RETURN TO FOREVER (KimXi FF)

By calebnchloe

102K 1.4K 494

More

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 19
Chapter 20 Ending

Chapter 7

5.6K 60 12
By calebnchloe

                     "Anong ginagawa mo dito?!"

Si Xian.Sa umpisa lang ang naging gulat nito dahil biglang nagpalit ito agad ng emosyon. Coldness. 

Gustong umurong ni Kim sa gagawin pero inisip nyang ito na ang chance nya. Kung uurong pa sya at panghinaan ng loob baka lalo nang lumaki ang distansya nila ni Xian. Lalo sa nakikita nya sa mga mata nito, mas malaki ang porsyentong mauuwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan nya!

"Bakit mo ako iniiwasan, Xi?"

Mukhang mabilis na nakabawi ito.Nang tumingin ulit ito kay Kim ay  tila lagpasan na. Wala kang maaninag na dating kasiyahan o recognition man lang na mag'bestfriend' sila. Bumuntunghininga pa bago nagsalita habang inabala ang ulit ang sariling ligpitin ang mga papeles sa la-mesa nito. Mukhang balak nang umuwi.

"Sa lunes nga pala kakausapin ko na ang Papa mo. Magrerequest ako na baka pwedeng lumipat ng ibang project!" Nakayuko ito nang sinabi yun.

              Ano ba ang pakiramdam ng masasagasaan?Tipong nagkagulatan na kayo ng kotse na sobrang clueless ka at ayaw nang kayaning i-process ng utak mo kung paanong hindi mo napansin o hindi ka napansin at ngayon nga sasagasaan na. Yung napaka-helpless ng pakiramdam mo at gusto mo na lang na ipikit ang mata, makiramdam kung kailan tatama ang bumper o kung kelan ka lilipad sa ere at saka babagsak. Kahit gustuhin mong gumalaw di mo magawa man lang maihakbang ang mga paa paiwas o kahit ang makaramdam ng ano pa man maliban sa acceptance... na mahahagip ka!

Yan ang eksaktong nararamdaman ni Kim. In a split seconds of death...ng puso nya!

"W-why? Why do you need to do that?!" pigil ni Kim ang pagbabago ng tinig. Ang pagkabasag. Tanong na kusa na lang lumabas sa bibig nya. 

Of course alam nya ang dahilan ni Xian. Pero sadya yatang masokista sya para gustuhin pa nyang marinig dito mismo ang isasagot nito.

Nagtagpo pa ang mata nila. Si Xian ang unang bumawi.Umiwas.

"I believe it's the best thing to do...."

"Para kanino?....Sa akin? sa'yo?" Kim knew she sounded so desperate. "Paano naging best thing yun kung aalis ka ?"

"Kim , please understand! Huwag tayong magpatay -malisyang walang nagbago after. Dahil malaki! Marami! Apektado pa rin ako ng break-up namin ni Erika at hindi ako makakapangako sa'yo na...I no longer know myself!" bakas ang paghihirap at kaguluhan kay Xian. "Hindi ko gustong lalong masira ang pagkakaibigan natin. Maisip mo na inaabuso ko ang pagdamay mo. Dahil hindi ko maipapangako sa sarili kong hindi mo maramdamang naging rebound ka lang. I don't want that to happen to us. I don't want to hurt you!"

Nanghihinang napaupo si Kim sa armchair na nasa harap ng mesa ni Xian. Kung di nya gagawin, hindi nya alam kung dapat asahan ang tatag ng tuhod nya. 

"Aalis ka dahil hindi mo ako gustong saktan?... Pero alam mo bang mas lalo mo lang akong sasaktan kung aalis ka, Xi? " Maulap na ang mata nya. "Kung inaalala mo ang nangyari sa atin , forget about that! Kalimutan na natin yun. Isipin mong hindi nangyari yun kahit kelan. Wala ka nang maririnig sa akin pagkatapos nito!....But please don't leave!"

Hindi na naririnig ni Kim ang sarili kung gaano ba sya nakakaawa at kadesperada sa tono nya. Sabi nga nila , ang mga taong umiibig daw, kayang gawin ang lahat pikit -mata. Ang tumalon sa bangin o manungkit ng bituin. Ang lumunok pa ba ng pride at pagkatao hindi nya kayang gawin ?!

"You don't need to sacrifice yourself for the sake of our friendship."

"Damn it, Xi! Hindi ko sinasakripisyo ang sarili ko para lang sa friendship natin..it's because I love you!"

'Whew! There you go, very liberating!' cheer ng utak ni Kim.'Go girl, carry on! Naumpisahan mo na eh!'

Napatanga si Xian.

"I have loved you from the moment I've met you. Matagal kong inalagaan dahil hindi ko masabi sa'yo dahil ni Erika. I have to keep it a secret from you but never from your girlfriend. Yun din ang dahilan kaya malaki ang galit nya sa akin. But believe me, God knows how hard I tried para mawala 'tong nararamdaman ko. But I failed. Wala akong choice kundi itago sa'yo. Pero pagod na ako and now you're telling me that you're leaving. Gusto kong sumugal. Gusto kong ipakita sa'yo na kaya kitang mahalin ng mas pa sa kayang gawin ni Erika. Tutulungan kita. Makakalimutan mo rin sya. Just give me a chance and I'll show you how!"

Hindi pagkapaniwala ang nasa mukha ni Xi bago ito umiling ng makabawi.

"Kim, di mo alam ang sinasabi mo. No. I will just be taking advantage of you! Magulo ang utak ko ngayon. Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman . Kung hahayaan kita, baka masaktan ka lang.Mas malaki ang posibilidad na maka-recover man ako at makalimutan ko ang  heartache na gawa ni Erika....hindi pa rin kita kayang mahalin!"

BAM!

Nasagasaan si Kim. Pero wala ang tipikal na sakit na dapat maramdaman. Lumutang lang ang pakiramdam nya. Manhid lang!

 Pero hindi, lalaban pa sya! Pwede pa nman humirit di ba? Baka 50/50 pa sya!

Lumapit si Kim sa kinatatayuan ni Xian. Gusto nyang makita sya nito bilang sya... literal o figurative man.

"I don't care! At least kahit sandali lang naranasan ko na mahalin mo rin ako...Kahit rebound lang...kahit di pa totoo! "

"Marami  pang lalaki na--"

" Wala nang ibang lalaki para sa kin,Xi! Ikaw lang!"

"NO!"

"Why not? You need someone right now! Someone who'll care of you, help heal your wounds...and love you! Give me the chance to be that 'someone'!"

"Kapag ginawa ko yan, masasaktan lang kita. Para ko na ring binalewala ang pagkakaibigan natin!"

"I told you, I don't give a damn about our friendship anymore....because I love you!" Si Kim na ang mahigpit na yumakap kay Xian. Wala na syang pakialam kung ano man ang iniisip ng lalaki sa kanya. Matagal nyang pinagdamot at pinigil ang sarili na ipakita dito ang totoong nararamdaman. 

Pilit kumawala ni Xian. Gusto nyang maawa sa ginagawa nito.Hinawakan ang kamay ni Kim. "Stop it,Kim! Stop it! Huwag mong gawin yan! Magtira ka nman respeto sa sarili mo!"

Tumigil naman si Kim. Hurt written all over her face.

Rejected. 

RESPETO!

Paulit-ulit sa utak ni Kim matapos nyang umalis sa harapan ni Xian. Parang sasabog sa sakit ang dibdib nya.Nagmamadali nyang kinuha ang purse at umalis para umuwi.

Kailangan nyang lumayo. Mapag-isa. I-assess ang sarili sa katakot-takot na kagagahan na nagpatong-patong na!Masyado na nga yata nyang pinahiya ang sarili sa harapan nito na kahit sya nakalimutan na nya yun at kailangan pang ibang tao ang magpaalala sa kanya na kailangan din nman nyang magtira nun.

'O, respeto daw sa sarili!' kulit na may kasamang sarcasm ng utak nya  Gusto nyang matauhan,pramis! Nakakababa ng sarili at nakakawala ng dignidad. 

Nakakatawang halos lahat na naiwala nya sa sarili. Tama nga ang kaibigan nyang si Monique. Mahirap nang makita at makilala ang dating sya sa katauhan nya ngayon. Ano na ba ang nangyari sa kanya? 

'Well , nagmahal ka lang dear!' sinagot sya ng utak nya.

Oo nga, nagmahal kase sya pero worth it pa ba? Halos naubos na nya ang lahat ng alas nya but still , wala pa din! She lost! Tanggapin na lang nya!

Kung paano sya nakarating sa bahay , yan ang malabo sa kanya. Mabuti at hindi sya naaksidente  o nakaaksidente. Kse sa estado ng puso at utak nya, mas gugustuhin na lang nyang mamatay!

Walang pakialam na pinarada nya ang kotse sa garahe. Ni hindi nya napansin ang kasunod na sasakyan na pumarada rin . Bahagya pa syang nagulat ng may kamay na humawak sa kanya nang bubuksan na nya ang pinto ng bahay.

"Kim!"

                      At di makalimutan ni Xi ang expression na yun . Nabigla sya kaya ni ang paghabol sa dalaga , di nya agad nagawa. Natitigilan pa sya. Ni ayaw i-process ng utak ng maayos ang mga pangyayari. In denial pa sya na nangyari ang usapang ito sa pagitan nila ng bestfriend. Kung di pa ba sapat ang  kaguluhan sa isip nya matapos syang iwanan ni Erika at ang malupet sa lahat, ang nangyari sa kanila ni Kim .Ano ba ang nagawa nya para parusahan sya ng ganito ng Diyos? 

Si Kim...mahal daw sya? Ang hirap paniwalaan. Well ayaw nyang paniwalaan. Malabo yun! Naawa lang sa kanya ito kung kaya kung ano-anong sinasabi para lang gumaan ang pakiramdam nya ...ang pagaanin ang singil ng konsensya sa kanya . Pero hindi pa rin nun maalis at napagaan ang loob na, pinakialaman nya ang bestfriend n dahil iniwan sya ng girlfriend nya! 

Kagaguhan!

Kung totoo ang sinasabi nito, bakit ngayon lang? Bakit di man lang nya napansin noon na may special na palang pagtingin sa kanya si Kim.

Yun ba ang dahilan kung bakit kahit kelan mula ng maging magkaibigan sila ay hindi nya ito nakita o nabalitaan man lang na nag-entertain ng manliligaw o nagkaroon man lang ng interes sa ibang lalaki.  Dapat ba nagtaka na sya sa kabila ng ganda nito at kabaitan bakit never na napalapit ito sa iba maliban sa kanya?

Gustong sumakit ang ulo nya dahil hindi nya mahanapan ng sagot o sadyang ayaw lang nya tanggapin ang sagot!

Hindi sya galit dito.Mas lamang ang galit nya sa sarili. Naaawa pa nga sya eh at lalong nanliit na , higit pa sa inaasahan nya ang kaya talagang gawin nito para sa kanya...sa pagkakaibigan nila! Samantalang sya ano?...Wala! Nanamantala pa sya!

Mabilis na kumilos sya at patayo palabas ng kwarto ng opisina para habulin si Kim. Pero mas mabilis ang dalaga dahil wala na ito. Sa garahe ng bahay sila nag-abot. Kaya nawala ang kaba nya na baka mapaano ito sa pagmamaneho lalo na sa kondisyon nito.

"Kim , I'm sorry okay kung na offend kita...mag-usap tayo. Pag-usapan natin 'to!" Hawak at pigil nya ang dalaga sa braso.

Marahang inalis ni Kim  ang nakahawak sa braso saka tuloy-tuloy pumasok ng kabahayan na parang walang narinig.Derecho paakyat ng hagdan habang nakasunod lang si Xian. Nakakabahala ang katahimikan nito at ang walang tigil na pag-iyak. 

Mabuti at mukhang wala ang Mommy Mary Anne nya sa paligid . Hindi siguro namalayan ang pagdating nila. 

Isasara na sana ni Kim ang pinto pero mas mabilis at mas malakas si Xian para iharang ang katawan kaya nakapasok sa kwarto ng dalaga .

"Get out!...or better yet, get lost!" nakakabahalang kalmado ang bitaw ng salita ni Kim pero andun ang warning.

"Hindi! Hindi ako aalis hangga't di tayo nag-uusap! Tapusin natin 'to ngayon din!"

"Para ano? Para lalo ko lang ipahiya ang sarili ko sa'yo. Para malaman mo kung gaano ako nagpapakagaga sa'yo? Ikaw na nga ang nagsabi di ba? Bigyan ko ng respeto ang sarili ko? Kaya lumabas ka na ...kalimutan mo na lahat ng sinabi ko!" 

"Kim, can you just listen please?!....I'm so sorry kung nasaktan kita. Ayoko lang kse na pati ikaw nadadamay sa gulo ng buhay ko ngayon. KIta mo ,ikaw na bestfriend ko unti-unting nawawala. Ayokong pati ikaw mawala sa buhay ko!"

Biglang humarap si Kim. Determinasyon ang nasa mukha nya. 

"Mahal kita,Xi! Kahit ulit-ulitin ko pa para maintindihan mo ,gagawin ko!Hindi bilang best friend lang! Malayo sa awa ang nararamdaman ko sa'yo. If you're worried about me being a rebound, kaya kong tanggapin yun sa ngayon,okay lang .Chance lang na mahalin ka ang hinihingi ko sa'yo. Ipapakita ko sa'yo na kaya kong maghintay kung kelan ka ready na mahalin ako."

"Oh God Kim, alam mo ba ang mga sinasabi mo? Hinda ka ba natatakot na masaktan in the end? Paano kung di mo sya mapalitan dito?" sabay turo ni Xi sa parte ng dibdib.

"Then i'll let you go...Pero sa ngayon,kung pwede hindi kita susukuan at hindi din nman ako titigil not until makapasok ako dyan at mapalitan ko sya sa buhay mo!"

Natahimik si Xian. Di nya alam ang isasagot at pwede pang sabihin para magbago ang isip ni Kim.  Natitigan nya lang ito. 

Hindi mahirap mahalin ang katulad ni Kim. Magbestfriend na sila. Magandang pundasyon yun para i-level up pa ang relasyon nila. Walang masamang sumubok na tawirin ang distansya ng pagiging friends to lovers. Hindi lang nman sila ang unang gagawa nun.Maraming success stories din nman ang may katulad ng sa kanila.She has been warned. Matalino si Kim para di malaman ang gusto nitong pasukin na relasyon.Base sa sinabi nito, handa ito sa pwedeng mangyari kung sakali.  Isa pa,may nangyari sa kanila. Hindi nya ipagkakailang kaya sya nagagalit sa sarili dahil ginusto din nya yun.Hindi sila lasing o under influenced of drugs noong gabing yun kaya wag na syang echosero!

Walang anuman na inabot nya si Kim . Palapit sa kanya. Malapit na malapit. Nasa mga mata ng dalaga ang pagkabigla sa ginawa nya.

"Tinatanggap na kita sa buhay ko!" walang ligoy na sabi ni Xian. Halos pabulong pero siniguro nyang malinaw na marinig ng dalaga.

Kahit ang kabilang utak ni Xi nagulat sa lumabas sa bibig nya 'Agad-agad!? Pwede nmang bukas o sa makalawa mag-decide ng tungkol jan ,dude! Anong pagmamadali ito...may lakad!?'

HIndi na nya binigyang pansin na may lumusot na lohikong rason. Bumaba na ang labi nya palapit sa nagulat na dalaga. He sealed it with a kiss. Nagumpisa sa pagiging marahan. Pero nang maramdaman nya na gumalaw at tumugon si Kim, hindi nya napigilan ang sariling lalong idikit pa at bahagyang maging agresibo ang ginagawang paghalik dito.

Para sayang hiker na ilang araw di nakainom ng tubig at nang makatagpo ng balon, parang uhaw na uhaw na pinagsawa ang sarili. May ganoong klase ng power si Kim na nadiskubre nya. Sa ilang araw na halos nag-iiwasan sila at pinahihirapan sya ng alaala ng nangyari sa kanila gabi-gabi. Ito pala ang kasagutan!

Kaya nitong kalmahin at alisin ang mga takot nya. Ang galit nya sa mundo. Para itong Valium...kaya nitong pabagalin at pahintuin ang mundo nya.   

Nasa harapan na nya ang babaeng willing syang tanggapin at mahalin ng walang paliwanag o dahilan basta bigyan lang nya ng chance. Bakit ba nya ipagkakait ang sarili at ipipilit na maiwan sa alaala ng isang failed relationship . Ng isang babaeng piniling lamunin ng mga insecurities kung ang nasa harapan nya eh hindi na iba, siguro nman madali na itong  mahalin. Pagtinging hindi kaibigan kundi mas higit pa...

 "Congrats on your wedding,Pare! Tapos na ba ang honeymoon nyo? Bilis naman yata!"

"Thank you! Oo eh kailangan kami ni Kim dito . Pwede nmang ituloy ulit." balik sagot ni Xian sa isa sa mga Chief Engineers nila sa housing project  sa Cebu.

Katatapos lang ng kanilang monthly report/budget meeting at may konting refreshments kaya sila ang naging sentro ng topic sa grupo.

Hinanap ng mata nya si Kim,na asawa na nya ngayon . Natagpuan nman nya ang hinahanap na nasa kabilang dulo ng conference room habang masayang nakikipagtawanan at kwentuhan ito sa ibang kasamahan. Nagkasalubong pa ang tingin nila at nginitian sya nito ng napakaganda na sinagot lang nya ng simpleng pagtango.

"Pare, nagulat kami ah! Akala namin magkaibigan lang kayo . Tapos bigla naming nalaman kinasal na kayo 2 weeks ago. Sabagay di kita masisi. Sa ganda at yaman ba nman ni Kim. Jackpot ka!" comment ng kausap na nakakuha ulit ng pansin ni Xi.

Biglang seryosong napatingin sya dito . Siniguro ang intensyon ng sinabi nito.Wala nman syang na-detect na  bahid ng malisya . He was just stating a fact. Nabigla lang talaga sya dahil ngayon lang dumarating ang mga realization ng mga desisyon nya. Nila ni Kim. 

Ang pwedeng maging opinyon at tingin ng mga tao sa paligid nila. Na hindi nya naisip noon.

Iba pala kapag naririnig mo na. May malisya o wala. Iba pa rin ang dating. Masakit sa ego! Kung pwede nga lang nyang sabihin sa mga taong mahal nya si Kim kaya pinakasalan nya . Pero sino nga ba ang lolokohin nya?

Sigurado na lalong titindi ang chismis sa opisina ngayong gusto silang pabalikin ng main office sa Manila ng Papa ni Kim . Dahil ngayon daw na mag-asawa na sila ng anak nito, gusto nitong unti-unting ipasa sa kanilang dalawa ang pagpapatakbo ng kompanya. 

Totoo namang maswerte sya na mapangasawa ang katulad ni Kim na hindi lang maganda at mayaman, mahal na mahal pa sya! Aminado sya na hindi na nya binigyan ng masyadong pansin, ang kung ano pa ba ang iisipin ng ibang tao nang mag decide sya na pakasalan ang babae.Maliban lang ngayon . 

Alam nyang masyadong biglaan ang pagyaya nya ng kasal kay Kim. Na sa tingin nya , ang syang pinakatamang gawin.

May nangyayari na sa kanila sexually. Tuluyang sinunog na nya ang tulay ng pagkakaibigan nila patawid sa pagiging lovers.  Hindi rin nya kayang sikmurain na harapin ang Papa ni Kim  at umaktong wala lang. Isa pa, may karamdaman lang ang Mommy nya pero hindi tanga at manhid sa mga nangyayari sa paligid. Kaya minabuti nyang obligahin ang sarili na panagutan ang ginagawa nila ni Kim. HIndi na nya para hintaying lumaki na lang ang tyan nito at pakasalan kung kailan buntis na. Hindi sya ganung klaseng tao na pinalaki ng nanay nya. Hindi sya kahit kelan gagaya sa tatay nyang hindi alam ang salitang 'responsibilidad'!

                Araw ng sabado. Walang pasok sa opisina. Nagising si Kim sabay napangiti nang unang makita ang mukha ng gwapong asawa.  May ilang saglit na hindi sya kumilos at pinagmasdan lang ang himbing na pagtulog nito.

Hindi pa din sya makapaniwala na mag-asawa na sila. Parang ayaw pang tumapak sa lupa ang mga paa nya at baka kase isang panaginip lang ang lahat. Isang magandang panaginip na sa huli , magigising sya at malulungkot na wala pala ni isang katotohanan.

Alam nya sa sariling , hindi man ngayon ang panahon para sabihin nito na iisa na ang nararamdaman nila , wala man itong binitiwang pangako ng kawagasan ng pagmamahal na gusto nya...na kailangan nya, hindi sya nawawalan ng pag-asang darating din yun maghintay lang sya.

Binigyan nya ito ng marahang halik sa labi bago marahan syang bumangon . Hahayaan na muna nya itong matulog habang sya nman ay maghahanda ng almusal. Gustong-gusto nya kse itong pinagsisislbihan. Kahit sabi nga ni Xian, hindi nya kailangang gawin. Gusto pa din nya. Kaya nga pati ang pagluluto , unti-unti nyang pinag-aaralan.

Inabutan nya sa kusina ang byenan at ang isang kasambahay na nauna nang maghanda ng almusal.

"O, bakit bumangon ka na, Kim? Sabado wala nman kayong pasok ni Xian di ba?" gulat na tanong ni Mommy Mary Ann nang makita ang manugang.

"Good morning My!" bati ni Kim dito "Maaga ako gumising kse gusto kong ipaghanda si Xi ng breakfast. Ako na po jan, maupo na lang kayo." pinaghila pa ng stool ang matanda .

"Sus, ikaw talaga! Inaalisan mo nman ako ng ginagawa eh. Cge na, kami na ang bahala ni Saling dito. Bumalik ka na lang sa kwarto nyong mag-asawa. Matulog ka ulit para nman magka -apo na ako!" nanunuksong sabi nito.

"Hala si Mommy di masyadong excited sa apo!" natatawang sabi ni Kim "Parang umoorder lang ng To-Go " balik tukso nya. "Gusto ko lang po magpasikat sa mister ko na marunong na akong magluto."

"Sus, hayaan mo di ka na nya pwedeng ibalik...No return, no exchange na. Saka do not accept when seal is broken!" nanunuksong biro ulit saka parang may naalala. "Ay! Meron ka palang letter na dumating kahapon. Nasa ibabaw ng bureau sa living room. Nalimutan kong iabot kagabi sa'yo. Puntahan mo muna at baka importante ang laman." 

"Okay My , kunin ko lang pero babalik ako promise. Tutulong ako magready ng breakfast." nakangiting banta nya bago tumalikod.

Nakita nya ang sulat.May ngiti pa sa labi ni Kim habang binubuksan ang envelope na wala namang pangalan o address ng sender. Pero halos panlamigan sya ng katawan ng mabasa ang nakasulat. Maikli lang ang mensahe dun.

'Alam ko ang ginawa mo kay Erika at sa pamilya nya.

Makakarating lahat 'to sa asawa mo unless nakahanda kang magbayad ng katahimikan ko.

Tatawagan na lang kita...'

Thank you for reading!!!

Pls vote & comment ...let me know what do you think of the story.

You can follow me on twitter @AlingAudreyH or on Facebook alingaudreyh@yahoo.ca

for updates

< 3 KIMXI

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...