Come Back Home

By adrian_blackx

174K 6.2K 1.3K

Paano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you w... More

CBH: Prologue
CBH: Chapter 1
CBH: Chapter 2
CBH: Chapter 3
CBH: Chapter 4
CBH: Chapter 5
CBH: Chapter 6
CBH: Chapter 7
CBH: Chapter 8
CBH: Chapter 9
CBH: Chapter 10
CBH: Chapter 11
CBH: Chapter 12
CBH: Chapter 13
CBH: Chapter 14
CBH: Chapter 15
CBH: Chapter 16
CBH: Chapter 17
CBH: Chapter 18
CBH: Chapter 20
CBH: Chapter 21
CBH: Chapter 22
CBH: Chapter 23
CBH: Chapter 24
CBH: Chapter 25
CBH BOOK 2: Chapter 1
CBH BOOK 2: Chapter 2
CBH BOOK 2: Chapter 3
CBH BOOK 2: Chapter 4
CBH BOOK 2: Chapter 5
CBH BOOK 2: Chapter 6
CBH BOOK 2: Chapter 7
CBH BOOK 2: Chapter 8
CBH 2: Chapter 9
CBH 2: Chapter 10
CBH 2: Chapter 11
CBH 2: Chapter 12 (end)
Hi guys

CBH: Chapter 19

4.2K 169 19
By adrian_blackx

GLAIZA'S POV

Flashback

"Nga pala Glaiza, may reunion kami ng mga kabatch namin ni Bianca. Ipapaalam ko lang sayo." 

"Ok.. Saan ba?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, basta ang sabi ni Bianca, sa isang resort daw." She said.

"Ahh, ok. Ano saan mo gustong mag dinner?" Tanong ko sa kanya, iuuwi na sana kami pero biglang nagutom ang bata, kaya ayun pinagbigyan ko na.

"JOLLIBEE!" Jusko! Fast food, hindi ako mahilig sa fast food eh.

"Jollibee talaga, pwede sa karinderya na lang o kaya kay Mang Ben na lang tayo" suggest ko sa kanya.

"A Y O K O. I want jollibee!" Pagdemand nito sa akin. Haizt, ano ba ang nakain ng babaeng to, pasalamat siya mahal ko siya eh.

"Ok, kung yun ang gusto. So sa Jollibee tayo" napangiti naman siya sa sinabi ko, grabe naman talaga, parang bata oh. 

Ilang sandali lang ay nakarating na nga kami sa Jollibee, hinahayaan ko na lang na siya ang mag order para sa amin dalawa, tutal siya naman ang nakaisip.

Medyo mahaba ang pila kaya sa tingin ko matatagalan pa siya.

"Glaiza is that you?" Anong ginagawa niya rito? Tagal na din ng hindi kami nagkita.

"Gabbi!" Tumayo ako agad at niyakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko tong babaeng to.

"Wow! Hindi ko akalain na ang isang Glaiza De Castro, kakain sa ganito. Wow ah! Hahaha! Nakakabilib!" 

"Wala eh. Girlfriend duty eh" I said,

"So naging kayo pa rin ni Sanya?" Tanong nito sa akin.

"No, no no.." Pagtanggi ko sa kanya.

"Hindi naging kami. Baka nakalimutan mo na pinaasa niya lang ako before" 

"Glaiza, minahal ka nung tao, maniwala ka sa akin. I know" sabi niya sa akin.

"Well it doesn't matter anymore, nakausap na kami ni Sanya about diyan at alam naman niya na may iba na akong mahal" sabi ko sa kanya,

"Hahaha. Akalain mo yun, may alam ka rin palang kilig sa katawan" 

"Oo nga eh. Hahaha" biglang naputol ang pag-uusap namin ng biglang inilapag ni Rhian yung mga pagkain sa lamesa.

"Oh. Btw, Gabbi, this is Rhian, my girlfriend and Rhian this is Gabby, college friend namin" pakilala ko sa kanila.

"Well nice to meet you Rhian" sabi ni Gabbi sabay abot ng kamay niya, pero hindi to tinaggap ni Rhian.

"Nice to meet you too" sagot ni Rhian sa kanya. Ang weird niya ngayon ah.

"Well Glaiza, I have to go. May usapan pa kasi kami ni Ruru. Do you remember him?"

"Oo naman. Hahaha. Sige ingat ka ah. Ikamusta mo na lang ako sa kanila" sabi ko.

"Sige, sasabihin ko, lalong lalo na kay Kylie. Hahaha" the f? Don't tell me hanggang ngayon crush pa rin ako ni Kylie, huwag naman sana. At sana hindi yun narinig ni Rhian.

Umalis na si Gabbi at kami na lang ni Rhian ang natira.

"Asan yung akin?" Tanong ko kay Rhian, habang sarap na sarap sa pagkain niya.

"Bakit hindi ba kayo nagshare nung Gabbi na yun?" What? Bakit naman kami magsshare.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Iritadong tanong ko sa kanya.

"Bakit hindi mo tanungin sarili mo! Bahala kang mag order ng pagkain mo!" 

"Nagseselos ka ba?" Tanong ko sa kanya,

"Hindi! Bakit naman ako magseselos dun. Tsaka hindi lang pala Gabbi ang meron ka, may Kylie ka rin pala. Sige doon ka na" hindi nga siya nagseselos. 

"Ewan ko sayo." Yun na lang ang nasabi ko, ayokong makipagtalo sa kanya.

"Mag order ka na lang ng pagkain mo" she said,

"Di na. Wala na akong gana. Kumain ka na lang diyan para maihatid na kita" 

Hindi ko na lang siya pinansin o kinausap man lang, naiinis ako.. Tipong gutom din ako, tapos hindi man lang ako inorderan kahit fries lang sana.. Tapos di man lang ako inalok. Kaasar.

Hinintay ko na lang siyang matapos at umalis na kami. Hindi ko pa rin siya kinikibo. Bahala siya sa buhay niya.

"Psst Glaiza." Hinayaan ko lang siya. Wala ako sa mood na kausapin siya.

"Sorry na." Tumango na lang ako sa sinabi niya.. Ayoko pa siyang kausapin.

"Glaiza sorry na kasi."

"Ok" cold na pagkasabi ko..,

"Ihinto mo!" Biglang utos nito sa akin.

"At bakit ko naman ihihinto? Wala pa nga tayo sa bahay niyo" Pagkontra ko sa sinabi niya.

"I said pull over!" Putcha. Inihinto ko na lang yung sasakyan, dahil baka magka WWIII pa rito.

"Ano happy?" Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito ng medyo nakakaloko.

"Very" agad niyang inalis ang seatbelt niya at bigla siyang pumatong sa akin.

"Rhian, ano bang ginagawa mo?!" Tanong ko sa kanya.

"Just shut up. And kiss me!" What? Kiss her?

"Rhian, will yo-" hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil bigla na niya akong hinalikan na ikinagulat ko. 

Dahan dahan ang bawat galaw ng labi niya sa labi ko. Parang sinasabi ng labi niya na sabayan ko ang bawat halik niya. Mas lalo pa niyang diniianan ang paghalik sa akin ng hindi ako nag rerespond sa mga halik niya. Pero mukhang malapit na akong madala dahil na rin sa init at sarap na binibigay niya sa akin. 

Buti na lang may bumisina sa bandang likod namin, kaya natapos na ang sweet torture na yun. Kaya agad na bumalik si Rhian sa upuan niya, at ako pinagpatuloy kong magdrive. Sa buong byahe namin hindi kami nagkibuan. Medyo gulat pa ako, at medyo nagtatampo pa ako sa kanya.

"Sige na. Andito na tayo sa bahay niyo" Sabi ko sa kanya.

"Glaiza, about kanina, I'm really sorry. Alam ko kasing nagtatampo ka, at hindi ko alam kung paano ba kita susuyuin" 

"Rhian look. Oo aaminin ko, nagtatampo ako. Syempre gutom at pagod din ako. Tapos pagseselosan mo pa si Gabbi. Gabbi is just my friend, at naiintindihan ko naman. I find it sweet naman, but you have to trust me. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Aaminin ko naman na minahal ko si Sanya before, pero Rhian mas malakas ang pagmamahal ko sayo kaysa sa kanya. Ikaw lang ang minahal ko ng sobra sobra. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin. At yung nangyari kanina, hindi mo kailangan gawin yun para maging ok tayo. Masyado pang maaga para sa mga ganung bagay.. At pakiramdam ko, hindi ka pa kaready, at pati ako, hindi pa tayo ready sa mga ganung bagay. Makakapaghintay yun Rhian. Ang gusto ko lang ienjoy ang bawat sandali ko na kasama kita. Mahal na mahal kita Rhian, tandaan mo yan" 

"I'm sorry talaga Glaiza. And salamat sa pagmamahal na binibigay mo sa akin." Rhian said.

"Mahal kita at yun ang importante" Sagot ko sa kanya. Ayoko siyang nakikitang nalulungkot o ano.

"Mahal din kita Glaiza, at yun ang importante" Agad ko naman siyang hinalikan sa noo niya. I really love this woman. Lahat gagawin ko para sa kanya.

"Sige na pasok ka na. Baka hinahanap ka na ni Tito" sabi ko sa kanya,

"Ok po ma'am" she said.

"Huwag kang malalate bukas ah!" Paalala ko sa kanya.

"Basta huwag mo kong late na sunduin. Hahaha" ay oo nga pala, hatid sundo ko siya. Wala eh, mahal ko eh.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Rhian, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Nakatakip yung dalawa kong mata. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin,. Sinundo niya ako dito sa office. Kanina pa siya nag ddrive pero hindi pa rin kami nakakarating kung saan man kami pupunta.

"Basta chill ka lang diyan.." Sabi nito sa akin. Jusko talaga parang kinakabahan ako na ewan.

"Ok. Dapat buhay pa ako eh." Pagbibiro ko sa kanya, medyo kinakabahan kasi ako, kaya nagbiro na lang ako.

"Hahaha. Ewan ko sayo" hindi ko pa rin talaga alam kung saan ako dadalhin ng babaeng to, medyo natatakot nga ako eh. Baka hilayin ako nito ng di oras. 

Ilang saglit lang ay nakarating na kami kung saan man ako pinunta ni Rhian.

"Alisin mo na tong panyo sa mata ko" I said. Pero parang ayaw ata eh.

"Mamaya na kasi. Wala pa tayo doon" sabi naman niya..

Naramdaman ko na medyo malamig sa loob at parang maliwanag. Sinakay niya ako sa elevator at kung hindi ako nagkakamali, pataas yun.. 

Narinig ko na bumukas na yung pinto ng elevator, pagkalabas namin, ginuide niya ako sa paglalakad hanggang sa may binukas ulit siya na pintuan. Naramdaman ko ang simoy ng hangin galing sa labas at kung hindi ako nagkakamali, nasa rooftop kami ngayon.

Inalalayan lang ako ni Rhian hanggang sa bigla tong huminto.

"Siguro naman pwede ng alisin to?" Tanong ko sa kanya.

"Opo. Pero ako ang mag-aalis" hinayaan ko na lang siya sa gusto niya at siya na nag-alis ng panyo sa mata ko.

Pagkaalis niya ng panyo sa mata ko. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa ako. Paano naman kasi, may pablindfold pang nalalaman, may pasundo sundo pang nalalaman, pero sa rooftop lang pala ng company namin niya ako dinala. 

Pero napansin ko na nagset siya ng simpleng dinner, napansin ko kasi na may bulaklak, may pagkain at mga kandila na nakapaligid sa amin.

"Ok, I forgive you sa kalokohan mo. Dinala mo lang pala ako sa sarili kong company. Nag joyride pa tayo. Lakas talaga ng trip mo eh nuh. Hahaha. Pero seriously, thank you so much Rhian.." Sabi ko sa kanya.

"It's ok, actually kulang pa to sa kasalanan ko sayo nung isang gabi. Alam kong pagod ka, tapos gutom ka, tapos naging selfish pa ako dahil sa selos ko" she said.

"So inaamin mo na nagseselos ka? Hahaha." Pang-asar ko sa kanya.

"Ewan ko sayo. Panira ka talaga ng moment eh. Ang drama drama ko rito tapos babasagin mo. Kumain na nga lang tayo, bwisit to" 

"Uy joke lang haha" para mawala ang tampo ng bata, niyakap ko to ng mahigpit.

"I love you, I love you, I love you, I love you, I love you" paulit ulit kong sabi sa kanya. Naramdaman ko naman yung pagtawa niya.

"Ikaw talaga. I love you too. Ayokong sabihin na I love you more, kasi parang nakikipagkompetensiya ako sa pagmamahal mo.. Basta mahal kita. Mahal na mahal na mahal na mahal kita," awww, so sweet naman this girl. May sakit ata to eh. Hahaha. 

"Ok po. So kain na tayo. Gutom na ako eh. Ano ba ang ipapakain mo sa akin" tanong ko sa kanya.

"You'll see" she said..

Pagkaalis niya ng takip medyo natawa ako, jusko. Talagang chicken joy ah. Grabe lang.

"Chicken Joy? Seriously?" I asked her.

"Yup. Tsaka hindi kita nabigyan nung isang gabi eh. And ang sarap kaya nito." 

"I know. Natatawa lang ako. Osige, lantakan na natin to!" 

"Game!" 

Dahil sa manok ang kakainin namin, kumain na lang kami ng nakakamay,. Pareho lang talaga kami ni Rhian, simple lang. Nagtawanan lang kami hanggang sa matapos kaming kumain. Ang cute niyang tignan, para siyang bata. Para siyang baby, my sweet baby. 

"Hep hep hep!" Pagpipigil sa akin ni Rhian, tatayo na kasi sana ako para ayusin tong pinagkainan namin. 

"Why?" I asked.

"Di pa tayo tapos. May binili ako dito. Apat na bote lang ng beer. Magchill naman tayo. Kasi sabi nga nila, basta may alak may balak" mga kalokohan talaga ni Rhian.

"Mga kalokohan mo ah. Hahaha. Sige halika na at tirahin na kita. Este tirahin na natin yung beer" pati tuloy ako nahahawa na sa lokohan ng babaeng to.

"Hahaha. You're so cute" she said.

"I know" sagot ko sa kanya.

Hindi ko napansin na may hinanda pala siyang banig, at andun yung pulutan namin, tsaka yung beer na sinasabi ni Rhian. Medyo matagal na din since uminom ako ng beer. Buti na lang talaga naisipan niyang mag chiil.

Nakaupo na ako sa banig at hinihintay ko na lang yung beer na naka can, si Rhian na raw ang magbubukas. Sweet talaga oh. Talagang pinagsisilbihan ako..

"Alam mo, pwede ka ng mag-asawa, pakasalan na kaya kita" sabi ko sa kanya ng inabot niya sa akin yung beer.

"Bakit nagpropose ka na ba sa akin?"

"Oo" sabi ko.

"Kailan?" Tanong naman niya.

"Noong ano. Dun sa coffee shop, kinatahan pa nga kita eh"

"Hindi counted yun! Tsaka for real na to nuh. For keeps!" She said.

"Ang pabebe mo naman sa akin ka rin naman babagsak" pabulong kong sabi.

"Ano sabi mo De Castro?" 

"Wala, ang sabi ko,iinumin ko na to" pagkainom ko nung beer, nagtataka ako kung bakit matamis, hindi kaya flavored beer to?

Pero pagkatingin ko dun sa can, ay putcha, root beer lang pala!

"Rhi! Akala ko ba beer to?!" Tanong ko sa kanya,

"Beer nga yan. Root beer! Hahaha. Tsaka hindi ka pwedeng uminom, ipagddrive mo pa ako."

"Yang mga kalokohan mo Rhian ah. Hahaha. Pasalamat ka mahal kita, kung hindi ihuhulog kita diyan" sabi ko.

"Sus! Sasaluhin mo rin naman ako eh" 

"Ang tanong sasaluhin ba kita?" Sabayan ko na lang trip niya sa buhay.

"Oo naman!" Proud na proud.

"At bakit mo naman nasabi"

"Kasi nga you love me at hindi mo ko kayang iwan." Kaya naman pala ang lakas ng loob eh.

"Oo mahal kita, mahal na mahal. Kaya ikaw huwag kang mawawala sa akin ah. Kasi hindi ko kakayanin. Ikaw lang ang mahal ko. Tandaan mo yan. Siguro hindi ko naipaparamdam sayo lagi, pero lagi mong tandaan mahal na mahal kita Rhian. For keeps tayo ah."

"For keeps. I love you Glaiza"

----

AN:

Sorry medyo nalate update ako ngayon. Hahaha.

By the way, sana suportahan niyo rin yung SECOND CHANCE OF LOVE, kakapublish ko lang nun nung isang araw. Tapos ko na yung chapter 1 at kapag maganda yung feedback ng chapter 1, iuupdate ko agad yung chapter 2. Tsaka may trivia ako dun about sa akin guys. Hahaha.

Don't forget to vote. :)

-A.B.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 47.2K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
403K 14.5K 53
"what will i do para makabawi ako sayo?"...malumanay kong sambit sa kanya. "be my bride . . . . . . . . . . . my substitute bride" . Isang kasunduan...
152K 5.4K 40
Falling in love is not rational.
1.9M 58.6K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****