Retrograde (Completed)

By xpaperpiper

80.4K 1.1K 16

Your heart aches because of a handful of reasons. Clogged arteries caused by cholesterol build-ups, arrhythmi... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 40

996 18 0
By xpaperpiper

Retrograde | Chapter 40

"Wait lang ha! Give me a minute to comprehend everything." Dinikit ko ang tenga ko sa dingding para mas marinig pa sila. Kakagising ko lang kaya dapat didiretso na ako sa labas nang makarinig ako ng pamilyar na mga boses. Kanina pa nga ako nag-titiis na dumikit dito eh.

Sobrang sakit ng ulo ko, wala na kong maalala sa mga nangyari kagabi. Ang alam ko lang, nagpaka-lasing ako kasama si Zeph. Medyo hilo pa kong bumangon pero nakilala ko agad kung sino ang nasa labas. It's Sierra and Zeph.

"Gosh! Why is life so complicated? Di ko naman inasahang aabot sa ganito yan. Edi sanaㅡ"

"Edi sana pinigilan mo? I knew it! Alam mo rin itong lahat, at ikaw pa siguro ang nagkunsinti. Sierra naman kasi! You promised me you'll take care of her." Di ko na napigilan na buksan ang pinto, gumawa ako ng maliit na uwang para lang makita sila. They're arguing.

"Excuse me? Yes, I know all of it! Pero wala naman atang masama roon. I just supported her, Zeph. At inilagaan ko siyang mabuti, fyi!" Mataray na nakahalukipkip si Sierra habang nag-papaliwanag. Zeph undeniably looks frustrated. "Hinayaan mo siya sa Sander na yun?"

"Look, wala namang masama dun ah! Tinulungan lang siya ni San, kaya bakit naman ako kokontra?" His jaw clenched, he's trying hard to control his temper. Humigpit ang hawak ko sa doorknob. Ito ang dinulot ng mga ginawa ko. Everything is falling apart.

"Yun na nga yung point! Dapat una pa lang, noong nago-offer pa lang ng tulong, pinigilan mo na," pagalit ni Zeph.

"Duh? I don't have anything against Sander so why should I? Kung ukol to sa cheating part, then fine, baka nga may pagkukulang ako. Eh malay ko ba namang wala na pala yung girl!"

Minsan ko nang na-kwento yung pagkamatay ni Kylene kay Sier, pag-tapos naming pumunta sa cemetery ay siya agad ang pinagsabihan ko.

"Tignan mo ang nangyayari ngayon! Everything is shit!" reklamo ni Zeph at sinipa ang isang foot rest. Sierra remained unfazed. "Naging shit lang naman simula noong umalis ka..."

"So ako na yung sinisisi mo ganun?"

"No, just stating a fact." Alam kong nag-kakainisan na sila. Pareho silang matapang, may strong personality. Kaya wala talagang magpapatalo sa dalawang ito. "Don't blame it on me, Sier. Nasa inyo yun, kung sinabi nyo agad sa akin. Sana napigilan ko pa. Sana hindi na umabot sa ganito."

"C'mon, Zeph! Don't use that excuse against us. Oo, tinago namin. But he's harmless!"

"Harmless? Pagtapos ng lahat nang sinabi ko sayo yun ba yung meaning harmless?" Pinanliitan niya ng mata si Sierra. Malamang pagod siya sa byahe pero kinailangan niya pang makipag-sagutan ng ganito. What's happening? We're all friends here.

"Does he look like a drug addict to you?" Sierra protested. Like what I explained before, Sier knows San as much as I know him. Kaya malaki rin siguro ang tiwala niya rito. "I don't know, people change..."

"Tama na. Tama na please."

Sabay silang lumingon sa akin, halos matunaw sa pag-aalala ang mukha ni Sier nang makita niya ako. Tumakbo siya palapit at niyakap ako. "Please guys. Ayokong masira rin ang tanging maayos na bagay sa buhay ko ngayon."

Tinakwil na ako nila mama, pinaalis na nila ako sa bahay. Yung trabaho ko, nag-resign na rin ako roon. Kay Sander, wala pa akong lakas ng loob na kausapin siya. This is the only thing I haveㅡmy friends.

"Shh, sorry Eve. Okay ka lang ba? Zeph told me everything," puno ng pag-aalala ang boses niya. Tumango ako at tinignan naman si Zeph. Naka-yuko siya, nahihiya rin sa nangyari.

"I'm fine, it's just that... masyado lang siguro akong nalilito ngayon."

"Girl, believe me, everyone would be so confused." Umarte si Sierra na parang nahihilo. I still can't believe she's here. Umuwi siya para lang sa akin. Sobrang swerte ko talaga sa mga kaibigan ko. Dahil sa sobrang saya, mahigpit ko ulit siyang niyakap bilang pasalamat. Tumawa lang sya.

"Thank you for coming, Sier." Right now, I badly need the two of them. Lagi silang nandyan kapag may problema akoㅡthrough thick and thin.

"So ano nang plano mo?" tanong ni Sier habang nagliligpit. Dito rin daw muna siya tutuloy para makasama ako. Hinayaan naman siya ni Zeph, hati nalang kami ng kwarto. Tapos nasa master's si Zeph.

"Ano bang dapat kong i-plano?" She shook her head, looking disappointed because of my answer. Mula kasi nang magkapatong-patong ang mga problema ko, parang naging blanko nalang yung isip ko. "Hello? Dont tell me susuko ka na? Game over na?"

"Butㅡ"

"No buts! It's either, haharapin mo ulit yung mga parents mo at mag-aaway na naman kayo o tatapatin mo si Sander," suhestyon niya at siniko ako. Hindi muna ako nakapag-salita, wala nga kasing pumapasok sa ulo ko. "Kung hindi lang kasi ako nagsinungaling eh," I sneered.

"Yup, sana nga hindi nalang tayo nagsinungaling. Pero andyan na yan, sabi nga, everything happens for a reason! Let's be real, hindi naman aabot sa ganito kung nagsinungaling ka lang eh. Ang kaso, involved si San aka 'Mrs. Anuevo's most hated person' kaya ayun World War III ang peg nyo dyan."

"How can my parents hate him so much when I don't think I feel any hatred? Ako nga ata dapat yung pinaka naapektuhan." Binigyan niya ako ng makahulugang tingin. Siya mismo naiintindihan ang punto ko. It just doesn't make enough sense.

"I don't want to state the obvious."

Ang labo ng sinabi niya pero hindi ko nalang pinansin. Pinagtuunan ko yung pagliligpit. Hanggang sa wala na ang lahat ng mga kalat at naligpit na. Humiga ako sa kama at tumabi siya sa akin.

"Aren't you curious kung nasaan ba siya ngayon? Kung anong ginagawa niya?" tanong niya habang diretso ang titig sa kisame. Hinanap niya ang aking mga daliri at pinaglaruan iyon. "Ofcourse, I'm very curious."

Curious is an understatement. Gusto ko siyang makita, makausap, tapos yakapin. I want to give him the support he probably never felt ever since that accusation came to his life. I want to let him know that I believe in him.

"You want to meet him?" she asked naughtily. Napalingon ako sa kanya, iniisip niya bang puntahan si San? Yes, I want to see him, but not right now. Not when everything is still in chaos. Mariin akong umiling.

Muli niyang akong siniko, "Everee, ang problema hinaharap at hindi tinatakbuhan. Kahit magtago ka, nandoon pa rin iyon, nagbubulag-bulagan ka lang."

"You're crazy, magagalit si Zeph." Masyado na rin siyang nasasaktan sa mga nangyayari. At ayokong nakikita siyang naapektuhan ng sobra dahil lang sa mga kasalanan ko. All he ever did was support me and be there for me. "He won't get mad if he doesn't know, right?"

Mas mariin akong umiling, "Mali na naman yan. Magsisinungaling na naman tayo. Ayoko na, Sier."

"Okay! Fine!" Mabilis siyang tumayo at tumakbo palabas. She's so weird. Kumuha ako ng unan at ibinaon doon ang ulo ko. I'm still trying to remember what happened yesterday. Hindi naman siguro ako gumawa ng kahit anong stupido, di ba?

Malipas ang ilang minuto, bumalik na si Sier habang hila-hila si Zeph. Madilim ang ekspresyon sa mukha niya habang ngiting-ngiti naman si Sierra. Ano na namang meron?

"Pumayag na siya!" anunsyo niya at tumalon-talon pa. Nakita ko ang pag-irap ni Zeph. Pinilit siyang patalunin ni Sier but to no avail, he remained as cold as ice. "Pumayag saan?"

"Pupuntahan natin si Sander!" Bigla akong napatayo. Kinailangan ko pang suportahan ang aking sarili dahil muntikan na akong ma-out of balance. Tumaas ang isa kong kilay. Kami? Pupunta kay Sander?

"It's better if we clear everything out, then we'll move on from this," sabi ni Zeph. Ang lamig ng boses niya, alam kong napilitan lang siyang pumayag pero nagpapasalamat pa rin ako.

Sinubukan kong tawagan si Sander pero walang sumasagot. Pati sa mga text ko, wala rin siyang reply. Si Marc nalang ang tinawagan ko para tanungin kung nakita niya ba si San pero parang hindi raw pumasok. Wala raw sa klase nila Ralph, kung paano nalaman ni Marc yun, wala akong ideya.

Bigla akong nakaramdam ng kaba, parang may hindi tama. Wala naman siguro siya sa pahamak. Sana lang. Sumusunod sa akin ang mga tingin nina Zeph habang pabalik-balik ako.

"Anong sabi?" singit ni Sierra na nag-hihintay din. Pasimple akong umiling bilang sagot. Umismid si Zeph, "Sabi na eh. Baka nilayuan ka na nyan kasi nabuking na siya..."

"Zeph you're not helping!" singhap ni Sierra. Tinago ko nalang ang aking phone, I give up. Wala akong choice kundi puntahan siya ng walang pasabi. Inis na sumandal si Zeph habang inaantay ang sagot ko.

"Let's go to his apartment, malamang nandoon siya." Sana lang nandoon nga siya. Tumayo na sila at umalis na kami. Dumiretso kami sa parking, si Zeph na ang magmamaneho. Halata namang labag pa rin ito sa loob niya pero sana maintindihan niya ako.

Kabado akong tumingin sa labas ng bintana. Naramdaman ata ni Sier ang pag-tahimik ko kaya hinawakan niya ang aking kamay. "Everything will be fine, Eve."

Mabilis ang pagmamaneho ni Zeph papuntang Parañaque. Gusto niya lang na matapos na itong lahat, ako; gusto ko lang maliwanagan. Tinuro ko sa kanila ang direksyon.

Nang makarating kami sa apartment, sa labas lang nakapag-parada si Zeph dahil bawal sa loob ang kotseng wala sa tenants list. Nag-prisinta akong umakyat ng mag-isa, noong una ay ayaw pa pumayag ni Zeph pero pinilit siya ni Sier.

Huminga ako ng malalim at kumatok sa pintuan niya. Walang sumasagot, naka-ilang katok na ako pero hindi pa rin bumubukas ang pinto. Kinuha ko ang susi mula sa aking bulsa, dinala ko just in case na wala siya rito.

Binuksan ko ang ilaw at pumasok na sa loob. "Sander?" tawag ko at nag-lakad papunta sa sala. Magulo ang mga gamit niya roon, gaya pa rin ng dati. "Sander?" tawag ko ulit pero tila wala siya rito.

There were unwashed dishes on the sink. And the counter is filled with empty beer cans, don't tell me he's been drinking too much again? I tried to search for Casper. Wala rin siya roon.

Pumasok ako sa kwarto niya, ang gulo-gulo sa loob. Halatang iniwan nalang ng basta. Lumabas na ako nang makitang wala rin siya roon. Aalis na sana ako nang mapansin ko ang pinto sa pangalawang kwarto.

Dahan-dahan akong naglakad tungo roon at hinawakan ang malamig na door knob. Pinihit ko iyon at sinilip ang loob ng silid. Wala rin namang tao rito. Binuksan ko ang ilaw at isang malaking desk at cork board ang nandoon. Tuluyan na akong pumasok para lapitan iyon.

There were papers pinned on the board. Parang dinikit lang ito roon ng basta-basta. Sinubukan kong basahin ang mga naka-sulat doon. Nanlaki ang mata ko nang mabasang tungkol kay Kylene ang mga iyon. Kinuha ko ang isang naka-paskil.

Mga posibleng kasong isampa sa kanya, iyon ang nakalagay doon. Si Benj ata ang gumawa nito dahil may note siya sa gilid. Drug possession, murder and homicide.

Binaba ko ang papel at tinignan pa ito ng mabuti. If they're considering murder and the likes, then that only means, they're accusing him of drugging her! This is so unbelievable.
Tinignan ko ang ilan pang naka-dikit doon. May isang litrato ng lalaki at sobrang pamilyar niya. Tinitigan ko iyon at pinilit na inalala kung sino siya. Binaligtad ko ang developed picture at may nakasulat sa likod nitoㅡAries Delgado. Napansin kong may kasama rin pala itong papel na naiwang nakasabit doon. Hinablot ko rin yun at binasa. Oh shoot, naaalala ko na.

Nakalagay sa papel yung mga iba't-ibang detalye sa dinaluhan naming party dati. Yung nang-crash kami at nanira ng sasakyan. Naka-dikit sa papel yung litrato noong sasakyang nasira. Ni hindi ko nga napansin na kinuhanan niya pala yun.

Listed there were all his plans about Aries. Naaalala kong napanood ko sa TV na yung mga Delgado mismo ang sumuplong doon sa Aries. At hindi nila iyon nalaman by accident, San told them! Paano nagkaroon ng koneksyon si Sander sa isang drug dealer?

My head started to spin. Unti-unting nananakit ang ulo ko dahil sa mga nakikita. Mahina ko itong pinalo para bumalik ako sa katinuan. I took out my phone, I need this. Kinunan ko ng litrato ang mga iyon.

Para iyong isang masterplan kung saan pinagplanuhan ang bawat gagawin. At inutusan niya akong sulatan ng 'Brent' ang kotse para siya ang madiin at hindi si Sander. Why would he do that? Siya ba ang sumira sa pagkakaibigan nila?

And there were even research papers about drugs! Halos lahat ng mga impormasyon nandoon na. Binuksan ko rin ang ilang mga folders na naka-patong sa kama niya. One folder was labeled 'Confidential'. Nang binuksan ko iyon;

'Private Investigation Report'

Nakalagay ang pangalan ni Sander bilang kliyente at si Kylene naman ang pinapa-imbestigahan. Tungkol ito sa anak nilaㅡmagiging anak sana nila. Sander basically ordered an investigation about the child. Kung totoo bang siya ang ama nito. Sa second page ay may copy ng isang paternity testㅡwhich came out positive by the way. One thing is for sure, he was very doubtful.

Nakuha ng isa pang nakadikit na litrato ang atensyon ko. It's Kylene, I must admit, she's gorgeous. Mukha siyang anghel. Ang puti at ang kinis niya. Her dimples were very deep, accentuating her angelic smile. She looks so happy in this photo, far from the girl Sander had just described before.

May ilan pang nakadikit doon na may kinalaman sa kaso. Halatang pinagtrabahuhan niyang aralin ang mga ito. This looks like something a detective would have in his room.

Napatingin ako sa laptop na nasa gilid, nakabukas pa ito pero patay na ang screen. Pinindot ko ang space bar para buksan iyon. Gaya ng inaasahan ko, wala rin yung password. May nakabukas na mga tabs. Kasama na roon ang kanyang Facebook, at ang mga recent messages.

May isang galing kay Tyson, nag-uusap pala sila? Umupo ako para makita iyon ng mas mabuti. I scrolled through the messages, kahapon lang sila nag-usap?

Actually, hindi pala sila nag-usap dahil tanging si Tyson lang ang nag-send ng message.

'Sander, kikitain ko sila Brent bukas. I know you might ignore this message, sana lang maka-punta ka. I want to be honest with you, let's try to fix this bro. Let's all talk, please...'

Sinabi niya rin kung saan sila mag-kikita, hindi rin naman sumagot si Sander at sineen niya lang ito. Napa-tingin ako sa orasan, ngayon dapat sila magkikita! Posible bang tumuloy si Sander?

Nagmadali akong umalis para bumalik kela Sierra. Naghihintay sila sa akin sa loob ng sasakyan. Mabilis akong pumasok sa loob, hinhintay nila ang sasabihin ko.

"We need to go. Wala siya roon pero alam ko kung nasaan siya..." o mas tama yung maaring lugar kung asan siya. Tumingin sa akin si Zeph mula sa rear view mirror, "Are we really going to chase after him?"

"Please, Zeph," pakiusap ko.

Wala na akong lakas para makipag-talo pa. Nagmaneho na siya muli papunta sa lugar na sinabi ko. I don't know why they would want to meet in a public park nearby. I expected somewhere private.

Nang makarating kami roon ay nag-madali akong lumabas ng kotse, sumunod sila sa akin. Nilibot ko ang aking paningin para hanapin sila. Mabilis akong naglakad patungo sa ibang parte ng park. Napakalaki ng lugar na 'to, matatagalan bago namin 'to malibot ng buo.

Pati sila Sierra ay naghahanap na rin, "How about we split up? Para mas mapadali yung paghahanap natin," suhestyon ko. Tumango si Sier bilang pagsang-ayon. Zeph looked pissed though. "Teka nga, kailangan ba talaga nating magmadali?"

"Duh! Syempre para maabutan natin siya," sagot ni Sierra. I just hope we're not too late. Di na sumagot si Zeph at sumunod nalang. Tatawag nalang ako sa kanila kapag nakita ko na.

Doon ako sa may likod pumunta, yun kasi ang pinaka-pribadong parte dito. Wala na ring masyadong tao roon. Pumunta ako sa may mga benches, nagbabaka-sakaling nandoon sila.

And then I saw two familiar guys. It's Tyson and Sander. Lumapit ako ng onti, sapat lang para di nila ako mapansin. Nakaupo sila sa mag-kabilang dulo ng bench. Siguro kung hindi ko sila kilala, maiisip kong di sila magkaano-ano.

Tyson is busy on his phone, si Sander naman, nakatingin lang sa kawalan. Wala talaga silang imik sa isa't-isa, pareho silang sobrang seryoso. Yung seryosong halos nakakatakot na.

Kinuha ko ang aking phone para tawagan sila. Sinabi kong nahanap ko na at papunta na raw sila. Andito ako nagtatago sa isang malagong flower garden. Tinatakpan ako ng mga halaman.

"Everee!"

"Shh!" pagpigil ko sa pag-sigaw ni Sier, baka marinig nila. Tinikom nya naman ang bibig niya at pumunta nalang sa likod ko. Magkasunod lang sila ni Zeph, pumunta rin siya sa likuran ko. Still looking bored as ever.
Saktong pagka-dating nila ay may napansin akong naglalakad patungo kay Tyson. Dalawang matangkad na lalaki, tinignan ko sila ng maigi bago ko nakumpirma na si Clarence at Brent nga iyon. Mukhang nagulat sila nang makita si Sander. Tumayo siya at hinarap ang dalawa.

Huminga ng malalim si Tyson at sumunod na rin sa pagtayo. Siya yung pinaka mukhang kinakabahan sa kanila, marahil dahil siya ang may pakana nito. Anger quickly registered on Clarence and Brent's faces. While Sander showed no emotion whatsoever.

Ewan ko kung gaano sila katagal nag-tititigan pero hanggang dito damang-dama ang tensyon sa pagitan nilang apat. "We came here to witness a reunion? Really Eve?" mapanuyang wika ni Sierra. Sinipat ko lang siya.

Dumapo ang tingin ko kay Zeph na hindi na nagsalita, napansin ko ring mas itinago niya ang kanyang sarili. Hmm, weird. Bumalik ang atensyon ko kela Sander na nagsusukatan pa rin ng tingin.

Sa wakas bumuka na rin ang bibig ni Tyson. At dahil sa sobrang layo, di namin maririnig ang mga sasabihin nila. Ito na ang pinakamalapit na pwede naming pagtaguan ng hindi nahuhuli. Mahirap na.

Sunod na nagsalita si Brent, siguro kung nakakamatay ang titig, wala na si Sander ngayon. Bigla kong naalala yung kwarto ni San. Alam kaya ni Brent ang ginawa sa kanya ni San? Kaya ba siya galit na galit? Pero base sa natatandaan ko, magkaka-away na sila bago pa kami magkita muli.

Walang imik si Sander, sa halip ay ngumingisi pa nga siya. I cursed him under my breath, I know what he's doing. Iniinis niya sila Clarence at mukhang epektibo ito. May sinabi ulit si Brent tapos si Tyson na ang sunod na nagsalita. Nakatalikod sa direksyon namin si Clarence kaya di ko makita kung anong ginagawa nya.
Magsasalita sana si Sier pero pareho kaming napahinto nang tumawa ng napakalakas si Sander. Sierra hissed, "Girl, confirmed. May lahing baliw yung ex mo."

Halatang nairita sila Brent sa ginawa niyang iyon. Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang suntukin si Sander sa mukha. That was such a strong punch! Tatakbo na sana ako palapit sa kanila nang hatakin ako ni Zeph pabalik. "Don't meddle, Everee. Away yan ng lalaki, baka masaktan ka."

Hinawakan ko ang braso niyang naka-kapit pa sa akin, "Zeph. Help him please," I pleaded. Sumuntok ng isa pa si Brent at hinila niya patayo si Sander. Gumanti naman si San ng isa pang suntok.

"I can't risk my life for that guy..."

"Zeph naman!" reklamo ko. Sunod namang sumuntok si Clarence, at gumanti muli si San. Pero kahit saang anggulo mo tignan, dehado siya. Si Tyson naman ay sinusubukan silang awatin pero nasapak nalang siya ni Sander. Shit, are they going to kill eachother?

"Everee, sorry ha, pero tama si Zeph. Hindi naman siya kilala ng mga yan at mas lalong hindi tama na maki-gulo pa siya," paliwanag ni Sierra.

Kung ayaw nilang tumulong, fine! At kung kaya ko lang ding manuntok eh kanina pa ako nandoon at tinulungan si Sander. Pero baka ako pa ang unang bumagsak kapag nakisali ako dyan. Sa halip ay nagmadali akong tawagin yung guard para pigilan sila.
Nag-panic din yung guwardya nang makita yung grabe nilang pag-aaway kaya tumawag ito ng iba pang mga guards. Bumalik ang tingin ko kay Sander, pinipilit niya pa ring labanan sila Brent. Tyson was already in panic. Alam kong di naman siya sanay sa mga ganyang gulo.

Rumesponde na yung mga guards at tumakbo para pigilan sila. Pati ang ibang namamasyal ay nakigulo na rin. Lumapit ako ng kaunti para mas makita ang mga nangyayari. Sobrang dami na ng mga tao. Napansin ko si Brent na hila-hila na ng isang guard, nagpupumiglas siya sa galit. "Fuck you Sander! You'll fucking pay!" galit nitong sigaw habang kinakaladkad siya.

Bago pa mapigilan ng mga guard si Clarence ay naka-habol pa ito ng isang malakas na sipa kay Sander dahilan para tumilapon siya palayo. "Oh my God," bulong ko nang makita ang dugo mula sa braso ni Sander. May malalim siyang sugat doon dahil tumama yung braso niya sa matalas na bakal sa may garden.

Nakarinig ako ng mga tilian, ang sunod ko nalang napansin ay ang pag-hila sa akin nila Sierra papalayo roon. And then I heard police sirens. Anong nangyayari? Pinilit kong kumawala pero pareho nila akong hawak.

"Wait, I can't go! Si Sander mayㅡ Let me go! mayㅡ" pilit kong tinataboy ang mahihigpit nilang hawak pero para na akong naubusan ng lakas.

"He's injured. May aalalay na medics sa kanya for sure. Calm down, Eve! Magiging okay din siya," Sierra assured.

Pwersahan nila akong pinapasok sa kotse. Ni hindi ko man lang nakita ang sunod na nangyari. Nagmaneho na si Zeph pabalik ng QC.

Para akong sira na palakad-lakad sa kwarto. Sobrang nag-aalala pa rin ako kay Sander. Papano kapag may nangyari sa kanyang mas masama? Minasahe ko ang aking sentido para pakalmahin ang aking sarili.

Nakatulog na sila Sierra sa pagod habang ako ay dilat na dilat pa rin. Imposible atang maka-tulog ako sa lagay na 'to. Biglang tumunog ang aking phone. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nag-text. Yung mama ni Sander.

Mrs. Atilano:

Everee, sorry kung maaabala kita pero nandito ako sa apartment ni Sander at nawawala siya. Kanina ko pa siya inaantay. His phone is unattended too. I'm extremely worried. Baka lang kasi alam mo. Salamat.

Ilang oras na ang lumipas mula noong insidente sa park. Dapat ay natawagan na ang mama niya kung sakali mang nasa ospital nga si San at ginagamot. Maliban nalang kung tumakas siya at hindi nagpahuli sa mga guards.

Sumagot ako at sinabing wala akong ideya kung nasaan siya. Sinubukan ko ring tawagan si Sander pero patay nga yung phone niya. Mukhang nagtatago na naman siya. Mabilis akong bumangon at kumuha ng post-it para mag-iwan ng paalala kela Sierra. Forgive me but I need to do this alone, Sier.

Dinikit ko ang note sa may lamp;

'Don't look for me. I promise I'll go home unscathed. Just please, trust me, alright?'

Continue Reading

You'll Also Like

97.9K 2.2K 68
she asked me to play the playboy so i did but the worst is, i fell in love with the playboy [epistolary #1] [jungri] [chat series] WARNING: JEJEMO...
2M 25K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
48.4K 1.3K 8
[COMPLETED] [Exo- M Luhan Fanfic] [Tagalog] Ang magkaroon ng anak ay mahirap lalo na kung sa isang sikat na artista pa. [REPOSTED] Credits: Book C...
6.4K 180 14
Maituturing na isang perpektong anak si Everly. Walang problema sa kanya ang mga magulang niya ngunit nang mapadpad sa tindahan nila si Gwen, nagawa...