwe!" Maarteng iwinasiwas ang kamay nito.

"Hoy! Hibang na pumuti sa gamot! Yang talsik mo lumalaway! At please lang, it's smelling." Nandidiring panunuya nya.

"Hoy ka din! I maintain an expensive soap, kung naiinggit ka dahil sa sobra mong kaitiman kainin mo nalang ang sabon at baka tumalab pa."

Pakiramdam nya ngayon ay nagbabaga na sya sa sobrang init ng kanyang dugo sa walang modong babaeng to!

"Baka may cataract ka lang at kailangan mo nang magpa-opera. Itim ba ang tingin mo dito?" Idiniin pa nya sa pagmumukha nito ang kanyang kamay. "In case you may have become color blind. I have a caramel skin! And I need not to do any hocus focus para lang mas pumuti pa because I am not INSECURE! You might even need to go back to kinder garten and start learning colors, and then numbers... and then manners." She let out a devilish smile. "Oh and brushing..." Nag-demonstrate pa sya ng proper brushing sa harap nito and then she laughed out loud at pakiramdam nya ay nasasapian na sya sa mga sandaling yun.

Nakita nya ang sobrang pamumula ng mukha ng babae at aktong susugurin na naman sya nang pigilan na ito ng lalake.

"Stop it, Hannah. You're drunk. Wag mo nang ipahiya pa ang sarili mo." At sya naman ang hinarap nito.

This time, she was now actually seeing his face a lot clearer. Napaka good looking talaga nito at ang tangkad pa.

But her day was already ruined. Mabilis na kinuha nya ang kanyang bag, pillow at ang aklat saka ay tinalikuran ang mga ito.

"Are you okay, Ziggy?" Pahabol na tanong ni Perry nang papalabas na sya ng pinto.

"Gusto kong maging okay Perry kaya aalis nalang ako," sabi nya at lumabas na.

Kung hindi naman pala nya girlfriend yun eh bakit ganun kung maka react yung babae? Nakuuu! At dinamay pa sya sa mga trip nila!

"Hey! Wait!"

Napalingon sya at napatda nang makitang hinabol sya ng lalake sa may parking lot ng coffee shop. Meron kasing shortcut sa likod nun na kung saan merong mga tricycle na pwedeng maghatid sa kanya sa bago nyang tinitirhang subdivision ngayon.

"Bakit?" Nakakunot-noong tanong nya.

"I just wanna say sorry about what happened back there, Hannah was just really drunk." Ang sabi nito.

Tumango-tango sya, "Napaka-overacting naman ng girlfriend mo, sa susunod talian mo yun para walang madisgrasya. Pasalamat sya at nakakapag hunusdili pa ako." May kasama pang pandidilat na sabi nya dito.

"Shes not my girlfriend." Sabi nito.

"Riiiight," natatawang sabi nya na wari ay hindi ito pinaniniwalaan.

"Im not kidding."

Tiningala nya ito na titig na titig sa kanya.

"So lets say you are not kidding. What now?" She asked, not knowing where they are heading to.

Isang nakakalokong ngiti ang binigay nito sa kanya.

"What do you mean what now?" Balik-tanong nito sa kanya.

"Nevermind." Nalilito na talaga sya dito, isa pa ay halata namang playboy and lalake.

Tumawa naman ito.

"Oh come on, I know those looks. I know those stare of yours. It means something, and I can get rid of Hannah right away if you are worrying about her." Kinindatan sya nito.

Halos mag-abot ang dalawa nyang kilay sa tindi ng kanyang pagkakakunot-noo.

What is this brute trying to say?

Bigla ay hinapit sya nito.

Nagulat na sinubukan nyang itulak ito.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako."

"Oh? I like that style, playing hard to get huh." Sabi nito at may pilyong ngiti sa mga labi.

Imbis na layuan sya nito ay naramdaman nya ang kamay nitong pumipisil sa kanyang kanang pwet! Sa laki ng kamay nito ay sakop na sakop nito ang isa nyang pang-upo!

Madali nya itong itinulak ng ubod lakas at saka inundayan ng suntok sa mukha.

Sa impact nun ay napaatras nga ito at hinawakan ang pisngi na tinamaan. He looked at her na gulat na gulat ang hitsura sa ginawa nya.

"What's that for?" Tanong nito.

At hindi pa nakuntento at nilapitan ito at tinapakan ang paa nito na ikinahiyaw nito ng sobra.

"Shit!"

Gustong-gusto talaga nya itong bugbugin sa pambabastos nito sa kanya.

Hinawakan nya ang pwet ko! Ang damuho!

"You beast! Walanghiya ka! Bastos ka! Anong tingin mo sa akin ha? Haliparot?" Nilapitan pa nya ito at pinagsusuntok. "Wag ka nang magpapakita pa sa akin manyak ka kundi buburahin ko yang pagmumukha mo!" She screamed at his face. Hindi pa talaga nakontento sa sobrang panggigigil nya ay marahas pa nyang hinila ang buhok nito. "Urgh! Bwisit ka!"

And then she ran away as fast as she could.

Nagpupuyos ang kanyang damdamin sa naramdamang pambabastos ng lalaking yun! Gwapo pa naman sana!

Ang pwet ko!

Wala pang ibang kamay ang nakakahawak sa mga napakapribadong parte ng kanyang katawan simula't sapol. Inalagaan nya ang sarili habang hinihintay nya ang tamang lalake para sa kanya at ang pinakahinahanap nya sa isang lalake ay yung may respeto sa babae!

At mukhang wala ni katiting na ganun ang hinayupak nayun!

Nanginginig na sumakay sya sa tricycle. At huminto sa front gate ng Green Meadows Subdivision.

Nakakatatlong gabi na sya sa bahay na tinutuluyan nya ngayon. Before her Ninang Amor went to Canada para pansamantalang tumira sa anak nito doon at makasama narin ang kanyang apo ay sinadya nito ang kanyang mga magulang sa Laguna para sabihan na sya ang gusto nitong tumao muna sa kanyang bahay pag alis nito.

Sampung taon nang byuda ang kanyang Ninang Amor at 3 years palang mula ng mabili nito ang bahay nayun sa Green Meadows, and prior to that she was originally from their neighborhood sa Laguna and their family was really close dahil mag bestfriends ito at ang kanyang ina. Alam din nito na malapit lang din sa subdivision ang kanyang pinagtatrabahuan kaya sya agad ang naalala nito.

Last week nga ay kasama pa sya sa naghatid dito sa airport. Ayon dito ay sya nalang ang bahala sa tubig at kuryente, at syempre ay okay na okay na sya dun kesa naman sa dati na pati renta ay kanya.

Anim na buwan lang si Ninang Amor doon. Pero ayon dito ay pupwede pa daw itong ma-extend.

Pumasok na sya sa may gate, tinanguan lang sya ng guwardya na nagbabantay. Ipinakilala na kasi sya ng kanyang Ninang sa mga gwardya bago ito umalis para hindi na sya usisain ng kung anu-ano. From the front gate ay mga five blocks pa ang kanyang nilalakad para makarating sa bahay, but she enjoyed walking kasi she treats it as an exercise narin at saka gustong-gusto nyang tumitingin sa mga nadadaanang bahay na sobrang magaganda talaga. Unlike other subdivisions na halos pare-pareha ang mga structure ng mga bahay, dito ay iba-iba talaga, dito din ay iba-iba ang sizes ng mga bahay, meron pang family, pang solo, pang malaking family, merong bungalow style, meron naman syang nakitang parang mansion at marami pa. Ang sa kanyang Ninang naman ay parang bungalow style.

But today was different dahil sobrang pambabastos ang kanyang natanggap mula sa trabaho at pati narin sa favorite place nya.

Nang makarating sa bahay ay pumunta agad sya sa refregirator at uminom ng napakalamig na tubig.

Nakaramdam sya ng gutom. At naalala na naman nya ang nangyari kanina. Ni hindi man lang nya nagalaw ang inorder nyang Egg Bread dahil umiksena agad ang nakakalokang babaeng yun!

Bagay talaga sila ng Brutos nayun! Pareho silang mga walang modo, walang kwenta!

Urggghhh! Nailakumos nya ang mga kamay sa mukha at pagkanaka ay muling tumayo at sumilip sa ref at pati sa cabinet.

Wala nang pagkain sa ref at cabinet, naalala nyang hindi pa nga pala sya nakakapag grocery. Ang stock lang pala ni Ninang Amor na naiwan ang kanyang ginamit for the last three days ng pananatili na nya dito.

Pumunta sya sa kanyang inuukopang kwarto.

"Chinnie!" Tawag nya sa alagang Chihuahua. Chinnie kasi isa itong Chiweenie, half chihuahua at duchshund. "Bibili muna ng food si mama," at hinalikan ang aso na nasa ilalim lang pala ng kama nya.

-$-

Kahit bad mood sya ay kailangan nya paring mamili dahil gutom na talaga sya.

Dumiretso sya sa isang grocery store sa tabi ng clubhouse sa loob mismo ng subdivision. This is exclusive to the homeowners na tinatamad nang lumabas pa para makapamili. Meron din ngang kainan na sa sosyal ng hitsura ay mas mukha itong restaurant sa isang 3-star hotel.

May iilan din namang mga nag go-grocery doon. Kumuha sya ng basket at nagsimula nang mamili. Madami-dami narin syang nakuha at nailagay sa basket nya nang may madaanan syang isang buntis na pilit inaabot ang isang karton ng Waffle Mix sa tuktok ng estante at dahil medyo may kaliitan ito ay hindi nga nito abot yun.

"Ako nalang ho." Sabi nya at inabot yun at binigay dito. "May iba ka pang aabutin?" Tanong nya at nagulat dahil napakabata pa naman pala nitong nabuntis. At nang mapatingin sya sa tyan nito ay tingin nya isang hawak lang ay parang puputok na.

The girl smiled. "Salamat ha." Sabi nito.

She smiled at her.

"Kabuwanan mo na?" She asked in a friendly manner.

The girl smiled back at her too.

"I'm expecting it by third week of this month." Anito.

"Good luck!" Sabi nya at nagpaalam na dito para pumunta sa cashier.

Sumunod naman agad ang babae sa kanya para magbayad narin. Habang nakapila sila ay nagtanong ito.

"Bago lang kayo dito? Kasi ngayon lang kita nakita dito sa Phase One eh." The girl asked still smiling, as though pinaglihi ito kay Smiley.

"Oo, sa may Pine Street. Ang original na may ari nun Ninang ko. Pumunta sya ng Canada at ako muna ang pinatao nya dun." Kuwento naman nya.

"Ah? So mga ilang buwan ka dun?" Tanong ulit nito.

Pakiramdam nya ay meron syang nakitang pagkislap sa mga mata nito.

"Anim. Isang taon o pwede pang mas matagal dun. Depende. Eh ikaw? Taga san ka?" Tanong nya.

May nakita itong kung ano sa kanyang kamay. And then she found out she was actually staring at her college ring.

"Nurse ka pala." Sabi nito.

"Ah oo...pero not practicing yet, sa call center muna ako ngayon."

Nagbayad na sya at matapos nun ay nagpaalam na sya sa babae na mauna na.

-$-

Ziggy arrived back at the house noticing a red luxury car parked in the garage of her neighboring house.

May tao pala dyan, nasabi nya sa sarili.

Palingon-lingon sya sa kabilang bahay habang papasok din sa gate nila. Mababa lang ang maputing gate na yari sa kahoy.

Dahil nga ay palingon-lingon sya sa kabilang bahay dahil nakabukas ang pinto ay bigla syang na out of balance nang biglaang lumabas mula sa pinto ang isang lalake na hindi pa nga nya nakakalimutan ang ginawang kababuyan sa kanya at ngayon ay pinagkrus ulit ang landas nila. Sa pagka out of balance nya nang mapatingin din ang manyakis sa kanya ay napatid nya ang sariling paa, buti na nga lang ay naitukod nya ang kanyang mga kamay sa finely trimmed Bermuda sa lawn.

But she felt something slimey on her right palm, when she stood para tingnan kung ano yun ay inunahan na sya ng amoy nun na ipaalam kung ano ang nasa kamay nya.

A poop!

"Argh!" Daing nya na hindi na maipinta ang mukha sa sobrang baho nun.

"Oh, bad poopie." Sabi ng isang boses na nang-uuyam. Nang lingunin nya ang lalake ay nakatayo nadin ito sa lawn nito at nakatingin sa nangyari sa kanya. He smiled so evilly at her. "We meet again, perhaps fate wanted us to continue our nice conversation this morning."

"Gusto mong mabugbog ulit ha? Manyak ka!" She shouted at the sudden rush of emotion again.

Tumawa ito at umaktong parang he was preparing for a fight. He was in a taekwondo-like fighting position.

"Let's get it on Miss Scrapper. Now Im prepared." Sabi nito.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi ka man lang mag so-sorry ha?" Naniningkit ang mga matang sambit nya.

"Alright, sorry that I thought you were a woman of the street." And then he grinned, "Or a woman of the coffee shop."

Nag-init ang kanyang mukha sa nais nitong ipahiwatig.

Aba't pinagkamalan pa talaga akong prostitute! Feeling proud pa ang walanghiya!

"You sounded like you were even blaming me because I looked like a tart?" She said in a very high pitched tone.

"I didnt say that. Do you believe that?" At napalingon ito nang merong isang pitbull na lumabas mula sa gilid ng bahay ng Ninang nya at lumusot sa isang malaking butas sa wood fence na naghihiwalay sa kanilang lawn.

"There you are boy; Ive been looking for you."

Nagsipag-akyatan ang kanyang dugo sa kanyang bumbunan.

"Hoy! Yang aso mo talian mo at dito dumudumi sa lawn namin! At wag na wag kong makikitang nilalapitan nyan ang Chinnie ko! At ikaw pwede ba, nakakairita yang pagmumukha mo." Sabi nya at mabilis itong iniwan para tingnan ang kanyang si Chinnie sa loob ng bahay.

Bwisit na lalake! Nakakainis naman at ito pa pala ang may-ari ng kabila! Pinaglalaruan mo ba ako Diyos ko? Please naman, gusto ko na sana dito eh.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

She's Mine Sha által

General Fiction

3.5M 68.9K 33
"From now on. Don't touch her. Don't hurt her. Don't fantasize her body and Fuck off your fucking eyes away from her. Because She's Mine." -Sex Gray ...
134K 3.3K 52
What will you do if you end up in someone else body?
6.7M 90.2K 62
First of all wag kayong mag expect sa story ko na to ha. First time nga kaya d pa gaano ka perfect hihi. Appreciate niyo nalang at kung wit niyo bet...
2.9M 27K 74
He's the hottest superstar of his generation. She's a commoner and was just starting her writing career. What'll happen if fate interfere in their li...