So I Married The Mafia Boss

By MarvelousLu

1.2M 23.1K 552

[Completed] Hunter Louis Sylverio, famous entrepreneur, a man with status and more money than most. He got pe... More

Copyright
Characters
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 34

15.4K 281 0
By MarvelousLu

HUNTER POV

OUR RELATIONSHIP had always been a roller coaster of treacherous emotions and nothing was going to change that. Though, it just felt so much more volatile and teary at each other.

"You look like shit Boss.", bungad ni Xander ng tuluyan itong pumasok sa loob ng opisina ko.

"You're just jealous like the rest of them. Haha, mag-asawa ka na kasi para malaman mo ang nararamdaman ko at kainin mo yang mga sinabi mo sa akin.", Ngiti rin ang iginanti ko sa kanya matapos ko siyang payuhan ay inutusan ko na siyang maupo sa upuang nasa harapan ng desk ko.

"Congratulations Boss, I heard na magkakaanak na kayo ni Hailey."

Muli akong ngumiti. Siguro kung may magandang bagay na nangyari sa buhay ko ay iyon ang nalaman kong magiging daddy na ako.

Tumayo ako saglit upang tunguin ang fridge para manguha ng beer saka ko iyon ibinigay kay Xander. "Talk to me about the new security system you and Levi have been working on."

Tinanggap naman niya ang beer na inabot ko. Saka namin tinalakay ang mahigpit na seguridad para sa magaganap na event sa company.

HAILEY POV

YUNG FEELING na mas excited pa si Hunter na magtungo kami sa doctor-- kay Dr. Cruz.

Nagbigay ng in instructions si Dr. Cruz tungkol sa pagbubuntis ko. Niresetahan at ipinaalam ang mga bawal sa akin. Every week din ang schedule ng check-up ko dahil nalaman namin na sensitive pala ang pagbubuntis ko. Lumabas na kami sa clinic yet Hunter can't control himself but to held my tummy. Yumuko siya saka idinikit ang tainga sa tiyan ko.

"Hunter, anong ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan.", Saway ko sa kanya dahil pinagtitinginan na kami ng mga taong dumaraan sa pathway ng clinic.

"Hey, blue Belle, I'm your Daddy. Stay strong with Mommy, okay? Huwag mo siyang masyadong pahirapan. I love you both."

Ngumiti naman ako. Ngayon palang napi-picture ko na sa aking isipan na magiging mabuting ama si Hunter. At blue Belle? Saan naman niya napulot iyon? Sana lang hindi iyon ang ipangalan niya sa bata if ever.

Hinaplos niya pang muli ang tiyan ko bago siya dumiretso ng tayo saka ako inakbayan ng tunguin namin ang ferrari niya.

__EVENT DAY__

HUNTER gave full responsibility to spearhead the event tonight. Pero hindi lang ito isang normal na executive party, mukha nga itong annual ball. Naimbitahan sa Sylverio Industries ang mga kilala at bigating personalidad sa altasosyedad. Nariyan ang mga mayayamang businessman, mga artists, mga politiko at maging ang mga media ay nagkalat rin sa paligid ng event upang mangalap ng impormasyon na kanilang ilalathala sa publiko.

Nilibot ng aking paningin sa paligid. Ang event ay napalilibutan ng mga taong nakasuot ng mga designer gowns and suits na puputok ang mga nagmamahalang halaga non, mga clutter at mamahaling champagnes.

"Oh, hija, enjoying the party?", Nilingon ko si Mommy Suzette na nakangiti sa akin. Kahit na nasa mid-fifties na ang edad nito ay glamorosa pa rin ang ganda.

Tumango na lamang ako. Kumaway at tuluyang nagtungo sa amin si Hunter kasama si Lennox at Trisha.

"Ooh, son you didn't tell me that your bringing a date. Mind if you gonna introduce the beauty behind you?", Ani Mama Suzette nang mapuna nito si Trisha na agad na pinamulahan.

"She's a friend. Her name's Trisha. Trish, meet my mom."

"Hi po.", Nahihiyang bati ni Trisha nang tanggapin nito ang nakalahad na kamay ng Donya.

Sa tantiya ko ay magkasundo naman ang dalawa. Si cyborg na lang talaga ang may problema.

"Congratulations son, your team pulled together to make this beautiful event.", Sambit ni Don Leandro ng lumapit ito sa amin matapos makipagkwentuhan sa mga amigo nito. May hawak itong red wine sa isang kamay.

Nang dumaan sa gawi namin ang isang waiter na may dalang tray ng champagne ay agad silang nagsipagkuhaan. Inabot naman sa akin ni Trisha ang pineapple juice dahil bawal sa akin ang alcohol.

"Double celebration dahil our Boss and Hailey will soon to be a parents.", Masayang deklara ni Levi.

Napuno ang good luck and congratulations ang mga pagbating aming natanggap mula sa kanila.

"Cheers.", We all said in unison.

"Ipinaalam mo na ba ito kay Katherine? Sa aming parents mo, si Kathy ang mukhang mas mae-excite sa magandang balita.", Ani Mommy Suzette after nitong inumin yung champagne.

Isang tango ang isinagot ni Hunter para ipaalam na naghatid na niya ang good news sa Ina. Wala ngayon sa event ang Donya dahil sa sakit niyo. Naisin man nitong makadalo ay hindi maari dahil mahina na ang kalagayan ng kalusugan nito.

Nadungawan ko rin ang mga men in black na nagkalat sa party. Mahigpit din ang security system.

Isang sweet music ang bumalandra sa sound system kung kaya't nagsimulang manguha ng mga kapareha ang mga bisita at nagsimulang sumayaw.

"May I have this dance?", Tanong ni Hunter.

Hindi ba niya hinintay pa na sumang-ayon ako ng kuhanin niya ang kamay ko as he started to lead the dance. Nakihalo kami sa mga taong sumasayaw kasama ang mga partners nila.

"How I wish na sana bumilis ang araw para maipanganak mo na si blue belle."

"Blue belle?"

"Nah. Wala pa akong maisip na pangalan. I don't know if it is a he or a she."

I rolled my eyeballs. I know na sobra ba siyang excited pero masyado siyang atat. Hindi rin naman kasi basta-basta ang pagbubuntis.

Natapos na ang kanta. Lahat ay pumalampak.

Panay parin ang click ng mga camera at pag-i-interview ng mga reporter. Nahagilap rin ng aking mga mata ang isang pamilyar ba pigura ng isang lalaki. Yung blond hair nito at Italian look. Ipinikit ko ang mga mata ko ngunit ng aking imulat iyon ay nawala na ito sa paningin ko. Namamalikmata kaya ako o nadedeliryo sa pag-aakalang nakita ko si Trent?

"Hunter...", Narinig kong tawag ni Lennox. May ibinulong ito sa kapatid at mukhang hindi sila mapakali. Inutusan din nila ang mga men in black na magmasid at maging alerto sa paligid.

"Fuck, anong nangyari sa security system?", Galit na singhal ni Xander kay Levi.

"Some of the stuffs were found at the basement at mukhang nasabotahe ang system. Stay alert!", Ani Levi.

Nanatili kaming nakaupo ni Trisha habang pinapanood ang mga lalaking hindi magkaumayaw sa pagbubulungan. Nagpalitan na rin kami ng kaibigan ko ng makahulugang tingin. Kapwa kami nakaramdam ng tensyon sa nakikita naming pagkataranta ng mga ito.

"Hailey, ano kayang problema?", Kinakabahang tanong ni Trisha sa akin.

Nagkibit-balikat ako subalit ang totoo niyan ay may ideya na ako sa nangyayari. Gumapang agad ang pangamba sa katawan ko at ipinagdarasal na mali ang hinala ko.

Nagsalita na rin ang emcee sa harapan at unti-unting tinatawag ang mga businessman na nakapagbigay ng ambag para maging matagumpay ang proyektong ito.

Nagbigay ng speech ang kasosyong businessman ni Hunter sa stage upang iparating ang pasasalamat nito.

"As you know we take a great pride in this event. I'm making this impromptu speech to thank all the people who put all this altogether... To the young CEO of Sylverio Industries, Mr. Hunter Louis Sylverio."

Ilan pa mga personalidad ang nagbigay ng kaniya-kaniya nilang speech. Masigabong palakpakan ang aming narinig. Nanatili pa rin akong nakaupo doon nang isang reporter ang lumapit sa akin para tanungin kung totoo ba ang nakalap nilang balita kung nagdadalang-tao nga ako.

Pero bago pa tuluyang makalapit ang reporter ay agad na humarang si Levi at binugaw ang reporter. May mga pumalibot na rin sa aming men in black at may ibinulong sa earpiece nila.

Obviously, lalo akong na tense!

Tumabi naman si Hunter sa akin ng tumayo kami ni Trisha. Hindi siya nagsasalita at nanatiling tahimik ngunit ang mga mata ay hindi mapakali. Kapwa naman kami napasinghap ni Trisha ng masilayan ang kalibre 38 sa mga kamay nila. Ilang sandali lang ay parang pinalilikas na ng building na iyon ang mga tao pero parang walang pakialam ang mga ito at nagpatuloy lang sa party.

"Hailey...", May nginig sa boses na iyon ni Hunter nang igiya niya ako aa kanyang likuran.

Nagbulungan na rin ang mga tao ng mapansin nila ang mga hawak nilang baril. May itinuro si Levi sa kung saan at isungaw ang pangalan ni Trent. Isang malakas na putok ang yumanig sa aming lahat.

Nagkagulo ang mga tao sa event. Nagkarambulan sila at kaniya-kaniyang tago sa ilalim ng table. Mga tili at sigawan ang namayani nang isa na namang putok ng baril ang aming narinig.

"Hailey!", Sigaw agad ni Hunter.

Nilingon ko siya kaagad. Yumuko na rin kami sa table habang nanginginig ang aking katawan dahil sa mga nangyayari.

"Cover them up, now move!", Sigaw niyang muli sa mga men in black.

Nanlamig na ang katawan ko. Nakakakilabot na ang nangyayari. Isang putok galing sa itaas ang nagpatumba kay Levi. Nakita ko kung paano ito matumba sa aking likuran ng dalawang putok ang tumama sa katawan nito.

"Levi!", Sigaw ng isang men in black ng iputok rin nito ang baril mula sa itaas.

"Secure the girls. Help them evacuate!", Sigaw ni Lennox.

Lumapit naman si Xander upang tulungang makatayo si Levi at ipunta sa aming pinagtataguan.

"Hunter!", Sigaw ko na din, almost crying.

Nanginginig ako nang makita ko siyang magtago sa dingding upang hindi tamaan ng bala. Pagkatapos ay agad din siyang lumabas upang magpaputok pagkuwa'y muli uling magtatago. Nakita ko kung ilang butas ang naroon sa concrete wall.

Isang putok muli galing sa itaas ang nagpatumba sa isang men in black.

"May nagpapaputok sa itaas. 12 o'clock upon the staircase. A sniper!", Sigaw ni Xander nang takbuhin kami ni Trisha. "Stay down!", Aniya sa amin.

Lalong lumakas ang pintig ng aking puso. May malamig na pawis na ring namuo sa aking noo kasabay ng panlalamig ng aking kamay. Narinig ko na rin ang naging pag-iyak ni Mommy Suzette habang yakap-yakap ni Don Leandro at si Trisha. We are all sobbing. Scared of what is happening. Ang ibang tao ay tinakasan na rin ng bala ng baril. Ang iba ay tagumpay na nakalabas ng building. Ang iba ay nanatiling nakatago sa mga tables, ang Ilan ay nagsisitakbuhan at ang ilan din ay nakahandusay na. Hindi ko alam kung buhay pa ang mga iyon o patay na.

May putok na rin na tumatama malapit sa aming direksyon na lalong nagpahagulgol sa amin ni Trisha. May mga tumama ulit sa concrete wall. Isang malakas na singhap ang lumabas sa aking bibig ng makitang biglang napaupo sa sahig si Xander ng tamaan ito sa braso at namuo agad ang dugong dumaloy sa braso nito.

Tinamaan si Xander sa braso ngunit gumalaw pa rin ito na tila walang iniindang anuman ng makipagpalitan parin ito ng putok sa Red Dragons.

"Bullshit! How many are they?", Pagmumura na ni Xander.

Inalala ko si Hunter. Hinanap siya ng mga mata ko dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Lalo akong nafa- frustrate ng makita ang ilang men in black na nasa concrete wall, sa may halamanan, at sa table. Doon sila nagtatago pagkatapos ay makikipagpalitan ulit ng putok ng baril. Is this some kind of movie?

Pinanalangin ko na kung sana ay pwedeng lamunin na lang ako ng sahig ng sa gayon ay hindi ko masilayan pa ang lahat ng nangyayari ngayon. Sa tingin ko ay hindi ko na ito kakayanin pa. Ang marubdob na nagaganap ay masyadong mabigat sa aking dibdib. Patuloy pa rin ang palitan ng putukan sa magkabilang panig.

Kahit na namimilipit na sa sakit si Xander ay pilit pa rin itong lumalaban. Maya-maya lang ay pinindot nito ang nakasuot na earpiece sa kanang tainga. "Their are lot of them! Some of our men have been shot! Clear the pathway, doon kami dadaan."

Umalingangaw muli ang sumunod na putok. Humigpit na rin ang pagkakahawak ni Trisha sa kamay ko.

Ilang sandali lang ay wala ng putok pa kaming narinig. Ngunit ng aming silipin ang sumunod na nangyari ay halos magsipagtindigan ang aking mga balahibo. Kapwa nagkatutukan ng baril sina Hunter at Trent. Walang gumagalaw. Ang konsentrasyon nila ay kapwa nasa isa't-isa. Pinag-aaralan kung sino ang unang gagalaw, kung sino ang unang magpapaputok.

"Hey, mate. Surprise, surprise. Want me to pull the trigger? Your dead body will be my greatest gift."

Ngumisi si Hunter. "Nice eye. Sa susunod tuluyan na kitang bubulagin."

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Hindi ko na nga alam kung paano naihagis ang baril nila sa ere at ngayon ay parehas silang nagbubugbugan.

Hunter kicks him in the side, or tries to. Trent grabs his foot and yanks it forward. Tuluyang bumagsak ang katawan ni Hunter sa sahig pero agad din itong nakatayo.

Mabigat ang mga titig ni Trent--- naroroon ang sobrang galit at pag-uumayam. Nang suntukin nito sa pisngi ang kanyang kalaban, ipinulipot nito ang braso sa leeg ni Hunter as he tossed him at the floor. Kinuhang pagkakataon nito iyon upang sipain sa tiyan si Hunter.

Pinagsusuntok nito ang mukha ni Hunter maging ang ilong nito ay hindi pinalampas. Walang sino man ang nangialam sa laban ng dalawa. Dahil ang laban na iyon ay sa pagitan ng dalawang mafia boss. Wala kaming nagawa kundi ang panoorin ang marubdob nilang labanan.

Their faces already bruising and their nose starts to bleed.

Hunter punches Trent in the stomach and he loses his balance, but doesn't fall. He smucks him again.

Napasinghap ako. Hindi ko na kayang panoorin pa ito. He punches Hunter again, this time in the ribs. My heart is shattering over and over again. I am seconds from falling apart completely.

Hunter throws hard punches on Trent's jaws. Pinaibabawan niya rin ito saka pinagsusuntok rin but Trent uses his all force to kick his stomach. Dahil sa sipang iyon naihagis sa gilid ng sahig si Hunter ngunit ang swerte any lumang sa kanya ng makita ang baril sa gilid. Agad niya iyong hinablot at ipinutok kay Trent. Tumama ang bala sa katawan ni Trent. Dalawang putok iyon na nagpatumba rito.

So is that the end...?

Tumayo na kami at tinulungan ko na ring tumayo si Xander. Nakita naman namin ang paglapit ni Lennox sa bumulagtang katawan ni Trent upang siguraduhin kung buhay pa nga ito o patay na. Then he declares that Trent was really dead.

Akala ko ay tapos na ang kaguluhang ito sa pagkamatay ng pinuno ng Red Dragons pero hindi pa pala nang muling magpaputok ng baril ang mga tauhan ni Trent. Sa sobrang takot ko ay agad kaming nagsiyukuan sa table.

"You rascals!", Sigaw ng isa sa mga tauhan ni Trent.

Kitang-kita ko ang muling paglagay nito ng bala sa baril nito at itinutok iyon sa direksyon namin. Mabilis ang naging pagtakbo namin dahil mukhang doon sa aming pinagtataguan inasinta ng kalaban ang pagpapaputok roon.

I don't know what happened next. Magulong-magulo at mabilis ang lahat ng nangyari. Nakita ko na lang ang mga police agents na hinuli ang mga natirang tauhan ni Trent. Pati na rin ang mga medics na inasikaso agad ang mga taong natamaan.

"Hailey!", Sigaw ni Xander at Trisha.

Isang putok ang aking narinig. Agad akong nakadama ng sakit at kirot sa aking katawan.

Kusang bumagsak ang katawan ko na agad na sinalo ni Xander. Malabo na ang paningin ko ng makita ko ang mabilis na pagtakbo ni Hunter sa direksyon ko. Agad niya akong kinuha kay Xander at naramdaman ko rin ang panginginig ng kamay niya. Lumuhod si Trisha habang umiiyak.

"Knoxx, ihanda mo ang sasakyan. We need to rush Hailey at the hospital! May tama si Hailey!", Natatarang sigaw ni Xander.

Nang itaas ko ang kamay ko, hindi ko maiwasang umiyak kahit nahihirapan na akong huminga ng makita ko ang dugo na nagmumula sa aking tiyan.

"Y-Yung baby ko....", Ang huli kong nasabi habang umiiyak until I passed out.

"Wake up, Hailey. Wake up. Hailey, no please baby, wake up..."



HUNTER POV

BLOOD DRIPPED from Hailey's stomach. Her arm was draped across the threshold. Huminga ako ng malalim ng i-position ko ang aking dalawang daliri sa kanyang carotid artery para ikumpirma kung humihinga pa siya. Laking pasalamat ko dahil she was still breathing, but weak.

Umiiyak na ako. At sa tana ng buhay ko ay ngayon ko lang ata nabanggit ang pangalan ng Panginoon upang manalangin sa kanya. "Dear God," dasal ko. "Please save them. Please save them both."

Wala na akong inaksaya pang oras ng isakay ko siya sa sasakyan. Nasa peligro ngayon ang buhay ng aking mag-ina. At ngayon, wala akong ibang sinisi kundi ang aking sarili. I promise to protect her. Pero ano itong nangyari ngayon?

"Please hold on, Hailey..."

Tears stung my eyes as I realized that Hailey now have to fight for her life. Pinagdikit ko ang luhang lumandas sa aking mga mata nang kunin ng mga paramedics ang katawan ni Hailey patungong emergency room. Kailangan ako ng mag-ina ko. Kailangan niyang marinig ang boses ko, upang iparamdam na nandoon lang ako para sa kanila.

Nagmamadali kong tinungo ang entrance ng ER sa receptionist. Ang isang babaeng nakatoka roon ay inutusan akong maupo.

Pero nanatili lang akong nakatayo. Nangangatog ang katawan ko at hindi mapakali. Paano ako uupo na lang at kakalma gayong batid kong nasa panganib ang aking mag-ina?

Thirty minutes ang lumipas, isang nurse ang lumapit sa akin, she's directing me to go to an alcove, nalayo sa main area. "She is undergoing surgery, Mr. Sylverio."

"Kamusta siya?", Agad kong tanong. Nanlalamig na rin ako at maging ang pawis ba nabubuo sa aking noo ah malamig rin. Wala akong ibang nais na marinig sa nurse kundi ang sabihin niyang okay ang mag-ina ko. Hoping...

Yumuko ang nurse. "Pasensya na pero ang tangi kong alam ay nasa surgery pa lang ang pasyente."

"T-They... a-are safe right? My Hailey and my baby.. they are both safe, right?"

"Muli akong humihingi ng paumanhin but I don't have any additional information. Miss Sandoval is still in the operating room. We will notice you soon after her surgery.", Malungkot na sabi ng nurse. Ipinatong pa nito ang kamay sa balikat ko saka tuluyang lumayo.

Dumating na rin sa St. Luke's Medical Hospital sina Lennox at Trisha. Maging ang parents ko at si Xander ay nadoon na rin. Inasikaso rin ng ibang doctor si Levi at Xander dahil sa tama ng bala nila. Katulad ni Hailey, nasa panganib rin ang buhay ni Levi.

Pinagsalikop ko ang aking mga kamay habang nakayuko habang hinihintay ang resulta ng operasyon. Tumabi na si Trisha sa akin at hinahagod ang likod ko. Hanggang isang doctor ang lumapit sa amin sa waiting room. Sumenyas ang doctor to accompany him him to a separate area.

Tumango naman sila na ako na lang mag-isa ang makipag-usap sa doctor.

Pinangilabutan ako habang ang mga luha ay unti-unti nang nabubuo sa gilid ng mga mata ko.

Hindi ko kakayanin kung mawawala si Hailey. How could I survive without her? She was her entire life. Ang sikip-sikip ng dibdib ko ng sundan ko ang doctor na nagngangalang Dr. Stephen Arellano sa opisina nito at pinaupo ako sa sofa. Bumagsak ang paningin ko sa aking nangangatog na mga kamay. Hindi ko ata ito kakayanin. Hindi ako handa sa kung ano man ang aking malalaman.

Nang tingnan ko si Dr. Stephen, his face is unreadable. Although, mukhang gusto nitong pagaanin ang bigat na nararamdaman ko.

Preparing for the blow, I clenched my hands into fists and pressed them against my face.

"Miss Sandoval is in ICU now.", Bumuntung-hininga muna si Dr. Stephen bago niya iyon sinabi. "The bullet entered the left side of her stomach. She survived the operation..."

Inalis ko ang mga kamay na nakahilamos sa aking mukha ng salubungin ko ang mga mata ng doctor. Thank God! Ligtas si Hailey. Medyo gumaan na ang paghinga ko.

"Pero, Mr. Sylverio...", Mas naging mahina at maabot ang tinig na iyon ni Dr. Stephen. "Hindi namin masasabi okay ang kalagayan niya. Even if she does, there's no way to distinguish what the damage of the bullet inflicted until she awakes."

Lumunok ako. Natatakot. "Pero naka-survive siya sa surgery."

Malungkot ang naging pag tango ng doct. "Yes she did. And we are sorry..."

Kumunot agad ang noo ko. "What are you trying to implicate?"

Humugot ng malalim na hininga ang doctor saka ibinuga iyon. "T-The baby didn't make it... Sorry for your loss."

Natigilan ako. Tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina lang nagbabadyang mahulog. Para iyong agos na dumaloy sa pisngi ko. Ang tindi ng sakit ang tumusok sa ikabuturan ng puso ko. Malalim at masakit.

No, please... No!

Iniwan ako ng doctor na may simpatya. Nalulungkot ito sa ibinalita sa akin. Hindi ako makalakad ng maayos pagkalabas ko ng opisina ni Dr. Stephen Arellano.

Sa bawat paghakbang ko ay tila ba ako matutumba.

Nang tanungin ako ni Mommy Suzette kung ano ang balita ay naiyak lamang ako. Agad niya akong niyakap.

Nang pasukin namin ang kwarto ni Hailey sa Room 204 ay hindi lalo akong naiyak. Paano ito matatanggap ni Hailey kung magising na siya? Paano ko tatanggapin ang magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya na wala na ang anak namin?

Hailey lay motionless on the hospital bed.

Narinig ko na rin ang pahikbi ni Trisha. Maging si Lennox ay nagpipigil na umiyak. Nilapitan ako ni Papa at sa unang pagkakataon ay nadama ko ang mainit nitong yakap. Inutusan naman ni Mommy Suzette kay Lennox na ipaalam ang nangyari sa pamilya ni Hailey.

Nang kumawala na ako sa pagkakayakap ni Papa ay mabigat ang aking naging paghakbang patungo sa hospital bed. Yumuko ako at hinalikan ang kamay ni Hailey.

Ang luha sa mga mata ko ay nahulog sa pisngi ni Hailey. "I love you, Hailey.. Please come back to me..."

___________

Continue Reading

You'll Also Like

15.3M 259K 39
Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just sixteen nang malaman niyang ipapakasal siy...
407K 1K 2
𝐆𝐢𝐫𝐥𝐱𝐆𝐢𝐫𝐥 - 𝐎𝐍 𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆
7M 247K 52
deceret (n.) latin word for "body to body" When Philodemus Elton Treveron's parents were slayed, the only thing that brings him closer to finding the...