Faded Memories (Complete)

By AaliyahLeeXXI

275K 5.3K 67

Faded Memories (Revised) Let's join Gabriel and Abby on their journey from the present, past and their future... More

Faded Memories
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
***Finale***
***Epilogue***
~♥✿ Special Chapter 1 ✿♥~

Chapter 38

3.8K 84 0
By AaliyahLeeXXI

I was monitoring Abby and Hash through the hidden cameras inside the other house na ikinabit namin ni Gomer kaninang nasa art school si Abby. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakatayo na si Hash kanina all by herself. Napapangiti talaga ako tuwing naaalala ko iyon.

At ngayong gabi nga ay nakatitig lang ako sa kanila dito sa screen ng laptop ko. I was waiting for Abby to fall asleep para makalipat ako doon. I want to see them and I want to be with Abby kahit na tulog siya.

After a while ay nakita kong tulog na si Abby matapos niyang patulugin si Hash sa crib. Gomer told me that he bought it dahil alam daw niya kung gaano kahimbing at kalikot matulog si Abby kaya hindi pwedeng itabi si Hash sa kanya sa kama dahil baka madisgrasya lang si Hash.

Mabilis akong lumabas ng bahay at umakyat sa may terrace ng kwarto nila at doon sa bintana pumasok. Binigyan naman ako ng duplicate key ni Gomz sa main door pero mas mabilis pumasok sa bintana. Sobrang sabik na sabik na akong makita at mahawakan ulit ang asawa ko.

Nang makapasok na ako ay tinitigan ko lang muna mula sa malayo si Abby habang mahimbing na natutulog. Kung hindi lang sana ako gago ay magkatabi sana kaming nakahiga ngayon na natutulog at walang malaking problema. I moved closer to the bed and gently caressed her face.

"Sorry, honey. I promised not to make you cry pero paulit-ulit pa rin kitang nasasaktan at napapaiyak. Pakiramdam ko ay napakawalang kwenta kong asawa dahil doon. Pero mahal na mahal kita, Abby, at hindi kita kayang pakawalan tulad ng hiling mo sa akin. That's why I'll prove my worth to you. Babantayan ko kayo at aalagaan ng palihim hanggang sa mawala na ang lahat ng sakit sa puso mo at magawa mo nang patawarin ako."

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at idinampi ang mga labi ko sa mga labi niya. Matagal. I was savoring the feeling and the taste of her lips na mahigit isang linggo ko rin kinasabikan. Huminto lang ako nang marinig ko ang pag-ingit ni Hash sa crib. Inilayo ko ang mukha ko kay Abby at lumapit sa crib.

Napangiti ako. Naglalaro na naman ang prinsesa ko. Nakaupo na siya at nilalaro ang isang baby toy niya. "Hi, Hash," I said softly.

She giggled and reached out her hand to me. "Baba!"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang sumigaw. "Sssssssh... Quiet ka lang, baby girl, at baka magising si Mama," halos pabulong na sabi ko bago siya kinuha sa crib at kinarga. "Ikaw talaga, gising ka na naman at naglalaro. It's almost midnight oh. Di ka lalaki niyan eh. Gusto mo bang mabansot like your Tita Misty?"

She cooed while staring wide-eyed at me as if she was answering me.

"Yes, di ka lalaki kapag puyat ka nang puyat kaya sleep ka na, okay?" I kissed her forehead bago siya isinayaw-sayaw while humming her favorite song hanggang sa makatulog. Ibinalik ko siya sa crib.

Binantayan ko lang sila sa magdamag na iyon. Big advantage talaga ang sobrang himbing na pagtulog ni Abby sa naisip naming set up ni Gomer. It was past 4AM when I left them. Usually kasi ay nagigising na si Abby by 5AM to pee in the bathroom.

******

"Gomz, thank you nga pala sa pagliligpit mo ng toys ni Hash last night," sabi ko habang kumakain kami ng breakfast.

Napatigil siya sa pagsubo ng pagkain at kumunot ang noo. "Ano'ng toys? Wala naman akong nililigpit."

"So hindi ka pumasok sa room namin kagabi habang natutulog kami?"

"Hindi, bakit?"

"Ang weird naman. Iyong pinagbabato ni Hash na toys niya last night na plano kong ayusin this morning dahil antok na antok na ako kagabi eh nakaligpit na no'ng nagising ako."

He hissed under his breath na parang may sinasabi siya pero hindi ko naman naintindihan. "Iyon pala. Oo, sinilip ko kasi kayo last night at nakita kong nakakalat iyong mga laruan kaya inayos ko."

Napangiti ako. "Thank you ha."

Napatigil kami sa pagkain nang marinig namin ang pag-iyak ni Hash. Pumasok dito sa dinning area si Mariz karga si Hash. Tumayo na muna ako at kinuha siya.

"What happened to my little princess? Why are you crying?"

Iyak lang siya nang iyak at nagwawala sa mga braso ko.

"Sssssh... Stop crying na. Ano ba'ng problem ng baby ko? Naistorbo ba ang sleep mo? Masakit na naman ba ang gums ng baby ko na iyan?"

"Baby Hash, wag ka na iyak. Sige, bibili tayo ng candies later, 'yong maraming-marami," sabi ni Gomz.

Binatukan ko siya. "Sira, sa tingin mo mauuto mo siya sa candies? Ano'ng tingin mo sa anak ko? Malaking bata na?"

"Ssssh... Tahan na kasi, Hash. I can show you the world. Shining, shimmering, splendid."

Lalo pang nagwala si Hash kaya napanguso si Gomer habang naka-poker face. Tawa ako nang tawa sa reaction niya. "Ayaw sa iyo. Ang pangit daw kasi ng boses mo."

"Ang arte niyang anak mo ha! Manang-mana sa ama niya! Ang choosy! Makauwi muna nga sa Pilipinas at magpapasapi lang ako kay Gabriel. Kailangan ko yata ng super powers ng asawa mo eh."

Napabuntong-hininga na lang ako. Ibinigay ko muna si Hash sa kanya. I took a very small ice cube at ibinalot iyon sa isang bib at ipinakagat-kagat kay Hash kaya lang tumigil sa pag-iyak. Pinatingnan ko na siya sa pedia the other day. She was teething kaya nga daw madalas umiiyak at nahihirapang matulog especially when her gums were swelling.

******

"Baba!" umiiyak na sabi ng anak ko habang nakaupo ako dito sa kama nila ng mama niya at iniupo ko naman siya sa kandungan ko. Kaaalis lang ni Abby kaya ngayon lang ako nakalipat dito.

"Sssssh... Tahan na, 'nak. What do you want ba, little princess?" I caressed her cheek with my thumb.

"Kanina pa siya iyak nang iyak during breakfast," Gomer said. "Lumalabas na daw kasi yung ngipin niya sa ibaba sabi ni Abby kaya ganyan."

"Baba!" nakatingin na sabi niya habang umiiyak na para bang nagsusumbong sa akin. Namumula na rin ang ilong niya which reminds me of her mom kapag umiiyak.

"Bantayan mo muna, Gomz." Nagpunta ako sa bathroom nila para maghugas ng kamay. Dati ay effective kapag minamasahe ko ng mga daliri ang gums niya. Bumalik ako sa loob ng bedroom. "I hope this will still work." Lumapit ako kay Hash. I rubbed my fingers on her swelling gums. Nasasalat ko na rin ang sobrang liit na ngipin na tumutubo doon.

Sinabayan ko ng pagkanta ang ginagawa ko. Ilang saglit pa ay tumahan na siya at unti-unting pumipikit ang mga mata. Just like before, humiga ako sa kama at idinapa ko siya sa katawan ko kaya nakatulog siya ng mahimbing.

Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako. Nagising lang ako nang yugyugin ako ni Gomer sa balikat.

"Dude, sorry to wake you up. I know it's not yet time pero masyadong worried si Abby kay Hash. She called me. Di na raw niya tatapusin iyong klase niya. She's on her way home already."

I sighed deeply bago marahang inilapag sa kama si Hash na tulog na tulog pa rin. I noticed something strange in her. Hinawakan ko ang mga braso niya saka ang noo. Napatingin ako kay Gomer.

"What?" he asked inquiringly.

"She's hot, dude."

Sinalat na rin niya ang noo ni Hash. "Lagya, magkakasakit pa yata. Dude, bumalik ka na sa kabila. Malapit lang ang school ni Abby, anytime ay nandito na iyon."

Tinititigan ko ang anak ko at hinaplos-haplos ang buhok niya. Parang hindi ko kayang iwanan siya lalo at ganito ang kalagayan niya. I kissed her forehead. "Don't get sick, little princess, okay?" I whispered bago tumayo at lumapit sa pinto ng terrace. "Dude, ikaw na bahala sa kanya." Isang titig pa ang ibinigay ko sa anak ko bago lumabas at lumipat sa kabilang bahay diretso sa laptop ko para panoorin doon ang nangyayari sa kabilang bahay.

******

Hash was having a fever. Dinala na namin siya ni Gomer sa pedia niya. Swelling daw ng gums ang dahilan niyon kaya tumataas ang temperature niya.

Halos buong araw siyang iyak nang iyak at makakatulog lang saglit pero maya-maya lang ay magigising na naman at iiyak ulit. She was always looking for her papa. Pati ako ay umiiyak na rin dahil hindi ko na alam ang gagawin ko at nasasaktan din akong nakikitang nahihirapan ang anak ko. Kulang na lang ay tumawag na ako sa bahay namin para papuntahin si Gab dito pero hindi ko naman magawa. Nakokonsensya ako dahil heto ang anak ko, nahihirapan at hinahanap ang papa niya pero nagmamatigas pa rin ako dahil hindi ko pa rin kayang harapin ang papa niya.

Katulong ko naman si Mariz at Gomer sa pag-aalaga pero hirap pa rin kami. Nakikita kong palaging nakatitig si Gomer sa akin. Alam kong naaawa na siya sa akin. Kung pwede lang siguro niyang isumbat sa akin ang sobrang taas na pride ko kaya ayaw ko pang bumalik kay Gab dahil halata namang hindi ko kayang alagaan mag-isa ang anak ko ay malamang sa ginawa na niya. Alam kong inuunawa na lang niya ako at nirerespeto ang desisyon ko.

Gabi na at kahit hirap ako ay nagawa ko na rin patulugin si Hash. Bumaba na rin ang lagnat niya. Nahiga na rin ako sa kama at sobrang antok na ako dahil sa pagod. Narinig ko pa si Gomer na kumatok at pumasok, inaalok ako ng dinner pero ungol na lang ang naisagot ko sa kanya. Ni hindi ko na nagawang magpalit ng damit dahil iginupo na talaga ako ng matinding antok at nakatulog.

******

Para akong tino-torture habang buong araw lang na pinapanood ang mga nangyayari sa kabilang bahay sa laptop ko. I could see how helpless and frustrated Abby the whole day dahil hindi niya malaman kung paano ang gagawin kay Hash pero wala naman akong magawa para tulungan siya. Kulang na lang ay sumira na ako sa usapan namin ni Gomer at puntahan na ang mag-ina ko.

As soon as Abby was sleeping ay lumipat na agad ako sa kabilang bahay. I went to the crib immediately. I saw my little princess sleeping peacefully. Nakatagilid siya at subo pa niya ang isang daliri niya. I checked my little girl's temperature. Mainit pa rin siya.

Bumaba ako sa kitchen. Naghuhugas ng pinagkainan si Gomer.

"Dude, may stock pa si Abby ng gatas niya sa freezer?"

"Ewan ko. Tingnan mo na lang diyan. Pati ba naman iyon itatanong ko pa sa kanya? Batukan pa ako n'on at sabihan ng manyak."

"Bwisit! Manyak ka naman talaga eh!" sabi ko sa kanya bago binuksan iyong ref. Good thing na may tatlo pang packs sa freezer. Kinuha ko iyong isa.

"Hoy, gago ka! Aanhin mo iyan? Wag mong sabihing gagawin mong ice candy 'yan habang binabantayan sila?"

Kinuha ko iyong isang baguette sa lamesa at pinalipad papunta sa kanya pero nakailag siya. "Gago! Gagamitin kong ice pack para kay Hash," sabi ko bago nagmamadaling umakyat ulit sa taas.

Ibinalot ko sa isang face towel iyong packet saka inilapat sa noo ng anak ko. Hawak ko iyon para hindi mahulog dahil nakatagilid pa rin siya. Di ko na nga namalayan na nakatulog ako sa ganoong posisyon. Nagising na lang ako nang biglang umiyak si Hash. Tunaw na rin iyong laman ng packet.

Kinarga ko siya at isinayaw-sayaw pero ayaw pa rin tumahan kaya ibinaba ko siya sa sala. Magkatulong naming inalo ni Gomer si Hash. Pinunasan ko nang pinunasan ng basang bimpo ang katawan niya. Nagamit na rin namin iyong isa pang packet ng bréast milk ni Abby. Mababa na finally ang temperature niya nang makatulog siya.

Napapikit ako at napabuga ng hangin matapos kong ilagay ulit sa crib si Hash. Ibinalot ko sa panibagong face towel iyong last packet ng gatas ni Abby at ipinatong sa noo ni Hash. I looked at my wristwatch. It was already 12:25.

Si Abby naman ang binalingan ko pagkatapos. She was sleeping horizontally on the bed again. I sighed deeply. Likot talaga matulog nito eh. Inayos ko siya ng higa. Malakas ang loob ko dahil kapag ganitong sobrang stressed siya maghapon ay alam kong kahit lumindol pa ng magnitude 7 ay hindi yata siya basta-basta magigising.

Pinalitan ko na rin siya ng damit pantulog tulad ng parati kong ginagawa dati. After that ay tumabi ako sa kanya. Niyakap ko siya.

"You know what? Kahit palagi kitang nakikita ay sobrang nami-miss pa rin kita. Sana bumalik na tayo sa dati, Abby. Sana mapatawad mo na ako," bulong ko sa kanya.

Gumalaw siya at tumagilid din ng higa paharap sa akin. I was surprised when she suddenly embraced me and leaned her forehead against my chest just like before. "Hmmmm... Gab..." she moaned.

Napangiti ako. Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. "Yeah, I know. Even if you told me that you hate me before you left me, I know deep inside you, you still love me and still need me like the way I do." I combed her hair with my fingers.

"I'll always be here for you, honey. Ibabalik ko lang sa iyo iyong mga sinabi mo sa akin dati sa rooftop noong high school pa tayo. I'll always be beside you. Palagi mo akong kasama kahit ano'ng mangyari. I won't leave you kahit na ipagtulakan mo pa ako ng paulit-ulit palayo sa iyo." I kissed her head. "I will forever be your boomerang, honey. Kahit ibato mo pa ako palayo, babalik at babalik pa rin ako sa iyo."

Medyo umusog ako pababa. I leveled myself on her face and caressed her cheek. "Remember what I told you during college? I will always guard and protect you. I will keep that promise until forever ends, honey. Kahit hindi ako pwedeng magpakita sa iyo sa ngayon, palagi ko pa rin ipaparamdam sa iyo ang presence ko. Babantayan kita, kayo ng anak natin."

"I will never let you fall. I'll stand up with you forever. I'll be there for you through it all, even if saving you sends me to heaven♪"

******

Maliwanag na nang magising ako. I felt strange dahil pakiramdam ko ay may kayakap ako habang natutulog. Napapikit ako habang binabalikan ko sa isip ko iyong naging panaginip ko.

Tinext daw ni Gomer si Gab at sinabing may sakit si Hash so he immediately flew here in Paris. Pumasok daw si Gab dito sa kwarto namin at inalagaan si Hash para mawala iyong lagnat habang nagtutulog ako. Tapos tumabi siya sa akin at niyakap ako. Then he whispered in my ears while I was asleep.

"Remember what I told you during college? I will always guard and protect you. I will keep that promise until forever ends, honey. Kahit hindi ako pwedeng magpakita sa iyo sa ngayon, palagi ko pa rin ipaparamdam sa iyo ang presence ko. Babantayan kita, kayo ng anak natin." Then he sang for me.

I smiled sadly as tears escaped my closed eyes. Masama bang humiling na sana ay hindi na lang panaginip iyon? Sana ay nandito na lang talaga siya para bantayan kami ni Hash.

"Bumalik ka na sa akin, Gab. Hihintayin kita. Hihintayin ka namin ni Hash. Prove to me that you're worthy of my forgiveness."

Dumilat na ako at bumangon. I wiped my tears and went to Hash's crib. Nagulat pa ako dahil nakita kong may cold compress na nakapatong sa noo niya. Kinuha ko iyon at sinalat ang noo ng baby ko pati na rin ang leeg niya. Lumawak ang ngiti ko dahil hindi na siya mainit. Back to normal na ang temperature niya.

Inalis ko ang face towel na nakabalot sa tunaw na ice pack. Nagulat pa ako nang makita kong breàst milk ko iyon. Napakunot ang noo ko at agad na pumasok sa utak ko ang mukha ni Gab. Siya lang kasi ang kilala kong mabilis ang utak mag-isip ng mga solusyon kapag may mga ganitong emergency.

Pero hindi lang iyon ang napansin kong kakaiba. Napayuko ako sa suot ko. Nanlaki ang mga mata ko. "What the hell? What the hell!" Mabilis akong lumabas ng kwarto at patakbong bumaba ng hagdan. Nakita ko si Gomer na nasa harap ng countertop sa kitchen. I lunged at him. Sinakyan ko siya sa likod at binatukan nang binatukan sa ulo.

"Tangina, Abby! Ano ba'ng trip mo?! Bumaba ka nga, bhe. Ang bigat mo!"

"Shít ka, Gomz! Sira ulo ka!" I kept on hitting him.

"Ano ba'ng ginawa ko sa iyo?!"

"Napakasira ulo mo! Bakit mo ako pinalitan ng damit?"

"WHAT THE HELL, ABIGAIL?!!!" Bigla siyang tumuwid ng tayo kaya muntik na akong mahulog. Hinarap niya ako. Nanlalaki ang mga mata niya. "Why did you think I'd do that? Sa tingin mo magagawa kitang hubaran? Isipin ko pa lang kinikilabutan na 'ko!"

Napatingin ulit ako sa suot ko. "Eh bakit napalitan itong damit ko? Hindi naman ito ang suot ko last night ah!"

"Aba, malay ko sa iyo. Baka naman masyado ka nang inaantok kagabi kaya di mo na namalayan na nakapagbihis ka bago natulog."

Napaisip ako. "Sabagay, antok na antok na nga ako noon." I frowned again. Pero hindi eh. Bakit feeling ko may kakaibang mga nangyayari? Bakit ganoon? O baka naman napa-paranoid na lang ako?

"Luto ka na, bhe. Gutom lang iyan kaya nawawala ka sa sarili mo."

I stuck my tongue on him. "Sabihin mo ikaw ang gutom na kaya mo ako pinagluluto!"

Ngumuso siya. "Ganyan ka, bhe. Hahayaan mo lang magutom ang kuya mo? Kamusta nga pala si Hash? May lagnat pa ba?"

I smiled at him. "Wala na. Thank you nga pala sa pag-alaga sa kanya habang natutulog ako."

"Hay salamat naman. Hindi birong hirap ang pinagdaanan namin kagabi sa pag-aalaga sa kanya para lang mapatulog siya."

I frowned. "Namin?"

"I... I mean, namin! Si Mariz! Pinapunta ko siya dito kagabi kasi di ko kaya alagaan mag-isa si Hash."

Ngumiti ako ulit sa kanya. "Salamat. At dahil diyan, lulutuan kita ng special breakfast." Nagpunta na ako sa kusina para magluto pero hindi pa rin nawawala sa isip ko iyong naging panaginip ko habang nasa harap ng niluluto ko.

"'Cause I'm here for you. Please don't walk away and please tell me you'll stay. Whoa, stay, whoa...♪

"Use me as you will. Pull my strings just for a thrill. And I know I'll be okay, though my skies are turning gray...♪

"I will never let you fall. I'll stand up with you forever. I'll be there for you through it all, even if saving you sends me to heaven♪"

"Uuuuy... Inspired..." nanunuksong sabi ni Gomz pagpasok dito sa kitchen kaya napapitlag ako sa gulat habang gumawa ng paborito niyang French toast. "Kanta ni Gabriel iyan no'ng college ah." Lumapit siya sa akin na may mapanuksong mga ngiti. "Ano'ng meron, Abby? Masaya ka yata. May nangyari ba kagabi?" sabi niya sa tapat ng tainga ko.

Siniko ko siya. "Wala! Lumayo ka nga sa akin!"

"Ashuuuu... Uuuuy, si Abby, may nami-miss..."

I shot him a deadly glare.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya. "Sabi ko nga lalabas na 'ko eh." Ngumisi siya. "I will never let you fall. I'll stand up with you forever," nang-aasar pa rin na kanta niya habang naglalakad palabas ng kitchen.

Napabuntong-hininga na lang ako.

**********


Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 166K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
952K 16.6K 51
Oh boy, Zarrick is a forbidden one. Erriah knows that. At such a young age, she shall not think of any kind of obscene things pero masarap talaga ang...
2M 80.9K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.3M 23.6K 46
The young, smart, gorgeous and successful, Dr. Storm Nyx Davids never liked looking back and remembering her past all over again. She is a cold, snob...