Limerence

By endlesslaugh

3.4M 48.4K 5.7K

"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A... More

Prologue
Chapter 1: Seatmate
Chapter 2: Chi
Chapter 3: Deal
Chapter 4: Lalaki
Chapter 5: Park
Chapter 6: Déjà vu
Chapter 7: Dan Gab
Chapter 8: Mommy at Daddy
Chapter 9: Spaghetti Sauce
Chapter 10: Periodic Exams
Chapter 11: Your Guardian Angel
Chapter 12: Keep Moving Forward
Chapter 13: Injury
Chapter 14: Monopoly
Chapter 15: Direk
Chapter 16: Cry
Chapter 17: Happily Ever After
Chapter 18: Oo Nga Pala
Chapter 19: Walang Iba
Chapter 20: Partners in Crime
Chapter 21: Maybe We're More
Chapter 22: Gusto Kita
Chapter 23: Toyota Prius
Chapter 25: Strawberry Taho
Chapter 26: The Feeling Is Mutual
Chapter 27: Phineas and Ferb
Chapter 28: Hairpin
Chapter 29: Paper Talk
Chapter 30: Wii Sports
Chapter 31: Please Be Careful With My Heart
Chapter 32: Banana
Chapter 33: That's What You Get
Chapter 34: Thesis Defense
Chapter 35: He-who-must-not-be-named
Chapter 36: Wonderstruck
Chapter 37: So Close
Chapter 38: Highlight
Chapter 39: Pangako
Chapter 40: Goodbyes
Epilogue
Author's Appreciation Note
Christmas Special
Class Suspension Special

Chapter 24: Grandest Romantic Gesture

70.9K 987 88
By endlesslaugh

Dedicated to my fourth year section, St. Thomas the Apostle! I miss you guys! Kahit halos isang taon na tayong nakahiwa-hiwalay sobrang nami-miss ko na kayo.

• • • • • • • • • • • • • • •

Chapter 24: Grandest Romantic Gesture

“Ang lameeegggg!!!” Sigaw ko noong bumuhos na yung malamig na tubig sa katawan ko. Nahuli na kasi ako sa pagligo. Natapos na tuloy yung rasyon ng mainit na tubig. Napasarap yung tulog ko gawa na rin ng puyat ko kahapon. Wala naman akong ibang nagawa kundi tiisin na lang yung lamig kundi hindi rin ako makakapaligo.

Bandang alas-sais, tumunog na yung bell sa main ng Sta. Catalina. Ibig sabihin kailangan nang magtipun-tipon uli sa conference room. Doon nagdasal kami, sa pangunguna ni Kuya Marc tapos nag-almusal na rin. Hindi na kami nakipag-agawan kasi parang kung saan na umupo yung grupo niyo, understood na na doon na kayo. Madaming activities noong umaga pero yung activity after lunch yung pinakanagpagulantang sa akin.

“Siguro naman alam ninyong lahat na ito na yung huling taon ng pagsasama-sama ninyo. Maswerte kayo at may school kayo na nagbibigay ng ganitong program para makapunta kayo ng Baguio at ma-experience ito. Huling taon niyo na, kaya sulitin na natin ito.

“Una, tumayo muna tayong lahat,” Tumayo kami mula sa kinauupuan namin. Nakabilog kami sa buong conference room at nasa gitna si Kuya Marc. “GROUP HUG!”

Yung mga classmates ko naman sinara yung circle at nag-group hug. Yung katabi kong si Tim, ginulo pa yung buhok ko habang nasa group hug kami. Noong nag-disperse na kami, nagsalita uli si Kuya Marc.

“Gawin ninyo ang sasabihin ko. Don’t hold back. Kung may kaaway man kayo sa klase, ito na yung time para i-push aside ninyo yung disagreements ninyo at makipag-ayos na. Gusto kong yakapin ninyo bawat kaklase ninyo at humingi ng tawad sa mga hindi ninyo pagkakaintindihan, sa mga panahong nagkakaroon ng asaran at payabangan. Ngayon na ang panahon para humingi ng tawad.”

Syempre, ginawa naman namin iyon. Naiiyak ako sa mga sorry ng classmates ko. Kahit ang liit lang ng mga dahilan nila, tumulo pa din yung luha ko. Lalapit sana ako kay King para humingi ng tawad kasi ang dami kong naging kasalanan sa kanya. Mula pa nung nabasag ko si Chi naipon na ata. Pero hindi na dumating yung chance na iyon kasi nagsalita na uli si Kuya Marc.

“Ngayon naman, magpasalamat tayo sa bawat isa, sa lahat ng memories na nagawa ninyo kasama sila…” nagsasalita pa siya pero hindi ko na narinig kasi yung mga classmates ko umaksyon na agad at yumakap na ng yumakap. Naiyak pa rin ako. Kasi dito talaga sa event na ito, saka lang nagsi-sink in na huling taon na talaga namin ito.

“Bago natin ituloy sa susunod na hug session, may activity muna tayo.” Tapos nagsalita siya ng introduction tungkol sa kung gaano ba talaga namin ka-close si God. “Gusto kong maghanap kayo ng lugar ninyo, sa paligid ng retreat house na ito and take the time to talk with God. I’ll ring the bell tapos babalik kayo dito sa Con Room.”

Nag-ikot-ikot ako sa annex at sa huli, sa garden ako napadpad. Mayroong table doon tapos umupo ako sa taas noon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko gagawin ito. Hindi naman din kasi siguro ganoon katindi yung pananampalataya ko kaya may pagkailang pa ako.

Tumingin ako sa langit. Ang ganda ng clouds, puting puti. Mukhang cotton candy sa kulay blue na langit. “Lord, hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sa Iyo. Siguro magsisimula ako sa pagsasalamat. Marami namang nagsasabi sa Inyo noon, diba?”

Pinasalamatan ko nga Siya sa lahat ng blessings na natanggap ko. Kinamusta ko si Lola. Humingi akong blessings para sa akin, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko. At noong huli, in-open ko na yung problema ko ngayon.

“Lord, alam Niyo naman po siguro yung problema ko ngayon, hindi ba? Pwede Niyo po ba akong tulungan? Ngayon lang ako nagkaroon ng love life kahit parang sa parte ko lang iyon. One-sided. Pwede po ba Ninyo akong bigyan ng sign? Itutuloy ko pa po ba yung pagkagusto sa kanya? Kasi, hindi ba parang pwede namang maging choice na hindi na ako magkagusto sa kanya? Naguguluhan po kasi talaga ako.”

Matagal pa akong nakaupo doon. Hindi ko na nga maalala kung may pinag-usapan pa kami ni Lord (Oo, nag-usap kami). Pero tumunog na yung bell tapos bumalik na ko sa Con Room.

Kinamusta ni Kuya Marc kung ano yung nangyari sa amin habang nag-iisa. Nakita ko sa mga mukha ng mga classmates ko ang vulnerability nila. Ang gandang therapy na ginawa namin. Kahit si Venny, namumula yung mata.

“Ngayon, itutuloy na natin ang hugging session. Pero this time, I want you to feel God in every person you hug then tell them everything you want to say to them.”

Tumayo kami tapos nagsimula nanaman ang hugging session. Naririnig ko yung mga singhutan at hagulgol ng mga classmates ko. Isa-isa, niyakap ko sila, umiiyak ako sa mga pinagsasasabi nila sa akin. Akala ko naubos na yung luha ko kanina, hindi pa pala…

Biglang may yumakap sa akin mula sa likod. Naalala ko tuloy yung pag-uusap namin ni Inna at Laila kagabi.

“Tutal, nagha-heart-to-heart talk na rin naman tayo may gusto akong itanong, ” panimula ni Laila. “Ano ba para sa inyo ang grandest romantic gesture?”

“Grandest romantic gesture? Ano ‘to? Title ng movie?” pagbibiro ko.

“Hindi. Seryoso ako. Gusto ko lang naman makuha yung opinyon ninyo ni Inna.”

Nagkatinginan kami ni Inna. Ano nga ba ang isasagot namin kay Laila?

“Sa akin kasi konting ngiti lang. Tsaka little glances. ‘Di ba? Nakakakilig?” Tapos tinignan niya ako expectantly. Cue na siguro iyon na ako na yung susunod na magsasalita.

“Uhm…” napaisip pa ako. Wala talagang pumapasok sa isip ko. Ano ba naman kasing malay ko sa mga romantic gestures na iyan? Bigla namang may pumasok sa isip ko. “Grandest romantic gesture para sa akin siguro yung katulad nung ginagawa ni Papa kay Mama. Yung bigla niyang yayakapin si Mama sa likod. Nakakatuwa kasi yung parang hindi mo ine-expect na gagawin iyon, alam mo iyon? Si Mama laging maaasar kasi ginugulat siya ni Papa pero kung titignan mong mabuti, namumula pa rin yung pisngi niya. Ibig sabihin natutuwa siya doon. ‘Di ba? Timeless ang hug sa likod!”

Hinarap ko kung sino man yung yumakap sa akin. Nagulat pa ako sa nakita ko. 'Di  ko na napigilan yung mga luhang tuluyang dumadaloy. Hindi ko lang talaga kaya yung mga nararamdaman ko. Ito na ba yung sign na hinihingi ko? Lord, ang bilis naman.

“Hindi ako magaling mag-express ng nararamdaman ko, Kulot. Pero siguro gusto kong magpasalamat.”

“Magpasalamat saan?” Itatanong ko sana iyan kaso may humila sa akin at ibinalot ako sa pinakamahigpit na embrace.

“Sofia. Kelan mo ba ako sasagutin?” Ayan nanaman si Dan Gab.

Nag-sigh ako. “Dan—”

Sasabihin ko na dapat sa kanya. Kaso may humila nanaman sa akin at niyakap ako. Kaya hinayaan ko na lang muna. For now. Hahanap na lang siguro ako ng matinong pagkakataon para sabihin kay Dan Gab na huwag na akong hintayin. Bakit parang ang hirap namang gawin noon?

Huling session na namin itong araw na ito. Kinagabihan, may isa pang therapeutic activity na pinagawa sa amin. Circles of Love ang tawag doon. By this time, namamaga na yung mata ko. Kaninang tanghali pa kasi kami pinapaiyak. Hopefully last na ito.

Kasama yung mga kagrupo ko, naka-Indian seat kami sa sahig. May kandila sa gitna ng bilog namin tapos ito nga, yung circles of love. Ang gagawin dito ay sasabihin mo yung mga characteristics ng katabi mo sa right na nag-cause sa iyo na mahalin mo siya. Natuwa naman ako sa activity. Bakit? Kasi nasa left ko si Venny. Ibig sabihin ako yung sasabihan niya ng compliment. Gusto kong marinig kung ano ang sasabihin niya.

Ang tense ng atmosphere habang hinihintay namin siyang magsalita. Kahit yung mga kagrupo ko inaabangan kung anong sasabihin ni Venny. Syempre naging saksi din naman sila sa ilang taong feud namin.

“Si Sofia…” tumigil siya tapos nag-sigh.

Grabe, malaking cliffhanger itong babaeng ito. On edge na ako sa kung ano man ang sasabihin niya.

Tinignan niya ako sa mata. “Si Sofia ang pinakapalakaibigan at pinakamabait na taong nakilala ko." May tumulong luha sa mata niya. “Simula pagkabata hindi siya nagbabago. Konting ngiti niya lang, konting tawa, nakukuha niya agad yung atensyon ng mga tao. Hindi niya na kailangang magpapansin. Hindi katulad ko. Over the years ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang mapansin ng tao. Sa isip ko laging tumatakbo na bakit si Sofia ganito, bakit si Sofia ganyan? I guess I was just… jealous of  you.”

Wala akong masabi doon. Akala ko yung argument namin nagsimula lang sa simpleng childish envy. Hindi pala. Nagkwento pa si Venny tungkol sa family niya at yung lack of attention na nakukuha niya doon. Kaya yung attention seeking, ginagawa niya sa school. Kahit daw yung pakikipag-away niya sa akin ay form ng pagkuha ng atensyon ng mga classmates namin.

“Hindi mo na kailangang gawin iyon, alam mo ba. Maganda ka naman, at kung medyo babawasan mo yung pagtataray mo, sigurado akong dadami rin ang kaibigan mo. Just be yourself,” sabi ko sa kanya.

Tumango siya sa sinabi ko tapos nginitian niya ako.

Wow. First time kong makatanggap ng genuine smile mula kay Venny. In fact first time niya lang talaga akong nginitian. For a moment, nakaramdam ako ng friendship sa pagitan naming dalawa. Sana magtuloy-tuloy na ito. Pero aaminin ko rin na mami-miss ko yung Venny na lagi akong tinatarayan.

Tapos na yung mga activities namin para sa ngayong araw. Nakahiga na ako sa kwarto namin, katabi ko si Inna. Pero hindi pa rin ako makatulog.

“Ano ba Sofia, ang likot mo.”

“Sorry,” sabi ko at umupo sa gilid ng kama. “Baba muna ako. Hindi ako makatulog eh.”

Hindi na ko sinagot ni Inna kaya sign na siguro iyon na narinig niya ako. Nagpunta ako sa dining area. May mga classmates din ako doon, nainom ng Milo. Kumuha ako ng isa, tapos nagtimpla pero imbis na tumambay ako doon kasama nila, dinala ko yung mug pabalik ng kwarto namin. Gusto ko kasi talagang mapag-isa ngayon. Masyadong madaming tao sa dining area.

Habang naglalakad ako ng corridor, napatigil ako doon sa harap ng pintuan ng balcony. Hindi ko alam kung pwedeng pumunta doon pero binuksan ko yung pinto at lumabas.

Hindi ko mapigilang mapanganga sa view. Ang ganda ng ilaw, iba-iba yung kulay pero mostly yellowish sila. Dagdag pa yung pagiging mala-hagdan-hagdan na porma ng mga bahay sa effects. Breathtaking.

Umupo ako sa bakanteng upuan at ininom yung Milo ko. Yung isip ko naman, kung saan-saang direksyon napunta. Inisip ko si Venny at yung insecurities niya. Si Dan Gab na naghihintay pa din pero hindi ako makatiyempo ng tamang oras para kausapin siya. Tapos si King…

Nagpakawala ako ng isang malaking buntong-hininga na nagdulot ng paglabas ng fog sa bibig ko. Parang bata, naaliw ako kasi first time kong maka-experience na may lumalabas na fog sa bibig ko. Kaya naman nandoon lang ako sa balcony, nakabuka yung bibig at blow ng blow ng hangin.

“Anong ginagawa mo?”

Nagulat ako noong may nagsalita mula sa pinto. Sa ibang daluyan tuloy pumasok yung hangin na hinihinga ko kaya nasamid pa ako. Hinampas ni King yung likod ko.

“Ano ba kasing ginagawa mo? Huwag ka ng magkalat ng polusyon dito sa Baguio.”

Uminom ako ng Milo tapos sinagot ko siya. “Aba nga naman. Nagsalita! Eh pagtapak mo pa nga lang dito nagkaroon na agad sila ng malaking basura eh.”

“Touché.”

“Thank you.” Naging maayos agad yung mood ko sa sinabi ni King. Akala ko pa naman may sasabihin pa siyang nakakaasar eh. Umupo siya sa tabi ko habang ako naman humigop ng Milo. Nasaan na nga ba yung manners ko? “Gusto mo?” Inalok ko yung Milo kasi alam ko namang hindi siya iinom noon.

Kaya nga laking gulat na lang noong kinuha niya yung mug at ini-straight yung Milo.

Ito nanaman ako. Tinititigan ko nanaman siya. Hindi ko naman mapigilan. Anong bang meron siya at nagustuhan ko itong lalaking ito? Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, bakit siya pa? Okay, alam ko, ang drama ko. Una, wala namang dahilan para hindi naman siya magustuhan. Single siya, single ako. So, anong pumipigil sa akin?

Takot. Natatakot ako na sa oras na sabihin ko sa kanya na gusto ko siya ay iwasan niya ako. Ginawa na nga niya iyon noong umamin ako sa kanya. Buti na lang hindi siya tuluyang lumayo. Kaya nga ngayong okay na kami. Hindi ko na uli gagawin iyon.

“Anong iniisip mo?” putol ni King sa pagmumuni-muni ko.

“Ikaw,” bigla kong sabi. Nagulat pa ako sa sinabi ko. Masyado atang napalalim yung pag-iisip ko kaya kung anu-ano na lang yung nilalabas ng bibig ko.

Ngumiti siya. “Kasi may gust—”

Humarap ako sa kanya tapos nag-gesture ng hindi pagsang-ayon gamit yung kamay ko. “Ang ibig kong sabihin, kasi… Ano…” Ano bang sasabihin ko? Ilang beses na akong naga-alibi sa buong buhay ko ngayon lang ata ako nawalang ng masasabi. “Kasi, ikaw nga yung kasama ko ngayon. Nagtataka lang ako kung bakit nandito ka. Anong oras na, nasa labas ka pa.”

“Hindi kasi ako makatulog.”

“Ako rin eh.”

Nag-relax siya sa upuan niya. “Ang ganda dito, 'no?”

Tumango lang ako doon. Matagal ding kaming nakaupo lang doon. Hindi ko namang magawang tumayo at bumalik sa kwarto namin.

Maya-maya lang, nilabas niya yung iPod niya tapos nilagay yung right na earphone sa tenga niya. Yung left, inalok niya sa akin. “Gusto mo?”

Kinuha ko iyon. Dahil medyo maikli lang yung cord, nilapit ko yung upuan ko hanggang sa magkadikit na yung balikat namin. Binuksan niya yung iPod tapos narinig kong kumakanta ang Secondhand Serenade.

The best thing 'bout tonight's that we're not fighting
Could it be that we have been this way before?
I know you don't think that I am trying
I know you're wearing thin down to the core

But hold your breath
Because tonight will be the night
That I will fall for you over again
Don't make me change my mind

Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find...

Nagising akong nilalamig hanggang buto. Nakatulog pala ako. May nakapatong na jacket sa upper body ko (malamang hindi naman aabot hanggang paa ang jacket) tapos noong medyo gumalaw ako, naramdaman kong may nakapatong sa ulo ko. Noon ko lang na-realize na si King pala iyon. Nakatulog na din ata.

Natulog kami ni King sa balcony! Tapos binigay pa niya yung jacket niya sa akin…

How... sweet.

Napangiti pa ako sa sarili ko.  Kanina lang sabi ko itatago ko na yung nararamdaman ko tapos ito ako ngayon kinikilig sa simpleng ginawa ni King.

Noong gumagalaw na si King, ipinikit ko uli yung mata ko at nagkunwaring natutulog. Nag-shift na posisyon si King hanggang sa nakaakbay na siya sa akin. Hindi ko alam kung imagination ko lang iyon pero hinigpitan pa niya yung pagkaakbay niya. Matagal rin kaming ganoon kaya akala ko nakatulog uli siya. Pero hinawakan niya ako sa pisngi tapos sa balikat at sinimulang tapik-tapikin iyon para gisingin ako.

“Sofia?” medyo groggy pa yung boses niya.

“Hmm?” umarte ako.

“Gumising ka na. Baka magkasakit ka pa sa lamig dito sa labas.”

Noong binuksan ko yung mata ko at inialis na yung pagkapatong ng ulo ko sa balikat niya, nakita kong namumula na yung ilong niya. Nag-alala naman ako bigla.

“Ikaw? Ayos ka lang ba? Bakit kasi nakitulog ka pa?”

“Ikaw kaya unang natulog. Sinamahan na nga lang kita dito sa labas. Hindi ko akalaing makakatulog din ako dito.”

“Wala namang mararating kung pag-aawayan natin ito. Mabuti pa bumalik na lang tayo sa kwarto," suggestion ko kahit ayaw ko pa. Tumayo siya tapos inabot ko sa kanya yung jacket niya. “Salamat.” Tumango lang siya.

Sa kwarto, tumabi na ako kay Inna. Kinuha ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan para tignan kung anong oras na. 4:02 am. Ang tagal din namin sa balcony! Magkasakit kaya kami sa lamig? Hinawakan ko yung noo at leeg ko. Hindi naman ako mainit.

Hindi ko namang magawang bumalik sa pagtulog. Hindi kasi maalis sa isip ko na nakatabi ko nang matulog si King. Technically speaking. Pero ang labo niya. Bakit sinamahan pa niya ako? Pwede namang gisingin niya agad ako sa puntong tulog na tulog na ako eh. Bakit hindi niya ako inilayo sa pagtulog sa braso niya? Bakit ba naiilang pa ako eh wala naman akong malay sa ginawa ko. Tulog ako, hindi ba?

Nako! Mababaliw ako dito! Makaligo na nga. At least ngayon maabutan ko na yung mainit na tubig.

Huling araw na namin ito sa Sta. Catalina kasi bukas ay field trip na namin. Noong umaga, nag-celebrate kami ng Holy Mass. Nakita ko uli si King pero parang ang tamlay niya. Ano kayang problema noon? Siguro hindi nakatulog ng ayos.

Pagkatapos ng Mass ay tanghalian. Hindi ko na nakita si King. Not that I was looking. Napansin ko lang.

Noong nakita ko yung roommates niyang sina Tim at Kris na pumasok sa dining room, lalapitan ko sana sila para itanong kung nasaan siya kaso nga lang dumiretso sila kay Mrs. Saragosa. May binulong sila dito tapos biglang tumayo si Miss at lumabas ng dining room kasunod yung dalawa.

Kinabahan ako sa nangyari. Mukhang hindi maganda. Bakit pa magmamadali si Mrs. Saragosa kung walang masamang nangyari?

Na-tense ako sa paghihintay. Kalahating oras na rin pero hindi pa bumabalik si Miss. Lumipat na nga yung buong klase sa Con Room para sa mga ilang paalala.

Nawala yung atensyon ko kay Kuya Marc ng bumukas yung pinto at pumasok si Miss. Hinagip nang mata niya yung buong kwarto at tumigil noong makita niya ako. Lumapit siya sa akin at hindi ko lang mapigilan yung kaba sa dibdib ko.

Nalaman niya kaya na magkasama kami ni King kagabi? Bawal pa namang magkasama sa room ang babae at lalaki. Pero hindi naman room iyon diba? Open space iyon eh. Pero kahit na…

Tumapat sa harap ko si Mrs. Saragosa at binigyan ako ng evil glare. Yung titig ng teacher kapag may nagawa kang kasalanan. “Sofia, come with me.”

Feeling ko tumigil sa pagtibok yung puso ko. Patay na!


• • • • • • • • • • • • • • •

to be continued...

Author's Note: Haha. Sabi ko magugustuhan niyo itong chapter na ito. Baka hindi pa pala. Bangag ako habang nagsusulat nito. Pero yung susunod, guarenteed! Magugustuhan niyo na! Haha. Baka mamayang gabi ko i-upload yung 25 kaya stay tuned!

 

Continue Reading

You'll Also Like

34.6K 1K 200
Ako ay isang babaeng may simpleng pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi ko naman lubos akalain na sa pag-a...
6.9M 27.7K 16
She was a princess turned nobody. They were the men that every girl wanted to be their prince. They did not plan it but their paths crossed, and so a...
2.1K 193 37
Highest rank on chicklit is #73. Thankyyy. Please do read my story. Matatawa ka, maiiyak ka, masasaktan ka, mababaliw ka. Heheh. Joke lang. Enjoy **...
10.4K 174 33
My Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino'...