Come Back Home

By adrian_blackx

173K 6.2K 1.3K

Paano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you w... More

CBH: Prologue
CBH: Chapter 1
CBH: Chapter 2
CBH: Chapter 3
CBH: Chapter 4
CBH: Chapter 5
CBH: Chapter 6
CBH: Chapter 7
CBH: Chapter 8
CBH: Chapter 9
CBH: Chapter 10
CBH: Chapter 11
CBH: Chapter 12
CBH: Chapter 13
CBH: Chapter 14
CBH: Chapter 15
CBH: Chapter 16
CBH: Chapter 17
CBH: Chapter 18
CBH: Chapter 19
CBH: Chapter 21
CBH: Chapter 22
CBH: Chapter 23
CBH: Chapter 24
CBH: Chapter 25
CBH BOOK 2: Chapter 1
CBH BOOK 2: Chapter 2
CBH BOOK 2: Chapter 3
CBH BOOK 2: Chapter 4
CBH BOOK 2: Chapter 5
CBH BOOK 2: Chapter 6
CBH BOOK 2: Chapter 7
CBH BOOK 2: Chapter 8
CBH 2: Chapter 9
CBH 2: Chapter 10
CBH 2: Chapter 11
CBH 2: Chapter 12 (end)
Hi guys

CBH: Chapter 20

4K 163 32
By adrian_blackx

GLAIZA'S POV

Flashback

"Himala hindi mo ata kasama syota mo tsong!" Sabi sa akin ni Chynna. Wala kasi si Rhian ngayon dalawang araw daw siyang mawawala para dun sa reunion ng mga kabatch niya, hindi naman ako masyadong nababahala, kasi alam kong kasama niya si Bianca at syempre may tiwala ako sa girlfriend ko.

"Ehh, wala eh. May reunion sila ng mga kabatch nila Bianca. Kaya hinayaan ko na lang. Dalawang araw lang naman. Tsaka ok rin to kahit papaano, makapagbonding naman tayo!" Sabi ko sa kanya. Medyo nawawalan na rin kasi ako ng oras sa bestfriend ko! Pagod sa work, tapos syempre may duty pa ako kay Rhian. Syempre hindi ko naman siya pwedeng pabayaan.

"Wow! Nanglalambing! Sige sabihin mo na kailangan mo." Sabi nito sa akin.

"Ay grabe ka! Wala naman akong kailangan sayo ah!" Pagdedepensa ko.

"Naku tsong! Huling huli na kita! Sabihin mo na kasi. Baka magbago pa isip ko eh. Sige na sabihin mo na!" 

"Fine! Balak ko sanang magpatulong. Balak ko kasing magpropose ulit kay Rhian. Pero this time yung totohanan na" sabi ko sa kanya. Gusto kong maramadaman ni Rhian kung gaano siya kahalaga sa akin, kung gaano ko siya kamahal.

"Sus yun lang pala. Ano bang balak mo? Yung parang dati?" Tanong nito sa akin.

"Actually hindi. Kung dati maraming tao. Ngayon gusto ko kaming dalawa lang. Gusto ko kasi habang nagpprospose ako sa kanya. Hindi siya mappressure na magsabi ng yes, yung mga ganung bagay. Tsaka gusto kong maging special yung araw na yun" paliwanag ko.

"So saan mo balak gawin yang proposal mo?" 

"Kung saan nagsimula ang lahat."

---

Andito ako ngayon sa bahay nila Rhian, I really need to talk to her dad and mom. Sa katunayan, medyo kinakabahan pa rin ako, lalo na kay Tito Gareth, lakas kasi ng dating nito, nakakatakot.

"Glaiza! Napadalaw ka. Anong meron?" Sinalubong ako ni Tita Clara. Buti pa si Tita Clara ang gaan gaan ng mood niya, hindi mahirap pakisamahan.

"Gusto ko lang po sana kayong kausapin ni tito" sabi ko.

"Ahh, ganun ba. Osige, dun ka muna sa garden ah. Tatawagin ko lang ang tito mo. Andun nanaman kasi sa work place area niya, teka lang ah?" Agad kong sinunod yung utos ni Tita Clara. 

Talagang kinakabahan ako. Well ok naman na ang lahat, naayos ko na lahat ng kailangan kong maayos. Hindi na ako bumili ng singsing, kasi yung ring na binili ko before yun na lang. Hindi naman sa nagtitipid ako, pero kasi mahalaga yun. Iba ang dating nun..

Ilang saglit lang ay dumating na sila.

"Oh Glaiza, naparito ka. Anong kailangan mo?" Tanong ni Tito Gareth sa akin. Bago ako sumagot, huminga muna ako ng malalim. 

"Hindi na po ako magpapaligoy pa. I'm asking for your daughter's hand and I'm asking for your blessings" diretsang sabi ko sa kanila. 

"Loko ka ba?!" Nagulat kami ni Tita Clara ng biglang napatayo si Tito Gareth.

"Honey, ano ba?" Pag-awat sa kanya ni tita.

"Loko ka ba Glaiza? Kukunin mo ang kamay ng anak ko? Paano siya makakasulat o makagawa ng mga bagay na gusto niya?." Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Pero bigla siyang tumawa ng malakas. Ano bang trip ng taong to?

"Hahahaha! Biro lang! Oo naman! Ikaw ba pa. Glaiza, pinapayagan na kita na pakasalan mo ang anak ko. Pero isa lang ang hiling ko. Huwag mong sasaktan ang anak ko" sabi niya sa akin. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Grabe yung biro niya, hindi ako natawa.

"Opo tito. Hindi ko po sasaktan ang anak ko. Masyado ko siyang mahal para saktan. Maraming salamat po. Hindi po kayo magsisisi na sa akin niyo pinagkaloob ang anak niyo. Kaya pangako ko sa inyo, mamahalin at aalagaan ko si Rhian. Mamahalin ko siya ng buong buo at hindi ko siya pababayaan."

"Maraming salamat sa pagmamahal mo sa anak namin Glaiza. Hindi mo lang alam kung gaano mo siya napasaya. Kaya Glaiza, salamat. At sana maging masaya kayo" sabi ni Tita Clara na halos maiyak na..

"Honey huwag kang umiyak. Tatanda ka niyan" biro ni Tito Gareth sa kanya. Kahit ang tapang ng dating nito, loko loko rin pala.

"Syempre sino bang hindi iiyak? Malalagay na sa tahimik ang anak natin" 

Pinagmasdan ko lang yung dalawa habang sweet na sweet sila sa isa't isa. Sana ganyan din kami ni Rhian pagtanda. Sisiguraduhin ko na magkakaroon siya ng maayos at masayang pamilya. Hindi ko hahayaan na maranasan ng magiging anak namin ang naranasan ko.. 

"Pero teka. Ano ba ang balak mo ngayon?" Biglang tanong sa akin ni tito, buti na lang tapos na sa pagddrama si Tita.

Sinabi ko sa kanila yung plano ko, at naintindihan naman nila. Sana lang daw magtagumpay ako. 

Pagkatapos kong makipag-usap sa kanila, agad na akong umuwi dahil gabi na rin, pagkarating ko ng bahay agad kong tinawagan si Rhian.

"Rhi. Musta ka diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Hello? Glaiza? Pwedeng mamaya ka na kang tumawag? Medyo maingay kasi eh. Di ko rin masyadong marinig" sabi nito sa akin. Tama nga naman, medyo maingay sa paligid, baka nagpaparty sila. Hays, sana kasama ko siya ngayon.

"Osige, huwag kang masyadong uminom ah! I love you" I said.

"Opo, hindi masyadong iinom and I love you more." Napangiti naman ako sa sinabi niya. And after that binaba ko na ang phone ko.

Dahil medyo naiingit ako kay Rhian, tinawagan ko si Chynna na kung pwede mag bar din kami ngayon, para naman makapagchill. Buti na lang at agad siyang pumayag.. Tinawag ko na rin si Alchris, para makapagrelax naman yung pinakamamahal kong kapatid, at pumayag din siya.

Mga bandang 9:30pm ng gabi ng makarating kami sa isang exclusive na bar. 

"Oy cha! Libre mo ba?" Tanong sa akin ni Chynna ng nakahanap kami ng pwesto.

"Oo, libre ko na! Para naman makabawi ako sa inyo!"

"Yan ang gusto ko sayo cha eh! Bumabawi! Hahaha!" Banat naman ni Alchris sa akin.

"Ha ha ha! Ewan ko sa inyo. Mag order na lang kayo at ako na ang bahala." Sabi ko sa kanila. At itong dalawang tong, talagang sinamantala nila., ang daming inorder na pulutan. 

"Ok din kayo eh nuh?" Sabi ko sa kanila.

"Paano ba naman kasi, minsan ka lang manglibre kaya lulubusin na namin. Diba Chris?" Sabi ni Chynna kay Alchris

"Yup!" Sagot naman ni Alchris. Pasalamat tong dalawang to eh. Mahal ko sila. Kasi kung hindi! Jusko! 

Nagkwentuhan lang kami, at sinabi ko na rin kay Alchris ang plano ko. Game naman siya kaya wala akong problema. Si Rhian na lang ang kulang at bukas na bukas rin ay uuwi na siya. Salamat naman. 
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oy Chynna si Rhian? Nakita mo na ba siya? Ok lang ba siya? Dapat maayos na!" Sabi ko sa kanya.. Nag reready na kasi ako, dahil maya maya lang ay andito na si Rhian. Medyo kinakabahan pa nga ako eh.

"Oo tsong! Papunta na siya. Hahaha. Natatawa nga ko sa reaksyon niya eh" sabi nito sa akin. Hindi na ako sumagot at binaba ko na yung tawag, dahil tulad ni Rhian, papunta na sila rito ni Alchris.

Andito ako sa Royal Gym kung saan ko nabili ang painting niya. Hindi man kami dito unang nagkita, pero alam ko na espesyal ang lugar na to para sa akin.. Para sa akin kasi dito kami nagsimula eh. Talagang pinagtagpo kami ng tadhana dito mismo sa gym na to.

"Ano Glai? Ready ka na? Dapat may yes yan si Rhian sayo nuh! Pinasara ko tomg gym dahil sa inyo. Kung hindi ko lang talaga kayo kaibigan, ewan ko na lang." Sabi ni Mark sa akin

"Thanks Mark, maasahan ka talaga. Anytime soon, andito na siya, kaya dapat galingan mo ah!" Sabi ko sa kanya.

"Oo naman, ako ang bahala. Sige na dun ka muna sa likod, para walang aberya at marinig mo kung paano siya mataranta. Hahaha" loko talaga tong si Mark kahit kailan.

Nagtago muna ako sa likod, at medyo kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari. Andito ako aa may bandang likod ng gym kung saan gaganapin ang pagpropose ko sa kanya. Pero sabi ko nga, bahala na..

Ilang saglit lang may narinig na ako na nagbukas ng main door, baka si Rhian na yun.

"MARK MARK! ANONG NANGYARI KAY GLAIZA? ASAN SIYA?" Natatawa naman ako, grabe siyang mataranta. Hahaha.

"Bigla siyang nahimatay kanina Rhian, hindi ko naman siya madala sa hospital kasi walang magbabantay ng gym, kaya tinawagan ko na lang si Chynna" sabi ni Mark sa kanya. Rinig na rinig ko ang bawat usapan nila, at sobra akong natatawa. Galing ni Mark na umarte.

Naramdaman ko na papunta na siya kaya agad akong nagtago..

"GLAIZA! ASAN KA?" Sigaw nito, hindi niya ako nahanap dahil nagtago ako..

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya lapitan.

"Rhi!" Sabi ko sa kanya, nasa likod niya ako.

"Ay butiki! GLAIZA NAMAN EH! Ano nanaman ba to?" Inis na tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Glaiza isa ah! Huwag kang ngingiti ngiti diyan, masasapak kita! Alam ko bang pinaka--" hindi ko na siya pinatapos na magsalita, dahil alam ko naman ang sasabihin niya.

"Hep!" Awat ko sa kanya.

"Huwag ka munang magsalit pwede? Ako muna" sabi ko sa kanya.

Huminga ulit ako ng malalim, dahil pakiramdam ko sasabog na ang puso ko.

"Naalala mo ang lugar na to? Diba dito mo binenta yung painting mo. Pero bago mo yun binenta dito, nagkita muna tayo doon sa coffee shop na yun" turo ko sa kanya.

"Diba natapunan mo ko ng maiinit na kape? Hahaha. Minsan kapag naalala ko yun natatawa ako. Kahit alam kong yung sandali na yun sobra kong kinaiinisan at alam kong ikaw rin. Nagkapalitan tayo ng maiinit na salita., yung medyo brutal. Nagkainitan tayo ng ulo, at simula nun, lagi na taong nagtatalo. Pero Rhian, dito sa lugar na to, kung saan ko nakita ang painting mo at binili ko yun, hindi dahil sa narinig ko na may pangangailangan ka, binili ko yun dahil may iba akong nararamdaman sa painting na yun. Napakagaan kasing tignan, parang magic, yung mga ganun." Halos mangiyak iyak na ako, pero pinigilan ko yun, dahil baka hindi ko matapos to.

"Rhian, sa loob ng maikling panahon, minahal kita, at alam kong minahal mo rin ako. Alam kong masyadong mabilis. Pero mahal kita Rhian, mahal na mahal. Ngayon na totohanan na tayo, ngayon na pareho nating mahal ang isa't isa. Hindi ko na to pahahabain pa." Agad akong lumuhod sa kanya, at nakita ko na umiiyak na siya. 

"Rhian Ramos, the clumsy woman, the crazy woman, the kwek-kwek monster, at kung ano ano pa. Isang tanong, isang sagot. Yes or no. Oo o hindi. Limang salita lang ang itataning  ko. Just five words....

Rhian, will you marry me?"

Tumingin ako sa mga mata niya, labis ang pag-iyak niya. Pati ako napaiyak na rin. Grabe to ah. 

Please say yes.. bulong ko sa sarili ko

"5 words Glaiza.. Five words...

Yes, I will marry you." 

"Ta-talaga? For real?" Tumango lang siya. So yes talaga! 

Agad kong sinuot sa kanya ang singsing, at masasabi kong perfect fit talaga to para sa kanya. Kasi siya ang perfect woman for me.. 

Pagkasuot ko ng singsing sa kanya, agad ko siyang niyakap! Yung mahigpit, dahil namiss ko siya at natutuwa ako na pumayag siya.. 

"I love you Glaiza. Kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita!" Sabi niya sa akin habang hawak niya ang magkabilang pisngi ko.

"I love you more Rhian. Hindi na kita papakawalan pa. Mahal na mahal kita." Agad ko naman siyang binigyan ng masuyong halik sa labi niya. I really miss her.

"YAHOOO!" Ay putcha! Nag moment pa lang kami eh. Panira ka talaga Alchris.

"Al naman eh! Mamaya ka na magcelebrate, nag eenjoy pa kami ni Rhian eh." Sabi kos a kanya.

"Sorry tsong! Masaya ako para sa inyo.. Ito yung bulaklak mo Rhian, pinapaabot ni Cha. Sige alis na ako. Nasa labas na pala si Chynna, hinihintay na tayo! Gutom na raw siya." Inabot naman ni Rhian yung bulaklak na pinapabigay ko.

"Pakisabi kay Chynna, papunta na kami" sabi ni Rhian sa kanya.

"Congrats sa inyo ah!" Sabi ni Alchris.

"Salamat." Sabi naman ni Rhian.

"Labas na tayo?" Tanong niya sa akin.

"Ayaw mo bang mauna yung honeymoon?" Pilyang tanong ko sa kanya, at dahil sa tanong kong yun, nahampas tuloy ako!

"Sira ulo ka talaga!" Sabi nito sa akin. Kahit kailan talaga sadista tong MAPAPANGASAWA KO.

"Joke lang ito naman. Halika na sa labas. I love you!" Paglalambing ko sa kanya.

"I love-hin mo yang mukha mo!" Aba nag iba ang mood nito. Grabe ah. Pasalamat siya mahal ko siya. 

Hindi ko na talaga mahintay yung araw na ikakasal na kami at bubuo kami ng isang masaya pamilya..

---

Pagkatapos namin magcelebrate agad kong hinatid si Rhian sa bahay nila at binalita ko na rin yung nangyari, natuwa naman sila dahil anytime soon, pwede na kaming ikasal.. Pero napansin ko na parang iba ang mood ni Rhian ngayon, ang sabi naman niya, pagod siya, dahil pagkarating niya, agad siyang dumiretso sa Gym. Siguro nga ganun talaga, pagod lang siguro siya, kaya nagpaalam na ako na aalis na ako.

Hinatid naman ako ni Rhian sa labas ng bahay nila.

"Mag ingat ka sa pagddrive ah? Papakasalan mo pa ako" sabi nito sa akin.

"Opo Mrs.De Castro" sabi ko naman sa kanya.. Agad naman niya akong niyakap, kaya niyakap ko na rin siya.

"Glaiza, salamat ah. Pinapasaya mo ko lagi. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Mahal na mahal kita ah. Lagi mo yan tatandaan kahit anong mangyari" medyo weird yung mga sinasabi niya, pero baka nadala lang siya ngayong araw na to, sa dami ba naman ng nangyari.

"No Rhian, salamat. Dahil sayo nagkaroon ulit ng kulay ang mundo ko. Mahal na mahal kita Rhian, always remember that" I said. Mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin, at ganun din ako. Grabe siyang makamiss ah.

"Sige una na ako ah. Pasok ka na sa loob" sabi ko sa kanya.

"Opo. Ingat ka pagddrive ah" agad na din siyang pumasok sa bahay nila. Hayss. Hindi na ako makapaghintay na ibalita to kay Dad.. For sure matutuwa yun. 

Mahal na mahal kita Rhian, tandaan mo yan.

----

AN:
Sensya na medyo late update. Hahaha. Busy lang. Buti nga natapos ko tong chapter 20 eh. 😂😂

Good night guys! Medyo pagod na ako, at antok na antok na ako. Byers! Next time ulit ok?  😘😘😘

P.S. Please try to read my new story Second Chance of Love. Salamat.

Don't forget to vote. 😊

-A.B

Continue Reading

You'll Also Like

110K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
158K 6.7K 53
Rhian Denise "Yoyon" Howell And Glaiza "Cha" Galura Naranasan mo na bang mainlove sa bestfriend mo? Ipaglalaban mo ba ito kung sa pakiramdam mo ay...
26.8K 178 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
2.4K 56 30
This is a story of roommates, Missy and Denise, whose friendship blossomed from enemies to somewhere between lovers and friends. Are they going to de...