RETURN TO FOREVER (KimXi FF)

By calebnchloe

102K 1.4K 494

More

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 19
Chapter 20 Ending

Chapter 6

5.5K 67 14
By calebnchloe

                 Pasado hatinggabi na ng mamalayan ni Kim ang pagbukas ng pinto. Hindi sya makatulog hangga't hindi dumarating si Xian. Mula ng magpaalam ito para puntahan si Erika sa Manila hindi pa ito nakabalik. Ang Mommy nito ay nakatulog na siguro sa paghihintay matapos nyang i-assure na sya na ang bahala na maghintay sa anak nito.  

Kahit alam na alam nyang hindi maganda ang kinahinatnan ng lakad nito,  tumayo pa rin sya sa kinahihigaan at lumabas ng kwarto para salubungin ito.

Hindi nga sya nagkamali, mukhang lantang sayote ang itsura.Bagsak ang mga balikat maliban sa pagod na mukha nito. Sumandal sya sa tapat ng pinto nya habang hinihintay na makalapit ito since magkatapatan lang nman ang mga kwarto nila. 

"Hey , anong nangyari sa lakad mo. Nakapag-usap  ba kayo? Did  you win her back?" sinadyang langkapan ng concern  ang boses ni Kim ang pagtatanong bilang parte ng pag-arte nya na kunwari  wala syang kaalam-alam.

Iling lang ang ginawang sagot ni Xian ng lampasan sya at  tamad na tamad nitong binuksan ang pinto ng kwarto nito na mukhang walang balak makipagkwentuhan.

Pero mas mabilis si Kim dahil ng makapasok ang lalaki ay sumunod sya agad. Si Xian nman ay derechong naupo sa sahig pasandal sa paanan ng kama. Ang mga mga braso ay nakapatong sa tuhod at sapo naman ng mga  kamay ang mukha. Pagod na pagod ang itsura na parang maiiyak  na hindi maintindihan.

Naupo si Kim sa tabi nito. Hindi nagsalita. Hinayaan ang katahimikan ang mangibabaw. Sa isip-isip nya, ngayon lang nman malulungkot ito dahil sariwa pa ang pagka heartbroken nito. Mahal na mahal nito ngayon si Erika pero makaka-move on din ito at sisiguruhin nya na sya ang kasama nito. Alinsunod sa mga plano nya.

"Hindi ko na sya inabot!..." biglang nagsalita ang binata."...Sabi ng mga kapitbahay, hindi rin nila alam kung bakit bigla na lang naghakot para lumipat ang pamilya nya. Wala naman ako mapagtanungan kung saan. "

"Anong plano mo ngayon?" 

"Ewan ko! Hindi ko alam kung saan ba ako mag-uumpisa! Gusto ko syang hanapin, kausapin or maybe change her mind. Pero sa mga sinabi nya sa sulat , itong ginawa nyang pag-alis... hindi ba obvious na she already made up her mind to end our relationship? Hindi ba mag-aaksaya na lang ako kung hahabulin ko pa sya?"

Halata ang kalituhan at kaguluhan sa mata ng binata . Hinanda ni Kim ang sarili para sa pep talk .

"Xi ..." Kim cupped his face. Pilit na sinalubong ang mga mata nito . "Look! ...Yung ginawa ni Erika, desisyon nya yun. Ito ang isipin mo.She doesn't want you anymore! Hindi titigil ang mundo kung ayaw nya na sa'yo. Huwag mong isiping kailangan mong ipagsiksikan  ang sarili mo sa kanya. She doesn't deserve you . You're young, smart and has so much potential. Sabi nga ng Daddy, marami at malayo pa ang mararating mo...Hindi matatapos lahat ng pangarap mo ng dahil lang iniwan ka ni Erika. This kind of trials were supposed to make you stronger, not weaker!"

Tiningnan ni Xian si Kim na parang may nakikita ito sa mukha ng babae. Malayo ang sinagot nito. "Alam mo bang hanggang sa sulat ni Erika, pinagseselosan  ka pa rin nya? Sabi pa nya..." huminto saglit para pagbigyan ang pagak na tawa habang umiiling bago nagtuloy sa sasabihin. "...iyong-iyo na daw ako dahil nakahanap na sya ng mas higit pa sa akin!"

"Sinabi nya yun?...I'm sorry kung ako pa pala ang naging major reason ng breakup nyo." Maang-maangan ni Kim.

Tumango  si Xi "Take no blame.Wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan kung hanggang sa huli, insecurities pa rin ang kumain sa kanya. Marami at malaki na talaga ang pinagbago nya mula ng natigil sya sa pag-aaral. Never nya ngang nakita na malinis at pure friendship lang ang meron tayo!"

Napayuko si Kim ng marinig ang sinabi ni Xian kaya nalaglag ang ilang hibla ng buhok nya patakip sa mukha. Na mabbuti na lang dahil hindi nito makikita nag gumuhit na inis sa mukha nya.Nainis sya dahil alam nyang never naging ganun ang turing nya dito. 

'Kaibigan? Mahal nman nyang makipagkaibigan! MANHID!' ngali-ngaling isigaw ni Kim dito. 

Buong akala nman ni Xian, napahiya si Kim. Inabot ang mga nalaglag na buhok at isinabit sa tenga ng dalaga. "Erika might be gone...pero andito ka pa nman at hindi mo naman ako iiwan di ba?" Alam nyang para syang bata na humihingi ng assurance.Nabigla sya dito ng umangat ang mukha ni Kim at mag-lock ang mata nila .Kahit sya nagulat din sa dating ng iba't-ibang emosyon para sa dalaga.

Hindi nya alam kung saan nanggaling ang tila liwanag na suminag sa paligid ni Kim sa paningin ni Xian. Nagtatalo ang isip nya kung halusinasyon ba iyon dala ng pagod sa buong araw o epekto ng depresyon sa mga nangyari sa kanya. Yung parang 'holy' na nagglo-glow sa paningin nya si Kim. Parang instant na nagkamalisya sya kung yun nga ang tamang word para mai-describe yun. Kse mula ng makilala nya si Kim , never pumasok sa isip nya na magkatalo sila nito na may ibang pagtitinginan pa ang pwedeng mabuo sa kanila .

'WEEEHHH!!' Kantyaw ng utak nya. 'Yung Totoo!?'

'FINE!'

Isang beses lang yun pero hindi nya na inulit na i-entertain sa utak nya. Dahil incest yun kung sakali. MALI!

Yun yung isang linggo itong nawala sa klase at miss na miss nya ito . Hindi sya mapakali.Lalo na nang nagalit ito at iniwasan ng hindi nya alam ang dahilan. Ni hindi sya kausapin man lang . Dun sya may naramdamang kakaiba dito pero agad nman nyang kinalimutan at pinatay ang kaliit-liitang rason dahil hindi pwede! 

Ngayon na lang ulit!

Kung ano mang kagaguhan o pwersang nagtulak kay Xian para ilapit ang mukha kay Kim ay hindi rin nya kayang pangalanan. Lalo pa syang nawala sa sarili ng mapatingin sya sa labing bahagyang umawang parang naghihintay din. 

                  Nagulat si Kim sa ginawa ni Xian na pag-tuck ng buhok nya sa tenga. First time na may ginawa itong ganun sa kanya. Intimate na maituturing mula sa level na masyado kse itong marespeto sa personal space nilang dalawa. Hindi nya maintindihan ang biglang pagkabog ng dibdib nya. Anticipation!? Lalo na nang pag-angat nya ng tingin at magtagpo ang mga mata nila,may nakita syang kakaiba sa binibigay nitong tingin sa kanya kahit ang unti-unting pagliit ng distansya ng mga mukha nila. 

Nakikita na ba nito sa wakas na sya ang babaeng para dito? Na hindi sya pang-bestfriend material at lalong hindi pang-kapatid! ...Kundi isang babaeng magmamahal dito ng higit pa sa kayang ibigay ni Erika. Sobra-sobra pa nga! 

But he's still hurting...malinaw yun walang duda! 

Pero ano itong ginagawa nito?...

"You'll get over her!" mahinang nasabi  pa nya na parang sa sarili nya gustong ipatungkol right before he caught her mouth for a kiss.

Ang mga sumunod na segundo ay purong katahimikan maliban sa mga nakatakas na konting tunog mula kay Kim. Biglang uminit ang paligid.

Hindi sya makapaniwala at lalong ayaw gumana ng utak nya kung paanong milagro ang nangyayari na hinahalikan sya ni Xian.Nananaginip ba sya?! Hindi basta halik na  'smack' kundi halik na pwedeng gumawa ng  'baby'!...HALA!

Kung panaginip man ang lahat, ito yung tipong ayaw mong magising kahit pa wiwing-wee ka sa madaling araw . Dahil ito yung tipong napakalapit sa realidad ang pakiramdam mo. Yung tipong matagal na ininternalized subconsciously!

Nagtagal ang panaginip! Walang nagkontrabida para putulin yun. At habang tumatagal, lumalalim at tumitindi ang intensidad ng bawat kilos nila pati ang mga bagong sensations na binuhay nun.

Narealized na lang ni Kim na totoo at hindi panaginip ng lahat ng maramaman nya ang sakit. Ni hindi man lang nya namalayang nabalatan sya nito ng walang ka-effort-effort.

Naidilat nya ng wala sa lugar ang mata at halos bumaon ang mga daliri nya sa likod ni Xian. Yung pakiramdam na gusto nyang mawalan ng malay. 

"Xi!...."

                Parang natauhang nagising at natigilan din si Xian sa ginagawa. Daig pa kase nya ang naengkanto o nahypnotized kung paanong  nawalan sya ng kontrol. Natitigan nya ang mukha ng babaeng kasama. Sa pagkakatitig sa mukha nitong halata ang discomfort. Nakapikit at kagat pa ang ibabang labi siguro sa pagpipigil ng sakit. Pero ang malupit, kakaibang nagbigay pa iyon ng matinding pakiramdam sa kanya. Kaya saglit lang ang pagkatigil nya saka bumulong dito.

"Shhhh,I'm sorry baby... i'll try to do it gently this time..." Then he started kissing her sensually and rocked her gently as promised.  

                 Pantay at payapa na ang paghinga ni Kim. Pero si Xian , hindi nya makapa ang parehong kapayapaan sa nakikita sa tulog na tulog na kayakap sa kama. Ngayong tapos na ang lahat at hupa na ang init ng katawan, parang gusto nyang iuntog ang sarili sa mga ginawa.

'Tangina Xian! Bakit si Kim? Paano mo nagawa yan! Kung nagrerebelde ka at galit ka sa mundo , madami nmang iba jan. Hindi ka dapat tumalo ng kaibigan!' Mura nya sa sarili.

Pero hindi nya ipagkakaila sa sarili ang kakaibang pakiramdam ng kasiyahan na malamang sya ang kauna-unahang lalaki sa buhay nito. Ang pinagkatiwalaan nito ng virginity. Kahit pa namumutiktik ng bakit ang utak nya at paninisi , nakapagtatakang may sayang idinulot yun.

Sabagay, hindi nman dapat pagtakhan kung aaminin nyang natukso sya sa kaibigang si Kim. Sino ba naman ang hindi. Tao lang sya. May mga weaknesses. Natural at normal lang syang lalaki na hindi napigilang matukso sa ganda nito. Maganda nman talaga si Kim. Kahit nang una nya ito makilala, hindi nakaligtas sa kanya ang pisikal na katangian nito. Lalo na ang mga magagandang singkiting mata  na very expressive. Ang mga cute na dimples nito sa gilid ng mga labi na lumalabas tuwing napapatawa nya ito kahit pa sa mga waley at corny ang mga jokes nya. Maliban pa sa ugali nitong very confident and  competitive ang isa pa sa mga katangiang nakakuha ng pansin nya.

Pero bakit nga hindi sya pinigilan nito na gawin ang mga ginawa nya dito kanina? Hindi nman nya ipipilit ang kagaguhan nya kung hindi nito gusto ang mga ginagawa nya. May gusto ba sa kanya ang kaibigan? Tama ba lahat ng accusations ni Erika na malaki ang gusto ni Kim sa kanya? Pero...

Imposible!

Sa kawalan ng pwedeng isagot sa mga tanong sa sarili, unti-unting at dahan-dahang gumalaw si Xian para bumangon. Ingat na ingat na hindi magising ang himbing na katabi. Nagbihis sya at nagpasyang bumaba. Marami kaseng tanong ang hindi matahimik sa isip nya at hindi rin nya makuhang mag-isip ng tama kung mananatili syang nakahiga habang naamoy nya ang bango at nararamdaman nya ang mainit at malambot na katawan ni Kim na nakayakap sa kanya. Madedemonyo lang sya at di nya maipapangakong hindi mauulit ang nangyari kanina!

Kailangan nyang mag-isip. Ng matino!

Paano bukas kapag nagising na ang kaibigan? Paano na ang pagkakaibigan nila? Paano pa ba sya makakaharap kay Kim at sa Daddy nito? Sya pa nman na buong-buo ang pagtitiwalang ibinigay ng matanda sa kanya. Sya na pinagpala ng mga kamay nito at nangakong aalalagaan ang unica hija nito , ay sya rin pa lang sisira dun at nanamantala sa anak nito. Isa syang 'bantay-salakay!'

Hindi sapat ang sabihing malungkot sya, depress o galit sa mundo para mangyari ang lahat ng nangyari! Kailangan nyang mag-isip dahil mas matindi pa ito sa problema nya bilang iniwan ng girlfriend.

'Eh tangina!...' mura nya sa sariling kagaguhan.

Tumalo sya ng kaibigan! May nangyari sa kanila . Whether he likes it or not, dapat nyang panagutan at harapin bilang isang lalaki ang problemang pinasukan nya!

Hindi na nya namalayan kung anong oras na ba sya nakatulog sa pagiisip ng solusyon. Dun na sya sa couch sa living room nakatulog.

                Nagising si Kim sa sikat ng araw na tumama sa mukha nya. At nang mag-inat ay nakaramdam ng sakit sa parteng 'yun' . Saka pa lang para syang natuka ng ahas ng maalala ang nangyari kagabi.Hindi nya kwarto ito,obviously! Pati ang kumot na tanging tumatakip sa hubad na katawan nya.

'Si Xi!' mabilis na naghanap ang mata nya sa presensya ng binata. 

Wala!

Nakiramdam pa sya kung may mga kaluskos syang maririnig. Wala pa din. 

At sa may tarantang pagkilos na may kasamang panginginig ng tuhod ay hinagilap nya ang mga damit na nagkalat habang balot ng kumot at saka lumabas para tawirin ang sariling kwarto.

Habang naliligo,tinatambol ng sobra ang dibdib nya. Kung sa kaba ba o sa takot. May nangyari sa kanila kagabi. Kahit gusto nyang sabihan ang sarili at i-congratulate for a 'job well done' ay hindi nya magawa. Dahil kakambal nun ang takot at maraming alalahanin. Paano kung galit si Xian sa kanya,dahil in a way sinamantala nya ang lungkot nito kagabi? Paano pa ba nya ito pakikiharapan? Umarteng parang wala lang o dapat ba nyang ihingi ng pakikipag-usap ang bagong papel nya sa buhay nito dahil may nangyari na sa kanila.?Alin man sa dalawa, natatakot pa din sya!

                    Nakita ni Kim ang hinahanap. Nasa couch. Nakapamaluktot na natutulog si Xi. Hirap na hirap dahil sa tangkad nito ay pilit na pinagkasya ang sarili sa couch.

Ang kaba ng dibdib nya ay napalitan ng isang laksang...

Lungkot!

Gustong manubig ng mata nya. She can't help herself not to smile bitingly. Bumubuhos ang mga realizations nya pagkakita sa hirap na hirap na posisyon ng binata sa pagkakahiga saka hinayaan malukot ang mukha nya sa iyak. Pinigilan nyang may lumabas na tunog ng hikbi kaya mabilis nyang tinakluban ang bibig. 

Obvious ang sagot sa mga tanong nya!

Nagsisisi si Xian! Baka nga nandiri pa eh!

Mas gusto pa nitong mahirapan at magtiis sa pagtulog sa couch kesa ang tiising makatabi sya sa magdamag! Malinaw ang gustong iparating nito sa kanya...Ayaw nitong magising ulit na sya ang kasama!

'O ano Kimberly...Kaya pa ba?' sarkastikong pagtatanong nya sa sarili.

Mabilis nyang kinalma ang sarili.'Kaya pa!'

Hindi sya dapat sumuko. Ngayon pa ba? Malayo na ang narating ng simpleng pangarap nyang mahalin sya ng kaisa-isang lalaking minahal nya sa maliban sa Papa nya. Malaki na ang naipuhunan nya at dumami ang mga kasalanan nya dahil sa 'lecheng' pagmamahal nya kay Xian. She's a few step closer to what she had ever wanted ....lakasan lang ng loob yan!

                         Sa almusal, tahimik ang la mesa. Tanging tunog lang ng mga kutsara at tinidor ang gumagawa ng ingay. Habang masyadong mataas ang level ng pakiramdaman sa tatlong kumakain. Walang gustong basagin ang katahimikan. 

Si Xian ang naunang tumayo. Hindi pa nito natatapos o nagalaw man lang ang pagkain. 

"My, mauna na ho ako! Marami akong naiwan na trabaho kahapon...." humalik ito sa pisngi ng ina at ni hindi man lang tinapunan ng kahit panakaw man lang na tingin si Kim .

Kahit maraming piping tanong sa mukha ng ginang ay hindi ito nagsalita. Tumango lang ito kahit pa nag-aalala.

Nang makaalis ang anak di nito napigilang tanungin ang naiwang dalaga.

"Kim, nakapag-usap ba kayo ng anak ko kagabi? Ano ba nangyari?" 

Biglang umilap ang mata ni Kim . Ni hindi nya masalubong ng derecho ang mga mata ng nanay ni Xian. Allowed ba na sabihing:

...'Tita, hindi ho namin nakuhang mag-usap.Naidaan po sa gawa.Na deflower po ako ng anak nyo!'

Well okay sana kung gusto nyang ngayon din panagutan sya ng anak nito. Isa sa pinakamadaling paraan pero isang napakacomplikadong  sitwasyon para pasukin! Pikot ang tawag dun!

Gustong matawa ng konsensya ni Kim...'Gurl nahiya ka pa ng lagay na yan!Nagawa mo na nga halos lahat ng 'mas' pa sa pikot! ...For Christ's sake, may nangyari sa inyo.So , may right ka!'

"Tita,si Xian na lang po siguro ang tanungin nyo. Mas mabuting sya na lang ho ang magkwento... pasok na din po ako. Excuse me." magalang na paalam nya at tumayo na bago pa mapigilan ng matandang babae. Mahirap na, halata pa nman sa mukha nitong nararamdamang mayroong mali. Kung sa lovelife ba ng anak nito o sa kanila mismo ni Xian. Obvious kse na nag-iiwasan sila.

                   Lumipas ang halos isang linggong obvious na iwasan nila. Mas sa side ni Xian. Dumadalas ang paglabas at pagpunta sa site nito. Marami itong dahilan na meeting with suppliers and possible clients para lang hindi sila magkasabay sa pagpasok at pag-uwi. Maski sa lunch na dati nman ay walang paltos nilang pagkakasama ni Kim ay wala na rin . It's either marami itong tinatapos at hindi maabala o meron itong ka-lunch meeting sa labas. At kung nasa office nman hindi maiwasang kailangan nilang mag-usap , lagi itong pormal at hindi nito hinahayaang mapag-isa sila sa isang lugar. 

Impokrita nman nya kung hindi aaminin ni Kim na nagkadurog-durog ang feelings nya sa mga pinapakitang aloofness and indifference ni Xi na para syang may nakakahawang sakit. Kaya dumating na rin sya sa puntong  hindi na sya makatiis. 

Pagpatak ng alas y cinco. Uwian. TGIF. Excited ang lahat na umuwi na. Nang masiguro ni Kim na iilan na lang ang naiwan sa opisina at naulinigan nya kaninang nag half day ang secretary ni Xi at nagkulong lang ito maghapon sa kwarto nito, inipon na nya ang lahat ng sandamakmak na lakas ng loob at kapal ng mukha para komprontahin ang lalaki.

It's now or never!

Bumwelo sya ng paglanghap ng hangin papasok sa baga nya saka pinihit ang door knob ng mismong opisina ni Xian...

Thank you for reading!!!

Pls vote & comment ...let me know what do you think of the story.

You can follow me on twitter @AlingAudreyH or on Facebook alingaudreyh@yahoo.ca

for updates

< 3 KIMXI

Continue Reading

You'll Also Like

12.1K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
20.9K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴