My So Strict Boss (Bachelor S...

By Aljane_Rose

14.2M 294K 17.8K

"When you signed that contract, it meant that you are mine. So don't let others talk or even touch you becaus... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Message: Read or Not
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Pasasalamat 💕

Chapter 62

157K 3.5K 509
By Aljane_Rose

Sa lahat ng readers ko dito, may itatanong lang sana ako. Kung sakali bang ipublish ito may bibili ba sa inyo? Gusto ko sanang malaman kung may gusto bang gawing libro ito. Hihintayin ko ang sagot niyo.😊

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Lagi na lang akong pinaghihintay ng dalawang yon. Sila ang tumawag na gusto nilang makipagkita, sila naman ang late na dadating. Muntik pa akong hindi makapunta at gustong sumama ni Clyde. Mabuti na lang at nakaisip ako ng idadahilan para payagan niya akong umalis na mag-isa.

Kapag dumating sila, babawi ako sa mahigit isang oras na itinagal ko dito. Wala pa silang sinabi kung hindi sila agad makakarating para naglibot na lang muna ako.

"Pasensya na, Cassandra. Kanina ka pa ba dito?"

Tinaasan ko ng kilay. Ang ganda ng tanong niya sakin, "Ano sa tingin mo, Callen? Anong oras ba ang sinabi niyo? 8 am di ba? Tingnan mo nga yung relo mo baka nagkakamali lang ako ng tingin sa oras na 9 am na."

Napakamot ito sa ulo at hindi na alam ang gagawin. Nakakainis kasi! Nahirapan akong kumbinsihin si Clyde na pabayaan akong umalis tapos wala pa pala yung gusto makipagkita sakin.

"Huwag ka ng magalit. Hindi naman namin ginustong mahuli sa usapan."

Hindi ko siya pinansin. Alam kong si Callen ang nagtext kanina sa oras,may emoticon sa dulo ng text niya.

"Cellon, bakit ang tahimik mo dyan! Ikaw ang nag-utos sakin na itext ang oras, bakit ayaw mo akong ipagtanggol sa pinsan natin."

"Sinabi kong itext mo siya pero ikaw ang nagdesisyon sa oras. Alam mo naman na traffic sa mga ganitong araw, maaga mo pa siyang pinapunta."

"Kasalanan ko ba talaga? Hindi ko alam na traffic, bro! Sorry na, Cassandra. Hindi ko na uulitin. Ano ba ang gusto mo para hindi ka na magalit?"

Lagi naman niya akong tinatanong ng ganyan kapag nagagalit ako pero hanggang ngayon hindi pa rin niya alam agad ang gusto ko. Magtatanong pa pero alam naman niya ang magpapawala sa inis ko.

"Ibili mo na lang ng favorite food niya si Cassandra. Papansinin ka na niya. Umalis ka na, bro! Hintayin ka na lang namin dito."

Umalis ito at tumingin ako kay Cellon. Hindi niya ako papapuntahin at gustong makipagkita kung walang dahilan. Kinakabahan ako sa tingin niya.

"Bakit mo ba gustong makipagkita?"

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, Cassandra."

"Ano ba ang problema, Cellon?"

"Tumawag sila tito kanina. Tinatanong kung nakausap ka na namin. Katulad ng sinabi ko noon na sasabihin namin na hindi ka pa namin nakakausap pero ang hirap na sa susunod."

"Ano ba ang sinabi nila?" Gusto kong makausap sila mommy at daddy. Namimiss ka na sila.

"Kailan ka ba uuwi sa kanila? Ang haba na ng panahon na lumayo ka sa kinalakihan mo, Cassandra. Kailan mo ba balak bumalik sa mga magulang mo at tapusin na itong pagiging independent na hiniling mo sa kanila."

Natahimik ako. Masyado na ba akong nagtagal dito sa pilipinas at nakalimutan kong may naghihintay rin sa akin. Gusto ko na rin marinig ang boses nila. Sa ilang araw ko pa lang dito sa pilipinas noon, gusto ko na agad bumalik sa kanila. Alam kong nalungkot sila sa hiniling ko pero gusto kong malayo sa buhay na nakasanayan ko.

"Hindi ko pa alam. Ngayon lang pumasok sa isip ko ang mga bagay na yan. Kung hindi ko kayo nakita sa party, wala pa rin akong alam na gusto na nila akong umuwi."

"Ikaw lang ang hinihintay nila. Okay na sila sa mga binabalita namin tungkol sayo. Sa mga ginagawa mo at sa buhay mo dito."

Sigurado akong ang pinakagusto na akong umuwi si daddy. Siya lang naman ang ayaw na pumunta ako sa bansang ito pero gusto kong mamuhay sa kinalakihan ni mommy. Marami siyang nakwento sakin dito kaya gusto kong maranasan ang lahat ng mga sinabi niya.

Tawagan ko kaya sila? Malaman na nasa maayos akong kalagayan at sabihin na hindi ko pa alam kung kailan ako uuwi. Hindi ko pa maiwan ang trabaho ko, mga kaibigan ko at si Clyde.

"Cellon, sinabi mo ba sa kanila na may boyfriend ako?"

"Hindi ko sinabi. Baka biglang pumunta dito si tito. Alam mong ayaw niyang may lalaking umaaligid sayo kung hindi naman niya gusto para sayo. Magtatanong pa sila sa amin tungkol sa boyfriend mo. Ikaw na lang ang magsabi at ipaalam mo na ang relasyon niyo ni Clyde."

Dumating na si Callen at may dalang plastic. Ano kaya ang binili niya sakin? Ang tagal naman niyang bumalik at ang dami na naming napag-usapan ni Cellon.

"Ang tagal mo naman, bro! Tapos na kaming mag-usap ni Cassandra. Pauwi na nga kami."

"Tigilan mo ako ngayon. Badtrip ako! Cassandra, ito na yung favorite mo."

Kinuha ko ang plastic at limang styro ng fresh strawberries ang laman nito. Alam na alam niya ang ibibigay sakin. Napansin ko na siya naman ang parang galit ngayon. Nagkapalit na kami ng mood ngayon.

"Anong nangyari sayo?"

"Nakita ko ang taong hindi ko dapat makita. Nakakapagod magtago sa babaeng yon."

Tumawa si Cellon na kinainis pa lalo ni Callen. Hindi ko sila maintindihan. Sino ang babaeng sinasabi niya?

"Sige tumawa ka lang. Kapag nangyari sayo to, magpapagawa pa ako ng tarpaulin na nakatatak ang mukha mo at ibibigay ko sa babaeng hahabol rin sayo. Hindi mo na ako tinulungan para tigilan ako ng baliw na babaeng yon."

"Ano ba yang sinasabi mo? Sino ang babaeng pinagtataguan mo?"

"Ito kasing kakambal ko, may stalker siya na laging tumatawag sa cellphone niya. Nakikita rin namin sa mga lugar na pinupuntahan namin kaya ganyan siya magtago."

"Sino ba naman ang hindi magtatago, bigla na lang siya sumusulpot. Minsan nakikita ko siyang nakatambay malapit sa CR ng mga lalaki para sundan ako. Nakakatakot ang pagiging stalker ng babaeng yon."

Ngayon ko lang siyang nakitang may pinagtaguan. Baka nga ayaw niya sa babaeng sinasabi nila. Nacurious tuloy ako at gusto kong makita kung sino ito.

Pumunta kami sa restaurant kung saan nakita namin si Clyde. Sigurado naman akong wala siya. Sa pinakadulo ang napili naming table para walang masyadong tao. Tumitingin ako sa mga kumakain rin ng mapatingin ako sa isang babaeng mag-isa lang sa isang table at nakatingin sa table namin.

Maganda ito. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko na mayaman ito. Kahit simple lang ang suot niya. Kanina pa ito nakatingin sa amin o sa katabi ko? Kinalabit ko si Callen at pasimpleng binulungan ito.

"May babaeng kanina pa nakatingin dito. Kilala mo ba?"

"Saan mo nakita?"

"Tumingin ka sa bandang unahan natin at makikita mo yung sinasabi ko. Mag-isa lang siya sa table niya."

"Sh*t! Nahanap niya ako. Ang hirap iligaw ng babaeng yan!"

Siya pala ang sinasabi nila. Bakit ba ayaw niya? Wala naman akong nakikitang problema. Mukha namang mabait ito. Hindi ko pa naman nakikita ang sinasabi nilang ginagawang pagstalk nito sa pinsan ko kaya hindi muna ako maniniwala kay Callen.

Dumating na ang order namin. Binaba na ang mga ito sa table. Unang kita ko pa lang sa order ng katabi ko nasusuka na ako. Kinuha ko ito at pinabalik sa waiter.

"Bakit mo ginawa yon?! Gusto mo ba akong magutom, Cassandra? Ako ang magbabayad sa mga kakainin natin tapos ako ang hindi kakain. Gumaganti ka pa rin ba sa ginawa ko."

"Kung gusto mo kainin yung order mo, lumipat ka ng table. Puntahan mo yung stalker mo para sabay kayo. Hindi ko gustong makita ang order mo sa table na to."

"Ang sungit mo ngayon. Nahahawa ka na yata sa boyfriend mo. Dati naman wala kang problema sa kinakain ko. Gusto mo nga rin yon tapos ayaw mo na ngayon."

"Matawag nga yung stalker mo para tumigil ka. Cellon, kilala mo ba siya? Papuntahin natin dito para manahimik si Callen."

Nanahimik na ito. Ayaw niya talagang sa nakita kong babae. Nakita ko ang ipinalit sa order ni Callen. Tumikim ako at nagustuhan ko ito.

"Ang lakas mong kumain ngayon.  Hindi ka ba pinapakain ng tama ni Clyde? Ikaw na halos umuubos ng sakin."

Natapos kami at hindi ko na nakita ulit yung stalker ng pinsan ko. Umuwi na yata at kailangan ko na rin umuwi. Kinuha ko ang cellphone ko at baka may text na si Clyde. Merong text pero hindi sa kanya kundi kay Sarah.

From: Sarah

Cassandra, nasa penthouse ka ba ni Sir?

Bakit kaya niya ako tinatanong? Nagtext ako na nasa labas ako at nagreply agad ito.

From: Sarah

May nakalimutang files si Sir na dapat ibigay niya sakin. Hindi ko rin macontact si Sir kaya ikaw na lang tinext ko. Pwede mo bang kunin iyon? Please, kailangan ko lang talaga.

"Pahatid naman pauwi. Kailangan ko ng bumalik at may pinapasuyo yung secretary ni Clyde."

Nagpababa ako malayo pa sa Villacorte at naglakad na lang papunta doon. Sumakay na ako ng elevator at nakarating na sa penthouse. Bakit kaya hindi niya macontact? Alam ko wala namang appointment o meeting siya. Hinanap ko siya sa mga pwede niya pagtambayan pero wala talaga si Clyde.

Pumasok na ako sa office nito. Hindi ko natanong kung anong files ang sinasabi niya. Tinawagan ko si Sarah pero ayaw sumagot kaya nagtext na lang ako.

From: Sarah

Sorry, hindi ko nasagot. Pahanap naman yung itim na folder dyan. Kontrata ang laman nito.

Nakita ko na ang sinasabi niya. Kinuha ko at lumabas na. Dumeretso ako sa floor ni Sarah at may nakakasalubong rin akong ibang empleyado. Ngumingiti sila. Nakakailang kaya binilisan ko na ang pagpunta sa table nito at nilagay ang folder. Nagtext ako sa kanya at nagpasalamat sakin.

Bumalik ako sa taas. Naglinis ako at niligpit ang mga kalat na iniwan niya. Sabi niya wala siyang pupuntahan ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko at baka sumagot siya. Nagriring lang. Inulit ko ulit at sumagot na ito.

"Baby, nakauwi ka na?"

"Akala ko ba wala kang pupuntahan. Nasaan ka ngayon?"

"Pauwi na. May gusto ka bang ipabili habang nandito pa ako sa labas."

"Ibili mo ko ng strawberry at white chocolate."

"Ang hilig mo sa dalawang yon. Baka masama na sayo ang sobrang matamis. Iba na lang ang ipabili mo."

Magtatanong siya tapos ayaw naman niya akong ibili. Hindi na sana niya ako pinapili ko siya rin naman ang masusunod.

"Baby..." Hindi ko siya sinagot. Ang hirap ba ng mga pinapabili ko? Hindi naman siya ang kakain.

"Hindi kita kakausapin kapag hindi yung gusto ko ang dala mo pag-uwi."

Pinatay ko ang cellphone ko at pinagpatuloy ang paglilinis para makalimutan ang nangyari sa pag-uusap namin. Strawberry at White Chocolate lang naman. Ayaw pa niya ako ibili.

Ngayon lang ako humihiling sa kanya na ibili niya ako. Pagkain lang ang gusto ko. Napatingin ako sa salamin. Tumataba na ba ako? Naconcious ako sa sinabi ni Callen. Hindi naman ako tumataba kahit marami akong kainin.

Nanonood ako ng TV ng dumating na siya. Hindi ko siya sinalubong at masama ang loob ko. Umupo siya sa tabi ko. Wala siyang dala. Kinakausap niya ako kaya nilakasan ko ang volume para hindi ko na siya marinig. Kinuha niya ang remote at hinanaan.

"Where is my kiss?" May gana pa siyang manghingi, wala naman yung gusto ko.

"Don't talk to me, Clyde."

"Sandra, may dala akong brownies. Kumain na tayo." Ayaw niya sa gusto ko pero matamis rin yung dala niya. Nananadya ba siya.

"Ako na lang ang kakain ng dala ko kung ayaw mo."

Umalis ito. Dumeretso ito sa kusina. Nakakainis siya. Hindi niya talaga ako binili. Naiiyak ako. Parang wala na siyang pakialam sakin. Madali na siyang sumuko kapag ayoko siyang pansinin. Hindi na niya ako mahal?

Nilipat ko ang channel ng pinapanood ko. Movie ito at nakakatawa. Pinunasan ko ang pisngi ko. Hindi ko magawang tumawa at nagmumukha na akong baliw dito. Kasalanan niya ito!

Naalala ko na may binigay pala si Callen na strawberries at nilagay ko sa ref. Tumayo ako at kukunin ko. Nakita kong may ginagawa si Clyde. May niluluto ito. Bahala siya kung makasunog na naman ito. Nakita ko ang sinabi niyang brownies. Nairita ako sa kulay nito. Dapat kasi kulay puti ang brownies para magandang kainin. Ang dami pa niyang dala. Ubusin niya lahat ng yan.

Pumasok ako sa kwarto namin at sinarado ang pinto. Siya na ang bahalang magpatay ng TV sa labas. Hindi siya makakapasok dito.

"Baby, let me in. I have to change my clothes."

Kumuha ako ng damit niya at binuksan lang ng konti ang pinto at binigay sa kanya. Sinarado ko ulit.

Kakaupo ko pa lang ng kumatok ulit siya.

"Baby, nakalimutan mo akong bigyan ng brief."

Kumuha ako at binato sa kanya. Wala na siyang ipapakuha kumpleto na yung damit niya. Kinuha ko ang libro ko para ipagpatuloy ang hindi ko pa tapos basahin.

Kumatok ulit ito. Ano na naman ba ang kailangan niya?

"Ano pa ba ang kulang sa binigay ko?"

"Ikaw ang kulang ngayon sa buhay ko. Papasukin mo na ko, baby. "

"Dyan ka lang sa labas! Hindi kita papasukin. Ayoko kitang makita ngayon. Matulog ka rin sa kabilang kwarto mamaya."

Hindi niya ako makukuha sa ganyan. Pinaiyak niya ako. Hindi na niya ako mahal. Mas mahal niya ang brownies kaysa sa akin. Magsama silang dalawa.

Panay pa rin ang katok niya. Hindi ko mapagpatuloy ang binabasa ko ang ingay niya.

"Tumigil ka dyan, Clyde! Lalo mo lang ako iniinis sa ginagawa mo. Magsama kayo ng brownies mo! Mas mahal mo naman yan kaysa sa akin. Dyan ka rin humingi ng kiss, hindi ka na makakahingi sakin."

Sana maging kakulay niya yon para match sila. Anu-ano na ang naiisip ko. Bwisit kasing brownies na yon.

"Sandra, don't do this to me! Mas mahal kita kaysa sa bigay ni mommy. Ginawan ko na lang ng paraan para makain mo yung gawa niya."

Anong sinasabi niya? Binaba ko sa kama ang libro at binuksan ang pinto. Nakaharang pa rin ako para hindi siya makapasok. May hawak siyang plate na nakalagay ang mga brownies. Naging kulay puti ito at maliliit kaysa sa nakita ko kanina.

"Anong ginawa mo dyan at naging kulay puti?"

"I melted the white chocolate I bought for you. Nilagay ko sa brownies para maging puti. Ayaw mo di ba ng maitim na pagkain kaya ginawa ko to. Ayaw mo pa rin ba?"

Pinigilan kong kurutin ang pisngi niya. Ang cute niya habang nakasuot ng apron ko. Gusto kong kuhanan siya ng picture.

"Dyan ka lang. Huwag kang papasok hangga't hindi ko sinasabi."

Kinuha ko ang cellphone ko. Binuksan ang pinto at kinuhanan siya ng picture. Gagawin kong wallpaper to.

"Baby, anong gagawin mo sa picture na yan."

"Huwag mo akong kausapin. Hindi ko pa rin nakakalimutan na hindi mo sinabi na bumili ka ng white chocolate pero walang strawberries."

"Ngayon ka lang pwede dito. Kapag naubos na natin yang dala mo lumabas ka na."

Inaalis nito ang apron pero pinigilan ko siya, " Ganyan ka lang buong araw."

Umupo rin ito sa kama. Masarap ang dala niya. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa habang kumakain. Ang tahimik niya pero nakatingin sa akin.

"Baby..."

Kumain ako ng brownies.

"Sandra..."

Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

"Cassandra..." This time, I looked at him.

Lumapit ito sa akin at kinuha ang libro ko. Nakatingin pa rin ako sa kanya.

"I love you, baby. Don't be mad at me please and let me sleep beside you. Hindi ako makakatulog kapag hindi kita nayakap mamaya."

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 62.8K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
7.5M 210K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
5.5M 118K 60
A "simple" girl named Marione Santillan will do anything to have a comfortable life. A golddigger who's after the wealth of her boss. Money excites h...
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...