Come Back Home

By adrian_blackx

173K 6.2K 1.3K

Paano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you w... More

CBH: Prologue
CBH: Chapter 1
CBH: Chapter 2
CBH: Chapter 3
CBH: Chapter 4
CBH: Chapter 5
CBH: Chapter 6
CBH: Chapter 7
CBH: Chapter 8
CBH: Chapter 9
CBH: Chapter 11
CBH: Chapter 12
CBH: Chapter 13
CBH: Chapter 14
CBH: Chapter 15
CBH: Chapter 16
CBH: Chapter 17
CBH: Chapter 18
CBH: Chapter 19
CBH: Chapter 20
CBH: Chapter 21
CBH: Chapter 22
CBH: Chapter 23
CBH: Chapter 24
CBH: Chapter 25
CBH BOOK 2: Chapter 1
CBH BOOK 2: Chapter 2
CBH BOOK 2: Chapter 3
CBH BOOK 2: Chapter 4
CBH BOOK 2: Chapter 5
CBH BOOK 2: Chapter 6
CBH BOOK 2: Chapter 7
CBH BOOK 2: Chapter 8
CBH 2: Chapter 9
CBH 2: Chapter 10
CBH 2: Chapter 11
CBH 2: Chapter 12 (end)
Hi guys

CBH: Chapter 10

4.9K 195 23
By adrian_blackx

GLAIZA'S POV

Flashback

Marami akong gustong gawin sa panliligaw ko kay Rhian. Gusto ko yung tipong kikiligin siya, kahit sa mga simpleng paraan lang.. Medyo mag gagabi na din, kaya kailangan ko ng sunduin si Rhian, baka maunahan pa ako nung tipaklong na yun.

Pagdating ko sa coffee shop, tumambay muna ako at nag order ng kape, nakita ko naman si Rhian na ginagawa ng mabuti ang trabaho niya as a manager..

May biglang dumating, at kung hindi ako nagkakamali delivery yun. Agad akong lumapit dun sa lalaki na may hawak ng bulaklak.

"Para kanino po yan?" Tanong ko.

"Ah, para po kay Rhian Ramos po." Sagot naman niya. Lumapit na rin si Rhian ng narinig niya yung pangalan niya.

"Kanino galing yan?" Tanong ni Rhian.

"Ah ma'am, wala naman pong sinabi na pangalan eh. Pero may iniwan po siyang note sa bulaklak. Pakipirmahan na lang po to." Agad naman pumirma si Rhian. Agad din naman inabot ni kuya yung bulaklak.

Nakita ko naman na natuwa siya ng kinuha niya yung bulaklak. Halatang nagandahan to.

Pagkaalis nung delivery guy, agad lumapit si Sally sa kanya,

"Uy kanino galing yan! Ayiieee kinikilig ako! Kaso mas kikiligin ako kapag si Ma'am G ang nagbigay" sabay tingin sa akin ni Sally.

"Naku! Walang kilig sa katawan yan si Glaiza nuh?" Ano? Ako walang kilig sa katawan? Excuse me ah.

"Ay, ganun. Hahaha. Pabasa naman ng note na nilagay ni secret admirer mo!" Sabay agaw ni Sally sa note na nakalagay sa bulaklak. Binasa naman ni Sally ng malakas yung note na iniwan nung nagbigay

Hi Rhian. You're my one and only. One and only you! Sana magustuhan mo tong bulaklak na to, gaya ng pagmamahal ko sayo. Ingat ka lagi ah.

- ❤️❤️❤️

"Ayiiiieeee! Si Ma'am Rhian oh, kinikilig" pang aasar ni Sally sa kanya.

"Naku Sally tantanan mo ako ah. Sige na magtrabaho ka na dun." Pero halata naman sa kanya na kinikilig siya.

Sabi ko na nga ba eh. Magugustuhan niya yung bulaklak na pinadala ko. Buti naman at dumating sa oras para makita ko yung reaksiyon niya. Ang saya niya lang tignan. Sana ako lagi ang dahilan ng bawat ngiti niya.

Hanggang sa nakasakay kami ng kotse hindi mawala ang ngiti niya.

"Hoy Rhi, baka mapunit yang labi mo sa kakangiti ah. Easy ka lang." I said.

"Pwede ba, walang basagan ng trip. Btw Glaiza, pwede ba kapag tinanong ako sa bahay niyo kung kanino galing to, pwede bang sabihin mong sayo?" Kung alam mo lang Rhian, sa akin talaga galing yan.

"Oo naman. Baka mapahamak pa ako eh" I said. 

"Thanks."

Wala na kaming imikan hanggang sa makarating kami sa bahay. At tulad nga ng sinabi sa akin ni Rhian, nag tanong nga si dad sa akin. At sinabi ko na sa akin galing yun. 

Tumaas na si Rhian, at naiwan ako sa baba, kasama si Dad.

"Sayo ba talaga galing yun? Kilala kita cha. Wala ka talagang kilig sa katawan, nagkataon lang nung nag propose ka" he said.

"Haizt. Pati ba naman ikaw dad?" 

"Bakit eh sa totoo naman ah!"

"Ok. Dad, sa akin talaga galing yun, pero hindi alam ni Rhian na sa akin talaga galing yun. Pinadeliver ko lang at pinalabas kong may secret admirer siya" sabi ko.

"Lakas mong makahigh school cha! Hindi bagay sayo anak. Umamin ka nga sa akin. Gusto mo na ba siya?" 

"I don't like her, because I love her dad" yan umamin na din ako sa tatay ko.

"Eh kung ganun, edi kasalan na!" He said.

"Dad! Ayokong magmadali ok? Gusto ko sana siyang ligawan at mapasagot" I said.

"Nililigawan mo nga siya, pero patalikod? Kung ako sayo. Ligawan mo ng paharap. Huwag kang patorpe torpe! Naku ipakita mo ang bangis ng mga De Castro, pagdating sa mga ganyan!" 

"Whatever dad, basta secret lang natin to ah! Kapag ikaw nadulas, ipapalugi ko yung company mo!" Bagbabanta ko sa kanya, pero tinawanan lang naman niya ako. Sabagay hindi ko rin naman kayang gawin yun sa kompanya namin.

"Ewan ko sayo dad. Sige taas na ako" I said.

Pagkataas ko nakita ko si Rhian na bagong ligo lang, amoy ko kasi yung ginamit niyang shampoo eh. 

"Maliligo lang din ako, and after ko, let's eat."

Pero mukhang hindi ako narinig, dahil nakatingin lang to sa salamin habang nagsusuklay at nakangiti nanaman. Grabe ganyan pala ang epekto ng bulaklak sa kanya. Bakit noong binigyan ko siya nung nagpropose ako, hindi naman siya ganyan. Haysss.

Dumiretso na lang ako ng banyo at hindi ko na lang muli siya kinausap.

Pagkalabas ko nasa kama na siya at nanunuod nanaman ng tv.

"Hoy Rhian. Halika na, kain na tayo sa baba. Baka nag hihintay na si dad dun" I said.

"Ah?" Tanong nito sa akin. Naku naman! Hindi ba to nakikinig sa akin? Jusko.

"Ang sabi ko, halika na at kakain na tayo sa baba. Ituloy mo na lang yan mamaya" I said. Hindi na ito sumagot, pero nagulat na lang ako bigla siyang kumapit sa akin.

"Shall we?" She ask.

"O-ok" Medyo nautal ako, sino ba naman kasing hindi magugulat sa ginagawa niya? Kinabahan tuloy ako.

Hanggang sa makababa kami, nakakapit pa rin siya sa akin. Maybe she's doing this para ipakita kila dad na malambing talaga kami sa isa't isa.

Habang kumakain kami, hindi pa rin mawala yung sigla sa mga mata ni Rhian, halatang masaya to. Napatingin naman sa akin si dad ng nakakaloko, pero hindi ko na lang pinansin yun. Biglang dumating si Alchris.

"Al, halika na!" Pag-yaya ko sa kanya.

"Mamaya na lang tol. Busog pa ako. Good eve po pala dad" hindi na sumagot si dad at pinagpatuloy lang ang pagkain nito. Nakatinginan naman kami ni Rhian dahil sa pag-iwas ni Alchris.

Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain hanggang sa natapos kaming tatlo. Pagkatapos namin, agad akong naghanda ng makakain ni Al, dadalhan ko na lang siya. Alam kong gutom yun. Kilala ko yun. Ayaw niya lang talagang kasabay si dad.

Pagkataas ko sa kwarto niya, nakaupo lang siya at nagbabasa ng magazine.

"Oh, tol! Alam kong gutom ka. Huwag kang magkunwari na hindi! Style mo bulok!" Sabi ko sa kanya. Tinawanan lang ako ng loko.

"Hahaha! Kilala mo talaga ako. Osige kakain na ako. Salamat ah." 

"Wala yun. Sige pasok na ako sa kwarto. Kainin mo yan ah!" I said.

"Grabe ka cha! Miss mo na agad si fiancee mo! Hinay hinay ka lang. Mukhang gabi gabi mo na lang pinapagod eh!"

"Ulol! Hahaha! Gago ka talaga. Sige na kumain ka na nga lang diyan. Maaga pa akong mangliligaw bukas!" Sabi ko sa kanya.

"Ligaw? Ikaw? Sino si Rhian?" Tanong nito.

"Oo eh. Kaso patalikod. Hahaha. Sige bye tol" hindi ko na siya hinintay na sumagot, agad na din akong lumabas sa kwarto niya, at pumunta ng kwarto ko, or I should say, kwarto namin.

Pagkapasok ko, nakita kong nakahiga na si Rhian at nanunuod. Humiga na din ako sa kama at nakinuod na din..

"Glai" biglang sabi niya.

"Bakit?" 

"Maganda ba ako?" Biglang tanong niya sa akin.

"Bakit mo naman natanong yan?" I ask,

"Sagutin mo na lang ang tanong ko. Am I beautiful?" 

"Yes. Yes you are. You're beautiful inside and out, you're perfect, adorable, cute and charming. And I am perfectly inlove with you" medyo mahina yung pagkasabi ko ng 'I am perfectly inlove with you' baka masapak ako nito. Hahaha

"T-thanks. Pero anong sabi mo nung last?" Shit, narinig ba niya ako? Kailangan kong makalusot, or else.

"Ah, ang sabi ko, ang perfect ko! Mas maganda pa rin ako sayo! Sige na tulog na ako. Good night. Sweet dreams." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Ewan ko sayo! Tse!" Sagot niya sa akin. Bahala talaga siya. Atleast nakalusot ako. Yun ang mahalaga. 

Alam kong nainis ko nanaman siya. Pero bahala siya. Hahaha! Naramdaman ko na bigla na niyang inoff yung tv, hudyat na ito na matutulog na siya.

Ilang saglit lang naramdaman kong tulog na siya, kaya agad akong tumingin sa kanya, para makita ang mukha niya ng malapitan.

"Maganda ka talaga Rhian. You're perfect, at tulad nga ng sinabi ko kanina, I am perfectly inlove with you. Good night. Sweet dreams, see you in my dreams." Agad ko na naman itong ninakawan ng halik,, sa ilong. Dun na muna sa ngayon. Hehehe.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Good Morning Al. Si Rhian?" Tanong ko, pagkagising ko kasi wala na to sa tabi ko.

"Good morning din. Ayun nasa pool" 

"Kumain na ba siya?" I ask.

"I think hindi pa eh. Andun siya nag papahot nanaman ata para sayo! Hahahaha"

"Gago ka talaga!" Sabi ko sa kanya.

Agad ko namang pinuntahan si Rhian, at napalunok ako sa nakita ko. She's really amazing. Tama nga yung sinabi ni Al, she's really hot.

"Ah. Uhmmm. Rhi-rhian. Let's go. Breakfast!" Sabi ko sa kanya, napatingin lang sa akin to ng malagkit, kaya agad na din akong pumasok sa loob at uminom ng malamig na tubig.

Damn! Kaliligo ko lang, bigla akong nag init. Shit lang! 

Tumabi na ako agad kay Alchris, at parang napansin naman niya na medyo tense ako. Ikaw ba naman ang makakita ng ganung kagandang katawan, hindi ka ba matetense?!

Pagkapasok ni Rhian hindi ko siya tinitignan kahit nakabalot na to ng robe. Wooo!

"Good Morning Al. Good Morning Glaiza" bati ni Rhian sa amin.

"Good Morning hipag, ang aga mo atang nagpahot ah. I mean ang aga mo naman nag pool!" Agad kong siniko si Al dahil sa sinabi niya, bunganga talaga niya. Grabe.

"Wala eh, namiss ko rin kasing mag pool, so ayun." She said. Hindi ko pa rin siya kinikibo dahil naiinitan pa rin ako. This is not good.

Buong kainan akong tahimik halos yung dalawa yung nag uusap, nakikinig lang ako.

"So Rhi. Mabait pa tong utol ko?" Biglang tanong ni Alchris.

"Yan? Hahaha. Hindi nuh! Wala ngang kilig sa katawan yan. Paano magiging mabait Hmft" bwisit talaga ah.. Kung alam mo lang Rhian.

"HAHAHAHAHAH! Narinig mo yun cha?! Wala ka raw kilig sa katawan?! Hahahahahhaa!" Isa pa tong si Alchris. 

"Ewan ko sayo. Sige na. Tapos na ako. Dun muna ako sa library. Marami pa akong tatapusin" 

"Oy pikon naman naman to!" Sabi ni Alchris sa akin.

Hindi ko na lang pinansin at agad na lang akong pumunta sa library,. Baka mabwisit pa ako.. Tinapos ko na lang ang kailangan kong tapusin. Bahala na.

Halos 3 oras na pala akong nasa library, at medyo sumakit ang ulo ko sa kakaaral ng mga papeles at kakabasa. Jusko! 

"Glaiza?" Biglang pumasok si Rhian sa library, may dalang pagkain.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Alam kong hindi ka nakakain kanina ng maayos, so ito, mag meryenda ka muna, medyo pagod ka ata eh." She said.

"Salamat, ilapag mo na lang diyan" sagot ko.. Agad din naman niya nilapag yung strawberry cake at black coffee sa table.

"Oy Glaiza! Tama nga muna yan, pagpahinga ka nga. Imbis nga pahinga ang ginagawa mo, inaatupag mo nanaman yang work mo!" 

"Eh bakit ba? Marami akong kailangan gawin eh. Baka nakakalimutan mo CEO ako, at malaking kompanya ang pinapatakbo ko" I said.

"Wala akong pakielam! Kainin mo to!" 

"Hoy! Andito ka sa bahay ko! Kaya huwag mo kong sigawan sigawan" sabi ko sa kanya.

"Tulad ng sinabi ko kanina wala akong pakielam. Kapag hindi ka nagpahinga at kumain, makikipaghiwalay ako sayo!"

"Oo na. Kakain na at magpapahinga!" Oo sumuko na ako, ayoko namang makipaghiwalay siya sa akin nuh. Ano siya sinuswerte, baka balikan pa niya yung tipaklong na yun.

"Kakain ka din pala eh. Daming arte. Tsk" hindi ko na lang siya pinansin at kinain ko na lang yung cake na hinihanda niya.

Natapos ko na din yung kinakain ko dahil ang sama ng tingin sa akin ni Rhian. Haizt ewan ko ba.

"Oh akin na yan, para mahugasan na yan" agad niyang kinuha yung pinagkainan ko.

Pagkalabas niya, bumalik ako sa pagwowork ko. Hindi naman na siguro niya ako papasukin ulit para tignan kung nagpapahinga ako.

Habang ginagawa ko ang trabaho ko, biglang tumunog yung phone ko, at hindi ko alam kung sasagutin ko pa ba. Si Sanya, tumatawag. Ano bang kailangan ng babaeng to.

G: Bakit?

Yun agad ang sinabi ko.

S: pwede ba tayong magkita?

G: bakit naman?

S: gusto lang kitang makita Glaiza. Pleasee.

G: ok. Anong oras?

S: ngayon na. This lunch, sa condo. Nagluto ako.

G:ok.

Agad ko ng binaba yung telepono ko. Ano naman kasi ang gustong mangyari ni Sanya. Gosh. Buti na lang kahit papaano ay kaibigan ko to..

Pumunta na ako agad sa kwarto ko para makapagbihis, nakita ko naman na nagbabasa si Rhian.

"Aalis ako. Kaya hindi ako dito maglulunch" I said.

"Bakit saan ka pupunta?" Tanong nito sa kanya.

"Sanya" yun na lang ang sinabi ko. 

"Hindi ka pupunta" biglang sabi niya,

"At bakit hindi namana ko pupunta?" 

"Kasi sinabi ko." Ano raw? 

"Rhian, may pag uusapan kami Sanya" 

"Ok" haizt. Ano bang problema nito

"Oh sige ganito na lang. Mamaya, pupunta tayo kay Mang Ben ok?" Biglang lumiwanag yung mukha niya sa sinabi ko.

"Ok sige. Alis ka na. Para makabalik ka na kaagad!" She said. Tumawa na lang ako. Jusko, ang dali lang palang suyuin to.

Iniwan ko na lang dun si Rhian habang nagbabasa ng magazine.. Ganda talaga eh nuh.

Umalis na ako at pupunta na ako sa condo ni Sanya. Hindi ko alam kung ba talaga ang gusto niyang sabihin.

Ilang saglit lang ay nakarating na ako doon.

"Ano bang kailangan nating pag-usapan?" Tanong ko sa kanya.

"Kain muna tayo Glaiza, nagluto ako ng adobo" she said.

Dahil nagluto naman siya para sa akin, edi sige. Kakain na lang din ako.

Natapos na din kaming kumain, kaya agad kaming pumunta ng sala.

"So ano ba ang kailangan nating pag-usapan?" I ask.

"Tayo. About us. Tayong dalawa Glaiza" she said.

"Sanya, ano ba. Baka nakakalimutan mo, pinaasa mo ko nung college tayo. Ano ba? Nababaliw?" 

"Glaiza, I'm sorry. Hindi ko naman talaga ginusto yun. Minahal kita, at hanggang ngayon mahal pa rin kita."

"Pero hindi na kita mahal.. Iba na ang mahal ko ngayon Sanya. Alam mo naman na bwisit na bwisit ako sayo, pero kahit ganun kaibigan pa rin kita." Nakita kong umiiyak na siya, pero kailangan niyang malaman ang side ko.

"Mahal mo ba siya?" Tanong niya sa akin at alam ko kung sino ang tinutukoy ko.

"Yes. I do love her. At itong pagmamahal ko sa kanya. I never felt it before." Masakit man, pero kailangan..

"I'm sorry Sanya. I have to go" hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad na akong umalis.

I check the time and it's almost 2:12pm pa lang ng hapon. So I guess, kailangan kong patunanyan kay Rhian na may kilig din ako sa katawan.

I went straight to Mang Ben, at sinabi ko sa kanya ang plano ko, at pumayag naman siya, buti na lang talaga meron talaga si Mang Ben.

After ko siyang kausapin, pumunta ako sa isang flower shop kung saan ko din binili yung bulaklak.. Sabi ko kukunin ko na lang mamaya.

Pumunta din ako ng mall, para mabili yung kailangan kong gamitin mamaya. At ng masigurado kong ok na ang lahat, agad akong bumalik kay Mang Ben.

Tinulungan naman niya akong mag-ayos, inayos namin yung set up. Magaling si Mang Ben, kaya mabilis namin natapos yung kailangan naming gawin.

Its almost 5:32pm, agad na din akong umuwi, excited na kasi akong makita si Rhian eh. 

Pagkadating ko ng bahay, agad akong tumaas at nakita kong tulog si Rhian. Kaya agad ko itong ginising. Ayoko naman masira yung plano namin ni Mang Ben nuh.

"Hey, Rhi. Gising, pupunta pa tayo sa plaza, kay Mang Ben, hinihintay na niya tayo dun" I said.

"Ok sige. Mag aayos lang ako." Agad naman itong pumunta ng banyo. Samantalang ako pumunta ako sa guest room para makaligo din. Amoy araw at pawis  na kasi ako eh..,

"Ready ka na" I ask.

"Oo naman, para sa isaw at kwek kwek!" 

"Hahaha! Ang cute mo talaga. Sige na halika na." Agad na akong nagdrive papunta don

At ilang saglit lang ay nakarating na kami. Pumunta kami kaagad sa pwetso ni Mang Ben, at nagulat naman si Rhian sa nakita niya. I made something special to her..

"Ano yan ba ang walang kilig sa katawan?" Tanong ko sa kanya. Napangiti naman ako ng nakita niya yung bulaklak na hawak ko.

"Oo na sige na, meron ka ng kilig sa katawan. Salamat Glaiza, this is my first time" she said,

"I will do everything, para maramdaman mo na lagi kang special"

"Me, special?" She ask.

"Oo, special child!" I said. Medyo biniro ko siya, dahil masyado kaming nagiging seryso, di pa man din ako sanay. Hahahaha.

"Whatever!" 

"Halika na kain na tayo" pag-yaya ko sa kanya.

Ang romantic ng place namin, simple lang, pati yung mga pagkain, simple lang din, ang kwek kwek and street foods ni Mang Ben.

Tuwang tuwa naman si Rhian. Mababaw lang talaga ang kaligayahan nito. Natutuwa talaga ako. Ibang klase ka talaga Rhian, napapasaya mo ko, without knowing it.

---

AN:

Hi guys, medyo nalate. Hahahaha! 😂

Don't forget to vote.

-A.B 

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 152 16
When the Star met the Moon in the middle of the night. I re-published it but changed NOTHING. excuse grammars or spellings :))
815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
225K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
267K 9.2K 37
Never expected that it'll happen again. Never expected that I'll be surrendering almost all of my firsts. Never expected that a single person could b...