You are My Home (PUBLISHED un...

By xiaxiacarr

13.1M 136K 28K

I was 16 back then when I married you. You were 18. Kahit bata ka pa lang, successful ka na agad. Ika... More

You are My Home
chapter 1
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 7.2
chapter 7.3
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Author's Note
Published!!!

chapter 2

396K 3.5K 465
By xiaxiacarr

Chapter 2

SYDNEY'S POV

Hapon na nung nagising ako.

Ang sakit ng ulo ko.

Gutom na rin ako.

Pumunta ako sa kusina para kumain.

Ang kaso, wala namang lutong pagkain.

Kailangan ko pang magluto.

Tinatamad ako pero no choice naman, ayaw ko namang magpadeliver.

Sawang sawa na ako sa mga take out na pagkain.

Tiningnan ko ang ref namin kung anung pwedeng maluto tapos nakakita ako ng hotdog at itlog.

Sakto. Prito lang din naman ang kaya kong lutuin e.

Nagluto na rin ako ng kanin sa rice cooker.

Nung natapos kong iprito ang itlog, sinunod kong lutuin yung hotdog.

Nagtitilamsikan yung mantika.

"Aray naman. Ah. Aray" sigaw ko kasi tinatamaan ako nung mantika.

Nagulat na lang ako nung biglang nag-apoy yung kawali at sa pagkagulat ko, bigla kong nahawakan yung kawali na dahilan para mapaso ako.

Buti na lang hindi natapon yung hotdog.

Pero Leche, ang sakit naman nang kamay ko!

Pagkatapos ng maraming oras, sa wakas, nakakain na rin ako.

Yung napaso kong kamay, binuhusan ko lang ng malamig na tubig para mawala yung sakit.

Hindi ko kasi alam ang gagawin e.

Pero effective naman kasi hindi na siya masakit ngayon kaso nagkasugat nga lang.

Hayaan na nga lang.

At dahil may sugat ang kamay ko, ang hirap maghugas ng pinggan.

Kaya ang ginawa ko, tinapon ko na lang yung pinggan at kutsara na ginamit ko.

Haha.

Hindi naman mapapansin ni Andrei na kulang yung pinggan namin tsaka hindi naman yun kumakain sa bahay e.

Pagkatapos kong kumain, nanood na lang ako ng tv.

Walang magawa e.

Actually, may mga assignments akong dapat gawin kaso hindi ko rin naman masasagutan yun e kaya mangongopya na lang ako bukas.

Biglang nagring ang phone ko.

Sinagot ko ang tawag.

"Hey bitch!" sabi nung kabilang linya.

"Why?" sabi ko sa kanya

"Gimik tayo mamaya."

"Okay. Anung oras?"

"Mamayang 7. Sunduin kita sa bahay niyo."

"Sige."

Tapos inend na niya yung call.

Si Kayla ang tumawag.

Isa sa mga girlfriends ko.

Meron pa kaming isa pang girfriend, si Tricia.

Parang simula yata bata kaming tatlo na ang magkasama.

Magkakadikit na nga yata ang bituka namin.

Alam din nila na hindi na Angeles ang surname kundi Sanchez na.

Silang dalawa nga lang ang bisita ko nung ikinasal ako e.

Niloloko nga nila ako lagi na pag daw naghiwalay kami ni Andrei, papakasalan daw nila si Andrei.

Well, wala akong pakialam.

Haha.

Tiningnan ko ang oras.

5:00 na pala.

Naligo na ako para sa gimik namin mamaya.

ANDREI'S POV

Kakatapos lang nung meeting ko with our clients ng tumawag ang pinsan kong si Steven.

Nagyayayang uminom.

Lokong yun. Pag walang magawa, lagi na lang umiinom.

Okay lang naman e, ang kaso, dinadamay pati ako.

Hindi naman pwedeng hindi ako sumama kasi ako ang nagddrive pag lasing na lasing na ang mokong na yun.

Ilang sansali lang, dumating na sa office ko si Steven.

Laging kotse ko ang ginagamit namin pag lumalabas kami kasi ako din naman ang nagddrive e.

Grabe, ngayon na lang ulit ako makakapunta sa bar.

Lagi kasing busy sa trabaho tsaka nakakahiya din naman kay Sydney pag nalaman niyang nagbabar ako.

Aish. Bakit ko ba iniisip si Sydney, e halos araw araw nga yatang nasa bar yun.

Umupo kami ni Steven sa isang table.

Agad namang may lumapit na dalawang babae sa amin.

"Hi" sabi nung isang babae sa akin, tapos umupo siya sa tabi ko.

Yung isa pang babae, tumabi naman kay Steven.

"Hi" sabi ko din para hindi naman magmukhang bastos pero sa totoo lang, naiirita ako.

Ito pa ang isang dahilan kung bakit ayaw kong pumunta sa mga ganitong lugar e.

Hindi naman ako nagpunta dito para mambabae tsaka, nirerespeto ko pa rin yung asawa ko kahit hindi kami mukhang mag asawa.

"Hey, can ypou buy me a drink?" sabi ulit nung babaeng katabi ko.

"Sorry, I can't. And I'm married by the way." sabi ko para naman tumigil na siya.

"Oh! But that's fine honey. it's just for tonight anyway." sabi niya sabay pulupot nang kamay niya sa leeg ko.

Ang kulit naman nito.

Tatanggalin ko na sana yung kamay niya kaso may biglang nahagip ang mata ko.

Nakakatakot ang tingin niya sa akin.

Parang gusto niya akong patayin.

Nung nakita niyang, nakatingin ako sa kanya, Inalis niya yung tingin niya sa akin at humarap dun sa kausap niya.

"Payag ka na ba hon?" tanong nung babaeng katabi ko.

Nakalimutan ko nang may katabi pala ako.

Tinanggal ko yung kamay niya sa leeg ko.

"I'm really sorry." sabi ko dun sa babae

"You're no fun." sabi nung babae sa akin.

Tapos niyaya niya yung kasama niyang babae paalis nung table namin.

Nung nakaalis yung mga babae, sinamaan naman ako ng tingin ni Steven.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na ulit sa babaeng nakita ko.

Nagulat ako kasi sobrang lapit nila nung kausap niya.

Hindi naman sila ganun kalapit kanina a.

Tapos bigla na lang may dumating na babae at sinabunutan ang asawa ko.

A/N

Pasabi po kung pangit. Hindi ako magagalit

:)

Continue Reading

You'll Also Like

14.1M 71.4K 52
A/N: This story has been published that's why it's not available here. Thank you! Teaser lang po ang inyong mababasa. "Im pregnant. " Mula sa pagka...
2.1M 61.2K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
82.3K 1.3K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
22.7K 1K 26
TWINS ARE IN LOVE BOOK 2 Copyright © 2019 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any m...