So I Married The Mafia Boss

By MarvelousLu

1.2M 23K 552

[Completed] Hunter Louis Sylverio, famous entrepreneur, a man with status and more money than most. He got pe... More

Copyright
Characters
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 36

13.6K 235 12
By MarvelousLu

HAILEY POV

"HINDI MO ba ito pagsisisihan?", Sabi ni Trisha.

Sumulyap ako sa kanya. Nakasandal siya sa likod ng pintuan habang nakatingin sa akin. Malabo na rin ang vision ko sa kanya dahil sa mga luhang humaharang sa aking mga mata. Titig na titig siya sa akin habang nakahalukipkip.

"Hailey, bawiin mo ang mga sinabi mo sa kanya. You hurt him enough. Kung nasaktan ko ganoon din siya. Why a sudden change of mind? Sorry kung sinisigawan na kita but I can't really understand your reasons now. Alam kong mahal na mahal mo pa rin siya.", Dagdag pa niya.

Naramdaman ko na naman ang sakit sa puso ko. Ang pagluha ko. Gusto kong iwasan ang tinging iyon ni Trisha. Hindi ko masabi kung magagalit ba siya o naaawa sa akin. Kung kumakampi ba siya sa akin o pinagagalitan ako. She was just in between in our situation. Nagiging patas lang siya at walang sinuman sa aming dalawa ni Hunter ang kanyang kinakampihan.

"You don't understand because you're not in my shoes. Hindi ikaw ang nawalan ng anak. Bakit ba ako na lang nasisisi?", Tanong ko.

"Oo nga hindi ko nga alam yan dahil hindi ako ang nasa kalagayan mo. Pero alam ko na pareho kayong nagdurusa. Alam ko na pareho kayong nasasaktan. Hindi lang ikaw ang nawalan. You both lose your child!"

Muling kumirot ang dibdib ko. Bakit kailangan niyang ipaalala pa? Ako rin naman ay nasasaktan sa ginawa kong pakikipaghiwalay sa kanya. Tuwing naalala ko kung paano siya magmakaawa at umiyak para lang bawiin ko ang aking desisyon. Gusto ko siyang yakapin sa mga panahong iyon subalit sa tuwing sumasagi sa aking isipan na ang lahat ng nangyari ay itinutulak ko lang siya palayo.

"Hailey, tuluyan ka bang aalis ng bansa? Are you really going to run away?", Tuluyan ng lumapit sa akin si Trisha at umupo sa gilid ng higaan.

Nakiusap si Tito Franco na umalis muna ako ng Pilipinas. Ibinenta nito ang iba naming lupain sa Sta. Ignacia. para sa plane ticket ko at ang iba ay nakalaan para sa pagtira ko sa France.

Kung sana ay sumang-ayon na lang ako sa option two ni Trent ay maaaring baka mabuhay pa ang anak ko. Kung sana ay mas inuna ko ang anak ko at hindi nagpadaig sa nararamdaman ng puso ko ay baka nailigtas ko ang anak ko.

"Trisha, pumayag na ako sa gusto ni Tito. Mami-miss kita ng sobra."

"So talagang tatakas ka?"

Umiwas ako ng tingin. "Hindi ako tumatakas. Iyon ang mas makakabuti sa amin. We need some space. We need to move on."

Binatukan na ako ni Trisha. Ramdam ko ang pagkainis nito sa akin. "Huwag kang tanga! Move on? Sa tingin mo makaka-move on si Hunter ng ganon lang? Please wake up!"

"I know ang tanga ko! Nawasak din ang puso ko pero ayaw ko na. Napapagod na ako. Dahil sa issue niya kay Trent kaya nawala ang anak ko."

"Shit naman, Hailey huwag kang padalus-dalos pwede? What if sa pagbalik mo ay may iba na siyang mahal at hindi na niya gugustuhin pang pagbuksan ka puso niya? It's not too late, Hailey."

Ako lang ba talaga ang pagbubuntunan nila ng sisi? Ako lang ang may kasalanan?

Gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko munang mabuhay na wala siya. I need space. Yun lang ang hinihingi ko. Gusto kong makalimot hanggang sa maging handa na muli ang puso ko.

"Paano kung magsisi ka? Ayaw kong mapahamak sa desisyon mo dahil kaibigan mo lang ako. Pero ayaw ko ring balang-araw na magsisi ka dahil hindi kita magagawang tulungan. Don't do things that you will regret later.", Seryosong untag niya.

Nag-iwas ako ng tingin. "I won't. Gagawin ko ang lahat para wala akong pagsisihan. Gusto ko ng makalimot from my horrible life. Naiinis ako dahil wala na sa akin ang anak ko. Kung sana ay mas inuna ko ang kaligtasan ng anak ko at baka hindi siya mawawala sa akin. I imagine myself being a mother. Yung kinakantahan siya. Yung hinahabol ko siya. Pero lahat iyon, wala na."

"You are both hurt! Tatakbo ka na lang ba ng ganito kabilis? Aalis ka without clearing things out? You will leave him with a broken heart?"

Bigla ang pagkunot ng noo ko. "Broken heart? Anong tingin mo sa nararamdaman ko? My heart was torn to pieces. Sa sobrang sakit gusto ko na lang mamatay."

"Since you broke up, hindi na siya gaanong kumakain at laging nasa bar. Matitiis mo ba siyang ganun? Nasa iyo na ang puso niya. Paano niya pa pa iyon babawiin kung aalis ka na? Para mo na siyang binigyan ng life sentence. He's alive but dead inside."

Nalaglag na ang mga luha ko sa mga sinasabi niya. Parang gusto ko na lang susuko dahil nilalamon ako ng aking kunsensya. Humugot ako ng malalim na hininga sa aking baga habang mariin kong ipinikit ang aking mga mata.

"You're going to regret this, Hailey." Umiiling siya habang pinanonood ang pag-e-emote ko.

Nangangatog na nag kalamnan ko sa mga naririnig ko. Isa iyon sa mga ideya dahilan upang hindi na ako magbago pa ang isip ko.





MONDAY. Nasa airport na ako. Hinatid ako ni Mama roon. Isang kaway ang nakita ko. Ngumiti siya habang ang hawak na cellphone na mukhang kagagaling sa pakikipag-usap. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng airport. Nagmistula akong estatwa. Tila ba namagnet sa sahig ang aking mga paa. Parang may hinahanap ako. Parang gusto ko humakbang pabalik. Parang may nais sundan ang puso ko.

Nagyuko ako ng marealize ang totoong nais ipahiwatig ng nararamdaman ko. Bakit pa ba ako nangungulila sa kanya gayong pinutol ko na ang aming ugnayan. Hindi ko na dapat iyon nararamdaman dahil wala akong karapatan.

Mahigpit ang yakap sa akin ng pamilya ko. Ganoon din ang ginawa ni Trisha. Naroon din si Lennox pero may bahid ng panghihinayang ang mababakas sa mukha ng binata. Marahil ay masama din ang loob nito sa akin sa ginawa kong desisyon sa pag-iwan sa Kuya niya.

Ngumiti ako pero hindi ko maiwasang damhin ang kirot sa puso ko.

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko kay Trisha. Naluluha sila ng marinig na ang pagtawag sa na umere sa airport para pumasok na sa loob ng eroplano ang mga aalis ng bansa.

Nasa loob na ako ng eroplano ng bumuhos na ang kanina pang nais na bumadyang mahulog. Inabutan ako ni Light ng panyo saka nalungkot na ngumingiti sa akin.

"Aren't you gonna regret this?", Aniya.

Hindi ko siya sinagot. Ang dahilan? Sawang-sawa na ako sa katanungan nilang iyon. Ilang ulit ko na ba iyong narinig?

Inabot ko na lang ang paningin inaalok niya upang tanggapin ko. Pinunasan ang luha sa mga mata ko saka ipinilig ko ang aking ulo sa upuan upang kalimutan ang gumugulo sa aking isipan.

Nagagawa ko ba talagang kalimutan ang mga iiwan ko dito?

"Sasama ka ba talaga sa akin? Are you going to train in our company?", Muling nagsalita si Light Acueza ng mag-take off na ang eroplano.

"Hunter is a good man. Kung gusto mo siyang bumalik sayo, you can change your mind habang maaga pa.", Dugtong niyang muli ng nasa himpapawid na nag eroplano. "Pwede ka namang bumalik agad sa Pilipinas."

Sinilip ko ang salamin sa aking tabi. Pero ulap na ang nakikita ko.

Kinalabit ako ni Light saka isinuksok sa aking kanang tainga ang headset niya. Wait, akala ko ba bawal i-on ang mga electronic devices? Ang pasawag talaga ng lalaking ito. Pero wala na akong lakas para makipagtalo pa rito ngayon. Hinayaan ko lang siya sa nais niyang gawin. Kapwa namin pinakinggan ang music sa playlist niya. Gusto ko pang mainis dahil ang senti ng kanta na iyon. Lalo lamang akong nakukunsensya.

Napatingin ako kay Light.

"Bringing back memories? Sinadya ko yan. In case lang na magbago ang isip mo. Three days ko lang nakilala si Hunter pero sa kaunting panahon na iyon napatunayan kong mabuti siyang tao. Napanatag ako dahil sa mabuting tao ka napunta. But now, I want to heal your heartache. If pwede lang..."

Nangunot ang noo ko at kumurap ang mga mata ko. Hindi ko mawari kung may malalim ba na kahulugan ang sinambit niyang iyon o talagang pumapanig lang siya kay Hunter. May bahid ako ng pagdududa. Gusto kong tanungin kung ano ang ibig sabihin sa tinuran niya pero nanatiling tikom ang aking bibig.

I don't need his sympathy...kung naaawa lang siya sa akin.

I want to be strong.

Nanatili akong nakatunganga sa kanya. Ngumisi siya at nag-piece sign sa akin.

"Bakit?", Nagtatakang tanong ni Light.

"L, ang kulit mo."

Pinagtaasan niya pa ako ng kilay. "Do you love him?"

"Yes."

Ngumisi si Light. "Then, the problem is you."

"Yes."

"Are you really going and willing to give him up?"

Parang zipper ang bibig ko dahil bigla iyong nagdikit ng walang namutawing sagot ang lumabas roon. Bumunot ako ng malalim ng buntung-hininga. Patuloy kong pinaniwala na dapat mag-exist sa aking nervous system na wala ng Hunter Sylverio sa akin. Huli na ang lahat. I've hurt him enough. And I admit that it's all my fault. Sinabi ko na dapat na akong mag- move on, that I need to step on the next chapter of myself without him. It's all over. We're done. I'm all myself and he's living without me.

Pero bakit ganito pa rin ang puso ko? Parang humahawak pa din sa isang paniniwalang buong-buo na kinuha ni Hunter ang puso ko. Am I regretting this now? Nagsisisi ba talaga ako agad ngayon?

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa upuan. Kailangan kong iwasiwas ang mga gumugulo sa akin. Wala rin naman nang silbi pa ang magsisi. Dahil tapos na.

Ipinilig ko ang ulo ko upang dungawin ang maasul na kaulapan. Hindi ko naman sinisisi si Hunter sa halip ay sinisisi ko pa nga ang aking sarili. Oo, dahil I know I've hurt him so much pero hindi ko naman kontrolado ang iniisip ng ibang tao kung ako man ay tinatapunan nila ng sisi.

Muling bumalandra sa aking gunita ang mga sermon ni Trisha at Light at hindi ko man lang naipagtanggol ang aking sarili.

Kanina pa ako kinakausap ng aking kababata ngunit nanatili lamang akong walang kibo. Panay lang ang pagtanggap ko sa mag sermon niya. Hindi ko man lang magawang sagutin ang mga ibinabato niyang mga salita sa akin dahil may bahid iyon ng pangungunsensya. Nagmistula akong manhid. Patuloy ko lamang tinatanggap ang lahat ng paninisi at nagkunwaring walang pakialam sa lahat ng pumapasok sa aking tainga.

"Kilala kita since childhood. Bestfriend kita kaya kilalang-kilala na kita. I know yun in a downcast situation but I don't believe the good girl I've known try to hurt someone's feelings. It's like your throwing a death sentence to him. Ikaw ang pumapatay sa kanya."

Nanlaki ang nga mata ko ng sapuhin ko ang dibdib ko. Mabilis ang naging pag-awang ng aking bunganga at pangungunot ng noo. Inalis ko ang headset na isinuksok niya sa tainga ko.

"Nasasaktan din ako, L. Sobrang nasasaktan."

Umiling na lang si Light. "Yeah, yeah... No matter what decision you make I will still support you. I will wait until the old you comes back. I'll wait...", Nanghihina na sabi niya.

Sinulyapan ko siya na nakatingin sa akin. Batid kong nag-aalala siya kahit tumahimik ba siya habang ang mga mata ay nanatiling nakapokus sa akin. Hindi ko inaasahan na ganito pala kalala ang ginawa ko.

They all blame me.

Pumikit ako subalit nagfla-flashback lang sa akin ang huling tagpo namin ni Hunter. He stared me with his cold and emotionless eyes before he make his last step away the hospital. Away from me.

"I know how much you love him, Lei. I hope that you will never regret anything. I just want my bestfriend back. And if yung destiny na ang gumawa ng way para magkita kayo uli, I wish he's not the monster he used to be."

Dumaan ang pagkabigla sa aking mga mata. Nangilid ng luha ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko namalayang umiiyak ba pala ako ng walang kibo at alam kong nakikidalamhati rin si Light sa pighating nararamdaman ko.

Sa isang iglap ay nilamon ako ng kunsensya ko. Pero sumuko na ako sa relasyong inalagaan naming pareho. Marahil ay sobrang pagod na ako sa lahat ng nangyari. Nasangkot ako sa pagitan ng dalawang mafia. Nakidnap. Ilang beses na muntik mawala sa akin ang sarili kong buhay. At ngayon ang pinakamasakit na pangyayari ang naganap sa aking buhay. Dahil sa gulo ni Hunter sa Red Dragons, nawala ang anak ko.

Sa ngayon, hindi na muna ako handa para sa ibang taong nais na manghimasok sa buhay ko.

Pinahid niya ang luhang bumalandra sa aking pisngi saka mapait na ngumiti sa akin. Yumuko na lang ako dahil hindi ko sadyang kunin ang atensyon niya para kaawaan lang ako.

Huminga ako ng malalim. I can still feel the immerse stare of him. Hindi ako lumilingon. Ayoko ng pangaralan akong muli.

"Crybaby.", Aniya.

Huminto na ako sa paghikbi ng hindi pa rin tumitingin. Maya-maya'y iginilid ko na lang muli ang aking ulo sa gilid ng bintana ng eroplano. Diretso lang ang tingin ko sa mga puting ulap at asik na kalangitan. Manaka-naka'y sumusulyap si Light pero hindi na siya muli pang nagtangkang mag-open ng conversation dahil alam niyang wala rin akong maisasagot.

Hindi ko siya masasagot dahil hindi ko rin alam ang dapat at tama kong tugon sa mga pangaral niya. Alam ko naman na sinaktan ko si Hunter. At siguro nga ay totoo ang ipinagdidiinan nila sa akin. Na tumatakas ako...

Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni-muni ay ipinagpag ni Light ang isang Hershey's chocolate sa harapan ng mukha ko. Nang lingunin ko siya malamlam ang titig niya sa akin.

"As long as I remembered pag nai-stress ka noon dinadaan mo sa pagkain ng chocolate. Try ko lang kung effective pa."

Inabot ko ang chocolate at kinain iyon.

"Journey to move on? Yun na ba ang next step mo?"

Matamlay ang aking naging pagsang-ayon. "I'll live my own life now without him."


Kasinungalingan! Dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kirot sa puso ko. Parang nais umurong ng dila ko at nais kusang dumikit upang manatili iyong tikom.

Labis-labis ang pagkabigla ko ng hilahin ni Light ang kamay ko. He sighed and give me his warm smile.

"Maghihintay ako sayo, Hailey..."

HUNTER POV

"ARE YOU OKAY?", Narinig kong sambit ni Lennox ng tumabi sa akin sa likuran ng ferrari.

Naupo kami roon sa harapan ng sasakyan habang nakatingin sa kalangitan. Pinagmamasdan ang eroplanong lumipad sa himpapawid.

Tangay non ang babaeng hindi ko na siguro muli pang makikita. At tangay rin ng babaeng iyon ang puso ko.

Inilipad ng hangin ang buhok ko. Papalubog na rin ang araw at nagbabadya ng dumilim. Hindi ko rin naman alintana ang pagtakbo ng oras.

"Aren't you going to follow her, Kuya?", Seryosong tanong ni Lennox.

I half-smile hearing saying that to me. Kuya. Ang sarap pakinggan. Hindi ba mafia Boss ang turing niya sa akin ngayon kundi ang nakaktandang kapatid.

Nang napansin niyang wala akong kibo ay agad naman niyang nirespeto ang pagiging tahimik ko.

Nag-angat ako ng mukha. "I won't. Nakapagdesisyon na siya. She doesn't want me then I'm going to do what she wanted. I'll start my life without her. Hindi ko na siya pipilitin kung ayaw niya. Pagod na rin ako."

Yun naman ang totoo at ayaw ko ng manghimasok pa sa buhay niya kung isinarado na niya ng tuluyan ang pinto ng puso niya. Ayaw ko ng maipagtabuyan pa. I'm alone in my own dilemma and feeling alone and rejected. She doesn't want me. She don't need me.

Kumunot ang noo ni Lennox saka umiling. "What if she wanted you back? Makikipag---"

Bigla ang pag-igting ng aking mga bagang at pagkuyom ng aking palad hanggang sa namuo iyon bilang kamao. "Anong tingin niya sa akin? Bagay na pwedeng itapon saka bigla niyang papalitan? Tinapon niya ng ganun-ganon lang ang pagmamahal ko sa kanya?"

Nagsalubong ang kilay niya. "K-Kuya.."

"Regrets? Useless! There's seven billion people in the world. Maybe I found someone better than her. Ipapakita ko sa kanya na hindi lang siya ang babaeng umiikot sa mundo ko."

Sinusubukan kong pakalmahin ang nararamdaman ko pero lalo lamang naninikip ang dibdib ko. Para akong naso-sofocate.

Lalo na ng maalala kung paano kami nagsimula. Patanong nagkalapit ang aming mga damdamin. Yung mga panahong ipinagdidiinan niya kung gaano ako kaarte. Yung mga panahong sinabi niya ding mahal niya ako.

Her promises....

Gusto kong magalit sa babaeng yun dahil sa biglaang pang-iiwan niya sa akin subalit ayaw sumang-ayon ng puso ko. Kahit pa sinaktan niya ako ng sobra-sobra. Kahit hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit niya nagawa sa akin ang bagay na iyon.

Ang tanging magagawa ko lamang ay burahin at ibaon siya sa limot nang sa gayon ay mawala rin ang sakit pa sa dibdib ko.

I will just look at the brighter side. It's the new beginning. Ito na ang huking beses na iiyak ako dahil lang sa babae. Gagawin ko ang lahat para makalimutan siya. Kahit masakit ay iyon lang ang paraan.

Bumakas ang tungkol sa mga mata ko sa t'wing maaalala siya. I'm invested so much emotion in her at parang wala ng natira sa akin.

"Alam mo, mas gusto ko ang Hunter ngayon."

I was at my wit's end. I had nothing left to stay anymore. Time to start a new life. Time to find a new world. Somewhere that I could love again.




"YOU'RE BEING thick-headed, son. Hindi ka na pumapasok sa office. You're just wasting your time at some clubs?", Umalingangaw ang nangangalit na tinig iyon ni Papa ng bumubuntot sa akin habang patuloy pa rin akong pinagsasabihan ng kung anu-ano.

"Just leave me alone!", Nagtungo ako sa aking kwarto at pabalag ko ring isinarado. Wala akong pakialam kung ano man ang naging reaksyon ni Papa sa labas. Pasalampak kong inihagis ang aking sarili sa kama. Nakipagtitigan sa kisame.

"Whose life is it anyway?", I mumbled under my breath then bumukas and pintuan ng kwarto ko. Nakakainis dahil nakalimutan kong i-lock ang kwarto ko.

"We're not done.", Muling hirit ni Papa ng pumasok siya sa loob ng silid ko. Nang lingunin ko siya ay nakita ko siyang nakasandal sa likod ng pintuan. The way he look at me somewhat he was willing to discuss something important.

"Tapos na tayong mag-usap, Pa. The discussion is over. Gusto kong magpahinga."

"Magpahinga? Ugh, ang magsayang ng oras sa mga walang kwentong bagay?", Pinagtaasan pa niya ako ng boses.

Naupo ako sa gilid ng kama ng nakipaglaban ako ng titigan sa sarili kong ama. "Bakit ba nakikialam ka sa buhay ko? Maybe pinatawad na kita sa ginawa mo sa amin ni Mama. Why, natatakot ka bang maging kagaya kita? Siguro nga dapat gawin kong pundasyon yung ginawa mo para at least magmana talaga ako sayo. Doesn't it feel weird having two women by your side?", Sabi ko ng suklayin ko ang buhok ko pataas gamit ang mga daliri ko.

"Love doesn't work like that. You doesn't love Mom. You only love yiur other woman. You only have your eyes to Knoxx's mother. Ilang beses na bang umiyak si Mama sayo?", Muli kong sinambit.

Hindi ko akalain ang bilis ng mga nangyayari kung paano ako napahiga sa kama. Kung paano dumapo ang kamao ni Papa sa mukha ko.

"Sometimes love has to be more than a set of feelings that come and go."

Ngumisi ako. "Really? Wow.", Sabi ko sa naiinis na tono habang pumapalakpak pa. Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili kahit pa nagmumukha akong childish sa inaakto ko.

Lumabas na ng kwarto ko si Papa na nagagalit.

"I miss you so much.", Inabot ko ang kwintas sa leeg ko. Isang locket iyon na lock. Ang susi ay na kay Hailey. Akala ko pa naman mabubuksan na ang loob ng locket na iyon para makita ni Hailey kung ano ang nasa loob non.

I moved down to my knees as a hot lump of sadness welled up in my throat.

Akala ko hindi na ako iiyak.

Nakakabakla pa kung iiyak ako? Tears spilled over onto my cheeks as I stood up and walked downstairs. I need fresh air. Badly.

Nang pagbaba ko sa spiral staircase, naabutan ko si Mama na may dala-dalang tray sa pagitan ng mga kamay niya. Nanatiling nakatayo roon si Mama. Pinahid ko naman ang luha sa mga mata ko

"Umalis na ang Papa mo kanina."

Inilapag niya ang tray sa mesa. Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niya akong yakapin. "I'm twenty-four yet you still treated me like a little boy."

Hinalikan ni Mama ang pisngi ko. Siguro nga ay isang regalo sa akin ang naramdaman kong presensya ng taong totoong nagmamahal sa akin.

"Besides.. why do you bring me cookies and milk?", Mapait ang naging pag-ngiti ko.

Pero ang tawa kong iyon ay agad na nawala sa aking bibig ng makita ko ang pag-iyak ni Mama.

"I need some fresh air. Good night, Mom.", Saka ako kumalas sa pagkakayakap ni Mama saka dineretso ko and front door.

Forget her. Forget her. Forget her.

Paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili. Pero sobrang hirap iyon gawin.

_________

A/N: The next chapter will not be a tear-jerker! Promise!

MarvelousLu

Continue Reading

You'll Also Like

487K 11.9K 32
Kung gusto mong malaman ang storyang ito basahin mo ✍️Completed✓ (11-23-20)
137K 3.9K 79
Started: May 3,2021 Status: Completed Finished: June 17,2021 Ps. This is unedited story and i don't have plan to edit kaya sorry kung may mga wrong t...
18.7K 308 52
Surrender is not in our dictionary
1.2M 44.5K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...