So I Married The Mafia Boss

By MarvelousLu

1.2M 23K 552

[Completed] Hunter Louis Sylverio, famous entrepreneur, a man with status and more money than most. He got pe... More

Copyright
Characters
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 30

21K 331 6
By MarvelousLu


Hailey's Pov

NAKAUPO lang ako ilang saglit pagkatapos magpaalam ng mga magulang ni Hunter. Naka-upo akong tila ba estatwa na hindi gumagalaw. Ang aking mga nalaman ay nagsi-sink-in parin sa aking utak na animo mga bombang bigla na lang sumasabog. Hanggang sa ilibot ng aking paningin ang paligid ng mansion. This house belongs to a Mafia Boss. Mafia Boss? Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na totoo pala ang mga Mafia. Ang buong akala ko kasi ay napapanuod lang ang mga iyon sa pelikula. At ang akala ko ay nauuso lang iyon sa Japan, China, Italy, at Rome na kung saan ang tawag nila sa Boss nila o sa pinaka-respetadong pinuno ay 'Don'. Mukhang minaliit ko ang Pilipinas, hindi ko akalain na may mga Mafia rin pala dito sa ating bansa.

Pinaniwala ko ang aking sarili na walang masamang mangyayari nang nagdesisyon akong magtungo sa kusina upang tumulong sa katulong na nakatoka sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Pero kahit pa kumilos ako ng kumilos sa gawaing bahay ay nai-stress parin ako. After a long process of standing, thinking, imagining, analyzing ang evaluating I find myself in the entertainment room. Pasalampak akong nahiga sa sofa, kinuha ang remote control at walang sawang pinindot ko iyon upang lumipat ang mga channel. Kapag nagsawa kalilipat g channel ay tinataas ko naman o di kaya ay hihinaan ang volume ng TV.

I begin to act like nothing is bothering or scaring me but I just can't stop worrying. Ganoon ba kayaman si Trent kaya lagi itong nakakaligtas sa kamay ng batas?

Hunter's Pov

ISANG LINGGO ANG LUMIPAS...

WALA akong nagawa nang kumontra si Hailey sa ideya kong magdala ng mga tauhan. Maging ang ferrari ko ay agad din niyang tinutulan. Nakasimangot akong sumang-ayon sa ideya nitong sumakay ng bus patungong Santa Ignacia, ang probinsya nito.

Ibinigay ni Hailey sa akin ang isang botelya ng gatorade ng makarating kami sa terminal. "Okay lang ba yung gatorade o bibilhin na lang kita ng mineral water?"

Ngumuso ako ng kunin ko yung bote ng gatorade. "Kung sa ferrari ko tayo sasakay, mabilis tayong makakarating sa inyo."

Naiinis pa ako ng batukan niya ang ulo ko. Pasalamat siya nakaupo ako rito sa waiting area dahil ako ang pinagbantay niya ng bagahe namin dahil ito ang bumili ng maiinom namin. At pasalamat siya dahil mahal na mahal ko siya kaya hinahayaan ko siyang i-bully ako ng ganito.

"Huwag ka ngang maarte. Believe me, hindi natin talaga kailangan yung ferrari mo kapag nakarating na tayo sa amin.", aniya.

Tumabi siya sa akin matapos kong uminom ng gatorade. Tumingin ako rito dahil seryoso ang pagkakatitig niya sa akin. "Thank you nga pala dahil nalaman kong pinaoperahan mo na pala si Alyanna noon pa. Nakakahiya dahil---"

Nginitian ko siya. "It's just a money, Hailey. Ang importante sa akin ay ikaw. Ang pamilya mo ay pamilya ko narin. Pero sisingilin parin kita, wala ng libre sa panahon ngayon."

"A-Ano?"

Nanunudyo ang mga mata kong tinitigan siya. "Kiss."

Nawala agad ang ngiti niya nang hilahin niya ang ilong ko. "Konti na lang talaga babalatan ko na ng tuluyan yang labi mo sa sobrang katakawan mo sa halik. Halikan mo yang sarili mo."

Humalakhak ako saka inakbayan ang balikat niya. Tiningnan lang naman ni Hailey ang ticket naming dalawa patungong Sta. Ignacia.

"So sasakay tayo ng bus then diretso na tayo sa inyo?"

May kakaiba sa ngisi niya na nagpakaba sa akin. Para bang warning signal ang ngising iyon na nagbabadya sa akin na hindi ko magugustuhan. "Sasakay tayo ng tricycle pag punta natin sa bayan at---"

"Tricycle?! Sasakay tayo sa tricycle?", hindi makapaniwalang naibulalas ko. Sa tana ng buhay ko iyon na ang pinaka-unang experience kong sasakay ng ganoong uri ng sasakyan.

I am raise with silver spoon in the mouth and yet to experience this is really a torture to me.

Halos hilahin na nga ako ni Hailey nang pumasok na kami sa bus. Hinahanap niya ang numero ng aming upuan habang ako naman ay kinuha ang panyo sa aking pantalon at itinakip iyon sa aking ilong. Yung tipong katatapak ko pa lang sa loob ay parang bumaligtad na agad ang sikmura ko nang sumalubong sa akin ang kakaibang amoy.

"Oh ito na yung number 16 and 17, halika na.", hinila niya ulit ang kamay ko. Nakakainis dahil para akong bata sa ginagawa niya.

Nang nakasakay at nasa byahe na kami, nakabaon lang ang ulo ko mula sa pagkakapilig sa balikat niya. At least kahit papaano ay nakakawala ng stress.

"Ang arte mo parin talaga. Hindi na ako nagulat dahil nung una pa lang ay ganyan ka na.", ani Hailey.

Sumimangot lang ako sabay pikit ng mata upang ituloy ko na lang ang matulog.

Makalipas ang ilang oras ay nasa bayan na kami. Bumaba na kami ng bus. Tumambad agad sa akin ang nagkukumpulang mga tao na nag-aagawan sa mga panindang ukay-ukay. Mayroon doong maliit na basketball court di kalayuan kung saan naglalaro ang ilang mga bata. Sa bawat gilid naman ay ang mga stoll ng tindahan nila ng mga prutas at ang iba ay mga damit.

Ininat ko naman ang aking kamay. Ang sarap ng feeling na nakaapak ka na ulit sa lupa pagkatapos ng mahabang byahe. Kung alam ko na ganito pala kahirap para makapunta sa probinsya ni Hailey, disin sana'y sumakay na lang kami kay Alligator, ang helicopter ko.

"Huy, Hailey!"

Nangunot agad ang noo ko nang makita agad ang tatlong lalaking kumakaway sa direksyon namin. Nagtaas pa ako ng kilay ng makitang wala silang damit pang-itaas. Ang isang lalaki ay agad na niyakap ang girlfriend ko na nagpaalburuto sa akin ng todo.

Laglag tuloy ang panga ko. Gusto ko tuloy bugbugin ang lalaking ito. Ang kapal ng mukha upang yakapin ng ganoon lang ang girlfriend ko. Para itong higad kung makayakap kay Hailey. Agad ko silang pinaghiwalay sa pagkakayakap. Ang tindi ng sama ng tingin ko sa lalaki.

"Hailey, hanep ah lalo ka pang gumanda nang magtungo ka sa siyudad! Parang kailan lang nung mga bata pa tayo at pinupunasan kita kapag nadudungisan ka ngayon ibang-iba ka na!"

"Oo nga eh Kuya Miggy. Ang tagal ko rin kasing hindi nakauwi rito sa atin. Grabe, hindi parin talaga kayo mapaghiwalay na tatlo ah? Kamusta na Kuya Mcoy at Kuya Zandro?", ani Hailey na binalingan ang dalawang lalaki sa likod ni Miggy.

"Ayos lang naman kami, Lei. Nagtatrabaho na nga kami sa pabrika ng pamilya Acueza. Naalala mo ba yung tagapagmana ng Acueza si Light? Yung masugid mong manliligaw nung high school? Siya mismo ang nagbigay sa amin ng trabaho.", anya nung isang lalaki.

Lei? Sa ilang buwan na naming pagsasama ni Hailey ngayon ko lang nalaman ang palayaw niya at sa iba ko pa talaga nalaman. At yung Light? Bwiset sino naman ang mokong na iyon? Nangigigil na talaga ako.

"Balita ko nga ay nakasungkit ka ng swerte sa Maynila. Ang kwento nga ni Alyanna sa akin ay gwapo ang napangasawa mo at galing sa mayamang pamilya.", saad ni Miggy.

Ngumiti naman ako. At least tama naman ang pagkaka-describe niya sa akin. Kaya lang ay halos mapunit na ang pagtaas ko sa sulok ng aking labi ng guluhin nito ang buhok ni Hailey. Nanlaki pa ang mga mata ko ng bulungan nito ang nobya ko.

Dahil hindi na ako makapagpigil ay agad kong itinulak palayo si Miggy at sinuntok ito sa mukha dahilan para matumba ito sa lupa. Tinulungan naman agad ito ng dalawa nitong alipores para alalayang makatayo.

"Hunter!", bulalas ni Hailey sa akin.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kaya nilingon ko siya.

"Sino ba siya?", tanong ni Miggy habang sapo nito ang napuruhan kong mata niya. "Hoy, city boy hindi pwede sa amin ang asta mong yan! Baka gusto mong ipabugbog kita sa tropa ko?"

Ngumisi ako. Mukhang naghahamon ito ng suntukan at talagang magsasama pa ng mga alipores niya pwes hindi ko siya uurungan. Hinila ko si Hailey sa aking tabi. "Ang babaeng ito na niyakap mo ay babae ko. Akin siya. I will not let your filthy hands on her. Humanap ka ng sayo. Humanap ka ng babae. Because she's mine! Naiintindihan mo?!", Mabilis ang pagkakasabi ko non. "Tara na nga sa inyo! Badtrip lang ako rito", naiinis ko pang dinugtong.

Hinigit ko pa siyang lalo sa aking tabi kasabay ng maglalaking hakbang ng aking mga paa nang marinig ko ang muling pagtawag nung Miggy sa pangalan ni Hailey. Halos hatakin ko na nga siya para lang makalayo kami sa mga lalaking iyon.

Nang medyo nakalayo na kami ay huminto ako ng tumigil si Hailey sa paglakad. Galit naman akong hinarap siya. Kitang-kita ko rin ang galit sa mga mata niya habang nakahalukipkip ng bigla niyang hinawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. Napalunok tuloy ako ng tuluyan sa matatalim niyang titig sa akin. Hindi ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang galit subalit nakakatakot ang pagkakatitig niya sa akin ngayon.

Inayos ko na lang ang composure ko upang sa gayon ay maipakita ko ring galit ako. "Hindi ba sabi ko na huwag kang makikipag-flirt sa iba? Ano yung nangyari kanina? Talagang nagpayakap ka pa? Ganoon ba talaga kayo ka-close? At anong sabi niya, ipabugbog niya ako sa grupo niya? Baka nga ako pa ang lumumpo sa kanya!"

Napa-atras siya sa sigaw ko. Damn, Nakakainis talaga!

Ginulo ko ang buhok ko sa pagkairita.
"Ayaw kong may ibang nakakapansin sa iyo. Nakakainis ka! Talagang nagpayakap ka pa. Wow, nagbubug-bulagan pa kayo. Sabihin mo nga, ano yung binulong sayo ng higad na iyon?"

"Calm down, Hunter. My God para kang batang nagta-tantrums!"

"That's not my point, Hailey! Shit, bakit ba ang kitid ng utak mo? Hindi mo ba nakikitang nagseselos ako? Ganyan ka ba talaga kamanhid kaya hindi mo mapunto ang nararamdaman ko?"

Pinagsisipa ko na rin ang maliliit na bato sa daan. Doon ko binuhos ang nararamdaman kong inis at galit.

Kumunot naman ang noo ni Hailey saka niya sinipa ang paa ko. Lalo tuloy akong nag-alburuto sa ginawa niya.

"Alam ko naman na nagseselos ka. At hindi makitid ang utak ko. Alam mo, dapat kasi bago ka magselos tanungin mo muna kung ano ang relasyon ko kay Kuya Miggy hindi yung nagpapadaig ka diyan sa pagiging seloso mo."

Umirap ako sa kanya. "So what's your relationship to that bastard?"

Tumaas ang isang kilay niya. Hindi ko tuloy mapunto kung bakit mas kinakampihan niya pa ata ang Miggy na iyon kaysa sa akin na nobyo niya. Lao tuloy akong nafa-frustrate sa isiping mas kampi siya sa jologs na iyon. Nangigigil na ako na ewan. Hanggang sa tinitiris ko na ang Miggy na iyon sa aking utak.

"Sige nga, Hailey. Ano? Anong relasyon mo sa higad na yun?"

Lalong naging intense ang titig niya. Habang umiiling na parang ewan. Ako naman titig na titig sa kanya sa kadahilanang curious na curious ako kung ano ba talaga ang lalaking iyon sa buhay ni Hailey.

"Pinsang buo ko si Miggy. Siya ang nakatatandang kapatid ni Carlo. Siya ang tumutulong kay Tito Franco sa aming bukirin at nag-aalaga kay Alyanna nung may sakit pa ito kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Tapos sinuntok mo?"

My jaw dropped. I don't know what to do. All I knew was my cheeks turned into a flaming crimson. Pati na nga ata ang tainga ko ay namula na rin. Sunud-sunod narin ang paglunok ko. Patay! Mukhang masama na ang lagay ko sa ibang kamag-anak ni Hailey. Kaya nga ako narito para ligawan ang pamilya niya, hindi ba? Nagyon, mukhang mahihirapan akong makipag-ayos dun sa Miggy.

"Sus, ang OA mo kasi kaya bahala kang makipag-ayos kay Kuya Miguel."

"Miguel?"

"Oo, si Kuya Miggy. Yung sinuntok mo."

Namula ako. "H-Hindi kaya siya nagalit sa akin?"

"Yan kasi, selos pa more! Masyado ka kasi makabakod sa akin."

Hindi na ako nakapagsalita pa ng pumara na siya ng tricycle at agad na pumasok sa loob. May sinabi siyang lugar pagkatapos ay tumango naman ang driver.

"Hunter, halika na.", anyaya niya sa akin sa loob. Nakayuko na lang akong pumasok na din sa loob ng tricycle.

Sinamaan ko pa ng tingin yung driver dahil bigla nitong pinaharurot yung tricycle kung kaya't nauntog ang ulo ko sa gilid ng sasakyan niya. Bakal pa naman iyon.

Tinitigan ko na lang ang katabi ko. Hindi ako magsasawang titigan siya. She looked so pretty kahit ang simple-simple ng ayos niya. Siguro nga ay obsessed ako sa kanya. What can I do, she hypnotized my heart. Hindi ko siguro kakayanin kung iwan niya ako at ipagpalit sa iba.

"Oh bakit ganyan ka makatingin? Nag- smudge ba yung lipstick ko o may malaki akong muta?"

"My problem is me. Masyado akong baliw sayo. Dahil sa kabaliwan ko sayo kaya masyado akong seloso at nagha-highblood narin ako ng sobra-sobra. Ayokong ngumingiti ka sa ibang lalaki. Shit, napaka-selfish ko na. Nasuntok ko pa talaga ang jologs na iyon."

Hinampas bigla ni Hailey ang braso ko. "Grabe ka talaga kung makapanglait. Kahit ganon si Kuya Miggy sikat yun dito sa amin. Makisig kasi at matulungin pa sa kapwa hindi katulad mong puro panlalait ang alam gawin."

MATAPOS ANG TATLUMPUNG MINUTO AY...

"Andito na tayo.", aniya nung tricycle driver.

Agad kaming bumaba. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Mag mga matatayog na puno ng niyog roon. May ilang kubo rin doon na mukhang pahingahan ng mga magsasaka.

"So where's your house?", nakakunot-noong tawag ko.

Ngumisi siya at tinuro ang isa pang daan at tinuro rin ang kalabaw na may hilang kariton.

"Masyadong mabato ang daan diyan kaya hindi pumapasok ang mga tricycle kaya sasakay na lang tayo diyan sa kariton."

Napa-atras ako sa aking narinig. "NO FREAKING WAY na AKO ay sasakay diyan! Hailey never in my entire life na sasakay ako diyan. Ayoko. Ayoko!"

Sa halip na pansinin niya ang mga reklamo ko ay sumakay na ito ng kariton at cool na cool na umupo roon . "Huwag ka ngang mag-inarte diyan. Halika na rito para makarating na tayo sa amin. Diyos ko naman mas maarte ka pa sa nagdadalaga."

Napalunok ako kung kanina ay nakayanan ko ang bus at tricycle ngayon ay para akong mahihimatay kung sa kariton pa ako sasakay habang hila-hila ng kalabaw. Damn. This is torture!

Hindi ko alam kung tatakbo ba ako palayo o tatawagan ko na lang si Lennox na ipadala si Alligator sa lugar na iyon. Pero bumaba si Hailey sa kariton at patakbong nagtungo sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila roon pero hinila ko rin ang aking sarili pabalik.

Sa itsura namin ngayon ay para kaming naglalaro ng tug of war.

"Hailey, hindi mo ako mapapasakay diyan!"

"Hunter, naiinis na ako sa kaartehan mo. Ano ba, halika na sabi, eh!", patuloy parin ang paghila niya sa kamay ko pero hindi ako nagpapatinag.

Hanggang sa siya ang nahila ko nang tuluyan. Tumama ang gilid ng mukha niya sa dibdib ko habang ang kamay niya ay hawak ko parin.

Narinig ko rin ang sarili kong puso na walang humpay sa pag pintig na nais kumawala sa ribcage ko. At alam kong naririnig din iyon ni Hailey. Namumula ako at umatras palayo habang nag-iiwas ng tingin.

"B-Bakit ba kasi diyan tayo sasakay? Wala na bang ibang choices? Walang option two?"

Natatawang hinampas nito ang braso ko. "Wala na kaya halika dahil gusto mong makita sila Mama, di ba?"

Inilahad niya sa akin ang kamay niya. Ngumiti ako at tinanggap iyon. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa kariton.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang sumakay sa kariton. Wala nang ibang ginawa si Hailey kundi ang humalakhak bago nito sabihin sa matandang lalaking nakaupo sa kalabaw na palakarin na nito yung kalabaw.

"Sasakay din pala ang dami pang arte.", untag niya.

"You can't blame me it's my first time na sasakay ng kariton. If mabalitaan to nila Xander for sure na tatawanan nila ako tulad ng ginagawa mo ngayon."

"Oo na, ang prinsipeng gaya mo ay sumasakay lang sa mamahaling sasakyan at umaapak lang sa red carpet. Tsk. Hindi ko alam kung bakit nagmahal ako sa maarteng kagaya mo ang pakakasalan ko at magiging ama ng anak ko---"

Bigla siyang pinamulahan at nag-iwas ng tingin. Mukhang hindi talaga nito nais sabihin ang mga iyon sa akin dahil nadulas siya. Hinintay kong magkunwari itong natatawa at sasabihing joke lang iyon pero wala itong sinabi. Ibig sabihin ay totoo ang sinabi niya sa akin.

"A-Anak? Gusto mong mag-kaanak sa akin?", panunudyo ko sa kanya.

Kinagat niya ang labi niya habang namumula ang buong mukha. Hindi niya ako tiningnan sa halip ay sa mga madadaanang pananim siya tumitingin. Hanggang sa hinawakan ko ang mukha niya upang humarap sa akin.

"Ilan ba ang gusto mo?", ngising-aso ko habang ang isang kilay ko ay nakataas.

"T-Tumigil ka nga diyan. Nakakahiya kay Naming yang mga pinagsasabi natin."

Agad ko namang tinanong yung matanda kahit nakatalikod pa ito. "Manong, hindi man masama ang ang tinanong ko sa girlfriend ko, hindi po ba?"

Lumingon ang matanda sa karitong sinakyan namin. "Haynaku, hijo noong nasa edad mo ako ay naka-dalawa na ako."

Ngumiwi lang si Hailey.

"B-Bakit Hailey, ayaw mo bang magka-baby? Ayaw mo bang ako ang makasama mo sa huli? Saan ba patutungo ang relasyon natin?"

Kumurap-kurap si Hailey. Hindi alam kung ano ang isasagot sa akin. Pulang-pula pa rin ang mukha niya ng hulihin ko ang paningin ko.

Bumusangot na ako. Alam ko namang hindi niya ako mahal nung una. Napahamak siya dahil sa akin at nadamay sa gulo namin ni Trent. Alam kong ako ay una lahat sa kanya at bilang lalaki ay isa iyong karangalan para sa akin. Alam ko ring masyado ko siyang sinasakal sa pagiging possessive ko sa kanya. Baka nga nadadala lang siya sa nararamdaman sa akin dahil sa ginagawa ko sa kanya. Natatakot ako na baka isang umaga iwanan ako nito tulad ng ibang babaeng dumating sa buhay ko.

Pero ngayong kami na, susulitin ko ang mga araw na kasama ko siya at ipaparamdam ko talaga na para kami sa huli. Yung kami lang talaga ang para sa isa't-isa.

Subalit hindi ko talaga alam kung ano ang future naming dalawa. Mahal na mahal ko siya, totoo yun. Mahal niya din ako at ngayong nabanggit niya na ang tungkol doon ay hindi ko mapigilan ang pagduriwang ng mga kulisap sa tiyan ko.

"May tamang panahon para doon, Hunter. Hindi mo pa nga ako pinakakasalan. I mean yung totoong kasal tapos yan agad ang iniisip mo. Speaking of that, baka nga mataga ka pa ni Tito Franco kapag nalaman niyang peke ang kasal natin."

Nalaglag ang panga ko. Gagawin talaga sa akin iyon ng step-father niya? Ngayon pa lang ako ay nagsipagtindigan na ang balahibo ko. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko habang nakatulala ako sa mga maberdeng tanawin.

Anong gagawin ko? Eh, kung umuwi na lang ako? Patay! Paano ako magpapaliwanag sa pamilya niya?

"Hunter, huwag kang magalala..", kinuha niya ang kamay ko at pinisil iyon. "Nandito naman ako, hindi ako papayag na habulin ka ng itak ni Tito Franco.", natatawang sabi niya.

Napahawak ako sa dibdib ko. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Hindi ata ang Red Dragons ang papatay sa akin kundi ang Tito Franco mo."

Hailey's Pov

NATATAWA ako sa reaksyon ni Hunter. Bahag pala ang buntot niya pag dating sa step-father ko.

"Hunter, mahal kita!", sabi ko.

Nanatili siyang nakanganga at muling binalot ng pamumula ang pisngi niya hanggang sa buo niyang mukha. Hinalikan ko siya sa pisngi para i-assure na nasa panig niya ako. Na kahit anong mangyari ay nasa pareho kaming pahina. Na wala dapat siyang ipag-alala dahil naroon ako sa tabi niya at mahal ko talaga siya.

Hindi ko tuloy alam kung paano iiwas ngayon ng lumapit siya sa akin. Hinigit niya ang katawan ko kung kaya't tumama ang mukha ko sa mukha niya. Ang dibdib ko ay nasa dibdib niya. Nararamdaman ko na rin ang bilis ng bawat paghinga niya.

Nagkadikit narin ang mga ilong namin. Itinulak ko siya dahil hiyang-hiya na ako sa itsura namin lalo na't nasa kariton lang kami.

Hindi ko rin alam kung ibubunton ko ang sisi sa kalabaw o doon sa batong nadaanan ng gulong ng kariton dahil tumagilid ang kariton kung kaya't hindi ko kontrolado ang balanse ko at tuluyang dumiretso ang mukha ko kay Hunter.

Nanlaki pa ang mga mata naming pareho nang magdikit ang aming mga labi. Pumungay ang mga mata niya nang hatakin pa akong lalo at halikan ako ng tuluyan. Agad ko siyang itinulak habang siya naman ay halos mapunit na ang labi sa kakangisi.

Nang lingunin ko yung matandang nakasakay sa kalabaw ay nakalingon na ito sa amin. Nag-init nang husto ang mukha ko dahil nahuli kami nitong naghahalikan. Sa open space pa talaga! Salisi talaga itong si Hunter! Nilamon na ako ng hiya. Yung katabi ko ngiting-ngiti pa. At si Manong napailing-iling na lang.

"Ang mga kabataan nga naman sa panahon ngayon ah masyadong mapusok. Masyadong maalab ang kanilang damdamin.", patuloy nung matanda habang muli nitong ibalik ang tuon sa harapan.

"It's not my fault. Kasalanan yun nung kalabaw.", panunudyo pa ni Hunter.

"Ninja ka talaga!", naiinis kong bulong.

Tumatawa lang si Hunter. Lumayo ako sa kanya mahirap na baka gumana na naman ang pagiging ninja niya. Pero hindi parin mawawala ang katotohanang sa bawat halik niya ay nanghihina ako at nalalasing. Para bang hindi ko kontrolado ang sarili ko at naglalakbay ang diwa ko sa kung saang dimensyon. Geez, talagang nakakahiya yung eksena namin kanina! Pumikit na lang ako.

"Ang cute mo talaga kapag namumula ka. Yang ang favorite reaction mo na nakikita ko sayo."

Dumilat ako at nakita ko kong ngiting-ngiti siya at expose na expose yung pantay-pantay niyang mga ngipin.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito."

"At ganoon ka din sa akin. Hindi ko alam na ganito pala katindi ang epekto mo sa akin. Dahil mahal na mahal kita. Sobra-sobra."

Natahimik na lang ako. Nagyuko ng ulo. Ngumiti. Dahan-dahan niyang kinuha ang isang palad ko at hinalikan iyon.

"Mahal din kita, Hunter."

"You are my everything---"

"Oh, nandito na tayo sa inyo, Hailey.", anito ng matanda nang bumaba ito sa kalabaw.

Ngumuso naman si Hunter dahil hindi niya natapos ang ano mang nais nitong sabihin. Tinapik ko na lang ang balikat niya nang yayain ko na siyang bumaba. Magbabayad na sana ako dun sa matanda kahit pa sinabi nitong huwag na kaming magbayad at tulong na lang nito iyon sa amin pero nagbigay ng isang libong piso sa matanda si Hunter.

Napakamot na lang tuloy ng ulo yung matanda. "Sige hijo kung mapilit ka ay tatanggapin ko na lang ito. Sige, ineng mauna na ako."

"Salamat ho ulit, Manong.", paalam ko nang muli itong sumakay sa kalabaw niya.

"Ate!"

Napalingon kaming pareho sa pamilyar na boses na iyon.

Agad na tumakbo si Alyanna sa direksyon ko upang salubungin ako ng yakap. Hinalikan ko ito sa pisngi pagkuwa'y kumaway ito kay Hunter.

Siniko ko siya. "Handa dito sa amin, noh? Sariwang hangin..."

"Yeah. It's all green. Green everywhere. It's all nothing but green."

Umiling na lang ako.

"Hi, Kuya Pogi.", ngiting-ngiti sabi ni Alyanna.

Hinaplos naman ni Hunter ang buhok ng kapatid ko. "Aba ang healthy-healthy mo na ngayon, ah. Kasing ganda mo rin ang Ate mong sadista."

Humagikhik lang si Alyanna.

Huminga ako ng malalim nang tumingin ito sa dalawang palapag na bahay namin na gawa sa hallow blocks. Bulinggit man iyon sa mansion niya ay proud parin ako sa bahay namin dahil dugo at pawis ang pinuhunan doon para mapatayo lang.

Laking pasalamat ko dahil hindi siya nagsalita pa o nilait ang bahay namin dahil kung ginawa niya iyon ay sisipain ko talaga siya patalsik sa bahay namin.

He smiled softly at me. "I bet your house has full of love and passion on it. And I want to be a part of it. All I wish is a happy family. Me, you and my children."

Pumintig ng mabilis ang puso ko dahilan para mag-iwas ako ng tingin. Ang layo ba pala ng narating ng imahinasyon ni Hunter.

"Halika na nga, pasok na tayo sa loob."

Tumango lang ito sa akin. "P-Pero sure ka ba na hindi ako hahabulin ng itak ni Tito Franco?"

Hinila ko na lang ang braso niya. "Huwag ka na ngang magsalita diyan. Pasok na sa loob."

Pumwesto siya sa likuran ko upang ako ang unang maglakad. Natatawa na lang tuloy kami ni Alyanna.

"Mama, Papa! Si Ate, nandito na kasama si Kuya Pogi!"

"Upo ka.", sabi ko kay Hunter na umupo sa lumang sofa na naroroon. Nilibot lang naman ng paningin ni Hunter ang bahay namin hanggang sa tumigil ang mga mata niya sa mga litrato kong nakasabit sa dingding.

"Ang taba mo pala noong bata ka.", tumayo siya at tinuro ang litrato ko noong eight years old ako.

"Asan sila?", ang malamig na tinig na iyon ang nagpatigil kay Hunter.

Nagpunas muna ng basang palad sa suot na apron ang Mama ko bago nakipag-kamay kay Hunter. "Kamusta na hijo? Buti ay nadalaw kayong mag-asawa dito."

Inabot naman agad ni Hunter ang kamay ni Mama. "Ang totoo ho niyan ay---"

"Oh, nandito na pala kayo.", nakangiting saad ni Tito Franco habang bitbit nito ang manok.

Nagkatinginan na lang kami ni Hunter habang hinigit namin ang aming hininga.

"Ma, Tito.. kailangan po namin kayong makausap. May importante po kaming sasabihin sa inyo.", sabi ko.

___________

Continue Reading

You'll Also Like

66.4K 1.8K 47
"Papakasalan mo sya sa ayaw at gusto mo." "Mom Dad for pete sake she's just 15 years old and im 22 parang kuya lang nya ako." "Anak para sa company n...
486K 11.9K 32
Kung gusto mong malaman ang storyang ito basahin mo ✍️Completed✓ (11-23-20)
229K 5.9K 55
||| HIGHEST RANK ACHIEVED- #1 in highschool(tags) ||| If your willing to choose, what would it be? Your past Or Your present? ***** SUPREMO'S OBS...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...