Retrograde (Completed)

Por xpaperpiper

80.3K 1.1K 16

Your heart aches because of a handful of reasons. Clogged arteries caused by cholesterol build-ups, arrhythmi... Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Epilogue

Chapter 49

1K 14 0
Por xpaperpiper

Retrograde | Chapter 49

Hinahabol ko ang aking hininga pagkalabas na pagkalabas ko ng taxi. Dumiretso ako sa departure area na ngayon ay punong-puno ng tao. Dahil siguro December at maraming aalis o babalik ng bansa. Nakakabangga na nga ako ng ilang mga pasahero nang dahil sa pagmamadali.

Napahinto ako nang harangin ako ng guard. Bawal nga palang pumasok ang walang passport at ticket. Kinuha ko ang aking phone para subukang tawagan si Papa. Cannot be reached, patay ba ang phone nya?

"Please po Manong guard, kailangan ko po talagang maabutan yung Papa ko. Kahit saglit lang," pakiusap ko. Umiling lang ang guard at sinabing hindi raw talaga ako pwedeng pumasok sa loob.

Nakasimangot kong pinapanood ang mga byaherong pumapasok sa terminal. I should've bought a ticket! Para kahit papaano ay makapasok ako rito. Mabigat ang paghinga ko dahil sa pagkadismaya. As much as I want to call him and convince him not to go, I know how important this project is. And it's not like I could even contact him!

"Excuse me, miss?" May lumapit sa aking pilotoㅡassuming he is a pilot since he's wearing a uniform. Nag-angat ako ng tingin. Ito yung piloto sa may Sangley! Nanlaki ang mga mata ko, "Sir Axel, right?"

He nodded, "Yup. Namukhaan kasi kita. Naalala kong ikaw yung girl na tumatakbo sa may runway. I just wanted to say hi, sorry for bothering you."

Lumiwanag ang mukha mo, baka matulungan niya ako. Pwedeng magpasok ng tao rito ang piloto. Yun yung ginawa sa akin ni Sander dati nang paalis si Sier. "It's fine. Actually, if you don't mind Sir, I want to ask for a simple favor."

Sinuot niya ang kanyang cap, "Sure. Ano yun?" Napangiti ako dahil sa pag-asang makakapasok ako sa loob. Bumuntong-hininga ako, "Pwede nyo po ba akong papasukin sa loob ng terminal? Hinahabol ko po kasi yung Papa ko, alis niya po ngayon. Di pa ako nakakapagpaalam. Please, Sir."

Ngumisi lang siya, "Yun lang pala eh. Ofcourse, c'mon I'll help you."

Tinulungan niya na nga akong makapasok sa loob. Ngiting-ngiti ako dahil atleast maabutan ko na si Papa. Papasok na rin pala sya kaya sabay nalang kaming naglakad. Tinuro nya rin sa akin kung saan yung departure gate ng flight na hinahanap ko.

"What's with you always running after people?" he joked. Napangisi ako, coincidentally ganun ang lagi nyang naabutan sa akin. Tumawa nalang ako at hindi na sumagot. Di ko rin naman alam kung bakit.

"Sander is an excellent pilot, you know. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya nag-resign." Nanlaki ang mata ko. Sander resigned? Well, I don't know the regulations with aviation. Baka dahil sa mga hearing nya. "I'm certain that he could've easily passed for an early captaincy. Alam mo ba kung bakit siya nag-resign? You're his friend, right?"

Tumango ako, "Opo pero hindi ko sigurado kung bakit siya nag-resign." Kahit alam ko naman, ayoko lang ipagsabi ang mga nangyayari sa kanya. Miski nga sa akin ay matagal nya yung tinago.

"Oh by the way, kung gusto mong mag-out of town or even visit nearby countries like Singapore and Taiwan, you could always charter a plane from us," he offered. That would be so cool. But I don't think I could afford such luxury. Lalo na kung ako lang naman mag-isa.

"I don't think I can afford that," biro ko at tumawa nalang. Kumunot ang noo niya at tinaas ang kanyang palad para humindi. "No, actually, Sander paid for your expenses. Pwede mong isama ang pamilya mo, kahit saan."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Sander paid for me? For a private plane ride? He is so unexpected. I think my mouth was left open for a couple of minutes.

"Totoo po?"

"Ofcourse. Oh, he even made a special request to let you always ride in the cockpit if you want to," aniya. Nakakatawa na siguro ang gulat na gulat kong ekspresyon. Sino ba naman kasi ang hindi?

"Ayan na yung boarding gate na hinahanap mo. Mauna na ako, here's our calling card incase you want to charter a ride. Just give us a call. Sige, ingat ka," paalam niya.

"Sige po. Salamat." Kumaway ako habang naglakad na siya palayo. I kept the calling card in my bag. San, you prick. Di ko napansin na ngiting-ngiti na naman ako rito. Bumalik din ako sa katinuan at naalalang si Papa pala ang pinunta ko.

Dumiretso ako sa may gate at nilibot ang aking mga mata para hanapin si Papa. Nakita ko sya sa may gilid at pilit kinakalikot ang phone niya. I ran towards him and quickly engulfed him in a hug.

"Eve," gulat nyang wika. "Nakaabot ka. At... nakapasok ka."

"Someone helped me, Pa. Kamusta na kayo?" Tumingala ako sa kanya, medyo nangayayat sya mula noong huli kaming nagkita. Malamang ay dahil ito sa mga nangyari sa pamilya namin. "I'm fine pero ikaw ata dapat ang tinatanong ko nyan. How are you anak?"

"I'm feeling much better," sagot ko. Kumpara noong mga nakaraang mga araw, di hamak na mas maganda ang mga nangyayari sa akin ngayon. Mas umaayos na ang lahat. Everything is falling into place. Sumeryoso ang mukha ni Papa at tinignan niya ako ng mabuti.

"Everee, baka nasabi na sayo ng Mama mo pero gusto ko rin namang manggaling mismo sa akin. I'm sorry, anak. Pasensya na dahil nagkamali kami."

Ngumiti ako, she already explained everything. At kahit papaano ay naintindihan ko naman ang kanilang pinupunto. They were just scared for me. Alam ko namang ako lang ang inaalala nila.

"I know, Pa. Naiintindihan ko po. And I forgive you, kayo ni Mama," sagot ko. Sinuklay ni Papa ang nagulo kong buhok gamit ang kanyang kamay. I smiled and he smiled back. "Everee, I just want you to be happy. Knowing Miranda, alam kong wala pa syang lakas ng loob na sabihin sayo. Pero 'nak, if you want him for you, I'll be more than glad to give you both my blessing."

Napakagat ako sa aking labi. I don't know if time would even allow us to be together. What if we're not really destined for each other? Baka kahit gusto namin ay wala naman kaming magagawa. We don't have everything in control.

"Maaga pa po ata para sabihan nyo ko nyan, Pa," sabi ko. Parang biglang naging awkward ang ambiance ng paligid. Mahirap naman kasing pag-usapan ang mga ganitong bagay. He raised a brow, "What do you mean? Si Zeph ba yung..."

"I love Zeph, mula pa naman dati. But I love him as a friend," paglilinaw ko. "Miranda would always have Zeph as her favorite guyㅡwell, next to me ofcourse. Pero alam naman nating mas gugustuhin niyang maging masaya ka, Eve."

"I know. I'm not rushing anything," I said. Nagsalita na ang isang assistant at tinawag sila para pumasok na sa gate. Pumasok na rin isa-isa ang mga taong naghihintay. Lumingon muli ako kay Papa, kailangan na nyang umalis.

"I need to go, Everee."

"Take care Papa. Mag-iingat ka roon. Lagi kang tatawag sa amin, okay? I'll do my best to make you proud para pagbalik mo ditoㅡ" He hushed me then patted my head. Naghintay ako sa sasabihin niya. "I couldn't be  prouder. Kahit sino, gugustuhin kang maging anak. Always remember that you're so much more than what you give yourself credit for."

Niyakap ko sya ng mahigpit, "Thank you Papa! I love you!" I heard him chuckle as he continued to pat my head. "I love you too, Everee. Take care."

Nag-aayos na ako ng gamit, bumalik na kasi ako sa bahay. Sobra kong namiss tumira dito, nalulungkot lang ako dahil hindi ko na kasama si Sier sa isang bahay gaya ng dati. Biglang may kumatok sa pinto at bumukas iyon.

"Eve," tawag ni Mama.

"Yes, ma?"

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Hiniga niya ang kanyang ulo sa aking balikat. "Tungkol kay Zeph," aniya. Napahinto ako, hindi pa kami naguusap. Simula kasi noong umalis kami ni Sier sa condo ay di na kami nag-usap. Siguro nagaalala pa rin siya sa galit ko.

"Ano po yun?"

"Dumaan sya kaninang umaga rito, tulog ka pa. Ang sabi niya baka raw huling hearing na nila ngayon. Sure ka bang ayaw mong pumunta?" sabi nya. Noong isang araw pa kasi ako sinabihan ni Mama na pumunta sa hearing pero tumatanggi ako. Ayaw ko lang, ayaw kong makita syang hinahatulan doon.

"Okay lang ako rito, Ma," pagtanggi kong muli. Ngumisi lang si Mama at tinignan na naman ang mukha ko. Lagi nya ngang sinasabi sa akin kung gaano nya ako namiss. "Ikaw bahala. Pero binilinan ko si Zeph na tawagan ka agad kapag natapos yung hearing mamayang hapon."

Tumango nalang ako kay Mama at umalis na siya para maghanda ng meryenda. Pasmado ang kamay ko dahil sa kaba. Paano kung guilty ang ihatol sa kanya nung judge? Sapat na ba yung ebidensyang prinisinta nila?

Lumabas ako sa balcony, gusto ko lang magpahangin para mawala ang mga nasa isip ko. I don't know what crossed my mind but I took a pen and a paper with me. Umupo ako sa isang stool doon at nagsimulang magsulat ng letter. I don't know exactly why but I just feel like it.

Gusto kong isulat ang mga nasa isip ko, ang mga nararamdaman ko, ang mga natutunan ko nitong nagdaan na mga buwan. Nakakamanghang isipin na ang daming nangyari sa akin sa loob lamang ng anim na buwan.

Kapag binabalikan ko ang mga yun, parang isang madramang libro ang buhay ko at hanggang ngayon ay di pa iyon nagwawakas. Hindi pa rin naisusulat ang happy endingㅡo kung meron mang masaya sa pagtatapos.

Ending would always be the crucial part. It would determine if all that happened was worth it or not. Kung masasayang lang ba ang lahat o kung gaganda ang mga bagay.

Nilalaro ko lang ang ballpen na dala ko habang binabasa ang ginawa kong sulat. Kahit magustuhan ko man o hindi ang mga mangyayari, hindi pa rin nun mababago ang mg bagay na natutunan ko. I experienced all of that, I went through so much.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal naghihintay ng tawag ni Zeph. Hanggang sa magdilim na ang paligid ay wala pa ring tawag mula sa kanya. My heart is beating so fast, I'm so nervous of what had happened in that court.

And then my phone rang...

Tumakbo ako papasok sa loob at hinanap agad ang aking phone. I nervously stared at the Caller ID. Si Zeph ang tumatawag. Sinubukan kong pakalmahin muna ang aking sarili. I can't answer him if my voice would just shake uncontrollably. Sa huli ay pinindot ko na rin ang answer button.

"Hello?"

I gulped once. I gulped twice. Basta napapalunok nalang ako sa tindi ng nerbyos.

"I just want to let you know na tapos na ang hearing... may desisyon na yung korte..."

Muntik nang mahulog yung phone ko dahil sa panginginig ng aking kamay. Ito na ata ang pinaka-nakakakabang balita na pwede kong marinig. Mas nakakakaba pa kesa sa naging mga announcement noon sa latin honors. Mas nakakakaba pa kesa sa pagkuha ko ng NMAT. At nung hinihintay ko ang results ng nursing board exam.

"Anong nangyari?"

"He was acquitted."

Nagising ako ng masakit ang panga at paa. Nagtatalon at nagsisigaw kasi ako kagabi nang malaman ko ang mga nangyari. Pati nga si Mama ay napasugod sa kwarto ko nang marinig ang mga tili ko.

I felt so happy and delighted, I don't even think those adjectives are enough to explain my joy. I can't even put it into words.

"Mag-ingat ka sa byahe," nagpaalam na sa akin si Mama at hinatid ako sa kotse. "Sige po. Alis na ako," sabi ko at pumasok na sa sasakyan. I beeped my horn and waved her goodbye.

Pupuntahan ko ngayon si Riley. It has been months but I still haven't visited him. Iniisip ko nga na siguro ay nagtatampo na siya dahil hindi ko pa natutupad yung pangako ko. At ngayon ay marami na akong pwedeng ikwento sa kanya.

Mabagal akong naglakad patungo sa puntod nya. Hawak ko ang isang basket ng bulaklak. Nakakatawa na maging sa pagbisita ng patay ay kinakabahan pa rin ako. Napahinto ako nang may mapansing lalaking nakatayo roon. Mukhang si Riley din ang pinunta nya dahil may tinirik na syang kandila sa lupa.

Unti-unti akong lumapit. It could be his Dad. Pero masyado pa atang bata ang isang 'to para maging tatay ni Riley. Nakatalikod sya kaya ang tangi kong magagawa ay tabihan siya o tapikin para makuha ang kanyang atensyon.

"Benj? I meanㅡAttorney?"

Kinalabit ko sya at nagulat ako nang makitang si Benj nga iyon. What is he doing here? Kumunot ang noo niya pagkakita sa akin. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong bulaklak. Tama naman ang puntod na pinuntahan ko.

"Oh, ikaw pala. May bibisitahin ka?" tanong nya. I hesitantly nodded then pointed at Riley's grave. Lumingon sya roon bago lumingon pabalik sa akin. Palingon-lingon lang siya, tila nalilito sa mga nangyayari. Miski ako ay nalilito rin. "I came for Riley. Bakit ka nandito?"

"Huh? Ikaw ata dapat ang tanungin ko nyan. Riley's my nephew," he said. Napatingin ako sa lapida para tignan ang buo nyang pangalan. Riley John Salcedo. Mukha ngang kaanak nya ito. It's such a small world.

"Ah. Naging nurse kasi ako ni Riley noon sa ER. Naging close kami kaya binibisita ko sya ngayon," paliwanag ko. His lips twitched, "Ngayon lang? He died five months ago," he scoffed.

"I know. I just promised myself that I'llㅡI'llㅡ" Nahirapan akong ituloy ang aking sasabihin. Nakakahiya naman kasing ikwento sa kanya. Isa pa, alam ko kung gaano siya ka-judgmental.

"You'll what?"

"Sabi ko bibisitahin ko siya kapagㅡ anoㅡkapag successful na ako," nahihiya kong wika. Ewan ko ba, pwede ko rin namang hindi na lang sabihin pero parang gusto kong marinig nya mismo. He suddenly laughed out loud. That's offensive.

"Sorry. I just find it funny how a laude graduate doesn't consider herself successful. Tell me, ano bang standard mo sa success? You're so hard to please." Nilapag ko muna ang bulaklak sa tabi nung sa kanya. Ni hindi pa nga ako nakakapag-hi dahil naharang na agad ako ni Benj.

"Bakit ano nga bang general standard sa success? I don't think such rating exists," sagot ko. Halos lahat naman ng bagay may standard ang karamihan. But for success, it's different for everyone.

He grinned, "It does. Nandito ka na, ibig sabihin tingin mo successful ka na. Let me guess, dahil nanalo si Sander sa kaso."

"Why? You won the case, don't you feel successful?" Kung ako siguro ang nakapagpanalo ng malaking kaso ay sobra na ang magiging tuwa ko. He should atleast feel pleased. "Isang kaso lang yun, hindi pagtatapos ng career ko. Marami pang susunod para sa akin."

Suminghap ako. Ano pa nga bang inaasahan ko sa kanya? Syempre ang taas lagi ng tingin niya sa sarili nya. Kaya para sa kanya hindi big deal yun. "Atleast you won," dugtong ko.

"I seriouslyㅡayaw ko sanang aminin pero maliit lang naman ang naitulong ko sa kasong yun. That Zeph kid did all the work," aniya. Sumeryoso ako at nakinig ng mabuti. Alam ko lang na si Zeph yung nag-abot sa kanya nung mga nakita kong files. "His Dad served as a witness. He brought him."

Nanlaki ang mata ko, "He did?"

"Hulaan ko ulit, hindi maganda ang pakikitungo nila sa isa't isa at mahirap para sa Zeph na yun ang humingi ng pabor sa ama nya," he explained. Pinilig ko ang aking ulo, "Paano mo nalaman."

"First, its so obvious. Second, I'm a lawyerㅡand a competent oneㅡI can easily analyze people's motives."

Kung pinakiusapan talaga ni Zeph ang Dad niya, ang ibig sabihin nun ay pumunta pa talaga siya sa Australia. Kung tatandaan kong mabuti, ni ang sabihin nga ang pangalan ng Dad nya hindi niya magawa eh. At ayaw na ayaw nyang kinukumpara siya rito. Mentioning his name would automatically ruin his mood.

Paano pa kaya kung kakausapin nya ito at hihingan ng pabor? And his Mom, for sure she's against all these. He went trough all of that for this case? Para kay Sander. He's sure as heck surprising me!

"Kapag pinasukan yang bibig mo ng bangaw, wag ako ang sisihin mo."

Sinara ko ang nakauwang kong bibig. Ang hirap lang talagang isipin at intindihin lahat ng mga ginawa ni Zeph. "He actually did that?"

"You need some comprehension check, woman. Kakasabi ko lang."

"Wow..." bulong ko. Nakita ko ang pag-irap nya, nakapamewang na sya ngayon nang dahil sa inis. Iniisip ko kung pinadala ba ni Lord si Benj para ipaalam lahat ng 'to sa akin. Lumipat ang tingin ko kay Riley, maybe he asked Him for this.

"Really... stupid..." inis niyang wika. "Mauuna na ako. Kanina pa naman ako nandito eh, ikaw na muna ang bahala sa pamangkin kong 'yan."

Lalakad na sana sya palayo pero lumingon siya pabalik sa akin. "Hey, youㅡ"

"Everee ang pangalan ko."

"Whatever..." Umirap siyang muli. Aba, iniinis na naman ako ng isang 'to ah. Kailangan nya talaga ng lesson sa basic manners. Humalukipkip ako at hinintay ang sasabihin nya. "My side of the coin..."

"...Dreams aren't always measured by material success. Sometimes you never feel success because no one makes you feel successful. I guess Sander made you feel that way, huh? And oh... he wants to see you."

Umalis na siya matapos sabihin ang mga yun. He just lectured me about success. And San wants to see me? He does? Parang may kung anong bagay na kumulo sa tyan ko. Nanghihilab yun bigla.

I turned to look at Riley. Lumuhod ako sa damuhan at hinawakan ang lapida nya. Pumikit ako habang unti-unting namumuo ang napakalapad na ngiti sa labi ko.

Seguir leyendo

También te gustarán

31.6K 921 40
Tic tac toe. Who can guess if who are you? She left... Now, she Returns. The question is, Are you Ready? Or not? 'She' wa...
109K 2.8K 30
Ako si Sharmaine Cruz a.k.a. Shay. Matalino ako, maganda rin. Hindi naman sa nagyayabang ako, alam ko lang talaga kung sino ako at kung ano ang gusto...
56.3K 2.8K 5
Alina is a shy and quiet girl who is in love with Samuel, her high school classmate but doesn't have the courage to confess her feelings to him becau...
9K 104 6
ⓒ2017 GIRLINLOVE (Jade Maragrette S. Pitogo) Illustrations by Alysse Asilo Book design and Layouts by Krystle B. Malinis