My Love Scarlet (GxG)

By 1WanderingMind1

124K 4.4K 371

Isang simpleng estudyante lamang si Olivia na nag-aaral ng kursong medicina. Dahil sa narinig nitong sikat na... More

NOTE
My Love Scarlet
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23

1

10.1K 240 1
By 1WanderingMind1

Ito ako ngayon kumakain  ng may narining akong nagsalita.

"Hey, freak"

Di ko mapigilang paikotin ang mata ko dahil basta basta nalang itong pumasok sa apartment ko na walang permisyo.

"Hindi ka ba marunong kumatok" bulyaw ko sa kanya.

Tumawa lang siya ng malakas at lumapit sa akin.

"Knocking at your door wasn't in my vocabulary. So....No. " Sabi niya. "And besides it isn't my fault that you left your door unlocked." Dagdag pa nito.

" Anong kailangan mo, Elliot?" naiirita kung sabi.

"OH, PANCAKES!" hindi niya ako pinansin at dali-dali siyang kumaha ng lalagyan. Kumuha siya ng dalawang pirasong pancakes na iniluto ko na dapat para sa akin lamang.

"You know what, kung hindi lang ako gutom na gutom kanina pa kita sinapak diyan."

"What's with the mood? Ang init ng ulo mo" bungad niya habang ngumuya-nguya.

Paanong hindi iinit ang ulo ko . Maraming nangyari sa araw na 'to.

..... earlier

Napamulat ako sa lakas nang tunog. Itinungo ko ang kamay ko sa kakairitang tunog na nanggaling sa alarm clock na nakapatong sa night stand. Matamlay akong bumangon at tumungo sa banyo. Gaya ng nakagawian ng maraming tao, naglinis ako ng buong katawan. Pagkalabas sa banyo, agad akong nagtungo sa closet. Nagsuot ng jeans at baggy sweatshirt. Itinanggal ko ang tuwalya na nakabalot sa ulo at hinayaan kung bumagsak ang buhok ko. Habang nagsusuklay ay biglang tumunog ang phone ko.

"Hello"

"Darling! kamusta ka na?" Masiglang bati ni mama ngunit hindi maipagkakaila ang pagod nitong boses,.

"Okay naman ma. Mukhang ako ata ang dapat magkamusta sayo." Sabi ko. "Magpahinga naman kayo minsan, kayo ni papa."

Hindi ko maiwasan mag alala lalonat wala sila dito daghil nagtatrabaho sila sa ibang bansa.

Tumawa sya, "Darling, okay lang kami ng papa mo . Wala siya dito. Nakaduty siya ngayon. kinukumusta ka kung okay ka lang at sa tingin ko'y nasa mabuti ka namang kalagayan ng maranig ko ang boses ng baby ko." ayoko ko talagang tinatawag na baby. Eh hindi na ako baby sa laki kung ito!

"Pero wag niyong kalimutang matulog paminsan minsan. Uso matulog ma."

"Okay darling. Ah, Ang sweet sweet talaga ng baby ko."

"Oh sya. Ibababa ko na 'to may pasok pa ako." Sabi ko. Narinig kong nag yawn siya.

"Ok, Bye baby. I love you!"

"I Love you, too. Both you and papa"

Pagkatapos ng usapan namin ni mama ay agad akong pumunta sa kusina ngunit hindi ko na nagawang magluto ng mapansin ko ang oras na nagpapahiwatig na mamalate nako. Dali-dali akong nagsuot ng converse shoes at ng salamin ko. Kinuha ko agad ang backpack na nasa couch at mabalis nagtungo sa kotse. Napamura ako sa labas ng apartment sa kadahilanang nakalimutan ko ang susi ng kotse.

Habang nagbabyahe papuntang skwelahan ay napagdesisyonan kung sa cafeteria na kumain. Pagkapark ng kotse ko ay mabilis akong naglakad papuntang cafeteria. Habang nasa hallway ay sadyang makikita mo ang ibat-ibang klasing studyanteng nakatambay dito. May mga grupong nag tatawanan, may dalawang magkaibigan na akala mo'y ang tagal nilang hindi nagkita, may studyanteng nagbabasa sa gilid, hindi rin maiiwasan ang dalawang babae na wari'y nagbubulugan at saka makikitang mo ang taong ito ay adik sa anime o certified otaku kung tawagin nila dahil hindi maipagkakaila na nakasuot ito ng one piece shirt.

Pagkarating ko ng cafeteria na nakayuko ay hindi mapigilang magrambulan ang mga alaga sa tiyan ko. Nag order ako at umupo sa may sulok ng bakanteng table. Napansin kung may mangilan-ngilang studeyanteng kumakain. Habang ningunguya at nilalasap ang inorder kung pagkain ng may biglang basang tumalsik sa damit ko.

"Ah shit" napatayo ako sa kinauupuan.

"Ops" narinig kung hinang sabi niya. Napa-angat ako ng tingin. "Sorry hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako at sadyang natapilok. So ayun natapun ang juice."

Dali dali niyang kinuha ang panyo niya at aaktong pupunasan ang damit ko pero lumayo agad ako.

"Okay lang Miss" sabi ko sa chinitang babae nasa harap ko.

"No please. Let me help you. May extra shirt ako sa locker ko." Nakita kung concern siya na mas lalong kinaliit ng mata niya.

"Hindi okay lang ako. May shirt rin naman ako sa locker at diba sabi mo nga nagmamadali ka."

Biglang tumunog ang phone niya at tiningn niya ito. Tumalikod agad ako at lumabas ng cafeteria nang narinig kung sumigaw siya na hindi ko na maintindahan.

Pagkatapos kung magpalit, narinig kung tunog ng bell na hudyat ng unang klase ko. Dali dali akong pumunta sa klase at umupo sa pinakadulong sulok.

.......

"Okay class, Listen up! Since I have already discussed and covered the entire chapter's one to five, we will be having an experiment by next week. So, I want you guys to find something that we can dissect."

Narinig kong sabi ni Professor Martin. Nag-aaral ako ng medicina dito sa Augustine University. Isa sa pinaka sikat na Universidad dito sa pilipinas. Sa pagkaka-alam ko isa ito sa mga skwelahang nagproproduce nang magagaling na doctor. So naisipan kung dito magtransfer noong nakaraang taon.

"Yes, shelly" sabi ni Professor Martin.

"Sir, ok po ba 'yong frog. Kasi madali lang itong hanapin eh"

"Oo nga sir, mahihirapan kaming maghanap ng iba aside sa frog" sabi ng lalaki naka-upo sa unahan.

"Anything Shelly and—what's your name again?"

"Sebastian, Sir"

"Shelly and Tebastian, you can bring a frog as many as you can." Narinig kong hinang tawa ng mga kaklase ko. Paano ba naman itong si Sir Martin mga babae lang ata ang Studyante niya at pinapansin dito sa klase. Mali pa pagkabigkas sa pangalan nitong si Sebastian.

"So, any question? If none, see you on the lab next week."

Unti unting na nagsi-alisan ang mga estudyante at habang ako ay naka upo parin naghihintay na makalabas ang lahat . Ganito palagi ang ginagawa ko dahil ayaw kung makipagsiksikan sa maraming tao at tsaka masasaktan lamang ako pagpinagpilitan ko ang sarili ko dito. Habang abala ako tumitingin sa labas ng bintana hindi ko na pansin na may tao palang nakatayo sa harap na kina-uupoan ko.

"Hoy Hawkins"

Napa-angat ako ng tingin sa taong ang angas ata magsalita.

"Bakit?"

"Maghanap ka ng palaka para sa experiment na nagagawin next week." Sabi nitong si Alex na nagdedemand.

Napakunot ang nuo ko, " Maghahanap naman talaga ako"

"Good" sabi niya. Aaktong tatalikod na dapat siya pero parang meron ata tong nakalimutan.

"Oh! Damihan mo, dahil buong klase ang gagamit."

Napasimangot ako at hindi mapigilang magsalubong ang aking mga kilay.

Tama ba ang narinig ko? Damihan?

"Wag kang mag-alala babayaran ka namin." Dagdag nito at dito ko napansin na may kasama pala itong iba. Mga barkada ata niya.

Are they expecting me to find a frog for them? Ano pag-aakala nila sa akin ? utos utosan? At tsaka himala tinawag nila ang last name ko!

"kung gusto mo dodoblehin namin." tango nitong kasama ni alex na nasa likuran nito. Hindi ko alam kung sino itong isa. Sa pagkaka-alam ko nagsisimula ang pangalan nito sa-------S or T?

"Tayo na brad. Alis na tayo" sabi ng isa niyang kasama niya.

"Hep! Hep!" napahinto sila lahat sa may pintuan. "At bakit ko naman gagawin 'yon? Anong akala niyo sa---" pinutol ni alex ang sasabihin ko.

"Gawin mo nalang hawkins para wala tayong problema" Sabi nito at tuluyan ng umalis.

"Hoy! Hindi pa ako pumapayag" tumayo ako at napasigaw.

Pabagsak akong umupo at hindi mapigilang mainis."Argh! Mga mokong na yun."

Tumayo ako at pagalit na kinabit ang bag ko sa balikat. Pabagsak ang mga paa kong lumakad palabas ng room at agad nagpunta sa susunod na klase.

Nandito ako ngayon takatayo sa harapan ng desk ni Professor Sanches na parang hindi ako nag- eexist. Paano ba naman besing besi ito sa kaka examine sa mga nakalatag na mga papel sa kanyang mesa. Napa 'ehem' ako para ipahiwatig ang presensya ko at hindi naman ako na bigo dahil nag-angat ito ng ulo. Pagalit itong tumingin sa akin pero agad naman itong napalit nang masayang mukha at ngumisi ng pagkalaki.

"Mabuti at nandito ka Miss Hawkins." Agad siyang tumayo kasamang pagsalpok ng dalawa niyang palad.

"I have one favor to ask you. Dalhin mo 'tong mga documents sa faculty at kasama narin ito. Isa isahin mo 'tong ilagay sa drawer sa gilid ng desk ko. Hindi ka naman mahihirapan ilagay ang mga 'yan sa tamang pwesto dahil naka color coded ang bawat isa diyan sa documents. May blue, red, orange, green-------basta makikita mo doon. At tsaka kunin mo 'yong kulay green na bote sa pinakailalim ng drawer sa desk ko at tsaka dahil mo 'yon sa laboratory at Ilagay mo storage room. "

"Yeah one favor" bulong ko sa sarili.

"May sinasabi ka Miss Hawkins?" Napataas ang isa niyang kilay.

"Ay wala naman ma'am. Sige alis nako po ako ma'am. Gagawin ko pa po 'yong One favor mo." Ngumiti ako at inimpasize talaga ang 'One Favor' niya. Dali dali kung kinuha ang mga documents at mabilis na lumabas ng room.

Simulan ko nang pag-sosort ng documents sa drawer at kinuha ang kulay green na bote. Naglalakad ako ngayon sa corridor at papalikong kaliwa ng may biglang nabangga akong tao. Nabitawan ko ang bote dahil sa pagkakalakas ng pagkakasalpok naming dalawa. Nabasag ito at tumalsik ang basang likido sa damit ko.

"Ah shit! Ew ew ew " narinig ko ang maarteng boses ng babae. Inangat ko ang ulo at tumingiin sa kanya.

Sa lahat lahat ng tao si Scarlet pa ang nabangga ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 40.5K 78
The world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya...
46.2K 2.4K 22
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
19.9K 1.2K 16
[ Iskwala Series #1 ] Intrigued by the unknown and driven by curiosity, Damian Villados was a man of exploration, always eager to dive headfirst into...
37.5K 2.5K 8
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING