Gangster High: Rebirth of the...

Από maentblack

248K 8.8K 1.4K

If they stand behind you, give them protection. If they stand beside you, give them respect. If they stand a... Περισσότερα

PROLOGUE
GHIGH: JAHIMARI
GHIGH: BADASS
GHIGH: GHIGH's CARD
GHIGH: PERFECT SUBJECT
GHIGH: THE TRIAL
GHIGH: THE TRIAL LIST
GHIGH: MEET THE FIRST CLASS
GHIGH: NEVER LET THE BEAST DESTROY YOU
GHIGH: BEWARE OF RULES
GHIGH: YOU'RE IN DANGER
GHIGH: CAPTIVE
GHIGH: BLACK SYRUM
GHIGH: THE BLOOD DONOR
GHIGH: THE REAL BEGINNING
GHIGH: STRANGER
GHIGH: SUSPICION
GHIGH: CAUGHT
GHIGH: PUZZLED
GHIGH: BAIT
GHIGH: UNWANTED VISITOR
GHIGH: WHO ARE YOU?
GHIGH: UNSEE
GHIGH: YOU SHOULD KNOW
GHIGH: LAY YOUR HANDS ON ME
GHIGH: THE TRUTH BEHIND THE LIES
GHIGH: DIE FOR YOU
GHIGH: 'TILL WE MEET AGAIN
GHIGH: WHEELS FALL OF
GHIGH: EPILOGUE

GHIGH: UNLEASH YOUR CURIOSITY

9.2K 355 18
Από maentblack

[Alyx and Kade]

 Chapter 5: Unleash your curiosity

Alyx's Point of View

Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit. Pabali-baliktad na ako sa kama ko. Ako lang naman ang tao sa kwartong ito. Ang alam ko, tig-i tig-isa ang kaming mga babae ng room pero bakit pa kasi tinig-i tig-isa kung maliit naman ang kalalabasan ng rooms. Naka-divide tuloy yung comfort room sa rooms namin. Okay din ang ganitong style ng design ng dorm pero ang layo lang kasi ng comfort room sa dorm. Halos isang palapag ang layo ko doon.

Dahil sa sobrang inis, tumayo ako saking higaan. Hindi talaga ako makatulog. May kung anong bumabagabag sa isip ko pero wala akong kahit anong ideya kung ano 'yon.

Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko at alas otso palang naman ng gabi. Sa oras na ito, may mga estudyanteng tulog na at may mga estudyante naman hindi pa rin mga tulog. Why? May naririnig pa 'kong kung anong ingay sa taas e.

Isinuot ko ang jacket na nakasabit sa may pinto at napagdesisyonang lumabas muna saglit ng dormitory.Gusto ko lang magpahangin. Pakiramdam ko kasi ang sikip sikip sa kwarto. Namamahay lang siguro ako. Pagkalabas ko, inilock ko agad ang pinto. Sinugurado kong dala dala ko ang GHigh's card dahil ito ang susi para makapasok ulit sa kwarto ko.

Wala na namang tao sa labas, siguro dahil tulog na sila. Dahan dahan akong lumakad pababa para hindi makagawa ng kahit ano mang ingay.

Nang makalabas ako sa girls dormitory, naramdaman ko agad ang sumalubong na hangin sa mga balat ko. Nilanghap ko ang sariwang hangin galing sa labas. Mas nararamdaman ko ng nakakahinga na ko ng maluwag ngayon. Napatingin ako sa langit, napakunot ang noo ko nang may mapansin akong may biglang tumalon malapit sa roof top ng katapat naming building.

Lumakad ako ng bahagya upang tignan kung tao nga ba ang nakita ko o guni guni ko lang. Nang makatapak na ako sa lupa, may biglang humigit ng kamay ko't pinaupo ako sa tabi nya. Parehas na kaming nagtatago ngayon sa grass sculpture.

"Aray!" Ungol ko nang maramdaman kong pinagsisiksikan nya kami doon sa masikip na lugar na 'yon.

Tinignan ko ang taong humatak sakin. Nakasuot sya ng itim na jacket, hindi ko din makita ng maayos ang mukha nya dahil sa nakaharang na hood nya sa mukha.

"Sino ka?" Inis kong tanong sa kanya. Binawi ko ang kamay ko't sinubukang tumayo ngunit hinigit nya ako paibaba.

"Shhh! 'Wag kang maingay. Gusto mo bang matulad sa kanila?" Napakunot ang noo ko nang may itinuro sya malapit sa may puno ng narra. Sa tabi ng punong 'yon ay may mga taong nakasuot din ng itim. Sa tantya ng bilang ko'y labing dalawa silang lahat. May mga nakaharang sa mga bibig nila, tinatago nito ang buong itsura nila. Tanging mata at kilay lang ang makikita.

Binalik ko ang tingin sa lalaki. "Wala akong pakialam, bitawan mo ko." Bulyaw ko sa kanya.

"Wag ka sabing maingay! Andyan na sila. Look." Pabulong nya 'yong sinabi at focus na focus syang nakatingin doon sa mga lalaking nakaitim.

Inis ko namang tinignan ang kanina nya pang tinuturo. Naguluhan ako nang makita kong duma-dami ang kaninang labing dalawang tao doon sa may puno. Ngunit hindi sila nakaitim, parang mga estudyante sila dito sa GHigh.

"That's the zombie syrum." Napatingin ako sa lalaking katabi ko ngayon nang marinig ko ang hindi pamilyar nyang sinabi.

"What?" Tanong ko.

"Zombie Syrum. Wala sila sa pag-iisip. Tignan mo ang ginagawa nila. Binibigay lang nila basta basta ang GHigh's card doon sa mga taong nakaitim. Wala silang kaalam alam na nananakawan na sila ng info dahil doon." Mahaba nyang litanya habang nakatingin pa rin doon sa narra.

"Bakit nila hinayaang ibigay 'yon." Napailing ako. "Oh fuck! They are disgusting!"

"Wala nga sila sa sarili dahil tinurukan sila ng zombie syrum." Gigil na sabi ng lalaki.

"Ano ba yang zombie syrum na yan."

"Anong zombie syrum ay ginagamit ng mga outsiders upang makontrol ang pag-iisip ng isang biktima. Once na mapasok ng syrum ang body system mo, they are blocking all your senses, hindi ka makakapag-isip ng matino. Yung para bang totoong zombie, hindi mo alam ang ginagawa mo. You're brain is controlled by that syrum and radio transmitter—" Napatigil ang lalaki sa pagsasalita. "Wait, sino ka ba? Imposibleng wala kang alam sa zombie syrum?" Magsasalita na sana ako pero patuloy pa rin sya sa pagsasalita. "Pwera na lang kung bago ka dito sa school."

Huminga ako ng malalim at tinignan sya ng mabuti. "Magkwento ka pa tungkol sa syrum na sinasabi mo." Utos ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit biglang nagkaron ako ng interes sa mga sinasabi nya. Though, ayoko naman talaga sa mga mysteries.

"Hindi pwede. Against sa rules ang pagbibigay ng detalye para sa mga new comer. You have to find an answer for your questions."

Napamaang ako sa sagot nya. "Ano bang pinagkaiba ng oldies at newbies sa school na 'to? Tsaka, wala namang makakaalam kung sasabihin mo sakin ang tungkol don." Iyamot na sabi ko.

"I'm sorry." Aniya at tinignan ulit kung may tao pa nga ba doon sa ilalim ng puno ng narra. "Bumalik ka na sa dorm mo. Hindi safe sa school lalo na kapag gabi." Tumayo kami sa pagkakaupo.

Inihatid nya ko sa hagdanan ng dorm. Iniisip ko pa rin yung mga sinasabi nya kaya nung naglakad na sya papalayo sakin ng kaunti ,nagsalita ako, "So anong kailangan kong gawin?" Wala sa wisyong tanong ko.

Nilingon nya ako mula sa kinatatayuan ko. "Unleash your curiosity." Tumigil sya sandali sa pagsasalita. "But don't forget that curiosity can kill you." Napalunok ako sa huling salita na binitawan nya. Sino bang maniniwala sa mga ganoong kasabihan, pero ano nga ba talaga ang meron sa GHigh? May dapat nga ba akong alamin o malaman?

Pero bago sya tuluyang maglaho sa paningin ko, ngumiti sya sakin. "By the way, I'm Tobby. Nice to finally meet you, first subject."

Bago ko pa itanong sa kanya kung anong ibig nyang sabihin dun sa first subject, mabilis syang tumago sa dilim at hindi ko na nakita. 'First Subject?'

Nang makaakyat ako sa dorm, mas lalong hindi natahimik ang utak ko sa pag-iisip. Mukhang nakasama pa ata sakin ang paglabas ko ng silid. Hays! Alyx ano ba? Ang dapat na iniisip mo ngayon ay kung pano kayo magkikita ni Kailor. Hindi ka pumasok sa GHigh para mangialam sa mga ganitong bagay. Focus Alyx, Focus.

--

Muntik na kong malate sa unang klase dahil napasarap ako sa pagtulog. Pagka-akyat ko sa second floor, nagsisimula na ang klase. The good thing is hindi pa nakakapag-antanda ang Professor sa lesson nya. Chemistry ang first subject na pag-aaralan namin. So asual, tulog na naman ako sa subject na 'to kagaya dun sa pinapasukan kong school dati.

Nang mag-o-automatic ng magbubukas ang pinto, kasunod naman niyon ang pagpasok ng Professor namin. As usual, all the students transformed. Buti na lang at nasa dulo ako, walang makakakita sakin kung ano ang ginagawa ko dito sa dulo. Ipinatong ko muna ang ulo ko sa table para matulog ng kaunti.

"Okay, Hello students. Good morning." Panimula ng Propesor. Naririnig ko lang sila pero wala doon ang atensyon ko.

Iniisip ko pa rin yung mga nangyari kagabi. The Zombie Syrum, The Black Mans, The First Subject, and that man—Tobby. Pakiramdam ko magkikita ulit kami ng lalaking 'yon. Hindi ko nga lang alam kung ano ang eksaktong itsura ng mukha nya.

Iniisip ko din kung alam din ba ng ibang estudyante ang mga nangyayaring ganito? Imposible kasing hindi nila alam na may mga ganitong senaryo sa school nila, matagal na silang napasok dito kaya malamang ay nagkukunwari lang silang walang alam. Takot sa mga pwedeng mangyari.

"Okay, I feel I'm not welcome in this class so I should start my lesson. Please listen to me for a while." dagdag ng Professor nang wala syang natanggap na pagbati mula sa mga estudyante dito sa loob.

"But before we start, I'm Mr. Edison and I'm your class teacher in Chemistry, so I hope you will learn a lot after the school year ends. " Pag-iintroduced nya sa sarili.

Tumunghay ako ng kaunti at tinignan ang oras sa wrist watch ko. Maaga pa para sa next subject. Argh, parang gusto kong kumain. Hindi nga pala ako nakapag-almusal kanina.

Tinignan ko ang white board at nakasulat doon ang salitang 'LOVE'. Ano namang kinalaman ng love sa chemistry?

"Okay, read the word in the board." Utos ni Mr. Edison.

"Love." Kahit papaano'y may tumugon sa sinabi ni Mr. Edison. Binasa ito ng babaeng nakaupo sa unahan.

"Okay, your right. May I know your name?" Muling isinulat ng Propesor ang 'love' sa unahan, pero may dash na ang love.

'Love- What is chemistry between two people?'

"Keiko Adley Sir." Sagot ng babaeng nasa unahan.

"Okay Keiko, can you answer the question on the board. In your own words. Since, topic natin ang chemical reaction, chemistry and attraction." litanya ng Propesor. Patuloy lang kaming nakikinig sa walang kagana-ganang konbersasyon nilang dalawa.

Palaban namang tumayo si Keiko. "Chemistry is just a simple emotion. It's like encompassing joy, gratitude, serenity, interest, hope, pride, amusement, inspiration, and awe..."

"Correct." Nagpalakpakan naman ang mga estudyante sa sagot ni Keiko pati na rin ang propesor ay namangha.

Gumala sa buong paligid ng room si Mr. Edison. Naghahanap siguro ng matatanong. "You." Napatingin ako sa kanya dahil nakaturo ang kanyang kamay sakin. "You with the new face." Banggit nya ulit.

"Yes?" Wala sa mood na tanong ko.

Lumapit sya sa kinatatayuan ko. "What is chemistry and attraction?"

Hindi na ko tumayo, sinagot ko na agad ang tanong nya, "Some people describe chemistry and attraction as components with documented concept and some of them defined chemistry as a metaphorical language but in my own perspective, it's a combination of love, lust and infatuation."

Napatango tango naman ang Propesor at pakiramdam ko'y nakatingin sakin ang mata ng bawat isa. "Why did you say so?"

"Because not everyone experiences chemistry, yung tipong akala mo mahal mo sya, hindi naman pala—it's just like you're comfortable with him or her. Maaaring maging chemistry 'yon dahil may nararamdaman pa rin kayong feelings para sa isa't isa kahit na lust and infatuation lang ang lahat ng 'yon. It is deemed to call as a chemistry and attraction."

Maraming pumalakpak sa sagot na sinabi ko. "I think, may papalit na kay Keiko as human dictionary, what do you think guys?" Dinig kong katyaw ng lalaking nasa right side ko.

Tumingin ako doon sa lalaking nagsalita. "Wala akong balak maging human dictionary." Umirap ako nang tumingin din sya sakin.

Nagtawanan naman ang lahat. Oh crap! Para namang may nagtulak sakin na tumingin sa bandang kanang likod ko at ngayon ko lang napansin na nandito pala ang Sixth Violation pati na rin si Van na nagsandal sakin sa wall. Tinitignan nila ako na para bang may nais pa silang makita sakin pero kung ano man 'yon, wala akong balak ipakita sa kanila ang nais nilang makita.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

☠  ☠  ☠

  •••••••••••••••••••••••••••••••••  

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

31.2K 1.3K 31
BLUE SERIES #4 I was raised by the demon itself, and I was named after him. Lucifer.
The Kingdom Of Norland Από venn

Ιστορικό φαντασίας

48.4K 3.9K 43
Kilalanin si Zariya Serein Cortez, isang ordinardyong estudyante na nagmula sa modernong mundo ang napadpad sa taong ilang dekada na ang nakalipas at...
3.3M 113K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.
969 174 9
About the journey of the highest-paid assassin of the 21st century who was transported to the world of an ancient book and became one of its characte...