Faded Memories (Complete)

By AaliyahLeeXXI

276K 5.3K 67

Faded Memories (Revised) Let's join Gabriel and Abby on their journey from the present, past and their future... More

Faded Memories
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
***Finale***
***Epilogue***
~♥✿ Special Chapter 1 ✿♥~

Chapter 12

5.5K 116 0
By AaliyahLeeXXI

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin na humahampas sa katawan ko. Napakunot ang noo ko sa nakikita ko. Nagising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin.

Maganda at presko sa mga mata ang buong paligid. The bedsheet and the curtains around the room are white. Malamig na simoy ng hangin ang pumapasok mula sa nakabukas na sliding door and windows. Nililipad pa nito ang mga kurtina. Nakakarinig din ako ng paghampas ng mga alon. A-alon? Wait lang, bakit may alon?

Nanlaki ang mga mata ko at muling bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina. Sa pagkakatanda ko ay may dumukot sa akin na mga lalaki at isinakay ako sa isang van. Sumakit na naman ang ulo ko kaya nakatulog ako. At ngayon naman ay nagising ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saang lupalop ng Pilipinas nag-e-exist.

Napatingin ako bigla sa suot ko. Nanlaki ang mga mata ko at halos mapamura ako. As far as I can remember, I was wearing skinny jeans and a long sleeved shirt so why the hell am I wearing a white beach dress now?!

I am wondering kung sino ang nagpalit ng damit ko. Bigla akong binalot ng kaba. Pinakiramdaman ko ang katawan ko pero wala naman akong kakaibang naramdaman. I felt relief gushed down my veins.

Pero di ko maiwasang hindi makaramdam ng galit sa kung sino mang halimaw na nagpadukot sa akin. Ang sama niya! Idedemanda ko talaga siya at sasampahan ng maraming kaso para mabulok siya sa bilangguan!

Napabuntong-hininga ako at nagpasyang bumaba mula sa kama para hanapin ang walang hiyang nagpadukot sa akin o di kaya ay tatakas ako dito.

Halos mahulog ako sa kama dahil nagulat ako nang biglang may nagsalita.

"Good morning, honey!"

My heart started beating fast upon hearing that voice. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si...

"Gab?!" I exclaimed. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Nakatayo siya sa may hamba ng pintuan at nakatingin ng diretso sa akin.

Ang gwapo niya sa suot niyang white polo na nakatupi hanggang siko ang mga manggas, bukas ang mga butones niyon at nakasuot siya ng beach shorts. Nakangiti pa siya na lalong nakadagdag sa angking kagwapuhan niya.

Napalunok ako at naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. What the heck? Don't tell me na nagkaka-crush ako sa freak na ito?

"Welcome to our new paradise, honey," nakangising sabi niya na nagpakunot sa noo ko. Ano ba ang pinagsasasabi ng lalaking ito?

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin nang di inaalis ang mga mata mula sa pagkakatitig sa akin.

"Hoy, Montreal! Nasaan ako?" inis na tanong ko sa kanya.

"Nasa puso ko, Abby," diretsong sagot niya sabay kindat na nagpalakas sa kabog ng dibdib ko.

"Huh? Bakit nga ako nandito? Ano'ng kailangan mo sa 'kin?" singhal ko sa kanya.

"Dahil gusto kitang makasama at marami akong kailangan sayo," sagot niya habang nakatingin sa akin.

"What? Wala akong utang sa 'yo, Gabriel, ha! Ikaw ba ang nagpadukot sa akin, ha?" magkasunod na tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin. "Ikaw rin ba ang nagpalit ng damit ko?" dagdag ko pa. He was just smiling kaya lalong nag-init ang ulo ko.

"Malaki ang utang mo, Abby. Kinuha mo ang puso ko kaya sisingilin kita ng pagmamahal ko sa 'yo," saad pa nito.

Napanganga ako. Seryoso? Si Gabriel Montreal ba talaga itong nasa harap ko?

"And yup, honey! Ako nga ang nagpadukot sa 'yo dahil ayaw ko nang mawala ka pa sa paningin ko." He stopped for a while at tiningnan ako from head to foot while bitting his lips, eyes full of lust. "And yes, ako nga ang nagpalit ng damit mo. Masyado kasing masikip iyong suot mo kaya I'd rather change it kaysa naman mainitan ang mahal ko!" Kumindat pa ang loko.

Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya sabay sapak sa dibdib niya.

"Manyak mo talaga, Gabriel! Eh di nakita mo lahat sa akin? Shít ka talaga!" inis na inis na saad ko habang sinusuntok ang dibdib niya.

He just laughed na ikinagulat ko. May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?

"I really missed this kind of scenarios. Masyado ka kasing mabait sa akin since you started to fall for me. Ngayon ko na lang ulit tuloy nae-experience ang katarayan mo," he said while laughing.

I swatted his arm. "Di ko nga maisip kung paano ako nagkagusto sa iyo. Kakadiri! Bwisit ka talaga." I continuously smacked his chest.

"Kakadiri ka diyan! Di ka nga nandidiri kahit lagi tayo nagpapalitan ng laway eh. And besides, hindi ko lang nakita iyang katawan mo, Abby, nahawakan ko pa ang lahat ng sulok niyan at nahalikan," saad pa niya habang nakangisi. Ngising manyak ang halimaw! Bwisit!

"What?!" I hissed. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya napahinto ako sa paghampas sa kanya.

"Yup! We've shared more than touches and kisses, honey! And yes I admit, manyakis nga ako pero ikaw lang ang bukod tanging minamanyak ko," he said while grinning naughtily.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Napalunok ako at napaisip. More than touches and kisses? Shít!

"You-you mean may nangyari na sa atin?"

He smiled and nodded.

I gasped. "Leche ka, Gabriel! Ginahasa mo ako?!" sigaw ko sabay kurot sa katawan niya. Naiiyak ako sa naiisip ko.

He laughed and tried to calm me. Hinawakan niya ang mga braso ko pero nagpumiglas ako.

"Stop that, Abby. Hindi kita ginahasa, okay? We've made love. Hindi kita pinilit. And besides, mag-asawa tayo. What do you expect? Gabi-gabi ko lang tititigan ang masarap na putahe sa tabi ko? Hindi naman ako santo, Abby. Syempre titikman at kakainin ko 'yon 'no!" tumatawang paliwanag niya kaya lalo akong nabwisit.

Sinipa ko siya pero nakailag siya. He's still laughing. "Ibalik mo ako sa siyudad! Ayoko dito. Ayokong kasama ka!" Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

Napahinto siya sa pagtawa dahil sa mga sinabi ko. Hawak pa rin niya ang dalawang kamay ko at tinitigan ako pero umiwas ako sa mga titig niya. Bigla siyang nagseryoso.

"Sorry, Abby, pero hindi ko gagawin iyon. You're gonna stay here with me. I'll make up for everything. Please give me the chance na makabawi sa lahat ng mga ginawa ko noon. Magsisimula ako sa umpisa. If your mind couldn't remember anything about us, we are going to make new memories together here in this island," he said almost pleading pero di ko siya tiningnan.

"Memories? Para saan iyon? Make up for what?" sunud-sunod kong tanong na hindi nakatingin sa kanya.

"Look at me, Abby," he pleaded with a croaked voice.

Ginawa ko naman. I looked directly in his eyes. Nagtitigan kami and I saw love and longing from his charming brown eyes.

"I miss you so much, honey. Alam kong nalilito ka sa mga nangyayari ngayon pero hayaan mo akong ipaalala sa iyo kung ano ako sa buhay mo. Kung ano tayo. I'll make you fall in love with me again," seryosong pakiusap niya.

Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin na para bang hahalikan ako kaya napapikit ako. Hindi ko alam kung bakit di ko siya maitulak palayo pero bigla na lang akong napadilat nang dumampi ang mainit na mga labi niya sa noo ko sabay sabing...

"I will start from here. Sunod ito." Hinalikan niya ang ilong ko. "Tapos dito," sabay haplos ng daliri niya sa mga labi ko.

Napapikit at napalunok ako sa ginawa niya. May kung ano sa puso ko na nagsasabing miss na miss ko na rin siya pati na ang mga halik at yakap niya pero di ko iyon mahagilap sa isip ko. Pero ang bilis naman ng tibok ng puso ko kaya lalo akong nalilito.

"At muli kong aangkinin ito," sabay himas ng palad niya sa dibdib ko. Doon na ako napadilat at itinulak ko siya palayo sa akin.

"Manyak ka talaga, Gabriel!" inis na saad ko.

Ngumisi lang siya sa akin. "Yes I am! Proud to be! At kung iyon lang ang tanging paraan para maalala mo ako, I will be the greatest maniac in the world only for you."

Balahura talaga ang bibig ng lalaking ito. Napaatras ako palayo sa kanya. Humakbang naman siya palapit sa akin. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Habang patuloy akong umaatras ay siya namang pag-abante niya. Sa huli ay naramdaman ko na lang sa likod ko ang malamig na pader at na-corner na niya ako sa mga braso niya.

Napalunok ako dahil sa sobrang pagkakalapit namin. Nakita ko naman na napalunok din siya dahil nakita kong gumalaw ang adams apple niya. Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin. Para bang nagpipigil siya. I could see mixtures of love, longing, and lust in his eyes. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko.

He bent his head down. Lumapit ang mukha niya sa akin at para na akong maduduling dahil nakatitig pa din ako sa kanya kaya wala sa loob na napikit na lang ako.

Akala ko talaga ay hahalikan na niya ako pero nadismaya ako nang wala namang mga labing lumapat sa mga labi ko. Tsk! Bwisit talaga! Pinaglalaruan niya ba ako?

I opened my eyes angrily and was about to push him away from me nang bigla niya akong hinapit at niyakap. Hindi ko alam kung bakit di ako pumalag. Hinayaan ko lang siya.

"The hell, Abby!" He sighed deeply. "Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kayang magpigil! Amoy mo pa lang, nagwawala na ang puso ko. Paano na lang kaya kung angkinin pa kita," saad niya habang yakap-yakap ako. Ramdam ko rin ang hininga niya sa ilong ko. Then he kissed my head. Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay natutuyuan ako ng laway.

He sighed again. Damang-dama ko ang init na nagmumula sa bibig niya. Napapikit ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Napakapamilyar sa akin ng pakiramdam na ito. It felt so comfortable and safe inside his arms.

Hinalikan niya ang tenga ko pababa sa leeg ko. May kung anong iniwan siya doon hanggang sa bumaba pa ang mga halik niya sa balikat ko. Bumalik ulit sa leeg ko ang mga labi niya. Nagising ako sa nakakaliyong damdamin na ito nang maramdaman ko ang pagbaba niya sa strap ng dress na suot ko.

Napadilat ako at itinulak ko siya sabay sampal ng malakas sa mukha niya. I bit my lip as my eyes watered. Biglang parang gusto kong pagsisihan ang pagsampal ko sa kanya. Ramdam ko sa puso ko na nasaktan din ako sa ginawa ko kaya lang ay tumututol naman ang utak ko sa gagawin niya sa akin.

"Hindi porke wala akong maalala ay pagsasamantalahan mo na lang ang sitwasyon ko. Nagkakamali ka, Gab. Kung iniisip mo na maniniwala ako sa lahat ng mga sinasabi mo, pwes hindi. Hindi ako naniniwalang mahal mo talaga ako dahil kung mahal mo nga ako at inalagaan mo ako, di sana wala ako sa kondisyon kong ito ngayon," galit na sigaw ko sa kanya. Itinulak ko siya palayo at saka ako tumakbo palabas ng kwarto. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. Hindi ko alam kung para saan ang mga luhang ito.

Wala naman akong makuhang sagot sa mga katanungan ko. Naiiyak ako. Parating sinasabi ni Gab na mahal niya ako pero hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon. Wala akong maalalang minahal ko siya.

Pero pag nandiyan naman siya ay nag-uumapaw naman sa galak ang puso ko. Nalilito na ako. Hindi ko na alam kung sino ang susundin ko sa dalawa. Ang utak ko ba na di makaalala o ang puso ko na laging tumitibok tuwing nasa tabi ko siya?

******

I was watching Abby habang tumatakbo siya palayo sa akin. Pakiramdam ko ay iiwan na naman niya ako. Natatakot na ako. Iniwan na ako ng mga alaala niya pero sana wag naman akong iwan ng puso niya dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon.

Paano ko ba ipapaalala sa kanya kung ano kami noon kung siya naman mismo ang umiiwas at tumatakbo palayo sa akin? Ang sakit. Ang sakit lang na malapit nga siya sa akin pero siya naman ang lumalayo.

I am so desperate kaya nagawa kong ipadukot si Abby sa mga kaibigan ko at dalhin dito para makasama ko siya. Nagawa ko na ang lahat ng paraang alam ko para bumalik siya sa akin. Dinadalaw ko siya araw-araw, pinagmukha ko nang tanga ang sarili ko sa harap ng mga tao just to have her back but they were all useless. That's why I resorted with this plan. Alam ng mga magulang namin ang plano kong ito. Sa una ay ayaw pang pumayag ng parents niya dahil makakasama daw ito kay Abby. Alam ko naman iyon.

Pero hindi ko na kayang tingnan na lang siya mula sa malayo because my heart is really longing for her already. Nakalimutan na nga ako ng isip niya, hahayaan ko pa ba na unti-unti akong makalimutan ng puso niya? Iyon na nga lang ang nakakakilala sa akin, hahayaan ko pa bang makalimutan ako niyon? Hell no! Kung tatayo lang ako at maghihintay ay walang mangyayari.

I want Abby. I love her so dàmn much na kaya kong gawin ang lahat maalala niya lang ako. I will make new precious memories of us. Hindi man kami nagsimula sa maayos na relasyon pero ngayon, sisiguraduhin ko nang aayusin ko na ang lahat. We will start anew.

******

I was walking by the seashore. Nakayapak lang ako while holding my slippers. Pinagmamasdan ko ang mga alon sa dagat. Nililipad ng hangin ang buhok ko. Nakakarelax sa pakiramdam pero hindi ko maiwasan na hindi isipin si Gab.

Napailing ako at napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon. Takbo lang kasi ako nang takbo kanina na hindi iniisip kung saan patungo. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiyak ng ganoon. Para bang may isang bagay akong gustong makuha pero di ko maabot-abot. Pinipilit kong alalahanin ang nakaraan pero wala talaga akong maalala. Nalilito na ako.

Papalubog na ang araw. Pinagmamasdan ko lang iyon habang nakaupo ako sa isang nakatumbang kahoy malapit sa dalampasigan. Nakatingin lang ako sa malawak na dagat. Napangiti ako sa kapayapaan ng paligid.

Maya-maya ay naramdaman kong may papalapit sa akin. Hindi na ako lumingon dahil kilala ko naman kung sino iyon. Maya-maya ay naramdaman kong nakatayo na siya sa gilid ko. Nilingon ko siya nang kaunti at nakita kong nasa magkabilang bulsa niya ang mga kamay niya at tulad ko ay nasa dagat din ang tingin niya at nakatitig sa papalubog na araw.

I heard him sighed bago siya nagsalita.

"Kung dati ikaw ang humahabol sa akin at pinagpipilitan ang sarili mo para makuha ang atensyon ko, ipinagsisigawan mo na gusto mo ako, na mahal mo ako..." He paused for a while.

Napakunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Nilingon ko siya pero seryoso pa din siyang nakatingin sa dagat. Ibinalik ko na lang din ang atensyon ko sa dagat at hinayaan siyang magsalita. Hindi ko alam kung ano'ng pinagsasasabi niya. But I found myself listening to what he is saying. He sighed again before he continued.

"Itinutulak kita palayo sa akin pero lumalapit ka pa rin. Sinasaktan kita emotionally and even physically pero di mo inalintana iyon. I made you cry for so many fúcking times but still you keep on smiling at me. Tiniis mo ang lahat ng mga kalokahan at kasamaan ko pero di mo pa rin ako iniwan." Gumaralgal na ang boses niya, sensyales na naiiyak na siya.

Napatingin ako sa kanya. Tumingin rin siya sa akin. Medyo namumula na ang mga mata niya, tanda ng pinipigilan lang na maiyak. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero di ko magawa. Kinokontra ng isip ko ang puso ko.

Tumingala siya bigla sa langit at may nakita akong kung anong kuminang sa dulo ng mga mata niya. Tumawa siya ng pagak.

"Pero ngayon ay bumaliktad na ang sitwasyon. Ako na ngayon ang naghahabol sa taong mahal na mahal ko. Iniisip ko ngayon kung ganito rin ba ang pakiramdam mo noon. Noong ipinagtutulakan kita palayo sa akin. Noong di kita kinikilala. Noong sinasaktan kita physically and emotionally. Ang hirap pala. Ang sakit. Ang sakit lang isipin na kahit konti ay di mo ako maalala, Abby." He pinched his nose. Napasinghot pa siya.

Biglang nanikip ang dibdib ko. Nasasaktan na rin ako sa mga sinasabi niya. Napakalayo niya sa dating Gabriel na kilala ko. Dama ko ang bawat sinabi niya pero bakit gano'n? Bakit nagpoprotesta ang isip ko? Tumayo ako at hinarap siya. Tumingin siya sa akin. At kasabay ng sinabi ko ay ang pagtulo ng mga luha niya.

"I'm so sorry, Gab, pero kahit ano'ng isip pa ang gawin ko ay wala talaga akong maalala. Hindi ko alam ang mga pinagsasasabi mo," naiiyak na sabi ko sabay alis sa harap niya.

******


Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 66.2K 45
Elize Montemayor has been in love with Jared Villaflor ever since she has heard of his name. Thing is, Jared is too out of her league and taking noti...
13.6K 508 54
Love. Pain. Forgiveness. Three words to emphasize what is in a Marriage. A sacred union of two people. Who promised to cherish each other through th...
56.6K 1.6K 46
Natasha Del Mundo suffered from the most painful heartbreak in college. Kaya naman hirap na siyang magtiwalang muli sa iba. But one day, she got a te...
142K 2.6K 53
Hinahabol ka ng lalaking kinamumuhian mo. Kinasal ka sa lalaking mahal mo na akala mo ay kinamumuhian mo. Ano bang mararamdaman mo? You will feel the...