My So Strict Boss (Bachelor S...

By Aljane_Rose

14.2M 294K 17.8K

"When you signed that contract, it meant that you are mine. So don't let others talk or even touch you becaus... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Message: Read or Not
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Epilogue
Pasasalamat 💕

Chapter 58

184K 3.4K 222
By Aljane_Rose

Merry Christmas 😊 Sa nagmessage sa akin na ipadedicate ang chapter na to. Phone lang ang gamit ko kaya ilalagay ko na lang ang name mo dito. May nabasa rin ako na gustong maging Clyde si Lee Min Ho. 😄 Don't forget your comments, guys.

Harrylene_24

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Ilang linggo na ang nakakalipas ng matapos ang bakasyon/pagpapahirap kay Thalia. Ang pinaka nag-enjoy doon ay si Kim. Sinulit niya hanggang sa huling araw ay hindi niya tinantanan ng utos ang kababata ni Clyde. Wala namang ginagawang aksyon ang boyfriend ko kahit nahihirapan na ito, kahit nagsumbong na siya sa mga pinapagawa sa kanya, dedma lang siya.

Hindi na rin naulit na nakapagsuot ako ng swimsuit. Binabantayan ni Clyde ang mga susuotin ko, minsan nga nakahanda na ang damit ko pagkatapos kong maligo. Nadala yata sa suot kong red na swimsuit. Hindi siya umalis sa tabi ko at kahit saan kami magpunta ng mga kaibigan ko ay nandoon siya.

Bumalik na rin ang buhay namin sa normal. Pumapasok na sa office kaming lima. Hindi na rin nalaman ng head namin ang nangyari. Wala kaming balak sabihin ito sa kanya ang mas mahalaga ngayon ay nakakapagtrabaho ulit kami sa Villacorte.

Nakakabagot ngayon sa penthouse. Wala akong makausap. Yung kasama ko kasi nagkukulong na sa office niya. Malapit na rin kasi yung project nila ni Alex. Halos doon na siya natutulog kaya wala rin akong katabi sa pagtulog. Nakakamiss rin ang mga pangungulit niya, nasanay na akong siya ang nakikita ko kapag gumigising ako. Unan na lang niya ang nakakatabi ko.

Pupunta na lang ako sa mall. Dumaan ako sa office niya. Kumatok ako at narinig ang boses niya sa loob. Sumisigaw ito, may kaaway ba siya?

"Damn, I want to know who is it! Gawin niyo ang lahat para malaman kung sino ang nagbibigay ng impormasyon sa project ko!" sigaw nito.

Binaksak niya ang cellphone niya sa table. Wrong timing ang pagpasok ko. Lalabas na sana ako kaso nakita na niya ako.

"Baby..."

Lumapit ako at hinawakan ang pisngi niya. Napansin ko ang pangingitim ng ilalim ng mga mata niya sa sobrang puyat.

"May kailangan ka ba?" Tumayo ito at umupo kami sa couch. Napahawak siya sa mukha niya at napapikit. Kailangan niyang magpahinga.

"Magpahinga ka muna, Clyde."

"I'm okay. Sanay na ako sa ganito. Mas mahirap nga lang na may nagbibigay ng impormasyon sa project ko. Bakit ka pala nandito?"

"Magpapaalam lang na pupunta ng mall."

"I'm sorry, I can't come with you."

"You don't have to say sorry, baby. I can take care of myself." ngumiti ito. Binibigay niya ang card niya pero hindi ko tinanggap. Hindi naman ako bibili ng kahit ano, maglilibang lang.

Lumabas ako ng Villacorte at sumakay sa taxi. Sa may kalayuan akong mall pupunta para maraming oras ako sa labas. Mag-iikot lang naman ang gagawin ko. Pagkapasok ko sa mall, napadpad ako sa bookstore. May section doon na puro magazines ang nakalagay. Kinuha ko ang tungkol sa bachelors ng bansa. Binili ko at naghanap ng lugar na pwede ko itong basahin. Hinanap ko ang article tungkol kay Clyde.

Clyde Villacorte
A business tycoon who managed his company after he graduated. With the help of his father, he made it to be one of known businessman in the country. He surpassed the achievements of his father but he is not done yet. He started to engage in different industry and successfully made it to the top.

Madami pa akong nabasa tungkol sa kanya at napunta ako sa sinabi niya sa interview about his personal life.

What will you do if you find your ideal girl, Mr. Villacorte?

"I'll make sure that she is bound to me. I will not let anyone to stand in my way in claiming her. She is mine and no one else. I don't care if I'm being possessive or what but this is my way to seal her to myself."

Kaya naman pala napakaimposible ng mga nakalagay sa kontrata na binigay niya, hindi na pala pagiging secretary ang papel ko. Lahat ng mga sinabi niya, ginagawa niya sa akin. Ngayon ko lang nabasa ito kahit na may kopya ang mga kaibigan ko nito. Wala kasi akong interes noon kahit ang boss namin na si Clyde ang una sa listahan. Hindi ako mag-aksaya ng panahon sa mga taong imposibleng mong makita o makausap pero nagbago ng makilala ko siya. Ang Clyde ko.

Pagkatapos kong mabasa ay tingnan ko ang iba pang napasama. Si Ren ay napasama rin. Pangatlo siya. Hinanap ko ang mga nakikilala ko na sa Bachelor's Haven pero wala na. Top 5 lang ang nakafeature na mga sikat na mga bachelor ngayon.

"Hindi mo kami makikita dyan kahit baliktarin mo pa ang magazine." Nagulat ako kaya binaba ko ang binabasa ko.

"Wala kaming balak na ilantad ang mukha namin sa isang magazine, Cassandra."

"Anong ginagawa niyo rito?" Anong ginagawa ng dalawang to dito.

"Masama bang pumunta sa mall? Nabili ba ito ni Clyde para maging exclusive para sayo at bawal kaming tumambay dito?"

Namimilosipo pa sila. Nakakapagtaka kasing napadpad sila sa mall na to. Meron na naman ba silang business meeting kaya nagkita-kita kami ngayon? Pinagpatuloy ko ang pagbabasa at walang balak na kausapin sila. Ang ayos ng tanong ko tapos hindi sasagot ng maayos.

"Hindi kami dumayo dito para lang panoorin kang basahin ang article tungkol sa boyfriend mo. Kausapin mo kami, Cassandra."

"Naunang kang namilosipo, Callen. Walang akong balak kayong kausapin kung hindi rin lang kayo sasagot ng maayos."

Binalikan ko yung sinabi ni Clyde. Kapag pinapaulit-ulit ko itong binabasa, parang naririnig ko na siya ang nagsasabi.

"Kasalanan mo to, Callen. Ikaw ang gumawa ng paraan para hindi na siya magalit!"

"Nakalimutan ko ang ugali niya. Pasensya naman, bro. Ikaw na lang ang kumausap. Wala ka pa naman ginagawang hindi niya nagustuhan."

Bumubulong pa sila. Ang lakas ng boses nila at halatang nagpaparinig. Ayoko kasing ginagawa nila yon. Ngayon ko na lang ulit sila nakausap pagkatapos noong huling meeting nila dito.

"Cassandra, huwag ka ng magalit. Ililibre ka ulit namin ng kahit na anong gusto mo, si Callen ang magbabayad."

"Bakit ako! Hati tayo! Madaya ka, Cellon. Iniisahan mo ko ngayong araw. Kanina ako na ang nagbayad sa kinain mo tapos ngayon ako rin."

"Sino ba ang may kasalanan kung bakit nagalit siya, di ba ikaw? Butasin muna natin ang bulsa mo. Tara na at simulan na natin, Cassandra. Minsan lang to. Alam mong may pagkuripot rin ang kakambal ko."

Hinatak niya ako at nagsimula ang nakakapagod na pag-iikot sa mga store ng mga sikat na tatak ng mga damit. Para sila si Kim at Laurel pero ikinaiba lang hinayaan nilang ang saleslady ang mag-assist sa akin at nakatambay lang sila sa waiting area habang nakatingin sa akin. Nakangiti sila pero nakasimangot ako sa mga pinagbibigay ng mga saleslady na hindi ko naman kailangan. Namili na lang ako ng ilan sa mga iyon at hindi na sinukat. Magtatagal lang kami.

Inisa isa namin ang lahat at ang resulta ang dami ng paper bags na dala ang dalawa at hindi na ako pinagbitbit. Napapatingin na lang sa amin ang mga taong nadadaanan namin at hindi nila napansin na ang sama ng tingin sa akin ng ilan sa mga iyon. Anong problema nila sa akin?

Pumasok kami sa isang restaurant sa loob rin ng mall. Hinayaan ko na lang silang pumili at hinintay ang order namin. Hindi ako matahimik hangga't hindi ko nalalaman kung bakit sila nandito. Hindi na kasi coincidence ito dahil alam nila kung nasaan ako. Pareho silang may tinitingnan sa mga cellphone nila.

"Bakit talaga nagpunta kayo dito?"

Natigil sila at hindi makatingin ng deretso sakin. May itinatago sila. Tatayo na ako para umalis ng pigilan nila ako. Nagpanic sila na lalayasan ko sila. Ano ba talaga ang dahilan nila?

"Sasabihin niyo na ba, Celon, Callen?"

"Pinapatanong ni tito kung kailan mo daw ba balak bumalik?"

Bakit napasok dito sa usapan si daddy? Magmula ng hilingin ko sa kanila na gusto kong maging independent ay hindi na sila komontak sa akin. Ang dala ko lang na perang binigay nila ay pagbabayad ng rent ko sa ilang buwan at konting allowance na hiniling ko sa kanila. Nagtrabaho na ako para sa panggastos ko at nakuha ko ang gusto ko na hindi umaasa sa kanila.

"Bakit hindi sila tumawag man lang para sa akin itanong? Bakit sa inyo pa?"

"Kapag sila ba ang nagtanong? Sasabihin mo na bang babalik ka na? Hindi naman. Kami na lang inutusan na tanungin ka. Namimiss ka na daw nila tita at tito."

"Ayoko pang umuwi. Gusto ko pang magtrabaho dito. Nandito ang mga kaibigan ko."

Dumating na ang mga order namin kaya naputol ang pag-uusap namin. Tahimik kaming kumakain. Hindi ko malasahan ang pagkain sa mga sinasabi nila. Bakit ngayon pa? Sana noon pa nila ako pinapauwi para kaya ko pang umalis. Natapos kami pero hindi pa kami umaalis sa table namin.

"Ayaw mong umalis dahil hindi mo siya maiwanan. Hindi mo maiwan si Clyde, Cassandra."

"Ayoko siyang iwan, Cellon."

Napabuntong hininga siya, "Sasabihin na lang namin sa kanila na hindi ka pa namin nakakausap. Alam rin nila na nagpapanggap tayo na hindi magkakakilala sa harap ng ibang tao. Maiintindihan nila kapag ganoon ang sinabi namin."

Ngayon ko lang natandaan na baka may makakita sa amin dito. Tumingin ako sa paligid kung may nagtatrabaho rin sa Villacorte. Napansin nila ang ginagawa ko.

"Huwag kang mag-alala. May mga tao kaming nagcheck sa paligid kung may makakakilala sa atin kaya huwag ka ng mataranta dyan. Ang hirap kasi ng set-up natin. Mula pa ng party, ganito na ang ginagawa natin."

"Salamat ulit sa pagtulong sa akin noon. Salamat sa inyong dalawa."

"Alam mo naman na hindi ka namin hahayaang mapahiya noong araw na yon. Kahit sumayaw ulit sa harap ng maraming tao para lang sayo, gagawin namin. Magaling pa rin naman kami, di ba? Natatandaan pa namin ang lahat ng steps na sinayaw natin noon." sabi ni Callen.

Sa isa sa mga project ko noon ay dance performance. Tinanong ko kung pwede ko silang makapartner. Ayaw nilang pareho kaso alam nila na pwede akong magkaroon ng failed na grade at hindi nila alam kung sino sa kanila, sinabi nilang dalawa silang magiging kapartner ko. Ang taas na nakuha ko noon dahil natuwa ang prof ko sa mabilis na pagpapalit ng damit ng kapartner ko. Nang matapos ang performance, lumabas si Callen at nagulat sila na dalawa ng partner ko noon. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko iyon. Kinabahan rin ako na baka magkamali kami sa mga steps noong party pero mabuti na lang at natandaan nila.

Nagyaya silamg manood ng sine. Horror ang napili nila. Maraming mga couple ang nakapila dito Nakaupo na kami at pinagitnaan nila ako. Naalala ko ang date namin ni Clyde. Sanay akong manood ng ganito dahil sa dalawang kasama ko. Nagulat lang ako sa pinanood namin kaya naging successful ang list ni Clyde noon. Sana maulit ang date namin kaso ang busy niya ngayon. Hindi ko naman pwedeng hatakin sila Callen at Cellon at may business rin sila dito.

"Cassandra, tawagan mo kami kapag may problema. Pupuntahan ka namin kahit nasaan ka pa."

Hinatid nila ako sa Villacorte. Ginabi na rin kami. Hindi ko na mabitbit ang mga pinagbibili nila sa akin. Aanhin ko ba naman ang maraming damit kung may magagamit pa ako. Ang pinoproblema ko pa na makita ito ni Clyde. Anong sasabihin ko sa kanya? Sana nasa office siya ngayon.

Bumukas ang elevator. Dumeretso ako sa kwarto namin. Nakahinga ako ng hindi ko siya nakasalubong habang papunta dito. Nilabas ko ang mga pinamili ko sa mga lalagyan. Nilagay ko sa cabinet. Pinagsama sama ko ang mga paper bag at tinago. Bukas ko na lang itatapon.

Pumunta ako sa office niya para silipin siya. Nakita ko na umiinom ito. Pumasok na ko at kinuha ang baso sa kanya. Bakit kaya siya umiinom?

"Hindi ka dapat umiinom." hindi na siya nagalit sa ginawa ko. Mukhang kakasimula pa lang niya at konti pa lang ang bawas sa bote ng alak.

"Magpahinga ka muna, Clyde."

"Natulog na ako kanina kaya kailangan ko pang tapusin ito."

Kinuha ko ang kamay niya at hinatak siya kaya napatayo ito. Tinanggal ko ang reading glass niya at nilagay sa table niya.

"Samahan mo naman ako sa pagtulog. Namimiss ko na yakapin mo ako hanggang sa matulog, baby." paglalambing ko.

Sumama na siya. Maghihilamos na lang ako bago matulog at magpapalit ng damit. Pumasok rin siya sa banyo. Nakatayo siya sa likod ko. Nakatingin ako sa salamin kaya nakikita ko ang pagtitig niya.

Lumapit ito at hinawakan ako ang pisngi para lumingon sa kanya. Dumampi ang labi niya sa labi ko. Gumalaw ito kaya napaharap na ako. I can taste the alcohol on his mouth.

He carried me until we reached our bed. He take off his shirt and his pants. The only garment that he's wearing is boxer. His hands is in my thighs and slowly reaching the garter of my short. He took it off and leave my underware.

"Do you remember when we our in my resort, Sandra?"

"W-What is it?"

"I want to see you in your red swimsuit when we are alone. When I saw your underware, it reminds me the day I want to lock you in our room. Hide you from everyone. I want to forget that you were still in pain, and make love to you that time."

"I'm not in pain anymore, Clyde. What do you suggest right now before we go to sleep?"

"I will not let you sleep until dawn. I'm claiming my prize now, baby. You made me wait for weeks before you initiate this to happen again."

"How about your work?"

"The hell with that! It's my day off and I intended to spend it with you in this room."

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
239K 4.3K 22
Dice and Madisson
33.3K 1.7K 19
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...