Faded Memories (Complete)

Bởi AaliyahLeeXXI

275K 5.3K 67

Faded Memories (Revised) Let's join Gabriel and Abby on their journey from the present, past and their future... Xem Thêm

Faded Memories
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
***Finale***
***Epilogue***
~♥✿ Special Chapter 1 ✿♥~

Chapter 35

4K 90 4
Bởi AaliyahLeeXXI

Note: beware of POV changes and don't get confused. Thank you! :)

******

Nakatulala lang ako sa sahig at tahimik na umiiyak habang sunud-sunod na nagbabalikan sa alaala ko iyong mga nangyari noon.

"Wala kang naging ibang babae sa buong marriage natin, di ba, Gab?" I asked him.

"Wala akong naging ibang babae ever since I claimed your innocence that night in my condo."

"So hindi totoo iyong sinabi ni Carmela sa akin na may nangyayari sa inyo dito sa bahay natin tuwing wala ako?"

"She told you that?" he asked angrily.

I nodded in response.

"And you believed her?"

"Iyon ang pinag-awayan namin bago...bago ako-"

"Tangna talagang babae 'yon! She did everything to ruin us. I will never ever forgive her, Abby. I already told her to stay the fúck away from us. I'm so sorry, honey. Forgive me, please?"

I took a sigh of relief and smiled. I wiped the tears on my eyes and cheeks. Tama ako, hindi talaga niya ako magagawang lokohin. Ako lang talaga ang minahal niya. Iyon ang sinabi niya sa akin noon sa isla at naniniwala ako sa kanya. He wouldn't lie to me, right? Hindi ko pa lang maalala lahat kaya naguguluhan ako. At least clear na sa akin na wala silang naging relasyon ni Carmela dati.

Tumayo na ako at lumapit sa sink. But another memory came back when I was washing my face.

"Mahal na kita noon pa pero pinipigilan ko lang ang sarili ko because you knew about my past, di ba? I was afraid to love but you're the one who taught my heart how to feel that."

"Mahal mo talaga ako, Gab?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Yes, Abigail Laire Montreal. I love you so much, honey." He kissed the tip of my nose.

"Hindi mo na ako iiwan, Gab?"

"Hindi, Abby. It will never happen. Even despite of knowing about those pictures, I still stayed beside you because deep inside me, I know na hindi ko pa rin kakayanin na wala ka sa buhay ko. You are my life, Abby."

Natigilan ako sa paghihilamos at kunot-noong napatingin sa reflection ko sa salamin. Ano'ng pictures iyon?

"I'm really very sorry for everything that I did to you. I didn't know that you were pregnant." Umiling siya. "No. Pregnant or not, alam kong maling-mali pa rin na sinaktan kita. Kinain ako ng matinding galit dahil di ko matanggap iyong mga nakita ko sa pictures. I'm really sorry for not trusting you, Abby."

What the hell? I was pregnant? I became pregnant before? So hindi pala si Hash ang unang baby namin? Kung ganoon, nasaan iyong anak namin na iyon?

Tumulo na naman ang mga luha ko. Parang mababaliw ako sa mga nalalaman ko. Gulong-gulo ang utak ko. Lalo lang akong nalilito. Dàmn, I couldn't believe na nagkaanak na kami aside kay Hash. Nasaan iyong baby? Itinago niya sa akin? Pero bakit?

Inaayos ko iyong closet ni Gab until I saw a brown envelope under his shirt. Because of curiosity ay kinuha ko iyon at tiningnan kung ano ang nasa loob. Pictures ko while having séx with different guys!

So iyon pala iyong pictures na sinasabi niya. Pero alam kong hindi ako iyon. Those were fake pictures. They were fabricated to ruin us kaya nga sinabi niya na sorry daw for not trusting me. Then who was the one who sent those pictures to him?

I took a towel and dried my face. I walked back and forth inside the bathroom while thinking.

"Kaunti na lang ay iiwan ka na ni Gab. Babalik na siya sa akin. He believes that you're a slút. Iba talaga ang nagagawa ng technology 'no?"

"Sa 'yo ba galing iyong mga pictures na may mga mukha ko?"

"Oh! Nakita mo pala? Parang totoo 'no? Paniwalang-paniwala nga si Gabriel eh."

I clenched my teeth and stopped walking. Dàmn it! Kay Carmela galing iyong pictures kaya galit na galit si Gab sa kanya. Pero nasaan iyong anak namin? Hindi iyon mawala sa isip ko.

Palabas na ako dito sa bathroom na malapit sa kitchen, I was about to turn the door knob when something hit me hard that almost tore my world apart.

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya sa sobrang galit ko ay sinugod ko si Carmela at sinabunutan siya. "Hayop kang babae ka! Sinira mo ang pagkatao ko kay Gab!"

"Mas hayop ka! Mang-aagaw!" Pinagsasampal ako ni Garmela. Lumaban ako sa kanya. We fought until Gab found us. He pulled me from her and pushed me so I fell on the floor and I felt an excruciating pain in my abdomen.

Napailing ako. No! Dàmn it, no! Napaluhod ako sa harap ng pinto kasabay ng pagtulo ulit ng mga luha ko. Hindi kayang tanggapin ng utak ko iyong nangyari. How I wish they weren't true. Sana nagkakamali lang ang utak ko sa mga naiisip ko dahil sobrang sakit. It pained me a lot to know what really happened to my baby. I covered my mouth to stop myself from sobbing loudly. I wasn't able to give birth dahil nakunan ako.

Dàmn it! Dàmn it! Nakunan ako!

I shook my head again. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na ganoon ang mga nangyari.

Iyong sakit na naramdaman ko dati ay parang bumalik lang. Naging sariwa lang ulit iyong sakit at iyong sugat. Parang paulit-ulit na naman akong pinapatay ngayong naiisip kong nawala iyong anak namin ng dahil sa kanya. He pushed me para tigilan ko ang pananakit kay Carmela pero buhay naman ng anak ko ang naging kapalit no'n. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nasasaktan ngayon. Hindi ko man lang nahawakan iyong anak ko na tulad ng nagagawa ko kay Hash ngayon.

Biglang bumalik sa isip ko iyong mga panaginip ko dati. Iyong dalawang bata. They called me Mama in my dreams. Kaya ba nakakapanaginip ako ng mga ganoon dati dahil ang totoo ay sila iyong magiging anak dapat namin? Kung ganoon kambal pala dapat ang anak namin? Sabi ko na nga ba eh. Malakas ang pakiramdam ko na konektado sila sa akin. Pero kahit paulit-ulit kong sinasabi iyon kay Gab dati, kung anu-anong mga palusot lang ang sinasabi niya sa akin. Sinadya niyang itago iyon sa akin! Bakit, akala ba niya hindi ko na ulit maaalala ang mga iyon so he played safe by keeping those things from me?

Bullshít! Gusto kong magsisigaw para malaman ng lahat kung gaano ako nasasaktan ngayon. Bakit, Gab? I thought you love me? Bakit naglihim ka sa akin? Umupo ako ulit sa lapag at sumandal sa pinto. I embraced my knees and leaned my head on them and wept silently.

******

Nilagyan niya ng kanin at ulam ang pinggan ko tulad ng parati niyang ginagawa. Kwento pa siya nang kwento habang kumakain.

"Honey, di mo ginagalaw ang pagkain mo. Ayaw mo ba ng ulam? Bigla mo kasing iniwan iyong iluluto mo sana kanina kaya kay Manang ko na lang ipinatuloy. Do you want me to cook something else?"

Umiling ako saka pinilit na sumubo ng pagkain na halos hindi ko naman malunok. No matter how much sweetness he'd show me, hindi ko pa rin iyon ma-appreciate pagkatapos kong maalala iyong mga bagay na itinatago niya sa akin. Kahit na nagawa ko na siyang patawarin noon tungkol sa bagay na iyon ay sobrang sakit pa rin sa dibdib ko ngayon na naalala ko na ulit ang mga nangyari noon.

When those memories came back to me, they also brought back the pain and my agony. Iyong 'yong times na alam kong sobrang nanlalamig na siya sa akin and I was thinking na kapag nalaman niyang magkaka-baby na kami ay baka magbago na ang treatment niya sa akin.

Nahihirapan akong tanggapin na mas naniwala pa siya sa mga kasinungalingan ni Carmela. Mula pa pagkabata ko ay siya lang iyong lalaking minahal ko kaya ginawa ko lahat ng paghahabol sa kanya para lang mapatunayan ko na mahal ko siya. I never entertained any suitors. Ni hindi ako tumitingin sa ibang mga lalaki dahil alam kong magseselos at makikipag-away na naman siya. Kaya paano niya naisip na kaya kong pumatol at ibigay ang sarili ko sa ibang mga lalaki?

At dahil sa pictures na iyon, nasira ng husto ang pagsasama namin at ang mga pangarap ko. Si baby na lang ang inaasahan ko noon pero dahil mas pumanig siya kay Carmela ay nawala pati ang anak ko. Hindi ko alam kung paano ko iyon tatanggapin noon. The excruciating pain that I've felt the moment I woke up in the hospital and I immediately felt the emptiness inside me. Wala na ang anak ko. Ganoon lang siya kadaling nawala sa akin nang hindi ko man lang siya nakita, nahawakan, at nahalikan.

And aside from those things, meron pa kaya siyang mga itinatago sa akin? Hindi ko tuloy alam kung magtitiwala pa ba ako sa kanya ngayon dahil sa mga ginawa niya.

"Sa tingin mo saan kayang resort magandang magpunta para sa outing natin next week? Sa beach or sa manmade resorts? Iniisip ko kasi si Hash. Gusto ko siya ilusong sa tubig tutal mahilig naman siyang maligo sa bathtub."

"Ayoko nang umalis next week," maikli kong sagot habang nakayuko sa pinggan ko.

"Huh? Eh di ba ikaw pa iyong sobrang excited na plano nang plano kaninang umaga sa mga babaunin nating pagkain? Bakit ayaw mo na? Sayang naman, honey. Gusto ko kayong ipasyal ni Hash eh."

"I'd rather stay home with Hash."

"O sige. If-if that's what you want. Pero plano ko nga magpalagay ng pool diyan sa tabi ng garden natin para makakapag-swimming siya kapag malaki na siya kasama ng mga magiging kapatid niya."

"Mga kapatid niya," mahinang ulit ko. May mga kapatid na sana siya if it wasn't for you.

He held my hand on top of the table. "May problema ka ba, honey? Kanina ka pa tahimik. Are you feeling ill?"

Umiling ako. Kulang ang salitang ill para maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Tumayo ako. "Pupuntahan ko lang si Hash."

"You're not yet done eating," takang sabi niya.

"Wala na akong ganang kumain," I replied bago ko siya iniwan at umakyat papunta sa kwarto ni Hash. She was sleeping in her crib. "Ako na po diyan, Ate Mila," sabi ko sa kasambahay namin bago siya lumabas.

Humiga ako malapit sa dulo ng kama ni Hash. I wanted to sleep. Napapagod ang utak ko sa sunud-sunod na mga alaalang bumabalik sa isip ko mula pa kanina at wala akong anumang nagugustuhan sa mga alaala na iyon kaya gusto ko munang ipahinga ang utak ko. How I wish na sana ay panaginip lang talaga ang lahat ng iyon at babalik na sa normal ang lahat pagkagising ko.

******

Nakatulala lang ako sa iniwang pagkain ni Abby dito sa mesa. Nahihirapan akong unawain siya ngayon. I knew something's off about her. I heaved out a deep sigh. Nawalan na rin ako ng ganang kumain kaya di ko na tinapos iyon at ipinaligpit ko na kay Manang ang mga pagkain.

I went upstairs to Hash's room and I saw Abby sleeping horizontally on Hash's bed. Nakatagilid siya sa dulo paharap sa headboard.

Narinig ko ang pag-ingit ni Hash mula sa crib kaya kinuha ko siya. She was still sleepy kaya mabilis na nakatulog ulit sa balikat ko. I lay down horizontally on the bed also malapit sa tabi ni Abby. I let Hash sleep on top of me.

I closed my eyes. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakapikit. Hindi naman ako makatulog because I was thinking about Abby and how she was acting very cold on me since I saw her preparing our food for lunch just this morning.

Alam kong may mga naaalala na naman siya dahil ganito rin siya noong mga panahon na nasa island pa kami at naalala niya noong sinasaktan ko siya séxually. Hindi niya rin ako kinakausap that time pero ang kaibahan lang ay iyak siya nang iyak noon kaya alam kong tantiyahin ang feelings niya. Abby now was acting really cold and silent kaya napapaisip ako kung ano kaya ang mga naaalala niya at kung ano ang mga iniisip niya.

Moments later ay naramdaman ko siyang gumalaw sa tabi ko. I didn't open my eyes, nakiramdam lang ako. Ilang minuto rin ang lumipas bago siya gumalaw ulit at bumaba mula sa kama. I heard the opening and the closing of the door. Noon ako dumilat at tumitig sa kisame. Gusto kong itago ang nerbiyos na nararamdaman ko dahil kinakabahan ako sa mga ikinikilos ni Abby pero hindi ko magawa. Ilang minuto pa akong nag-isip before I decided to go and talk to her.

******

I opened my eyes and saw Gab and Hash sleeping beside me. She was on top of him. Mas mahimbing kasing nakakatulog si Hash kapag nakadapa sa ibabaw niya. Ilang minuto rin akong nakatitig sa kanila.

Mahal na mahal ko silang dalawa. Siguro kailangan ko lang ng oras ulit para mapatawad ng tuluyan si Gab. Alam kong may mga rason siya kung bakit niya itinago sa akin ang tungkol sa pagkawala ng kambal namin. Siguro ay ayaw niya lang akong masaktan ulit dahil alam ko naman na mahal na mahal niya rin ako.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto ni Hash. Pumasok ako sa kwarto namin at lumapit sa bintana. I looked outside at napapikit na naman dahil paulit-ulit na namang naglalaro sa utak ko iyong pagbangga ng kotse ko doon sa truck. Then another memory came back to me.

"Akala ko iyong mga pictures lang ang issue mo sa 'kin! Kaya ba ayaw mong magkaanak sa akin kasi boring ako?! Gano'n ba 'yon, Gab?! Gano'n lang ba ang sukatan ng pag-ibig para sa 'yo?!" umiiyak na sigaw ko kay Gab.

"Abby, no. Just listen to me first. Let me explain-"

"O baka naman naniniwala ka talaga doon sa mga pictures na totoong nakipag-séx ako sa iba't-ibang mga lalaki. At kaya naghanap ka ng ibang pwedeng magbigay ng anak sa 'yo dahil nandidiri ka sa 'kin?!" I shouted at him.

He looked at me unbelievingly. "What the hell are you saying, Abby? Alam mong hindi totoo 'yan."

"Ewan ko sa 'yo, Gabriel! Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa mga sinasabi mo at sa mga nakikita ko!"

Sunud-sunod na naman ang naging pagtulo ng mga luha ko. I clenched my fists tightly. Napatakip ako sa magkabilang tainga ko dahil parang paulit-ulit kong naririnig ang mga iyon. I shook my head again.

Tama na! Hindi ko na kaya! Sobrang sakit na! Bakit kailangang ibato sa akin lahat ng masasakit na mga nangyari noon sa loob lang ng araw na ito? At ilang masasakit na alaala pa ba ang babalik sa memorya ko?

I exhaustedly sat on the floor again and leaned my back on the side of our bed while crying.

"Hindi mo pwedeng gawin sa akin to, Gabriel. Sinabi ko na kanina di ba? Buntis ako at ikaw ang ama."

Napahagulgol na ako nang tuluyan. Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa akin o wala. He lied to me! Sinabi niya na ako lang ang naging babae niya simula noong may nangyari sa amin pero bakit may kasama siyang babaeng buntis sa bahay namin, claiming that he was the father of her unborn child?

"Sigurado ka bang mahal mo talaga iyong asawa mo? Bakit di ka makasagot? Di ba sinabi mo sa akin na boring ang asawa mo at ayaw mong magkaanak sa kanya? Nandito na ako, Gab, at kayang-kaya kong ibigay ang anak na pinapangarap mo."

"DÀMN IT!" Hindi ko na nagpigilang sumigaw habang malakas na umiiyak. Narinig ko na biglang bumukas iyong pinto.

"Abby?! What the-? Abby, what's happening?" tanong niya habang naririnig ko ang mga hakbang niya palapit sa akin.

"Diyan ka lang. Wag kang lalapit sa akin," mahina pero mariin kong sabi sa kanya habang nakayuko at nakatitig sa sahig.

"Abby, ano ba'ng problema? Kanina ka pa ganyan eh. Nag-aalala na 'ko sa 'yo."

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na humakbang ulit siya palapit sa akin. "No, stop! Wag mo sabi akong lapitan." I turned my head and looked at him sharply. "You disgust me, Gabriel!" Kita ko ang magkakahalong mga emosyon sa mga mata niya. Gulat, pag-aalala, takot, sakit at iba pang emosyon na hindi ko na mapangalanan.

I shook my head before I got up and ran to the bathroom and locked myself again inside. I sat on the floor again and leaned against the tiled wall while weeping. Narinig kong katok siya nang katok mula sa labas ng pinto. He was yelling my name and begging me to open the door pero wala na akong pakialam sa kanya. Napakasinungaling niyang tao.

Bakit ganoon? Hindi pa ba ako sapat para sa kanya? Bakit kailangan pa niyang maghanap ng iba? Dahil boring ako? We've been together since college saka ko malalaman ngayon that I only bored him? Nawalan ako ng dalawang anak and yet ayon siya, may anak sa iba. And he kept it from me also? Nasaan na iyong kawawang bata? Hindi niya man lang pinanagutan?

"Being inside you is the most wonderful feeling in this world. I love you, Abigail Montreal." He laughed and kissed my lips while caressing my hips.

"Gab?"

"Hmmm?"

"Gutom na 'ko, Gab."

Napanganga siya at napahinto sa paghimas sa balakang ko. "Really, Abigail? I told you I love you and that's what you're going to reply? Nasaan ang sweetness mo?"

I grinned at him. "I love you so much, Gab. Gutom na gutom na talaga ako. Please, Gab, alisin mo na 'yan sa 'kin at mag-dinner na tayo."

"Lagi ka na lang gutom, Abby. Buti sana kung ako ang gusto mo laging kainin." Natawa siya habang binubunot ang sarili niya mula sa akin.

Tinapik ko ang bibig niya. "Bibig mo, Gab!"

"Sungit! Takaw pa. Buntis ka ba, Abby?"

Natigilan ako sa naisip ko na iyon. Halos mayanig ako when realization hit me hard. Napahawak ako sa dibdib ko at napailing-iling ulit. "Hindi pwede," bulong ko. Napapikit ako. "No, no, no please. Hindi pwede. Hindi pwede," paulit-ulit na bulong ko. Lalo pang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Pero nagimbal ako sa mga sumunod na alaalang bumalik sa memorya ko.

"Buntis ka ba, Abby?" hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Gab. Alam kong pabiro lang niyang sinabi iyon kagabi pero napapaisip talaga ako. Atrasado na ang menstruation for more than a month. Posible nga kaya?

Nagulat pa ako nang mag-ring ang phone ko. It was Nicz. "Are you ready? Papunta na ako diyan," sabi niya. Susunduin niya ako dahil plano naming mag-grocery at magluto ng mga pagkain to celebrate the success of her latest magazine.

Pagdating namin sa mall ay pinauna ko na siyang pumasok sa supermarket dahil dumaan muna ako sa Watsons. I bought two pregnancy test kits. Dinadasalan ko pa iyong dalawang PT habang naglalakad ako papuntang comfort room.

Sana nga ay tama ang hinala ko. Nawala man sa amin iyong unang baby namin, sana ay meron na ulit kasunod para maging kumpleto na ang pamilya namin ni Gab. I know he'll be happy dahil anak na lang ang kokompleto sa pagsasama naming dalawa.

Excited akong pumasok sa isang cubicle sa loob ng CR ng mall at sinubukan ng magkasabay iyong dalawang PT. Nakapikit lang ako habang paulit-ulit na nagdadasal na sana ay positive sila pareho. Tumingin ako sa wristwatch ko. Pumikit ako ulit habang kumakabog ang dibdib ko sa kaba at excitement. Binuksan ko ang isa kong mata para silipin iyong dalawang PT na hawak ko.

Tumulo na lang bigla ang mga luha ko. They're both positive! Magkakaanak na kami ulit ni Gab!

Para akong nakalutang sa ulap habang hinahanap si Nicz sa loob ng supermarket. Dinagdagan ko pa ang mga pinamili namin. Gusto kong i-celebrate din namin ni Gab ang pagkakaroon ulit namin ng anak. Hindi ko muna iyon sinabi kay Nicz dahil si Gab ang gusto kong unang makaalam no'n.

Sobrang excited ako habang pauwi kami sa bahay. Alam kong matutuwa si Gab sa sorpresa ko sa kanya.

Napahagulgol na naman ako. Napadukdok na ako sa sahig habang iyak nang iyak. Hindi ko naman akalain na ako pala ang masosorpresa pagdating namin sa bahay.

"Dàmn it! Dàmn it! Buntis ako noong naaksidente ako!" whispered firmly. I clenched my fists and my teeth, tears still streaming from my eyes. Ngayon lang naging malinaw sa akin na hindi kambal iyong unang anak namin. Kaya dalawang bata iyong napapanaginipan ko dati ay dahil dalawang beses akong nabuntis at nakunan!

"BULLSHÍT!" I yelled out angrily. Hindi ko na alam kung gaano ako kagalit sa mundo ngayon. Basta ang alam ko lang ay nasasaktan at nagagalit ako. Tumayo ako at lumapit sa pinto.

"Abby, please buksan mo naman itong pinto. Let's talk, please," sigaw ni Gab habang kinakalampag iyong pinto.

I turned the knob and opened the door.

******

"Abby, please open this. Mag-usap naman tayo ng maayos oh," I begged her while banging the door.

Sobrang nag-aalala na ako sa kanya. I was shocked when I saw her crying on the floor just a while ago. Pero mas nagulat ako nang sabihin niyang wag ko raw siyang lapitan at nandidiri daw siya sa akin.

What the hell? Ano ba ang mga naalala niya? Is the moment I was dreading finally arrived? Paano ko haharapin ang galit ni Abby kung ganoon nga? Paano kung hindi niya talaga ako mapatawad?

"Abby!" I kept banging the door. "Honey, lumabas ka na please. Tell me what's happening."

I need to talk to her dahil kung hindi ako makakapagpaliwanag ay alam kong iiwan niya ako tulad ng ginawa niya dati. But not this time please. Mas lalo kong hindi kakayanin kapag umalis siya dahil involved na si Hash sa buhay namin ngayon.

"Bullshít!" narinig kong sigaw niya mula sa loob.

Lalo pang tumindi ang kaba ko. "Abby, please buksan mo naman itong pinto. Let's talk, please," sabi ko ulit. Nagulat pa ako nang bumukas ang pinto. My whole body shook and shivered when I met her intense sharp glare. Just one look in her teary eyes and angry facial expression ay alam ko na ang sagot sa mga tanong ko kanina. She already knew...

I swallowed and my breathing became uneven. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sobrang takot mula sa kanya. I hesitantly smiled at her. "Honey, you-you're making me worried. Please tell me what's wrong." I moved closer to her. I was about to embrace her when she suddenly pushed me hard.

Nagulat na lang ako at halos mabingi nang tumama sa pisngi ko ang isang malakas na sampal. I was stunned. Hindi ko nagawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko anytime ay babagsak ako sa sahig.

"Sinungaling! Napakasinungaling mo!" galit na galit na sigaw niya sa akin. "Tangina! Tangina, Gab! Gagawin mo pa akong tanga! Akala mo ba hindi ko na maaalala iyong mga nangyari noon? Akala mo ba hindi ko alam na buntis ako noong naaksidente ako?" umiiyak na sigaw niya habang pinagsususuntok ang dibdib ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Napanganga ako dahil sa sobrang gulat habang nakatingin sa kanya. Para iyong bomba na biglang sumabog sa harap ko. Alam niyang buntis siya noon?

"Sobrang sakit na noong una akong nawalan. At hindi ko na kayang ipaliwanag ngayon iyong sakit na nararamdaman ko knowing that I lost my precious child once more. Dalawa, Gab! Dalawa silang hindi ko man lang nakita at nahawakan dahil sa iyo!" Umiling-iling siya habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya saka ako gigil na sinampal ulit bago dahan-dahan na napaupo sa harap ko.

Sunud-sunod na rin na tumulo ang mga luha ko. Alam ko naman na masasaktan siya pero ang hindi ko napaghandaan ay iyong sakit na nararamdaman ko ngayon habang nakikita ko sa harap ko mismo na nahihirapan siya dahil sa sakit na ako mismo ang nagbigay sa kanya.

"Bakit, Gab? Ano ba'ng naging kasalanan ko sa iyo? Minahal lang naman kita pero ito pa ba ang mapapala ko sa lahat ng hirap at pagtitiis na dinanas ko noon mula sa iyo?" sabi niya habang patuloy sa pag-iyak.

I knelt down in front of her. I tried to touch her pero tinabig niya lang ang kamay ko. "Abby, please hayaan mo naman akong magpaliwanag."

Umiling siya at tinititigan ako ng diretso sa mga mata. Napayuko na lang ako dahil hindi ko kayang salubungin ang galit sa mga mata niya. Sobra na rin ang guilt na nararamdaman ko.

"Sobrang sakit na sakin na maalalang dalawang beses akong nakunan at nawalan ng anak dahil sa iyo, but do you know what hurts me the most? Itinago mo iyon sa akin! Tangina, inilihim mo lang iyon sa akin! Almost two years tayong magkasama simula noong dinala mo ako sa isla and you had every chance to tell that to me pero natiis mong itago sa akin ang napakaimportanteng bagay na iyon! Nakakaputangina iyong ginawa mo sa akin, Gabriel! All these time pinagmumukha mo lang pala akong tanga!" humahagulgol na sumbat niya sa akin.

Naglakas loob akong tumingin sa kanya. "No, Abby. Ayoko lang na masaktan ka ng husto kaya hindi ko maamin sa iyo. Hurting you is the last thing in this earth that I'd want to do. Alam mo iyan, Abby."

"Well, news flash for you, Montreal! Thanks for your concern dahil mas lalo mo pa akong nasaktan ng sobra-sobra ngayon!"

Tumayo siya pero niyakap ko ang mga binti niya habang nakaluhod sa harap niya. I leaned my forehead on her thighs. "Please, please, Abby. Listen to me, honey. Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko sa iyo at sobra kitang nasaktan pero hindi ko rin naman ginustong mangyari ang lahat ng iyon."

She tried to push me pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa mga binti niya dahil kapag hindi ko ginawa iyon ay pakiramdam ko ay mawawala siya anytime sa akin. "Hindi mo rin sinasadya na may maanakang ibang babae?!"

Tiningala ko siya at umiling. "No, Abby! Hindi ko anak iyong bata na iyon!"

Tumawa siya ng patuya habang nararamdaman ko ang pagtulo ng mga luha niya sa mukha ko. "Pagkatapos ng lahat ng mga nalaman ko ngayon, do you still think na maniniwala pa rin ako sa iyo?" mahina niyang sabi. "Let me go," she said in her coldest tone.

Umiling ako at lalo pang hinigpitan ang yakap sa mga binti niya. Isinubsob ko sa mga hita niya ang mukha ko at umiyak nang umiyak doon. "I'm so sorry, Abby, kung naglihim ako sa iyo. Pero alam mong hindi ko magagawa na lokohin ka. Ikaw lang ang babae sa buhay ko."

Kinalas niya ang mga braso kong nakayakap sa mga binti niya. "I hate you, Gab!" mariin niyang sabi. "Hindi ko alam kung kaya ko pang patawarin lahat ng mga ginawa mo. Sobra na kasi iyong sakit. Hindi lang isa kundi dalawang anak ang nawala sa akin nang dahil sa iyo! Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa isang ina ang mawalan ng isang anak pero dalawang beses ko pang naranasan iyon dahil sa 'yo. You don't know how much I'm hating you right now!"

Natigilan ako sa mga sinabi niya. Napatayo na rin ako. "No, honey, you don't mean that. Nasasabi mo lang ang mga iyan ngayon dahil galit ka pa. Magpalamig ka muna then I'll explain everything to you dahil nahihirapan akong makitang nasasaktan ka. Mahal na mahal kita, Abby."

She laughed mockingly again. "Siguro nga tanga ako dahil naniwala rin ako na totoong mahal mo nga ako. Hindi ka marunong magmahal dahil selfish ka."

Umalis siya sa harap ko at pumasok sa walk-in closet namin. Mabilis ko siyang sinundan at nakita kong hawak na niya iyong isang maleta namin. Lumapit ako agad sa kanya at pinigilan ang mga kamay niya. "Please, don't do this, Abby. Please, not now. Alam mong hindi ko kakayanin na wala ka sa akin. Na wala kayo ni Hash sa akin."

She looked straight into my eyes. "Totoo bang mahal mo ako, Gab?" mahina niyang tanong sa akin.

Pumikit na ako at tuluyan na ring napahagulgol sa harap niya. I opened my eyes and looked straight into her eyes also. "You know I do, Abby. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ni Hash." Garalgal na ang boses ko. Halos di na rin ako makahinga.

"Then let me go."

******

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

263K 14.5K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
887K 655 1
For complete version, visit Dreame/Yugto app
764K 15.6K 48
R-18. Bumagyo? Check. Sa isang kubo. Check. Nagkayapakan. Check. Nagkatabing matulog sa buong magdamag. Check na check. Jenelle Alexandra Oriento spe...