MOMENTUM (Book I of Momentum...

Da nikkisushi

79.8K 1.8K 186

Selene Charity Martin, a high school student, was forced to be a detective to seeks vengeance about her mothe... Altro

Chapter 1: Attempted
Chapter 2: Danger Zone
Chapter 3: Case Closed
Chapter 4: The Annoying Newbie
Chapter 5: A Mysterious Shadow and The Detectives
Chapter 6: Logics and Prizes
Chapter 7: A Drug Case (Meeting Florence Albert and the Identical Twins)
Chapter 8: Missing Files
Chapter 9: Halloween Party
Chapter 11: Captivated
Chapter 12: Quarantine
Chapter 13: Quarantine 2
Chapter 14: Idiosyncratic Welcome
Chapter 15: Her Impenetrable Father
Chapter 16: Who's the Culprit?
Chapter 17: Classified
Chapter 18: A Puzzle Piece
Chapter 19: The Visitors
Chapter 20: Home
Special Chapter: His Not So Good Adventures
Chapter 21: His Twin and a Commotions
Chapter 22: Threatened
Chapter 23: Creepy House
Chapter 24: Her Old House and Memories
Chapter 25: Kris Johnson
Chapter 26: The Exchange Student
Chapter 27: Calculated
Chapter 28: Gettin' Involve
Chapter 29: Who Will Be My Date?
Chapter 30: Identity
Chapter 31: Knowing Tan and A Bit Of Dance
Chapter 32: Behind the Camera
Chapter 33: Lost Memories and the House
Chapter 34: A Glimpse of Voldemort
Chapter 35: Kidnapped
Chapter 36: Chasing the Game
Chapter 37: Big Shots
Chapter 38: Confusions
Chapter 39: The Man Behind and The Bullet
Chapter 40: Getting Normal
Chapter 41: Seeking Answers
Chapter 42: Reality Slaps
Chapter 43: Hidden Memory
Chapter 44: Closer
Chapter 45: Into the Beginning
NOTE
MOMENTUM (Book 1): The Spin-off
Momentum Book I Spin Off: The Characters

Chapter 10: Unknown Number

1.5K 31 3
Da nikkisushi

***

Chapter 10: Unknown Number

Hindi ko alam kung anong oras na kami nakauwi kagabi ni Min, basta pagkatapos ng party umuwi na agad kami. Hindi na niya ako nahatid kasi ayaw ko rin. Siyempre mas malayo pa ang kanila kasi sa kabilang subdivision pa yun. 

Bale 2 streets ang madadaanan niya bago sa subdivision nila. Since gabi na rin gusto niya raw ako ihatid kasi marami raw ang gala-gala na mga masasamang tao sa paligid.

Ang naging sagot ko naman eh bakit ba siya matatakot eh ipapasundo naman ako ni Kuya pagsobrang gabi na talaga ako makakauwi. Kaya yun sumakay na siya ng pedicab papasok sa kanila. Di ko nga alam eh kung bakit ganon na lang siya kaconcern sa akin eh dati naman siya ang umaaway sa akin. We're Grade 7 noon at pareho kaming transferee.

"Alright! Kindly introduce yourselves here in front, transferees." sabi ng matandang babae na may malaking eye glasses na ewan ko ba kung eye glasses nga ba ito o magnifying glass sa sobrang laki.

Nagsilapit na kami sa harap. 

Isa-isa kaming nagpakilala hanggang sa umabot sa akin.

Napatingin naman ako sa lahat at habang nagpakilala ako ay nahagip ng paningin ko ang isang lalaking nakaheadphone na nasa right side ko.

"Good morning. Ako nga pala si Selene Charity Martin. 12 years old at nakatira sa Block 4 Bulon Street. At nanggaling ako sa St. Claire Elementary School."

Pinagmasdan nila akong lahat at maging ang lalaking nasa right side ay napatingin sa akin. Some of them are whispering.

"Galing pala siya sa St. Claire Elementary School?"

"Ang laki pa naman ng school na yan. All girls pa."

"Siguro mayaman siya."

How I really hate like what they are doing now.

Nakakabingi. Nakakahiya. 

Parang galing sa napakasikat talaga ang pinag-uusapan nila. Well, I admitted that St. Claire is the biggest elementary school here in our City. Just for girls. Habang St. Tomas naman sa all boys. Magkatabi lang silang dalawa since magkakambal na paaralan ang dalawa.

Sumunod naman na nagpakilala ang lalaking nakaheadphone. Tinanggal niya ang headphone at seryosong nakatingin sa lahat.

"I am Min Lopez. 13 years old from Block Aurora Street, and I studied at St. Tomas All Boys Elementary School."

Bigla naman akong napatingin sa kanya. Taga-St. Tomas pala siya? Bakit di siya familiar? Mmmm. Well, siguro nga kasi sa sobrang laki ng school di mo na maaalala ang mga kapwa estudyante mo. 

Pagkatapos naming magpakilala nagsiupo na kami sa mga bakanteng upuan. I am supposed to sit at the only chair na nasa pinakadulo but that guy Min stole it from me kaya di ko na lang siya pinagsabihan. Tsk. Pasaway.

1 week past at wala pa ring pinagbago. 

Still I found him serious, strict and mysterious. Hanggang isang araw habang kumakain ako ng burger at naglalakad sa hallway pabalik ng room ay bigla kaming nagkabanggaan ni Min. 

"S-Sorry!" usad ko sabay yuko ng dalawang segundo bago muling tumingin sa kanya.

He stared on me for a minute na para bang ini-examine bago ito nagsalita.

"I hate accepting such apology Miss." usad nito at tumalikod. Napanganga pa ako sa kanya hanggang sa tinitigan ito papuntang canteen.

Nakakainis siya.

Napangiti na lang ako habang iniisip yun. That was before and it takes 1 year hanggang sa naging close kami.

6:40

It is Friday. 2 days before our semi-final examination and I only have 3 days left to stay here in Philippines since after the examination we will be having our flights. I have 1 week to stay in Germany with Kuya and Dad. I didn't even think on looking forward to see him since almost 6 years siyang hindi namin kasama.

I was 11 when he left. 

And I was 10 when Mom died. Ano kaya ang magiging reaksiyon ko kung magkita kami? Argh! This is so shit!

Napalingon ako kay Kuya na kakababa lang ng hagdan wearing his School Uniform. Ang ganda talaga ng uniform nila. Kulay white sleeve sa loob then brown American suit sa panglabas, habang kulay black ang necktie and black ang pants. That was for Song University, their School.

Sa amin naman, for girls kulay white 3/4 na damit na may logo ng Haneul High sa left side, may neck tie na kulay black with white background. The 3/4 polo was inserted thru our skirt na kulay black at knee sock na white with black shoes. Habang sa lalaki ay kulay white na sleeve with black neck tie na may white background with black American suit na may logo sa left side at black na pants with black tic toe shoe.

"Hey! Sabay tayong sasakay." turan nito.

Himala atang sasabay siya eh nagmomotor lang ito papuntang School nila. Mas malapit ang school namin kaysa kanila. It takes almost 30 minutes to reach their school if there is no traffic. 

"Himala ata Kuya?" he lean towards me and patted my head.

"Since next week na tayo aalis, it is better na sabay lang tayo na aalis papunta sa mga school natin." usad nito at umupo na sa upuan.

I stared on him seriously. If Dad was full of secrets, Kuya was mysterious.

6:50 am

Pagdating ko sa room tumambad kaagad sa akin sina Gyeong at Duri na nag-uusap. Hmmm, himala atang nagkakasundo na silang dalawa. 

Tila napansin naman ako ni Gyeong at tumigil ito sa pag-uusap kay Duri at agad na lumapit sa akin.

"Hey Selene." pambati nito.

I smiled to her at tumingin kay Duri but he was staring on Shin. Our President here in room.

Mmmm. Yet he is explainable. For temporary, I think. Maybe he is into her or he found something interesting. Tsk. Bahala sila sa mga buhay nila.

Dalawa lang naman ang pagpipilian, sa lahat ng bagay, sa lahat ng panahon. Whether you will be curious on something or not.

"Nag-study ka na for next week examination?"

Napalingon ako kay Gyeong na naghihintay sa sagot ko.

"Oh, sorry. Yeah, nag-advance study ako Gyeong, ikaw?"

"Of course!" pagmamayabang nitong sabi.

Tinawanan ko na lang siya. She was never failed on making me laughed. And I don't want to lose her as my friend.

Umupo na lang ako sa upuan ko at nagsimulang magbasa ng libro ni J.K Rowling, of course Harry Potter. Hindi ko pa kasi natatapos ang Half Blood Prince. Severus Snape was the Half Blood Prince.

7:15 am

Hindi ko nakitang pumasok ngayon si Min. Kung wala siya ngayon, it was his first time na umabsent since it is our review day para sa exam next week. Hmmm. I remember when we are in Grade 9, sabay kaming nag-study sa loob ng detention non since nalate kami sa pagpasok sa subject ni Maam Willmae. 

Almost 2 hours din kami doon kaya naisipan naming mag-study na lang sa loob. I smiled.

Pero napatigil ako sa pag-iisip nang nakita ko si Min na nasa may pinto na. Hinihingal at puno ng pawis ang mukha nito. Maging ang mga kaklase namin ay nagtataka at gulat na nakatingin sa kanya.

Saan kaya ito galing?

Bigla naman akong nangisay nang lumakad ito papunta sa akin.

Fudge.

Bakit kasi ganito na lang ang reaksiyon ko? Umupo ito sa tabi ko at pinunasan ang pawis na pawis nitong mukha.

"Anong nangyari?"

Bumuntong hininga ito bago nagsalita.

"I just e-encountered a dog." utal-utal nitong bigkas habang hinahabol pa rin ang hininga.

Napatikhim ako bigla. 

"Pfft! Hahaha! Pffft! Takot ka pala sa aso Min? Hahaha."

Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa. Ngayon ko lang napagtanto, sobrang seryoso at tapang niya sa mga kaso pero aso lang pala ang katapat. Hahaha.

Hindi talaga ako makapaniwala. He is scary on his different ways pero takot pala siya sa aso? Gosh. Kung ganon na lang eh may panglaban na ako sa kanya pag may gagawin siyang masama sa akin o atraso. Hahaha.

Bigla na lang akong napatigil sa pagtawa nang napansin kong napakunot noo ito.

"Ano?" turan ko.

"You're laughing!" sagot naman nito na seryosong-seryoso ang mukha at mukhang namumula pa sa galit.

"Hahaha! Pffft."

Hindi na ako makapagsalita ng maayos since nakakatawa talaga siya.

"Tsk."

Narinig kong daing nito at ipinatong na ang ulo sa arm chair.

"Sungit. Katuwaan lang eh, tsk." usad ko at ipinagpatuloy na lang ang pagbabasa.

Saturday

Dahil alam ni Kuya na examination namin ngayong lunes, pinatay pa naman niya ang connection ng wifi sa kwarto at sala. Pati ang mga tapes ko ng mga anime, manga at detective conan ay itinago niya muna.

Sabi niya sa akin, whole day raw akong mag-aaral ngayon para ma-perfect ko ang exam. Kasi bukas free na free akong maggala o ano pa ba. 

Siyempre raw ayos na ang 1 day na mag-aral kesa naman ibuhos ko talaga ang sarili ko sa pag-aaral baka raw mabaliw na ako. Aish! Kuya is really crazy!

Ring.
Ring.
Ring.

Napalingon ako sa cellphone ko na nagriring. Inilatag ko muna ang libro at reviewer sa kama at agad na binuksan ang cellphone.

Unknown number?

From: 0929*****

Hi

Sino naman kaya ito at napatext sa akin?

Di ko na lang pinansin at kinuha ang libro pero bago ko pa lang ito nahawakan ay biglang nagring ulit ang cellphone ko. Agad kong kinuha ang cellphone at yung unknown number na naman ang nagtext.

From: 0929*****

Hi

Hi

Hi

Hi

Hi

Baliw na ba ito? Mmmm. Mareplayan nga.

To: 0929*****

Hoy! Sino ka ba? Wag mo nga akong kulitin sa mga text mo. Nakakainis ka na.

Inilagay ko muna ang cellphone sa kama at nagpatuloy na sa pagbabasa. 

20 minutes na ang nakalipas wala pa ring reply kaya di ko na lang inisip kung sino ang nagtext sa akin. Sadyang wala lang talaga siyang magawa sa buhay. Hi ng hi tapos kung rereplayan kung sino siya di naman magrereply. Tsk. Mga tao talaga. Di naman Crazy Day ngayon ah? Di rin naman April Fools. Magsesembreak pa lang.

"Charity! Bumaba ka na diyan, kakain na tayo."

Itiniklop ko na ang libro at agad na tumayo. Lumingon ako muli sa cellphone pero parang wala talaga siyang balak magreply kung sino siya kaya lumabas na ako sa kwarto.

"Kumusta ang pag-aaral?"

"Ayos lang. Just a piece of cake." turan ko kaya napatawa naman si Kuya sabay pat sa ulo ko.

"You have that spirit like Mom." usad nito. Nginitian ko na lang si Kuya at nagpatuloy sa pagkain.

Pero nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya habang ngumunguya ito.

I was 10 nang pinatay si Mama at 14 si Kuya. And I was in front nung inilagay na si Mommy sa kwarto niyang nakahandusay. At hanggang ngayon, di ko pa rin masyadong naaaninag ang pangyayaring yun. 

2:30 am

Just call my name, and I'll be there

Yeah, I'll be there baby

You know I'll be there

Just call my name and I'll be there

Just look over your shoulder!

Just call my name and I'll be there

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.

"Sino na naman kaya ito at alas dos ng umaga pa nagtext?"

Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang message.

From: 0929*****

Hi. Keep safe^_^

Huh? Yung unknown number na naman? Mareplayan nga. Wait lang, baka di na naman ito magrereply. Bahala na nga.

To: 0929*****

Sino ka ba?

Ring.
Ring.
Ring.

From: 0929*****

Hi! Keep safe^_^

Fudge! Pinapainit niya talaga ang ulo ko. Ano bang trip nito? Idedelete ko na sana ang numero pero baka isa lang to sa mga classmates ko. Naku, kapag nalaman ko lang talaga kung isa sa kanila, masasapak ko talaga.


Sunday

I woke up early in the morning since sabay kaming magsisimba ni Kuya. Nasa Street nila Min ang simbahan kaya makikita ko doon ang mokong.

"Charity ibalot mo na ang spaghetti para makapunta na tayo kina Min."

Pupunta nga pala kami kina Min kasi sabay kaming pupunta sa simbahan since simula nong Grade 8 ako ay naging malapit kami ni Min at ng pamilya niya. 

But I didn't saw his brother. May kapatid raw siya. At yan ang hindi ko pa nakikita. Kahit siya ayaw niyang sabihin sa akin kung sino ang kapatid niya. Min has full of secrets like Kuya, he is impenetrable.

Mahigit 20 minutes rin ang biyahe namin bago nakapunta sa bahay nila Min.

Pagdating namin, nasa gate na siya naghihintay kasama ang Mommy niyang si Tita Yuri at ang Daddy niyang si Tito Sean.

I smiled to them as well as Kuya. Ginantihan naman nila kami ng ngiti bago pumasok sa kotse. Nasa harapan si Tita at Tito habang magkatabi kami ni Min sa likod.

"Hey Boo. Nagstudy ka na? Bukas na ang exam."

Napalingon ako kay Min na seryosong nakatingin sa akin.

"Yeah, a bit. Nakakapagod rin magstudy. Ikaw? Sigurado naman akong di ka na nagstudy kasi may photographic memory ka na." usad ko at pinipigilan lang na tumawa.

He patted my head. Bakit ba ang hilig magpat ng ulo nito?

"Boo. Yes, I have a photographic memory, but I still need to study." sagot nito at isinuot na ang headphone.

Pinagmasdan ko ang kabuuang Min at napangiti na lang. But I was rattled nang lumingon ito sa akin ng biglaan kaya napaiwas ako ng di oras.

Gosh. He was that really too fast!

Pagkatapos naming magsimba ay kumain kami sa Mall.

I was in the vacant sit nang natapos na akong kumain nang naisipan kong puntahan si Min. Maybe he might know about the unknown number.

Kinalabit ko ang balikat niya at lumingon ito sa akin ng nagtataka.

"Yes Boo?"

Kinuha ko ang cellphone at ipinabasa sa kanya ang mga text ng unknown number sa akin.

"May alam ka ba sa numerong ito?"

Pinagmasdan niya ng mabuti ang cellphone ko at ilang sandali pa ay napakunot noo ito.

"Wala eh. Hala baka admirer mo na yan." usad nito sabay tawa.

Pinigilan ko na lang ang sarili ko na sapakin siya. Di matinong kausap ito. Tsk.

Lumayo na ako sa kanya nang nagsalita ito.

"I-delete mo na yan at magchange ka na lang ng sim para di na siya makatext uli."

It's 11:30 in the evening nang naalimpungutan ako sa tunog ng cellphone ko. Yung unknown number na naman I swear. Tsk.

Pero pagbukas ko ng inbox, it is Min not the unknown.

Mmmm.

Himala atang napatext siya.

From: 0936*****

Boo, nadelete muna? Kung hindi mo pa nadelete gawin mo ngayon, it might be a threat.

Kanina wala siyang pakialam. Nakakapanibago talaga siya paminsan-minsan.   

Sino ka bang unknown number ka? 

I decided to delete the number gaya ng sabi ni Min pero di ko magawang baliin o baguhin ang sim agad-agad lalo at marami akong contacts dito sa dati kong classmates sa St. Claire. Tsk.

That unknown texter is really crazy and annoying.

***

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

944 56 24
A normal day turned into a day full of chaos. The dead rose and walked earth. A highschool student, Leon Pineda, travels through the streets and high...
41.6K 4.3K 39
Si Keith Anthony Gibson, 17-anyos, ulila sa magulang, mahilig magbasa ng mga out of this world na libro o articles at ibang bagay na may mga scientif...
3.5M 50.1K 53
Adrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's until he woke up one night inside a comp...
18.9K 406 24
A group of Seven Students who has the same interest in the world of mystery. At first they'll see each other as a competencies but little did they kn...