Magical Downfall. (NashLene...

By kryptonitegirl

64.9K 1.8K 308

Will the Prince's Spell continue? Or it's just another Magical Downfall? 》Book 1: The Prince's Spell. ♥ More

Magical Downfall.
MD #2.
MD #3.
MD #4.
MD #5.
MD #6.
MD #7.
MD #8.
MD #9.
MD #10.
MD #11.
MD #12.
MD #13.
MD #14.
MD #15.
MD #16.
MD #17.

MD #1.

5.2K 134 29
By kryptonitegirl

    ****

 SHARLENE’S P.O.V

Akalain niyo yun? Nasa likod na ako at nahaharangan ng maraming tao, nagkatinginan pa kami? Pero imposible naman siguro, guniguni ko lang yun. Wala namang eye power si Nash eh. Pero nung tignan ko ulit siya, nakatingin pa rin siya sa akin.

 

 

Kaso nilapitan na siya ni Jairus saka sila lumakad papalayo. Susugurin na kaya sila ng mga fangirls nila eh nakatayo pa rin siya at nakatingin sa akin. Nanunura lang yata ang isang ito eh. Nagulat ba siya na ngayon lang niya ako nakita after 2 years? Ganun pa naman din ako ah, gumanda nga lang! Dejk! Haha.

Pumasok muna ako ng CR para mag-ayos ng gamit ko. Kaso ng pagkapasok ko, nakita ko si Alexa o ang “Queen” kasama ang mga alipores niyang makakapal ang make up na nagreretouch. Hindi pa ba sila kunteto sa make up nila?   

Kung nagtataka kayo kung bakit kilala koi tong babaeng ito. Siya lang naman kasi ang napapabalitang girlfriend ni Nash nung time na ako talaga ang girlfriend niya at ang babaeng hahalikan ni Nash noong time na nag-break kami.

ALEXA’S P.O.V

 

 

Nagulat na lang ako sa babaeng tumabi sa akin sa CR, si Sharlene San Pedro. Mabuti na lang at matatapos na kaming mag-ayos kaya mga ilang segundo lang ng pagkadating niya, nakaalis na kami kasama ng mga kaibigan ko.

“Kailan pa bumalik yung babaeng yun Lex?!” tanong sa akin ni Cath, isa sa mga kaibigan ko.

“I don’t know and I don’t care!” maarteng sagot ko sa kanila. Totoo naman eh, akala ko forever na sa Paris yung babaeng yun! Tsk!

“Wari ka pa Lex, may karibal ka na naman kay Nash. Haha. Paano kung magkabalikan yung dalawa? Ano gagawin mo? Papainumin mo na naman ng alak si Nash? Haha.”

“Shut up! Tatapalan ko ng masking tape yang bibig mo Cath!” nag-peace sign na lang sa akin si Cath.

 

Oo, napainom ko nga ng alak si Nash dati kaso hindi ko naman alam na alak yung nakalagay sa table noong school festival. Para pala sa Professors yung section ng liquid na yun. Hindi ko talaga alam! Promise!

*flashback*

 

 

Kaya ilang minuto ang lumipas nung inabutan ko siya ng inumin na hindi ko naman alam na alcohol na pala, lumapit siya sa akin at saka sinabing:

"Mahal kita! Mahal na mahal kita!" tuwang-tuwa naman ako noong naring ko sa kanya yan. Paniwalang-paniwala kasi ako. Magkaibigan kasi ang pamlya namin ni Nash kaya simula bata pa lang, gusto ko na siya. Kahit na minsan lang kami makapag-usap. Minamahal ko siya sa malayo. At alam kong totoo itong nararamdaman ko.

Nag-highschool ako sa school na exclusive for all girls kasi yun ang utos ng mga magulang ko pero malapit naman yung school ko sa Imperial Academy kaya nakikita ko siya. At nakikita ko rin siyang palaging kasama ni Sharlene. Noong pagka-graduate niya, tinanong ko kung ano si Sharlene sa buhay niya. Ang sagot niya sa akin noon ay,

"Si Sharlene ba? Siya yung babaeng prinsesa ko at hindi kalaunan, ang magiging reyna ko."

Pagkatapos kong marinig kay Nash yan, may kung anong tinik ang tumusok sa dibdib ko. Ako yung babaeng matagal na nagkakagusto sa kanya tapos mapupuna lang siya sa iba? Hindi ko hahayaan yun! Kaya nagpumilit ako sa magulang ko na lumipat na sa Imperial Academy at agawin si Nash sa babaeng epal na yun!

"Mahal din kita Nash!" yan ang sinagot ko sa kanya.

"Sharlene, sorry kung palagi na lang tayong nag-aaway. Madami kasi akong problema ngayon, madaming-madami. Sana maintindihan mo. Mahal na mahal kita!" nadurog yata ang puso ko. So, hindi pala ako ang tinutukoy niyang mahal niya. Si Sharlene pa rin! Pero bakit Sharlene siya ng Sharlene, ako kaya si Alexa!

Hindi ko na siya nasagot kasi nagulat ako sa susunod na gagawin niya. HAHALIKAN NIYA AKO! o.O Pero nagulat na lang kaming dalawa noong bumukas ang pinto at nakatayo sa may pintuan si Sharlene.

"NASH?!" sigaw ni Sharlene.

"Sharlene. Anong ginagawa mo dito?" pagtatanong ni Nash kaya hindi na niya ako natuloy halikan.

"Wow! Ako nga ang dapat magtanong niyan eh. Anong ginagawa mo?" nag-walk out si Sharlene at sinundan naman siya ni Nash. "SHARLENE! SANDALI LANG!"

Lumapit ako at tinignan kung ano yung pinainom ko sa kanya at saka ko nalamang alak pala. At dahil may lahing chismosa ako, sinundan ko silang dalawa at narinig ko ang pag-aaway nila hanggang sa umalis na si Sharlene at sinabi ni Nash na,

"SHARLENE! NGAYONG ALAM KO NA YANG TUNAY NA UGALI MO! WALANG LALAKING MAGKAKAGUSTO SA'YO! WALANG WALA TALAGA!"

Napangiti na lang ako ng todo sa narinig ko na yun. Isa lang ang hiling ko ng mga oras na yun, sana huwag na silang magkabalikan. Pero alam niyo ba ang mas ikinatuwa ko? Pumunta si Sharlene sa Paris at nalaman kong wala na nga silang communication after that day. Mas naging okay na rin ang relationship namin ni Nash simula ng umalis siya.

PERO NGAYONG BUMALIK NA SIYA? ANO NA KAYANG SUSUNOD NA MANGYAYARI? UGH! THIS IS HELL!

     

     ****

 SHARLENE'S P.O.V

Umalis na din ako sa CR pagka-alis nila Alexa. Gandang opening naman ng pagbalik ko! Nash & Alexa kaagad. Tsk. Goodluck to me!

 “SHARLENE!” sigaw sa akin ni AJ o tawagin na natin sa totoo niyang pangalan, si Ella. Kaya daw AJ ang pagpapakilala niya sa akin dati kasi second name daw niya ay Annjane kaya AJ.

“Oh bakit? Musta?” hinampas niya ako. Kahit kelan ang brutal talaga ng babaeng ito hindi ko naman siya inaano!

“HINDI KA MAN LANG NAGSASABING UUWI KA NA!” hinampas ulit niya ako. Huwag kayong mag-alala, close na kami niyang babaeng ‘yan. Alam din niya yung nangyari sa amin ni Nash. Actually ka-batch namin siya ni Kiko nung 1st year college kami, eh nung lumipat nga ako sa Paris, lumipat naman siya dito sa Imperial Academy para daw bantayan si Nash. May share naman din family nila dito sa school kaya siya ang naging “Ace”.

“Hindi man lang ba nakwento sa’yo ni Kiko?”

“Yung lalaking yun, magkukuwento sa akin? Marinig nga lang niya boses ko magtatakip na ‘yun ng tenga! As if namang gusto ko ring marinig boses niya. Tsk.” pagmamaktol niya. Si Ella kasi at si Francis, away ng away. Hindi ko nga alam sa dalawang ito eh, baka sila pa ang magkatuluyan sa huli.

“Oo na! Oo na! Ang mahalaga nandito uli ako.”

“Ano yan? Iaabot mo kay King?” tinuro niya sa akin yung papel kong isusubmit. Oo nga pala, kay King este Nash ko pala iaabot ito. Bakit ba ako nakiki-King rin?! -_-

“Oo eh, ikaw na nga lang mag-abot. Masama pakiramdam ko.” Totoo naman kasi, medyo nahihilo ako.

“Weh? Ayaw mo lang sigurong makita si Nash. Hindi ka pa nakakamove-on noh? Hahaha!” tinignan ko ng masama si Ella habang tawa siya ng tawa. Hayaan ko na nga lang ang isang ito, alam ko naman hindi totoong hindi pa ako nakamove-on!

“Sus! Gusto mong dumire-diretso pa ako sa Council Room niyo at iabot sa kanya at magpakilala pa eh.”

“Sige nga, gawin mo at mapatunayan mong naka-move on ka na! Haha!” Ayaw mong maniwala Ella Cruz ah. Binilisan ko yung lakad ko saka naman niya ako sinundan. Hanggang makarating na nga ako sa sosyal nilang mala-palasyong room.

Dumire-diretso ako sa pwesto ni Nash sa gitna at inilahad sa kanya yung mga papers na hawak ko. Napatingin naman siya sa akin kaagad at kinuha yung papel na hawak-hawak ko. Nagsalita naman ako kaaagad, trip kong mang-badtrip ngayon. Sana effective!

"Hello! You're King Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas, right?! I'm Sharlene Santos San Pedro! Hope you still remember me." iniabot ko naman sa kanya yung kamay ko para makipag-shakehands. Nice move Shar! :)

    ****

To be Continued...

Continue Reading