Faded Memories (Complete)

By AaliyahLeeXXI

276K 5.3K 67

Faded Memories (Revised) Let's join Gabriel and Abby on their journey from the present, past and their future... More

Faded Memories
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
***Finale***
***Epilogue***
~♥✿ Special Chapter 1 ✿♥~

Chapter 22

4.4K 84 0
By AaliyahLeeXXI

I woke up the next morning when I heard the sound of the door bell. I looked at the bed on Gab's side but he was not there anymore. I noticed that I'm wearing his shirt again. Malungkot akong napangiti. This will be the last time that I'll be waking up on his bed wearing his shirt.

Tumunog ulit ang door bell at dali-dali akong bumaba mula sa kama. Masakit pa rin ang buong katawan ko but I can still manage to walk. Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya alam kong naliligo si Gab.

Wala sa sariling tinungo ko ang sala. Nawala na sa isip ko ang usapan namin ni Gab na hindi ako pwedeng magbukas ng pinto kapag nandito ako sa condo niya because what's happening between us is a secret. Kami lang dalawa ang nakakaalam sa sitwasyon naming ito.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko at biglang pagkabog ng dibdib ko when I opened the door. Shít!

"Abby?" gulat na sabi ni Gomer. He looked at me from head to foot. He cursed. "Fúck!"

"Gomz..." Nanginginig ang boses ko. Sunud-sunod na paglunok ang nagawa ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Fúckshít!" galit na sigaw ni Gomer. He went inside the condo para hanapin si Gab.

I ran after him. Kasunod ko sila Calix at Yui. Hindi ko alam ang pwedeng gawin ni Gomer kay Gab. We're not real siblings pero ibinilin ako nila Mama sa kanya. He protected and cared for me like his own biological sister. Sabay kaming lumaki kaya sobrang attached kami sa isa't-isa kaya alam kong galit na galit siya ngayon kay Gab. Hindi niya ito mapapalagpas ng basta-basta lang.

Sakto naman na lumabas si Gab mula sa banyo na naka-boxer briefs lang. Natigilan ito sa pagpupunas ng basang buhok gamit ang towel nito when he saw us.

"Gomz! Please stop!" sigaw ko para awatin si Gomer pero huli na. He already puched Gabriel kaya bumagsak ito sa sahig.

Tumayo agad si Gab at akmang susugurin si Gomer pero agad itong nahawakan ni Calix para awatin.

"Putang-ina mo, Gabriel! Gago ka! Sa dinami-dami ng mga babaeng pwede mong ikama, bakit si Abby pa!" sigaw ni Gomer habang inaawat naman ni Yui.

Gab wiped the blood on the side of his lips. Dumako ang mga mata niya sa akin at kitang-kita ko ang galit sa mga 'yon. Maraming pwedeng mangyari kapag nabuko kami sa mga ginagawa namin. At heto nga, nangyari na.

Gusto kong lapitan si Gab pero pinigil ako ni Gomer.

"Si Abby ba iyong itinatago mong fúck buddy?" galit na tanong ni Gomer.

Gab just looked away kaya sinugod ulit siya ni Gomer at sinuntok kaya bumagsak ulit siya sa sahig.

"Dude! Awat na!" si Calix.

Hinawakan na nila Calix at Yui si Gomer. Ako ang dumalo kay Gab. Akmang hahawakan ko pa lang siya ay tinabig na niya ang mga kamay ko. Parang gusto kong maiyak. "Gab naman," pabulong na saad ko.

"Tsss... " he hissed sabay tayo. Ramdam ko ang galit ni Gab sa mga titig niya sa akin. Tumingin siya kay Gomer at nagsalita. "Bakit di mo muna tanugin si Abby bago mo ako sugurin sa mismong pamamahay ko? Hindi naman ako basta tumutuka kapag di ako binubudburan!" He glanced at me. Nanlilisik ang mga mata niya kaya napayuko ako.

Umalis si Gab sa harap namin at pabalibag na isinara ang pinto ng kwarto niya. Gusto ko siyang sundan pero pinigilan ako ni Gomer.

Isinuot nito sa akin ang jacket nito at hinila ako palabas ng condo ni Gab. We went to his car. Kabang-kaba ako.

Habang palayo kami ng condo building ay napadako ang tingin ko sa side mirror. Alam kong hindi ako namamalik-mata. Gabriel was there on his window, looking at our direction habang palayo kami doon. Anger was clearly written on his face. Nag-aalala ako at natatakot at the same time dahil baka kamuhian na ako ni Gab dahil sa nagawa ko. Di ko naman sinasadyang maging careless at absent-minded.

Tahimik lang kami buong biyahe. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula o kung paano ako magpapaliwanag kay Gomer. Kinakabahan ako. Malamang sa magsumbong siya kila Papa kaya natatakot talaga ako. Ayaw ko pa naman na nadi-disappoint ang parents ko sa akin.

"Kailan pa, Abby?" biglang tanong ni Gomer.

Napalunok ako at napatingin sa kanya. I trust Gomer so much. I also consider him as my bestfriend. I deeply sighed. "Five months?" kinakabahang sagot ko.

Naihampas niya ang mga kamay niya sa manibela. "Tangna talaga! Kaya pala di na sumasama ang gagong iyon sa mga gimik namin, ikaw pala ang pinagkaka-busy-han!" May galit pa rin sa boses niya.

"Sorry, Gomz. Alam mo naman, di ba?"

"Isa pa iyan! Tang-inang pag-ibig 'yan, Abby! Sinabihan na kita dati na iwasan mo si Gab pero di mo ako pinakinggan! Tigas ng ulo mo! Tapos ngayon fubus kayo? Paano kung mabuntis ka nang wala sa oras? Ano na lang ang iisipin nila Mama? Na basta na lang kita pinabayaan? Sa tingin mo ba pananagutan ka ni Gabriel kapag nabuntis ka lalo na at bumalik na iyong baliw na syota niya? Ano ka ngayon, thank you?" mahabang litanya ni Gomer.

Nakikinig lang ako sa kanya. Tama naman kasi siya. Sana noon pa ay umiwas na ako para di kami umabot sa ganito. Di sana durog ang puso ko ngayon. Yumuko lang ako at nagkagat-labi. Naiiyak ako.

"Pero di naman ako papayag na di ka panagutan ni Gabriel. Ayokong itulad ka lang niya sa mga babae niya," dagdag pa niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit, Gomz, ano'ng gagawin mo kay Gabriel?" nag-aalalang tanong ko.

He smirked. "Mahal na mahal mo talaga siya, di ba?" tanong niya.

Tumango ako.

******

It's been a week since Gomer found out about what's happening between me and Gab. Sinabi niya kila Mama at Papa ang tungkol doon. For the first time in my life ay naranasan kong dumapo ang palad ni Papa sa pisngi ko. Hindi ko naman masisisi si Gomer. Alam kong concern siya sa akin at responsibilidad niya ako.

Papa initiated that I should be tested for possible pregnancy. Nakahinga sila ng maluwag when the result came negative. Pero para sa akin, mas gugustuhin ko pa na nabuntis na lang ako. At least, nawala man si Gab sa buhay ko ay may maiiwan pa rin sa akin na maaaring magkonekta sa amin.

I was grounded for the whole week. No gadgets, no hangouts at hindi rin ako pinapapasok sa school. Pinapadalhan lang ako ng handouts para makapag-review sa mga subjects ko. Papa talked to our dean kaya napayagan akong mag-take ng final exams all by myself sa isang private room ng College of Engineering Building.

Hindi rin ako pwedeng lumabas ng bahay kapag wala si Gomer. In short bantay sarado ako.

Halos gabi-gabi akong umiiyak sa pag-aalala kung ano kaya ang iniisip ni Gab ngayon. Nag-aalala din kaya siya sa akin? Galit pa rin ba siya sa akin?

Napakarami kong iniisip plus the fact that until now ay hindi pa rin ako kinikibo ni Papa. Hindi ako sanay dahil masyado akong close sa kanya kaya ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

Kanina ay panel defense namin para sa thesis kaya pinayagan na akong pumasok sa school. Hindi ko nga alam kung nakapasa ba ako doon dahil halos di naman ako nakasagot sa tanong ng mga panelists dahil sa pagse-self-pity ko. Preoccupied ng mga problema ang utak ko plus the fact na groupmates kami Gab sa thesis pero hindi man lang niya ako tinitingnan during our defense.

Ngayon nga ay nagkakaingay ang classmates namin dito sa loob ng classroom. They're celebrating dahil graduation na lang ang kailangan namin hintayin. May mga naglalaro, nagpupustahan, nagbabatuhan ng mga papel, nagkakantahan. They're all having the time of their lives habang nandito ako, nag-iisa sa sulok na nakatingin sa labas ng bintana at nagmumukmok.

Si Gabriel, ayun, he seemed not affected about what happened between us. Tawa pa nga siya nang tawa habang nakikipagkwentuhan sa mga kaklase namin. Gusto ko siyang lapitan at kausapin pero nakasunod ang mga mata ng lookout ni Gomer sa akin. Ni hindi rin sila nag-uusap ni Gab kaya nagi-guilty ako. Nang dahil sa akin ay naapektuhan pati ang friendship nila.

I was pulled out of my thoughts nang biglang nagtilian ang grupo ng mga kumakanta. Actually, all of us inside the room ay napatingin sa kanila.

"Abby, oh, si Jace," ngiting-ngiting sigaw ni Mia sa kabilang panig ng classroom. Blocked section kasi kami. Since first year ay kami na ang magkakasama kaya naman close ang buong section namin sa isa't-isa at lima lang kaming babae.

"Crush ka daw ni Jace since first year pa."

"Inggit ka lang, Mia, dahil lahat ng lalaki sa section natin eh si Abby ang crush at hindi ikaw," balik ni Jace dito.

"Boom! Basag!" natatawang sabi ng classmates ko.

"Mga walangya!" pabirong sigaw ni Mia habang palapit sa akin.

"Lagot kayo kay Gab. Taken na si Abby no!" sabi ni Russel na kausap ni Gab kaya napatingin ako sa gawi nila at nakita ko si Gab na tiim-bagang at matalim na nakatingin sa akin. If we were in a normal situation ay siguradong badtrip na agad siya dahil ayaw na ayaw niyang nakakarinig na may nagkakagusto sa akin.

"Bakit ka ba nagmumukmok diyan?" Mia asked me. She grabbed my wrist and pulled me up to stand. "Lika doon, join us."

Bigla na lang akong hinila nito kaya wala na akong nagawa.

"Wag mo na dibdibin yung nangyari sa defense kanina. Papangit ka niyan. Kantahan mo na lang kami," sabi naman ni Lynn.

Inabot ni Jace sa akin ang hawak nitong gitara.

"Teka saglit. Di naman ako marunong-"

"Wag na magdahilan. Nasilip kaya namin kayo sa classroom ni Gab dati at nakita ka namin na tinutugtog iyong gitara niya habang kinakantahan mo siya. Ano iyon, exclusive lang kay Gab ang talent mo? Share mo naman sa amin," sabi ni France.

Namula ako dahil sa sinabi nito. Napatingin ako sa hawak kong gitara. Nagdadalawang-isip pa ako kung gagawin ko ba o wag na lang. If I cannot talk to him directly, bakit ba hindi ko idaan sa kanta ang mga gusto kong sabihin sa kanya.

I sighed deeply. I sat on the desk and started strumming and singing.

The end of the night

We should say goodbye

But we carry on

While everyone's gone

Ang kaninang nagkakaingay na mga kaklase ko ay biglang nagsitahimik at nabaling ang atensiyon sa akin.

Never felt like this before

Are we friends or are we more?

As I'm walking towards the door

I'm not sure.

I looked at Gab's direction while reminiscing in my mind the last night that we were together. I stared directly in his eyes.

But baby if you say you want me to stay,

I'll change my mind

'Cause I don't wanna know I'm walking away

If you'll be mine

Won't go, won't go

So baby if you say you want me to stay, stay for the night

I'll change my mind.

My eyes started to heat up while singing those lines. I saw Gabriel's eyes softened for a while before his jaw tightened and his fists clenched while glaring at me. Hindi ko na kinaya ang intensity ng titig niya kaya nagyuko na lang ako ng ulo.

Lean in when you laugh

We take photographs

There's no music on

But we dance along

Never felt like this before

Are we friends or are we more?

As I'm walking towards the door

I'm not sure.

Ang sakit na dito lang nagtapos ang lahat sa amin. Ang dami ko pa naman mga pangarap na gusto kong gawin kasama siya pero sabi nga nila, all good things must come to an end.

But baby if you say you want me to stay,

I'll change my mind

'Cause I don't wanna know I'm walking away

If you'll be mine

Won't go, won't go

So baby if you say you want me to stay, stay for the night

I'll change my mind.

I took a deep breath as I stopped strumming the guitar. I looked straight into his eyes. "I'm sorry," sabi ko sa kanya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Ibinaba ko ang hawak kong gitara saka patakbong lumabas ng room. Wala na akong pakialam sa nagtatakang tingin ng mga classmates namin at ng mga estudyanteng nagkalat sa hallway. I immediately ran to the comfort room at nagkulong sa isang cubicle para doon umiyak nang umiyak.

Kahit ano pa ang gawin ko ay alam kong di na siya babalik sa akin. Hanggang doon na lang talaga kami. Everything that happened between us will only stay as good memories forever on my part.

******

Pagkatapos ng katangahang pagkanta at pag-iyak ko sa classroom namin ay di na ulit ako pumasok sa school. Kay Gomer ko na lang ipinapasa sa mga prof namin ang projects ko. Hindi ko na kayang makita si Gab nang di ako naiiyak. Nagkulong na lang ako sa bahay namin habang naghihintay ng graduation.

Nagkasya na lang ako sa pagtingin sa mga pictures namin na magkasama sa cellphone ko at sa pag-sketch ng mga mukha niya sa sketch pad ko habang minumura ko ang sarili ko dahil paano ako makaka-move on kung puro siya pa rin ang naiisip ko at bawat gawin ko ay related pa rin sa kanya.

When it's through, it's through

Fate will twist the both of you

So come on baby come on over

Let me be the one to show you

I heaved out a deep sigh habang nakadapa sa ibabaw ng kama ko. Pati kanta na tumutugtog sa component ko dito sa kwarto ay nakaka-relate din sa mga nararamdaman ko ngayon.

I'm the one who wants to be with you

Deep inside I hope you feel it too

Waited on a line of greens and blues

Just to be the next to be with you

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan dahil nagsisimula na namang tumulo ang mga luha ko. Sheez! I really want to be with him pero ayaw na talaga niya sa akin.

Why be alone when we can be together baby?

You can make my life worthwhile

And I can make you start to smile

Nagulat ako nang biglang namatay iyong component kasunod ng isang pagtikhim. Napalingon ako agad sa component system rack at nakitang nakatayo si Mama doon. Lumapi siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"You don't need to torture yourself, Abby, by listening to those depressing songs all day," she said and smiled at me sympathetically.

I already told Mama about my true feelings for Gab. Na iyon ang dahilan kaya nagawa ko ang bagay na iyon. Akala ko ay magagalit din siya like Papa pero di naman pala. Parang natuwa pa nga siya sa nalaman niya. Nagmahal lang daw ako ng sobra-sobra kaya pati sarili ko ay di ko na naisip.

Hinaplos ni Mama ang buhok ko. "Magbihis ka ng maganda, anak. May lakad tayong tatlo ng papa mo at alam kong matutuwa ka," ngiting-ngiting sabi niya.

"Saan po tayo pupunta, Ma?" Tanong ko.

"Basta. Surprise iyon. Sige na, baka ma-late pa tayo."

Ngumiti lang ako at matamlay na naghanda ng sarili ko kahit na ang totoo ay mas gusto ko pang magmukmok mag-isa dito sa kwarto ko.

We went to a classic restaurant. Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Walang sinabi sila Mama na kahit na ano kaya iba ang pakiramdam ko dito.

Pumasok kami sa isang private room. Ganoon na lang ang kaba ko nang salubungin kami ng parents ni Gab.

Tita Gracia hugged me tightly and kissed my cheek. "Hello, Abby! Kamusta ka na? You're getting more beautiful whenever I'm seeing you," puri ni tita.

"Thank you po, Tita. Ayos naman po ako." Ngumiti ako sabay yuko. Nakadama ako ng hiya. Baka kung ano na pala ang iniisip niya tungkol sa akin dahil sa mga nangyari sa amin ni Gab. Hindi ko alam kung alam ng parents ni Gab ang namagitan sa aming dalawa.

Nakangiti rin akong niyakap ni Tito Joaquin. Parang tuwang-tuwa pa sila nang makita ako. Hinanap ng mga mata ko ang gusto kong makita pero nadismaya lang ako dahil ni anino niya ay wala dito. Nakakapanlumo.

Nasa kalagitnaan sila Mama ng masayang kwentuhan nang biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon. Sakto namang napatingin din si Gab sa akin. Napahinto pa siya nang makita ako. Parang nagulat pa nga siya at biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Kita ko na naman ang galit sa mga mata niya.

Yumuko na lang ako. He acted normal na parang walang nangyari sa amin. Kumain kami ng dinner. Masayang nag-uusap ang parents namin while Gab was busy with his phone. Napadako ang mga mata ko sa kanya. He glanced at me for a while at umirap siya. May ibinulong pa siya sa sarili niya pero di ko naman narinig. Magkaharap kasi kami. Yumuko na lang ulit ako. Hindi ko kayang salubungin ang galit na titig niya. Napatingin ako sa daddy ni Gab nang magsalita ito.

"Well, since nandito na rin naman tayong lahat, bakit di pa natin pag-usapan ang tungkol sa dalawang bata," saad nito na ipinagtaka ko.

Pag-uusapan ang tungkol sa amin? Dumako ang mga mata ko kay Gab. He seemed confused and puzzled.

"Gabriel, Abigail, actually matagal na namin itong napag-usapan. After you graduated from grade school ay napagplanuhan na naming ipagkasundo kayo. This is for your own good and for the betterment of our companies also. Nakikita rin kasi namin ang closeness ninyo since high school kaya hindi kami mahihirapan pang paglapitin kayong dalawa," mahabang paliwanag ni Tito Joaquin.

Napatingin ako sa parents ko. I gave them a little smile. Ito ba ang sinasabi ni Mama na magugustuhan ko? I should've known earlier na hindi hahayaan ni Papa na hindi ako mapanagutan. Nakadama ako ng kasiyahan sa puso ko kahit kinakabahan ako.

"And we planned that after you graduated in college, which is two weeks from now, that we'll start the preparations for your wedding," dagdag pa ni Tita Gracia.

Pero naagaw ang atensyon naming lahat nang marinig namin ang pagbagsak ng mga kurbyertos sa pinggan ni Gab. Napatingin kami sa kanya. Nakatagis ang mga bagang niya at padabog na tumayo.

"Gabriel Joaquin!" sigaw ng daddy niya.

"Dad, hindi naman yata tama iyon. Hindi porke close kami ni Abby noon ay ipagkakasundo n'yo na kami lalo na't hindi naman namin mahal ang isa't-isa!" iritadong sabi ni Gab.

Napalunok ako. Nasaktan ako sa mga sinabi ni Gab. Ako lang talaga ang nagmamahal sa kanya. Nakayuko lang ako. I clenched my fists on my lap as I felt another crack on my already shattered heart.

Biglang nagsalita si papa "Pero hindi naman ako papayag na di mo pakasalan ang anak ko, Gabriel!" he said firmly.

Hinimas ni Mama ang braso ko. Hinila naman paupo ni Tita Gracia si Gab.

"Napag-usapan na natin ito noon pa, Joaquin. Hindi naman ako makakapayag na hindi niya panagutan ang mga nangyari sa kanila ng anak ko. And besides, wala akong ibang gustong makasal sa anak ko noon pa kundi si Gabriel lang." Binato ni Papa ng nagbabantang tingin si Gab.

Parang hindi na ako makahinga dahil sa tensiyon na nakabalot sa paligid. Dàmn it! They knew!

"Ganoon din naman ako, Bernardo. Ever since Alice gave birth to Abigail and the first time I saw her in the nursery room of the hospital ay alam kong gusto ko na siya for my little Gabriel. And I also want him to take responsibility of what he did to Abby."

"Then let's proceed with the agreement," saad ni papa.

Tumikhim si Tito Joaquin. "Okay. Itutuloy ang kasunduan whether you like it or not, Gabriel. Hindi mo makukuha ang mana mo at maging ikaw din, Abigail, kung hindi matutuloy ang merging ng company natin.

Wala kang makukuha ni katiting mula sa amin, Gabriel, kapag hindi natuloy ang kasal. Mawawalan lang ng bisa ang kasunduan kapag tumanggi si Abby na pakasalan ka. Kapag pumayag naman sa kasal si Abby, makukuha mo lang, Gab, ang mana mo kapag 25 years old ka na," mahabang paliwanag ng daddy ni Gab.

"You can't do those things, Dad," umiiling na sabi ni Gab na halatang hindi makapaniwala sa mga sinabi ng daddy niya.

Tinitigan ng matalim ni Tito Joaquin si Gab. "Try me, Gab," he said sternly.

I heard Gabriel silently cursing. Mataman lang akong nakikinig sa kanila. Hindi ko alam na may ganitong kasunduan pala para sa aming dalawa. Nakadama ako ng tuwa. Pabor sa akin ang lahat. Pasimple akong tumingin sa gawi ni Gab. Kita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya at dama kong labag sa kanya ang kasunduang ito.

"Now, hija, the decision is in your hands. Sagot mo lang ang kailangan namin para matuloy ang lahat ng ito at para mapanagutan ni Gab ang mga nangyari sa inyo," biglang baling ni Tito Joaquin sa akin.

Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nalilito pa ako. Halo-halo ang mga nararamdaman ko. Natutuwa ako, oo, pero di ko naman maiwasang di mag-alala para kay Gab. At the same time ay nahihiya ako dahil pati pala parents ni Gab ay alam ang mga nangyari sa aming dalawa.

I made an excuse para magpunta sa rest room. Gusto kong pag-isipan ng mabuti ang lahat at timbangin ang mga bagay-bagay.

Humarap ako sa salamin sa loob ng rest room. Nasa akin ang desisyon. Kahit umayaw si Gab, kapag pumayag ako ay tuloy pa rin ang kasal. Kapag tumanggi ako ay siguradong magagalit si Papa sa akin dahil sa pagkawala ng dignity ko.

Mahal na mahal ko si Gabriel at ito na lang ang huling alas ko para makasama siya. Besides, siya lang ang lalaking pinagbigyan ko ng lahat sa akin. Ako ang lugi kapag di ako napanagutan kahit sabihin pa na hindi naman nagbunga ang mga ginawa namin.

Gusto ko siyang makasama kahit labag pa sa kalooban niya. Alam kong matututunan niya rin akong mahalin. Alam ko iyon. Kapag kasal na kami, lagi na kaming magkakasama kaya madali ko na lang magagawa ang paibigin siya. And I'll make sure na magtatagumpay na ako this time.

Huminga ako ng malalin at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. I smiled. Ito na talaga! This is my last chance to be with him and my decision is final.

Lumabas ako ng restroom. Nagulat na lang ako nang biglang may humila sa akin sa isang sulok.

"Gab..."

Isinandal niya ako sa pader at ikinulong sa magkabilang braso niya. He looked directly into my eyes. Galit ang nakikita ko doon. Pero bakit? Dahil ba kay Carmela o sa kalayaan niya? Napalunok ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at nanginginig pa ang mga tuhod ko. Gusto ko siyang halikan at yakapin pero natatakot ako. Miss na miss ko siya. Dalawang linggo na ang nakakalipas na siya lang ang laman ng isip ko.

"Tumanggi ka sa kasal, Abby. Utang na loob. Ayoko pang matali ng maaga! Ayoko pa ng responsibilidad. Hindi naman kita mahal," diretsong sabi niya.

Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. Napalunok ako. "Sorry, Gab," simpleng sagot ko. Nagulat na lang ako nang bigla niyang suntukin ang pader sa side ko kaya napapikit ako kasabay ng isang impit na tili.

"Pútang-ina! Ganyan ka na ba kadesperadang makasama ako ha, Abby? Hindi pa ba sapat sa iyo iyong ikinama na kita? Ngayon naman ipapatali mo pa ako sayo? Dàmn it! Mas okay pa sa akin ang kant*tin ka na lang ng paulit-ulit kesa maging reponsibilidad kita habambuhay!" galit na galit na sabi niya.

I swallowed hard kasabay ng sunud-sunod na pagtulo ng mga luha ko. Ang sakit niyang magsalita. Para bang sinasabi niya sa akin na parausan lang ako para sa kanya. Na kahit kaunti lang ay wala talaga akong halaga para sa kanya.

Hindi ko rin alam kung bakit biglang nagbago si Gab ng ganito. Sobrang dumi na ng lumalabas sa bibig niya. Pero lintik na puso ito, napaka traydor talaga dahil kahit paulit-ulit na niya akong sinasaktan ay hindi pa rin siya magawang kamuhian. Sobrang mahal na mahal ko siya at di ko yata kayang di siya makasama. Sobrang nasanay na ako na lagi siyang nasa tabi ko.

"Mahal na mahal kita, Gabriel. Sorry," umiiyak na sabi ko sabay alis sa harap niya. I heared him cursed pero di ko na siya pinakinggan pa.

I wiped my tears. Inayos ko ang sarili ko and I immediately went back inside the room. Pinilit kong ngumiti sa mga magulang namin. Oo na, ako na ang desperada.

Nakasunod si Gab sa likuran ko. Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Mama, Papa, Tito, Tita, payag na po ako sa kasal. I'm going to marry Gabriel," halos hindi humihingang sabi ko habang nangingilid ang mga luha ko.

******

Engradeng kasal ang inihanda nila para sa amin. Nagkaroon pa kami ni Gab ng isang exclusive interview sa isang business magazine. Immediately after the announcement of our engagement, our companies merged. Nagkaroon pa kami ng column sa isang famous broadsheet with the title, "Fernandez-Montreal Powers Merged".

We acted like a real couple in front of other people. We acted like we're truly in love with each other kahit ako lang talaga ang nagmamahal. Ginawa rin kaming model ng bridal gown and groom's suit ng kapatid ni Travis. Ang "TyraU" ng Perfect Couple Magazine.

Nabalitaan ko rin na umalis na si Carmela nang na-engaged na kami ni Gab. Wala na akong balita sa kanya ngayon.

******

Until our wedding day came. It was a grand garden wedding. Napakaraming mga bisita. Mostly were relatives and business associates. May ilang politicians at artista pa.

I felt nervous ang excited at the same time. This is our day. Suot ko ang gawang luxurious gown ng kapatid ni Travis. It was made with the most expensive fabrics na in-import pa nito from Paris, France. It was designed with swarovski crystals. I look like a princess dahil sa sobrang haba ng veil at may tiara pa na puno ng diamonds ang buhok ko.

As I walk down the aisle, halos lahat ng mga tao ay nakatingin sa akin ng nakangiti na para bang sobrang ganda ko.

Si Gomer ang bestman ni Gab at si Monique naman ang maid of honor ko. I saw Nicz waved her hand on me and mouthed "Ang ganda mo!"

Napangiti ako. Parang gusto kong umiyak sa magkahalong lungkot at saya. I will marry the only man that I love kahit na alam kong napipilitan lang siya. But the hell I care. Hindi ako susuko. I will do everything para lang mahalin niya.

"Are you happy, Abby?" my father asked beside me while we're walking slowly.

Napalingon ako sa kanya. "Yes, Papa."

"I only pushed through with this agreement because you know that I only want your happiness always."

My eyes watered. "I love you po, Papa. I'll forever be thankful to you because of this."

He glanced at my side. "You are my princess, Abby. I won't allow anyone to just take advantage of your innocence." He smiled at me. "And I love you, too...so much. So please do not cry. It's your wedding day."

Habang papalapit kami kila Gab ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. I looked at him, nakatingin lang siya sa akin. Ang gwapo ni Gab sa suot niyang white suit. Hindi ko akalain na aabot pa kami dito kaya sobrang saya ko.

Nang nasa harap na kami nila Gab at Gomer ay hindi pa rin natatanggal ang titig ni Gab sa mukha ko. Nakatulala siya. Siniko pa siya ni Gomer kaya parang napabalik siya sa realidad. He gave me a small smile pero agad niya ring binawi iyon sabay iwas ng tingin sa akin.

The wedding ceremony went fine. We took our vows and exchanged our rings.

We were facing each other when the officiating minister anounced:

"You may now kiss your bride."

Napalunok ako. This is the first kiss that we're going to share as official married couple in the eyes of the crowd, the law, and in God's eyes.

Gab looked at me without any expressions on his face. Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya. I tiptoed kahit pa naka-heels na ako. Sobrang tangkad naman kasi ni Gab.

He kissed my lips. Rinig ko ang palakpakan ng mga tao. He deepened the kiss na ipinagtaka ko. He kissed me without love but in a punishing way. Napamulat ako at napatingin sa kanya when he bit my lower lip. Galit ang pag-angkin na iginawad niya sa mga labi ko.

He opened his eyes. Galit ang mga mata niyang nakatingin sa mga mata ko. "This is what you want, right? Fine! But always keep in mind that I will never be a good husband to you. Fúck, Abigail! Sinasabi ko sa 'yo, laslaspagin lang kita! Tangna!"

******

Napabalikwas ako ng bagong mula sa panaginip na iyon. Tagaktak ang pawis ko sa mukha at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. It wasn't just a dream. It really happened in reality. Gab and I got married after college.

Nasapo ko ang noo ko. Unti-unti ko nang naaalala kung ano kami noon. Ang sakit ng ulo ko. May mga gusto pa akong alalahanin pero di na kaya ng utak ko.

I looked around and I saw Gabriel on my side, peacefully sleeping. I want to touch his face pero pinigil ko ang sarili ko dahil ayoko siyang gisingin.

I'm with the only man that I ever love my whole life. Bakit napakalaki na ng ipinagbago niya? Ano ba ang mga nangyari pagkatapos namin ikasal?

Napakaraming mga tanong sa utak ko ang hindi ko pa masagot. As of now, isa lang ang mahalaga sa akin. Finally, natupad na rin ang nag-iisang pangarap ko. Ang mahalin ni Gab. Hindi ko man matandaan how he ended up loving me, sobrang saya ko naman dahil di pala nasayang ang lahat ng mga sakripisyo ko noon para lang matutunan niya akong mahalin.

"Abby?" nagkukusot ng mga matang sabi ni Gab habang umuupo paharap sa akin. Nagising ko pala siya nang di ko alam. He frowned when he saw me holding my head. "Are you okay, Abby? Masakit na naman ba ang ulo mo?" Lumapit siya sa akin at masuyong hinalikan ang noo ko habang marahang hinahaplos ng kamay ang side ng ulo ko.

Humarap na din ako sa kanya. Napangiti ako. I really miss this man kahit araw-araw ko pa siyang nakakasama dito sa isla.

I reached my hand to touch his face. "I love you, Gab," I tearfully said.

Napatulala siya sa narinig niya. Hindi siya nakapagsalita agad.

I claimed his lips. Ramdam kong napangiti siya. I wrapped my arms around his neck and started kissing him passionately.

He braced his arm around me and responded to my kisses.

I was the one who cut the kiss and looked straight into his eyes.

"Abby?" he said confusedly.

I nodded my head. "Naaalala ko na, Gab. Mahal talaga kita at totoong kasal nga tayong dalawa."

******

Songs:

Change My Mind

By: One Direction

To be with You

By: Mr. Big

**********


Continue Reading

You'll Also Like

766K 15.6K 48
R-18. Bumagyo? Check. Sa isang kubo. Check. Nagkayapakan. Check. Nagkatabing matulog sa buong magdamag. Check na check. Jenelle Alexandra Oriento spe...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
13.6K 508 54
Love. Pain. Forgiveness. Three words to emphasize what is in a Marriage. A sacred union of two people. Who promised to cherish each other through th...
115K 2.7K 26
Devren William Cencile owns a famous five-star hotel "Cencile Hotel Resort". At the young age of 14, he was trained to enter the business industry be...