Come Back Home

By adrian_blackx

173K 6.2K 1.3K

Paano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you w... More

CBH: Prologue
CBH: Chapter 1
CBH: Chapter 2
CBH: Chapter 3
CBH: Chapter 4
CBH: Chapter 5
CBH: Chapter 6
CBH: Chapter 7
CBH: Chapter 8
CBH: Chapter 9
CBH: Chapter 10
CBH: Chapter 12
CBH: Chapter 13
CBH: Chapter 14
CBH: Chapter 15
CBH: Chapter 16
CBH: Chapter 17
CBH: Chapter 18
CBH: Chapter 19
CBH: Chapter 20
CBH: Chapter 21
CBH: Chapter 22
CBH: Chapter 23
CBH: Chapter 24
CBH: Chapter 25
CBH BOOK 2: Chapter 1
CBH BOOK 2: Chapter 2
CBH BOOK 2: Chapter 3
CBH BOOK 2: Chapter 4
CBH BOOK 2: Chapter 5
CBH BOOK 2: Chapter 6
CBH BOOK 2: Chapter 7
CBH BOOK 2: Chapter 8
CBH 2: Chapter 9
CBH 2: Chapter 10
CBH 2: Chapter 11
CBH 2: Chapter 12 (end)
Hi guys

CBH: Chapter 11

4.6K 193 26
By adrian_blackx

GLAIZA'S POV

Flashback

"So Cha, yan talaga ang balak mo? Pupunta tayo sa resort niyo?" Tanong sa akin ni Chynna. Nasa University ako ngayon kung saan ako nagtuturo dati. Grabe namiss ko yung mga dati kong estudyante, pati na rin mga co-teachers ko. Namiss kong magturo, pero dahil nga may pinanghahawakan akong kasunduan, mukhang malabo ng makabalik pa ako.

"Oo, tutal malapit naman na ang break niyo. So pwede tayo dun. Libre ko lahat.. Yung sasakyan niyo sa akin, yung tutulugan at kakainin niyo, sagot ko. 3 days and 2 nights lang naman tayo dun eh" paliwanag ko sa kanya.

"Eh kamusta naman ang pangliligaw mo ng patalikod? Tuloy tuloy pa rin ba ang pagpapadala mo ng bulaklak?" 

"Everyday naman yan eh. Hindi nawawala. Alam mo ba, ang saya saya niya kapag nakakatanggap siya ng bulaklak. Makita ko lang siyang nakangiti buo na ang araw ko." Tumango naman si Chynna sa sinabi.

"Pero cha, paano kung mainlove siya sa secret admirer niya, pero HINDI SAYO. Paano ba naman kasi nagtatago ka eh, kahit ikaw yung secret admirer niya, pero hindi ikaw ang nakikita niya. Kuha mo?" 

Nakuha ko naman yung point niya. Kaso nga dinadaga ako. Hindi ko pa siya kayang ligawan.

"Alam ko yun, at kung sakali handa akong magpaliwanag." I said,

"Ok sabi mo eh. Pero kailan ba yang outing natin?" 

"Balak ko sana next week. Kaya dapat ready kayo. Hahaha. Sige Chyns. Ikaw na magsabi sa mga co-teachers natin, susunduin ko na si Rhian sa shop. Alam mo na. Baka maunahan pa ako" binigyan naman niya ako ng nakakalokong ngiti. 

"Osige ako na bahala." She said. Hindi na ako nagkaatubli pa, at agad na akong umalis para masundo si Rhian.

Pagkarating ko sa coffee shop, biglang nawala ang ngiti at saya ng mood ko. Paano ba naman kasi, biglang may sumulpot na tipaklong. Jusko! Inunahan pa ako ng loko. Kaya agad akong lumapit kung saan sila nakapwesto.

"Hi" bati ko sa kanila.

"G-glai." Sabi naman ni Rhian, halatang kinakabahan ito ng nakita niya ako. Tsk! Scared?

"Anong oras ka mag oout?" Tanong ko sa kanya,

"Actua-"

"Lalabas kami ni Rhian mamaya eh. Don't worry ihahatid ko siya sa inyo" Biglang sabat naman nung tipaklong.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko, kaya huwag kang sumabat! At ikaw naman Rhian, hindi pwede, sasama ka sa akin pag-uwi" iniinis talaga nila ako. Grabe nakakabwisit ah.

"Glaiza! Pumayag na ako na lalabas kami ngayon. Huwag kang mabahala, uuwi pa rin ako sa lungga mo! Tara na nga Jase! May malaking barado dito eh! " Agad kinuha ni Rhian at kamay ni Jason. 

Ngayon lang ako nagselos ng ganito. Ngayon lang uminit ang ulo ko dahil sa ganito. Lagot ka sa akin Rhian. Lagot ka sa akin pagdating mo!

Sa sobrang inis ko nagpalamig muna ako at hindi muna umuwi, tatambay muna ako dito.. Nag order na lang ako ng iced coffee and strawberry cake. Tamang tama at si Sally ang nagserve sa akin.

"Kanina pa ba yung Jason na yun dito?" Tanong ko kay Sally.

"Opo ma'am eh. Halos hinintay niya si Rhian kanina. Eh ito naman si Rhian, hindi maka-hindi, dahil nahihiya." So napilitan lang siyang sumama?

"Tsaka Ma'am. ANG BAGAL MO KASI!" 

"Hoy! Hindi ako mabagal nuh! Tsaka anong sinasabi mong mabagal?!" Takang tanong ko dito.

"Bakit kasi hindi mo ligawan. Ma'am alam ko ang lahat. Kaya huwag kang magkunwari kapag nasa harap niyo ko. Dahil alam kong may pinagkasunduan lang kayo ni Rhian. Pero hindi ko sasabihin kahit kanino. Basta huwag ka lang pabagal bagal, baka maunahan ka at pagsisihan mo pa sa huli. Tsk. Sayang. Sexy, maganda, matalino, masipag na babae si Rhian, wala ka ng hahanapin pa" so alam na nga niya talaga. Hayss. Bahala na.

"Ok, I think wala na akong maitatago sayo. Alam mo na lahat. Osiya, makakabalik ka na. Iwan mo na ako dito" agad naman itong umalis at sinimulan na ulit ang trabaho niya.

Tama nga siya, huwag akong pabagal bagal, dapat simulan ko na.

Pagdating ko sa bahay, agad akong nagpahinga, dahil sa pagod din akong maghapon. Inasikaso ko na rin ang kakailanganin para sa outing naming mga teachers, balak kong isama si Rhian para makarelax naman siya, siguro ganun na din si Sally. 

Ilang beses ko ng inikot yung sala dahil sa kakahintay kay Rhian, halos mag teten na ng gabi, wala pa rin siya. Medyo nahihilo na ako sa ginagawa kong pag-ikot, pero ewan ko rin, hindi kasi ako mapakali. Tumaas na lang ako sa kwarto at dun ko na lang siya hinintayin, dahil kapag nanatili pa ako dito sa sala, baka hindi lang sala ang ikutin ko, baka buong bahay na.. Kaasar.

Mga bandang eleven narinig ko ang pagbukas ng pintuan ko, at alam kong si Rhian na yun, kaya pagkapasok niya agad kong binuksan ang ilaw.

"Bakit ngayon ka lang?!" Sabi ko

"Bakit gising ka pa?" Sabi niya. Halos magkasabay lang kaming nagsalita. Pero dahil naiinis ako, ako ang unang magtatanong.

"Bakit ngayon ka lang?! It's almost 11pm?! Hindi ka ba tumitingin ng oras? Halos namula na tong mata ko sa kakahintay sayo!" Sabi ko sa kanya, halata sa boses ko na naiirita ako at medyo galit.

"Bakit sino bang nagsabing hintayin mo ko ah?!" Sabat naman niya sa akin.

"KAHIT HINDI MO SABIHIN, MAGHIHINTAY PA RIN AKO!!" Sa sobrang inis ko sa kanya, nag walk out na lang ako, dahil baka magtalo nanaman kami.

Oo double meaning yun, hihintayin ko pa rin yung oras na kaya na niya akong mahalin, na kaya na niya akong tanggapin, na kaya na niyang tahakin ang mundong kasama ako sa bawat takbo ng buhay niya. 

Agad akong pumunta sa closet ko at nagbihis ng pang labas, gusto kong magpakawild ngayon. Naiinis talaga ako!

"Oh saan ka pupunta?!" Tanong sa akin ni Rhian ng nakita akong nakabihis at halatang lalabas.

"Wala kang pake!" Hindi ko na siya hinintay na sumagot agad na lang akong lumabas ng kwarto. Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niya akong hintayin wala akong pakielam. Paano ba naman kasi, fiancee niya ako tapos sasama pa siya sa tipaklong na yun, tapos paghihintayin ako ng hanggang anong oras? Wow ah! Bilib na talaga ako. AMAZING..

Pumunta ako sa isang sikat na bar para makapagwild ngayon, naiistress ako kay Rhian. 

Pagkaupo ko sa counter, agad akong nag order ng beer. Gusto ko sanang magpakalasing kaso, kailangan kong magdrive.

Habang iniinom ko yung beer ko, may lumapit na babae sa akin.

"Hi" she said, ngumiti lang ako dito at tinuloy ko lang ang pag-inom ko.

"Ang sungit mo naman miss. Mag-isa ka lang ba?" She asked.

"Hindi. Nakita mo naman ang daming tao dito, not unless kung multo kayong lahat" I know it is rude, pero wala ako sa mood na makipagkwentuhan.

"Ha ha ha! You're funny" sarcastic niyang pagkasabi,

"Well thank you!" Sagot ko sa kanya. 

Sinungitan ko na nga, pero ayaw pa ring umalis. Hindi na ako nagkatimpi kaya ako na mismo ang unang kumausap.

"Miss ano ba kailangan mo?" I asked.

"Your name" she said.

"Kapag ba sinabi ko ba ang pangalan ko, tatantanan mo na ako?" 

"It depends on your name" and then she winked at me.

"Ok, my name is go-away-miss" at sino naman siya para sabihan ko ng pangalan ko? If I know, stalker ko lang to.

"Wow! Ang haba naman ng pangalan mo kaysa sa hair mo. Hahaha. Ok I am-" I just cut her off.

"I don't care who you are. So please umalis ka na. Wala ako sa mood!" 

"FINE!" Hays, buti na lang at umalis na din tong babaeng to. 

Pinagpatuloy ko lang yung pag-inom ko hanggang sa naramdaman kong medyo kailangan ko ng tumigil, dahil magddrive pa ako. Agad kong binayaran yung nagastos ko at umuwi na.

Nakaya ko pa naman magdrive at nakauwi ako ng ligtas. Pagkauwi ko, agad akong dumiretso sa guest room, dahil ayoko munang makita si Rhian. Baka gising pa yun at magkainitan pa kami. Magkainitan ng ulo! 

Agad akong naligo, at pagkatapos nun natulog na ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"ANO?! Tatlong araw mo na siyang hindi kinakausap o pinapansin man lang?!" Sabi ni Mang Ben sa akin. Nagsumbong kasi ako sa kanya, I mean nagkwento ako sa kanya nung nangyari sa amin ni Rhian.

Simula nung hindi kami nagpapansinan, lagi na lang siyang nagpapahatid dun sa tipaklong na yun, halos tatlong araw ko na nga nakikita yun eh. Nakakasawa na rin yung tipaklong na yun. Haizt. 

"Eh Mang Ben, nagkatampuhan kami eh"

"Tampo o away?" Tanong sa akin ni Mang Ben, kilala talaga ako nito. 

"Ok fine, away. Paano ba naman kasi. Imbis na sana sa akin sumama kasi ako ang fiancee ayun, sumama sa ex. Ang galing diba? Nakakabilib. Nakakawow!" 

"Hahaha. Tindi ng selos mo anak. Hahaha. Ganyan talaga kapag nagmamahal ka. Hindi mo maiiwasan magselos. Dati nga natutuwa ako kapag nagseselos yung misis ko eh, kasi alam kong may pagmamahal siya sa akin, yung tipong ayaw niya akong mawala. Syempre ganun din ako sa kanya. Kahit nag-away kami. Ako pa rin ang unang humihingi ng patawad, kasi mahal ko eh, kahit malabo yung side niya, ako pa rin ang magpapakumbaba, kahit mali siya at tama ako, ako pa rin ang magsosorry. Kasi ganun ang love. Kailangan mong lunukin ang pride mo, para sa ikakaganda at sa ikakaayos ng relasyon niyo. Kaya ikaw, habang maaga pa, suyuin mo na. Huwag ka ng magpatigas" may point nga si Mang Ben.

"Pero paano ko gagawin? Mukhang naunahan nanaman ako dun sa coffee shop nung mokong na yun" 

"Edi puntahan mo na ngayon. Huwag ka ng pabebe. Do the first move! Be alert!" Nagpasalamat na lang ako kay Mang Ben sa payo niya sa akin. Agad akong umalis.

Bago ako pupunta sa coffee shop, bumili muna ako ng bulaklak, para naman pang peace offering. Pinili ko talaga yung maganda. Yung simple lang pero may dating.

Masaya akong nagdrive papunta sa coffee shop, dahil gumaan ang pakiramdam ako, at feel ko magkakaayos na kami ni Rhian. Narealize ko na mahal ko nga talaga tong babaeng to. At gagawin ko ang lahat para mapatunayan na karapat-dapat lang akong mahalin at hindi na niya dapat pang balikan yung Jason na yun.

Pagdating ko sa coffee shop agad akong pumunta sa office niya.

"Rhi-" pero pagbukas ko ng pinto biglang nawala ang ngiti sa labi ko, nawala ang saya. Nakita kong biglang hinalikan ni Jason si Rhian sa labi niya. Bigla kong nabitawan yung bulaklak na hawak hawak ko.. Halata na nagulat sila sa pagdating ko. Caught in the act

"Pasensya na sa istorbo" yun na lang ang nasabi ko at agad din akong umalis sa opisina na yun.

Nakita ako ni Sally na ang bilis bilis maglakad, tinawag ako nito pero hindi ko na lang pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang nakalabas ako ng shop at makarating ako sa kotse.

Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Rhian hanggang labas, pilit niyang kinakatok yung window pero hindi ko pinapansin.

"Glaiza, open this! Let me explain" explain explain nakita ko na nga, ipapaexplain ko pa. Anong gusto niya, malaman ko kung gaano kagaling si Jason na humalik? Kung paano siya bumigay? Ganun ba.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagdrive na lang akong palayo sa kanya. Ayoko muna siyang makita. Hindi ko masikmura. Kahit naman peke lang yung pinapakita namin na relasyon, naging loyal ako sa kanya. Kung hindi sana ako loyal sa kanya, edi sana pinatulan ko na yung babae dun sa bar. Pero hindi eh. Hindi ko ginawa, takot ko na lang yun. Tapos ano to? Nagpapahalik siya sa iba? Ang unfair nun.

Hindi muna ako uuwi sa bahay, tutuloy muna ako kila Chyns, magpapakuha na lang ako ng gamit kay Alchris. Sa ngayon kasi, ayoko muna siyang makita..

"Oh anong gingawa mo dito?" Ito agad ang sinabi sa akin ni Chynna. 

"Dito muna ako. Kailangan kong magpalamig" I said,

"Bakit wala ba kayong aircon sa bahay niyo? At dito ka nagpapalamig?" Hindi ko alam kung mabbwisit ako o maasar ako sa sinabi nito, napakapelosopo naman nito. Sarap batukan..

"Alam mo ikaw. Puro ka kalokohan eh. Si Rhian kasi ok." Pag amin ko sa kanya.

"Oh bakit si Rhian. Don't tell me hanggang ngayon hindi pa rin kayo ok?" 

"I was supposed to surprised her, pero ako ang nasurprise. Nakita ko lang naman siyang nakikipaghalikan dun sa Jason na ex niya. Sino bang hindi masusurprise dun diba. Sino bang hindi maiinis dun. Kaya sa ayaw o sa gusto mo, DITO MUNA AKO!" 

"Ok sabi mo eh, oh siya, huwag ka ng magdrama diyan at kumain na tayo. Gutom na ako tsong" 

Sumunod na lang ako sa kusina niya at dun na kami kumain..

"So tapos na ang ligaw 101 natin?" Biglang tanong sa akin ni Chynna.

"Ano pa bang use nun kung ipagpapatuloy ko pa diba? Gagawin ko na lang yung napagkasunduan namin. Magpapanggap kaming masaya sa harap ng mga magulang namin, magpapakasal, then magdidivorce, tapos!" 

"Hays. Hahahaha! Ok. Pero sana Cha, pansinin mo sana yung cellphone mong tunog ng tunog. Bakit kasi hindi mo pa lang sagutin. Nakakairita na kasi" Sabi sa akin ni Chynna, kanina pa kasi tumatawag si Rhian pero hindi ko sinasagot, text din ng text kaso di ko nirereplyan..

"Hayaan mo siya. Mapapagod din yun" pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Nang matapos kami, nagpresinta ako na maghugas, nakakahiya naman kasi kung si Chynna pa maghuhugas, tamad pa man din yun..

Habang naghuhugas ako, biglang tumunog ulit ang phone ko. Hindi ko na lang sana papansinin kaso si Al ang tumatawag.

G: Hello Al-

R: Glaiza, thank goodness at sinagot mo!

Talino talaga nito. Ginamit pa si Alchris.

G: Pakibigay kay Alchris yung phone.

Cold na pagkasabi ko sa kanya. 

R: Please naman Glaiza, mag usap naman tayo oh.

G: Nag uusap naman na tayo ah..

R: Huwag ka ngang pilosopo. Glaiza we need to tal-

Agad kong binaba yung tawag, ayoko siyang kausapin, huwag muna sa ngayon, mainit pa ang ulo ko dahil sa nakita ko. Kahit alam ko naman na wala akong karapatan para isumbat yun sa kanya. Sino ba naman ako diba? Tsk.

Pagkatapos kong naghugas, tumawag na lang ako sa bahay, at kinausap ko si Alchrs na dalhan ako ng damit dito kila Chynna, at sinabi sa kanya na huwag niyang sasabihin kay Rhian kung asan ako. Buti naman at pumayag to. Idadaan na lang daw niya bukas ng umaga.

"Kamusta yung University?" Tanong ko kay Chynna ng madatnan ko siyang gumagawa ng lesson plan niya sa living room.

"Ayun ganun pa rin. Kaso Cha, iba yung fighting spirit ng mga tao dun kapag meron ka. Napansin ko yun eh. Lahat ng estudyante mo, lagi ka nilang tinatanong sa akin, sinabi ko na lang ok ka lang." 

"Ganun ba. Hahaha. Pasensya na. Miss ko na talaga ang pagtuturo, kung kaya ko lang sanang pagsabayin ang pagiging CEO at pagtuturo, ginawa ko na. Kailangan kasi mas nakafocus ako sa work ko sa opisina."

"Hahaha oo eh. Alam mo ba dahil sa kapogian mo, ang daming naghahanap na chixs sayo sa school. Ikaw laging hinahanap. Hahaha. Pero sorry sila, may Rhian ka na eh" narinig ko nanaman pangalan niya, tsk.

"Rhian ka jan. Sige na mauna na ako, at matutulog na. Maaga pa ako bukas. Btw, saan pala ako matutulog?" Tanong ko sa kanya.

"Dun sa kwarto sa kabila. Jusko! Parang hindi ka bago dito. Sige na pumasok ka na. Kuha ka na lang ng damit mo sa kwarto ko" tinawanan ko na lang siya at pumunta ng kwarto niya para makakuha ng damit para makapagpahinga na ako.

Nagising ako ng 7:30am, narinig kong may gumagalaw sa kusina. Dapat nasa University na si Chyns by now.. Sigurado ako yung damit ko, iniwan na ni Alchris kay Chynna.

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko ang babaeng ayoko sana munang makita ngayon.

"Good morning Glai! Breakfast is ready! Black coffee?" Sabi nito sa akin. Ano bang ginagawa niya dito?

"Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. I just brought your clothes. Tapos nasabi sa akin ni Chynna na wala na siyang time para magluto, so nagluto na ako ng breakfast mo" why she's being so sweet?

"Umalis ka na. Salamat na lang sa effort mo." Papasok na sana ako sa kwarto ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Glaiza, I'm sorry sa nakita mo kahapon. It's not what you think" she said,

"Rhian, wala kang dapat iexplain." Agad kong inalis ang pagkahawak niya sa braso ko.

Bahala siya. Wala na akong pakielam. Kung gusto niya akong hintayin na makalabas, fine! I don't care.

Sinimulan ko ng maligo. Dahil right now, I need a cold water. Umagang umaga ang init ng ulo ko. Bakit ba kasi siya nandito? Para iexplain yung nakita ko? Gosh! I wasn't born yesterday at nakita ko kung paano niya nagustuhan yung halik na yun. I'm not stupid.

Pagkatapos kong nagawa ang morning routine ko, ready to work na ako. Sa office na lang ako kakain. Pagkalabas ko nadatnan kong nasa sahig si Rhian at nakahiga. Agad ko tong nilapitan.

"Rhian. Wake up! Wake up!" Pero ayaw pa ring gumising o magkamalay man lang. Kaya agad ko itong binuhat sa sofa para maihiga ko siya ng maayos. 

"Gosh Rhian! Wake up!" Patuloy lang ang pag gising ko sa kanya pero walang effect.

"Gumising ka lang, I'll forgive you, pleaseee!" Nakatingin pa rin ako kung may pagbabago pero wala, nanatili itong nakapikit at walang malay.

Nagulat na lang ako ng may humawak ng batok ko, at hinila ang mukha ko malapit sa mukha ni Rhian. Nakita kong naka ngiti si Rhian. So palabas lang ang lahat?! Aba loko to ah! 

"Wala ng bawian ah. Ok na tayo!" She said. Magkalapit pa rin ang mukha namin sa isa't isa.

"Bitawan mo ko! Aba malay ko bang naglolo-" hindi na niya ako pinatapos na magsalita dahil agad niya akong hinatak at hinalikan ako...

----
AN:
Hi guys ito muna for now. Hahahaha! :)

Don't forget to vote. :)

-A.B

Continue Reading

You'll Also Like

RASTRO FEELS By .

Fanfiction

763K 21.7K 104
Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung iba dito output lang ng imaginations ko...
UNTIMELY By _pandora_

Historical Fiction

6.1K 565 29
"Until now, I can't find the reason why I fell for you. Pero as the years go by, unti-unti kong naiintindihan na hindi sa lahat ng pagkakataon, kikil...
2.4K 58 30
This is a story of roommates, Missy and Denise, whose friendship blossomed from enemies to somewhere between lovers and friends. Are they going to de...
131K 5.4K 27
My 5th story for JaThea. ? Hope you enjoy it since some of you requested for this. Mabuhay kayong lahat!! ❤❤❤