Come Back Home

By adrian_blackx

173K 6.2K 1.3K

Paano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you w... More

CBH: Prologue
CBH: Chapter 1
CBH: Chapter 2
CBH: Chapter 3
CBH: Chapter 4
CBH: Chapter 5
CBH: Chapter 6
CBH: Chapter 7
CBH: Chapter 8
CBH: Chapter 9
CBH: Chapter 10
CBH: Chapter 11
CBH: Chapter 12
CBH: Chapter 13
CBH: Chapter 14
CBH: Chapter 16
CBH: Chapter 17
CBH: Chapter 18
CBH: Chapter 19
CBH: Chapter 20
CBH: Chapter 21
CBH: Chapter 22
CBH: Chapter 23
CBH: Chapter 24
CBH: Chapter 25
CBH BOOK 2: Chapter 1
CBH BOOK 2: Chapter 2
CBH BOOK 2: Chapter 3
CBH BOOK 2: Chapter 4
CBH BOOK 2: Chapter 5
CBH BOOK 2: Chapter 6
CBH BOOK 2: Chapter 7
CBH BOOK 2: Chapter 8
CBH 2: Chapter 9
CBH 2: Chapter 10
CBH 2: Chapter 11
CBH 2: Chapter 12 (end)
Hi guys

CBH: Chapter 15

3.9K 197 50
By adrian_blackx

GLAIZA'S POV

Flashback

Pagkatapos ng pagtatalo namin ni Rhian agad akong umalis sa harapan niya at bumalik sa kwarto ko para mag impake, kailangan kong makaalis dito.. Nagulat na lang ako ng biglang may kumatok at si Chynna yun.

"Seryoso ka ba diyan? Iiwan mo kami rito?" Tanong nito sa akin.

"I can't stay. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya. You can handle this Chynna, just stay here and enjoy. Uuwi na ako. Kailangan ko na talagang makaalis dito" sabi ko sa ka ya.

"Ok kung yan ang gusto mo. Then go ahead. Don't worry, ako na bahala rito. But make sure don't do something stupid" she said.

"Yes I will, thanks for reminding me." Natapos na din akong nag impake.

"So, I'll go ahead, ikaw na bahala rito." 

"Oo tsong ako na bahala rito. Akin na yan, ihatid na kita sa baba" kinuha niya yung maleta ko at siya na ang nagbitbit.

Pagkababa ko I saw Rhian at agad itong lumapit sa akin. Nauna na si Chynna at binigay ko sa kanya ang susi ng sasakyan ko para mailagay na niya ang gamit ko.

"You're leaving?" Tanong sa akin ni Rhian. Hindi ko na lang siya nilingon at binaling ko na lang ang tingin ko sa iba para maiwasan siya. Ilang sandali lang bumalik na si Chynna at binigay sa akin ang susi.

"Uhhmm. Teachers I have to go, may important meeting kasi ako eh. So enjoy. Si Chynna at ang mga staff ko na ang bahala sa inyo" agad ko silang iniwan dun at alam kong alam nila ang totoong dahilan kung bakit ako aalis agad.

Lumabas na ako ng resort at dumiretso ng parking lot. Pero hindi ko alam na nakasunod pala sa akin si Rhian.

"Glaiza, we need to talk." She said. Ano ba ang gusto niyang pag usapan? Pinalaya ko na nga siya diba? She should be happy. Makakasama na niya ang taong mahal niya.

"I think we don't. Sige aalis na ako" bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ko pero agad niya rin itong sinara.

"What the fuck Rhian?!" 

"We need to talk!" Sagot niya sa akin.

"Talk about what?!" Galit na tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at bigla siyang tumahimik.

"What? Alam mo kung wala kang sasabihin. I have to go. Stop wasting my time" and by that hinayaan na niya akong umalis..

Pero imbis na umalis ako sa mismong lugar na yun, bigla kong naisipan na dumaan sa kabilang resort, hindi ako pwedeng bumyahe na masakit ang ulo at walang naiinom na kape. Pagdating ko dun agad akong sinalubong ng isa sa mga staff nila.

Kumuha ako ng room para makatulog kahit ilang oras lang. Binigay naman sa akin yung susi pero hindi muna ako pumasok at nag order muna ng black coffee.

Ilang sandali lang ay sinerve na sa akin yung coffee ko pero ang nag serve sa akin si Kim. Yung may-ari ng resort na to.

"So andito ka nanaman Ms.De Castro" she said.

"Maging thankful ka na lang at may customer kayo. And thank you for serving my coffee" I said.

"Hindi ko lang alam kung ano ba talaga ang trip mo eh. Ang ganda, at ang saya ng resort niyo. Bat ka andito and knowing na kumuha ka pa ng room" she said.

"I am have my reason Ms.Domingo, stop asking wala rin akong balak pag-usapan" tumango tango lang to sa mga sinabi ko.

"Well I guess nag away kayo ng fiancee mo." Tinignan ko siya ng masama, ano bang pakielam nito?

"Well breaking news, she's not my fiancee anymore" I said.

"Oh why? Anong nangyari?" She ask.

"None of your business" sabi ko sakanya. Ininom ko na lang yung kape ko, dahil ayoko talagang makipagkwentuhan sa kanya. Pero mukhang madaldal tong isang to.

"You know Ms.De Castro, I want to tell you something. It just a friendly advice" she said.

"Ok Ms.Domingo first of all I don't need your advice and we're not friends" istorbo yan nabara ko tuloy, ang sakit ng ulo ko, dagdagan pa pati puso ko. Grabeng pasakit naman to.

"I know. Pero pakinggan mo muna ako. You really love this woman I must say. At sabi mo kanina she's not you fiancee anymore, at nakita ko sa mga mata mo yung sakit. Believe me, I know. Kahit ipakita mo sa lahat kung gaano ka kalakas, kung gaano ka kapowerful, pero sa mga mata mo, hindi. Alam kong nasasaktan ka sa mga nangyari alam kong hindi mo kakayanin na mawala siya sayo.. Pero tulad nga ng sabi ko malakas ka. Maybe you should give it a try again. Nang nakita ko kayo kahapon, I saw something, uhmmm let say spark or fireworks.. Bakit hindi mo subukan na balikan siya? Bakit hindi mo subukan na ligawan siya or bakit hindi mo subukan. Walang mangyayari sayo kapag nakatanga ka lang diyan. Kung mahal mo ipaglaban mo" nakinig lang ako sa mga sinabi niya, well she has a point and I get that.

"You done?" Tumango lang siya so it means she's done talking.

"Well ako naman." Sabi ko sa kanya, inayos niya ang upo niya at humarap sa akin.

"Hindi naman porket mahal mo ang isang tao ipaglalaban mo. Oo mahal mo nga. Pero ang tanong mahal ka ba? Anong silbi ng pinaglalaban mo kung iba naman pinaglalaban niya? Oo walang mangyayari sa akin kung nakatanga lang ako rito kausap ka at nagkakape. Pero kasi pagod na ako. Pagod na akong sumubok. Pagod na akong magmahal. Pagod na akong ipaglaban siya. Pagod na ako. Ayoko na, suko na ako. She's not happy with me, at nakita ko yung saya ng mga mata niya ng nakita niya yung ex niya kagabi. Yung mga matang yun never ko pang nakita nang dahil sa akin. So masisisi mo ba ako kung ayoko na? Masisisi mo ba ako kung pagod na ako? Masisisi mo ba ako kung suko na ako. Now tell me Ms.Domingo, ano ba dapat kong gawin. I'm tired" I said nakita ko na nakikinig lang siya sa akin, sa lahat ng sinasabi ko.

"Glaiza. Oo pagod ka lang. Pagod ka lang. Pero pwede ka naman magpahinga eh. Ipahinga mo muna yang puso mo. Magpahinga ka para lumakas ulit yan. Kasi hindi porket pagod ka na sumuko ka na. Sinasabi mo lang na susuko ka na, pero sinasabi ko hindi ka pa sumuko. Alam mo kung bakit? Kasi mahal mo. Well base sa kwento mo she's not happy with you, bakit sinabi niya ba? Bakit pinaramdam ba niya? At base rin sa kwento mo, iba yung nakita mong saya sa mga mata niya ng nakita niya ang ex niya. Glaiza maraming pinapakita ang mga mata. And believe me, noong nakita ko ang mata ni Rhian, nakakita ako ng selos. I saw something, ownership. Nagseselos siya sa akin. Akala niya siguro trip kita. Pero Glaiza, believe me, magpahinga ka muna, kapag ready ka na. Takbo ka ulit."

Hindi ko namalayan na sa dinami ng sinabi niya naubos ko ang kapeng iniinom ko. And she's right, maybe I need to rest.

"I guess you're right Ms.Domingo. I need to rest. So papasok muna ako sa kwarto at magpapahinga. Salamat sa friendly advice mo. Nakatulong kahit papaano. Thanks again" iniwan ko siya dun at agad akong tumaas sa room na binigay sa akin..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"So I guess aalis ka na. Any friendly advice to me Ms.De Castro?" Tanong sa akin ni Kim, paalis na kasi ako sa resort niya at uuwi na ako, pero I guess hindi muna ako sa bahay titira, I need to stay away from Rhian, kahit sandali lang, I need to think.

"Sa resort mo? Isa lang naman ang maiaadvice ko eh. Happiness. Bye Ms.Domingo. Sa susunod ulit. Bye" sumakay na ako ng kotse ko at nagbyahe pauwi.

Medyo mahaba haba ang byahe at medyo masakit pa rin ang ulo pero kaya ko naman na..

Pagkarating ko ng bahay nadatnan ko si Dad sa living room at nanunuod ng tv.

"Akala ko ba bukas pa uwi niyo?" Tanong sa akin ni Dad.

"Well I changed my mind. So I'm home" I said. Tinignan niya ako na parang may hinahanap ba.

"Rhian?" He said.

"Andun pa." Plain na sagot ko sa kanya,

"Iniwan mo ang fiancee mo dun?!" 

"Well, she's not my fiancee anymore" pag amin ko sa kanya. Halata sa mukha niya ang pagkagulat.

"Wha-what did you said? She's not your fiancee anymore? Akala ko napag usapan na natin to before, Glaiza nakaset na ang lahat!"

"Dad ayoko na! Pagod na ako. Pagod na akong mahalin si Rhian. Hindi naman niya ako mahal eh. Please dad, hayaan mo na ako. Don't worry ako pa rin naman mag mamanage ng company, just please huwag ng ituloy ang kasal. Ayokong matali siya sa taong hindi naman niya mahal. Please dad." Umiyak na ako sa harapan niya dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. I just can't help it.

"Glaiza."

"Dad please. Ayoko na. Nagpanggap lang kami ni Rhian.. Nagkasundo kami na after ng kasal namin mag didivorce kami agad. Dad please hayaan mo na ako" pakiusap ko sa kanya.

"Kung yan ang gusto mo. Sige I'll respect that. Kakausapin ko ang mga Ramos na hindi na tuloy ang partnership natin sa kanila" sabi ng dad ko. Natuwa naman ako dahil finally he understands me.

"Dad, you don't need to. Itutuloy pa rin natin ang partnership sa kanila. At sana gusto kong makausap sila Mr.Ramos about this."

"Sige Cha. And Glaiza, I'm sorry if became a bad father. Inisip ko lang kasi ang makakabuti para sayo, pero hindi ko naisip kung ano ba ang ikasasaya mo. I'm sorry anak" agad akong niyakap ni dad at dun ko na nilabas lahat lahat, umiyak lang ko ng umiyak hanggang sa pakiramdam ko is ok na ako.

After ng heart to heart talk namin mag ama, pumasok na ako agad sa kwarto ko at agad nag impake ng mga gamit, dahil pakiramdam ko kapag nagstay pa ako sa kwarto ko, maalala at maalala ko lang si Rhian.

Habang nag iimpake ako, biglang pumasok si Alchris.

"Tol" sabi niya sa akin.

"Aalis ka? Iiwan mo ko?" He ask.

"No, hindi kita iiwan. Aalis lang ako rito sandali. I can't stay in here. Naalala ko lang si Rhian" 

"Yeah, I've heard about it. Sinabi sa akin ni dad. Sige cha, ingat ka. And don't worry this time hindi ko na sasabihin kay Rhian kung asan ka. Basta babalik ka rito ah" napangiti naman ako sa ugaling pinakita ni Alchris, para siyang bata kaya agad ko itong niyakap.

"Don't worry, sa hotel lang ako. Kaya pwede mo kong puntahan" 

"Ok ate. I love you cha!"

"I love you too Al."

Nagpaalam muna ako kay dad bago umalis, hindi naman to nagalit pinayagan lang ako. Nagpapasalamat pa rin ako kahit medyo magulo ang pamilyang meron ako, nagkakaintindihan pa rin kami. Mahal na mahal ko sila. Kaya lahat gagawin ko para sa kanila. 

Nakarating na ako sa hotel na tutuluyan ko pansamantala, sinabi ko na rin kay Alchris kung asan ako. Pinaalalahanan niya akong mag ingat at huwag gumawa ng pwede kong ikasama.
Pagkatapos namin nag usap nagpahinga na ako, dahil bukas ng umaga, dederetso ako sa mga Ramos.

Bago ako dumaan ng office sa mga Ramos muna ako Buti na lang alam ko bahay nila dahil madali lang naman hanapin at binigay din naman sa akin ni dad yung address nila. Medyo kinakabahan ako ng nakarating ako sa tapat ng bahay nila. Agad naman binuksan ng ng guard ang gate.

Masasabi kong malaki ang bahay nila, pero parang may kulang. Parang madilim at kulang ng saya na hindi ko maintindihan. 

Pagkapark ko ng sasakyan ko, agad akong sinalubong ni Tita Clara.

"Glaiza anak! Kamusta ka?" Tanong nito sa akin at agad akong niyakap.

"Ok lang naman po tita. Uhmmm. Andiyan po ba si tito?" Tanong ko sa kanya.

"Glaiza naman eh. Diba sabi ko just call me mommy. Magiging parte ka na ng pamilya namin. And asan si Rhian, bakit hindi mo kasama" 

"Sa loob ko na lang po ipaliwanag kapag meron na po si Tito." Sabi ko. Hindi na nagsalita si tita at agad kaming pumunta sa may pool area nila.

"Honey. Andito si Glaiza, gusto ata tayong makausap" she said. Ang sweet naman nila honey talaga ang tawagan nila.

"Oh Glaiza, buti at napadalaw ka. Wala ka bang work ngayon?" Tanong nito sa akin.

"Actually tito I have, pero I need to talk to you first. Tungkol po sa amin ni Rhian" I said.

"Bakit ano ba yun" tanong ni tita Clara.

Pinaliwanag ko ang lahat sa kanila, at sinabi ko rin na ako ang may pakana ng lahat at ako ang may kasalanan, kaya huwag nilang sisihin si Rhian. Sinabi ko rin na hindi mapuputol ang partnership dahil lang sa amin ni Rhian. I make sure na ok ang lahat. Mukhang naintindihan naman nila ako. Sana lang talaga hindi nila sisihin si Rhian sa mga nangyari sa amin.

"Well I guess, wala na kaming magagawa. Thank you Glaiza. Thank you for being honest with us. And thank you for loving our daughter. Sorry kung nasaktan ka ng anak namin" sabi sa akin ni Mr.Ramos.

"Its ok tito. I understand. Sige po, I need to go. I still have work to do. See you soon" I said to them at nagpaalam na ako. 

Paglabas ko sa may pintuan nila agad ko naman nakita si Rhian.

"Glaiza, kailangan natin mag usap" gusto ko sana siyang sungitan o sumbatan kaso andito ako sa bahay nila.

"I'm sorry Rhian, kailangan ko ng umalis and Rhian, malaya ka na talaga. Be happy with him" agad akong umiwas sa kanya at sumakay ako agad sa kotse, nakita ko na tinignan niya lang ako hanggang sa makalabas ako sa bahay nila..

Ano pa ba ang dapat namin pag usapan? Naayos ko na lahat. Pinalaya ko siya. Pwede na niyang balikan yung cheater niyang ex. Pwede na ulit siyang magpakatanga dun. Malaya na siya sa akin. She can do whatever she wants. Wala na akong pakielam. Bahala siya. Basta ako itutuloy ko ang buhay ko kahit masakit. Kakayanin ko kahit mahirap. Kakalimutan ko siya at mag momove on na lang ako.. Mag ffocus ako sa work at sa family ko..

Hindi na ako pumasok sa office dahil wala rin ako sa mood na magtrabaho, inutos ko na lang lahat kay Alchris at siya na ang bahala. Naisipan ko na lang pumunta kay Mang Ben at humingi ng payo. Siya kasi ang nagparealized sa akin kung gaano ko kamahal si Rhian, siya ang dahilan kung bakit ko nalaman na si Rhian ang mahal ko.

Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa pwesto ni Mang Ben, medyo inaayos pa niya yung mga gagamitin niya sa paglalako, kaya tinulungan ko na lang.

"Oh Glaiza, ano't naparito ka? Asan si Ma'am Rhian?" Tanong niya sa akin. Hindi na lang ako kumibo at ngumiti na lang ng pilit sa kanya.

"Ay kaya pala eh! May problema si ineng ko. Osiya sabihin mo sa akin lahat at makikinig ako" napakabait talaga ni Mang Ben, kahit hindi niya ako kaano ano, lagi pa rin siyang nandiyan para damayan at payuhan ako sa lahat ng problema ko.

"Pinalaya ko na siya Mang Ben. Alam ko naman na hindi niya ako mahal" paliwanag ko sa kanya, at hindi ko namalayan pumapatak na pala ang luha ko.

"Ganyan talaga anak. Sabi nga nila kapag mahal mo, ipaglaban mo at sabi rin nila kapag mahal mo palalayain mo. At napagtanto ko na ikaw yung tipo ng taong nagmamahal na handang magparaya. Talagang mahal mo si Rhian eh noh?"

"Opo" sagot ko.

"Sa tingin mo ba tama yang desisyon mo na palayain siya?" Tanong nito sa akin.

"Ewan. Baka. Siguro. Malay ko. Hindi ko na alam Mang Ben. Gulong gulo na ako. Pero kasi ayoko naman siyang itali sa isang bagay na pwede niyang pagsisisihan balang araw. Nagpapanggap nga kami na meron kami. Pero wala naman talaga."

"Paano kasi puro kayo pagpapapanggap, bakit hindi niyo na lang totohanin?" 

"Ako Mang Ben totoo yung nararamdaman ko para kay Rhian. Mahal ko siya. Pero siya nakikita ko sa mga mata niya na yung ex pa rin ang mahal niya. At ako? Wala lang." Sabi ko sa kanya,

"Hays mga bata nga naman ngayon. Osiya. Iiyak mo lang yan anak. Sa pagkakataon na to, yan ang kailangan mo. Kailangan mong ibuhos lahat ng sakit. Iiyak mo lang yan kahit magdamag. Pero oras na tumigil ka sa kakaiyak, itigil mo na. Dahil sinasabi ko sayo. Walang mangyayari, kahit lumuha ka pa ng dugo, wala talaga. Kaya sige iiyak mo lang yan, andito lang ako para sayo"

Hindi ko na talaga napigilan na hindi umiyak. Iyak ako ng iyak. Sobrang sakit na kasi eh. Akala ko kasi pwede na. Akala ko kasi siya na. Akala ko baka magbago pa. Pero akala ko lang pala. Naniwala ako sa sarili kong pananaw na meron siya at ako. Pero wala pala. Niloko ko lang din ang sarili ko. Nagpakatanga ako. Tsk! Kaso wala eh. Mahal ko!.

---

"Ms.De Castro, can you focus on the presentation?" Tawag sa akin ni Ms.Lazaro. Nasa meeting ako ngayon at tama nga siya wala ang atensiyon ko dun. Iniisip ko pa rin si Rhian.

"Sorry, just go ahead" I said. Nakita ko na inirapan niya ako, pero hindi ko pinansin dahil wala ako sa mood.

Pinagpatuloy lang niya ang pagsasalita hanggang na may narinig kaming ingay mula sa labas ng conference room.

"Anong kaguluhan ang meron sa labas?" Tanong ko.

"Ma'am hindi po namin alam" sagot ng sekretarya ko. 

"Tignan mo kung sino yun nasa labas! I don't have time for this!" Utos ko sa kanya, pero pagkabukas na pagbukas pa lang niya ng pintuan, biglang pumasok si Rhian.

"What are you doing here?" Napatayo ako ng nakita ko siya.

"May gusto lang akong sabihin sayo, gago ka!" Napansin ko na napatawa ng kauti si Alchris at tinignan ko lang ito ng masama.

"Ok Ms.Ramos. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. May meeting pa ako. Sa laba-"

"Hindi dito ko sasabihin. Isang beses ko lang to sasabihin kaya makinig ka. Limang salita lang. Five words Glaiza. Five words lang" huminga muna ito ng malalim. At ako naman naghihintay ng sasabihin niya, syempre pati na rin tong mga kasama ko..











"MAHAL DIN KITA, GAGO KA!" Pag amin sa akin ni Rhian.

And I am speechless

-----
AN:

Dapat talaga mamaya pa ako mag uud eh. Hahaha. Kaso hindi ako mapakali dito sa bahay, ikot ako ng ikot, halos mahilo na si manang sa kakatingin sa akin. Hahahaha. Kaya tinapos ko na lang to.

Sorry medyo natagalan konti. Hahahah. At nga pla sa mga nagbabasa ng TRROL promise mag uud ako doon soon. Siguro focus muna ako dito sandali. Wala kasi akong maisip na idudugtong doon. Hehehe..

And btw, pwede niyo rin pla icheck yung mga hugot ko. Yung Ang Aking Munting Likha Hahaha. Mga gawa ni Adrian Black. Lahat ng yun mga kahugutan ko sa buhay. Sana makarelate yung iba. Charot. Haha.

At gumawa nga pla ako ng Twitter pwede niyo kong ifollow kung gusto niyo lang naman.
adrianblackx

Don't forget to vote guys. :)

-A.B

Continue Reading

You'll Also Like

43.2K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
158K 6.7K 53
Rhian Denise "Yoyon" Howell And Glaiza "Cha" Galura Naranasan mo na bang mainlove sa bestfriend mo? Ipaglalaban mo ba ito kung sa pakiramdam mo ay...
226K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
208K 6K 53
Characters Glaiza Galura Rhian Ramos A.N//salamat sa mga magagandahan, salamat din sa mga hindi magagandahan.