Limerence

By endlesslaugh

3.4M 48.4K 5.7K

"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A... More

Prologue
Chapter 1: Seatmate
Chapter 2: Chi
Chapter 3: Deal
Chapter 4: Lalaki
Chapter 5: Park
Chapter 6: Déjà vu
Chapter 7: Dan Gab
Chapter 8: Mommy at Daddy
Chapter 9: Spaghetti Sauce
Chapter 10: Periodic Exams
Chapter 11: Your Guardian Angel
Chapter 12: Keep Moving Forward
Chapter 13: Injury
Chapter 14: Monopoly
Chapter 15: Direk
Chapter 16: Cry
Chapter 17: Happily Ever After
Chapter 18: Oo Nga Pala
Chapter 19: Walang Iba
Chapter 20: Partners in Crime
Chapter 22: Gusto Kita
Chapter 23: Toyota Prius
Chapter 24: Grandest Romantic Gesture
Chapter 25: Strawberry Taho
Chapter 26: The Feeling Is Mutual
Chapter 27: Phineas and Ferb
Chapter 28: Hairpin
Chapter 29: Paper Talk
Chapter 30: Wii Sports
Chapter 31: Please Be Careful With My Heart
Chapter 32: Banana
Chapter 33: That's What You Get
Chapter 34: Thesis Defense
Chapter 35: He-who-must-not-be-named
Chapter 36: Wonderstruck
Chapter 37: So Close
Chapter 38: Highlight
Chapter 39: Pangako
Chapter 40: Goodbyes
Epilogue
Author's Appreciation Note
Christmas Special
Class Suspension Special

Chapter 21: Maybe We're More

75.9K 982 124
By endlesslaugh

Chapter 21: Maybe We're More

Noong iniangat ni Joana ng mukha niya mula sa pagkakayakap kay King, tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa hagdan. Nilapitan ko sila at hinaplos yung likod ni Joana.

“Jo?” mahina kong tawag sa pangalan niya. “Anong problema? Bakit ka umiiyak?”

Iniangat niya yung ulo niya mula sa pagkakapatong sa dibdib ni King at nakita ko na sobrang pula na nung mata niya pati na rin yung ilong niya na nagpapakitang kanina pa siya naiyak. Bigla tuloy tumaas yung level ng concern ko kay Joana.  

“Joana?”

“Ate!” At dali-dali siyang bumitaw kay King at ako naman ang yinakap niya. Binalik ko ang yakap niya at patuloy pa ring inahagod yung likod niya. Ganoon ko siya kino-comfort simula noong bata pa lang kami.

Habang nakayakap sa akin si Joana, napansin kong nakatingin sa amin si King. Doon ko lang din na-realize na third party pala ako ngayon.

Inilayo ko si Joana mula sa pagkakayakap sa akin, "Joana, iiwan ko muna kayo ni King para pag-usapan kung ano man ang bumabagabag sa'yo. I-text mo na lang ako kung gusto mo nang umuwi."

Bago ako umalis, tinignan ko siya sa mata na parang pinapahatid yung mga salitang, "Mag-uusap tayo mamaya."

Yinakap niya uli ako. "Thank you ate. I-enjoy mo yung party ha. Alam kong mag-aalala ka ngayong nakita mo kong ganito pero tanggalin mo muna ako sa isip mo habang nasa party tayo. Promise?"

"Promise," sinabi ko kahit mahirap iyong gawin. "O siya, bababa na ako. Jo, King," tiningnan ko siya at tinanguan niya ako. Para namang may ine-expect pa ako na gagawin si King at tinignan ko pa siya.

Pagbalik ko sa table nila, nakita ko si Dan Gab na nakuyakoy sa upuan niya. Hindi siya mapakali at lingon ng lingon. Noong lumingon siya sa direksyon ko at tumama yung tingin niya sa akin, yung nakakunot niyang noo ay parang dinaanan ng plantsa at umunat na uli. Tumigil na din siya sa pagkuyakoy tapos tumayo at sinalubong ako.

"A—"

"Saan ka galing?!" Hindi ko pa tapos yung apology ko kung bakit bigla akong umalis pero sinalubong niya na agad ako ng tanong.

"Ano kasi—"

"Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Ang hirap mo pang hanapin dahil panay nakamaskara ang mga tao pare-pareho yung kulay ng damit."

"Sorry. Kanina kasi—"

"Sobrang nag-alala ako Sofia, alam mo ba iyon? Hindi mo pa dala yung cell phone mo. Hindi tuloy kita ma-contact. Akala ko ano na ang nangyari sa'yo. Akala ko iniwan mo na ako. Akala ko—"

"Dan!" Hindi ko na siya pinatapos. Para kasing nanay ito kung mag-alala. Daig pa nga si Mama kung magsermon. “Okay lang ako. Nag-CR lang. Kaso puno sa CR dito sa Hall kaya napunta ako sa SEM Building. Kaso na-lock kami—ako pala sa loob kaya hindi ako nakalabas. Sorry, hindi ko naman sinasadya eh—”

Hindi nanaman natapos yung sinasabi ko kasi yinakap ako ni Dan Gab. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin na parang mawawala na ang hangin sa baga ko.

“Huwag mo nang gagawin iyon, Sofia. Pinakaba mo ako,” sabi niya sa buhok ko.

Tumango na lang ako. Actually, naiilang ako sa itsura namin lalo pa’t maraming nakatingin. Nasa publikong lugar kami kaya hindi naman maiiwasang pagtinginan kami. Yung mga babae kung makatingin sa akin parang may mga laser beams na lumalabas sa mata nila eh. Pero bukod sa hiyang nararamdaman ko ngayon, hindi ko rin naman mapigilang ma-guilty. Alam kong wala namang nangyayari sa pagitan namin ni Dan Gab pero parang nagsisi ako na hindi ako nagsabi sa kanya. Isa pa, nagsinungaling ako na hindi ko kasama si King kanina. Sabi ko sa excuse ko, mag-isa lang akong nakulong sa building.

“Ano ba yan Dan Gab! Naglalaro ba tayo dito ng ‘huwag-patapusin-magsalita-si-Sofia?’” biro ko para i-lighten yung mood.

Buti na lang tumalab. Nag-chuckle siya at kumawala na sa embrace. “Gutom ka na ba?”

Nginitian ko siya. “Ah… eh… Oo.”

“Sige, babalik ako ha. Umupo ka muna.”

Ginawa ko yung sinabi ni Dan Gab. Naupo ako sa kaninang punong lamesa. Ngayon wala nang katao-tao doon. Nagsimula na kasi yung party-party portion ng gabi. Ang lakas ng tugtog, ramdam na ramdam hanggang buto at ang sakit sa mata ng mga neon lights na kung anu-anong effects ang ginagawa.

Ano na kayang nangyari kina Joana at King?

 

Teka. Bakit bigla ko naman atang naisip iyon? Nangako ako kay Joana na hindi ko iisipin iyon diba?

Ang pinangako ko lang naman eh huwag isipin kung ano yung bumabagabag sa kanya. Ano nga ba iyon? May relasyon ba kay King? Baka naman iba?

Tinuktukan ko yung ulo ko. Sabi nang huwag isipin yun eh!

"Anong nangyari sa iyo at sinasaktan mo na yung sarili mo?" Umupo si Dan Gab sa tabi ko at nilapag yung pagkain na dala niya sa mesa.

"Ah. Wala. Kasi parang inaantok na ako kaya ginigising ko lang yung sarili ko."

"Inaantok ka? Ganito kasi technique diyan eh." Nilapit niya sa akin yung silya niya at hinawakan yung magkabilang tenga ko.

Inilayo ko naman yung ulo ko. "Anong ginagawa mo?"

"Tsk. Sumunod ka na lang kasi!" At binalik niya yung kamay niya sa tenga ko. Sinimulan niyang i-masahe ito. "May nagsabi sa akin na kapag inaantok ka daw masahihin mo lang yung tenga mo, hindi ka na aantukin."

"Masahe ba ito? Bakit ang sakit? Ang init na din ng tenga ko."

"Mainit na ba? Epekto kasi iyan ng hotness ko."

Sinuntok ko siya pabiro sa braso. "Hot ka diyan. Asa ka! Ano bang pagkain dinala mo? Gutom na din ako."

Binitawan niya yung tenga ko at pinakita niya sa akin yung dala niyang pagkain. Pizza at iced tea.

"Iced tea?" Naalala ko yung ginawa sa akin ng iced tea na iyan.

"Oo. Bakit, ayaw mo ba? Ikukuha na lang kita ng iba."

Tumayo siya pero hinila ko na yung sleeve ng shirt niya paupo. "Huwag na. Okay na ito."

Kinain ko yung dinala ni Dan Gab na pagkain para sa akin habang siya naman ay nagkukwento tungkol sa mga pangyayari noong nawala ako.

Sabi niya siya yung over-all winner dahil siya yung number one sa personality, ramp modelling at audience impact. "Sabi sa'yo hot ako eh. Everyone thinks so," dagdag pa niya.

Kinuwento niya rin yung iyamot niya sa pagiging ka-partner ni Venny pero in-endure niya daw iyon para manalo kasi daw may special reward ang winner at the end of the night.

Si Alison na third year yung babaeng over-all winner. Just so you know.

Maya-maya lang lumapit si Josh sa table namin. "Whew! Grabe ang saya sa gitna! Halika, Sofia. Sayaw tayo!" Tapos hinila niya ako patayo.

Hindi ko na tinanggihan yung alok niya at sinundan siya sa dance floor na kasalukuyang nagpapatugtog ng lively music. Honestly, hindi ako magaling sumayaw. Parehong kaliwa pa nga yung paa ko pero hindi ko muna iyon pinansin. Hindi naman nila ako makikilala sa maskara ko, 'di ba? Kaya kinuha ko na yung advice ni Joana at nagpakasaya muna. Isa pa, last year ko na rin naman sa school na ito.

Maya-maya nagpalit na yung music at naging mellow na. Tinignan ko yung relo ko para i-check yung oras. 11:50. Ten minutes na lang at matatapos na yung party. Ten minutes na lang para sa mga lovers na magsayaw sa mellow na music na saglit lang pinapatugtog dito.

Sa pagpapalit ng music, nagsimula ng mag-pair yung mga tao sa dance floor. Feeling out of place, naglakad na ako pabalik sa table namin. Kaso may biglang humila ng kamay ko.

"May I?" tanong ni Dan Gab.

Nag-hesitate pa ako. Pero ang hirap namang tanggihan ni Dan Gab. Lalo pa't kahit kailan hindi naging masama sa akin si Dan Gab. Lagi siyang nakangiti kapag nakikita ko. Sobrang bait niya sa akin pero lagi ko siyang tinataboy...

Tumango ako at dinala niya ako sa gitna. Hindi pa tapos yung unang kanta pero nag-fade na ito para magpatugtog ng iba. Nakilala ko yung kanta dahil isa iyon sa mga favorite ko. "Greatest Story Ever Told" iyon ni Oliver James.

 

Noong nasa gitna na kami, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang nanigas lang ako sa kinatatayuan ko.

Hinawakan ni Dan Gab yung mga kamay ko. "Relax ka lang. Para kang babarilin ng mga Kastila sa sobrang tense mo eh," natawa siya sa comment niya tapos nag-trace siya ng circle sa parehong palad ko.

"Hindi ako marunong sumayaw," paliwanag ko kahit na alam kong alam niya naman 'yon.

Yung mga kamay ko na hawak niya, pinulupot niya sa kanyang leeg. "Ako na ang gagabay sa'yo. Just follw my lead." Naka-step na ako sa tune ng kanta ng magsalita siya. "Nag-enjoy ka ba ngayong gabi?"

"Oo." At hindi ako nagsisinungaling noong sinabi ko iyon. Masaya naman ang naging gabi ko kahit pa hindi ko pinagplanuhan ang pagpunta. Medyo tanggalin lang ang ilang pangyayari, ayos na lahat...

As if I conjured him, nahagip ng mata ko si King sa gilid ng Hall.

Napansin ata ni Dan Gab yung kilos ng ulo ko kaya tumingin din siya sa direksyon ng tingin ko. Tapos hinawakan niya yung baba ko at pinagtapat yung tingin naming dalawa.

"Please forget him."

Nagulat ako sa sinabing iyon ni Dan Gab. Inilayo ko yung mata ko sa tingin niya. "H-ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Sofia, huwag mo nang itago sa akin. Nakikita ko kung paano mo siya tignan. How I wish na tignan mo rin ako ng gano'n."

Hindi ako makasagot. Ano pa bang sasabihin ko? Magsisinungaling pa ba ako sa kanya? Siguro ayos na rin na alam niya para hindi na siya umasa pa. Para hindi ko na siya masaktan sa pangalawang pagkakataon.

"Alam ko iyang itsurang iyan," pagsingit niya sa pag-iisip ko. "Iniisip mo na kung alam ko ay lalayo na ako sa iyo. Na tatantanan na kita." Binuka ko yung bibig ko para sumagot pero nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Hindi mangyayari iyon. Maghihintay ako, Sofia. Hihintayin kita. Please, give me a chance. Give us a chance."

Tinamaan ako sa sincerity ng mga salita niya. Pero hindi ko siya sinagot. Ayokong ma-disappoint siya. Ayoko siyang bigyan ng false hopes.

Kelan pa naging mala-teleserye ang buhay ko?

Binalik ko yung tingin ko kung saan ko nakita si King kanina. Nandoon pa rin siya. Nakatingin siya sa amin ni Dan Gab na parang kaming dalawa lang yung taong nagsasayaw...

Noong pinagmasdan ko yung paligid, nakita kong kaming dalawa na nga lang ang nagsasayaw sa gitna.

"Dan Gab, tapos na ata yung sayaw. Tayong dalawa na lang yung nasa gitna. Tara na." Tumigil na ako sa pagsu-sway pero mas hinawakan ako ni Dan Gab.

"Iyan ng special prize ko. Kaya huwag mong sayangin yung effort ko sa pakikipag-team up ko kay Venny." Nginitian niya ako. Kaya nga hindi ko na sinira yung moment niya.

Hindi pa tapos yung song pero narinig ko na yung countdown ng schoolmates ko. Malapit na ang midnight.

5…

“Sofia…”

“Hmm?”

4…

“I’ll wait for you,” bulong niya. Pero kahit na sobrang lakas ng sigawan, narinig ko pa rin iyon. Nagulat pa ako noong hinalikan niya ako sa pisngi.

3…

Napatungo ako para itago yung blush ko. Alam ko wala akong gusto kay Dan Gab pero hindi ba natural lang na mamula sa lahat ng affection na pinakita niya ngayong gabi?

2…

“Dan G—”

May humawak sa braso ko at nagsalita, “Kulot, uuwi na daw kayo ni Joana.”

1…

At pumutok na yung virtual fireworks na ginawa ng I.T. club para sa gabing ito. Ang lakas ng sigawan ng mga estudyante. Pero sa gitna ng kaguluhan, nandoon lang ako sa dance floor, si Dan Gab nakahawak pa yung isang kamay sa bewang ko habang si King naman ay hawak na ang braso ko.

“Rodriguez,” pag-acknowledge ni Dan Gab kay King.

“Dan.”

Iyon lang ang exchange nila pero nakakaramdam ako ng negative vibes na nagra-radiate sa dalawang lalaki.

“Sofia, hinihintay ka na ni Joana,” sabi sa ’kin ni King pero nakatingin pa siya kay Dan Gab.

“Ah… Sige. Dan Gab.” Humarap ako sa kanya na nag-cause ng pagbitiw ni King sa braso ko. “Salamat. Nag-enjoy talaga ako ngayong gabi.”

Tumingin siya sa akin. “Ihahatid na kita.”

“Ah, hindi na. Kasama ko si Joana.” Isa pa, kailangan niya ako ngayon.

“Sige.” Nagsimula na akong mag-turn kaso pinigilan pa niya ako. “Yung sinabi ko kanina, pag-isipan mo.”

Tumingin lang ako sa sahig bilang sagot at sumunod na kay King papunta sa gate.

“Teka, yung gamit ko,” sabi ko sa likod niya.

Tinaas niya yung bag ko na hawak niya sa kanang kamay niya.

Ako naman, binibilisan ko yung lakad ko para makahabol sa malalaking hakbang niya. “Nasaan siya?”

“Sumunod ka na lang,” naiiritang sagot niya.

“Sungit,” bulong ko sa sarili ko.

Malakas talaga yung pandinig nito. Tumigil siya tapos tinignan ako. Akala ko yun lang yung gagawin niya pero nagsalita siya. “Ang saya siguro ng gabi mo, ano? Naging center of attention pa kayo kanina.”

“Ano naman?”

Nagkibit-balikat siya. “As partners in crime, syempre gusto ko ding malaman kung nag-enjoy yung partner ko. Bakit, nagagalit ka ba?”

“Oo, galit ako. Simula pa lang noong nakatabi kita noong umpisa ng school year inis na inis na ako sa’yo. Hindi ko alam kung anong ginagawa mo pero naiinis talaga ako sa’yo… 75 % of the time.” Bakit naman ako nage-explain dito?

“75%? Anong nangyari sa 25%?”

Ano nga ba? “Iyon yung percentage na may probability na pwede kitang magustuhan…” Nakatingin ako sa lupa at mahina ko iyong sinabi. Nananalangin kasi akong hindi niya iyon narinig. Noong iniangat ko yung ulo ko para makita yung reaction niya, nagulat ako noong nakita ko siyang nakangiti. “Ano?”

“Wala. Masama bang ngumiti?”

“Hmph.” Inunahan ko na siya sa paglalakad tapos nakita ko si Joana sa may gate. “Uwi na tayo?” Okay. Obvious naman yung sagot na uuwi na kami tinanong ko pa. Hindi ko kasi matantsa kung paano ako makikitungo kay Joana ngayon dahil na rin sa hindi ko alam yung problem at hand.

Tumango siya. “Oo, 'te. Pero pwede bang doon na muna ako matulog sa inyo?”

“Ah, sige. Tawagan mo muna si Tita.”

Ayaw iyon gawin ni Joana kasi daw baka marinig ng mama niya na umiyak siya kaya ako na yung tumawag. Noong sumagot si tita, sinabi niya sa akin na mas maganda nga na doon na lang siya sa bahay namin dahil daw mas malapit sa school. Para na rin mas maaga daw siyang makapagpahinga. Naririnig ko naman sa kabilang linya kung gaano kalaki yung pag-aalala ni tita sa pinsan ko. Feeling ko tuloy alam niya rin yung nangyayari kaya mas tumindi yung pakiramdam ko na na-left out ako sa kung ano man iyon. Nagtatampo naman agad ako.

Nagpara si King ng taxi na sasakyan namin at sinabihan pa kami ng “Good night." Sa loob, tahimik lang kami ni Joana. Hinayaan ko lang siya.

Sa kwarto ko, nangangati na akong malaman kung ano nga ba ang nangyayari pero hindi pa rin ako nagtanong. Hinayaan ko munang makapaglinis at makapagbihis si Joana bago ko siya didiretsuhin. Pero natigil ako sa pagtatanong noong lumabas siya ng banyo. Sa itsura pa lang niya, mukhang pagod na talaga siya. Malamlam at mapula ang mata mula sa pag-iyak niya. Yung tayo niya, parang konting ihip lang ng hangin tatangayin na siya.

Nag-suggest ako na matulog na siya para magpahinga at pwede kaming mag-usap bukas kapag nakapagpahinga na siya.

"Hindi ate. Magkukwento ako sa'yo. Medyo nababagabag kasi ako na hindi ko nasabi sa'yo eh. Kaya sisimulan ko ito ng apology. Baka kasi na-disappoint kita at hindi ako nagsabi sa'yo ng kahit ano. Kaya, sorry.

"Eto na yung kwento..."

At kinuwento na nga ni Joana yung mga pangyayari sa bahay nila. Sa ngayon, may problema yung mga magulang niya. Lagi daw silang nag-aaway. Matagal na daw na ganoon sina tito at tita, bago pa man pumanaw si Lola. Sa totoo lang, alam nga ni Lola yung nangyayari sa kanila eh.

Walang third party sa hidwaan ng dalawa. Pure frustration lang daw talaga. Midlife crisis ba. Pero ang laki ng impact ng late na pag-uwi ng isa sa dalawa o kaya naman eh yung pigil na pagsigaw nila sa kwarto kay Joana. Isang beses pa daw noong bumaba siya ng madaling araw para uminom ng tubig, nakita niya yung papa niya sa sofa natutulog.

Kanina daw sa party tumawag sa kanya yung mama niya at sinabing umuwi muna sa probinsya yung papa niya. Natakot daw siya na baka hindi na bumalik si tito kaya ganon na lang yung kaba sa dibdib niya.

Siguro sa tingin niyo na ang baba naman ng rason ng iniiyakan ni Joana. Pero mahina talaga ang tiwala niya sa commitment. Sa sobrang hina noon, pati pamilya niya pinagdududahan na niya.

Noong natapos na siya, yinakap ko lang siya doon sa kama. Hindi na siya naiyak. Naibuhos na niya kanina noong kasama niya si King...

Nagbigay naman ako ng comfort at advice. Sabi ko sa kanya na kausapin niya na yung mga magulang niya para naman malaman nila yung nararamdaman niya. At sigurado namang hindi siya pababayaan nina tito at tita. Magagawan din nila iyan ng paraan. Makakahanap din sila ng compromise. Malay natin siya yung maging tulay nila para magkaayos uli.

"Di pa rin ako makapaniwalang ngayon mo lang ito sinabi sa 'kin." Hindi ko mapigilan pero nagtatampo ako dahil hindi ako yung una niyang sinabihan tungkol sa problema niya.

"Hindi na tayo masyadong nagkikita."

"Kahit na. Pwede ka namang tumawag o kaya magtext. Alam mo namang pupunta agad ako sa isang tawag mo pa lang, diba? Wala ka tuloy mapagsabihan..."

"Sorry. Pero nakakaraos din naman ako. Andyan naman si King eh."

Andyan naman si King eh.

"Huh. Ang swerte mo sa boyfriend mo."

"Boyfriend?"

Ano ba naman itong si Jo! Nagtataka pa kung sino boyfriend niya. "Boyfriend ka diyan! Bakit Jo, ilang boyfriend ba meron ka? Motto mo pala talaga yung 'collect and collect' ah!" Pagbibiro ko to lighten the mood. Ayoko kasing pag-usapan yung topic kahit ako pa yung nag-bring up nito.

"Si King ba tinutukoy mo? Hindi ko siya boyfriend."

Pumeke ako ng tawa. "Hindi mo boyfriend?! Eh ano? Alalay?"

Tumingin siya sa 'kin na parang nasisiraan na ako ng ulo. "Seryoso ako."

Nawala tuloy yung ngiti ko. "Hindi mo pa siya sinasagot?"

"Bakit ko siya sasagutin kung hindi niya naman ako niligawan?"

"Hindi ka niya niligawan? Ang torpe naman ng lalaking iyon!"

"Ate! You're so silly! Wala namang something sa pagitan namin eh."

Walang something?! Anong nangyari noong nag-date sila na inaya pa akong maging chaperon? Paano na yung niyakap niya si King noong intrams? Noong tinawagan niya noong nasa UST kami?! Yung yinakap niya kanina si King?! Huwag mong sabihing wala lang lahat ng iyon?!

"Wala akong maintindihan."

Nagbuntong hininga si Joana. "Mahabang istorya. Yung short version na lang. Oo, nagkagusto ako kay King. Alam mo iyon, yung school girl crush. Nagkaroon ka ng paghanga sa isang lalaki dahil mas matanda siya sa iyo, laging pinag-uusapan ng mga kaibigan mo, and he seems so perfect in so many ways. Iyon yung naramdaman ko sa kanya pero noong nakasama ko na siya para kasing ano... ahm... walang spark. Walang chemistry. Siguro naramdaman din iyon ni King pero hindi niya sinabi. Ako na yung nagsabi sa kanya na wala akong balak na ituloy yung pagkikita namin. Tumango lang siya at sabi niya sa akin sana makahanap ako ng taong magiging ka-click ko talaga.

"Bigla akong napaiyak noon sa harap niya. Siguro dahil na din sa emotional status ko noong time na iyon. I was looking for comfort na dapat ang parents ko ang nagbibigay. Doon na kasi lumala yung situation nina Papa. Before I knew it, sa kanya na ako laging nakikipag-usap tungkol sa nangyayari sa bahay. Sa kanya na ako tumatakbo kapag kailangan ko ng kausap."

Matagal pa bago nag-sink in sa akin yung mga sinabi ni Jo.

Tumingin ako sa orasan sa may bedside table ko. 2:13 am na. Sa tabi ko, mahimbing na natutulog si Jo.

Ano kayang tumatakbo sa isip ni King at naging "friends" na lang sila ng pinsan ko?

Baka may iba na siyang gusto? Kung ganon eh bakit hindi naman siya naimik man lang. Hindi man lang niya nililinaw sa akin yung mga preconceived notions ko.

Eh yung nangyari naman kanina sa SEM Building. Yung "seatmates/partners in crime/ enemies" drama niya kanina. Ano yon?

At yung almost-kiss na sana hindi talaga almost-kiss dahil kung anu-ano ang nabubuo sa isip ko at ayokong mag-move further.

Parang mirage, bumalik lahat ng nangyari kanina sa isip ko.

Sa SEM Building, yung tingin niya sa amin habang nagsasayaw kami ni Dan Gab, yung tingin niya kay Dan Gab noong sinundo niya ako para makipagkita kay Joana, yung ngiti niya doon sa 25% theory ko...

And just like that, may na-ignite sa loob looban ko. Na baka sakali... baka lang naman... eh pareho kami ng nararamdaman ni King.

Kinuha ko ang mp3 player ko at nagpatugtog ng music on shuffle. Gusto kong i-block lahat ng boses sa isip ko kahit ngayong gabi lang.

Two 'o clock and I wish that I was sleeping
You're in my head like a song on the radio
All I know is that I got to get next to you
Yeah I got to get next to you
Sitting here turning minutes into hours
To find the nerve just to call you on the telephone
You don't know that I got to get next to you

Maybe we're friends
Maybe we're more
Maybe it's just my imagination
But I see you stare just a little too long
And it makes me start to wonder
So baby call me crazy
But I think you feel it too
Maybe I, Maybe I
Just got to get next to you

Nararamdaman kong namumuo ang hope sa puso ko.

Pero alam kong hindi ako aasa.

• • • • • • • • • • • • • • •

to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 73 37
Everything seems so perfect until the day has come that her heart will break into a thousand pieces. Will it heal or will it get worst? Will she forg...
223K 6.8K 32
[COMPLETED / UNEDITED] 1st Installment of The Infidus Duology --- • The Wattys 2020 Winner under New Adult category • Under RomancePH's Romantic Blis...
25.6K 904 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
10.4K 174 33
My Firsts with Him Book 1 Meet Colleen, ang sudden quiz bee whiz na may crush(crush nga lang ba?) kay Arvin. Enter Arvin, ang walang dudang matalino'...