Flaming Love (AshLloyd Fan Fi...

By KwiniLovesSarah

4.7K 95 49

My first BALDIK fan fiction! :"> Hope you enjoy! :) More

Flaming Love (AshLloyd Fan Fiction)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 6

238 5 3
By KwiniLovesSarah

( Una po muna sa lahat, nagpapasalamat po ako ng sobra-sobra sa mga constant readers ng fan fic na to. Na-appreciate ko po yung pag-vote niyo at pag-iwan niyo ng comment, dahil po dun sa mga little things na yun kaya ako mas naiinspire na magsulat. :")

Thank you po bebemoon, missedU, sexy4ver05, GraceBalberan, ariellecortez, babygirl31, MickyMangulabnan, DavidCruz4 at sa iba pa na hindi ko po nabanggit. Thank you po ng marami sa pagbasa ng fan fic na to kahit hindi kagandahan. :)) Dedicated po ang chapter na to para sa inyo. :)

Sana po magustuhan niyo. :) )

CHAPTER 6

Kanina pa palakad-lakad si Sarah sa kanyang kwarto. Pinagmamasdan lang siya ni Kathryn, ni Juday at ng mga pamangkin na sina Yohan at Lucho.

"Tita, nahihilo na po ako sa ginagawa mo." Biglang sabi ni Yohan

Napatigil naman bigla si Sarah sa ginagawa at gulat na napalingon sa pinanggalingan ng maliit na boses. Doon niya lang napansin na kanina pa pala siya pinagmamasdan ng kanyang pamilya.

Bigla na lang silang napatawa lahat sa reaksyon ni Sarah.

"Kanina pa ba kayo dyan?" Tanong ng dalaga habang papalapit sa kanila para tabihan sila sa upuan

"Medyo kanina pa ate." Sagot ni Kathryn

Kinandong naman ni Sarah si Yohan, "Pagpasensyahan mo na si Tita ah. Medyo kinakabahan kasi ako."

Hinawakan naman ni Juday ang kamay ng kapatid, "Kinakabahan ka ba sa magiging turnout ng concert mo?"

Tumango lang si Sarah

"Wag kang kabahan Sars! Ikaw pa, kayang kaya mo yan. Saka kung iniisip mo yung sales ng tickets, wala kang dapat ipag-alala kasi sinabi na sa akin ni Boss Vic na soldout na daw."

Tila hindi naman makapaniwala si Sarah sa sinabi ng kanyang ate, "Soldout na ate? Seryoso?"

"Oo ate. Soldout na, pati yung Gen Ad soldout na rin. Tiningnan ko din kasi sa internet. Iba ka talaga ate! May three weeks ka pa to prepare for the concert pero soldout na yung tickets!" Sagot ni Kathryn

Napapikit naman si Sarah, "Thank you Lord!"

"Saka wag kang kabahan kasi alam kong magugustuhan ng mga manonood yung gagawin mo. Ikaw pa!" Sabi ni Juday

"Saka Tita manonood po yung no. 1 fan mo doon!" Singit ni Yohan

"At sino naman kaya yung no. 1 fan kong iyon?"

"Syempre ako po!" Masayang sagot ni Yohan

"Ato din po!" Bulol na sagot ni Lucho na ikinatawa nilang lahat

"Pero ate, pwedeng makahingi ng favor sa'yo?" Singit ni Kathryn

"Ano yun bunso?"

"Uhmmm, nagrerequest kasi yung mga kaklase ko kung pwede daw po bang maging special guest ka sa graduation ball namin. Kaso wala kaming budget na pang-talent fee mo eh." Nahihiyang sabi ni Kathryn

"Talent fee ka dyan! Hindi na noh! Gagawin ko ng libre yun, para sa'yo!" Nakangiting sabi ni Sarah

"So ibig sabihin, payag ka ate?"

"Oo naman. Gagawan ko ng paraan na makapunta dyan sa gradution ball mo."

Niyakap naman ng mahigpit ni Kathryn ang kanyang ate, "Salamat ng marami ate! For sure matutuwa lahat ng schoolmates ko! Baka hindi lang maging graduation ball yun, baka maging school ball ang mangyari sa dami ng gustong makakita sa'yo."

"Wait lang Kath, di'ba next week na yang graduation ball niyo?" Tanong naman ni Juday

"Opo ate."

"Sars, wala ka bang rehearsals nun para sa concert? The next week kasi nun concert mo na."

"Magpapaalam na lang po ako kay Boss Vic. Saka para sa mga bata din naman to ate, saka namimiss ko na din yung mga estudyante ko. Tama lang na pumunta ako doon. Kahit papaano eh marerelax ko ang sarili ko a week before the concert."

"Sige Sars, ikaw bahala. Basta magpaalam ka kay Boss Vic para walang conflict sa sched."

"Opo ate."

----

*Araw ng graduation ball*

"What!?!" Gulat na gulat na reaksyon ni John Lloyd

"You heard me right. Special guest din sa graduation ball ng dating niyong school si Sarah. Nagpaalam nga siya sa akin last week. Hindi ko ba nasabi sa'yo?" Natatawang tanong ni Vic

Napakamot na lang sa ulo si John Lloyd, "Urrrgghh! Paano na to? Hindi ko naman ugaling hindi sumipot sa mga commitments ko, pero hindi naman ako handa na makita si Sarah ngayon. Tito naman eh!"

"Wag ako ang sisihin mo. Malay ko ba na same event pala ang pupuntahan niyo."

Napabuntong hininga na lang si John Lloyd, "Wala naman na po akong ibang choice di'ba?"

----

Dumating si John Lloyd sa event at unang hinanap ng kanyang mga mata si Sarah.

"Uhmm, may I ask, sino-sino pa ang special guests sa event tonight?"

"Ang alam ko po kasi ay mula sa batch niyo lang po ang mga special guests for this year and yung nagconfirm lang po na darating ay kayo po at si Ms. Geronimo."

Tumango si John Lloyd, "I see. Uhmm, alam ba ng lahat na isa ako sa mga guests?"

"Hindi po sir. Ang pinaalam lang po namin sa mga estudyante ay si Ms. Geronimo lang po ang pupunta. Nagrequest po kasi ang tito niyo na gawin na lang surprise ang papunta niyo dito."

Sandaling nawala ang kaba ni John Lloyd ng marinig iyon, "Ok. Thank you."

"So shall I lead you now to the VIP room sir?"

At nginitian niya lang ang binata.

----

Hindi mapakali sa loob ng kwarto si John Lloyd. Tila naiinitan siya at pinagpapawisan ng todo kahit malakas naman ang airconditioning doon.

Ilang beses din niyang sinisilip sa bintana kung dumating na ang dalaga. At ilang saglit lang ay dumating na ang babaeng pinakahinihintay ng lahat. Si Sarah Geronimo.

Bigla namang nagpalakad-lakad sa kwarto si John Lloyd. Nalaman niya kasing magkatabi sila sa table ni Sarah at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng dalaga kapag nakita siya nito. Nagpalakad lakad muna siya doon para mailabas ang kaba na nararamdaman niya.

Ilang saglit pa ay may narinig siyang katok sa pinto.

"Excuse me sir. Are you ready? Andyan na po si Ms. Sarah Geronimo. The program is about to start." Singit na tanong ng binatang kausap niya kanina

"Yeah, I'm ready. But I'm still waiting for an important phone call. I guess I'll just go inside the hall a little later." Palusot ng binata

Tumango ang binata, "Ok sir. Pero sana po ay wag kayo masyadong magtagal kasi maya-maya po ay magsisimula na ang program at mauuna po ang pagkanta na si Ms. Sarah."

Napangiti si John Lloyd, "Ok. Thanks."

----

Nang pumasok sa backstage ng events hall si John Lloyd ay naabutan niyang nagkukwento si Sarah.

"Naku, kung may loyalty award lang talaga, sa akin na siguro na-award yun. Kung hindi niyo kasi natatanong ay dito po ako nag-elementary at high school. And as you all know, dito ko rin prinactice ang profession ko, naging teacher ako ng mga elementary students ng school na to. Oh di'ba, napakaloyal kong alumna ng school? Kulang na lang yata dito ako tumira." Hirit ni Sarah na ikinatawa ng lahat

"Pero kidding aside, napamahal na talaga ang school na to sa akin. Ang dami-dami kong naranasan sa loob ng mga pasilyo ng eskwelahang ito. Itong instutisyong ito ang humulma sa akin. Kaya siguro nung pinakiusapan ako ng kapatid ko na maging guest niyo ay agad akong pumayag."

"Nagpapasalamat ako kasi naging malaking parte kayo ng buhay ko at kahit mahigit isang taon na yung huling bisita ko dito ay mainit niyo pa rin akong tinanggap." At nagpalakpakan ang lahat

"Advice ko lang sa ating graduating class, wag kayong mawalan ng pag-asa sa pagtupad ng mga pangarap niyo. Wag niyong hayaan na hadlang kayo ng kahit ano o sino sa pagtupad nito kasi kapag hindi niya naipaglaban o nagawa ang lahat para sa pangarap niyo, palagi kayong magkakaroon ng pagsisisi sa buhay niyo. Kumbaga habang may pagkakataon kayo, sunggaban niyo na yung oportunidad sa pagkamit ng pangarap niyo kasi hindi lahat nabibigyan ng ganoong pagkakataon. Kung dumating man yung panahon na parang walang nangyayari, wag kayong mawalan ng pag-asa kasi gagabayan naman kayo ni Lord sa kung ano talagang nararapat sa inyo. Basta ang importante, wag makakalimot sa kanya. Saka lastly, wag na wag niyo ring kakalimutang mag-enjoy on the process. Wag kasyong masyadong magpa-stress sa mga bagay-bagay. I-enjoy niyo ang buhay. Ok ba?"

At sumang-ayon sa kanya ang mga tao

"So sige, kakanta na po ako at baka sabihin niyo puro daldal lang ako." Sabay tawa na naman ang lahat

"Ito pong awiting ito ay mula sa aking debut album. Sana po ay maibigan niyo."

If I would have to live my life again

I'd stay in love with you the way I've been

Your love is something no one ever can replace

I can't imagine life with someone else

I promise, I will share my life with you

Forever may not be enough it's true

My heart is filled with so much love

I feel for you

No words can say how much I love you so

And if forever's not enough for me to love you

I'd spend another lifetime baby,

If you ask me to

There's nothing I won't do

Forever's not enough for me to love you so

They say tomorrow seems so far away,

And now we see that everything can change

My love for you gets stronger as tomorrow comes

I know this love will stand

The test of time

And if forever's not enough for me to love you

I'd spend another lifetime baby,

If you ask me to

There's nothing I won't do

Forever's not enough for me to love you so

For you, there's nothing I can't do

And never will I ever go

Forever's not enough to love you so

But if forever ends one day

I promise you

I'll stay to show you

That my love will never end...

And if forever's not enough for me to love you

I'd spend another lifetime baby,

If you ask me to

There's nothing I won't do

Forever's not enough to love you so

Hindi na napigilan ni John Lloyd ang sarili at umakyat siya ng stage dala-dala ang isang white tulip. Iniabot niya iyon sa dalaga sabay hawak sa isang kamay nito. Nagulat naman si Sarah ngunit hindi niya ito ipinahalata at pinagpatuloy niya ang pagkanta.

And if forever's not enough for me to love you

I'd spend another lifetime baby

If you ask me to

There's nothing I won't do

Forever's not enough for me to love you so.

Nagpalakpakan ang lahat ngunit tila hindi sila napapansin ng dalawang nasa entablado. Nagkatitigan muna sila ng matagal bago niyakap ni Sarah ang binata.

"Ladies and gentlemen, let's give another round of applause to our special guests of the evening, Ms. Sarah Geronimo and Mr. John Lloyd Cruz."

----

Pagkatapos ng ilang ceremonies ay bumalik na sa kanilang table sina John Lloyd at Sarah. Todo alalay naman si John Lloyd sa dalaga.

Natawa ng konti si Sarah sabay bulong sa binata, "OA naman masyado yung pagiging maasikaso mo, halatang may atraso ka sa akin eh."

"Galit ka pa rin ba?"

Ngumiti si Sarah sa binata, "I-enjoy muna natin itong event, mamaya na natin pag-usapan yan. Ok?"

Ngumit na rin si John Lloyd at tumango, "Ok."

Pagkababa ng stage ay nilapitan sila ng ilang estudyante para magpapicture at autograph.

Ilang saglit pa ay lumapit sina Kathryn at DJ kay Sarah

"Ate Sarah!"

Niyakap naman ni Sarah si DJ, "DJ! Kamusta?"

"Ok naman po. Ikaw po, kamusta? Big time ka na po talaga ngayon!"

"Hindi kaya. Ikaw talagang bata ka!" Sabay tapik sa braso ng binata

"Ate Sarah, kung kailangan mo po ng body guard ah, pwede ako. Kahit wala na pong bayad, ok lang sa akin." Hirit ni DJ

"Aruuuu, tigil-tigilan mo nga yan DJ. Pataba ka muna ng konti, masyado kang payat para maging body guard ko eh. Saka alam ko namang si Kathryn talaga ang gusto mong bantayan." Hirit din ni Sarah

"Si ate talaga oh!" Sabi naman ni Kathryn

"Basta DJ, malinaw ang usapan natin ah, aalagaan mo tong kapatid ko. Pinayagan na namin kayo kasi may tiwala kami sa inyo. Sana wag niyong sirain ang tiwala namin. Alam niyo naman yung mga limitations niyo ah." Paalala ni Sarah

"Opo ate Sarah. Kaya rin po gusto kitang makausap para makapagpasalamat ng personal sa pagpayag na maging kami na ni Kath." Sabi ni DJ

"Wala yun. Basta wag mo lang sasaktan at papaiyakin tong kapatid ko kung hindi lagot ka sa akin!" At nagtawanan silang tatlo

"Oo naman po ate Sarah! Promise yan! Uhmmm, ate Sarah, baka pwedeng magpapicture sa'yo si mama mamaya? Sinabi ko kasi sa kanya na pupunta ka dito sa school, kaya pumunta din siya. No. 1 fan mo po kasi yun eh since nung sa resto-bar ka pa lang kumakanta." Nahihiyang sabi ni DJ

"Picture? Walang problema! Kahit magphotoshoot pa kaming dalawa ng mama mo." Sabay tawa, "Pero ako nga ang fan ng mama mo dahil napalaki ka niya ng maayos. Mas mahirap kaya magpalaki ng anak."

Napakamot sa batok si DJ, "Salamat po ate. Tawagin ko lang po si mama. Excuse me po." Paalam ng binata sabay alis

Kahit na marami ang nakapaligid sa kanya ay nakamasid pa rin si John Lloyd kay Sarah habang nakikipag-usap ang dalaga sa kapatid nito. "Hindi pa rin talaga siya nagbago. Siya pa rin talaga ang Sarah Geronimo na minahal ko noon." Bulong ng binata sa sarili.

~*~

Continue Reading