His Wife

By Megumyyy

1.5M 17.2K 1.7K

You are definitely nothing to his life, 'coz you're just HIS WIFE. Credits to Google for the Cover Photo More

His Wife
His Wife (01)
His Wife (02)
His Wife (03)
His Wife (04)
His Wife (05)
His Wife (06)
His Wife (07)
His Wife (08)
His Wife (09)
His Wife (10)
His Wife (11)
His Wife (12)
His Wife (13)
His Wife (14)
His Wife (15)
His Wife (16)
His Wife (17)
His Wife (18)
His Wife (19)
His Wife (20)
His Wife (21) The Awakening of Her Bitch Side
His Wife (22) MAHA~
His Wife (23) I love--hate you JC!
His Wife (24)-BS- Emerald VS Chantal
His Wife (25) DEATH
His Wife (26) Tears
His Wife (27) Death?
His Wife (28) Our Love Story
His Wife (30) Maxene and John
His Wife (31) Maxene's Favor
His Wife (32) Wanted: WIFE
His Wife (33) Emerald or Dreame
His Wife (34) I can't
His Wife (35) Still Emerald
His Wife (36) Ako na lang... Please
His Wife (37) She's freaking back!?
His Wife (38) The Inevitable Decision
His Wife (39.1) REVENGE
His Wife (39.2) Entrance to HELL
His Wife (40) Married to Lady Satan
His Wife (41) Stranger no More
His Wife (42) Clandestine
His Wife (43) The Beginning
His Wife (44) I am His
His Wife (45.1) To stay close
His Wife (45.2) My love...
His Wife (46) I fucking fooled you...
His Wife (47) Untitled
His Wife Epilogue
Special Update #01

His Wife (29) Her Dream

26.5K 299 27
By Megumyyy

 

Hindi ko na halos alam ang mga pinaggagagawa ko. Hindi ko na rin alam ang hitsura ko. Ang lawak at laki ng pagkakangiti ko. Lahat halos ng nadadaanan ko binabati ko at nginingitian ko. Para na akong berat dito na nakawala sa mental hospital. I feel like a fool but I love it! I like it. Parang kaya kong pasanin ang buong mundo dahil sa tuwang nararamdaman ko. Having my girl, Emerald walking in the school corridor is a dream come true. Napatingin naman siya sakin at nakita ko kung paano kumunot yung noo niya. Cute! Tch. I know gay, pero kasalanan ko bang purihin ang taong mahal ko? Okay, corny na, nakakauyam.

 

 

“ What’s wrong with you? May boyfriend na ba akong baliw?” tanong ng nakakunot na Emerald. I just shrug and laugh humorously.

 

 

“ Oo, baliw sayo” kumunot lang lalo yung noo niya at sinamaan ako ng tingin. May kung sino naman na nangbatok sakin. Tatawa tawa namang itinakbo nila Tristan at Hiro si Emerald.

 

 

“ Hoy! Ibalik niyo nga si Emerald dito! Mga letche!” sabi ko habang hinahabol sila. Iniitsa lang ni Tristan yung bag ni Emerald kay Hiro at tumakbo na sila habang buhat ni Tristan si Emerald. Tawa naman ng tawa si Emerald. Napatigil ako ng may kumirot sa bandang dibdib ko. Naiinis ako kasi hinahawakan ni Tristan si Emerald ng ganoon. Nabibwisit na ako at hindi na ako natutuwa. Ano nga bang tawag dito? Yung feeling na gusto mo ng manuntok pero hindi pwede kasi kapatid mo siya? Is this what you call… JEALOUSY?

 

 

“ You know… I like your girlfriend” nagulat ako sa sinabi ni Tristan. Seryoso siya habang sinasabi niya yun. Kahit kapatid ko siya gustong gusto ko siyang suntukin. Hello!? Nandito yung boyfriend niyang kuya mo rin!

 

 

“ Kaya gagawin ko ang lahat, mapasakin siya” napatiim bagang na lang ako sa sinabi ni Tristan. Pinagmamasdan namin si Emerald habang dinadrawing niya si Hiro na nakasandig sa isang puno. Mukhang masaya si Emerald kasama si Hiro.

 

 

“ Joke lang naman kuya! HAHA” kahit joke yung sinabi ng kapatid ko, hindi ko pa rin maiwasang mabahala. Tumango naman ako at ngumiti.

 

 

“ Emerald… pwede ba tayong pumuntang Bicol?” I asked her one afternoon. Mukha namang nasiyahan siya kasi tumango siya at ngumiti pa. Well, ilang buwan ko ding pinag-ipunan ito para lang may pamasahe kami papunta. Hapon ang flight namin at umaambon ambon pa. Bakas sa mukha niya ang tuwa. Balewala ang ilang linggo kong overtime at pagtitipid kasi worth it naman yung sayang nakikita ko sa mukha niya. Every damn artist would pay a billion para lang maipinta siya. Those smiles that makes my knees tremble.

 

 

“ Kapag may nakita kang mas mayaman sakin… anong gagawin mo?” I asked her as I held her hand and kiss it. I know the whole story of her life. She’s an orphan at never pa niyang nakikita ang parents niya.

 

 

“ Siyempre, iiwan kita” alam kong pabiro lang yung pagkakasabi niya pero nasaktan pa rin ako. After all, sino ba naman ako. Eh ako lang naman ang boyfriend niyang pinagkakasya ang girlfriend niya sa isang budget meal tuwing date nila. Isa lang naman akong Jayden Cade Mercado na isang anak ng prostitute at may dalawang kapatid sa labas.

 

 

Shikihiro Mercado… I don’t know why do my mother let him use my surname but I don’t care. Sabi ni Mama, nabuntis daw siya ng isang hapon and there’s Hiro! Tristan Mercado… bunsong kapatid ko and yes, my mother let him use my surname once again. Halos tig-iisang taon lang ang agwat namin pero magkakayear na kami. And my father? I don’t care! Wala ako ni isang balita tungkol sa kanya o kahit litrato man lang. My mother and I never took the chance to talk about him.

 

 

“ Emerald… picture ka naman! Tapos ipost mo sa blog mo… captionan mo ng “ THE HANDSOME AND THE BEAUTY COLLIDES! Dali!” sabi ko at natatawa naman siyang sumunod sa utos ko. Nagpicture kami but when she was about to capture our image, I kiss her. Napansin kong lumapit yung stewardess sa amin.

 

 

“ Anong gusto mo?” tanong ko lang sakanya pero nakita ko namang nakakunot lang yung noo niya. Masama ang tingin niya sa stewardess na malagkit ang tingin sakin. I feel so proud having a girlfriend like her. Emerald Thalia Soriano is every man’s dream and I can’t wait to make her to be my wife. To be Jayden’s wife.

 

 

“ Mata ng malalandi” nakairap na tugon niya. Napatawa naman ako at napabaling ang atensiyon ko sa babae. Namutla siya. Takot siguro sa sinabi ni Emerald. Well, my girlfriend is fierce, you know? Sometimes? Nah, always! Lagi nga yang nakabatok eh. Feeling ko nga, kaya ako walang naisasagot sa quiz siguro kasi kakabatok niya.

 

 

“ A-ah eh, I would like to prefer our tempura-----“ patuloy sa pagsasalita yung stewardess pero pinutol ko agad siya ng marinig ang tempura. May allergies si Emerald sa shrimps so technically, bawal siya doon.

 

 

“ Sorry, may allergy kasi yung misis ko diyan eh. Pwede iba na lang?” tanong ko habang nakangiti pero ramdam kong nagpupuyos pa rin sa galit itong katabi ko.Nung umalis na yung stewardess, nangigigil na kinurot niya yung tagiliran ko.

 

 

“ Ang landi landi mo! Pati ba naman yung stewardess eh nginingitian mo!?” nangigigil na tanong niya pero alam kong nangingiti ngiti na siya. Ginulo ko yung buhok niya atdinampian ng isang masuyong halik sa labi na ikinatugon niya.

 

 

“ Yuck! PDA kayo!” sigaw ng isang boses sa gilid ko sabay tawa. Naitulak ako bigla ni Emerald at nakita kong namumula na siya. Nahihiya siguro. Nanlalaki yung mga mata kong tumingin sa taong yun.

 

 

“ Selina!? Bakit nandito ka?” tanong ni Emerald. Well, siya si Selina Mendez, yung laging sakit sa ulo ni Emerald nung president pa siya, anak ng isang pulitiko. Bukod kasi sa makulit yan, lagi pa siyang violator sa school. Isip bata din yan pero matalino.

 

 

“ Kasama ko si Ate Janelle ko! Kala niyo naman sinusundan ko kayo.” Nakairap na sabi niya. Nang mawala na si Selina sa harapan namin, isinandig ko yung ulo ni Emerald sa balikat ko at hinalikan ito. Ang bango niya. Nakakaadik.

 

 

“ Naisip mo na ba kung ano yung magiging endearment natin?” tanong ko sa kanya and I saw how she shrug her shoulders. Alam ko kasing ayaw na niya ng masyadong kilala.

 

 

“ Gummybear?” tanong ko sakanya dahilan para masiko ako. Tatawa tawa naman siya. Tawa din naman ako ng tawa.

 

 

“ Kadiri ka naman! Ang panget” nakalabing sabi niya. Bakit ganun? Kapag ibang tao aang nagpopout sa harap ko, nagmumukha silang bibe. Pero bakit kung si Emerald ko, ang cute niya? Ang ganda niya? She looks like a goddess. Para siyang marijuana, naadik na ako sakanya. And I can’t help it, she’s so pretty, smart, kind… URGH! Lahat na yata! Those eyebrows na laging tumataas kapag naiinis na siya, yung ilong niyang iniukit yata ng isa sa mga kilalang iskultor, and those luscious lips… so tempting!

 

 

“ Mochababy!?” tanong ko pero mas lalo siyang natawa. Wala naman kasi akong maisip na unique eh.

 

 

“ Gusto ko ng endearment na unique hindi yung ganyan. Kadiri ka. Kalalaki mong tao pero napakacorny mo” tatawa tawa niyang sabi sakin.

 

 

“ Uhmmm? Buhay ko, short for buko? Pangarap ko, short for pako? Uhmmm, ano pa ba? Minamahal ko? Diyosa ng kagandahan?” pero naputol lahat ng endearment na sinasabi ko ng batukan niya ako.

 

 

“ Nakakainis naman yang pagkacorny mo.” Nakairap na niyang sabi.

 

 

“ Sorry po” sabi ko pero kiniliti ko lang siya. Tawa lang siya ng tawa. Ito yung mga moments na kahit wala akong pera, kahit parehas kaming salat sa buhay, kahit na hindi ako yung pangarap niyang lalaki  sa buhay, masaya pa rin kami. Napapatawa ko pa rin yung girlfriend in just my simple ways. Nakababa na kami sa eroplano. Kinawayan lang kami ni Selina. Lalakad na sana kami ni Emerald nung…

 

 

“ AAAHHH~!” sigaw niya at nakita ko na lang na napasubasob siya sa putikan. May putik dun kasi nga umulan siguro dito. Nakaputi pa naman siya nako!

 

 

“ HAHAHAHAHA!” alam kong may pagka-bad akong boyfriend kasi tinawanan ko pa yung girlfriend kong nasa putikan pero nakakatawa talaga eh. Ang ironic kasi kahit puno siya ng putik, maganda pa rin siya. Kahit nakakunot na yung noo niya. Tinulungan ko na siyang tumayo at pinagpagan ko siya. Inabutan naman ni Selina si Emerald ng jacket, para pantapal niya sa damit.

 

 

“ Heh! Letche ka! Tinawanan mo pa ako” sabi niya habang nakapout. Pinangigilan ko lang yung pisngi niya.

 

 

“ Alam niyo, total pupunta naman kami ni Ate Janelle sa resthouse,might as well na isabay na namin kayo kung saan kayo pupunta, okay lang?” tanong ni Selina at napanod na lang kami. Tahimik sa kotse. Nasa harap yung ate niya, si Janelle. Well,, compared to Selina, mas mature si Janelle at may pagkasophisticated.

 

 

“ Ano ba ang tipo mo sa isang lalaki, Emerald?” tanong ni Selina kay Emerald.

 

 

“ Yung taong magpapa-angat sakin sa hirap” sagot niya pero alam kong hindi ako yung tipo niya. Sino ba naman ako, diba? Mas mahirap pa yata kami sa daga eh! Dahil dun, natahimik na lang ako. Paano ba ako yayaman? Paano ko pagkakasyahin yung mga kinikita ko? Mga 4 na trabaho na kaya ako?

 

 

“ Aw? Eh pano si JC?” tanong ni Selina, pero napangiti ako sa sagot ni Emerald.

 

 

 OBVIOUSLY, HE’S NOT MY TYPE, BUT NOW, I’M DREAMING TO BE HIS WIFE”

 

 

 

I slowly open my eyes. Pero kahit pagbukas ko ng mata ko, hirap pa rin ako. Para akong nagmaratahon kasi hinihingal ako. Pinagpapawisan na ako at hindi ko alam kung nasaang lupalop na ba ako ng mundo. Basta ang alam ko, puro puti lahat ng nakikita ko. May bag ng dugo at IV fluids na nakakonekta sakin. Aw! I remember…I tried to kill myself.

 

 

“ JC!”nagulat ako sa sigaw ni Maxene. Punong puno ng pag-aalala yung mukha niya. Mukhang hindi pa siya natutulog.

“ N-nasaan si Emerald? Nakita niyo na ba yung asawa ko?”tanong ko sa kanya. Nakita ko namang lumambot yung expression niya. Napaupo siya sa isang couch sa gilid ko.

“ Patay na siya JC. Stop fooling yourself na buhay pa rin siya hanggang ngayon. Nailibing na siya kahapon. God! Sobrang nag-aalala si Chantal sayo! Buntis yung tao, pano kung makunan yon! Ano ba kasing pinag gagagawa mo!”sermon niya sakin. Right… nabuntis ko si Chantal, namatay yung asawa ko, I tried to kill myself, but I failed. Tumagilid na lang ako at hindi ko alam pero parang lawa yung mata ko. Tuloy tuloy yung pag-agos ng luha ko. Parang hindi tumitigil sa paglabas ng luha. Basang basa na yung mukha ko ng luha at pinipigilan ko ang sarili kong mapahikbi.

“ Bakit mo ko iniwan… Emerald?”

 

 

JUST WANNA THANK JOY AND MONICA FOR HELPING ME FOR THIS CHAPTER.

PLEASE CLICK THE EXTERNAL LINK FOR SELINA'S LOVESTORY.

CONTINUE VOTING AND COMMENTING

 

Continue Reading

You'll Also Like

357K 7.3K 46
"Dont fall for me Eliana. Coz i cant love you back."- THEO ALEXIS FEREZ
12.5K 392 48
Blurb "Sexsomnia is recognised as a rare sleep disorder in which a person engages in sexual activity during their sleep. In general they'll have no...
275K 13K 68
Started: December 14, 2020 Finished: February 1, 2021
738K 12.3K 44
After the death of his unrequited love, Trivor McCain is more aloof to his family. He always go out in the morning and return to home drunk next day...