First Kiss - LEGACY 5 (AWESOM...

By HopelessPen

1.7M 54.1K 7K

We understand how dangerous a mask can be, we become what we pretend to be. The mask becomes our own skin, un... More

Prologue
SIMULA
Guard
Serise
Number One Fan
Swing
Bar
Surprise
First Kiss
Magulo
Fast and Hard
Love
Just A Kiss
Bikini
All Out
North Star
Mission
Kill
We Are Broken
The Beautiful Beast
What's Wrong
Lucky
Home
Noah
Over and Over
Aidan
Name
News
I Love You
Movie
Mga Bisita
Drowning
I'm Back
Forever
WAKAS

Third

43.1K 1.3K 77
By HopelessPen

10


Nakabalandra lamang ako sa aking higaan habang pinapanood ko iyong mga maliliit na butil ng ilaw na galing sa mamahalin kong chandelier. I bit my lip again before rolling on my bed. Ginulo gulo kong muli ang buhok ko bago ko binaon ang aking mukha sa unan na nandoon.


Damn Serise! Shiz talaga.


Napaupo ako bigla noong maramdaman ko na naman iyong pagkalabog sa dibdib ko. My hands were shaking and I put them on to my chest, only to be reminded with that nagging thump thump happening here in my stupid heart.


I closed my eyes tightly. Why are you being like this Serise? Why are you acting like this? It's crazy! My hands rubbed my beautiful face before I just sighed. No Serise. This is just a momentary lapse. Everyone experiences this. May nakaplano na para sa akin. I am to be married to Noah. Iyon na ang kahahantungan ko. Whatever reason my heart has for beating this way is out of the question. Hindi ako makikinig sa puso ko.


I am Serise Victoria Montreal. Nobody is better than me. Not even my heart.


I searched some random youtube videos and put my phone on speakers. Kinuha ko na lamang ang notebook ko at sumubok na magsulat ng mga bagong kanta namin na pwedeng isama sa susunod na ilalabas na album ng Legacy. I was still biting the tip of my pen when I finally found the right words for the song. Nalunod ako sa pagsusulat at parang agos ng tubig ang mga salita habang tuloy tuloy silang nagkakamukha sa papel.


Oh, I was there, a single lonely soul in the dark. And you, you were there, with your leathers on, and your bad boy shoes, with those ripped pants and shining eyes. And that was the moment that I realized...


Everything that I have been searching for was in you. Everything that I hope for was you. You're my dream guy, my lullaby, my happy ending in this world filled with tragedies.


Oh, baby when I rode in that car with you, I suddenly knew, that I'm in to the best kiss any lonely girl will ever have. My knees were shaking, my tears dropping, my heart exploding. Hey, boy you made me fell for you, so hard..with that one kiss. That one fated kiss..


Bumigat ang aking mata at hindi ko namalayang nakatulog na ako habang nagsusulat ng mga salita para sa bagong kanta namin. Nagising na lamang ako kinabukasan na nakadiin ang mukha sa notebook ko, iyong cellphone ko ay lowbatt na dahil sa buong magdamag na pagtugtog.


Pupungas pungas pa akong tumayo at iniligpit ang aking notebook bago pumunta sa banyo. I looked at myself in the mirror to see my swollen face and my puffy eyes. Pinusod ko lamang ang magulo kong buhok para makapaghilamos at makapag sepilyo. I'll just brush my teeth later. Kakain muna ako ng almusal.


I fixed my white cropped top sando and baby blue cotton shorts before coming out of my room. It took my almost three seconds to realize that I can actually smell something being cooked. Humikab ako ng bahagya habang inaamoy iyon. Maybe Mama visited me today.


Tama nga ang hinala ko noong makita si Mama na abala sa pagluluto ng almusal. She was giggling like an adorable little girl while frying some eggs.


"You think my Sese is funny?" anas pa ni Mama. Wait. What? Sinong kausap niya?


Nagmamadali akong pumunta sa kusina para lamang makita si Ashton na naghihiwa ng fresh kamatis sa may mesa. Like a drama queen that I am, I exaggeratedly gasped. Sabay na napatingin si Mama at Ashton sa akin.


"Baby ko!" bati ni Mama sa akin bago ako nilapitan. Sinapo ng dalawa niyang kamay ang pisngi ko bago ako pinaghahalikan.


"Ma! Gosh!" sigaw ko pa. Paano kaya, she's trying to treat me like a child again! Duh! Nandito pa naman si bansot! Bwisit!


"Hmmn, di ka na naman naligo Se?" natatawang sabi ni Mama. Nanlaki lalo ang mata ko.


"Ma!" frustrated ko na talagang sigaw. Humalakhak na siya bago binalikan ang niluluto. Napaupo na lamang ako sa dining chair habang nakabusangot. Nilingon ko si Ashton na nangingiti habang kagat kagat ang labi. Pilit niyang pinopokus ang atensyon niya sa paghihiwa habang nakangisi pa rin talaga.


"Paano ka nakapasok Ma?" tanong ko habang iyong tingin ko ay nakay Ashton pa rin.


"Oh! Tinulungan ako ni Ash. Siya kasi ang may alam ng password. Baby ko naman, sabihin mo na kasi sa akin." parang batang sabi ni Mama. Tumaas lamang ang kilay ko bago umiling.


"Oo nga naman Ma'am pinakamabango sa lahat kahit di ka pa naliligo." Susog ni Ashton. Nameywang lamang ako bago siya tinaasan ng kilay. Sabat. Di naman siya kausap.


Tumawa lang si Mama bago nilapag iyong toasted bread, fried rice, itlogat kamatis tsaka tuyo. Nilapitan niya ako bago hinawakan ang magkabilang braso.


"Miss ka na ni Papa mo." Aniya. Tumango lang ako at tinitigan siya. Huminga ng malalim si Mama bago ngumiti ulit.


"Uuwi na ako ha? May niluto akong ulam para sa lunch mo. Babalikan ko muna ang Papa mo kasi baka sumabog na siya ha? Alam mo namang hindi nabubuhay ng wala ako yun." Natatawa niyang sabi. Hindi ko na napigilan ang ngiti ko bago tumango kay Mama.


Hinatid ko na si Mama palabas ng unit ko hanggang sa waiting area kung saan naroon ang mga bodyguards niya. Bumalik rin ako kaagad sa unit ko para lamang makita si Ashton na nauuna ng kumain sa niluto ni Mama. Nakataas pa ang paa niya habang nagkakamay lang.


"Ang gara ah. Pwedeng makikain bansot?" pagsusungit ko. Umupo ako at tinulak niya ang isang walang laman na pinggan sa akin.


"Kain na Ma'am." Aniya. Kinuha niya ang sandok at pinaglagyan ako ng kaunting kanin at ulam. Tumaas lamang ang kilay ko sa gabutil na nilalagay niyang pagkain.


"Bakit ang konti nito Santillan?"


Kumunot ang noo niya. "Diba konti lang naman talaga kumain ang babae Ma'am?" inosente pa niyang sabi. I snatched the rice bowl from him at ako na ang naglagay ng kanin sa pinggan ko. Gutom ako Santillan, bwisit ka.


Gulat na gulat siya sa dami ng kanin ko pero hindi ko na siya pinansin. Mas matakaw si Kuya Seven kaysa sa akin kaya ayos lang.


"Waah, seryoso? Pucha, ilang taon kang di kumain Serise?" taka niyang sabi. I just made a face and continued eating. Siya naman ay kumain na rin habang tinititigan ako.


Noong matapos kami (nauna pa ako sa kanya kahit na mas nauna siyang nagsimulang kumain) ay nagligpit na siya. Pinapanood ko lamang siya sa kusina ko habang nakatingin sa malapad niyang likod.


Iyong suot niyang itim na three fourths v-neck shirt ay hapit na hapit sa katawan niya. I can only imagine all the muscles in their freaking right places. I just sighed dreamily while staring at him.


"Wala ka bang trabaho?" tanong ko. Nilingon niya ako.


"Trabaho kita." Sagot niya sa akin. Aww, yeah, I forgot.


Lumapit siya sa akin habang nagpupunas ng basang kamay. Damn it. How can somebody look so good while drying their hands?! Bwisit.


Inusog niya ang isang stool at umupo sa aking harapan. Bahagya pa akong napalayo sa kanya noong hinawakan niya ang braso ko. He trapped me with his arms and he was now leaning over me.


"A-ashton.." pagpigil ko sa paglapit niya. He grinned at me while looking directly at my eyes.


Kinagat niya iyong labi niya, yumuko, bago ako tiningnan ng pailalim.


"Maganda ka pa rin kahit di ka pa naliligo." Biro niya. Nanlaki ang mata ko bago siya hinampas sa braso!


"Bwisit ka!"


Tumawa lamang siya ng malakas. Bigla lamang siyang lumapit sa akin, iyong labi niya ay pahapyaw na dumampi sa nakaawang kong bibig.


"Ashton!" sigaw ko, iyong pisngi ko ay namumula na. Tawa lamang siya ng tawa habang titig na titig sa akin.


"Tangina, isa pa nga." Aniya muli bago ako kinabig papunta sa kanya. Hindi na ako nakaangal pa noong mahalikan niya ako ulit.


-------------------------------------

Photos for our lovely pair :)

Continue Reading

You'll Also Like

98K 5.4K 45
COMPLETED ✔️ ⭐️ A RomancePH official "Kilig All Year 'Round" read. ⭐️ Valentine's Day 2021 Special ❤ At the age of 27, no boyfriend since birth B o...
1.5M 58.4K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
2.8M 74.2K 42
AEGGIS Series #6 - August Yturralde - AEGGIS' Vocalist Perfection. Being a Montreal entails perfection. Mula sa perpektong grado hanggang sa perpek...